Chapter 19
Chapter 19: Tables Have Turned
BLAKE'S POINT OF VIEW
NAPAHILAMOS ako ng mukha sa comfort room ng grocery store. Iniwan ko si Lala na nakapila sa counter dahil nahihiya ako sa ginawa kong kilos na pati sarili ko ay walang alam kung bakit naging ganoon ang reaksiyon ko.
Parang may kung anong nagtulak sa aking hilahin siya at ilayo mula sa lalaking iyon.
Kasalukuyan akong nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ng CR. Hindi gaya ng mga taong iniwan at nasaktan ang ipinapakitang repleksiyon ang nakikita ko sa salamin. Hindi ako nangangayayat at wala rin akong dark circles dahil hindi na ako nagpupuyat kakadamdam sa mga nangyari na.
It has been almost 10 days since she left at 3 weeks na si Lala sa bahay.
In fact, ang ipinagtataka ko ay hindi man lang bumisita si Paine sa panaginip ko. Noon kasi ay parati ko siyang napapanaginipan. Napapaginipan ko ang buhay naming dalawa. Pagkagising ko nga noon ay parati ko ngang isinasalaysay kay Paine ang mga nangyayari sa panaginip ko.
Sa mga panaginip ko, nasa future na kami. Paine's already pregnant with our first baby. In fact, kabuwanan na sana niya sa panaginip ko. I'm really excited na malaman ang gender ng bata. Sinabihan kasi namin ang doktor sa panaginip na sorpresahin na lang kami ng baby kapag lumabas na ito.
Baka kasi maging totoo ang mga nangyayari sa panaginip ko kaya abang na abang kaming dalawa ni Paine.
Pero pagkatapos ng insidenteng umalis siya ay nawala lahat ng mga panaginip na iyon nang parang bula. Walang kasunod.
Tiyak akong ngayong araw ay manganganak na o nanganak na sana si Paine sa panaginip ko, ngunit ano ang magagawa ko kung hindi na ako muling nanaginip pa patungkol doon?
Baka naman may kababalaghang nangyayari sa katawan ko?
Binalikan ko ang nangyari kanina. Hindi ko maipaliwanag kung bakit may namayaning inis sa loob ko habang nakatitig sa lalaking halos ipagsiksikan na ang katawan kay Lala. At ang mas nakakainis pa ay hinahayaan lang ni Lala na yakapin siya ng lalaking iyon.
Gaano ba sila ka-close at kinakailangan pang magyakapan?
Ang mas nakakainis pa ay naghihingi pa ng cellphone number ni Lala at plano pa talagang ibigay ni Lala na parang wala.
Sino ba siya sa tingin niya? Bakit bigla-bigla siyang sumusulpot sa harapan ni Lala? Bakit tila masaya si Lala na makita ang lalaking iyon? Mukha ba akong walang perang pambayad kung gustuhin man ni Lala na kumuha ng junkfoods o 'di kaya ibili siya ng ice cream?
Hindi ko talaga alam kong bakit ganito ang reaksiyon ko sa nangyari kanina. I've been acting so strange lately.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko nagustuhan na may ibang lalaking kasama si Lala. Hindi ko gustong may iba siyang kinakausap. Hindi ko gustong may iba siyang kayakap. Hindi ko gustong natutuwa siya sa ibang lalaki.
O baka dahil amo niya ako at habang nasa teritoryo at hawak ko pa si Lala, pagmamay-ari ko siya.
Habang ipinapasok ko ang mga binili namin sa kotse ay nagtaka ako dahil nakatunganga lang si Lala. Nasa harap lamang siya ng pinto ng shotgun seat at tila nag-aalinlangang pumasok.
"Lala. Ano pa ang hinihintay mo riyan? Pumasok ka na!" Dala yata ng pagkairita ko sa nangyari kanina ay 'di ko namalayan na napagtaasan ko na pala siya ng boses. Huli na bago ko napagtanto ang inakto ko.
Ngunit imbes na pumasok ay nagtaka ako dahil sa naging reaksiyon niya. Namumuo ang mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Para siyang isang batang nagtatago dahil natatakot sa tunog ng kulog.
Ano ang ginawa mo, Blake?
Sa halip na pumasok ay umupo siya sa gilid ng kalsada. Hindi ko mawari ang dapat kong gawin, kung dapat ba akong lumabas at puntahan siya o manatiling g*go.
Sa huli ay naisipan kong lumabas at puntahan ang kinauupuan ni Lala. Nakayuko lang siya at nagsusulat ng kung ano-ano gamit ang sanga na hindi ko alam kung saan niya nakita. Tumabi ako ng pagkakaupo sa kaniya.
"Sorry ulit." Sabi ko. Nag-angat siya ng tingin at nagkikislapan pa rin ang mga mata niya dahil sa luha. Hindi ko alam pero parang gusto kong pagaanin ang nararamdaman niya.
Parang gusto kong gamitin ang mga kamay na meron ako at pahiran ang kaniyang mga luha. Parang gusto kong abutin ang kaniyang makinis na mukha at pagmasdan ang mga nagkikislapang luha na mahulog bago pahiran ng panyo ko.
Sa huli ay kinuha ko ang panyo na nasa bulsa ko at ibinigay na lamang sa kaniya ng diretso. Mabuti nalang at parati akong may dala sa bulsa ko.
Imposibleng hahayaan niya akong gawin ang mga iniisip kong gawin sa kaniya.
Pinahiran niya muna ang kaniyang mga luha gamit ang aking panyo bago nagsalita, "Ano po ba ang problema niyo, Sir? May mga kinikimkim ka po bang problema sa loob mo na sa sobrang dami na ay naapektuhan na ang utak mo? Gusto niyo bang magpacheck-up muna at baka may nangyari na sa utak mo. Sasamahan kita, promise."
Tumawa ako dahil sa sinabi niya. Oo nga naman, nababaliw na ako sa mga pinaggagawa mo sa akin, Lala.
How can you be so adorable kahit kakagaling mo lang umiyak?
Nagpatuloy siya sa pagrereklamo, "Ang higpit pa ng pagkakahawak mo sa braso ko. Wala naman akong ginawang masama sa iyo ah. Mukha ba akong shopping cart na hindi nasasaktan kapag hinihila?" Oo nga, namumula ang pormang kamay na nasa braso niya. Napakag*go ko talaga.
"Wala kang ginawa pero ang lalaking iyon meron. Nakakainis ang presensiya niya." Bulong ko sa hangin.
"Pakiulit nga, Sir? Hindi ko narinig nang maayos ang sinabi mo." Umiling ako. Nandito na naman ang bibig kong kumikilos sa kung ano mang gusto niya.
"Wala. Guni-guni mo lang iyon."
Makalipas ang ilang segundo ay nagsalita muli si Lala. "Pero, Sir, naman. Pwede mo naman akong kausapin kung hanap mo ng taong mapaglalabasan ng mga frustration mo. Nandito lang naman ako parati, kailangan mo lang ako tawagin at mabilis kitang tulungan."
Kung tatanungin kita kung bakit mo ako nagustuhan, masasagot mo ba? Kung tatanungin ko kung bakit ganoon nalang ang paghanga ko sa mukha mo, nasasagot mo ba? Kung tatanungin kita kung bakit may mga bagay akong nararamdaman para sa iyo na hindi ko pa naramdaman noon, masasagot mo ba? Kung tatanungin ko sa iyo kung bakit ako naiinis sa pagiging komportable mo sa ibang tao, masasagot mo ba?
At ang panghuli, sino ang mas gwapo, mas mayaman, mas matalino at mas mabango, ako o siya?
Ginulo ko na lamang ang malambot niyang buhok, "No worries. Pagod lang siguro ako."
Inilahad ko ang aking kamay sa harap niya at nagsalita, "Tayo na. Pupuntahan pa natin ang mga damit na pinalabhan natin sa laundry shop."
"Or if you want, pwede tayong dumaan sa isang ice cream parlor na nasa malapit. Makakahintay pa naman ang labahan na iyon." I suggested. May branch akong malapit lang dito, it would be nice na bigyan siya ng pakunswelo.
"Ay! Okay na okay iyan, Sir." Siya pa ang unang naglakad patungo sa sasakyan. Ngunit pinigil ko siya.
"May pambayad ka ba? Wala akong sinabing libre ko." Pagbiro ko na nakaani nang pag-ikot ng mga magaganda niyang mata. Bumalik siya sa kinauupuan sa gilid ng daan at tinalikuran ako.
"Hey! I was just kidding!"
***
MABILIS lang kaming natapos sa ice cream parlor ko. Binilisan ko ang biyahe kaya nakarating agad kami sa laundry shop. Mabuti na lamang at nawala na ang masamang hangin sa pagitan namin.
Papunta na sana kami sa kotse ngunit may nakabanggaan akong babae. "Jeez!" Nagkalat ang laman ng kaniyang maliit na bag. Puro women's stuffs lang naman.
"Look, I'm sorry—" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil sinalubong ako ng yakap nitong babaeng hindi ko naman kilala.
Is she an ex-girlfriend of mine?
"Is this really you, Blake? Gosh! Hindi ko alam na rito lang pala kita makikita. I missed you!" This voice is very familiar. Kahit bahagyang lumiit ang boses niya ay hindi ko pa rin nakakalimutan kung sino ang may-ari ng boses na iyan.
"Who are you?" I asked para makasigurado. Baka nagkataon lang. May mga taong magkakatulad ang boses.
"This is your future wife, Kendara. The one and only."
"Kendara?" Nagtaka ako dahil wala akong maalalang kakilala na Kendara na pangalan.
She pouted, "I'm Kendara Delos Santos. Nakalimutan mo na agad ako? Nakakainis ka Blake ah."
Delos Santos?
Nanlaki ang mga mata ko na halos lumabas na dahil sa sinabi niyang apilyedo. "You're Kendro?"
"Blake naman. Kendara nga kasi. Ken.da.ra. How about we grab a coffee upang magkamustahan? I missed going on a date with you." Tanong niya. I really can't resist his charm. He's a brat pa naman at baka magtampo siya kapag humindi ako.
Kendro has completely changed. Pinahaba niya ang kaniyang buhok and he even applies make-up. May mga curves din akong nakikita sa katawan niya kaya mahirap talagang paniwalaan na lalaki siya.
Well, he's a gay guy. Obviously. Closeted siya noon.
"Wait. Who's this pretty boy hanging around with you? Is this your new boyfie?" Nagtaka ako sa tanong ni Kendara. Bakit pumasok sa isip niya na magboyfriend kami ni Lala? Doon ko na naisip na pareho pala kami ng suot na v-neck.
"At isa pa. Ang talim ng mga ibinabato niyang titig sa akin ah. Kulang nalang patayin ako gamit ang titig. Mukha ba akong masamang tao?" Kinuha niya ang salamin niya sa bag at tinignan ang sariling mukha. "Hindi naman ako mukhang masamang tao ah."
Nilingon ko si Lala upang malaman kung totoo ba ang sinasabi ni Kendara, ngunit nag-iwas lang ng tingin si Lala. Napangiti ako nang palihim sa 'di malamang dahilan.
We immediately went to the coffee shop nearby. I sat opposite Kendara and Lala's beside me.
"I'm Kendara Delos Santos, Blake's super duper pretty ex-lover. Atsaka I was a candidate for Ms. Universe!" Inilahad niya ang kamay niya kay Lala. Tinanggap naman ni Lala iyon ng may ngiti sa mga labi. "Lala."
Puro naman biro 'tong si Kendara.
Malaki ang kaniyang ngiti bago nagpatuloy sa pagsasalita. Ngunit habang patagal nang patagal ay nakakatakot nang tignan ang ngiti niyang iyan.
Parang ngiti ng isang taong handang gumawa ng kasalanan.
"Only Lala? Kaano-ano ka ba ni Blake? Ayusin mo, gayahin mo ang format ko." Sabi ni Kendara. Wala na talaga 'tong matinong sinasabi.
Tahimik ko lang na pinakiramdaman si Lala. Masama ang kutob ko sa susunod na mangayayari.
"I'm Lala, Sir Henry's..." Ano? Sir Henry's? Kaano-ano ko raw siya?
Matagal bago nagpatuloy si Lala sa pagsasalita. "... ano. A-Ah. Kasambahay lang ako. One and only." Yumuko si Lala nang ilang segundo dahil sa matinis na tawa ni Kendara at muling itinaas ni Lala ang kaniyang ulo, ngayon ay may nangongompetensiyang nang tingin.
Hindi ko alam pero nangangamoy delikado yata ngayon si Lala. Hindi ko maipaliwanag pero tila may nakikita akong may itim na usok na nakapalibot sa kaniya habang nakatitig kay Kendara. Parang tinubuan yata siya ng sungay at matataas na ngipin.
Is it possible na nagseselos siya?
Hindi ko alam pero tila may isang parte ng utak ko na masaya kung totoo mang nagseselos siya. Parang binubulong ng parteng iyon na mas paselosin pa siya kung totoo mang nagseselos siya kay Kendara.
Kendara chortled na hindi ko naman alam kung bakit, "Easy. I'm joking about that ex-lover thingy. Tinatakot lang kita ng kaunti. I'm just a childhood friend of him..." Kendara paused.
Nagtaka ako dahil nilingon ako ni Kendara at kinidatan.
Ibinalik ni Kendara ang atensiyon niya kay Lala kaya napatingin rin ako, "Stop that creepy smile of yours, Lala. At saka h'wag mo namang pilipitin itong kamay ko, kakapa-manicure ko lang nitong nails ko kahapon. Please refrain from physical abuse dahil hindi ako masokista. Hindi rin ako kontrabida at mas lalong hindi ko aagawin sa iyo si Blake." Mabilis na binitawan ni Lala ang kamay ni Kendara. Parang nahiya sa inakto.
Inaagaw? Mas okay sana kung totoo ngang nagseselos si Lala.
Ano na naman ba, Blake?
Napatango nalang ako nang tingnan ako ni Lala na parang ako pa ang sinisisi. I wasn't even planning on letting Kendara play his game. "Tumigil ka na sa jokes mo, Kendara."
Nagulat kaming dalawa ni Lala nang biglang tumayo si Kendara at hinawakan ang mga balikat ko at niyugyog ang mga iyon.
What now?
Nagsalita siyang muli, "Eeeehhh! I heard that you and Paine have officially broken up! I'm really happy for you, Blake. Mabuti at nakawala ka na sa hawak ng bruhildang iyon. Her potion has lost its effectiveness. I, now want Lala to replace Paine's throne in your heart. Ako ang magiging cupid niyo!" Napangiwi nalang ako sa kabaliwan niya.
AS1: AFFECTED GUN
ALL RIGHTS RESERVED
©2021
@FORTYUNEYT
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro