Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

Chapter 17: Confused Blake

LALA'S POINT OF VIEW

"I'll take responsibility, be it money or anything that you want. Just promise me that you won't tell this to others." Pera? Ang gusto ko ay iyong totoong panagutan mo ako. 'Yun bang pakakasalan...

Pero hindi ito isang storyang nababasa mo sa mga nobela. Hindi ako babae kaya mas lalong hindi niya ako papatulan. In simple words, hindi kami magkakatuluyan.

"Kalimutan? Sige po, walang problema..." Huminto ako at huminga nang malalim, pilit na pinapagaan ang aking kalooban. At isa pa, dinadalaw na rin ako ng umiiyak na mukha ni Ma'am Paine sa panaginip ko.

"Atsaka kaunting bagay lang iyon, atleast makatulong po ako sa inyo." Huminga ako nang malalim bago nagbitaw ng isang joke, "1 million kung pu-pwede."

Ngumiti siya sa akin ngunit hindi na iyon umabot sa mata, "1 million? Wala na bang mas tataas pa riyan, Lala?" Nanay mong mukhang aso! Kung wala akong nararamdaman para sa iyo ay baka kinuha ko na iyang isang milyon at lumayas na rito kaso matigas pa sa bakal ang ulo ko.

Ngumiti ako nang pagkatamis-tamis sa kaniya. Kinailangan kong umakto para hindi na siya mangulit. "Alam kong kasalanan ko rin iyon, Sir. Quits nalang kasi ninakaw ko naman iyong kwintas mo at hindi mo ako ipinakulong."

"N-No—"

Hindi na ko siya hinayaang tumutol, "Tulog muna ako, Sir. Pagod na pagod ang katawan ko." Kilala ko si Sir, marunong iyang makiramdam.

Tumalikod ako ng higa kay Sir at ipinikit ko ang aking mga mata. Pinilit kong matulog ngunit hindi ko magawa kaya nagpanggap ako hanggang sa narinig ko na ang pagtunog ng isinasaradong pinto. Umalis na siya.

Nagsalita kaagad ako, "S-Sure po Sir, kakalimutan ko po. Maliit na bagay." Tila ba dinadamayan ako ng mga bagay na nakapalibot sa akin dahil hindi nila ako pinuna, sa halip ay binigyan nila ako ng katahimikan.

Kusang lumabas mula sa nag-iinit kong mga mata ang aking mga luha. Bumababa sila mula sa aking pisngi hanggang sa aking leeg nang may kabagalan at puno ng kalungkutan. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko, kumuha ako ng unan na nasa malapit at itinakip sa aking mukha. Humagulgol ako. Ngumawa. Nag-ingay.

Ang sakit! Ang sakit sa dibdib!

Sana tumakbo nalang ako noong malapit na ako sa gate. Sana kinuha ko na ang opurtunidad na iyon na makatakas sa magulong bahay na ito. Sana itinuloy kong palayain ang sarili ko imbes na magpaubaya at bumalik.

Gusto kong manuntok! Gusto kong ipalabas itong nararamdaman kong sakit. Ilang beses kong sinabihan ang sarili ko na walang magagawa ang paghanga sa isang taong ang mga mata ay nasa iba. Hindi ako nakinig. Hindi ko pinakinggan ang sariling babala ng aking utak. Nagpadala ako sa binubulong ng aking puso na isang napakalaking pagkakamali.

Ngayon, ano ang napala ko? Tila namatayan ako ng puso. Tila kinuha ang naghihingalo kong puso pagkuwa'y inilagay niya sa kaniyang komportableng kamay nang ilang segundo bago dahan-dahang inilagay sa sahig at tinapak-tapakan hanggang sa masira at madurog.

Nahulog na ba talaga ako kay Sir Henry? Sa sariling amo ko?

Kailangan ko na bang latiguhin ang sarili ko dahil baka sa future ay utusan ng puso kong sirain ang relasyon ni Ma'am Paine kapag nagkabalikan na sila?

Hindi ko ninais maging ganito.

Magagawa ko nga bang kalimutan ang mga nangyaring tila isang panaginip na tumatak yata sa kaluluwa ko? Maaari ko bang kalimutan ang isang pangyayaring pati ako ay hindi makapaniwalang nangyari nga?

Kung madali mang makalimot ay sana nakabalik na ako sa pagiging straight. Tila yata mas magulo pa rito kaysa sa buhay ko sa Baryo Sigasig.

Magagawa ko nga bang kalimutan ang mga pangyayaring hindi ko naman pinagsisihan?

'Yan ang problema eh. Hindi ko na mautusan ang puso kong huwag mahulog. Hindi ko na mautusang huwag maging tanga. Hindi ko na maiwasang tumibok sa maling tao.

Hinayaan ko ang unan na mabasa. Mabuti nalang at hinayaan ako nito na buhusan siya ng nag-uumapaw na hinagpis. Hinayaan kong maubos ang mga luha na parating nagbabadyang kumawala mula sa aking mga mata. Ibinuhos ko ang lahat ng sakit at sama ng loob sa pamamagitan ng pag-iyak.

Bakit ba kasi nangyari ito sa akin? Bakit sa lahat ng taong pwede kong magustuhan ay isang lalake pa? Bakit sa isang lalake pang may minamahal ng iba?

Baka kulang pa ito? Sulitin niyo na habang may luha pang lumalabas sa aking mga mata. Magkapakasaya kayo habang nakakaramdam pa ako ng sakit.

Mas idiniin ko ang aking mukha sa unan at hindi na gumalaw pa. Nag-isip ako ng mga nakakatawang bagay kaso hindi nila kayang buhatin ang sama ng loob ko ngayon.

Sa sandaling iyon ay nakatulog ako at ninais na hindi na muling gumising pa.

***
BLAKE'S POINT OF VIEW

NANG makalabas ako sa pinto ay tila binagabag ako ng aking konsensiya. Tila bubuyog na bulong nang bulong sa aking tenga.

Was I too harsh?

Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko. Basta ang nakatatak lang sa isip ko ay hindi dapat ito makarating kay Paine. Hindi ko hahayaang malaman niya ang nagawa ko.

Naging mali ako dahil gumamit ako ng tao upang makapaghiganti sa ginawa ni Paine.

Inaamin ko na umaasa pa rin akong bumalik sa akin si Paine kaya ayaw kong malaman niya ang nangyari. Selfish ako nang wala sa lugar.

Ngunit hindi talaga tumitigil ang konsensiya ko. Oo na, mali na ako. Pero noong may nangyari sa amin ni Lala ay nakaramdam ako ng kaunti ngunit kakaibang saya. Noong hawak-hawak ko na siya sa aking bisig ay naging komportable ako. Noong hawak-hawak ko ang kaniyang mga kamay ay tila nakaramdam ako ng ginhawa.

"Blake."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang balikan ang paraan ng pagtawag niya sa aking pangalawang pangalan. Napakasarap pakinggan sa tenga at tila nakakapanindig balahibo. Naalala ko pa yata kung paano nag-ingay nang malakas ang puso ko matapos niyang sabihin ang isang salitang iyon.

Nagustuhan niya naman ang nangyari, 'di ba?

Nagtaka ako dahil hindi naman ganito ang naging epekto ni Paine sa akin noong una kong hinayaan siyang tawagin akong Blake. Basta hindi ko talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko kapag nasa malapit si Lala.

Kinuha ko ang pitsel na nasa loob ng ref at nilagyan ng malamig na tubig ang baso para naman lumamig ang utak ko at hindi na mag-isip pa ng mga bagay-bagay patungkol kay Lala. I fished my phone out of my pocket.

Come to think of it, bukas na pala naka-schedule ang pagbabasa ng last will ni Lolo. God, I'm getting tired of everything.

***
April 25, 22 days after Bartholomew Patrick's passing...

PAGKARATING ko sa lugar ay nandodoon na si Yoshiro, as expected sa masunuring anak ni Uncle Yohan. Nakatayo lang siya sa gilid kasi he hates attention. May pagka-introvert kasi siyang tao. Maybe I should greet him first.

I walked towards his direction, "Yosh!" Nilingon niya ako, "O, Blake. Napaaga ka yata, himala naman. Hindi ka naman ganiyan noon. What changes your mind?" Hindi ako ganiyan kaaga noon kasi mayroon pa akong Paine.

I laughed at him, "Gusto kong masimulan agad para matapos. Matatapos talaga 'to agad kapag mabilis na dumating ang kambal."

Soon enough, Rail Jirhua enters. Nagtaka ako dahil iba ang pabangong ginagamit ngayon ni Rail. I was about to call him pero umupo kaagad siya sa isang vacant na upuan. I noticed na tila nagpapiercing rin siya sa kaliwang tenga kasi namumula pa na ipinagtataka ko dahil sa pagkakaalam ko sinabi niya noon na sa kanang tenga lang daw siya magpapa-piercing.

Maybe he changed his mind.

Tinabihan ko siya. "O, Blake kanina ka pa nakarating dito? That's new." Nakalimutan kong hindi pa pala namin nakikita si Ream.

(I won't write anything patungkol sa mga legalities sa pagbabasa ng last will and testaments dito sa chapter. Let's assume na nabasa na. I'm sorry dahil wala talaga akong kamuwang-muwang. Nagsearch ako kaso baka mamisinform ko kayo which is ayaw kong mangyari so let's fast forward.)

Rail complains, "Lolo must be out of his mind! Ang dami niyang pinapagawa. Kung hindi niya lang hawak ako sa leeg baka nasa kama pa rin ako ngayon. Kahit wala na siya, napaka-manipulative pa rin niya. Who would have thought na makakaisip pa siya ng ganitong gimmick?"

Walang nagside comment ukol sa sinabi niya. Rail's right. Maybe Lolo's the definition of the word evil. Or forget the word 'maybe'.

Hindi na ako nagulat nang marinig ang mga pinapagawa ni Lolo. Same lang naman sa minessage niya noon na dapat na mag-stay ng 100 days si Lala sa bahay ko ta's ang clue sa password ng file ni Paine ay makukuha lamang kapag naaccess ko na ang file ni Lala.

Regarding sa sobreng binanggit niya sa message ay wala akong nakuhang golden ticket, nasa tatlo na iyon, out na ako sa karera. Wala rin naman akong interest na sumunod sa yapak ni Lolo.

This is still frustrating!

Speaking of a hundred day stay ni Lala sa bahay ko, I must say na nag-attempt siyang magresign sa trabaho. How can I make him stay kung magiging awkward ang pagitan namin?

Ano ang gagawin kong pagtrato sa kaniya?

I frustratingly destroyed my hair. Kasalanan ko talaga 'to, in the first place. Inilagay ko pa sa alanganin ang buhay naming dalawa ni Lala sa future. Inilagay ko sa alanganin ang pagiging magkaibigan namin.

I'm really a jack*ss.

After an hour, nakabalik na ako sa bahay. Ipinark ko na ang kotse sa garahe. Medyo nalulungkot pa rin ako dahil sa wala na si Paine rito.

Maybe I should check Lala's condition first.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto dahil baka natutulog pa si Lala. Balak ko lang naman tingnan kung mataas pa rin ba ang kaniyang lagnat.

I'm surprised dahil ganoon pa rin ang posisyon niya noong iniwan ko siya sa kwarto. Kumuha ako ng thermometer and thank goodness dahil bumaba na ang kaniyang body temperature.

Akmang aalis na sana ako kaso biglang nagsalita si Lala, "B-Blake, sana ako na lang." Nilingon ko siya and I am surprised nang makita siyang umiiyak pero nakapikit naman ang kaniyang mga mata. He's sleep talking.

Dahil sa sinabi niya ay nailagay ko ang sarili ko sa malalim na pag-iisip.

Nangyari na ba talaga ang kinakatakutan kong mangyari? Ang mahulog ang loob ni Lala sa akin?

Gusto kong diretsuhin siya na hindi ko gustong minamahal ako ng kapwa lalaki. Gusto kong balaan siya na huwag nang palalimin pa ang kaniyang nararamdaman para sa akin kasi tiyak akong masasaktan talaga siya. I know na hindi malabong mahulog ang loob niya sa akin since ako lang ang nakakausap niya after he arrived here in the city.

But come to think of it, Blake is a very common name. Napakaraming Blake sa buong mundo. Maaaring hindi ako ang tinutukoy niya and he always addressed me as 'Sir Henry'. It must be a coincidence.

Pero napag-isip-isip kong kung ako nga ang tinutukoy niyang Blake ay ako ang may advantage sa sitwasyon. Maaari kong gamitin ang feelings ni Lala para mapanatili siya ng isang daang araw and that will solve my problem.

Oo nga naman, bakit naman hindi? Ito ang sa tingin kong mas epektibong paraan para mapanatili siya sa bahay.

Kapag nakakita ka ng pagkakataon, why not kuhain mo agad? Sabihin niyo nang masama ako but I was just being practical.

Kapag natapos na itong lahat ay matatanggap ni Lala ang pasasalamat ko, makakaalis na siya sa bahay na ito at bibigyan ko siya ng ibinigay ni Lolo na pamana para makahanap siya ng bagong trabaho o 'di kaya'y makapagtayo ng bagong business. That's it! May paggagamitan nga ako ng pamana mo, Lolo!

Win-win naman ang sitwasyon, 'di ba?

Kinakailangan kong mag-isip ng isang solidong plano. Isang planong magiging daan sa pagbabalikan namin ni Paine. Saka na ako hihingi ng tawad kay Lala kapag nandito nang muli si Paine.

Kumuha ako ng malinis na bimpo. Tinuyo ko ang mga luha niya at hinawakan ang kaniyang magaspang na mga kamay.

Nagsalita ako kahit tulog ang taong kinakausap ko, "Isang daang araw lang ang hinihingi ko sa iyo, Lala. Gusto ko pa ring malaman ang totoo at buo mong pangalan, but I need to know about Paine more." If I can access Lala's file, Paine's file will be the next to be accessed.

Ngumiti ako sa kaniya kahit alam kong mapayapa lang siyang natutulog. "Alam mo ba kapag bumalik na si Paine, tutulungan kitang makamove-on sa akin, kung totoo mang nagkaroon ka ng feelings sa akin."

Hindi ko alam kung bakit pero tila may isang parte ng utak ko ang hindi sang-ayon sa huli kong sinabi. Isiniwalang-bahala ko na lang iyon.

Bago umalis ay iniayos ko muna ang magulo niyang buhok at itinaas ang kumot papunta sa leeg niya.

AS1: AFFECTED GUN
ALL RIGHTS RESERVED
©2021

@FORTYUNEYT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro