Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Happy 2.3K reads, 275 votes, 73 comments and 93 followers!

***
Chapter 15: Hickeys

LALA'S POINT OF VIEW

LAHAT ng santo gabayan niyo sana ako upang makarating ako nang matiwasay sa langit. Tanggap ko na pong tapos na ang misyon ko rito sa lupa kaya kunin niyo na po ako bago ako malapa ng taong nasa aking harapan.

Pilit kong iniiwas ang aking mga mata mula sa kaniyang tila tumatagos hanggang kaibuturan na mga titig.

"How are you?" Halos mapatalon pa ako sa biglaan niyang pagtanong. Trip manggulat ano?

"P-Po?" Tanong ko upang makasiguro.

"How are you feeling? May masakit ba sa katawan mo?" Hindi ba siya nao-awkwardan na itanong iyan? Nakakahiya talaga!

"P-Po?"

Ayun na, itinigil ko na ang kaka-po ko dahil nakakunot na ang noo ni Sir Henry.

"Ah. Eh. A-Ano. O-Okay lang. Medyo masakit nang kaunti. Pero promise kaunti nalang, Sir." Kinurot ko ang aking kamay. Nakakailang pag-usapan.

"Okay na okay po talaga ako. Kahit itaya ko pa lahat ng sweldong ibinibigay mo sa akin." Mas pinagbutihan ko ang pangungumbinsi ko sa kaniya. Paniniwalaan niya naman siguro ako, 'di ba? Mas kapani-paniwala pa 'tong sinasabi ko ngayon kaysa noong may nakitang ebidensiya sa bulsa ko at talagang matigas akong tumanggi na hindi ko iyon ninakaw.

Pero sa totoo niyan, no sir, ang sakit ng balakang ko. Ambigat ng pakiramdam ko. Para akong lalagnatin at masusuka. Gusto kong matulog nalang habangbuhay.

Mas kapani-paniwala pa 'tong pagsisinungaling ko ngayon kaysa noong may nakitang ebidensiya sa bulsa ko at talagang matigas akong tumanggi na hindi ko iyon ninakaw.

Kagagawan mo ito! Ikaw dapat ang magdusa. Eh, sino ba ang naging marupok ah?

Ay oo, tumugon pala ako. Pasensiya na, nadala lang sa bugso ng damdamin.

Sinagot ko ang sarili ko. "Pero kahit na! Ba't kasi ang tagal niyang natapos? Ang sakit naman kasi dahil napakalaki niya. Secret nalang sa size."

Ampanget ng sarili kong utak, kinokontra na naman ako.

"No, I'll call my personal doctor to check on you..." Sir Henry paused. "How can you walk freely outside as if nothing has happened? Binalak mo pang umalis. Hindi mo ba napansin na you have a lot of red marks all over your neck. Malapit nang mag-umaga, people will definitely notice them." Napatakip ako ng bibig. Oo nga naman, hindi siya tumigil sa kakasipsip ng iba't-ibang parte ng katawan ko kahapon. Bakit parang kasalanan ko pa?

"I-Ikaw kaya ang may kasalanan." Nakakahiya! Ang lakas pa ng loob kong lumabas ta's ganito pala ang ayos ko. Mas lalong ayaw ko nang lumabas sa bahay na 'to pagganiyan at hindi na mag-aabala pa si Kuya Guard na i-blacklist ako sa gate.

"Let's settle this issue kapag tapos ka nang i-check-up." Nagdial na siya sa kaniyang telepono.

Hmp! 'Pag ako ang sinisi niya sa nangyari, makukutusan ko talaga siya mamaya... sa panaginip.

"San Diego, I need you here." Paunang salita ni Sir sa taong nasa kabilang linya. Ganiyan ba ang dapat na bungad kapag may tinatawagan? Hindi ba hi at hello iyon?

"Puro ka naman San Diego, San Diego riyan, Blake. May first name ako, Philip!" Ano 'yon bed voice? Witwiw. Shekshi. Mukhang kakagising pa lang ng lalake na nasa kabilang linya at tila nabulabog sa biglaang pagtawag ni Sir.

Sabi ko naman kasi h'wag nalang siyang mag-abala.

Biglang may ibang boses ang nasa linya, "Phil? Bakit gising ka na, ang aga pa ah. Sino ang kausap mo?" Boses ng isang lalake na tila kasama noong unang nagsalita na si Philip.

"Wait there, Blake. Isasama ko si Raf papunta riyan tutal ginising mo na rin naman siya. This must be serious kasi madalang ka lang kung tumawag. Sig—" Pinutol bigla ni Sir ang tawag at inilagay ang cellphone sa lamesa. Walang modo. Baka may iba pang sasabihin iyong tao eh.

Tumayo ako, "Magluluto muna ako, Sir. Hindi ka pa nag-aalmusal." Ang buti ko talaga, ano? Masama sa kalusugan ang magpalipas ng gutom.

Siyempre palusot ko lang iyan kasi ang awkward talaga.

Inilagay ko ang aking bag sa mesa. Binuksan ko iyon at kumuha ng isang turtleneck at walang pakundangang naghubad doon. Nakakahiya naman kung parati niyang makikita 'tong mga pantal-pantal.

Ramdam ko pa ang mainit na titig ni Sir Henry na pinagpipiyestahan ang leeg ko pababa sa nakahubad kong katawan. Tumalikod ako sa kaniya at isinuot nang mabilis ang turtleneck shirt.

Nagsimula akong maghanda ng mga kinakailangan para sa lulutuin kong pancit canton de joke sinabawang itlog pala. Iyon nalang kasi madaming itlog sa cupboard.

Nakakatawang isipin na nandito akong muli sa bahay na ito, agluluto muli para kay Sir Henry at pinagsisilbihan siyang muli na parang nakasalalay ang buhay ko. Nakakatawang nandito na naman ako upang masaktang muli.

Okay lang, sanay na akong magtiis.

Nang itapon ko ang mga eggshells ay nagulat ako nang makita ko ang pamilyar na kulay ng sticky note. Kakulay noong isinulat ko kanina. Itinapon niya sa basurahan.

Bakit naman?

Tinapos ko na lang ang pagluluto at baka kung saan pa mapunta ang mga tumatakbo sa isip ko. Inilagay ko sa isang bowl ang tatlong scoop ng sinabawang itlog. Mabuti kasi sa katawan ang mainit-init na sabaw sa umaga. Kinain agad ni Sir iyon na ipinares sa kanin na nasunog niya.

Siyempre sino pa ba ang nagsaing noon, eh wala na ako sa bahay mula kanina pa.

Titig na titig ako sa reaksiyon niya sa luto ko. Nandito na naman ang nakakatuwa niyang reaksiyon. Atsaka mabuti hindi na nito naalala ang adobong iniluto.

Inamoy niya muna ito bago dahan-dahang hinigop ang sabaw. Pagkatapos ay naging magana ang kaniyang pagkain. Subo nang subo siya ng kanin. Nag-extra rice pa siya. Bilib ako sa sarili ko.

Hindi siguro mapait 'yong ibang kanin.

Nagmumukha siyang pagod na pagod na asawa na kakagaling lang sa trabaho at nilutuan ng masarap ng kaniyang asawa.

Asawa? Kay ganda sanang pakinggan kung magmumula sa sariling labi nito pero napakaimposible nitong mangyari. Napakaimposibleng maging asawa ng katulad niyang straight. Pero libreng mangarap.

Nananaginip siguro ako na nakamulat ang mga mata.

Kagutom namang tignan ang isang taong sarap na sarap na kumakain. Plain lang kaya ang lasa ng mga luto ko, ano.

Hays. Siya kumakain, ang nagluto nakatayo lang. Baka pwede namang magpalit ng pwesto, oh?

"Join me." Sige na nga, hindi na ako magpapakipot pa, Sir. Marami pa naman akong binubuhay... na bulate sa tiyan.

Ang tagal kong hinintay ang mga salita mong iyan, Sir. Hindi mo alam, may plato, kutsara't tinidor na akong itinago sa likuran ko.

"We will talk later." Bakit pinaalala mo pa? Pakiusap kalimutan mo na iyan. Baka 'di ko makakain nang maayos ang dalawang itlog ang nasa plato ko.

Mabilis akong umupo. Hindi ko pala nagawang mag-almusal dahil nagmamadali ako kanina. Ngayon ko lang naramdaman na gutom na gutom na pala ako. Para akong inubusan ng inerhiya kahapon! Kulang nalang maglupasay ako rito kaso gusto ko pa ring gampanan ang pagiging professional ko.

Ayan kasi plano-plano pang umalis, gusto rin naman palang mag-stay.

Hindi maaaring manghina ako sa tabi niya baka sabihin niyang inlababong-inlababo ako sa kaniya.

Nevermind, ibalik natin ang atensiyon sa nakakatakam na itlog at sabaw. Kumakaway na sila sa aking paningin. Andito na, paparating na ako! Paparating na ang nagluto sa inyo!

Isusubo ko na sana ang isang kutsara ng kanin kaso may nag-doorbell. Iniwan ko na lang ang aking upuan upang tingnan kung sino ang nasa labas.

Tiisin ko muna ang gutom.

Pagbukas ko sa gate nakita ko ang dalawang lalaki. Nakapulupot sa bewang ng lalaki ang mga braso ng lalaking matangkad.

"Hey!" Pagtawag sa akin ng gwapong tuko na nakapulupot sa isa pang lalaki. "Ikaw 'yong katulong ni Blake? Papasukin mo na kami upang matapos na agad ang gusto niyang ipagawa." Wow, nagmamadali?

Tumango ako at nilakihan ang pagbukas ng gate. Siya siguro 'yong tinawagan ni Sir base sa boses. Ang gwapo naman. Pero mas gwapo pa rin si Sir para sa akin.

Puri nang puri ayan tuloy kinuha ang puri.

Inalalayan ng lalaking nakausap ko ngayon ang lalaking kasama niya. Sanaol. Sumunod na agad ako sa kanila pagkatapos kong i-lock ang gate.

"Blake! What do you want me to d—oh. Kumakain pala kayo? Sama na kami. Nagugutom na rin si Raf eh. We rushed here because something dangerous might have happened. Tapos makikita kong kumakain ka lang pala rito at nagpapasarap? Idedemanda ka namin kapag hindi mo kami pinakain." Mabuti nalang at marami akong nilutong itlog.

Kumuha agad ako ng dalawang plato at dalawang pares ng kutsara't tinidor at ibinigay sa kanila. Nagtimpla na rin ako ng juice para diretso na. Mayaman naman si Sir kaya okay lang magtimpla ako nang magtimpla kapag may bisita. Umupo na sila kaya inilagay ko na ang mangkok na malaki sa gitna ng super habang mesa. Nagsubuan pa ang dalawang bagong dating na lalake.

Magjowa?

"Wow, ang sarap naman nito." Yumuko ako, parang nahihiya. Hindi naman gaano kasarap, slight lang.

Ngayon na nasa malapit na siya mas natitigan ko siya, ang ganda niya pala kahit lalaki siya. "Ah. I forgot to introduce myself, ako si Raphael. You can call me Raf. And itong walang modong lalaking kasama ko, this is Philip, asawa ko."

Nanlaki ang mga mata ko.

Nakakamanghang makakita ng tila perfect na relasyon ng dalawang lalaki, "Ay, ako po si Lala. Ang ganda po ng relationship niyo hehe. Stay strong po." Hindi ko maiwasang mainggit. Sana ganoon din kami ni Si—.

Wala.

Ngumiti si Phil, "Siyempre naman, ako pa ba? Dahil sa aking taglay na kaperpektuhan ay baliw na baliw ang asawa ko sa aki—hey! Bakit mo ako kinurot?!" Napasigaw bigla si Phil. Napalakas siguro ang pagkurot ni Raf.

Naawa ako sa kaniya base sa ipinapakitang ekspresyon ng mukha niya. Mukhang nasaktan talaga siya. O nagpapaawa lang siguro.

"Naninigaw ka, Phil? Naninigaw ka?" Medyo pataas na boses na tanong ni Raf. Inilagay niya ang akaniyang mga kamay sa kaniyang balakang.

Naiilang na tumawa si Phil, "Hindi Raf. Kumakanta lang. Lalalelali~"

"H'wag ko talagang maririnig iyang tono mong iyan, Philip! Kapag narinig iyan ni Baby Xanti! Naku! Mapapatay talaga kita!" At doon na nawala ang kasweetan nila. Sige lang, ipagpatuloy niyo lang iyan. Nakikinig ako at natututo. Para sa aking kinabukasan.

Hoy, maghunusdili ka, Lala! Hindi magiging kayo! Maiiwan ka paring mag-isa. Maiiwan kang nakatanaw lang sa malayo!

Oo na. Tama ka naman parati.

"Yes sir, I will not do it again. Baka patulugin ako sa labas ng kwarto niyan eh. I can't afford to sleep without you by my side." Sumaludo pa si Philip ni Raphael. Ganito pala iyong sinasabi nila na under de saya, ano? Nakakatuwa naman.

"Mabuti naman at alam mo." Ngumiti lang ng tipid si Phil sa akin. Tila nahihiya sa mga nangyari.

"By the way Blake, bakit mo ba ako ipinatawag ng maaga? Inaatake ka pa rin ba ng hika mo? I thought nawala na." Nagtatakang tanong ni Phil kay Sir Henry.

Hikain pala 'tong si Sir? Hindi ko naman nakitang hinihika siya ta's wala rin iyong taga-bigay ng hangin, iyong mukhang laruan.

Ano ngang tawag doon? Meron ang classmate ko noon niyan eh. Inparper? Inbarber? Ingarter? Inha— inhaler? Ay oo, inhaler nga! Wala akong nakita kahit isang inhaler dito sa bahay.

Baka naman ayaw niyang mag-alala si Ma'am Paine or itinago niya iyon sa huling kwarto na hindi ko maaaring pasukin?

Gaano ba kalala ang hika niya at kinailangan niya pa ng personal doctor? O sadyang mayaman lang talaga?

"N-No, hindi na ako hinihika." Mabilis na pagtanggi niya at nilingon ako, "Si Lala ang gusto kong ipacheck-up sa iyo. Tutal doctor ka naman, baka alam mo ang gagawin." Nahihiya akong napayuko. Kahit kaunting pahinga lang, okay na ako. Nakakahiya naman kina Raf at Phil.

At isa pa baka malaman niyang may naganap na anuhan sa amin ni Sir Henry.

Tumutol ako, "Wala po, h'wag kayong mag-alala. Pwede na po kayong umalis. W-Wala pong problema. H'wag na kayong mag-abala pa. Kung gusto niyo, pwede niyong dalhin sa bahay 'tong sinabawang itlog." Pinaglaruan ko ang aking mga daliri sa kamay habang nakayuko.

"No, Lala. You need to be checked! Baka may mangyaring masama sa iyo if we don't take action." Pagpipilit pa ni Sir Henry. Ano ba kasi ang kalagayan ng mukha ko at ipinipilit niya talagang ipacheck-up ako? Feel ko naman hindi dumugo ang ilong ko para ganiyan siya mag-alala.

"No, Sir. Fine ako. Fine na fine. Okay na okay. Masyadong kang OA. Malakas yata ako. Mas malakas pa ako kaysa sa tatay mo—" Anong nangyayari? Bakit biglang bumibigat ang katawan ko? Bakit bigla akong nahihilo? Para akong dinuduyan bigla. Kaagad kong hinigpitan ang pagkakahawak sa lamesa.

Lumilindol ba? Ang lakas naman yata?

"Check up lang naman, Lala. Okay lang naman para sa akin. I don't mind, kahit libre ko pa sa iyo dahil napakasarap ng luto mo." Nangungumbinsing saad ni Philip ngunit nanlalabo na ang aking paningin kaya hindi ko na siya nasagot pa.

"Lala!!!" Huli na dahil tuluyan ko nang naipikit ang mga mabibigat kong mga talukap.

AS1: AFFECTED GUN
ALL RIGHTS RESERVED
©2021

@FORTYUNEYT


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro