Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Happy 1.99K reads mga Mare.

***
Chapter 14: Aalis Na Ako

LALA'S POINT OF VIEW

MABILIS akong bumangon sa aking pagkakahiga. Kahit humupa na nang kaunti ang sakit sa bewang ko ay masakit pa ring gumalaw. Masakit rin ang butas ko sa ibaba na sumalo ng lahat ng pag-ulos ni Sir.

Siyempre kaunti lang 'yung humupa.

Hinawakan ko ang aking mata at napagtantong namamaga ang mga iyon. Umiyak pala ako buong gabi? Ikaw kaya ang brokenhearted at inano ng isang malabrasong ano, 'di ka iiyak niyan?

I hereby confirm that I am now gay for him! For Sir Henry only!

Luh.

Sapakin niyo na ako't lahat ay hindi na mababago pa ang mga nangyari na. Itinakdang magkita kami ni Sir. Itinakdang mahumaling ako sa kaniya... sa kabutihan niya at pagiging tuso niya. At itinakdang mabiyak ang puso ko, hindi iyon maipagkakaila.

O puso nga lang ba ang nabiyak?

Kahit pa pagsisihan ko ang lahat ng mga nangyari na ay wala na akong magagawa pa. Kung kayo kaya ang ilagay ko sa posisyon ko, kakayanin niyo ba?

At isa pa, sinong hindi makakagaanan ng loob sa kaniya, eh pa-fall naman iyon.

Hindi naman mababago ang katotohanan na siya lang ang nakakagawa ng mga bagay na bago lang para sa akin. Siya lang ang may kakayahang hardcore na patibukin ang puso ko na halos ikabingi ko na. Siya lang ang unang taong nagparamdam sa akin ng mga tutubi sa tiyan. Siya lang ang taong nae-excite akong makita.

Siya lang, ang heartbroken kong amo!

Siya lang ang taong binibigyan ko ng buong pag-aalaga at atensiyon. Hindi naman ako ganito ka-asikaso sa mga girlfriend at nagdaang girlfriend ko maliban sa first love kong si Precious. Bukod sa trabaho ko nga ang pag-asikaso sa amo ko ay hindi naman lahat ng katulong pinagbubutihan ang mga trabaho nila.

Inaamin kong gusto kong makita ang tuwang-tuwa at nalilibang niyang mukha. Feeling ko, nadagdagan ako ng kompiyansa sa sarili.

Tinanaw ko ang malaking wall clock na nakasabit sa dingding. Alas kwatro na pala. Hindi na ako nag-abala pang iligpit ang aking higaan. Nagmamadali kong isinilid sa bag ko ang aking hindi naman gaano karaming damit panloob. Kumuha ako ng isang ballpoint pen at isang pad ng sticky note na parati kong ginagamit kapag may nilalakad ako sa labas upang bumibili ako ng mga gamit at pagkain dito sa bahay.

Date ngayon? April 24 na pala?

Nagulat pa nga ako nang ilabas ko kahapong umaga ang alkansya ko kasi hindi na mahulugan ng 500, iyon pala puno na. Ang laki ng halaga kasi papel na pera lang ang laman noon. Ang dami ko na palang naipon na pera sa kakatrabaho ko rito. Ang laking tulong na noon upang may magamit ako kapag maghahanap muli ako ng trabaho. Nakapagtapos naman ako ng highschool.

Hindi na siguro nila ako iba-background check kung sa ukay-ukay ako magta-trabaho.

Mag-iiwan ako ng singkwenta katabi ng iiwan kong note. Wala lang, kapag may time kayo ibigay niyo sa jowa ko na pinababayaran ang sabon at shampoo. Si Sheryl.

Sinasabi ko kasi sa inyo na kuhanin niyo na akong kasambahay sa inyo dahil gusto ko nang umalis na sa mapanakit na lugar na ito.

Dahan-dahan kong pinaggalaw ang aking kamay. Nanginginig ang mga ito habang nakahawak sa ballpen. Pinipigilan kong huwag umiyak at baka madumihan ko ang mamahaling papel, tig-siyetenta kasi.

Ngunit hindi ko na naman napigilan ang mga luhang kusang bumababa mula sa aking mga mata. May bago ba? Wala naman.

Ang kamay ko na lang ang lumapit sa papel. Bale para akong na-stiff neck. Kailangan ng distansiya eh para 'di mabasa ng mga luha ko ang papel.

Hello sir, hindi na po ako nakapagpaalam nang maayos. Sorry po at nagising kayo nang walang nakahandang almusal. Sorry po sa lahat ng mga nagawa't ginawa kong kamalian. Ingat po kayong dalawa ni Ma'am Paine rito ah. Alam ko namang magkakabalikan kayo eh. Kaya maghanap na lang kayo ng bagong kasambahay, kaso hindi na kayo makakahanap ng katulad ko. One of a kind kaya ako. Napakabuti mo sa akin, Sir, sana sa sunod na mga katulong ay ganiyan rin. Thank rin you po at binigyan mo po ako ng pagkakataong tawagin ka po sa ikalawang pangalan mo po. Ang cool lang bigkasin, Blake. Joke lang po. Sorry at salamat po sa lahat. Paalam.

-LALA

Napakarami ko pa sanang gustong ihabilin pero tinipid ko nalang ang mga ginamit kong mga salita dahil baka maubusan pa ako ng oras. Humihikbing naglakad ako patungo sa center table at idinikit ang sticky note roon sa gilid ng vase sa gitna. Pinahid ko ang sipon at mga luha ko gamit ang suot kong t-shirt.

Akala ko tatagal pa ako rito ng isang taon.

Alam kong magsisisi ako na umalis ako kapag nakalayo na ako. Tiyak na makokonsensiya ako kaagad dahil iniwan ko si Sir Henry na lugmok at walang kasama rito sa malamig na bahay. Ipagdasal ko na lang na magkabalikan sila ni Ma'am ASAP.

Ganda ng buhay ko, 'no? Simple lang at 'di makabuluhan. Puro iyak, wala namang napapala.

Mamimis ko ang paglalaba't pagluluto. Mamimis ko ang banyo. Mamimis ko ang tawanan namin. Mamimis ko ang mumunting kilig at saya na siya lang ang nakapagbibigay. Mamimis ko ang mga halaman ko sa likod. Mamimis kong kumain ng mamahaling pagkain. Mamimis ko ang masarap na gatas na inilagay ni Sir sa cereal niya, binibigyan niya kasi ako tuwing umaga.

Malamang kapag wala lang si Ma'am Paine ako nag-iinarteng hindi kumain ng cereal. Sinusubuan kasi ako ni Sir kaya naging marupok.

Sabi ko sa inyo, pa-fall siya.

Mamimis ko ang mga maliliit naming usapan. Mamimis ko ang pasulyap-sulyap na tingin ni Sir nang patago na hindi ko alam kung bakit. Mamimiss ko ang boses niya. Mamimiss ko ang amoy niya na halo na sa detergent na ginagamit ko. Mamimis ko ang mouth wash na ginagamit niya na super bango. Tanungin niyo nga kung saan ko inamoy, sa bibig ba o sa mismong lalagyan ng mouthwash?

Secret.

Mamimis ko ang kaniyang napakagwapong mukha. Mamimis ko ang lahat ng tungkol kay Sir Henry. Oo na, moment of truth ko na iyan. H'wag niyo na akong batuhin pa ng mga sumbat.

Oo na, ako ang gumawa nito sa sarili ko.

Bago ko pa maisipang hindi na ipagpatuloy ang plano kong umalis at itapon 'tong bag na ito ay sinimulan ko na ang paglalakad patungo sa pintuan. Successful naman kaya nakalabas na kaagad ako sa gate. Naglakad ako papunta sa labasan nitong subdivision nang hindi gaanong mabilis at hindi gaanong mabagal. Sakto lang.

Malamang! Ang sakit ng kasu-kasuan ko! Binugbog yata ako nang hindi ko alam kahapon eh.

Hindi magkandaugaga ang ulo ko kakalingon sa lahat ng kabahayan na nadadaanan ko at itinatatak sa aking isipan na nakapasok pala ako sa isang magarang subdivision.

Pwede kayang magbunot ng bermuda grass dito para gawing souvenir?

Wala kasing asong tumatahol dito kapag may dumaang estranghero dahil hindi sila mga cheap na aso. Tila ba tinuruan sila ng good manners and right conduct.

Proud ako sa sarili kong nagawa ko pang magbiro sa kasagsagan nitong malamig na umaga.

Mamimis ko rin ang amoy na pangmayaman na maamoy ko lang sa mga tao rito. Plus mamimis ko ang napakapayapa kong buhay rito sa subdivision. Amoy basura kasi sa Baryo Sigasig at ugaling basura rin ang mga tao roon.

4:30 na.

Ayan na! Patungo na ako sa kalayaan. Makakamit ko na ang ligayang noon pa man ay gusto ko nang makuha. Magiging secured na ang puso ko at lalaki ang tiyansang 'di na 'to mababasag muli. Napakalapit ko na sa entrance.

Kaunti na lang. Isa, dalawa, tatlo... lima.

"Ay Sir, may tumawag po kasi sa amin ngayon-ngayon lang. May I know po kung anong pangalan niyo?" Napatalon ako sa gulat ako dahil may biglang tumutok na flashlight sa akin. Akala ko aswang na.

May aswang bang nagdadala ng flashlight?

"Grabe ka naman sa akin, Kuya, hindi ako magnanakaw ah." Sagot ko sa kaniya.

Iyong poging guard pala na 12 hours na nagbabantay rito. Bale ibang sekyu na rin pagkatapos ng 12 hours niya. Parati ngang nakangiti sa mga pumapasok eh, ang sakit niyan sa panga.

Ampagod maging approachable, ano?

Naranasan ko rin iyan noon sa trabaho ko kay Boss Popi kaya ramdam ko ang pagtitiis niya.

Tinitigan niyan lang ako nang mataman.. Wala naman sigurong mawawala kung sasabihin ko ang pangalan ko. "Lala po ang pangalan ko." Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Sir, may VIP na resident po kasing nagreport na nawawala raw ang kanilang kasambahay, iniwan daw ang sinaing na nasusunog. Hula raw ni Sir may plano rawng magtanan kasama ang jowa niya. Tumakas ngayon lang habang natutulog pa ang amo. Hindi pa raw nakakalayo eh." Muling ngumiti sa akin ang guard, halos 'di na makita ang mga mata.

Sanaol chinito.

Nagpatuloy siya, "Hulaan mo nga Sir kung anong pangalan ng kasambahay na tinutukoy." Andito na naman tayo. Mukha ba akong tagahula ng mga taong gustong makipagtanan?

Napakamot ako, "Pass muna ako, Kuya Guard. Malapit na magliwanag eh, nagmamadali kasi ako. May appointment ako sa doktor ko nang maaga." Busy akong tao, asawa ako ng pinakasikat na female lawyer sa buong pinas. Joke lang.

"Hulaan mo muna kasi."

"Juswa at Kurtney ang pangalan ng mga magtatanan, 'no?" Nababaliw na ba ako at naibulalas ko ang pangalan ng malanding mag-jowang kapit-bahay ko noon sa Baryo Sigasig?

Tila nanigas si Kuya Guard sa kaniyang kinatatayuan, "Kuya, ano na? Tama po ba ang sagot ko? Nagmamadali na talaga ako, sorry. Alis na ako ah. Hindi ako pwedeng magtagal." Na-speechless ata siya dahil tama siguro ang hula ko.

"Paano mo nakilala ang taksil kong girlfriend at ang mukhang asong ipinalit niya sa akin?" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa biglaang pagsagot niya.

Magkakilala pala sila? Ang liit nga naman ng mundo.

Hinawakan ni Kuya Guard nang mahigpit ang aking braso, "By the way, Lala ang pangalan ng kasambahay na pinapahanap ng VIP na resident, Sir LALA."

***
NAKAKAINIS! Sobra kung kumapit itong si Kuya Guard. Wala talagang planong patakasin ako. Pabalik na kami sa bahay ni Sir Henry kasi hindi na ako maaaring palabasin, sinabihan na niya ang iba pang kasama niya na huwag na huwag akong patatapakin sa labas nitong subdivision kasi baka matuloy daw ang pagtatanan.

Kailan pa ako nagsaing ng kanin? Sinong taong iyan ang nagsabing may ka-tanan ako? Sino iyan?! Sino?!

Sabihin niyo nga kung sino ang may lakas na loob na sirain ang pangalan ko?

Pipilipitin ko ang leeg... ng manok na deep fried!

Ang mas nakakainis pa ay pinipilit ako nitong guard na sabihin kung anong kalagayan ni Juswa at Kurtney. Gusto niya raw manghingi ng closure at buhok daw ng dalawa dahil ipapakulam niya.

Ganito raw kasi iyon gumala raw si Kurtney nang walang pasabi sa kaniya tas bigla na lang daw naglaho ng parang bula. Naiwan daw siyang nakatulala araw-araw, iniisip na baka may nangyaring masama kay Kurtney kaso kalauna'y inisip nalang niya na naglandi... oo naglandi na raw ito.

Baliw raw kasi sa mga gwapong mukha si Kurtney.

Putak ng putak si Kuya Guard hanggang sa makita ko na ang kamatayan ko. Kitang-kita ko ang pumanaw kong aso kasama ni Kamatayan. Kitang-kita ko na ngang may lalaking nakatayo sa gate.

Si Sir Henry! Malamang, wala namang iba.

Tahimik na pumasok sa bahay si Sir Henry pagkakita niya sa amin. Itinulak na rin ako ni Kuya Guard papasok sa gate, "Huwag ka nang mag-isip na magtanan ah. Hindi tama iyan. Bata ka pa, marami ang maapektuhan sa mga ginagawa mong kilos. 'Di iyan dapat tinotolerate." Speechless ako hanggang sa umalis na si Kuya Guard. 'Di na ako bata, bente-singko anyos na ako.

Wala na akong choice kun'di pumasok. Napalingon ako sa gilid ko at nakitang hindi pala tumuloy sa pag-alis si Kuya Guard, bagkus ay nakangiti itong kumakaway sa akin. Hawak-hawak ang isang strap ng aking bag gamit ang kaliwang kamay, pinihit ko na ang doorkny gamit ang kanan kong kamay.

Sa sandaling nabuksan ko na ang pinto ay kaagad na bumungad sa aking ilong ang amoy ng kung anong nasusunog.

Dumiretso kaagad ako sa rice cooker. Ang kanin nga! Mabilis kong in-unplug ang rice cooker at inilagay kaagad sa lalagyan ang kaning narecover ko, tinanggalan ko ng mga nasunog na parte.

Hindi dapat tayo magtapon ng kanin, ano. Andaming mga taong hindi nakakain.

Promise hindi talaga ako nagsaing. Ni hindi nga ako kumakain mula pagkagising ko dahil nagmamadali ako.

Nagulat ako bigla dahil may nabangga ang braso ko na matigas na bagay sa likod. Halos mawalan ako ng dugo sa katawan dahil hindi pala bagay ang nasa likod.

Paano siya napunta sa likod ko?

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at pinagpawisan na ako ng malapot dahil naramdaman ko ang kaniyang hininga sa aking batok. Maya-maya pa ay bumigat ang aking balikat.

Huwag mong lingonin. Huwag!

Sa huli ay nilingon ko ang taong ipinatong ang kaniyang ulo sa aking balikat. Halos hindi na ako humihinga dahil isang hibla na lamang ang pagitan ng aming mga mukha. Muntikan pang magkabanggaan ang aming mga ilong.

Dug dug.

"Lala." Nanuot sa aking ilong ang napakabango niyang hininga.

Katapusan ko na ba?

AS1: AFFECTED GUN
ALL RIGHTS RESERVED
©2021

@FORTYUNEYT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro