Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

Chapter 12: For Paine and Lala's File

BLAKE'S POINT OF VIEW

SA sandaling nilisan na ni Lala ang living room upang bigyan kaming dalawa ng privacy ay mabilis na nagsalita si Rail, "Have you checked your Slybox yet?" Pagtukoy niya sa application na parating ginagamit ni Lolo noon kapag nangungumusta o 'di kaya'y nagpapaalala sa amin na may importanteng pagtitipon na magaganap.

Out of curiosity, I fished my phone out of my pocket. Nagulat ako nang may number one na nakasulat sa gilid ng messages na icon. Si Lolo lang ang parating laman dapat nitong messages kasi private application ito na ginawa mismo ni Yoshiro, iyong pinsan naming anak sa labas ni Uncle Yohan.

Pinindot ko ang messages at napamaang dahil si Lolo nga ang laman niyon. Binuksan ko na ang mensahe niya. Nasend ito a day after ng pagpanaw ni Lolo.

LOLO NIYONG MACHO

Blake apo, I have assumed that by the time na matanggap mo itong mensahe ay wala na ako. Ito ay nakaschedule na ipasa sa inyong mga apo ko kapag 20 hours na akong hindi nagpopost sa Instagr*m ko. Alam kong alam niyong imposibleng malingat ako o hindi kaya ay tamaring mag-update ng profile ko sa Instagr*m at magpost ng mga pictures ko kaya alam na kaagad nitong app na pumanaw na ako.

I just wanted to say na sana hindi niyo balewalain ang pamanang gusto kong ibigay sa inyo. For future purchases este purposes... basta may paggagamitan kayo nitong pera ko. Atsaka hawak-hawak ko ang mga sekreto niyo kaya wala kayong choice na hindi tanggapin.

Hindi ka naniniwala, ano? Edi don't... biro lang. Pagpasensiyahan niyo na ako, nakikiuso lang.

Kasunod niyan ay isang file na may pangalang 'Kay Blake'. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at idinownload kaagad ang file. Kinakabahan ako dahil kahit napakabait niyang si Lolo ay wala pang kung sino man ang may kakayahang hulaan ang mga bagay na tumatakbo sa kaniyang isipan.

Napakuyom ako ng kamao dahil sa larawan na nakita ko sa loob ng pdf file. Isang larawan ko na nakatitig sa natutulog na si Lala na nangyari pa noong papunta pa kami rito sa siyudad. Meron ding nakangiti ako nang malapad habang nakatitig na naman kay Lala at ngayon ay kumakain na siya.

Hindi niyo ako masisi dahil napacute naman talagang tignan ang mabibilog niyang pisngi dahil sa pinuno niya ang kaniyang bibig.

May picture rin noong pumasok ako sa maid's quarter at kasunod noon ay larawan ko na parang manyak na inaamoy ang buhok ng natutulog na si Lala.

May picture rin ng aking ice cream shop na mukhang bago ko palang iyon naitayo, meaning pinakauna kong branch. Akala ko ay walang kung sino man sa pamilya ko ang nakakaalam or atleast hindi pa nila nalalaman.

Wala talaga kaming takas sa mga galamay ni Lolo.

I scrolled down a bit at napag-alamang mayroon pang isang file na para kay Lala. Nakasaad na mabubuksan lang ito kapag nagstay ng 100 days si Lala sa pamamahay ko. May mga pinabantay raw kasi siya na may access sa account niya rito sa Slybox at nakamasid lang daw ang pinababantay niya sa amin palagi.

Hindi ko na alam kung pati pagligo ba ay may mga mata si Lolo sa amin.

Therefore, alam niya pala lahat ng nangyayari kasama na ang pagpapatira ko kay Lala sa bahay ko para sa aking pansariling dahilan.

I don't know kung kami lang ba ang nakakaka-experience ng hagupit ni Lolo o nauna na sila Dad.

At ang panghuling file ay nakapangalan kay Paine. Gusto ko sanang buksan kaso nang pindutin ko kinakailangan ng password.

Ayan nga. Sorry apo kung pinasundan ko ang bawat galaw ninyo. Gusto ko lang naman na kamustahin ang kalagayan niyo. Alam niyo namang naghahanap ako ng tamang apo na susunod sa aking yapak. Alam niyo naman na seryoso ang aking mga salita. Never akong nagbiro patungkol sa issue na ito, apo.

Kapag nakuha niyo na ang mana ninyo, may imemensahe muli ako na isang sobre na nakatalagang mabasa niyo pagkatapos niyong makuha ang mana ninyo. Kapag may kulay gintong ticket kang nakita sa loob ng sobre ay ikaw ang sa tingin kong dapat na papalit sa akin.

Una pa man ay hinahangad na ng aming mga magulang ang kayamanan ni Lolo. Wala kasing napili si Lolo sa tatlong magkakapatid kaya pipili na lang si Lolo sa amin na mga apo niya. Ewan ko rin kay Lolo kung bakit wala siyang napili.

Nagalit man ang mga anak ni Lolo ay wala silang magagawa kaya pinipilit ni Dad na magpabango ako kay Lolo. Kinakailangan daw na ako ang makakuha sa yaman ni Lolo. Iniisip nilang isa itong paligsahan at ang magwawagi ay makakakuha ng yamang walang katapusan na matagal na nilang inaasam.

May itinatago rin daw kasing businesses si Lolo sa black market. Nabanggit ni Dad na unlimited daw ang pera ni Lolo sa kaniyang bank account. That's why he said that he needed me to win. Tila ba nabubulag silang lahat sa pera.

Who would want dirty money?

Kaya itinago ko ang mga negosyo na pinundar ko dahil si Dad ay sakim sa pera. Baka pakialaman na naman niya gaya noong sa highschool pa ako at patago akong nagtitinda ng mga pinabaon ni Lolo na mga branded na chocolates. Kinuha ni Dad ang lahat ng pera ko na inilagay ko sa alkansya ko noon. Ugali ko kasing mag-ipon kasi inaalala ko parati ang kinabukasan. Pero sa isang iglap, nasa kamay na pala iyon ni Dad.

Ayaw ko nang muli pang mangyari iyon.

May inilagay na petsa si Lolo kung kailan ang gaganaping pagbabasa ng last will niya. And it happened to be the day after tomorrow, April 25.

Isinasaad na lahat doon na kaming magpipinsan ay nakatanggap nitong mensahe kaya alam kong alam ni Lolo ang mga itinatago naming sekreto. Hawak niya kami ngayon sa leeg.

Wala namang tao na walang itinatagong sikreto.

Tumawa ako ng pagak at nagsalita, "I guess, we are not given a chance to oppose." Andami kong mga tanong sa isip ko na alam kong si Lolo lang ang makakasagot.

Gusto ko ring malaman ang totoong pangalan ni Lala. 'Yung buo. Tiyak naman akong nahulaan na ni Lolo ang mga nangyayari ngayon.

"Mukhang ito ang dahilan kaya nawawala si Ream. Mukhang may nabasa yata siyang kung ano sa message ni Lolo prior to his disappearing. Wala ka bang narinig mula kay Tito James? Maybe he knows something." I asked.

"I know meron silang itinatago sa akin pero hindi ko alam kung ano. They won't let me know anything." Sagot ni Rail na nagpalaglag ng pag-asa ko.

Nilingon ko si Rail Jirhua, "How's Paine?" Nakakapangamba dahil napakabilis akong pinalitan ni Paine at talagang pinsan ko pa ang ipinalit. Gusto kong tanungin si Paine ngunit hindi pa ako handang harapin ang pagmumukha niya.

I don't know if I should feel sorry for myself or feel disappointed dahil hindi ko alam na nagkulang pala ako.

Ngumisi si Rail, "Kailan ko ba pinabayaan ang mga babae ko? First week pa lang eh, sa second week ka na mangamba. You might as well consider to buy tissues kasi we don't know kung kailan ang eksaktong araw na idi-dispose ko siy—"

Muling dumapo ang aking kamao sa kaniyang nakangising mukha. Napaka-arogante niya talagang tao. Nakakainis ang ganiyang pagtato niya sa mga babae.

It's possible that he got attached to someone bad. Maaaring naimpluwensiyahan siya ng mga kinikilala niyang kaibigan. If only I had the time, I would separate him from them by finding evidence of their misdoings.

"Bakit kasi ako pa 'yung pinuntahan ng Paine mong iyan. Sinabi ko kasi sa iyo sa simula na pera lang ang habol niya sa iyo. Tsk. 'Di ka naman naniwala." Bagot na sabi muli ni Rail. Nagtunog disappointed pa ang g*go.

I can't believe him!

Aambahan ko sana siya muli siya ng suntok kaso pumagitna si Lala sa aming magpipinsan at kung nandito pa si Ream, siya ang pipigil sa amin.

"Bibitawan ko na si Paine. Uutusan ko siyang balikan ka. Ang ingay niya sa kama eh." Muling kumunot ang noo ko. Uutusan?! Ginawa niya pang isang hayop.

Hindi na ako nagtaka kung naikama niya talaga si Paine o ano. Ang tinik rin nitong mokong na ito. Hindi sa pinagdududahan ko si Paine na ganoon kadaling makuha pero alam na alam ko lang naman ang pasikot-sikot ng bituka nitong pinsan ko.

Rail c licks his tongue, "Tama naman ah. Maingay siya. Kidding aside, ayaw ko nang kantiin pa ang pinsan ko. Babae lang iyan, marami pang ganiyan sa mundo. There a lot out there that may thrill me. Atsaka si Ream lang ang tumatakbo sa isip ko. Ang kambal kong iyon, nasaan na ba?" Bihira lamang magsalita ng ganito si Rail. Noon nga ay marami itong sinulot na mga girlfriend ko. Ngayong fiancee na ang sinulot niya ay mukhang 'di na siya pinapatulog ng konsensiya niya.

Mabuting pinsan naman iyang si Rail kaso halang ang kaluluwa kapag babae na ang pinag-uusapan. Napakaraming babae na ang pinaiyak niyan. Napakaraming lalake ang nawalan ng girlfriend dahil sa kaniya. Pero kapag sa tingin niyang mali na talaga ay hindi na niya palulubhain pa.

Base sa sinabi niya, si Paine ang lumapit.

Napakaimposible mang isipin pero alam kong hindi nagsisinungaling si Rail. Medyo hindi lang talaga kapani-paniwala ang mga pagbabagong nangyayari kay Paine dagdag pa na pera lang pala ang habol niya sa akin kaya niya ako sinagot agad.

Kaya ba ayaw ni Mom kay Paine ay dahil alam nito ang pinaplano ni Paine? Ako lang naman ang nagpumilit na pakasalan siya dahil akala ko'y nagmamahalan kami. Pinaglaban ko pa siya sa mga magulang ko.

G*nago lang pala niya ako.

Idagdag pa ang mga file na ibinigay ni Lolo patungkol kay Lala at Paine. Kinakailangan kong malaman ang nilalaman ng mga iyon.

***
UMALIS na si Rail because he has an appointment daw at naiwan ako rito sa personal bar ko sa bahay na nakalagat sa basement ko. Umiinom na naman ako, this time 'yung nananapak. I meant the liquor.

Gusto kong kuhanin nalang ang pamana ni Lolo para matapos na lahat ng mga tanong ko at para mahanap ko na si Ream pero may parte rin sa akin na binabalaan ako.

I wish Dad won't interfere with my choice.

Nagpatayo na ako ng personal bar dito upang hindi na kailangang lumabas-labas pa at saka iwas aksidente pa. I didn't know kung ilang minuto na ako rito basta I'm enjoying being with myself.

Nakakailang baso na rin ako.

Natigil ang pagmumini-muni ko nang makarinig ako ng mahihinang yapak,  "Sir, hehe. Pwedeng makiinom din. Problemado kasi ako ngayon eh. Nag-pm kasi sa fb ko iyong jowang naiwan ko sa Baryo Sigasig. Galit na galit dahil hindi ko pa raw nababayaran iyong sabon at shampoo kong ginamit. Ngayon palang niya nalaman na wala na ako roon. Nakakainis lang ah, mukha ba akong babalik pa roon sa Baryong iyon?" Ngumiti ako sa kaniya.

Andito pa pala si Lala, ano? Parati siyang nandito sa tabi ko, regardless the fact na nagta-trabaho siya rito ay parati niya akong dinadamayan na hindi ko alam kung aware ba siya o hindi sa mga kinikilos niya. Or baka ganiyan lang talaga siyang tao.

I want to know about him more.

Tumabi siya ng upo sa akin sa kaliwang stool. "Ang ganda talaga nitong bar mo, Sir. Sorry nakikigulo po ako sa iyo. Makapal ang mukha ko at alam ko iyon." Ikaw ang maganda, Lala.

Damn! Cut the crap, Blake!

Tumawa ako, "Hindi mo ako ginugulo, Lala. Kapagod ding parating mag-isa kaya nagpapasalamat ako sa presensiya mo ngayon." Hindi ba sinabi ko na gusto ko ang pagiging mag-isa ko rito? Pwes, I'll take my words back.

"Talaga? Kung nanaisin ko pong uminom kasama niyo ay okay lang po ba sa inyo?" Matagal bago ako sumagot. Tinitigan ko muna ang kaniyang nagkikislapang mga mata. Tila isa siyang batang excited sa kung ano mang ibibigay ng kaniyang ama sa kaniya.

Sa mukha niyang iyan, makakahindi pa ba ako?

Napakaganda talaga mukha niya to the point na kinababaliwan ko na ito at hindi na mawala-wala sa sistema ko. Nang magsimula ng magtaka ang kaniyang mukha ay tsaka na ako tumango.

Nagsimulang uminom siya sa baso ko. Isa lang kasi ang nilabas kong baso. Iyon palagi ang iniinuman ko. Wala rin namang bumibisitang kaibigan kaya isa lang ang ginagamit ko. Sinabihan ko rin kasi siya na kahit 'di ko masyadong ginagamit itong personal bar ko ay dapat i-maintain niya pa rin ang kalinisan nito.

Nakatitig lang ako sa mukha niya habang patuloy siya sa pagsasalita ng kung ano-ano. Patuloy na bumubuka at nagsagsasara ang kaniyang makipot na bibig.

Paano kung si Lala na lang kaya? Mukha naman siyang babae. Napakaganda. Nakakaakit.

Tuwing nakikita ko si Lala ay para niyang inaakit ang buong pagkatao ko. Para akong inaanyayahan na angkinin siya ng buo. Nakakahibang talaga ang epekto niya sa akin. Straight ako pero hindi ko maipaliwanag ang saya at kaunting pagnanasa kapag nakikita ko ang mukha ni Lala.

Does this mean I'm bisexual na?

Wala akong alam kung bakit nilalagyan ko ng malisya ang pagtingin ko kay Lala. It's like I'm a lion that is starving for so long, then a lion also came, looking so deliciously that it makes me want to eat him.

"Ang sarap!" Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng pinadaan niya pa ng kaniyang dila ang sariling labi.

That's it! Gender doesn't matter anymore!

Kinuha ko ang basong hawak niya at inilagay sa counter. Inabot ko ang kaniyang makinis na mukha. "Let's shut this pretty mouth."

Dinilaan ko muna ang mga labi ko bago ko sinelyohan ang kaniyang mga mapupulang labi gamit ang sarili kong labi. "Binabaliw mo ako, Lala. Binabaliw mo ako."

Siguro'y ito ay dahil lango na ako sa alak kaya ganito nalang kalakas ang nararamdaman kong kakaiba para sa kaniya. I long for him even more.

Nagulat pa ako dahil hindi siya umiwas. Hindi niya ako tinulak sa halip ay ikinawit niya ang kaniyang mga braso sa aking leeg na para bang nagpapadala nalang sa agos.

Mahina at nagsusumamong bumulong ako sa punong tenga niya, "Lala, I want you."

"I badly want you."

AS1: AFFECTED GUN
ALL RIGHTS RESERVED
©2021

@FORTYUNEYT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro