Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

Chapter 10: Bakit Siya Umiiwas?

BLAKE'S POINT OF VIEW

"AGHHH!" Iyon ang masakit na salitang unang lumabas sa bibig ko pagmulat ko ng aking mga mata.

What the?! Bakit ang sakit ng ulo ko? May kumot pa na nakabalot sa aking katawan na siyang dahilan kung bakit naging mahimbing ang pagtulog ko. Nakita ko sa orasan sa gilid ko na alas nueve na, hindi ako nagising ng alarm. Tiniis ko ang kirot at bumangon.

Mas masakit pa nga ang pagbaon ng bala sa likod ko noong niraid namin ang isang pugad ng mga drug addicts kaysa sa simpleng hangover.

That's it! Uminom ako until I passed out.

Pero how did I end up here, rito sa kwarto ni mom noon? Hindi pa naman gusto ni mom na pinapatulugan ng kahit na sino itong kwarto niya kasi magbabakasyon daw siya rito sooner or later.

I literally can't remember what happened to me after I passed out. I tried really hard to remember everything pero roon lang talaga sa bar ang naaalala ko. May mga babaeng lumapit sa akin but I ignored them all. Umalis ako sa bar after ng ilang baso then poof ! 'Yun lang ang naaalala ko sa nangyari kahapon.

I did go to the bar to have fun. Para makahanap na rin ng babaeng kasama kong palipasin ng gabi. I don't know why pero nawawalan ako ng gana noong nakita ko ang mga labi ng mga babaeng lumalapit sa akin, which is very strange.

Inaamin ko, palikero ako noon at hindi pa talaga nawawala sa sistema ko ang patikim-tikim.

And then suddenly, instead of remembering what had happened yesterday, ibang bagay ang inatupag ng utak kong wala sa sarili. May ibang labi ang nagpakita sa isipan ko.

It was plumper and reddish by nature. Hindi ito gaano kalaki at hindi rin gaano ka liit. Tamang-tama lang para sa perpekto niyang mukha.

Ngumiti siya nang pagkatamis-tamis. Kitang-kita ko ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin. Ano ba ang hindi perpekto sa lalaking 'to bukod sa hindi pa siya naliligo?

Pero bakit nag-iba ang ihip ng hangin? Imbes na ngumiti sa kaniya pabalik ay napalunok pa ako nang sunod-sunod nang bigla nitong binasa gamit ang sariling laway at kinagat nang marahan ang mga labi nitong tila kay tamis na ngang tignan malayo, lalo na ngayon sa malapitan.

Andito na naman tayo, hinahangaan ko na naman ang mukha ni Lala. O hanga ba talaga ang tamang salita? Pakiramdam ko hindi na ito simpleng atraksiyon, it became deeper as days go by and my mind is becoming more and more desperate to have him.

Napasabunot ako ng sarili kong buhok. Why am I thinking about Lala in a malicious way?

Ah. I hope my headache gets worse to prevent this weird ideas from forming inside my head.

Hindi ko na pinansin ang kakalatan ng buong paligid. Baka ako ang may dahilan niyan. Kahit 'di ko naman sabihin kay Lala ang pagiging madungis nitong kwarto, tiyak akong malinis na ito mamaya.

I went downstairs to grab breakfast and soothe my hangover. Nakailang sapak muna ako sa sarili ko upang magising sa pantasyang wala namang magandang maidudulot. Nagtaka ako dahil napakatahimik naman yata ng bahay.

Kung noon ay nahahanap kaagad ng mga malilikot kong mata ang halos kabisadong bulto ni Lala, ngayon ay tila naging matamlay ang sistema ko nang hindi ko nakita ang inaasahang ngiti ni Lala sa umaga.

Where is he?

Naglibot ako sa iba't-ibang sulok ng bahay habang nakahawak sa pumipintig kong ulo. Sa paglilibot ko, nakakita ako ng isang sticky note na talagang idinikit sa gitna ng mesa. He usually put it anywhere but here, pinaglalaruan niya siguro ako.

It says...

Kumuha ako ng ilang pera mo sa wallet ng pants mo kasi bibili ako ng groceries. Nagluto ako ng adobo, initin mo nalang iyan. Nasa kusina, i-check mo, baka tapos nang kumain ang daga ko, ang pangalan pa nga ay Serenry. Echos. Iyon lang, Sir Henry.

P.S. H'wag kang biglang matutumba habang wala ako.

-Lala

Napahalakhak ako nang pagkalakas-lakas. Nandito na naman tayo sa mga asar niya. We've been like this for a week that's why he is that carefree. Ako rin naman, parang tinuturing ko na rin siyang kaibigan.

Kaibigan raw pero pinagnasahan kanina.

I shook my head and started to march towards the spacious kitchen. Hindi na ako nagulat nang may makita akong gamot para sa hangover at isang rice porridge na inilagay sa isang thermos tumbler. May nakita rin akong sticky note sa tabi ng mga iyon.

May gamot na rito, Sir. Kumain na rin po kayo ng mainit-init na lugaw bago 'yung adobo. Alam ko kasi na tamad ka na initin pa 'yon. Depende na sa'yo kung mag-aalmusal ka ba ng totoong pagkain o cereal na lang. Atsaka para naman hindi ako tawagan ng mga hospital at masabihan pa akong pabaya kapag makita nilang nakahandusay na ang uugod-ugod kong amo at nag-iisa lang sa bahay.

Napailing-iling ako ngunit may mumunting ngiti sa mga labi. Bukod sa palaasar si Lala ay talagang maasahan siya sa mga ganitong bagay, walang duda.

Masasabi ko talagang pursigido siya sa trabaho. Ngayon nga ay hindi na ako nagsususpetsiya na nanakawan niya ako pagdating ng araw dahil hindi niya naman ako binibigo sa kaniyang performance. It means he is not a bad guy.

And I'm not afraid of being too comfortable with him. I can see; I can feel that he is a good person... with a beautiful face.

There's something inside me that can testify that Lala can be trusted.

Hinayaan ko nalang ang malisyoso kong isip na magdada bago ko kinain ang lugaw at ininom ang gamot para sa tila nabibiyak kong ulo bago nilingon ang ulam nasa container.

Should I take a bite?

Araw-araw, iba-iba ang niluluto ni Lala para sa agahan at hapunan. Napakamultitasker niya at alam na alam talaga ang totoong depenisyon ng isang kasambahay.

Nagtataka nga ako kung bakit hindi siya nagrereklamo sa ibinibigay kong sweldo sa kaniya araw-araw.

When he first cooked for us, I was so amazed by how the food tasted like; it was surprisingly delicious. Medyo maliit nalang kasi ang tiyansa na makakita ka ng lalaking marunong magluto, kaya nakakagulat. Well, opinyon ko lang naman. Inaamin ko, I'm one of those who don't know how to cook o kahit magsaing man lang. So, Lala's presence is super important lalo na ngayon na wala si-nevermind.

I'll eventually forget about her.

First time niya itong lutuin at nae-excite ako sa kung anong magiging lasa nito. There's no way I will let this chance pass! I opened the microwavable container and was shocked because of the very familiar smell that lingered my nose.

There's no way! Palakas nang palakas ang pagkabog ng puso ko.

Ka-amoy nito ang adobong paborito ko na niluluto ni Paine para sa akin!

Kumalam ang sikmura ko. It's been awhile since Paine cooked adobo for me, kasama pa si Lala noon. That's the dish that I always wanted to eat after work. Plus ang mga ngiti at mga mata ni Paine noon na tila ba nagsasabing, 'You're home'. This is some sort of nostalgia!

Ah. I won't mention her again.

Inilagay ko na ang container sa microwave. Umupo ako at muling inalala ang nangyari kahapon. Kailangan kong makaalala kahit isang detalye man lang.

ARGH! Bakit hindi ko pa rin maalala?

O baka naman uminom pa ako sa basement kaya naging lango at walang maalala?

Okay I give up! Mukha namang wala akong naabala kahapon kaya okay lang. Siguro'y wala namang masyadong nangyari kahapon.

I was snapped back to reality by the microwave's sound. Pinilit ko na talaga ang sarili ko ngunit wala talaga akong maalala. Mukha ngang masyadong malakas at marami ang nainom ko kahapon.

If that's the case, what was the reason? Bakit ako nagpakalango at nagpakalunod sa alak? May nangyari bang masama? May nabasa o nakita ba akong makakapagpainom sa akin nang ganito karami?

I honestly prefer to drink at home... with Lala.

Kumuha ako ng mittens and I carefully put the adobo on the table. After opening, the familiar scent is coming back to me again. Due to overflowing excitement, kumuha kaagad ako ng tinidor at itinusok sa isang slice ng adobo. I carefully took a bite without minding that it was smoking hot.

My eyes widens as the exact mouth-watering taste of the adobo Paine had always prepared for me enters my mouth.

What the heck is going on?!

Binilisan ko ang pagsubo na tila ba kahit ito lang ang pangdistract sa hangover ko at walang gamot ay okay pa rin.

"O! Gising na po kayo? Akala ko sa tanghali pa, 'yun kasi napapanood ko sa TV. Kapag may hang-over, sa tanghali na nagigising. Eh, alas diyes palang ngayon. Kung sabagay, alas diyes trenta ka nagising kahapon." I didn't notice na may tao na pala sa gilid ko dahil sa kalituhan ko kung bakit pareho ang amoy at lasa ng adobo.

The guy giggled adorably, "Sayang, masaya sana kung natumba ka talaga at napahiga sa sahig bago nakita ng mga mata ko. Epic kapag ganoon!"

It's Lala and he's holding a pair of big colorful plastic bags.

Pinagpagan niya ang kaniyang damit at naglagay ng alcohol sa kaniyang kamay, "Baliw 'yung nakita kong bata sa daan patungo sa supermarket. Binato ba naman ako ng mga putol-putol na sanga ng halaman. Mukha ba akong makakagawa ng bonfire. Ang mas nakakagulat pa nakita ko 'yung matanda..." Nakatitig lang ako sa bawat pagbuka't sara ng bibig na kanina lang ay ginawa akong hibang.

If he knows that I fantasize over him, how will he react?

He paused, "...ah ano? Nakalimutan ko na ang sasabihin ko, basta. Nagtaas din ang presyo ng mga necessities. Mabuti na lang at hindi ako babae, tiyak mauubos ang pera ko sa napkin." Tumawa siya.

Hindi ako nagsalita at pinakinggan lang ang mga hinaing niya. Mabuti nga at parati siyang may baong kwento kapag umuuwi galing sa labas.

Atsaka 'yung wallet ko, I entrusted it to him few days ago. Again, he has already gained my trust. At itataya ko ang pagiging pulis ko, hindi ako kayang saksakin ni Lala sa likod.

Pero iba ang tumatakbo sa isip ko. Wala akong ganang makipag-asaran sa kaniya. Wala akong ganang palipasin ang oras na hindi ko siya natatanong. Gusto kong tanungin kung bakit magkapareha ang lasa ng adobong niluto niya at ang adobong paborito ko na si Paine ang nagluto.

It's impossible to have the exactly same texture, spices... and that ingredient. I can't name it, but it is making the adobo more flavorful than the classic adobo that I'm familiar with. Kuhang-kuha talaga ang lasa.

I've tasted a lot of adobo dishes with different twists and they all came from different cities. They were all delicious pero kay Paine ko lang talaga nalasahan ang pinakamasarap na adobo sa tanang buhay ko tapos malalasahan ko itong muli, pero ibang tao na ang nagluto?

This is of course, a serious matter!

Inilagay na ni Lala ang mga binili niya sa cupboard at ang ibang maaaring mapanis ay sa ref niya inilagay. He was busy arranging those on his way of arranging that it felt like this kitchen was his, in my point of view.

He doesn't know that I wake up everyday almost after him and just go back to my room to take a nap. Isa sa dahilan kung bakit ginigising ako ng utak ko nang maaga ay ang kagustuhang pagmasdan si Lala.

Shockingly, parati kong nakikita ang sarili ko na pinagmamasdan ang bawat pagkilos niya sa umaga na para bang ito ay isang paraan para mawala ang antok ko. Ang pagluluto nito, ang pagkanta at ang paglilinis nito.

I admit, the scene where Lala finishes his cleaning duties, is my favorite scene. Hindi nakakasawang tingnan at napakawholesome or most likely sabihin na nating nabubuo nito ang araw ko. Tila ba naging routine ko na 'to.

He really do things neatly. Almost perfect na nga. May mga iniba rin siyang mga arrangements ng mga libro ko sa library kaya mas madali ko ng makuha ang dapat kong kuhanin kasi mas maayos na ang pagkakahilantara. May mga binili rin siyang flower vases na parating may mga preskong bulaklak araw-araw. Parang umaliwalas nga ang bahay dahil sa kagagawan niya.

May ibinibigay kasi ako sa kaniyang pera just in case na may gusto siyang bilhin para sa bahay, but I didn't think na magiging ganito ang kalalabasan ng pagmanage niya.

He came unexpectedly and unexpectedly change everything in an extraordinary way.

Siguro nga I know little about him pero sana hindi niya ako iwanan nang mag-isa rito. Because I really want to know about him more.

Ay teka, bakit diyan napunta ang topic? We're talking about the adobo!

Maybe I should enjoy this delicious food first before I ask him. Hindi naman mawawala si Lala nang parang bula 'di ba?

Muli kong pinuno ang plato ko ng kanin.

***
AS a matter of fact, I really hate myself for not having some guts to ask him about the adobo. Para na kaming magnet na puro south o 'di kaya'y puro north na hindi makalapit sa isa't-isa este ako lang ang hindi makalapit dahil may personal issue.

Bakit ba? Si Lala lang iyan. Si Lala lang-that's it! How can I be comfortable asking the man whose face... shut it up!

Ang lala na ng sakit mo sa utak, Blake. Tao lang si Lala, bakit hindi ka magiging komportable?

I can't explain how and why. Gayuma ba o kahit anong pangkukulam ang ginagawa sa akin ni Lala kaya ganoon nalang kadalas ko siyang nakikita sa isip ko at kung bakit ganoon nalang ang nerbiyos ko kapag talagang malapit na ako sa kaniya. Only Lala can make me swing this way.

I cleared my throat and closed my eyes, "Lala. I want to talk to you." Nagtaka ako dahil wala akong nakuhang sagot.

"Lala?" Tanong ko habang nakapikit pa rin.

Wait, nasaan si Lala? Wala na palang tao rito. Nagmukha pa akong baliw na nagsasalita nang mag-isa rito. Nilibot ko ang lahat ng mga lugar sa bahay na hula ko ay pini-frequent niya pero wala talaga akong makita maski anino.

I was dead tired of going back and forth inside of this spacious house just to find out na nasa likod ng bahay lang pala siya. I didn't know na may mga ibang varieties of flowers pala siyang itinanim dito. Those flowers are colorful.

They are beautiful.

Lala picks a flower then smells it. I was stunned by how mesmerizing the scenery is. Tila ba nagniningning si Lala sa aking mata. It's far different from the scenes I caught inside the house, the background and his smile just left me speechless. I thought he is a god wandering in this flowery garden. He is now busy watering the plants, too focused na hindi niya ako napansin.

I was amazed and was captivated by his natural charm. He isn't doing anything special, but he still gets me in awe. Tila tumigil ang mundo at sumabay ito sa pagtutok sa mumunting paggalaw ni Lala. The way the wind softly combs his hair. The way he lifts his head to find a plant that he forgets to water. The way he smiles when a butterfly rests on his finger.

Ang tanawing ito ay hindi dapat kalimutan, much less pagsawaan.

Tila hindi ko maalis ang paningin ko sa lalaking napakalapit lang na talagang maaaring maabot ng aking kamay. Masaya akong hindi siya naging anghel upang kahit pagmasdan man lang siya ay magagawa ko pa rin.

Itigil mo ang kahibangan mo, Blake. Bakit bumabalik ka na naman sa pagpupuri kay Lala. He is a guy! You wouldn't want it too kung may taong iniisip na maganda ka.

I called him, "Lala." But I was stunned to speak when he ignored me at nagmartsa bigla pabalik sa loob ng bahay. He even forgot na ibalik sa dating lalagyan ang regaderang kaniyang kinuha. Kinuha ko na lang iyon at baka mahiya pa ako kay Senyorito Lala.

Pero did I do something wrong? Anong nangyari?

Mabilis ko siyang sinundan papasok sa loob ngunit nagtaka ako dahil mabilis siyang nawala na parang bula.

***

TWO days has passed and I still tried my best to talk to him sa lahat ng oras na wala siyang ginagawa pero mukhang iniiwasan niya ako. Kapag nagluluto siya sa kusina ay tatanungin ko dapat siya ngunit magpapaalam siya bigla na pupunta sa banyo.

Para na akong mababaliw dahil hindi ko man lang naririnig ang boses niya nang matagal, ang mga biro niya... ang lahat ng naririnig ko sa kaniya noon araw-araw. Mabilis lang kung sumagot siya sa akin, puro excuses pa.

"Lala-" Kumaripas na naman siya ng takbo sa C.R..

Kapag tapos na siya sa mga isinasampay niyang damit ay kung nakikita niya ako ay bigla na lamang pupunta sa second floor dahil may nakalimutan daw siyang linisan. Kapag nakaupo lang talaga siya at wala namang ginagawa ay kapag nakikita ako, he would pretend to sleep. Puro pag-iwas ang ginagawa niya buong umaga hanggang sa gabi.

What the hell is happening? Magtatanong ako tungkol sa adobo! Bakit umiiwas siya?!

Napasapo ako ng noo. I'm starting to be impatient. Dagdag pa na wala akong maalala noong nalasing ako two days ago. I opened my phone, alas nueve trenta na ng gabi.

Psh. Itutulog ko na lang ito.

Bago ko pa mabuksan ang aking kwarto ay bigla akong natigilian. Maya-maya pa ay biglang naglakad ang aking mga paa against my will. I can't believe kung saan ako dinala ng mga paa ko.

Sa maid's quarter!

Dahan-dahang pinihit na mga kamay ko ang seradura. Sa pagkakataong ito ay inaamin kong kagustuhan ko na ito ngayon.

Hindi ako nagulat nang marinig ko ang mahihinang hilik niya o mas mabuting sabihin na nakahinga ako ng maluwag dahil natutulog nga siya gaya ng iniisip ko.

Naglakad ako palapit sa kaniya thinking that maybe I won't be given another chance na makalapit sa kaniya nang hindi ako naiilang. I badly need to do it now.

Dug dug.

Hinawi ko ang mga unan na nasa paligid niya at umupo sa bakanteng espasyo sa kama.

I reached my hand towards his face. At nang mahawakan ko na nga ang napakalambot niyang mukha ay hindi na ako nagdalawang-isip pa.

My hands are getting excited kaya nanginginig na ang mga ito!

Inabot kaagad ng mga kamay ko ang mga parte ng kaniyang mukha noon pa man ay ninais ko nang mahawakan pero maski sa panaginip ay hindi nangyari.

Dug dug.

"Sana akin na lang ang mga ito. Sana ako lang ang makakahawak sa'yo ng ganito. Sana ako lang ang makakalapit sa iyo. Sana ako lang ang mag-isang mabibigyan ng karapatan. That's right, I'm your boss. May karapatan akong kontrolin ka." Those words. Parang salita ng isang baliw? O baka noong una ko palang siyang nakita ay nabaliw na ako.

Mukhang tuluyan na akong nilukob ng pagnanasang mahawakan man lang siya.

Nakarating ang mga kamay ko sa napakalambot niyang pisngi patungo sa matangos niyang ilong. Nang magsawa ako sa ilong niya ay pumunta ako sa kaniyang 'di gaano kahabang buhok.

"Why are you avoiding me, Lala? Hmm?"

'Di na ako nagpabagal-bagal pa at inilapit ko na nga ang ilong ko at sinamyo ang natural na amoy ng kaniyang buhok.

Dug dug.

Ang kaninang nakakakiliting sensasyon ay nadagdagan. Nahihilo na ako sa masarap na sensansyong iyon and I can't get enough of it.

Patungo na sana ang kaliwang kamay ko sa kaniyang mapupulang labing hindi nagpapatulog sa akin ngunit napigilan ko ang sarili ko.

I'm going overboard!

Agad kong inayos ang tabingi niyang kumot at agad ibinalik sa pwesto ang mga unan. I clenched my teeth nang makaramdam ako ng hindi inaasahang pagkabitin.

I need more but...

"Sorry, Lala..."

"'Di ko napigilan." Bulong ko sa sarili ko bago ko isinarado ang pinto ng maid's quarter.

Hindi na ako nahiya, nagpaulit-ulit ang ganoong eksena, gabi-gabi, hangga't hindi pa niya nabubuko ang kabaliwan ko.

AS1: AFFECTED GUN
ALL RIGHTS RESERVED
©2021

@FORTYUNEYT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro