Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

AFFECTED GUN

Former Policeman's Obsession

READER'S DISCRETION IS ADVISED.

***
Prologue

LALA'S POINT OF VIEW

"ANO ba! 'Di ko nga kasi ninakaw 'yang kwintas na kanina mo pa sinasabi! Ilang ulit ko bang uulitin na binili ko ang kwintas na meron ako sa matandang nakaupo sa kalsada malapit sa bahay ko!" Kunot-noo kong sagot dahil may isang pulis na bigla-bigla nalang lumapit sa akin at ngayon nga ay inaakusahan pa akong nagnakaw raw ng kwintas niya.

Pilit akong nagpumiglas upang makaalis sa malakas na pwersa na pumipigil sa paggalaw ng aking mga kamay.

Nababaliw ba siya?

"Kahit tignan mo pa 'tong mukha ko, hindi ito mukha ng isang magnanakaw!" Buong pwersa na ako sa pagkukumbinsi sa kaniya. May namumuo na ring naglalakihang butil ng pawis sa aking noo dahil sa pagsisigaw. Tiyak akong mangangamoy pawis na talaga ako 'pag hindi pa ako nakaalis sa sitwasyong ito.

Ewan ko nalang kung wala pang makarinig na kakilala ko rito. Kailangan nilang paalisin ang pulis na ito sa unang kita palang nila na hinaharass ako rito, dahil kung hindi ay malilintikan sila sa akin.

Natigilan ako nang biglang may maalala, "Ay teka! 'Wag mo nalang palang tingnan ang mukha ko..."

Baka magplano pa siya na kopyahin ang mukha ko o hindi kaya isa siyang notorious killer at baka magustuhan ang mukha ko kaya papalitan niya ang mukha niya ng gwapong mukha ko.

Pero mukhang hindi na uso iyong nanananggal ng mukha. Sa mga horror movie lang iyan magandang i-akto.

Oo na. May award ako sa pagga-gaslight ng sarili ko.

"Basta! Malinis ang konsensiya ko. Wala talaga akong ninakaw. Hindi ko schedule ngayon." Parati akong may konsensiya. 'Di lang sigurado kung parati rin bang malinis.

Bakit ba kasi ang tagal niyang maniwala? Sigurado akong hindi niya ako kilala kaya wala siyang magiging basehan na magnanakaw ako. Lalong wala akong kakilalang may mas malalim na boses kaysa sa akin; wala siyang ebidensiyang isa ako sa mga magnanakaw sa Baryo Sigasig dahil hindi pa talaga ako nahuhuli sa tanang buhay ko.

Ewan ko kung malakas lang talaga ang swerte ko o tinutulungan akong magtago sa mga pulis ng kung sinong engkanto o diyablo.

Nananahimik lang akong natutulog dito sa sira-sirang sofa sa lilim ng puno ng mangga 'tapos gaganiyanin niya ako? Pinosasan pa ako habang natutulog!

Mukha ba akong masamang tao?!

Teka nga. Sa pagkakaalala ko, nakaputing bistida pa nga ang matanda... teka?!

Ha?!

What?!

Why?!

How?!

Bakit malabo na ang mukha ng matanda?

Kaunting tulak pa... wala talagang mukha; blangko at puti lang na para bang sa simula palang ay ganoon na talaga iyon at hindi ko lang talaga nabigyan ng buong pansin.

Naku! Tila napaglaruan ako ng mga diyablo! Gusto ko pa sanang mag-sign of the cross kaso nakaposas ako.

Iwinakli ko ang hindi kapani-paniwalang ideya at kaagad na nag-isip nang mas kapani-paniwalang palusot. Mukhang wala na kasing pag-asang makinig pa 'to kapag ‘hindi ako nagnakaw’ ulit ang maririnig ng tenga niya.

Hindi ko nga sana gustong magsinungaling sa kaniya ngunit hindi na siguro 'to maniniwalang hindi talaga ako ang nagnakaw. Baka isipin niyang masiyado akong suspicious at halukayin pa ang background records ko.

E, kaso nga lang wala nang bago roon. Suspicious naman talaga ang lahat ng mga taong naninirahan sa Baryo Sigasig!

Sigurado akong may mga karibal akong pinagbintangan ako ng 'di ko naman ginawang kasalanan. Baka sila pa ang nagnakaw ng kwintas at ako lang ang sinabing may sala. Sila Butchoy siguro ang gumawa nito sa akin.

Oo nga! Sila Butchoy ang may pakana nito! Iyan ang nangyari at iyan ang papaniwalaan ko, hindi itong bago kong memorya.

Pagkatapos ng ilang sandali ay nagsalita siyang muli, "E-Ehem! May nagsabi kasi sa akin na may nakakita ng pinakita kong picture ng kwintas ko na nasa nagngangalang ‘Lala sa may puno ng mangga’ raw..." Pinaikot ko ang mga mata ko. Sabi na nga ba frame-up to! Napatiim-baga ako sa gigil at galit.

Sino ba kasing anak sa mga iyon ni Satanas ang nagbulgar na nasa akin ang kwintas nitong lalaking pag-aakala mong kay tigas ng pangangatawan, ngayon ay pautal-utal na.

Parang ako lang na gwapo pero magnanakaw... siguro'y masama talagang magbase sa boses.

"At ito lang ang NAG-IISANG puno ng mangga na nakita ko," may diing sambit niya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay pinagpawisan na ako ng malamig. Para akong kinukumbulsiyon bigla.

Tag-ulan kasi.

Yari talaga sa akin kung sino man ang gumawa nito sa akin! Ipapabugbog ko siya kela Kanor at nang matauhan siya at malaman kung sino ang sinusubukan niyang banggain.

"Masyado ka namang rush diyan, Boss. Pup’wede naman nating pag-usapan ang mga bagay-bagay..." Alinlangan akong tumawa, kabado ako at hindi nanaising mapahamak nang dahil lang sa mga salitang aking pinapalabas mula sa aking bibig.

Mukhang hindi na siya natutuwa dahil hindi pa ako umaamin. Baka mamaya ay humugot ito ng baril at ikasa upang mabilisang bawiin ang buhay ko. Ibinaon ko ang mukha ko sa mabahong sofa habang patuloy na naghahanap ng maaari kong idahilan.

Dahan-dahan kong ginalaw ang mga kamay kong nakaposas, ipinagdarasal ko kasing bigla akong makakuha ng kapangyarihang lumakas at masira ko ito. Naghintay ako ng ilang minuto, pero wala talaga. Nakaramdam na ako ng pangangawit at lahat-lahat pero hindi ko naman nasira ang posas.

Oo nga, 'no. Baka bukas o sa makalawa, nakalibing na ako habang ikinukwento niya sa kapwa mga pulis na, "Iyan ang ginagawa ko sa mga taong napakalinaw na nga na nagnakaw, nagagawa pang itanggi ang krimeng nagawa. Halang ang kaluluwa niyan at hindi nakokonsensiya." At magtatawanan sila nang walang kasing lakas.

Grabe naman kung ganoon. Kahit papaano ay hindi ko naman gugustuhing madungisan ng ganiyan kalala ang pagkatao ng katawang iniwan ko sa lupa.

"Kalagan mo na ako. Sige na, Bossing. Parang awa naman, marami akong binubuhay na mga anak. Please." Halos magkadabuhol-buhol na ang kilay ko kaka-isip kung paano siya mapapapayag na pakawalan ako.

Ngunit sa kisap-mata, bigla na lang sa isip ko, nakita ko ang sarili kong natutulog. At nagtuloy-tuloy na hanggang sa makita ko ang sarili kong ninanakawan siya sa bayan kanina. Ewan, ang gulo. Dahan-dahang nagsipasukan sa utak ko ang mga bagong alaalang nagpatayo ng lahat ng balahibo posibleng tumutubo sa aking katawan.

Napakaimposible nito! Hindi ako nagnakaw ngayon! Natulog lamang ako.

Nagpumiglas ako nang bigla siyang may kinuha mula sa bulsa ko. Nanlamig ang buong katawan ko nang itinapat niya sa mukha ko ang kwintas na ninakaw ko raw sa kaniya. Ito ang kwintas na nakakuha ng pansin ko kaya binili ko sa matanda ng two hundred.

O iyan ba talaga ang totoo?

Ayon sa aking panibagong memorya, ninakaw ko raw ang kwintas ng lalaking ito noong may kausap ito sa telepono roon sa may bungad. Parehas ang boses e.

Ang tanga-tanga kasi raw niya. Nakitawag kasi siya kay Aling Maria tapos iniwan iyong kahon ng kwintas na tiyak kong mamahalin sa kaniyang upuan. Pulis nga kasi siya noong ipinakita niya 'yung ID niya ngayon kaya dapat alam niya na kilala itong Baryo dahil sa dami ng kaso ng pagnanakaw tas siya 'yong tanga na pinabayaan lang diyan ang magarang kahon at talking pretty sa telepono.

Bobo ba siya o bobo talaga?

Kung ninakaw ko talaga ito, bakit hindi ko man lang itinago sa mas secured na lugar? Ba't sa bulsa lang? Ganoon na ba ako ka-pabayang magnanakaw? Unti-unti na ba akong tinatraydor ng tadhana?

Ewan ko na kung ano ang totoo.

Ang masasabi ko ngayon ay mayayari ako. Mabubulok ako sa tinatawag nilang 'kulungan' na mabaho at maraming daga't ipis. Sana naman makaligo pa ako bago ko ma-experience ang 'kulungan'.

Mukhang doon, mas lalo akong 'di makakaligo.

Ang bonus lang ay may bubong at dingding ang kulungan, 'di kagaya nitong tinutulugan ko ngayon na malamok.

"Ito nga talaga ang kwintas ko. I'm certain, this is the specific gift that I want to give to Paine. Atsaka wala akong nakitang matanda sa kalsada patungo rito. I've got the receipt of the purchase, a picture of it, and everything that can prove that I'm the owner of this necklace. I have them in my car." Napangiwi ako dahil naiinis na ako sa boses niya.

Tahimik lang akong nakikinig sa mga kuda niya. Alam ko na naman kani-kanina lang na ninakaw ko talaga ang kwintas na iyan at tanggap ko nang unti-unti na akong tinatakasan ng bait. Ang pina-prayoridad ko lang ngayon ay kung paano ko siya matatakasan.

"And isa pa, I had it personalized. Nag-iisa lang ito sa buong mundo! Wala ka nang kawala kaya't sumama ka sa akin at dadalhin kita sa bahay —"

Ano? Bahay? Bahay ampunan? Ipapaampon niya ako? Ah, baka dahil baby face pa ako kahit tumataginting na bente-singko na ako. Ay, hindi niya pa pala nakikita ang mukha ko.

"Hindi nga sabi ako nagnakaw!" Papanindigan ko na lang na inosente ako, baka maawa pa siya sa akin.

O dapat bang umamin nalang para maawa siya sa akin? Lalo na kung i-dadahilan kong gutom na gutom ako dahil isang linggo na akong walang makain. Kahit lumuhod sa harapan niya ay gagawin ko, hindi pa ako ready na tumapak uli sa labas ng Baryo Sigasig. Dito nga ay kahit pahirapan sa paghahanap ng pagkain, may nahahanap pa rin naman kahit papaano. Doon sa presinto, mamamatay lang ako nang maaga sa labis na gutom.

Mabuti sana kung anak ako ng isang importanteng tao gaya ng mga politiko para bigyan ako ng first class treatment dahil VIP ako.

Bumalikwas ako sa pagkakahiga at hindi inalintana ang sakit na nagmumula sa nakaposas kong mga kamay. Nagulat ako nang halos magkalapit ang mga mukha namin. Tila nagulat din siya at nasemento sa kinatatayuan.

Gaano ba ako kadugyot at ganiyan ang reaksiyon niya?

Nang napalunok siya sa 'di ko mawaring dahilan ay tsaka pa siya napalayo sa akin kaya sinipat ko nalang ang kaniyang kabuohan. Makikita sa napakaliwanag na sinag ng araw kung gaano kakisig ang tindig ng taong nakatayo sa aking harapan, kung gaano kaayos ang damit niya, at kung gaano kaganda ang kutis niya. Halos hindi ko pa nga maiwaglit ang aking paningin sa kaniyang kapreskohan. Napalunok ako at hindi na napansing hindi na pala ako kumukurap.

Naiinggit ako.

Masyado na ba akong makakalimutin o ano? Baka kasi may jowa 'tong pulis na ito 'tapos naging jowa ko ngayon. Pwedeng iyon ang dahilan kaya galit na galit siya sa akin. Ngunit wala akong maalalang nakaaway na may ganito kakisig na mukha at ganito kagaling pumorma at nakasuot ng tila yayamaning damit.

Ngunit hindi dapat natin iwasan ang posibilidad.

Napaungot ako sa inggit at pagtataka. Medyo hindi pa rin kasi ako makapaniwalang nagnakaw ako ngayon. May parte pa nga ng utak ko na hindi pa tuluyang naniniwala sa bagong memoryang iyon. Inis kong kinamot ang kilay ko dahil sa kalituhan.

Ngunit sa imahinasyon ko lang pala iyon dahil ako ay nakaposas pa rin.

Iniwas ko ang tingin sa mukha niya dahil pati siya ay pinapasadahan rin ng tingin ang katawan ko at nagtatagal pa talaga ang mga mata sa aking mukha. Kasalanan niya iyan kung may natuyong laway man sa mukha ko.

Sana wala.

"Mga demonyo't malignong nasa malapit lang na kanina pa ay pinaglalaruan ako, pwede bang ibang tao na lang? Paalisin niyo na itong pulis na ito sa harapan ko. Masyado pa akong bata para mapunta sa kulungan! Inilagay niyo lang iyan sa bulsa ko kaya bawiin niyo na lang. Isauli niyo sa dati ang mga bagay-bagay para makatulog na ako ulit. Atsaka ayaw ko talagang mabulok sa kulungan!" Pinasadahan lang ulit ako ng tingin ng pulis bago ako kinunotan ng noo na para bang isa akong taong nababaliw na.

Habang nakaposas ako, sinamahan niya ako patungo sa isang magarang sasakyan na nakikita ko lang sa eskwelahan kapag hinahatid ng mga mayayamang magulang ang kanilang mga anak. Ang saya e, nakatanaw lang ako sa mga masasayang mukha nila.

Bakit walang nakasulat na police car? Off-duty ba siya?

Hindi na lang ako nanlaban dahil confirmed nga na pulis siya. Baka ma-dead on the spot ako rito kung gugustuhin niya. Baka mamatay ako at idahilan niyang self defense gaya ng nakikita ko sa TV. Ayaw ko pa namang mamatay agad habang hindi ko pa 'sila' nakikita.

Salamat naman at madatung 'tong nakahuli sa akin. Makaka-experience na rin akong makasakay sa loob ng isang de-aircon na sasakyan.

Excited na excited man akong pumasok sa loob ngunit hindi ko iyon pinahalata at baka maging totoong baliw na ako sa isip niya. Sino ba namang tao ang excited na pumasok sa sasakyan ng taong dumakip sa kaniya?

Baka tingnan niya ulit ako mula kuko sa paa hanggang sa buhok ko. Masiyado pa naman siyang judgemental.

Paika-ika akong naglakad pero gusto ko na talagang tumakbo papalapit sa sasakyan at kaagad na pumasok. Ang lapit na, nakasunod lang ako sa pulis na ito at talagang excited na excited.

Ngunit nagtaka ako ng bigla siyang tumigil sa paglalakad kaya nabunggo ang matangos kong ilong sa matigas niyang likod. Napakunot ang noo ko.

Ang bango rin ng pabango niya, hindi masakit sa tenga.

"Problema mo?" Pabalang kong tanong. Nabitin pa ang excitement ko. Ngunit hindi naman siya sumagot, sa halip ay pinauna niya akong pumasok sa backseat at malakas niyang isinarado ang pinto sa gilid ko. Ewan ko lang kung talagang naputol ko na ang manipis na pisi ng kaniyang pasensiya o may kaunti pang natitira.

Basta, pagkatapos kong magpa-aircon man lang, kapag nagkaroon ng tiyempo ay tatakas kaagad ako. Alangan namang sumama talaga ako sa kaniya sa ampunan. Wala akong magiging future roon.

Bahala na si Papa Jesus!

Ako si Lany Shane Cordova, isang magnanakaw na nagnanakaw lamang kapag walang ulam at walang pambayad ng renta at tubig. Kumbaga para mabuhay pa ako at mahanap ko pa ang tunay kong mga magulang. Joke! Wala akong bahay.

Ang pangalawa 'yung totoong dahilan.

Ewan ko ba kung bakit ko pa sila hahanapin, eh inabandona na nila ako. Siguro'y gusto ko lang na masagot itong mga katanungan sa utak ko. Normal naman iyon, 'di ba?

Pero ngayon natagpuan ko na lang ang sarili kong nagdurusa sa...
.
.
.
bahay ng pulis na ninakawan ko ng kwintas at pinapahirapan na rin ang sarili dahil isa akong matulunging tao. Nagpumilit akong tulungan sila upang magkabalikan pero delubyo ang ibinalik nila bilang pasasalamat.

"Blake... pakiusap. Hindi ko na gustong makipagsiksikan pa sa pagmamahalan ninyo. Nakikiusap ako, pakawalan mo na ako. Durog na durog na ako."

Isang pagkakamali ang nagawa ko. Iyon ay sa imbes na tulungan silang magkabalikan, gaya ng solidong plano ko, isang huwad na pagmamahalan pa ang naganap sa aming dalawa ng pulis na ninakawan ko ng kwintas.

At isa pa, kailan ko malalaman ang katotohanan patungkol sa mga magulang na nag-abandona sa akin?

AS1: AFFECTED GUN
ALL RIGHTS RESERVED
©2021

+

Date started: March 2021
Date finished: January 7, 2022

Few reminders for you to read!!

📌 This story contains mature contents. Please consider to think twice. 'Di kargo ng konsensiya ko kung mandiri kayo sa kapangitan ng description skills ko, may warning na't lahat-lahat kaya h'wag niyong i-report.

📌 This story is written out of boredom and curiosity. Must expect grammatical errors and typos as you read further. Medyo inexperienced haha. (And of course, my vocabulary isn't that wide.)

📌 This story may scream nonsense!

📌Must expect dizziness, cough, and fever upon reading the writer's bad style of writing.

📌 Trying hard mag-english!

📌 Please don't expect too much from this story, YOU WILL BE DISAPPOINTED.

📌 This is a story of a guy who has an ability of conceiving a child (male pregnancy) and his partner. This clearly revolves around BOY TO BOY relationship.

📌 Characters, places, events that resemble anyone, anything, or any event are purely coincidental.

📌 My mother tongue is Bisaya, so if you encounter (an) unfamiliar word(s), kindly notify me immediately.

📌 If ever may misinformation akong nailagay, you can always correct it. You're free. (Be responsible and be respectful.)

📌 Please leave votes and comments in every chapter for motivation. Not a must pero maa-appreciate ko talaga.

📌 I do not own any picture that is found in this story. Credits to the rightful owner.

📌 And lastly, don't exploit a chapter or anything from the story without the author's consent. Plagiarism is a super duper serious crime!

Iyon lang, ingat kayong lahat.

FOR FUTURE PURPOSES:

Facebook account:

FORTYUNEYT WP

Ampanget ko talaga mag-prologue at saka 'yung blurb HAHAHAAHHAGA. Bear este bare with me.

@FORTYUNEYT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro