Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Special Chapter: Uncles

Walang kwenta ang chapter na 'to, but if you've read Phoenix Academy and want to read more from our creators. Read this!

CHIKAHAN WITH THE TITOS

Written in Luel's point of view.

Nakaupo na ulit ako, at kaharap ko ang apat na creators ng mortal realm. They were all smiling while looking at me, para bang natutuwa sa'kin.

"Sariel—"

"Luel nalang please," sabi ko kaagad kay Red.

"Ay sige," sabi niya at tumawa. Lumingon naman siya kay Lucifer, pero tumingin ulit sa'kin, "Pero Sariel kasi talaga pinangalan sa'yo ni Georgia."

I raised an eyebrow, "Really? Pero kinalakhan ko na ang tawag sa'kin ni Sinclair ay Luel."

"Huy bastos kang bata ka, bakit hindi mo tinatawag na mommy si Sinclair?" wika ni Red at kumunot ang noo.

Tumawa naman si Alpha, "Maybe Sinclair doesn't want to feel old. Baka naman hindi siya talaga nagpatawag ng mommy."

Tumango naman ako, "Yes. She actually prefers to be called Sinclair, instead."

"Nga pala, Sariel— este, Luel. 'Di ba sabi mo nakuwento ako sa'yo ni Sinclair?" Masayang tanong ni Red sa'kin.

I nodded too, "Yes. She mentioned you when I was young. Gusto pa nga kita makilala noon dahil sabi niya best friend ka niya."

Red laughed while clapping, "Panis, men! Sino pang kinuwento niya sa'yo?"

I pouted, "Wala na naman siyang kinuwento sa'kin. Sabi niya dragon slayer ka raw."

Red laughed again. He turned to Lucifer, "Bro, ako lang kinuwento. Hindi ka kinuwento kay Luel!"

Nakitawa naman si Alpha at Serpahin. Lucifer scowled at him while shaking his head. Why? Ano bang mayroon?

"Ay nga pala, ipapakilala ko sa'yo ang tito mo," sabi muli ni Red. Tinuro niya si Lucifer na galit naman siyang tiningnan.

"How come he's my Tito?" I asked him.

Bumungisngis naman si Red, "Kasi 'yong tatay mong si Lucifuge ay isang extract ni Lucifer. Kapag sinabing extract parang ano 'yon... Teka, ano nga ba? Basta parang extract ng soul! Magkamukhang magkamukha sila ni Lucifuge. Si Lucifuge lang color red mata tas black buhok, gan'on. I-imagine mo nalang."

Tumango-tango naman ang dalawa pa except Lucifer. Para bang hindi niya tanggap na Tito ko siya.

"Tito Lucifer," bati ko.

Napuno naman ng tawanan ang kwarto, at namula si Lucifer. I smiled and tried to stop laughing. Nadadala na rin ako sa mga tawa nila. Lucifer pouted and crossed his arms.

"Makatawa kayo akala mo naman hindi kayo Tito. Hoy, anak 'yan ng kaibigan natin. Baka nakakalimutan niyo, mga TITO," wika ni Lucifer.

I smiled, kaibigan pala nila ang magulang ko. Malamang matalik din silang magkakaibigan ni Sinclair.

"Nagkaasawa ba si Sinclair?" Tanong ko.

Nasamid naman si Red bago tumawa ulit. Hindi ko alam kung kailan siya mauubusan ng tawa.

"Uy wala! Muntik na si Leonidas Malcolm, 'di ba, Lucifer? Ang alam ko muntik na rin ata 'tong si Lucifer. Ako naman..."

"Best friend zoned!" Sabay sabay nilang banggit.

Leonidas Malcolm? Hindi ba sphinx iyon ni Sinclair. Puwede ba 'yon? Mag-asawa ng sphinx? Luh weird.

"Ganito, alam mo ba nawala na 'yon realm namin. Nadestroy na, kaya napapunta sainyo si Sinclair at ikaw pala! Tapos hindi namin alam kung kailan, nabuhay ulit kaming lahat! Wews!" Wika ni Red ulit. Out of all of them, siya ang pinakamadaldal.

Baka kaya siya naging bestfriend ni Sinclair? I wonder why their realm was destroyed.

"Luel. May mga manliligaw ba si Sinclair sa mundo niyo?" Tanong ni Seraphin. Huh? Don't tell me he likes Sinclair too?

Tumango naman ako, "Marami, actually. She's the most beautiful because of her youthful look. Mukha nga raw kaming magkapatid."

Pinalo ni Red ang braso ni Lucifer, "Tols! Baka maunahan tayo!"

Lucifer facepalmed. Baka naiingayan na siya kay Red. He turned to me, "Pasensya ka na rito kay Red. Natutuwa lang talaga siya kasi nabuhay ka pala, Sariel. At syempre gusto rin namin marinig ang mga kwento mo tungkol kay Sinclair. Ikaw, may nanliligaw ba sa'yo?"

I blushed, iiling na sana ako nang maalala ang mga pag-amin ni Alcaeus.  Umawang naman ang labi ni Lucifer, his forehead creased.

"May nanliligaw sa'yo? Sabihin mo bawal pa. Ilang taon ka na ba?" He asked.

"Sixteen," munting sagot ko.

Tumawa naman si Red, "Yie! Nagpapaka-tito si Lucifer! Pero tama siya, Luel. Hindi ka muna dapat magpaligaw. Bata ka pa. Huwag kang gumaya kay Sinclair na maraming manlili—aray!"

Napa-aray siya nang batukan siya ni Seraphin.

I smiled at them and nodded. "How about my mom and dad? Ano po ang kwento niyo sa kanila?"

Alpha smirked, "Your mom, Georgia, was cold as ice. Si Lucifuge naman, seryoso pero mapaglaro rin. Nagulat nga kaming lahat n'ong magkaanak sila eh! Hindi talaga namin akalain na magci-click sila. Your mother was a vampire-angel and was supposed to be a sacrfice for the bloodfest. Doon naman niya nakilala si Lucifuge, at hindi nagkainlove-an siguro."

"Oy, totoo!" Singit naman ni Red. "Iniisip ko nga baka ginapang ni Lucifuge si Geor—"

"Red, bata 'yan. Huwag kang kung anu-ano sinasabi," banta ni Lucifer

"Hays, sige na nga. Bastaz 'yong nanay mo namatay dahil ng Oracle of Trophonius. 'Yung tatay mo, namatay dahil binalik yung kaluluwa niya kay Lucifer. Hindi ka pa naipapanganak, namatay na sila. Oh ikaw, magkuwento ka nga tungkol kay Sinclair," wika ni Red.

Bahagya akong nagulat. Ganoon pala. They died bago pa ako mapanganak. Lol, weird. It hurt me that they died... Huminga naman ako nang malalim bago mag-isip ng kuwento.

"Sinclair was considered weak—"

"Weh?!" OA na tanong ni Red. I glared at him, pero mabilis kong binawi 'yon.

Tinakpan naman niya ang bibig niya, "Hala! Nakuha mo mannerisms ni Sinclair! Baka naman anak ka niya talaga."

"Bobo," singhal ni Alpha, "Kamukha nga siya ni Georgia at Lucifuge. Engot."

"Tanga, biro lang," bulyaw naman ni Red.

I sighed, "As I was saying she is considered weak there dahil namatayang sphinx niya na Phoenix. Sa mundo kasi namin..." nagpatuloy pa ako nang kuwento habang nakikinig silang mabuti.

I mentally smiled. Maybe my mother will be her happiest here. Siguro kapag siya naman ang narito, tungkol naman sa'kin ang ikukwento niya.

My heart is in peace, knowing that these guys will treat Sinclair well.

Aerilon Academy
Phoenix Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.

Thank you for reading this short special chapter!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro