Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

31' Realms of the Universe

When the meeting ended, Luel looked one last time at Master Froilan. Takang-taka pa rin siya kung paano siya nakikita nito. Hindi ba nagana ang kapangyarihan ko sa lahat?

She sighed, and just followed Alcaeus and Zacharias out. Nanatili naman siyang invisible, at papunta sila ngayon sa training room ng Aryan.

Pagkapasok nila sa training room. Tinanggal agad ni Luel ang invisibility niya, at napa-irit si Zia dahil doon.

"Ah! Oh my gosh! Lu—" bago pa mabanggit ni Zia ang pangalan ni Luel ay tinakpan na ni Zian ang bibig ng kambal niya.

"Chill, bebi. Hindi tayo pwedeng mahuli," wika ni Zian sa kambal. Pumikit-pikit naman si Zia, at tumahimik na.

Arenspade looked confused too, but he trusts Zacharias at Alcaeus. Hindi naman nila dadalhin dito si Luel, kung may dala siyang pahamak. Nagtaka lang siya kung paano biglang nag-appear si Luel sa harap nila.

Si Alcaeus na ang nagexplain kay Arenspade, Zia, Oreon, at Zeonn. Nagsama na sila sa room ng Aryan para safe. Malamang nagulat ang iba sa kuwento ni Alcaeus, pero kailangan nilang intindihin 'yon.

Zeonn checked the room if there are hidden cameras or microphones, so far, wala naman. Ngayon, pag-uusapan nila ang tungkol sa mga nawawalang students.

"Bakit hindi natin isama ang team ni Krystal dito sa pag-uusapan natin?" Tanong ni Oreon.

Luel sighed, "I don't trust Yuri, he's her team mate, right?"

Nagulat naman si Zian, Alcaeus at Zacharias. Kasama nila buong magdamag halos si Yuri, tapos ngayon lang sinabi ni Luel. Is she an idiot? Isip ni Zacharias.

"Pero kilala ka na niya, alam niya kung ano ka, Luel. Ngayon mo pa sinabing hindi ka nagtitiwala sa kaniya?" Tanong ni Alcaeus bigla.

Luel rolled her eyes again, "I know. If a word spreads that I am a vampire demon-angel from another world, then he would be the one to blame."

Zach scoffed, "You're that confident that all others here are trustworthy?"

"Syempre!" "Oo naman." "Duh." "Luh." "Malamang." Those were the immediate answers of everyone inside the room.

Luel smirked at Zach, "Malakas ang pandinig ko, Zach. I can even hear ineer thought sometimes, but as for Yuri, hindi ko naririnig ang kaniya dahil bampira siya. May ilan din akong hindi naa-access dahil sarado ang utak nila. Alam kong mapapagkatiwalaan ko ang mga narito. Lalo ka na, Zach."

Zach felt his lip twitch at Luel's last sentence. Lalo ka na. Hindi niya alam kung bakit parang natuwa siya na pinagkakatiwalaan siya ni Luel. Argh! Stop it! She can hear your thoughts!

Mas lalo naman siyang nahiya nang bahagya siyang tawanan ni Luel. Malamang ay narinig ang kaniyang mga iniisip. The heck?

"I also do not trust that Master Froilan. He was directly looking at my eyes for countless of times. Para bang nakikita niya ako kahit na invisible ako. He's weird," sabi nalang ni Luel.

Tumango naman si Zeonn at inayos ang kaniyang salamin, "I rarely see him in the academy, but he's always here whenever there are problems, like now. He's been mysterious from the start."

"May nakita pa akong libro na binabasa niya. Palagay ko hindi iyon nakita ng iba, it was invisible but not for me. The title was 'Sansinukob' or Universe in English, hindi ba?" Tanong ni Luel.

Zeonn, being the bookworm he is, had his forehead creased. Sansinukob? Para namang hindi pa niya naririnig ang pangalan ng librong 'yon. Kung totoo ngang may gan'ong libro, baka nasa kamay lang 'yon ni Master Froilan.

"Hindi ko alam ang librong 'yon," sabi ni Zeonn.

Oreon laughed, "The bookworm says so. Ibig sabihin, kay Master Froilan lang ang librong 'yon. At bakit ba parang interesado ka sa librong 'yon? Wala namang kinalaman sa mga nawawala."

"Hindi ka sure," sabi ni Zian.

"Kung walang kinalaman ang libro, bakit kailangang gawin ni Master Froilan na invisible ang libro? If he has nothing to hide, pinakita niya 'yon sa lahat," patuloy naman ni Zia sa sinabi ng kambal.

Zian laughed, "That's my bebigurl!"

"Why don't you try to sneak in Master Froilan's office? Ie-excuse namin siya, at kunwaring magpapatulong habang ikaw, titingnan mo ang laman ng libro," suhestiyon ni Arenspade.

Alcaeus nodded, "Nice idea, Arenspade. Subukan na rin nating hulihin kung may alam siya tungkol sa mga nawawala. Kakaiba talaga ang pakiramdam ko sa misteryosong master na 'yan."

༻❁༺

Alcaeus and Zacharias looked confident in front of Master Froilan's office. Kumatok sila at sa ilang sandali, lumabas na kaagad si Master Froilan. This time, he did not look at Luel.

Naging effective ba bigla ang kapangyarihan ko? Isip niya habang invisible.

"Master Froilan, we would like to discuss something about our powers. Sa lahat kasi, sa'yo palang po kami hindi nakakalapit personally," wika ni Arenspade. Her tone was very calm and respectful.

Ngumisi naman si Master Froilan, "Sure. Where to?"

"The Aryan Training Room, Master—" hindi na pinakinggan ni Luel ang iba pang sinabi at pumasok na sa kwarto ni Master Froilan bago pa tuluyang magsara ang pinto.

She glanced one last time at the door before it fully closes. Hindi niya alam kung namalikmata siya, o nakita niya na namang nakatingin sa kaniya si Master Froilan habang nakangisi. Why do I feel bad about this?

Kaagad naman niyang nakita ang librong Sansinukob. It looked like a futuristic book, and it didn't look so ancient. Manipis ito kung titingnan, pero nang hawakan ni Luel, nagulat siya sa bigat.

Binuksan niya ang libro at nakita ang subtitle sa unang pahina. Realms of the Universe. She became curious, and saw the table of contents.

Realm of Mortals.

Realm of Aerilon.

Realm of Astrals and Celestials.

Hindi niya na nabasa ang iba pa dahil nakuryos agad siya sa Realm of Mortals. Mabilis niyang binasa ang tungkol doon, at tumugma naman ang kaniyang identidad.

Sa Relam of Mortals din maaaring makita ang mga beings na nabanggit ni Sinclair sa panaginip niya. This was their realm. Pero bakit sila napadpad dito sa realm of Aerilon?

Napadako naman ang tingin niya sa mga pangalan doon sa Realm of Mortals.

Creators:

Lucifer, the angel - heavens
Red, the sorcerer - sun
Alpha, the wolf - moon
Seraphin, the siren - land and sea
Sinclair, the demon - hell

Her eyes widened upon the mention of her mother's name. Sinclair. The demon. Iisang Sinclair lang ba ang nasa libro at ang Sinclair na kinilala niyang ina?

Kung nabasa na ni Master Froilan 'to, ibig sabihin, alam niya na ang tungkol sa iba't ibang mga mundo.

Napadako naman siya sa Aerilon, at nakita niya ang isang quotation.

“The realm orginally created by sphinxs.”

Tiningnan niya ang history, at nagulat nang mapansin na noon ay puro sphinx lang ang naninirahan sa Aerilon. Hanggang sa dalawang sphinx in a human form become together, and that started the creation of mankind in Aerilon.

Powerful Bloodlines:

Anika - elements
Alina - wisdom
Berseker - sphinxs

Sunod naman niyang tiningnan ang Realms of Astral and Celestial. Napataas ang kilay niya nang mapansin na ang realm na ito ay literal na within the galaxy and stars. The Astrals were divided into twelve, and the Celestials are called summoners.

Ang pagkakahati ng Astral ay ayon sa Zodiac signs. She looked below and saw a list.

Current Main Zodiac holders:

Froi and Lan - Gemini ♊

Hindi niya na nabasa ang iba dahil hindi na 'yon mahalaga. Napatingin tuloy siya kung ano ang ibig sabihin ng Gemini.

“The Gemini are twin stars. They possess different powers that are mostly contrast to each other.”

Napabitaw naman kaagad si Luel sa libro nang makarinig ng nagsalita.

"Are you done reading, Luel?" Froilan, the Gemini, asked.

Katulad ni Luel, nanggaling din pala si Master Froilan sa ibang mundo. But she wondered, sino ba ang kausap niya ngayon. Was it Froi or Lan? Naiisip niya ngang kanina pa siyang narito dahil hindi naman nagbukas ang pinto.

"You are from another world," Luel stated.

The Gemini smirked, "Yes. Obviously."

Kung gayon, maaaring siya ang nagdudulot ng mga portals at hindi si Sinclair. Maaaring siya rin ang nagpabagsak sa Council Palace.

"Would you like to know more, my dear?" Tanong muli ng Master. Luel shivered at the tone of his voice.

Aerilon Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.

Not sure if hanggang chapter 40 or 45 ang story mehehehe. But things are getting started. For real.

Thank you for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro