Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

30' Missing

Luel remained invisible.

Nakabalik na sila sa academy, at naiinis nga siya kay Zacharias dahil panay ang lingon niya sa pwesto niya. Nagtataka na tuloy ang ibang estudyante. He probably looks like a mad man.

Usap-usapan na agad sa academy si Luel. Akala ng lahat ay siya nga ang nagpabagsak sa Council Palace, at alam na nilang expelled siya.

"Nakakabingi naman," reklamo ni Zian.

Luel makes sure na wala siyang nababangga dahil magtataka sila kung bakit sila mababangga eh wala naman silang nakikitang tao.

Pumasok muna si Zian, Alcaeus, at Zach sa Master's office, and they noticed that Headmaster Blaizer is gone. Isang Air Master naman ang lumapit sa kanila, Elara's father. Elliot Adler. A pure air elemental.

"You returned in time," wika nito.

Tumango lang ang dalawa, habang si Zian ay ngumisi, "Syempre, master! Kami pa!" Luel rolled her eyes, so full of himself.

"Babalik na sana kami n'ong pangalawang araw. Nabalitaan ko lang po ang nangyari sa Council Palace, so I asked them to come with me there to check," Alcaeus confidently said.

Master Cros Alina spoke this time, "But I didn't see the three of you when the incident happened."

"You must have been busy catching prisoners, Master Alina," Zach said with respect.

Bigla namang tumawa si Master Cros, "Ahh, yes. I must have been."

Naglakad naman si Luel at pinagmasdan ang iba pang masters. The others are teaching, at iilan lang ang narito. She looked at one master with white hair that looked very silent while reading an invisible book. Isa rin siyang Air Elemental, he made the book invisible with air. SANSINUKOB, basa ni Luel sa title ng libro. If she is not mistaken, universe ang translation ng Sansinukob.

She almost shrieked when the master with white eyes met her gaze. Ngumisi pa ang master. Tumingin s'ya sa iba pa pero mukha namang hindi siya nakikita ng mga ito. So, how come she's seen by this particular master?

"Was it Lucianna Sariel Rofocale that destroyed the Council Palace?" Tanong n'ong Master habang nakatingin sa kaniya.

Master Alina answered, "Ang hinala namin ay siya. Sa cell niya nanggaling ang kakaibang energy, but we're still not sure. She's wanted for now, Froilan."

Tumango naman si Master Froilan. It's the first time that she met this man.

"It's a miracle that you're here, Froilan. Lagi kang wala, at kung anu-ano ang ginagawa," asar ni Master Elliot.

Master Froilan tapped his fingers. "Nasisiyahan ako sa mga ganap. Tunay palang may mga taong galing sa ibang mundo," he said while watching every move of Luel.

Luel's heartbeat doubled. Paano ako nakikita ng master na 'to?

"Anong nakasisiya r'on, Froilan?"

Froilan stood from his seat. "It's just interesting on how they got here, and how we can get to their realm."

Si Alcaeus naman ay nagtataka rin sa galaw ni Master Froilan. From the beginning, this master was very suspicious. And why was he interested on getting to another realm? Alcaeus, being the smart senior he is, concluded that Master Froilan can be that someone behind the portals.

Pero maaari ring hindi.

Tahimik lang ang apat na lalaki roon. Habang si Luel ay ingat na ingat dahil sa Master Froilan na 'yon.

Zacharias tilted his head to see a better look on the Master Froilan. He looks very familiar to me. Napapikit naman siya nang bigla siyang makaalala ng isang memorya.

A white-eyed man protecting him from the dangerous sphinxs, and calling him 'brother.' Lagi rin siyang nakakakita ng puting mata sa panaginip niya. Is it possible na si Master Froilan 'yon?

"Kailan mo idi-dismiss ang mga batang 'to, Elliot?" Froilan asked with a mischevious smirk.

"Vezalius and Williamsburg may go out. We have something to discuss with the student council. Please call them on your way out," wika naman ni Elliot.

Hindi naman lumabas si Luel. Interesado pa siya sa mga pag-uusapan nila. They waited until all student council members came to the office. Pero nagtaka siya nang mapansing wala si Krystal. Out of all council members, siya lang ang wala.

"Where is Krystal Liraia?" Tanong ni Master Froilan. Nakakunot-noo na siya ngayon.

"Woah, kilala mo pala ang mga council members natin, Froilan," asar ni Master Elliot.

"Shut up, Elliot. Where is Liraia?" Seryosong tanong ni Master Froilan.

"Iyan nga ang pag-uusapan natin ngayon. Nawawala si Krystal Liraia. No trace. Bigla nalang nawala sa Academy, at hindi rin alam ng Liraia clan kung nasaan siya. She is purest ice elemental, Froilan," wika ni Elliot.

"My daughter is missing along with her too," dagdag pa niya, at galit na ang tono ng boses niya. Elara and Krystal are missing?

Nanlaki naman ang mata ni Luel. Nawala lang si Alcaeus at Zach para sa misyon, nawala na rin sina Krystal at Elara.

"A freshman is also missing. Avarice Thorne. Two of your team mates are missing, Alcaeus. And the similarity of all those who are missing are they are all pure elementals. Ice. Air. Light. Malamang ay iisang tao lang ang dumakip sa kanila."

Luel noticed the shaking of Alcaeus' hand. He's mad. Napatingin siya muli sa Master na nagsalita.

"I called you here to say that you must protect yourselves, and watch for the pure elementals. For now, students of light, air, and ice elemental are safe, but the rest, aren't."

Napapikit si Luel nang muling maalala ang nakita niyang propesiya sa panaginip.

One by one all elements will be missing. Ito na ba 'yon? But why would they be missing? For what purpose?

"Bakit hindi niyo alam na may nadakip na pala?!" Alcaeus voice roared. The ground slightly shook. Hinawakan naman ni Zach ang balikat niya, probably telling him to calm down.

"Kung sino man ang dumakip sa tatlo, sigurado kong insider 'yon. We must have a spy or traitor inside our academy. Hindi natin nadetect ang pagkawala nila," wika ni Master Froilan. He's now serious, and thinking deep in his thoughts.

Alcaeus looked at Master Froilan with doubt. Masyadong misteryoso si Master Froilan kaya't naiisip niyang may kinalaman ito.

Zacharias tried to think too. He was torn between protecting the students or protecting Luel.

Cros Alina sighed, "Sabay sabay ang mga pangyayari ngayon."

Gusto na rin sanang magbuntong-hininga ni Luel. Ang hinala niya ay ang sunod na maaaring madakip ay si Alcaeus— Earth, Arenspade— Water, and for the fire, hindi pa niya alam.

Ang akala niya panaginip lang ang propesiyang nakita niya. Akala niya hindi mangyayari, but this just proves that the prophesies are true.

Muli namang tumingin si Luel kay Master Froilan. Once again, their eyes met as if the master could clearly see behind Luel's invisibility.

Who are you?

Aerilon Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.

Thank you for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro