20' Protect
They have successfully finished their missions with the help of Yuri and Sinclair. Nakabalik na sila ngayon sa Academy, at kasulukuyang nagpapagamot sa mala-hospital na clinic.
Kahit si Luel ay may natamo rin na mga pasa at sugat.
Hindi pa rin mawala sa isip niya ang sinabi sa kaniya ni Sinclair, ang kaniyang ina. Hindi siya makapaniwalang galing si Sinclair sa ibang mundo, habang siya ay hindi. Paano naman nangyari 'yon? Dahil ba taga-rito ang kaniyang ama?
Pero ibig sabihin may dugo pa rin siyang nagmula sa ibang lugar, sa ibang mundo.
Hindi na muling nakapagtanong si Luel dahil lumapit na si Jiro, at mabilis na umalis papunta sa council meeting. Naiwan si Luel na mas kuryos at nagtataka.
"Luel," tawag ni Zach sa kaniya mula sa kabilang kama. Nilingon naman siya ni Luel, at tinaasan siya ng kilay.
"May pinapasabi nga pala sa'kin si Lady Sinclair," mabagal na wika ni Zach.
"Ano 'yon? Papakasal na kayo?" Asar na tanong ni Zian. Masama na naman siyang tiningnan ng dalawa, at ng isa mula sa kabilang team.
"Luel's just sixteen," wika ni Alcaeus. Dito naman napatawa si Luel at Zach.
"It's a joke, Alcaeus. Chill," sabi ni Zach at bumaling na ulit kay Luel. Tumayo siya para lapitan ito, at umupo doon sa kama niya.
Nilapit niya ang mukha niya kay Luel, at bumulong sa tainga niya. "Itago mo raw ang bracelet mo sa spatial ring mo."
They heard Alcaeus hiccup, and the others shriek. "Hoy, ano yan?! Porn!" Sigaw ni Zian.
"Huwag kang OA, Zian," sabi naman ni Zeonn. "Ilang points na ba si Zach at Alcaeus?" Tanong naman ni Oreon.
Nagtaka naman si Luel at hindi na pinansin ang mga asar, "Bakit?" Matagal nang nasa kaniya ang bracelet na iyon, at wala namang problema sa pagsuot n'on.
"Alam mo na raw kung bakit," wika ni Zach at nagkibit-balikat. Dito palang siya lumayo, "Kung hindi mo itatago, ako ang magtatago."
Luel looked at her bracelet that was made of immortal vines with a gem in the middle. Was it because the bracelet came from another world? Ang alam niya'y hindi puwedeng mahuli si Sinclair dahil panigurado, mag-iinit ang mga mata ng taga-Aerilon sa kaniya.
The Aerilonians would not let an intruder here.
Luel pouted, "Hindi ko 'to matatanggal. I cannot control the vine."
"Putulin mo," supladong wika ni Zach habang nakahalukipkip.
Hindi na nakatiis si Alcaeus at lumapit na sa dalawa, "Hey, Luel!"
Nagliwanag naman ang mata ni Luel nang makita si Alcaeus. Earth elemental siya, hindi ba? Ngumiti si Luel, at narinig na naman niya ang tili ng mga lalaki.
"Ilang points na bro?! Ngumiti oh, plus five na agad 'yan para kay Alcaeus!" Sabi ni Zeonn at tumawa.
"Alcaeus, can you loosen the vine for me?" Tanong niya kay Alcaeus. Natatandaan niyang tinulungan siya ni Lady Anika noon na kontrolin ang vine.
Nilahad ni Luel ang kaniyang kamay kung saan naroon ang vine bracelet. Umiling naman si Zach, at umalis na roon habang hawak-hawak ang kagat ni Luel sa kaniyang leeg.
Alcaeus hesitated to hold her hand. So Luel asked again, "You can't?"
Umiling si Alcaeus, "Hindi naman sa ganoon. Hindi naman kasi ako ganoong makapangyarihan pag dating sa element ko. Mas gamay ko ang physical strength ko and seeing that this is an immortal vine baka hindi ko-"
"Whatever, Alcaeus. You're still an Earth Elemental. I'm sure you can loosen this."
"Paano mo naman nasisiguro?"
Luel shrugged, "I just do believe in your elemental strength? Ano? Gagawin mo ba? O lilipat na ako kay Zia?"
And again, Alcaeus was amazed by Luel. He has never really mastered his element. Iyon ang kahinaan niya. But upon hearing Luel's words, he wanted to be elementally strong too.
"Paktay, mukhang wala nang kawala 'yang leader natin, ah," sabi ni Oreon habang nakangisi. Napatigin tuloy si Zach doon, at napangisi nalang din nang makita kung paano marahan na hinawak ni Alcaeus ang kamay ni Luel.
"Oh, selos ka na naman, Master?" Tanong ni Zian. "Pero seryosong usapan, Master. Ngayon lang natin nakitang ganiyan si Alcaeus."
Tumango naman si Zach, "Indeed. I'm glad he's starting to believe in himself and do things for his own good. He has been self-less."
"Pero, Master. Hindi ba delikado 'yon bilang susunod na Berseker General?"
Umiling naman si Zach, "The Berseker Generals are known to be fearless and self-less. Pero hindi naman sila mabubuhay nang matagal kung hindi nila poprotektahan ang sarili nila."
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Master," wika ni Zian at nagseryoso na.
"Luel is a vampire, and her sphinx is an angel. Kakaiba rin ang kapangyarihan niya, hindi siya elemental. Kung mayroong dapat kamuhian siya at magtaka sa kaniya, si Alcaeus 'yon. Bilang tagapangalaga ng Aerilon, hindi ba dapat magtaka siya kung bakit sobrang kakaiba ni Luel?" Tanong ni Zian.
"Kung nagkataong masama o panganib ang dulot ni Luel sa Aerilon, baka si Alcaeus pa ang mag-parusa sa kaniya," dagdag pa ni Zian.
Napakunot-noo naman si Zach habang nakatingin kay Luel at Alcaeus. Natandaan niya tuloy ang sinabi sa kaniya ni Sinclair, protect her at all costs.
He may have the ability to protect her, but Alcaeus has the power, strength, and ability to protect her. Humilig siya sa kama at nag-isip, should I push Luel to Alcaeus? Nang sa gayon ay maprotektahan ni Alcaeus si Luel higit pa sa kagustuhan niyang protektahan ang Aerilon.
The vine loosened, and Luel kept in inside her spatial ring. Nagpa-salamat siya kay Alcaeus at hinanap ng mata niya si Zach. Luel smirked and showed that the vine bracelet was no longer in her hand or arm.
Tumango si Zach, at tinawag na ang kaniyang team mates.
"Let's go Team Aryan. We still have our classes and trainings," wika niya at tinalikuran na sina Alcaeus.
First, he has to make Luel suffer so that he will catch Alcaues' attention. Second, he has to root for them. Third, he has to make Luel fall for Alcaeus. Then, he would be her protector from afar while Alcaeus is protecting her by her side.
Aerilon Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.
Thank you for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro