Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ISA✝

Serreah-

Ako si Serreah Shin limang taong gulang kaarawan ko na bukas kaya naman excited na ako haha.

"Anak paniguradong excited kana sa kaarawan mo," nakangiting sabi ni mama gabi na ngayon at katabi ko siyang matulog.

Nakakapanibago dahil Hindi siya ganito dati, mas gusto niya pa nga na mag-isa Ako para daw matuto akong mabuhay mag-isa kahit na sa murang eda.

"Oo nga mama sana nandito den si papa," malungkot na sabi ko sinuklay naman niya ang buhok ko at ngumiti.

Hindi namin kasama si papa ang sabi ni mama at nag ta-trabaho ito para sa' min.

"May surprise ako sayo bukas." nakangiting sabi ni mama, na excite naman kaagad Ako dahil gustong-gusto ko Ang mga surpresa.

Ang aking ama ay isang manunulat sabi nang aking ina, hunit simula ng isilang ako kahit isang beses ay hindi ko pa ito na silayan.

"Tara mag dasal na tayo." nakangiting sabi ni mama kaya ngumiti din ako at tumango.

"God, sana po lagi kaming healthy ni mama at papa, sana po masaya lagi si papa kasi masaya na po kami ni mama sana po bukas sa birthday ko makita ko na po siya, amen." pagkatapos non ay humiga na kami ni mama.

Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya.

Sana pag nakita ko si papa yakapin din niya ako.

KINABUKASAN maaga akong nagising dahil sa sobrang excitement ko ewan pero pakiramdam ko may masamang mang-yayari ngayon haha hindi ko na lang pinansin dahil mas nanaig ang saya ko.

Pag labas ko nang kwarto sumalubong sakin si mama na naghahanda ng pagkain at mga dekorasyon.

"Goodmorning po mama," bati ko agad itong lumingon sa akin at ngumiti.

"Goodmorning anak mukhang excited ka ahh ang aga-aga pa," sabi nito at lumapit sa akin at kiniss ako sa pisngi.

"Maaga pa Po ba? Ehh 11 am na po, tinang-hali na nga Po Ako ng gising ehh," reklamo ko dahil Minsan ay alasais pa lang gising na Ako dahil ginigising Ako ni mama.

"Sorry na Hindi ko napansin Ang oras dahil sa pagluluto," paumanhin ni mama na Hindi kona lang pinansin nilapitan ko na lang Siya at pinanuod habang nag luluto.

HANGGANG sa nag 1 pm na at handa na lahat ng pagkain sinabihan rin Ako ni mama na mag bihis na.

Nakatingin ako sa salamin ngayon habang pinag mamasdan ang sarili, nakasuot Ako nang kulay puting dress at nakaponytail "Ang cute ko hihihi."

"Anak lumabas kana!" sigaw ni mama.

"Opo teka lang!" sigaw ko din.

Habang nakatingin ako sa salamin naramdaman kong parang may nakatingin sa akin at bigla ako nilamig nag taasan ang balahibo ko, huminga ako ng malalim at hindi na lang iyon pinansin.

Pag labas ko nang kwarto ko nakahanda na ang pagkain nandoon si mama, tita, ninang, ang dalawa kong kaibigan, at pinsan ko.

"Hala!! Andito kayong lahat, salamat!" nakangiting sabi ko ngumiti lang din sila sa akin at tumango.

"Ohh anak tara na dito," nakangiting sabi ni mama tumango ako at lumapit na sa kanila.

"May surprise kami sa iyo Serreah," masayang ani ni Angel kaibigan ko.

"Ano 'yon?" takang tanong ko bigla na lang siyang napanguso.

"Tanga, surprise nga ehh." sabi niya.

“Normal lang naman mag tanong nang kung ano yung surprise sa’yo kapag nalaman mong isusurprise ka diba.” naiinis na sambit ko.

At narinig ko ang nagpipigil nilang tawa lahat napanguso na lamang ako, nang biglang may kumatok.

Ewan pero ito nanaman yung kaba na nararamdaman ko parang pag binuksan ang pinto kasabay non may mangyayaring masama hindi ko na lamang pinansin dahil baka wala lang iyon.

Hindi ko alam pero sa kanila ng kabang nararamdaman ay naeexcite ang puso ko.

"Teka tignan ko kung sino," paalam ni mama nag tanguan lang kami.

"Happy birthday Serreah." bati ni tita.

"Happy birthday, Serreah." bati ni ninang Mea at isa-isa na nila akong binati

Hanggang sa bumalik na si ina na may ngiti sa mukha, nagtaka naman ako nang ngumiti din sina tita ninang at mga kaibigan ko.

"Ahmmm... Serreah diba you want to meet your papa?" nakangiting ani ni ina nang sabihin niya iyon may kung ano agad pumasok sa isip ko pero hindi ko na iyon tinuloy baka madissapoint lang ako.

"Opo mama bakit po?" takha na talagang tanong ko.

Nang bigla may isang lalaki na pumasok sa bahay ewan pero parang maiiyak na ako dahil yung puso at isip ko sinasabing ito na yung pinakahihintay ko.

"Hello if im not mistaken you're Serreah right?" matigas na pagkabigkas nito sa wikang ingles tumango ako at ngumiti naman siya na parang maiiyak na "A-ako.... Ako ang papa mo omyygodd my dear daughter," umiyak na itong tuluyan at niyakap ako.

Niyakap ko naman ito pabalik na iyak nadin ako hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa saya.

Sa wakas kasama ko na ang papa ko

Salamat papa God.

Pagkatapos naming mag iyakan kumain nadin kami ito ang best best birthday ko sobrang saya ko.....

Hanggang sa mag gabi na alas otso na umuwi na din sila tita ninang at mga kaibigan at pinsan ko.

Ewan pero nakukulangan padin ako parang hindi parin buo pero hindi ko na lamang iyon pinansin nakahiga ako ngayon sa kama katabi si mama at papa eto yung pangarap ko yung katabi ko silang matulog.

Nakangiti kong ipinikit ang talukap ng mata ko.

THIRD POV.-

Alas diyes na nang gabi malalim na ang tulog nina Serreah hindi nila alam na ito na ang una at huling matutulog silang magkakasama.

May mga demonyong naka aligid sa paligid na hindi hahayaang maging masaya ang pamilya.

Totoo ang sabi nilang sa una lamang masaya at sa huli dadanas ka nang sakit na mag papaiba sa kung ano ka ngayon.

Nag umpisa na ang mga demonyong gumalaw pinasok nila ang bahay Shin tahimik silang pumasok sa kwarto nang pamilya.

"Ow how lovely this scene haha how i wish you can't feel this kind of happiness Serreah Shin how dare you to steal what mine huh?! Ngayong masaya kana makakalimutan mo na ako at hindi iyon maari!" sigaw nang batang babae.

At walang sabi-sabing pinag sasaksak nito ang ina ni Serreah na si Ms. Reynalyn Shin at Mr. Carlo Shin.

Bago umalis ang batang babae sinindihan niya muna ang sahig kung saan binuhos niya ang gasolina.

Pag mulat nang mga mata ni Serreah nagulantang siya nang makitang may nasusunog sa harapan niya at nagkakagulo ang mga tao tumagal pa nang ilang oras prinoseso ang mga nang yayari hanggang sa......

Na realize niyang tahanan nila ang nasusunog hinanap ng mga mata niya ang papa at mama niya sa mga nagkakagulong tao.

Sa kasamaang palad walang kahit na anong baka nang mga magulang niya may babaeng lumapit sa kanya na naka pang police ang suot.

"Alam mo ba kung ano ang nangyari? May nakita kaba?" tanong agad-agad nang babae.

"W-wala po... A-anong nangyari?" takhang tanong ni Serreah.

"May nag report sa amin na may nasusunog na bahay dito at may tao sa loob pag dating namin nasa labas kana... Nakatingin ka sa bahay niyo... Walang emonsyon ang itsura... Tulala at hindi nag sasalita." dahan-dahang sabi ng babae.

"Hindi ko po alam... Wala akong nakita na kahit ano," natatakot na sabi ni Serreah.

Tumango-tango naman ang babae
"Nasaan si mama at papa?" tanong ni Serreah sa babae.

"Wala na sila hindi sila nakaligtas." walang prenong sabi nang babae.

"Ano po bang pangalan mo?" tanong ni Serreah.

"Oww sorry i forgot i'm Nathalia and I'm police-detective" pag papakilala nito.

Tumango lang si Serreah at hindi nag react wala paring reaction ang mukha ni Serreah nag taka naman ang police dahil imbis na humagulgol tahimik lamang ito.

"Are you ok?" tanong ni Nathalia kay Serreah.

"Patayin ko kaya pamilya mo tas tanungin kita kung ok ka lang?" malamig na sabi ni Serreah nagulat naman si Nathalia dahil doon at umalis na sa harapan nang bata.

Tumingin si Serreah sa mga kamay niya at binulong na "Imposible... Haha.... Imposible... Bakit mo iyon ginawa?! Imposible haha."

Habang nasa ganong posisyon lumapit ang tita ni Serreah sa kanya ineexpect ni Serreah na yayakapin siya nito pero isang malakas na sampal ang inabot niya.

"Walang hiya ka! Kasalanan mo ito! Kasalanan mo lahat!" humahagulgol na sabi nang tita niya tumango lang si Serreah at nag lakad.

Nag lakad lang si Serreah kahit hindi niya alam ang pupuntahan habang kumakanta...

Kumakanta siya ng nakakakilabot na kanta...

Nablanko ang batang si Serreah hindi niya alam kung saan siya dapat na pumunta at kung maari lang ay gusto na lang niyang muling bumalik sa bahay nila.

Kaso wala nang naghihintay na tahanan sakanya.

Wala na ang kanyang tahanan.

At the middle of the night Serreah was walking under the moon...

Moon’s light is giving Serreah the way where she should go...

It’s difficult to know if this light is giving the right or wrong way...

But just by guessing this way is both right and wrong only Serreah knows the answer...

But at the end of the road Serreah stop walking and it’s like now she’s awake.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro