Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

DALAWA✝

Third Person-

Habang nag lalakad si Searreah bigla na lamang itong humagulgol ng iyak na parang wala ng bukas.

Hindi niya na alam Ang susunod na Gawin, kung saan tutungo, kung saan muling mag si-simula.

Isa lamang musmos na bata Ang nakaranas ng isang malaki at Hindi kapani-paniwalang trahedya.

Maya-maya pa ay nakuha na niya ang atensyon ng isang madre, dali-dali siyang ni lapitan nito at inalo.

"Tahan na anak ano ang nangyari?" tanong ng walang kaalam-alam na madre.

"S-si mama at papa namatay, iniwan na po nila ako." humahagulgol na sani ni Serreah.

Naawa naman agad ang madre kaya niyakap niya ang bata at nagpakilala ito "Ako'y isang madre mula d'yan sa malapit na simbahan Amy ang aking pangalan tawagin mo akong Sister Amy." nakangiting pag papakilala nito.

Tumango naman si Searreah at nagpakilala din "Ako po si Searreah, Rea na lang po," nakangiting sabi ni Searreah.

"Tara iha gabi na pumunta tayo sa simbahan." nakangiting ani ng madre.

Tumango si Reah at sumunod habang papunta sa simbahan ay napaisip si "Paanong nasa labas pa ang madreng ito?" bulong na tanong niya.

Lumingon siya sa Madre nagulat na lang ito ng biglang umikot ang ulo nito paharap sa kanya at tumatakbo papunta sa pwesto niya.

Napaupo Naman si Serreah sa gulat nanginginig na tumayo at mabilis na tumakbo, habang tumatakbo hindi niya na malayang na ka pasok siya sa mapupunong lugar.

Litong-lito si Serreah saan na ba siya pupunta?

"Bakit nga ba kasi ako sumama sa madreng iyon? Una pa lang kataka-taka na kung bakit nasa labas pa siya ng ganitong oras... Natatakot ako."

Bulong ni Serreah sa sarili ng mapansin niyang malayo na siya at wala ng sumusunod sa kanya kaagad siya lumingon sa likod niya nagulat na lang siya ng biglang may sumakal sa kanya.

Nanginginig siya sa takot nanlamig ang kamay niya ng mapagtantong ito yung madre kanina baliktad padin ang ulo nito at madaming dugo.

Kahit nanginginig hinawakan niya ang kamay ng madre para sana tanggalin ang pag kakasakal sakanya pero masyadong malakas ang madre.

"P-pakiusap, B-bitawan mo n-na a-ako." nahihirapang sabi ni Serreah dahil na din sa sobrang higpit ng pagkakasakal nito sa kanya.

Tumawa ang madre at lalong hinigpitan ang pagkakasakal, maya-maya ay para na itong bula na nawala na lang bigla.

Napahawak ang batang si Serreah sa leeg at napaupo habang nanginginig pa din at nag hahabol ng hininga.

Tumingala si Reah at ipinalibot ang tingin sa mapunong lugar na iyon at nakita niyang may babae na nakatayo sa likod ng puno at nakasilip sa kanya.

Mag papasalamat na sana si Reah ang kaso nawala na din ito bigla.

Kahit nang hihina pa ang katawan dahil sa ng yari tumakbo na si Reah palabas ng mapunong lugar at kaagad naman siyang nakalabas hindi niya maiwasang ma pa-isip paanong ng yari iyon? Kaganina'y parang sobrang layo ng tinakbo niya pero ngayon mabilis lamang siyang naka labas.

Hindi na lang niya tinuon ang pansin doon at naghanap siya ng maaraning puntahan.

Naalala niya ang sinabi ng madre kanina na may malapit na simbahan sa lugar kaya naman kaagad niyang hinanap yon.

Nakarating nga si Reah sa simbahan malaki ito may malaking bell at krus sa tuktok mukhang luma na din ito nakakatakot ang itsura pero may ilaw naman kaya siguradong may tao.

Nag simula ng pumasok sa malaking gate si Reah napansin niya agad na may pugot ulo ang isang Rebultong anghel.

"Grabe naman ang simbahan na ito may nakatira pa kaya dito?" bulong ni Reah.

"Sino ka naman bata ha?!" matinis na sabi ng kung sino sa likod ni Serreah.

Lumingon si Reah doon at nakita niya ang batang babae na sigurado siyang ka age niya lang medyo pandak nga lang ito at base sa boses ay mukhang madaldal.

"Ikaw sino ka?" balik na tanong ni Reah sa bata.

"Ako si Jezzy, Zy na lang," masungit na Ani ng bata sakanya.

"I'm Searreah, Reah na lang." balik na pakilala ni Serreah sa sarili.

Tumango-tango ang bata at tinignan siya ng mabuti "Ano namang ginagawa mo dito? Nang ganitong oras ha?!" tanong ni Zy.

"Naligaw ako, " sabi ni Reah dito tumango si Zy at hinawakan ang kamay niya.

Habang hawak ang kamay ay dumiretso sila sa pinto ng simbahan unti-unti iyong binuksan ni Zy at ng makapasok na gulat sila ng may limang madre ang nakatayo ngayon apat na hakbang ang layo sa kanila.

"Ikaw Zy! Anong ginagawa mo sa labas ha! May oras tayo ng pag tulog diba!" galit na sabi ng madre kay Zy.

Pero nanginig ang kamay ni Serreah ng makuha niya ang atensyon ng isang madre na ngayon ay nakatingin sa kanya habang naka-ngiti.

Iyon ang madre kanina!

'Si Sister Amy!'

Napansin ni Zy ang panginginig ng kamay ni Serreah kaya agad niyang hinigpitan ang hawak doon at ni lingon ito nakita niyang nakatingin ito kay Sister Amy.

"Serreah bakit ka nanginginig?" bulong ni Zy kay Reah.

"W-wala... Ahh hello po pasensya sa istorbo ako po si Searreah, Reah na lang po itawag niyo sa akin maari po bang dito ako mag palipas ng gabi?" magalang na sabi ni Reah pero nanginginig pa ito dahil sa presensya ni Sister Amy.

"Oo maaring dito ka muna doon kana sa silid ni Zy magpahinga bukas na lang tayo ulit mag usap magpahinga na kayo." mahinhing sabi ng isang madre.

Tumango si Reah at Zy hinila na ni Zy si Reah papuntang kwarto nito kinandado ni Zy ang pintuan at umupo na sa kama niya.

"Alam mo ba ang creepy ng limang madre na iyon." pag ku-kwent ni Zy.

"Oo parang nga... Saan ako mahihiga?" tanong ni Reah itinuro naman ni Zy ang sofa malapit sa higaan nito maliit lang ang kwarto at walang electricfan.

"Hindi lang parang haha, pag gabi nag lilibot sila sa buong simbahan hindi lang gabi pati na umaga alam mo ba na hindi kana makakaalis dito? Maliban kung may aampon sa iyo." kwento ni Zy.

Hindi kana makakaalis dito.

Hindi kana makakaalis dito.

Hindi kana makakaalis dito.

Nag paulit-ulit iyan sa pandinig ni Reah at hinarap si Zy.

"Anong ibig mong sabihin?! Hindi na ako makakaalis?!" gulat na gulat na sabi ni Reah natawa naman si Zy sa reaksyon nito kumunot lang ang noo ni Reah.

"Ganyang-ganyan ang reaksyon ko ng malaman ko iyon," nakangiting sabi ni Zy " May maganda akong pamumuhay kasama ang magulang ko sobrang saya hanggang sa..... Hanggang sa namatay sila ngayong araw ang kamatayan nila galing akong sementeryo at dinalaw sila haha." nakangiting kwento ni Zy.

"Ahh ngayong araw din namatay ang magulang ko," kwento naman ni Reah.

Nagulat si Reah ng humagulgol ng iyak si Zy hindi niya

"Dahil nandito kana makakalaya na ako ikaw na ang titira sa lugar na ito haha mag iingat ka wag mong hahayaang maampon ka." sabi ni Zy kay Reah napakunot naman ang noo ni Reah dahil doon.

"Ayaw mo ba akong makaalis dito!" pagalit na sabi ni Reah kay Zy.

"Hindi... Hindi iyon ang ibig sabihin ko kung kaya ko nga lang na isama ka sa pag alis ko ehh, makakaalis ka dito kung may papalit sayo, ngayon makakalaya na ako dahil pinalitan mo na a-ako." nakangiting sabi ni Zy nagulat si Reah ng makitang nahihirapan ng huminga si Zy parang sinasakal ito.

"Hoyy! Anong nangyayari sayo?!" sigaw na sabi ni Reah habang hindi na malaman ang gagawin.

Nakangiti lang si Zy sa kanya at sinabing "M-malaya na a-ako.... Remember this DON'T TRUST TO STRANGERS".

- Itutuloy

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro