Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 32

                               ADALYN

Paano mo malalaman kung may nagsasabi sa iyo ng kasinungalingan?



Sa mundong ito maraming sinungaling maraming manluluko, manlilinlang. hindi mo malalaman kung sino ang nagsasabi ng totoo o hindi malalaman mo nalang isang araw na isa ka na palang uto-uto, isang tanga.




Hindi ko alam kong sino ang paniniwalaan ko. Sinasabi ng utak ko na niluluko lang niya ako ulit pero iba ang tugon ng puso ko.



Niyakap ko ang sarili ko nang umihip ang malamig na hangin, nasa terasa ako nakatayo habang tinatanaw ang magandang tanawin papalubog na ang araw at hanggang ngayon hindi pa ako nakakauwi.



Umiiyak kasi ang magaling kung anak pag nagpapaalam ako na uuwi muna ako kaya talagang hindi ako makauwi. 'Namimiss ko na ang asawa ko.'




Kasama ng anak ko kanina pa si luka at namilit pa si cassius na sumama daw ako pero ayaw ko kaya mag-isa ako ngayon sa kwarto.




I would like to go around the palace, because I have only been here now...but I am ashamed because I have committed many sins against them.....so I will stay here, kahit nakakulong lang ako dito sa kwarto ni luka maganda naman ang tanawin sa terasa.





Nakakagaan ng loob ang pagmasdan ang mga kalapating nagliliparan sa kalangitan.....The palace is very big, it is in the middle of a very wide lake at sobrang kalmado ng tubig. Hindi gaya doon sa kastilyo ni ina na ang lalakas at ang lalaki ng mga alon, bawat hampas parang may galit.




I frowned as white butterflies fluttered around the terrace. Napangiti ako habang pinagmamasdan sila natigilan lang ako nang makita ko sa bukana ng pinto si amoria.




Nakangiti siya saakin habang naglalakad siya palapit saakin"hindi kaba naiinip dito?"tanong niya.




Napalunok ako"m-medyo..."




"Gusto mo bang lumabas? Ililibot kita sa palasyo"sabi niya saka naglahad ng kamay saakin.




I stared at her hand for a few minutes then I slowly reached for her hand. Hawak kamay kami habang iginigiya niya ako palabas ng silid.




Hindi ako komportable sakanya masama ang loob ko sakanya na may kunting hiya.





May mga witches, wizzard o megàli gàta kaming nakakasalamuha at bahagyang yumuyuko sa reyna....habang naglalakad kami sa pasilyo may mga naglalakihang painting kaming nadadaanan.




Napatigil ako nang makita ko ang isang painting na si lukariah lang ang nakapinta nakasuot siya ng pang royal prince outfit,  may espadang hawak na ginawa niyang sungkod habang nakatindig ng maayos at nakasilid ang isang kamay niya sa bulsa.




Napatitig ako sa mukha niyang sobrang gwapo, bagay na bagay din ang suot niya sakanya kaya lang bahagyang nakaangat ang gilid ng labi niyang mapupula at mukha talagang babaero sa isang tingin palang.





"Ang gwapo, kaya lang pilyo"sabi ni amoria na napatigil din pala nakatingin din siya sa mukha ng anak niya habang nakangiti."matigas ang ulo, pero malambing at mapagmahal lalo na sayo"dagdag niya pa sabay tingin saakin.






Napaiwas naman agad ako ng tingin saka tumitig lang sa mukha ng gagong si luka bigla nalang nag-init ang pisngi ko mukha ring nakatingin ang mga manlulukong kulay tanso niyang mga mata saakin habang nakangisi kaya pakiramdam ko mas pumula ang pisngi ko.





I cleared my throat then bowed my head just to avoid looking at Luka. Minumura ko ang sarili ko pakiramdam ko kasi unti-unti na akong naniniwala at kapag hindi pa ako umalis dito talagang magagayuma na ako ng mga kasinungalingang salitang lumalabas sa mga bibig nila.





Napatitig ako kay amoria nang hawakan niya ang mag kabilang balikat ko, nangunot ang noo ko nang makita ko ang nanunubig niyang mga mata"adalyn.....alam kong sobra kang nasaktan noon ng dahil sa ginawa ni luka pero sobra ding nasaktan si luka. Halos ikamatay na niya noon nung nalaman niya na ikakasal ka sa iba gusto niyang pigilan ang kasal nun kaya wala akong magawa kundi ikulong siya para lang pigilan. Pagod na akong makita ang mga anak ko na nagdudurusa ada, hindi ko na kaya....kaya sana pakinggan mo ang lahat ng paliwanag ni luka. Elpízo na boréseis na ton synchoríseis"(I hope you can forgive him)






"Hindi ako ganun kadaling magpatawad"seryusong sambit ko.





"Alam kong may mga sinasabi silang mga kasinungalingan sayo tungkol sa anak ko, kaya mas lalong lumalim ang galit mo sakanya. Sabihin mo saakin, ano ang mga sinasabi nila sayo tungkol kay luka?"tanong niya.





Sumikip ang dibdib ko habang inaalala ko ang pagtatalik nina luka at amani na nakita ko sa salamin ni glenda biglang nanubig ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na iyong tumulo, habang nakatitig lang si amoria saakin. "S-sobra akong nasaktan sa mga sinabi ni luka saakiin pero....l-labis akong nasaktan noong nakita ko ang p-pagtatalik na ginawa nila l-luka at amani"humihikbi kong sabi.





Napakagat labi ako para mapigilan ang paghikbi ko. Mukhang nagulat naman si amoria sa sinabi ko dahil nanlalaki ang mga mata niya at bahagyang nakaawang ang labi"s-si luka at amani? nagtalik?"kunot noo niyang tanong.






Wala sa sarili naman akong napatango"at alam ninyo kung ano ang m-mas masakit? Yung sinabi ni luka kay amani kung ganu siya ka m-mahal ni luka habang nagtatalik silang dalawa--"





Sinapo ni amoria ang mukha ko at pinupunasan ang pisngi kong namamasa"walang nangyaring ganyan"umiiling niyang sabi"ni isang beses hindi nagtalik si amani at luka--"





I shake my head she was lying I know she was. Pinaglalaruan lang nila ulit ako.





"Makinig ka adalyn.....si clavinia ang may pakana ng lahat. Nakipag-usap siya saamin ni luka, sinasabi niyang layuan ka ni luka kung hindi matutulad kayo nina paisley at arlo pero nagmatigas si luka at hindi siya pumayag. ipinaglaban ka niya kahit pinagbabantaan ni clavinia ang buhay ni luka. Pero araw-araw ay may pinapatay si clavinia hindi ko kakayaning makita iyon kaya ako na mismo ang pumigil kay luka. Sobra ang galit niya saakin nun kaya nanlaban siya at wala akong magawa kundi ang ikulong siya."





Nanatili akong tahimik habang nakatitig sa mga mata ni amoria na lumuluha. Binitiwan  niya ako saka siya humarap sa larawan ni luka na nasa harapan namin, malungkot siyang ngumiti.




"Sobra akong nasaktan noon sa nangyari kay arlo kaya ayaw ko ng maulit ang nangyari dati.....wala akong ginawa noon akala ko kasi magbabago pa ang kapatid ko at magkakaayos kami"





Bahagya niya akong nilingon sabay tulo ng mga luha sa gilid ng mata niya.





Mapait siyang napangiti"pero ngayon nawawalan na ako ng pag-asa."






Kumuyom ang mga kamao ko"at bakit naman ako maniniwala sa mga sinasabi niyo"walang emosyon kong sabi.





Nilingon niya ako at tinignan sa mga mata"nasaksihan mo kung ano ang kayang gawin ni clavinia....nakaya niya ngang pumatay ng i-inosenteng sanggol noon para lang manatili si paisley sakanyang poder at paghiwalayin sila ni arlo. Mahal na mahal ka ng anak ko adalyn sana bigyan mo siya ng pagkakataon."






Hindi ko siya sinagot at nag-iwas nalang ng tingin.









Madilim na ang mga kalangitan, gabi na kaya bumalik na ako sa kwarto. Pagbukas ko ng pintuan nakita ko si cassius sa malaking kama na nakadipa at mukhang mahimbing na ang tulog, napatingin ako sa pintuan ng terasa na bahagyang nakabukas.





Naglakad ako patungo doon at sinilip si luka na nakaupo sa barandilya nakayuko ang ulo niya saka may hawak na kopitang may laman atang alak habang iniikot niya iyong sa kamay niya.





Hindi ko alam kung ilang minuto ko na siyang tinitigan nagulat nalang ako nang magsalita siya habang nakayuko parin"akala ko umuwi kana..."





Umayos ako ng tayo at pumasok ng tuluyan sa pinto"bukas uuwi ako--"





"Ano pang babalikan mo doon? Ang sakim mong ina at ang gagong patay na na lalaking pinakasalan mo?"walang emosyon niyang sabi sabay angat ng tingin niya saakin.





Namumula nanaman ang mga mata niya at mukha na siyang lasing magulo ang buhok niya na nililipag ng hangin. Nagkatitigan lang kaming dalawa at nanatiling tahimik ang tanging ingay ay ang mga kuliglig at ang liwanag ng buwan na tumatama sa mga pulang mata ni luka ay parang kumikislap katulad ng maraming butuin sa madilim na langit.




Nangunot ang noo ko nang ipinasok niya ang kamay niya sa loob ng bulsa niya at may inilabas doon na singsing. Tumaas ang gilid ng labi niya habang pinagmamasdan ang singsing na hawak niya, agad kong kinapa ang daliri ko at tama nga ako singsing ko nga ang hawak niya.




How did he steal that from me?



"You shouldn't wear this fucking ring. Hindi bagay sayo"he said before throwing it away.




Mabilis naman akong tumakbo palapit sakanya para sana pigilan ang pagtapon niya sa singsing pero huli na ang lahat at tumilapon na iyon.





Naiiyak ko siyang hinarap nakatitig lang siya sa mga mata ko walang halong pagsising makikita sa pagmumukha niya"iyon nalang ang tanging alaala ko kay rowan!"nanggagalaiti kong sabi.





Umigting ang panga niya at hinawakan ako sa braso saka hinila pa ako palapit sakanya, binabawi ko ang braso ko pero ayaw niyang bumitaw"Is that ring so important for you to cry?"he asked with his frantic face.





"Mas importante pa 'yun! Kasya sa buhay mo bwiset ka! Importante saakin si rowan kaya--"





Napasinghap ako nang bigla niyang sunggaban ng halik ang labi ko. I push his chest but one of his arms is tied around my waist and his other hand is on my nape as he presses my lips to his lips.






Napapikit ako ng mariin nang kinagat niya ang pang-ibabang labi ko....gusto ko siyang itulak ng malakas pero baka masaktan siya at magalit pa saakin si cassius. Marahas ang mga halik niya pero dama ko ang pananabik sa bawat galaw ng malalambot niyang labi.





I can taste the wine in his mouth.





I tightened my grip on his clothes when he inserted his tongue into my parting lips."uhmm...."I groaned.  I tried to push his tongue out using my tongue pero nag-iba ang nangyari.





I was tempted.....so I responded to his wild kisses. We were kissing like there's no tomorrow. I returned his kisses with equal fire and intensity.




We're catching our breath when our lips part. Pinagtagpo namin ang mga noo namin habang nakapikit parin ang mga mata ko....humaplos ang kamay ni luka sa pisngi ko hindi ko namalayang tumutulo pala ang mga luha ko.





"You don't know how much I love you..."he whispered.




Iminulat ko ang mga namamasa kong mata at tinitigan ang mga kulay tanso niyang mga mata"hindi mo ako minahal.....ikaw na mismo ang nagsabi na hinding-hindi mo ako m-mamahalin"





Sandali niyang hinalikan ang labi ko at tipid na ngumiti"kung makikinig ka lang ipapaliwanag ko sayo ang lahat..."





Pinaghiwalay niya ang noo namin saka niya hinawakan ang dalawang kamay ko at isa-isang hinalikan bago tumingin uli sa mga mata ko."Please give me a chance....ipapangako ko na hindi na kita ulit sasaktan."





Hindi ako sumagot at tinitigan lang ang maamo niyang mukha.





"Ada--"hindi ko siya pinatapos nang sinapo ko mukha niya at hinalikan ang labi niya. Ilang segundo siyang natigilan sa ginawa ko bago siya tumugon.





I keep on trying to forget him but I can't. I keep on trying not to love him but I know can't.




He lied to me.



He made me cry.




He left me behind.



He broke promises.



He hurts my feelings.



He wasn't there for me.



But I just can't......




I just really can't stop loving him.






***

Next is the epilogue.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro