Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 29

                                ADALYN


Nakangiti akong pinagmamasdan ang maliit na puting ahas na naglalaro sa mga daliri ko. Nilingon ko si rowan nang hinalikan niya ang pisngi ko saka tumabi saakin at inumang ang berdeng ubas saaking bibig na sinubo ko naman.




"Tignan mo siya rowan...maliksi na siya hindi gaya ng dati"sabi ko na tinutukoy ang ahas na nasa kamay ko.




"Oo nga...."tugon naman ni rowan habang ngumunguya.




Nasa kagubatan kami ngayon matagal din kaming hindi nakapunta dito. Paminsan-minsan lang naman kasi kami pinapayagan ni ina na lumabas sa kastilyo.





Nabaling ang tingin namin kay thunder nang tumatakbo siya patungo saamin. Nilagay ko sa damuhan ang ahas at napatayo ako, kumunot ang noo ko"nasan si cassius?"tanong ko kay thunder.





Lumingon lang siya sa likuran at nakita ko na tumatakbo ang anak ko patungo saakin habang may dala-dalang anim na rosas.





I smiled widely as he ran towards me. Maliliit ang mga hakbang niya pero mabilis siyang tumakbo. Umupo ako at sinalubong siya ng yakap, yinakap niya ako saka hinalikan ang pisngi ko.




"Para sayo ina..."ibinigay niya saakin ang mga rosas na tinanggap ko naman.





I kissed his lips"thank you baby..."





I think he gives me six roses almost every day. Lumapit si rowan saka kinarga si cassius"you want to swim?"tanong ni rowan na agad namang ikinatango ni cassius.





Nakangiti lang ako habang sinusundan sila ng tingin na nagtutungo sa talon....I'm happy because cassius is accepted and treated like rowan's real son. Rowan is a good father and a husband to us. Alam din ni cassius na hindi niya tunay na ama si rowan at nagpapasalamat ako kasi hindi siya nagtanong tungkol sa tunay niyang ama.





Hindi din naman siya medyo nagtatanong saakin, He seems to want to be able to answer his curiosities himself.






Hindi pa siya nagsasampung taon kaya hindi pa siya nag-aanyong megàli gàta but he has abilities such as his quick movements, sharp sense and his eyes turn red when he gets angry.






Kahit lahat ay namana ng anak ko sa ama niyang walang kwenta, kahit sobrang magkamukha silang dalawa maswerte parin ako kasi mahal na mahal ako ng anak ko hindi gaya ng ama niya.





Umupo ako uli sa damuhan at kumain nalang ng mga prutas habang pinagmamasdan ko sila. Nang natapos silang maligo lumapit saakin si cassius at tumabi naman si rowan saakin habang pinupunasan niya ang buhok niya, umupo naman sa kandungan ko si cassius kahit basa siya, napangiti ako nang isinandal niya ang ulo niya sa dibdib ko habang nakatingala saakin.






"I want to sleep....hug me please"malambing niyang sabi at niyakap ng mahigpit ang beywang ko.






Malambing talaga ang anak ko pero saakin lang siya naglalambing. niyakap ko ang isang braso ko sa katawan niya habang sinusuklay ko ang basa niyang buhok.





"Love you...."mahinang sambit ni cassius habang nakapikit ang mga mata niya at nakanguso ang mapupula niyang labi na parang nagpapahalik.







Mahina akong natawa at hinalikan ang labi niya"mahal na mahal din kita anak...."gumuhit ang ngiti sa maliit at manipis niyang labi saka mas isiniksik pa ang mukha sa dibdib ko.






Nang banayad na ang bawat paghinga niya hinaplos ko ang mukha niyang may mga marka parang mga tattoo. Halos buong katawan niya ay may mga marka, simula nung iniluwal ko si cassius sa mundong ito may mga marka na siya sa katawan niya. walang kahit na sino ang nakakaalam kung bakit may mga marka sa katawan ng anak ko.






They said my son was cursed by a black witch. Naniniwala naman ako dun kasi nung nagbubuntis palang ako kay cassius may isang matandang babae na nagpapakita sa paniginip ko. I don't know why she cursed my son.





Ako lang ang tanging babae na nakakahawak sa anak ko. dahil kung mayroong babae man ang hahawak sakanya mapatao man o hindi ay nasasaktan siya, sabi niya parang sinusunog ang katawan niya dahil sa sumpang bumabalot sakanya.





Ginawa na namin ang lahat para mawala ang sumpa pero walang kahit na sino ang kayang paalisin iyon.





Even though cassius has many tattoos, he is still very handsome. hinalikan ko ang noo niya at marahang hinehele.





Dahan-dahang kinuha ni rowan si cassius saakin"kailangan na nating umalis malapit ng maggabi"saad niya at lumapit kay thunder saka sumakay.






Tumayo nadin ako at sasakay na sana sa likuran ni rowan nang biglang may malakas na pagsabog kaming narinig. Nagsiliparan ang mga ibon at nagtatakbuhan ang mga hayop.






Bumaba si rowan sa kabayo at si cassius na gising narin at nanatiling nakasakay kay thunder habang nakakunot ang noo.






"Dito lang kayu titignan ko....."sabi ni rowan at lumipad.





I carried cassius and grabbed thunder's leash. nang bumalik si rowan nakita ko ang takot sa mukha niya na mas ikinakunot ng noo ko. "Bakit? Anong nangyari?"agad kong tanong nang bumaba siya sa harapan namin.





"Mga warlocks at black witch.....pinipilit nilang pumasok dito"tugon niya.





Napaigtad ako nang umulit pa ang malakas na pagsabog yumanig ang lupa at umaatungal ang mga hayop.





Hinawakan ko ang lupa at pinakalma kaya tumigil ito sa pagyanig. Nang tumayo ako at tinignan si rowan nakaawang ang labi niyang gulat na nakatingin saakin.





"Y-you can do that?"gulat niyang tanong.





Tumango ako"yes...I can"





"P-pero diba sabi mo--"





"Rowan.....walang kagubatan kung walang lupa. And I'm sorry for lying."saad ko.






Hindi ko lang talaga ginagawa ang kakayanan ko sa lupa kasi noong pinalindol ko ang lupa nasira ang kagubatan kaya hindi ko na ginawa ulit. that's also one of my abilities that I hide from abigor.






"You are really powerful"mahinang saad niya.






"Kailangan na nating makaalis bago pa sila makapasok dito"sabi ko habang lumalabas ang hamog at pinalilibutan kami pero nagulat ako nang pinipilit bumaba ni cassius sa pagkakarga ko sakanya kaya nabitawan ko siya.






"Cassius!"sigaw ko nang mabilis siyang tumakbo patungo sa mga nagpapasabok.






I immediately followed him and rowan was also following me. "Cas!"malakas kong sigaw nagsimula akong kabahan.




Natigilan ako sa pagtakbo nang makita ko si cassius na nakatayo sa harapan ng mga warlocks at black witch. Nakatingin silang lahat sa anak ko at nag-angat ng tingin saakin, ngumisi silang lahat saakin.




Hinila ko si cassius nang magsimula nanaman nilang sirain ang panangga hindi nakikita ng kagubatan.





Hinawakan ni rowan ang braso ko"halika na adalyn....baka masira nila ang panangga--"





"Teka....kung masisira nga nila, baka sirain nila ang kagubatan at patayin ang mga hayop dito"nag-aalala kong sabi.





"Adalyn....kung mananatili tayo dito baka mapahamak ka at si cassius"tugon naman ni rowan.





Nabaling ang tingin ko kay hugger na nasa likuran namin at nakatingin lang saakin, napabuntong hininga ako at hinarap si rowan"rowan mananatili ako dito....dalhin mo si cassius sisiguraduhin ko lang na hindi sila makakapasok dito--"





"Adalyn--"





"Sabihin mo kay ina ang nangyayari dito--"





"I won't leave you"diing sabi ni rowan.





"Pwede mo naman siyang iwan saakin..."nabaling ang mga tingin namin nang marinig ang tinig ni abigor.





He's smirking at me while wearing a black cloak. sobrang itim ng buong mata niya habang may nakakakilabot natingin.






"Kumusta kana adalyn?"tanong niya pa saakin.






"Ina siya yung babaeng laging nasa panaginip ko!"sabi ni cassius habang tinuturo ang katabi ni abigor na isang matandang babaeng nakangiti sa anak ko.




"Adalyn let's go!"sabi naman ni rowan at hinila kami.






Inilapat ni abigor ang palad niya sa panangga.






"Adalyn..."natatarantang sabi ni rowan.




Kahit masakit sa loob kong iwan ang kagubatan unti-unting sinakop ng hamog ko ang buong kagubatan....dadalhin ko ang lahat ng hayop sa kastilyo.





Napasinghap ako nang makapasok si abigor sa panangga at mabilis na nakapunta sa harapan ko saka ako sinakal. Siya lang ang tanging nakapasok sa panangga.



"Adalyn!"



"Ina!"




Lalapit sana sina rowan saakin pero pareho silang tumilapon....napadaing ako sa higpit ng kapit ni abigor sa leeg ko. Sobrang kapal na ng mga hamog sa paligid kaya alam kong walang makita si abigor kaya sobrang higpit ng kapit niya saakin para hindi niya ako mapakawalan.




"Mas mabilis ako kaysa sa hamog mo"bulong niya pa saakin.




Bumabaon ang mga kuko ko sa braso niya kahit masakit ang pagkakasakal niya sa leeg ko nagawa ko paring ngumisi"unti-untiin mo ang p-paghinga mo....kasi bawat h-hininga mo, hamog ko ang nasisinghot mo"





Napatawa lang ang demonyo"sa tingin mo mapapatay mo ako ng dahil lang sa hamog?"mapang-uyam niyang sabi.





"Hindi...d-dahil hindi ako ang nakatakdang pumatay sayo. Pero kaya kong ipagtanggol ang sarili ko sayo, kahit kailan hindi mo mananakaw ang kapangyarihan ko--"




"Walang kahit na sino ang nakatakdang papatay saakin. At hindi ka makakatakas saakin, akin lang ang kapangyarihan mo"diin niyang saad.




Napatingin ako kay cassius na may dalang kutsilyo at sobrang pula ng mga mata niya habang galit na galit na nakatitig kay abigor.





Maliban saakin pinapahintulutan ko na makakita ang anak ko kahit pa sobrang kapal ng hamog. Nang tumingin siya saakin umiling ako sakanya pero hindi siya nakinig mabilis siyang tumakbo patungo kay abigor.






I pushed abigor hard as I could nang makawala ako sa pagkakahawak ni abigor sinalubong ko si cassius at niyakap saka tumakbo palayo kay abigor.




We hid behind a big tree. Kumakawala pa sa pagkakahawak ko si cassius parang gusto niya talagang patayin si abigor.





Lumuhod ako para magpantay ang mga mukha namin sinapo ko ang maliit niyang mukha at tinignan ang mga mapupula niyang mata"baby listen to me--"






"He hurt you"diin niyang sabi.




"I'm okay.....now listen to me first, you need to stay here"





Agad naman siyang umiling at humigpit pa ang pagkakahawak niya sa patalim.





"Cassius please.....walang mangyayaring masama saakin pangako, babalik ako dito basta't dito kalang anak"pagsusumamo ko sakanya, sana makinig siya saakin.





Ilang minuto niya pa akong tinitigan bago yumuko at marahang tumango. Napangiti naman ako at hinalikan ang ulo niya"good boy..."





Tumayo ako at inilahad ang palad ko maraming dumapo na mga paruparo at ilang segundo lang nang lumipad na sila agad. 'Sana mabilis makarating sina ina dito'





Nang mahanap ko si abigor nanlaki ang mga mata ko nang hawak niya na ang pugot na ulo ni rowan. Napasapo ako sa bibig ko, umagos ang mga luha ko at nanginginig ang buong katawan ko.





Sinasalod pa ng palad ni abigor ang dugong nagmumula sa ulo ni rowan....natigilan lang siya nang marinig ang mga hikbi ko.




Mas napangisi pa si abigor at bahagyang inangat ang ulo ni rowan"napakahina ng asawa mo!"sigaw niya sabay tawa.




Napaigtad ako nang itinapon niya lang ng basta-basta ang ulo ni rowan."pagbabayaran mo ang ginawa mo!"galit kong sigaw.





Napasinghap ako nang nasaharapan ko na siya pero bago niya ako mahawakan lumipad na ako sa itaas ng puno at agad na pinulupot ang buong katawan niya ng mga baging na may mga lasong tinik.





Naririnig ko pa ang mga daing niya pero bago niya pa nawasak ang mga baging may mga maliliit na ugat ng pumasok sa mga mata at tenga niya na ikinasigaw niya.




Bumaba ako sa lupa habang patuloy na umaagos ang mga luha ko.....nakaluhod si abigor habang sumisigaw, ilang segundo lang nang mayhawak na akong baging sa magkabila kong kamay at tumubo ang mga matutulis na tinik.




I whipped it to him and he groaned but when I whipped it to him again he grabbed the vine. Nagulat ako ng mabilis niyang hinila ang baging hindi iniinda ang mga tinik na tumusok sa mga kamay niya.





Nang bumangga ang katawan ko sakanya napasinghap ako nang maramdaman ang pagbaon ng matalim na bakal sa tiyan ko.





"Pasalamat ka at hindi pa kita pwedeng patayin"galit niyang sabi at mas ibinaon pa ang patalim sa tiyan ko na ikinadaing ko.





Pinagalaw ko ang isang baging na hindi niya hawak, gumalaw ito na parang ahas pero matalim kaya mabilis itong lumusot sa tiyan ni abigor sabay sipa ko sakanya maya tumilapon at tumama siya sa puno.




Napaupo ako sa damuhan at hinawakana ng patalim na nakabaon sa tiyan ko. napakagat ako sa labi ko habang unti-unti ko iyong tinatanggal. habol ko ang hininga ko nang tuluyan ko iyong natanggal.





"Shit"mura ko nang umitim ang sugat ko at unti-unti iyong gumagapang sa buong katawan ko.





Mawawalan ako ng malay pag tuluyan akong nilamon ng lason. Tumayo ako at maglalakad na sana ako papuntahan sa anak ko pero hinakawan ako ng mahigpit sa buhok ni abigor at may isinaksak ulit na patalim sa tiyan ko.





Naglaho ang hamog sa paligid nang dahil sa panghihina ko nilalabanan ko ang antok nanararamdaman ko. Napatingala ako kay abigor nakangiti siyang parang baliw saakin kahit may butas ang tiyan niya.





Alam kong nanghihina siya pero mas nalalabanan niya iyon dahil mas malakas siya kaysa saakin.




Napaigtad si abigor pati ako nang lumusot nalang bigla ang talim ng espada sa puso niya, muntik pa akong matamaan sa mukha.





Napaluhod si abigor kaya napaatras ako, lumabas ang dugo sa bibig ni abigor. "I-ina...."nanghihina kong banggit nang makita kong si ina ang sumaksak kay abigor.




Nilapitan ako ni ina nasa mukha niya ang pag-aalala, sinapo niya ang mukha ko at nanlalaki ang mga mata niyang tinignan ang mga sugat ko."hayop ka talaga abigor!"galit niyang sigaw kay abigor.




Bigla akong kinilabutan nang tumawa na parang demonyo si abigor"mabuti naman at lumabas kana sa lungga mo....mahal ko"nakangisi siya nang tiningala si ina.




Kahit sobrang sakit na ng mga sugat ko nagawa ko pang magtaka sa tinawag niya kay ina.




Tumayo si abigor na may ngisi sa labi"nakalimutan mo nabang patay na ang puso ko?"tanong niya kay ina.





Nakayakap si ina saakin na sinusuportahan ako sa pagtayo ko kaya ramdam ko ang panginginig niya sa galit habang masama ang tingin niya kay abigor.





"Hindi ka parin nagbabago mahal ko.....napaka ganda mo parin"sambit ni abigor.





Nabaling ang tingin ko sa mga black witch at warlocks mula sa malayo nakikita ko silang naglalaban nakita ko sina menerva at kahit nanlalabo na ang paningin ko alam naaninag ko ang mga megàli gàta na nilalabanan din ang mga black witch.




Nakaawang ang labi ko at nakakunot ang noo ko madaming tanong ang pumapasok sa isip ko.





Nabaling ang atensyon ko kay abigor nang naglakad siya patungo kay ina akmang hahawakan niya si ina nang bigla siyang tumilapon.






"Huwag mong hahawakan ang kapatid ko!"nabiling ang tingin namin nang makita namin si amoria na galit na galit ang tingin kay abigor.






Napaluha na ako hindi ko na kaya.....unti-unti ng bumibigat ang talukap ng mga mata ko.






Biglang tumayo si abigor na akala mo'y walang butas ang tiyan, nanlilisik sa galit ang mga mata niya nagpakawala siya ng malakas na puwersa kaya tumilapon kaming tatlo at nagkahiwalay kami ni ina.





Pinilit kong tumayo pero hindi ko kinaya lumapit si ina saakin"adalyn!"nag-aalala niyang tawag saakin.





"I-ina.....si c-cassius, kunin niyo anak ko"saad ko bago ako pumikit.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro