Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 26

                                  ADA

Nagising ako na nasa silid na ako at nakahiga sa kama. hindi ko alam kung ilang oras ko ng tinitigan kisame habang tumutulo ang mga luha sa mga mata ko.



'Ang sakit, sobrang sakit'




Kinuha nila ang pamilya ko saakin pati ang lalaking mahal ko na akala ko ay mahal din ako ay pinaglaruan lang pala ako.



Hindi ko na malayang niloloko niya lang pala ako, masakit maloko lalo na kung ang nanloko sayo ay sineryoso mo.




Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari saakin, siguro ay sinusumpa ako ng bathala pinaparusahan niya ako ng walang katapusan.




Someone knocked, but I ignored it when the door opened I felt rowan's presence. mula sa gilid ng mata ko paika-ika siyang umupo  sa gilid ng kama at tumitig lang saakin.





Nanatili ang tingin ko sa kisame habang hinahaplos ko ang tiyan ko. hindi ako umimik nang marahang hinawakan ni rowan ang kamay kong nakapatong sa tiyan ko.




"Is your stomach still hurt? are you thirsty?"he asked in melodious tone.





Hindi ko siya sinagot at patuloy lang na tumutulo ang luha ko. I wish rowan was the one I loved so I wouldn't have been hurt like this.  even though he knows that I love someone else and that I am pregnant by another man, I feel that his feelings for me have not changed. hindi sana aabot sa ganito ang sitwasyon ko ngayon.




I felt he move a little closer to me, hinaplos niya ang mga luha sa gilid ng mga mata ko"don't cry for the ones don't deserve your tears"he said kissing my cheek.




My swollen eyes stared into his eyes"what if I say.....I still love him despite what he did to me?"




His jaw moved"you're stupid if you keep loving him..."





Mapait akong napangiti at bumangon saka umupo"I h-hate him, hinding-hindi ko siya mapapatawad...."humihikbing sabi ko.





"Looks like that idiot has no plans to apologize.  "marahang hinaplos ni rowan ang pisngi ko"he really don't deserve you...."




Sinapo ko ang tiyan ko nang kumirot iyon bigla nabadaing ako sa sakit"s-si ina?"tanong ko.




"Maayos na ang kalagayan niya pero hindi pa siya nagkakaroon ng malay....."sagot ni rowan.




"Ikaw?"



"Kamuntikan na akong mamatay kagabi, binalian niya ako ng mga buto saka marami akong mga sugat na natamo sa mga kuko niya. may dugong bughaw kasi kaya mas masyado siyang malakas kaysa saakin"saad niya.





Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinalikan ko ang noo niya kasabay nun ang pagpapagaling ko sa mga nabaling buto niya. nang humiwalay ako nakita ko ang pagngiti ng labi niya.




"Hmm...ang sarap naman, isa pa nga. dito"itinuro niya ang pisngi niya at hinalikan ko naman"dito din.."




Itinuro niya naman ngayon ang labi niya kaya inirapan ko lang siya.





Napatawa naman siya ng mahina"ganyan nga....mas gusto ko yung maldita na adalyn kaysa sa iyakin na adalyn"





Tipid akong ngumiti"rowan?..."





Ngumiti siya saakin at masuyong hinalikan ang noo ko"hmm?..."





"Gusto kong puntahan si ina....samahan mo ako?"





Bahagyang ginulo ni rowan ang buhok ko"oo naman....kahit saan ka magpunta nakabuntot ako sayo"sabi niya saka umalis sa kama at bigla nalang akong binuhat.





Napayakap ang mga braso ko sa leeg niya"hindi naman ako pilay para buhatin mo pa..."sambit ko.




"Ano ka ba, syempre namiss ko buhatin baby ko noh"





Napailing nalang ako at isinandal ang ulo ko sa dibdib niya....."ikaw lang ata hindi galit saakin"sabi ko habang nagtutungo kami sa silid ni ina.





Sinulyapan ako saglit ni rowan saka ngumiti"syempre magagalit ako kung sasama ka kay luka, pero mabuti nalang....hindi ka niya isinama"




Tipid nalang akong ngumiti.

















Nang pumasok kami sa silid nadatnan namin si ayvah na nasa gilid ng kama at nakatitig lang kay ina alam kong alam niya na nandito kami pero hindi niya kami nilingon.





Ibinaba ako ni rowan saka ako naglakad palapit kay ayvah pero bigla siyang tumayo at sinadyang banggain ang braso ko saka siya lumabas.




Napapikit nalang ako sa sama ng loob. sinisisi niya ako sa nangyari kay ina. galit ako kay ina pero naiintindihan ko ang mga ginawa niya, mas sobra ang galit ko kay luka.




Umupo ako sa gilid ng kama at tinitigan si ina.....walang kahit anong galos sa mukha niya o sa leeg man niya para lang siyang mahimbing na natutulog na may banayad na paghinga.



Marahan kong hinawakan ang kamay niya nag-iinit ang mga mata ko"I-ina....patawad, patawad kasi h-hindi ako nakinig sayo"



Ipinatong ko ang ulo ko sa tiyan niya habang tumutulo ang mga luha ko.....ilang minuto nang biglang hinaplos ni ina ang buhok ko, napabangon ako at tumingin sa mukha niya.



Nakangiti ang maputla niyang labi habang nakapikit parin ang mga mata niya"ayaw kong naiiwan....huwag mo akong iwan adalyn, huwag niyo akong iwan"mahinang sabi niya bago iminulat ang mga mata at tumitig sa mga mata ko.




I just nodded and kiss the back of her hand.





She raised her hand and wiped my damp cheek"huwag kang umiyak ng dahil lang sa lalaking iyon. maging matapang ka kagaya ng dati"



Huminga ako ng malalim saka marahang ibinuga"h-how about my child? kukunin mo parin ba siya saakin?"




"Anong gusto mo?"seryuso niyang tanong.




"Gusto kong mabuhay siya kasama ko, nananalaytay din ang dugo ko sakanya--"




"Pero nananalaytay din sa dugo ng batang iyan ang lalaking sinaktan at niluko kalang--"




"Wala akong pakialam ina....dahil wala naman siyang pakialam at wala na din akong pakialam sakanya"diin kong sabi habang nakakuyom ang mga kamao ko.




"Kung ganun papayag ako sa gusto mo....papayag akong makasama mo ang anak mo"




Napatanga ako"t-talaga?"




Tumango si ina"pero sa isang kundisyon"sabi niya na nagpatigil saakin.





"Ano?"




Tumingin si ina sa likuran ko kung saan si rowan saka ulit ibinaling saakin ang tingin"gusto kong pakasalan mo si rowan..."





Bahagyang napaawang ang labi ko.





"A-ano? p-pero inang reyna--"





"Papayag kaba adalyn?"pagpuputol ni ina kay rowan.





"Syempre po papayag si adalyn buhay ng anak niya nakasalalay inang reyna...p-pero hindi niyo naman po dapat ipagpilitan ang isang babae na mapipilitan lang magpakasal--"





"Kung hindi mo gusto rowan sa iba ko nalang ipapakasal ang anak ko--"





"Syempre po gusto inang reyna....p-pero ayaw ko namang pilitin si adalyn--"





"Papayag ako ina..."saad ko.





"A-ano?"gulat na tanong ni rowan.





Nilingon ko siya at tipid na nginitian"papayag akong magpakasal sayo...."





Nakaawang lang ang labi niyang nakatitig saakin.






Nang nagpaalam na kami kay ina nagpasama ako kay rowan patungo kung saan si thunder, sobrang na mi-miss ko na ang kabayong iyon.





Tumatalon pa sa tuwa si thunder nang makita akong palapit sakanya at iniikotan niya ako.....humingi ako ng mansanas sa isang batang babae na dumaan na may dalang basket.




"Salamat.....anong pangalan mo?"tanong ko sa bata nang binigyan niya ako ng tatlong mansanas.



Magiliw na ngumiti ang bata"dieyen po..."



Ngumiti ako"salamat dieyen..."




Tumango ang bata"alam niyo po ate ada....ang ganda ganda niyo kaso makakalimutin kayo"ngumuso naman siya.




"Bakit?..."





"Dati po ako yung bata na palagi ninyo hinihingian ng mga mansanas para kay thunder tapos paulit-ulit niyo po tinatanong pangalan ko hindi niyo inaalala. mabuti nalang maganda kayo ulyanin ngalang"humagikhik ang bata saka nagpaalam na saamin.




Napailing nalang ako at itinapon ang isang mansanas kay thunder na agad namang nasalo ng bunganga niya.




Nahagip ng mga mata ko si menerva na naglalakad patungo sa gawi ko.......nagtagis ang ngipin ko hindi ko namamalimutan ang ginawa niya sa uso ko.




Mahinang natawa si menerva nang makita ang nadudurog na mansanas sa kamay ko"kumalma ka nga adalyn...wala akong ginawang kasalanan sayo--"




"Pinatay mo si hugger at ang ibang hayop"diing sabi ko.





Napailing naman si menerva"walang kahit na isang hayop sa kagubatan mo ang namatay o nasaktan"





Kumunot ang noo ko"anong ibig mong sabihin?"




"Hindi totoong pinatay namin ang mga hayop kaya huwag ka ng mag plano na patayin ako"sabi niya saka kami iniwan.





Napabuntong hininga ako at hinaplos ang ulo ni thunder. nilingon ko sa likuran si rowan na kanina pa tahimik at parang ang lalim ng iniisip.




"Ang lalim ata ng iniisip mo?"sabi ko.




Napatingin naman siya saakin"iniisip ko na pumayag ka lang mag pakasal saakin para sa kaligtasan ng anak mo."





Nilapitan ko siya at hinawakan ang mga kamay niya"hindi lang dahil sa anak ko kundi para din sa sarili ko....."




Malawak na ngumiti si rowan"pangarap ko dati pa na maging asawa kita....at ngayon ay matutupad"namumula ang mata niya pati ang tenga niya.




Mahigpit ko siyang niyakap"matatangap mo ba ang magiging anak ko?"







Tinugunan niya ang yakap ko at masuyong hinalikan ang ulo"tatanggapin at mamahalin ko lalo pa't sayo nanggaling. mahal na mahal kita adalyn."





Napangiti at napaluha ako sa sinabi niya 'hindi man sa ngayon, pero alam kong matututunan kung mahalin si rowan higit pa sa kaibigan.'

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro