CHAPTER 23
ADALYN
Gulat na gulat ang isang màgissa habang nakahawak parin sa tiyan ko. I shove her hands away, napatingin ako kay ina na gulat parin ang reaksyon sa sobrang gulat nabitawan niya ang kamay ko at napapaatras.
"I-ina"
She was shaking her head"t-totoo ba?"
"Ina makinig kayo saakin--"napasinghap ako nang bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang leeg ko.
"Sabihin mo totoo ba!?"galit niyang sigaw.
Napaubo ako sa higpit ng hawak niya sa leeg ko dumidiin ang matatalim niyang kuko. "I-ina"nauutal kong sambit.
"Ina! bitawan mo siya hindi na nakakahinga si adalyn!"sigaw ni paisley at lalapit sana saamin nang pigilan siya ni ina.
"Huwag kang makikialam!"pagtuturo niya kay paisley at marahas akong binitawan ni ina kaya napahiga ako habang umuubo.
"Rowan!"pagbabanta ni ina nang lalapit sana si rowan saakin.
Napapikit ako ng mariin saka ako tumayo at hinarap si ina na kulang nalang umapoy na sa galit. "Oo ina......buntis ako!"pag-aamin ko habang tumutulo ang luha ko.
Umiiling si ina habang lumuluha ang mga mata niya"hindi totoo yan"mahina niyang sambit.
"Totoo ina......buntis ako at isang megàli gàta ang ipinagbubuntis ko. alam niyo ang higit padoon!? si prinsipe lukariah, ang pangalawang anak ni reyna amoria ang ama nitong dinadala ko--"
"Tumahimik kana!"bumibilis ang paghinga ni ina, nagpipigil siya ng galit nanginginig ang mga kamao niyang nakakuyom.
"Anong pinagsasabi mo!?"sigaw saakin ni ayvah habang umiiyak.
Biglang naglakad palapit saakin si ina habang nanlilisik sa galit ang mga mata niya "Isa kang taksil!" sigaw niya pero bago makalapit saakin may biglang tumalon sa harapan ko ang maliit na kuneho.
Napaatras naman si ina nagulat kaming lahat nang biglang nag-anyong kulay puting leon. gulat na gulat din ako dahil ang maliit na kuneho ay bigla nalang naging leon.
Galit ang leon na umaatungal kay ina parang pinoprotektahan niya ako. napatingin ako kay ina seryuso ang mukha niyang nakatingin sa leon ilang minuto lang nang may mahikang lumalabas sa katawan ni ina at bumuo ng isang kulay puting tigre.
Nagulat ako nang sinakmal ng tigre ang leon. naglaban ang dalawang mababangis na hayop akmang tutulungan ko ang leon nang may humila ng malakas sa braso ko.
Hinahatak ako ni ina pinipilit ko siyang tinatawag pero wala siyang imik hanggang sa marahas niya akong ipinasok sa silid ni ina."Ina--"napasinghap ako nang malakas niya akong sinampal.
Umulit pa iyong ng ilang beses saka niya hinila ang buhok ko habang ang isa niyang kamay ay nasa leeg ko. inilapit niya ang mukha niya saakin"bakit!? bakit!?"paninigaw niya saakin saka ako binitawan.
"Patawarin niyo ako--"
"Hindi ko akalaing magagawa mo ito saakin."
Tinignan ko siya sa mga mata"hindi ko din inakalang lahat ng mga ikinuwento mo saamin tungkol kay amoria ay isang malaking kasinungalingan lang pala! Isa kang sinungaling ina! hindi masama ang reyna kagaya ng mga sinasabi mo. mas malala pa ang kasamaan mo kay abigor!"
Napadaing ako nang malakas akong tumilapon at tumama ang likod ko sa pader nang may malakas na puwersang tumama sa katawan ko.
"Nalason na nila ang utak mo adalyn! yang anak ni amoria hindi ka niya mahal! niloloko kalang niya--"
"Ikaw ang manloloko!"paninigaw ko sakanya habang nakaupo na sa sahig.
She maintained to stare daggers at me may mahikang lumalabas sa katawan niya parang isang usok at gumagapang iyon patungo saakin.
Lumuluha akong tumitig kay ina"bakit pati kami....dinadamay sa galit niyo. bakit hindi niyo nalang kami hinahayaang maging masaya"
Tumitig lang siya saakin ng walang emosyon. nanghihina akong tumayo pero nanginginig ang tuhod ko kaya napahiga ulit ako sa sahig. unti-unting pumikit ang talukap ng mga mata ko hanggang sa mawalan ako ng malay.
Nang magising ako madilim ang paligid ko nasa kulungan ako at mahigpit ang mga kadena na nakatali sa mga kamay ko. kinakalampag ko ang mga kadena natigilan lang ako nang makita sa labas ng kulungan ko si rowan na may dalang sulo.
We stared at each other for a few minutes, this is the first time I've seen his face without any emotion. Pumasok siya at lumapit saakin he squatted and looked me in the eyes. "you did this to your mother for what reason?"he asked.
I smiled"I love him...."
Napangiti ng mapait si rowan at napayuko nakita kong may tumulong luha sa sahig.
"Rowan....I'm sorry--"
"Why are you saying sorry?"nag-angat siya ng tingin saakin.
Tumulo ang luha sa mata ko"galit ka din ba saakin?"
He smiled faintly"may karapatan ba akong magalit?.........sa bagay mayron, kasi kaibigan mo ako diba? kaibigan mo lang ako at naglihim ka."
"Sorry--"
"Adalyn.....alam kong alam mong mahal kita dati palang. mahal kita hindi bilang isang kaibigan kundi higit pa dun."
I saw the tears on Rowan's cheeks, I could see that he was very hurt. mahal ko si rowan bilang isang kaibigan para ko na nga siyang kapatid at hindi na hihigit pa doon ang nararamdaman ko para sakanya.
Mapaklang tumawa si rowan"minamahal kita ng sobra at alam mo yan. lagi kong pinapakita sayo kung gano kita pinahahalagahan, pero parang balewala lang sayo dahil 'yun pala ..... mas binigyan mo ng halaga ang iba"
Umiiling ako habang umiiyak"mahal kita...pero bilang isang kaibigan lang, patawarin mo ako kung hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo."
Tumayo si rowan at tumalikod pero hindi siya naglakad palabas at nanatiling nakatayo at nagsalita"bakit siya pa? sana ako nalang....."
Nang maglakad si rowan paalis nanlulumo akong napaiyak hanggang sa mapagod ako at nakatingin sa kawalan habang nakaluhod lang.
Hindi ako nag-angat ng tingin nang pumasok si ina sa kulungan at tumayo sa harapan ko"nasasaktan ako.....kasi parang umulit lang ang nangyari noon, pero para akong mamamatay sa sakit ngayon kasi mas malala. dahil dalawang anak ko ay nagawa akong pagtaksilan."
Nanatili akong nakayuko. mas lumapit pa si ina saakin at lumuhod para magkapantay ang mga mukha namin. tumingin ako sakanya at nasasaktan ako nang makita ko mga luha niya.
"Bakit adalyn? pati ba naman ikaw? Iiwan mo rin ba ako?"
Umiling ako"nangako kami ng mga kapatid ko na hindi ka namin iiwan. hindi kita tinalikuran kaya ako nanatili dito.....at hindi karin tinalikuran ng kapatid mo ina, naniniwala siyang magbabago ka at mahal ka niya--"
Bigla niya akong itinulak"kasinungalingan!"tumayo siya at mahigpit na hinawakan ang braso ko"hinding-hindi ako papayag na makuha ka nila saakin!"sigaw niya.
"Bakit!? gagawin mo ulit ang ginawa mo noon kay paisley saakin!?"
Ngumisi saakin si ina"malala pa ang gagawin ko sayo."
Hinawakan niya ang kadenang nakaposas saakin ilang segundo nang maramdaman ko ang init hanggang sa sobrang init na na parang naluluto na ang balat ko kaya napapasigaw ako ng malakas ng dahil sa sakit"ahhhh!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro