CHAPTER 22
ADALYN
Napadaing ako nang maramandaman kong parang may tumatalon sa tiyan ko. malalim na ang gabi at malamig pa ang simoy ng hangin. napamulat ako at napatingin sa tiyan ko, napaupo ako sa gulat nang makita ko ang maliit na kuneho.
Inilahad ko ang dalawang palad ko at agad naman siyang tumalon para makapatong."anong ginagawa mo dito? pano ka nakapunta dito?"tanong ko sakanya.
She's just blinking her eyes and her nose wiggling while looking at me.....kinikiskis niya ang mukha niya sa palad ko saka siya humiga at ilang minuto lang nang makatulog siya at mahinang humihilik.
Mukhang napagod siya sa pagpunta dito. marahan ko siyang inihiga sa kama at saka ako bumalik sa paghiga. Ilang minuto ko pang tinitigan ang kisame habang panay ang lunok ko kanina pa ako uhaw na uhaw pero nadadala lang naman nun sa tulog.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang may marinig akong katok sa pintuan.
Napabuntong hininga ako saka tumayo at padabog na binuksan ang pintuan. nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang labi ko nang makita ko si lukariah. agad ko siyang hinila papasok at sinirado ang pinto.
"Anong ginagawa mo dito?"kunot noo kong tanong sakanya.
"Bakit masama kabang puntahan?"tanong niya rin saakin.
"Luka hindi ka pwedeng basta basta nalang pumapasok dito sa kastilyo."
Nagsalubong naman ang kilay niya"bakit hindi? E nandito yung mag-ina ko"saad niya saka nagpunta sa kama ko.
Napahilamos ako sa mukha ng dahil sa inis. napatingin ako kay lukariah, hinahaplos niya ang maliit na ulo ng kuneho"did you bring her here?"tanong ko sakanya saka umupo sa tabi niya.
Umiling naman siya"no.....maybe she just miss u that is why she's here. malakas ang pang-amoy niya kaya naamoy niya ang baho mo kahit saan ka magpunta--"
Malakas kong tinampal ang braso niya na ikinatawa lang niya saka siya humarap saakin at ibinigay ang basket"ano yan?"
"Tsk. basket....obviously"
Masama ko siyang tinignan saka kinuha ang basket tinignan ko ang laman nun saka ko nakita ang maraming mga prutas.
"Be healthy so eat a lot."
I pouted"I'm not hungry.... I'm thirsty"
He just nodded"ok..."may kinuha siyang maliit na kutsilyo sa gilid niya at sinugatan niya ang braso niya.
Nang lumabas na ang mga dugo dinilaan ko iyon at marahang sinisipsip ninanamnam ko ang sarap sa bawat lunok ko. kailanman hindi ko inakalang magiging masarap sa panlasa ko ang dugo.
Nang mawala na ang pagka-uhaw ko saka ako tumigil at nginitian si luka"thank you..."
Ngumiti rin siya saakin saka pinunasan ang gilid ng labi ko"anything for you...."
Hinawakan ko ang braso niya saka pinaghilom ang sugat."it taste so good"saad ko.
"I was wondering what my blood taste."sabi niya saka ako hinalikan sa labi.
I closed my eyes and feel his soft lips. he was kissing me passionately. nakahawak ang isang kamay niya sa batok ko habang ang isa niya pang kamay ay nakahawak sa beywang ko while my two hands holding his broad shoulder.
He was nibbling my lower lip mahina akong dumadaing hanggang sa umabot siya sa leeg ko kakahalik. marahan ko siyang itinulak baka makalimutan ko na may maliit na kunehong natutulog sa kama.
"Kailangan mo ng umalis. pakisabi narin kina benza at enzo na huwag munang lumalabas sa kung saan kasi masyadong silang delekado lalo pa't si ina ang makakakita sa kanila"sabi ko.
Napabuntong hininga si luka"hindi ako nakakatulog ng mahimbing dahil nandito ka sa poder ni clavinia--"
"Luka....please pinag-usapan na natin ito. sige na umalis kana"
Napilitan nalang siyang tumango saka ako hinalikan uli sa labi at tiyan bago siya tumayo"pinapasabi pala ni ina na mag-iingat ka parati"sabi niya pa na ikinatayo ko.
"Huh?.....uhmm m-may itatanong sana ako"nahihiya kong sabi.
"Ano yun?"
"Hindi ba siya nagalit sayo?"
Kumunot naman ang noo niya"bakit naman siya magagalit saakin?"
"Kasi.....b-binuntis mo ako? binuntis mo yung isang katulad ko."mahaning sambit ko.
Ngumiti naman si luka at lumapit saakin at niyakap....."masaya pa nga si ina nang malaman niyang mahal kita at patay na patay ka saakin"
Kinurot ko ang tagiliran niya na ikinatawa niya lang.
Sinapo niya ang mukha ko at seryusong tinignan"nangangamba si ina sa kaligtasan mo. pati ako, hindi mapakali araw-araw ng hindi kita nakikitang ligtas."
Ngumiti lang ako saka siya hinalikan sa labi ng mabilis"alis kana baka may biglang dumating".
Mahigpit uli akong niyakap ni luka"mag-iingat ka parati....."tumango lang ako saka siya pumunta sa bintana at tumalon palabas.
Humiga ako sa kama at napabuntong hininga. alam kong magiging delikado para saamin ng magiging anak ko ang manatili dito sa kastilyo ni ina pero ayaw kong iwan nalang basta basta si ina. isa pa hindi ko pa kayang harapin ang lahat ng mga kasalanan ko kay reyna amoria at sa iba pa.
Nang magising ako tirik na ang araw bumangon ako sa kama at tinignan ang maliit na kuneho na nasa gilid ko. gising na siya at nakatingin lang saakin.
Inilahad ko ang palad ko para makapatong siya doon saka kami lumabas sa kwarto. agahan ngayon at siguradong kumakain na sila ngayon. napahinto ako sa paglalakad nang tumalon pababa si baby bun.
"Bakit? Ayaw mong sumama?"umupo ako at hinaplos ang ulo niya.
She's just wiggling her nose."O sige maglibot ka muna basta huwag kang lalayu"sabi ko saka tumayo at nagtungo kung saan ang silid-kainan.
Kumakain na nga ang lahat kaso masyadong tahimik tanging kubyertos lang ang maririnig. umupo ako sa tabi ni paisley na tahimik lang din kumakain.
Napatingin ako sa harapan ko kung saan nakaupo si menerva. napakunot noo ako sakanya kasi nakatitig lang siya saakin habang may masamang tingin.
'Anong problema nitong babaeng toh?'
"Bakit menerva? may problema ba--"napatigil ako at napasinghap nang mabilis niya akong tinapunan ng matalim na kutsilyo mabuti nalang naiwasan ko.
Napatigil din ang iba"anong problema mo menerva!?"galit kong sabi sabay tayo at hampas sa mesa.
Mas kumunot ang noo ko dahil naka ngisi lang siyang nakatingin sa braso ko kaya napatingin ako sa braso ko at nagulat nang makitang tumutulo ang dugo doon. nadaplisan pala ako.
Ilang minuto lang nang maghilom ang sugat ko. agad kong kinuha ang puting panyo sa mesa at pupunasan sana ang dugo na natira sa braso ko nang may biglang humawak sa kamay ko.
Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong si ina ang humawak ng kamay ko. nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa braso ko humihigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"I-ina...."kinakabahan kong anas.
Umiiling siya"nagkakamali lang ba ako ng pang-amoy?"aniya.
Lumapit din ang ibang màgissa at salamangkero saamin kita din sa kanilang mukha ang gulat habang nakatingin sa braso kong may dugo.
Akmang hahawakan ng isang màgissa ang tiyan ko pero mabilis ko iyong sampilungin"ano ba!?"galit kong sabi at binaling ang tingin kay menerva.
Nakangisi parin siya saakin at marahang tumayo sa upuan nagulat ako nang bigla siyang nag-iba ng anyo. 'Si amani!? nagpapangap siyang si menerva!? walang nakapansin sa pag-iba ng anyo ni menerva dahil nasaakin lahat ng atensyon.
"Buntis ka nga."biglang sambit ng isang màgissa na hindi ko namalayang nakahawak na pala sa tiyan ko"isang m-megàli gàta ang pinagbubuntis niya"napasinghap lahat sa sinabi ng matandang màgissa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro