CHAPTER 20
ADA
Nakaawang ang labi ko sa gulat parang may kung anong tumusok sa puso ko nang makita ko ang posisyon nilang dalawa kanina at naka hubad baro pa si luka. sabay silang napatingin saakin nanlaki ang mga mata ni luka at agad na umalis sa kama.
"A-ada?....what are you doing here?"kunot noo niyang tanong.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang galit ko....nagdidilim paningin ko.
"Wala.....napadaan lang ako"tugon ko.
Tumalikod na ako at maglalakad na sana paalis nang hawakan ni luka ang braso ko"ada--"binawi ko ang braso ko saka siya marahas na hinarap.
"Huwag mo akong ma ada! ada! manloloko!"paninigaw ko sakanya saka ako ulit tumalikod.
Hindi pa ako nakakatatlong hakbang nang hawakan na naman ni luka ang pulsohan ko "adalyn!"
"What!?"masama ko siyang tinignan.
"What you saw is just--"
"I don't care!"I cut him off."tara na benza!"pagtatawag ko kay benza na nakatunganga lang sa tabi.
"Luka? w-what is happening here?"nabaling ang matatalim na tingin ko sa likuran ni luka nang magsalita si amani.
"Ada can you please just listen to me first?"sabi ni lukariah na binalewala lang si amani parang gusto niya talagang magpaliwanag saakin.
I shove lukariahs hand and I quickly approached amani then slapped her hard. agad naman akong hinila sa beywang ni luka para pigilan "that happens you bitch!"pagmumura ko kay amani na galit na galit na saakin.
"Amani stop it"pagbabantang sabi ni luka kay amani kasi umaapoy na ang mga kamay niya sa galit.
"Siya ba ang sinasabi mong babaeng mahal mo lukariah?"tanong ni amani na parang naluluha na "bakit siya luka!?"paninigaw pa ng babaeng malandi.
"Why not?"tugon naman ni luka.
Mas lalo yatang nagalit si amani kaya nanlaki ang mga mata ko nang nagtapon siya ng bolang umaapoy. agad naman akong iniwas ni luka at dahil nakayakap siya saakin sa likuran, siya ang natamaan sa likod.
Dumaing sa sakit si lukariah at napaluhod."fuck!"
Nataranta naman akong tinignan ang sugat niya hahawakan ko na sana ang sugat niya para pagalingin nang biglang dumating ang ibang prinsipe at ang reyna.
Hinila naman ako ni benza palayo kay luka nang nilapitan ng reyna si luka....napatingin ako sa paligid at nagulat akong maraming mga màgissa at megàli gàta na nasa paligid.
"A-ada please let me explain"sabi ni luka kahit nahihirapan na. parang wala siyang pakialam kahit nandito ang ina niya at ang iba pa basta't makapag paliwanag lang siya saakin.
Napalunok ako nang tumingin silang lahat saakin pati ang reyna. napaawang ang mga labi ng mga prinsipe nang makilala ako pati na ang iba.
Nagkatitigan kami ng reyna hindi ko mabasa ang emosyon sakanyang mga mata. naglakad siya palapit saamin ni benza, yumuko naman ng bahagya si benza"magandang gabi mahal na reyna"magalang niyang sambit.
Hindi naman ako gumalaw ni pagyuko hindi ko ginawa.
"Benza....ano iyong sadya dito?"tanong ng reyna habang nakatitig padin saakin.
"May nais po akong sabihin sainyu mahal na reyna....."sabi ni benza na ikinalingon ko sakanya.
Tumingin saakin si benza na parang humihingi ng tawad."benza..."pagbabanta kong sabi.
Alam ko ang balak niyang sabihin, sasabihin niyang buntis ako.
"Adalyn.....para din to sa kaligtasan ninyo"sabi pa ni benza at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
Umiiling ako....hindi ako tatangapin dito, hindi nila ako matatangap pati magiging anak ko hindi nila matatangap isa pa ayaw kong iwan si ina kahit ganun ang pag-uugali niya mahal ko si inang clavinia.
Umiling ako sakanya"benza--"
"Buntis si adalyn mahal na reyna, at si prinsipe lukariah ang ama ng dinadala niya"pagsasalita niya na ikinatahimik nilang lahat.
Marahas kong binitawan ang kamay ni benza at masama siyang tinignan saka mabilis na naglakad palabas tinatawag pa niya ako pero nang makakita ako ng bintana agad ko iyong tinalon.
Someone was chasing me but I escaped them all.....siguro inutusan sila ng reyna na ipahabol ako.
Umaga na nang bumalik ako sa kastilyo ni ina. pinadiretso naman ako ni menerva kung saan ang silid ni ina. I'm nervous.
"Ina?"pagtawag ko nang binuksan ko ang pintuan ng kwarto niya.
"Pasok ka...."malamig niyang sabi nakaupo siya sa gilid ng malapad na kama habang seryusong nakatingin saakin.
I walked over to her then knelt down and kissed the back of her hand.
"Alin sa ayaw ko ang hindi mo maintindihan adalyn?"
Napayuko ako"patawad ina pangako hindi na mauulit ang pagtakas ko"
Napabuntong hininga si ina saka hinaplos ang buhok ko"bakit pakiramdam ko hindi mo matutupad ang pangakong iyan?"
Tiningala ko siya"Ina......ang sabi niyo mahal na mahal niyo kami nina paisley at ayvah kahit hindi niyo kami tunay na anak."pag-ibaba ko.
Ngumiti si ina"sobra ko kayong mahal"hinalikan niya ang noo ko.
"P-pero bakit ninyu nagawa noon kay paisley iyon ina? bakit hindi niyo siya hinayaang maging masaya?"
Nawala ang ngiti sa labi ni ina saka natahimik ng ilang minuto."ayaw kong pati kayo ay kunin saakin ni amoria. kung hindi lang naging anak ni amoria si prinsipe arlo ay hahayaan ko sila ni paisley. alam niyong napakalalim ng galit ko kay amoria kaya't hindi ko matatangap ang ginawang kataksilan ni paisley noon."mahina niyang sabi.
Kumunot ang noo ni ina nang makita ang ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko"bakit ka umiiyak?"tanong niya habang pinupunasan ang mga luha ko.
Umiling lang ako saka siya niyakap ng mahigpit"Te amo tanto....por favor perdóname"(I love you so much......please forgive me)
Ngumiti naman si ina saakin saka sinapo ang mukha ko"yo tambien te amo mi hija."(I love you too my daughter)
I hope you will understand me...sinapo ulit ni ina ang pisngi ko"mas gumaganda ka....ang iyong balat ay mas lalong kuminis at pumuti"saad niya.
Nginitian ko lang siya at hinalikan sa likuran ng kanyang kamay.
My mother put me to sleep in her bed and when I woke up she was no longer beside me. lumabas ako sa silid niya at nagtungo kung saan nagsasanay ang mga batang màgissa at salamangkero.
Pumasok ako sa isang malaking silid abala ang lahat ng mga bata at pati na ang mga naggagabay sa mga batang nagsasanay. marami rin ang mga nanunuod, umupo ako sa tabi ni ayvah na nanonood din sa mga bata."saan si ina?"tanong ko kay ayvah.
Nagkibit balikat lang siya. napatingin ako kay rowan nang tumabi siya saakin at inakbayan ako"kung anong ikinatigas ng bato siya ring ikinatigas ng ulo mo"pailing-iling niya pang sabi.
I just rolled my eyes to him...inabala ko lang ang sarili ko sa panunuod sa mga bata. "saan ka pupunta?"tanong ko kay ayvah nang bigla siyang tumayo.
"Kakain muna ako nagugutom ako eh"sabi niya saka biglang nag teleport.
Ilang minuto na akong nakaupo at naiinip na ako kaya tatayo na sana ako nang biglang may umupo sa inupuan kanina ni ayvah. nangunot ang noo ko nang maamoy ko ang mabangong amoy ni lukariah.
"Kanina pa ako nagtitiis"mababang boses niyang sabi na parang nagtitimpi ng galit.
Sinulyapan ko si rowan na natutuwa lang na nakatingin sa mga bata habang nakaakbay parin saakin.
Kumakabog ng mabilis ang dibdib ko napapikit ako ng mariin. dahan-dahan kong sinulyapan si luka, nakita ko siya na nakatingin lang din sa mga batang nag-eensayo. naka kapa siya ng kulay-abo at may sumbrero kaya hindi masyadong kita ang mukha niya.
Bumaba ang tingin ko sa nakakuyom niyang kamao"anong ginagawa mo dito?"mahinang tanong ko na may halong diin.
"Sinusundo ko ang mag-ina ko"seryuso niyang sabi.
Natahimik ako saka ibinaling ang tingin kay rowan"rowan.....pwedeng ipasyal mo ako sa dagat?"
"Huh? O sige"hinawakan ni rowan ang braso ko saka ako tumayo.
Maglalakad na sana kami ni rowan ng may biglang humawak sa isang braso ko.....napamura ako ng marami sa isipan ko 'lintek na pusang to! humahanap talaga ng kamatayan!'
Napakunot ang noo ni rowan nang tumigil ako at tinignan ang nasa likuran ko nanlaki ang mga mata niya"i-ikaw--"
Hindi natapos sa pagsasalita ni rowan nang mabilis na napunta si luka sa harapan ni rowan at malakas na sinuntok.
Napahiga si rowan sa sahig kaya pinatungan siya ni luka habang sinusuntok. halos mawalan na ng malay si rowan sa lakas ng mga suntok ni luka.
Natataranta na ang iba pati ako hindi ko na alam ang gagawin. pinaglayo silang dalawa ng mga salamangkero na umawat. nakita kong pulang-pula na ang mga mata ni luka.
"Tangina mo! kanina pa ako nagpipigil na patayin ka!"galit niyang sabi kay rowan na dumadaing at maraming dugo na ang mukha.
"Gamuntin niyo si rowan!"I said before quickly pulling lukariah out of the room. dinala ko siya sa silid ko.
"Lukariah nag-iisip kaba!?"galit kong sabi at hinarap siya nang nasa silid na kami.
Nagiging kulay tanso na ang mga mata niya habang nakatitig saakin"ikaw nag-iisip karin ba? hindi mo man lang naisip kung gaano ka kadelikado dito?"
"At saan naman ako ligtas!? sainyo!? hinding-hindi ako sasama sayo luka--"
"So you will just let clavinia kill our son?"
"She won't. papakiusapan ko si ina--"
"Sa tingin mo madadaan sa ganun adalyn!? nakalimutan mo ba ang ginawa niya kay paisley noon!?"
Lumuluha na akong umiiling"hindi niyo siya lubusang kilala. saka bakit ba parang gustong-gusto mong angkinin kami ng magiging anak ko ha!? gusto mo bang ako ang maging ina ng mga magiging anak mo!? isang mamamatay!"paninigaw ko sakanya.
I closed my eyes when luka suddenly hugged me"I love you adalyn....matagal na kitang pangarap alam mo ba 'yun? ikaw lang....ikaw lang dapat ang magiging ina ng mga magiging anak ko, ikaw lang dapat ang makakasama ko habang buhay."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro