Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 17

                                   ADA

"Anong nangyari ada!? bakit namatay si gema!?"galit na sigaw ni ina.



Napapikit ako sa lakas ng sigaw niya, umalingawngaw pa ang boses niya. nasa kastilyo ako ngayon kakauwi ko lang dala-dala si gema ang uwak at nakaluhod ako ngayon sa harapan ni ina kung saan siya naka-upo sa trono.



"Bigla nalang lumabas ang makapal na hamog at nilamon ang buong kagubatan.....at nang mawala ang hamog patay na si gema nang makita ko"pag papaliwanag ko.



Naiintindihan ko kung bakit galit na galit si ina sa pagkawala ni gema. bata palang si ina ay kaibigan at pinagkakatiwalaan niya na si gema.




Nag-angat ako ng tingin kay ina na nakayuko lang parang nag-iisip at nang mag-angat siya ng tingin saakin nakasalubong ko ang mga seryuso niyang mata.



I just bowed again.



"Kanino galing ang hamog nayun?"tanong ni ayvah na nasa gilid lang ng trono ni ina.



"Syempre sa kagubatan"sarkastikong sagot naman ng isa sa mga kambal na si mira.



Madami sila na nandito ngayon sina rowan, paisley pati narin ang mga matatandang salamangkero at màgissa.



"Kanino nga galing hindi saan, bobo..."pagsasaad naman ni ayvah kay mira saka nag-irapan pa ang dalawa.



"Hindi ba mahal na reyna ang sabi-sabi nila ay may nag iisang forest witch na biniyayaan ng kapangyarihan sa hamog?"tanong ng isang màgissa.



Napalunok ako dahil ramdam ko parin ang tingin saakin ni ina.



"Sinabihan kitang huwag ka munang lumabas sa kastilyo ada pero sinuway mo parin ako"saad ni ina.



"Pasensya na ina..."tanging nasabi ko.



I calm myself when she stand up.....naglakad siya patungo saakin saka marahang hinawakan ang baba ko at inangat.



Nakasalubong ko ang seryuso parin niyang mga mata. tahimik ang paligid at lahat ng mga mata ay nakasunod sa lahat ng galaw ni ina.




"Suwail na bata. alam mo bang yan din ang ugali ng totoong ina mo?"tanong niya.



I frowned.why the fuck the conversation went to my real mother?



"Alam mo ba noon ay ayaw ng mga magulang ng iyong ina na magkatuluyan sila ng iyong ama pero ipinilit nila at nagsama kaya sumama sila saakin,paramakalayo sa mga magulang ng ina mo."pag k-kwento niya.



Kumunot ang noo ko.



"Isang ordinaryo lamang na forest witch ang iyong ina kaya nga nakapagtataka kasi hindi napunta sakanya ang kapangyarihan ng lola mo"hinaplos niya ang buhok ko.



Taimtim akong nakikinig sakanya habang nakatingala pati ang iba ay tahimik lang na nakikinig.



"Alam mo ba kung ano ang kakayanan ng lola mo?"tanong niya at ngumiti.



Hindi ako tumugon.....inilapit ni ina ang mukha niya saakin"she can summon the powerful fog"sabi niya na nagpaawang ng labi ko.



Tumayo ng tuwid si ina at tumitig parin saakin ng seryuso.



"Nang mamatay ang iyong lola nagbubuntis na ang iyong ina noon kaya akala ko saiyo kakapit ang hamog, pero nagkamali ako dahil habang lumalaki ka hindi mo pa napapalabas ang ganung kapangyarihan kaya napunta na siguro sa iba ang kapangyarihan na hawak ng iyong lola noon. kaya sa tingin ko isang ordinaryong màgissa kalang kagaya ng iyong ina."



Nanatili akong tahimik. hindi ko alam na biniyayaan ng mga bathala ang lola ko ng kapangyarihan sa hamog.



"Siguro nasa isa sa mga màgissa na ni amoria ang hamog mahal na reyna"sabi ng isang matandang sakamangkero.



"Siguro....kaya pinagbabawalan kita na lumabag ulit adalyn at manatili ka dito sa kastilyo at huwag lalabas hanggat hindi ko sinasabi"pagpapahayag ni ina.



Napabuntong hininga ako saka tumango.



Tumayo na ako saka naglakad patungo sa kwarto ko. nanghihina akong napa upo sa gilid ng kama napa sabunot ako sa buhok ko.



Marahas akong humiga sa kama saka napapikit."I'm sorry...I'm really sorry"paulit-ulit kong saad.




'Patawarin mo ako ina kung nag sinungaling ako at nagtataksil sayo'



Nang sumapit ang gabi bilog na bilog ang buwan saka maraming mga bituin. bumuga ako ng hangin saka pumatong sa bintana dumungaw muna ako kung may màgissa ba o wizard doon at maswerte ako kasi wala kahit isa kaya tumalon ako at smooth na nakababa sa lupa.




Nagtatago ako sa mga pader kung may mga màgissa o wizard na dumadaan. kumakabog ng mabilis ang puso ko habang tumatakas sa kastilyo.




Nang makalabas na ako sa kastilyo, hinihingal ako nang makaabot na ako sa dulo ng tulay."lintik na buhay to oh..."




Nang makaabot na ako sa kagubatan nandoon na si lukariah naghihintay saakin....nakaharap siya sa talon habang nakaupo sa damuhan at may mga kuneho na naglalaro sa gilid niya.





Napangiti ako at lumapit sakanya umupo ako sa tabi niya at napanganga ako nang makita ang maliit na puting kuneho na natutulog at nakapatong sa palad ni luka.




I blink when Lukariah gently wiped the sweat on my forehead. "why are you sweating?"tanong niya pero hindi ko siya sinagot at marahang kinuha ang maliit na kuneho sa palad niya.





Mahimbing na natutulog ang kuneho sa palad ko malapad naman ang mga ngiti ko habang nakatitig sa napaka cute na kuneho.





"Hindi pa nga tayo nagsisimula nilalabasan kana....."nakangiting sabi ng gago hahampasin ko sana siya ng magsalita agad siya"...ng pawis! napaka dumi talaga ng utak mo"





Inirapan ko lang siya at tinignan uli ang kuneho.





"Napagod siya kakalaro at kakahintay sayo"sabi ni luka at mas lumapit pa saakin.





"Napaka ganda niya"namamangha na sabi ko.



"Yeah...."aniya saka sinubuan ako ng ubas na agad ko namang sinubo.



"Kaninong alaga ito saka bakit mo dinala dito?"tanong ko habang ngumunguya.



It's a rare bunny. ako nga walang ganito sa kagubatan.




"It's mine. and that's my gift to you"sabi niya at humawak ang kamay niya sa beywang ko.




Napaawang ang labi kong nilingon siya"talaga?"




Tumango siya at hinalikan ako sa gilid ng labi"I miss you...ang tagal mong dumating"





Masama ko siyang tinignan"ang hirap kayang tumakas 'dun. saka huwag kang oa ilang oras nga lang akong umuwi eh"





"tsk."umirap lang siya at hinila ako palapit pa sa katawan niya"take care of her, she's so important to me"pagtutukoy niya sa kuneho.




Tumango ako at ngumiti"I will....saka ang daming importante sa buhay mo ah"sarkastiko kong sabi at inirapan siya.




Mahinang tumawa si luka saka mahinang pinisil ang ilong ko"Importante ka naman din saakin eh....mahal ko pa"maluko niya akong nginingitian.




"Luko-luko. andami mo ngang mahal eh....si amani, si railey--"




"Of course I love railey....she's like my baby sister."




"Eh si amani"masama ko siyang tinitigan.




Ngumiti naman ang gago"syempre importante siya saakin. kasi kapatid siya ni railey at pinangako ko kay railey na aalagaan ko ang ate niya."




Ngumiwi lang ako at tinarayan siya. nag-aalaga pala siya ng tuko?.




Pumwesto si lukariah sa likuran ko kaya sumandal ako sa dibdib niya habang sinusubuan niya ako ng mga prutas....hawak ko parin ang maliit na kuneho sa palad ko"ganito ba talaga siya kahimbing matulog?"tanong ko.





He kissed my temple"yeah."





Tumango lang ako at mas isiniksik pa ang likod ko sa mainit niyang dibdib.nakayap ang isang braso niya sa beywang ko habang ang isang kamay niya ay humahaplos sa braso ko...."naniniwala kaba na mahal kita ada?"biglang tanong ni luka.






Pumikit ako at sininghot ang sariwang hangin ng kalikasan"hindi. hanggat hindi mo ako pinapayagang patayin si amani"




Napabuntong hininga si luka"stop killing will you...."





"Depende....."




"Tsk. brat"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro