CHAPTER 12
ADA
"Raylie is the woman I love that you killed"
Para akong naging bato sa sinabi niya.I remember what he said when I was imprisoned in their castle and he said that I killed the woman he loved.sobra ang galit niya saakin 'nun,sinabi niya pa nga na mas masaya siya kung mamatay ako kaysa makulong....
So Railey was her name and she was Amani's sister.
Mahal ni luka ang kapatid ni amani...parang may kung anong kumirot sa puso ko.importante ba si amani sakanya kasi kapatid siya nung babaeng mahal niya o dahil mahal nadin niya si amani?
"G-gaano ka kasigurado na ako nga ang pumatay sa babaeng m-mahal mo?"nauutal kong tanong habang nanatili ang tingin ko kay rowan.
Mula sa gilid ng mata ko nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao niya"You are wearing a black mask that night. I saw how you killed her,I saw how she took pity on you but you still killed her"mahina niyang sabi pero mayhalong galit.
Madami akong pinapatay kaya siguro hindi ko na maalala ang iba.napapikit ako ng mariin"bakit ni hindi mo siya tinulungan kung nandoon ka pala?"
"Hindi mo ba talaga naaalala!?O nagpapanggap ka lang na walang naaalala!?"nagulat ako sa pagsigaw niya kaya nag-angat ako ng tingin sakanya.
Sa sobrang galit niya ay pulang-pula ang mga mata niya at ang mga kamay niyang nakakuyom ay bahagyang nanginginig bumabakat pa ang mga ugat sakanyang braso.
"Hawak ako ng ina mo,halos patayin na ako ng ina mo noon"madiin niyang sabi.
Ilang minuto akong natahimik bago ko siya nginisihan"Sorry,but I don't really remember that I killed railey......saka hindi ko na dapat alalahanin kung pinatay ko man siya kasi lahat ng pinatay ko ay mga walang kwenta--"
Nagulat ako nang sinakal niya ako napaatras ako hanggang sa napasandal ako sa punong kahoy.....nakikita ko ang galit sa kanyang mga mata.I let him strangle my neck but that didn't last long because his grip on my neck suddenly loosened.
Naging kulay tanso ang kanyang mga mata habang nakatitig sa mga mata ko...nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko kung paano tumulo ang luha sa mata niya.nagpakurap-kurap ako nang ipinagtagpo niya ang noo naming dalawa.
"W-what's happening to me?"pabulong niyang sabi."why do I feel this way?"
What is he saying?"why don't you just kill me now!?iyon naman talaga ang plano mo di'ba!?"galit kong sigaw.
Bahagya niyang inilayo ang muka niya"Yes.that's my plan from the beginning,but suddenly......."seryuso niyang saad.
"Suddenly what!?--"
Napasinghap ako nang bigla niyang siilin ng mapupusok na halik ang labi ko.marahas niya akong hinahalikan para bang lahat ng galit niya saakin binubuhos niya sa labi ko.napapadaing ako pag kinakagat niya ang pang-ibabang labi ko.
Tinutulak ko ang balikat niya pero mas lalo lang niya akong idiniin sa puno.napapikit ako ng mariin at mahigpit na hinawakan ang kuwelyo niya.tinugon ko ang mapusok niyang halik,humaplos ang kamay ko sa batok niya habang ang isa kong kamay nakapatong sa dibdib niya.dama ko ang mabilis na tibok ng puso niya.
Nakahawak 'din ang isang kamay niya sa batok ko at ang isa ay nakagapos sa beywang ko.fuck!my heart is beating erratically.hiningal kami nang maghiwalay ang mga labi namin.
Nabigla ako nang niyakap niya ako ng mahigpit saka isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko.wala sa sariling umangat ang mga kamay ko at niyakap siya pabalik.
Naramdaman ko na nabasa ang leeg ko'Is he crying again?' "L-luka?"
"She's like my little sister ada"malungkot ang boses niya na ngayon ko lang narinig.
'Who railey?I thought railey is his girlfriend?'
"She was too young to die.I lied when they asked me who killed railey I told them it was your mother clavinia who killed her.kasi gusto ko ako lang ang makaalam na ikaw ang pumatay sakanya,kasi gusto ko ako ang papatay sayo"anas niya at humigpit pa ang yakap niya.
Napakagat labi ako bakit nag-iinit ang mata ko?
"But we have a rule ada.....hindi kami pwedeng pumatay o manakit ng kahit na sinong kasamahan ni clavinia.I don't really care about their rule,I don't care if they punish me."
Napalunok ako at marahang hinaplos ang buhok niya"gusto mo pala akong patayin?"
He nodded.
"Bakit hindi mo gawin ngayon?"
Seryuso niya akong tinignan"sa tingin mo kaya kung gawin 'yun?ni hindi kita kayang sakalin"
Kumurap ako at tumikhim,I shouldn't trust this man."bakit may batas kayo na hindi dapat kami patayin o saktan?"
Habang kami may batas na pinapatupad ni ina na dapat silang patayin lahat.
"Clavinia your mother...is my mother's sister"
I rolled my eyes to him"of course I know that!....lahat yata ng nilalang sa mundong ito ay alam 'yan--"
"Pero alam ba nila kung gaano kamahal ni ina si clavinia?"pagpuputol niya saakin
Pagak akong napatawa"Mahal!?mahal ng ina mo si ina ko!?hindi mo ata alam kung paano itinuring ang ina ko ng ina mo noon!"gigil kong sabi.napaka sinungaling nitong pusang to!
Kalmado lang siyang nakatitig saakin"nakita mo ba kung paano itinuring ng ina ko ang ina mo noon?hindi di'ba?kasi hindi kapa 'nun ipinanganak.who told you about those lies anyway?"
"hindi sinungaling ang ina ko.ikaw ang sinungaling"inirapan ko siya at pinuntahan si rowan pupunasan ko sana ang pawisang noo ni rowan nang bigla akong hinila ni luka palayo.
"Huwag ka ngang humahawak at nagpapahawak ng basta-basta nalang sa mga lalaki!"inis niyang sabi.
Binawi ko ang braso ko sakanya"huwag mo akong kausapin!wala kang kwentang kausap!"
Naiirita ako sa mga kasinungalingan niya.hindi ako naniniwala na mahal ni amoria ang ina kong si clavinia.labis ang paghihirap na dinanas ng ina ko noon sabi ng mga matatandang salamangkero at ng mga matalik na kaibigan ni Ina.
I sat down next to rowan again and added plants that would help a little with his wound.hindi kami nag-imikan ni luka hanggang sa naupo siya sa damuhan na medyo may kalayuan saamin.
I sighed"Can you go home? maybe rowan will wake up--"
"He will not wake up if his wounds don't heal.In fact his dying"kalmado niyang sabi na parang wala lang sakanya.
Masama ko siyang tinignan mabilis ko namang iniwas ang tingin dahil sa mga seryuso niyang titig.I mentally rolled my eyes,padabog akong tumayo para kumuha ng tubig sa talon upang alisin ang dugo sa sugat ni rowan....nilagpasan ko si lukariah pero nahawakan niya ang kamay ko saka hinila kaya napaupo ako sa lupa.
Binawi ko ang kamay ko"ano ba--"nagulat ako nang humiga siya at ipinatong niya ang ulo niya sa hita ko.he closed his eyes then placed one of his arm on his forehead.
Hindi ako nakagalaw nakikita ko kasing komportable si luka sa pagkakahiga niya.napatitig ako sa maamo niyang muka napalunok ako at dahan-dahan kong inilapat ang palad ko sa makinis niyang mukha.humaplos ng marahan ang kamay ko sa pisngi niya saka nagtungo at daliri ko sa makakapal niyang kilay.nilandas ng daliri ko ang matangos niyang ilong,nakita ko ang pag ngiti ng mapang-akit niyang labi kaya wala sa sariling napangiti 'din ako.
Ang isa kong kamay ay humahaplos sa kulay abo niyang buhok hanggang sa nakatulog si luka.
Nginitian ko si hugger ang uso kong kaibigan dahil nakatitig lang siya saamin ni lukariah kanina pa.tumatango-tango si hugger saka pumwesto sa likuran ko,malapad akong napangiti saka isinandal ang likod ko kay hugger.patuloy kong hinahaplos ang buhok ni lulariah habang hinihintay ang pagsapit ng araw.
I gently lifted lukariah's head so he wouldn't wake up, the sky was getting a little brighter and I needed to leave.baka matuluyan na talaga si rowan.
Sumakay ako sa kabayo ni rowan saka inagat sa hangin ang walang malay na katawan ni rowan."No one can cure him"nagulat ako nang magsalita si lukariah na gising na pala kaya nawalan ako ng kontrol sa hangin at nabitiwan ko si rowan.napangiwi ako nang bumagsak si rowan sa lupa.
Masama kong nilingon si lukariah na kalmado lang na nakatayo sa gilid ko ramdam ko ang takot ng kabayo ni rowan kaya medyo lumalayo siya kay luka.inirapan ko si lukariah saka inangat uli sa hangin si rowan.
"Hugger.....paalisin mo ang malaking pusa nayan sa kagubatan na ito saka huwag mong hahayaang may makapasok na pangit ulit dito."pag sasaad ko habang sumadakay sa likod ng kabayo saka mabilis na pinatakbo ang kabayo.
Pinapalipad ko lang ang katawan ni rowan sa ere hanggang sa makarating kami sa kastilyo....natataranta ang lahat sa kastilyo.pinahiga si rowan sa malaking kama niya,nakahinga ako ng maluwag nang mahanap ang gayuma na ginawa ni rowan,halos umiyak sa tuwa ang lahat ng mga màgissa nang unti-unting maghilom ang sugat ni rowan na pinagmamasdan namin.
Lumabas muna ako sa silid ni rowan dahil kulang nalang magkakapalit ang mga mukha namin sa sobrang dami namin sa loob.pumasok ako sa silid ko saka umupo sa gilid ng kama....napasimangot ako nami-miss ko na ang kabayo ko--
Nabaling ang tingin ko sa bintana ng pumatong doon ang isang uwak na si gema."bakit?"kunot noo kong tanong.
Sa lahat ng hayop siya lang ang nakaka-usap namin ni ina pati narin yung iba pang forest witches.
Ilang minuto siyang nakatitig lang saakin bago nagsalita na hindi bumubuka ang bibig niya"bakit hindi mo siya pinatay?"tanong niya habang nakatitig ng deretso sa mga mata ko.
Mas lalong kumunot ang noo ko"anong pinagsasabi mo?"dahan-dahan akong tumayo.
"Sumusunod kaba sa kataksilan ng kapatid mo?"
Napalunok ako nagsimula akong kabahan.
"Na saksihan ko lahat kagabi...bakit hindi mo siya pinutulan ng ulo kung ang ulo niya mismo ay nakapatong na sa kandungan mo?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro