Third Post
Third Post
Medyo naalimpungatan ako nang maramdaman kong may kamay na marahang humahaplos sa buhok ko. Masarap sa pakiramdam, nakaka-relax. Haplos na parang iingatan ka at ayaw kang masaktan.
Teka...
Sino ba to?
Bago ko minulat ang aking mga mata ay inalala ko muna ang nangyari kanina.
Sobrang sakit ng ulo ko kaya hinimatay ako. Bago nangyari 'yon ay may nakabangga ako. Si Ruil.
Oh my, God! Hindi kaya—
"Ouch!" napasapo ako sa noo ko.
"Aba, bruha! Anong ini-imagine mo ba't pangiti-ngiti ka riyan?" pagmulat ng mata ko ay mukha agad ni Francheska ang bumungad at siyang tumuktok sa noo ko. Panira talaga ng moment.
Inikot ko ang paningin ko, nagbabakasakaling may iba pang tao sa kwarto ko.
"Tayo lang dalawa ang nandito, bruha. Huwag kang mag-expect na nandito rin si Papa Ruil mo."
"Ba't ba napaka kontrabida mo, ha?" dabog ko sabay nguso.
"Anong mukha 'yan girl? Be happy!" tinitigan ko siya ng masama dahil sa pagsundot-sundot niya sa tagiliran ko. Pagkatapos niyang sirain ang magandang imagination ko ay sasabihan niya akong maging masaya?
"Sino ba naman ang magiging masaya kung mukha mo agad ang makikita ko pagkagising ko, 'no!" Umasa talaga akong si Ruil ang makikita ko e.
"Alam mo ba kung sinong nagbuhat sayo, like bagong-kasal buhat?" Taas-babang kilay na tanong niya.
I just look at him na parang sinasabing huwag-ka-ng-magpasuspense-look.
"Ito naman! Gusto direct to the point! Okay. Si Papa Ruil mo!"
"Ano ulit?" tanong ko habang nanlalaki ang mga mata. Bahagya ko pang tinusok ang tainga ko dahil baka nabingi lang ako.
"Si Ruil Fuerzas, ang iyong bebelabbz ang nagbuhat sayo. Dinala ka sa kotse niya instead sa clinic at binuhat ka papasok dito sa kwarto mo. Hindi ko nga alam kung paano niya nalaman ang bahay mo e. Bakla, ang haba ng hair mo!"
Loading...
Loading...
Loading...
"Kyaaaaah! Bakla, for real? Kyaaah!" tumili lang ako nang tumili. Wala na akong paki kung paano niya nalaman ang bahay ko, basta ang importante binuhat niya ako.
"Oo nga, totoo! Oa mo, ha!" Sabi ni Francheska sabay batok sa'kin. Ngumiti lang ako, este bungisngis.
"Baka hindi ka naman makatulog niyan at doon ka naman mag-drama sa school?"
"Why not? Kung siya naman ang laging magbubuhat!" sabi ko sabay kagat sa unan ko.
"Bakla, Sinasabi ko sayo, huwag masyadong umasa, okay? I need to go na, bye!" Saad niya habang maarteng kinukumpas ang kaliwang kamay.
Hinintay ko muna siyang makalabas ng kwarto bago ko pinagtatapon ang mga unan ko at nagpagulong-gulong sa kama.
~*~
Ngiting-ngiti ako ngayon dito sa cafeteria habang hinihintay si Francheska na bumalik.
Siya na kasi ang pinag-order ko. 9:25 na, five minutes na lang dadating na ang aking bebelabzz. Kahapon kasi hindi ako nakapunta dito, kasi nga sleeping beauty ako. Pero bawing-bawi naman, kasi—kyaaaaah! Kinikilig talaga ako.
"Hoy! Ngiting aso ka na naman! Hindi pa naaalis 'yang ngiti mo simula kaninang umaga. Oh, ikain mo na lang 'yan!" Saway sa'kin ni Francheska habang isa-isang nilalapag ang pagkain sa table. Umupo muna siya bago itinabi ang tray sa gilid.
Hindi ko siya pinansin dahil nakatuon lang ang atensyon ko sa orasan ng cellphone ko. Time Check, 9:29:55, limang segundo na lang.
Mas lalong lumapad ang ngiti ko nang mapatingin ako sa pinto ng Cafeteria. Ayan na siya, kasama ang buong basketball team.
"Girl, usong kumurap. Ikaw rin, baka maduling ka."
Binigyan ko lang ng saglit na tingin si Francheska na ngayon ay lumalamon ng hotdog, pagkatapos ay kinuha ko agad ang phone ko at nag log-in.
"Sana ang puso mo ay parang cafeteria. Pwede akong pumasok at tumambay at hindi na kailan man aalis. Dahil alam kong mabubusog ako, hindi sa pagkain kung di sa pagmamahal mo. 'Yon ay kung papayagan mo akong makapasok."
#inspired!
#Crush <3
Tag with Ruil Fuerzas, Myungzy,
Hazel, and 3 others.
Post!
Yup, lagi siyang naka-tag sa status ko. Tapos 'yong ibang naka-tag, accounts ko pa rin 'yan. Para hindi mahalata na siya 'yong pinapatamaan ko. Ang sipag kong gumawa ng account, 'no? Ganyan basta in love, nakakasipag!
Dahil nga dakilang papansin ako, nagpost pa ako ng isa pa.
"May mga post talagang matatamaan ka kahit hindi para sayo. Katulad ko, hindi ka para sa'kin pero tinamaan ako sayo."
#KiligNaYan
#Crush 💞💞
Tag with Ruil Fuerzas, Myungzy,
Hazel, and 3 others.
Umupo na sila sa dati nilang pwesto kung saan kitang-kita at rinig na rinig ko siya. Nasa bandang likuran lang nila kasi kami ni Francheska.
"Napasimangot ka riyan, bro?" tanong ni Hance, team mate ni Ruil
"Oh, nag-post na naman 'yang si Nagmamahal Sayo? Hanep! Lakas ng tama sayo niyan, kulang na lang punuin ang wall mo." Tawang-tawa na sabi ni Drey habang nakasilip sa cellphone ni bebelabbz. Nakikantyaw na rin ang iba niya pang ka-team dahilan ng pagpula ng tainga niya.
"Nakakaumay nga. Hindi na nahiya!" sagot ni Ruil habang masamang nakatitig sa cellphone niya.
Ouch, nasaktan naman ako. What if pangalan ko talaga gamit ko, mauumay kaya siya?
Napahawak naman si bakla sa kamay ko sa biglang pagyuko ko. Luha, huwag ngayon, please lang. Tumingala ako dahil hindi nakatulong ang pagyuko ko sa pagpigil ng luha ko.
"Baka si Kate 'yan pare?" tanong ni Hance kaya muling bumalik ang atensyon ko sa kanila. Napansin kong nagsitinginan ang barakada ni Ruil sa'kin. Nagpatay malisya na lang ako saka umiwas ng tingin.
Kate na naman! Pwede namang Keith ah! Pangalan pa lang alam kong mas maganda ako doon, baka nga kuko ko lang siya.
Naku! Kapag nakilala ko 'yang Kate na 'yan, isasampal ko sa kanya 'yong koronang binili ni Mommy para sa'kin dahil mukha raw akong prinsesa!
"Ateng. Ginawa 'yang pizza para nguyain, hindi para durugin ng tinidor." Natigilan ako sa sinabi ni Francheska. Napabitaw na lang ako sa tinidor na hawak nang makita ang pizza na nagkapira-piraso.
Kaawa-awang pizza. Parang puso ko, durog.
Ilang minuto pa ang lumipas bago namin napagdesisyunan na lumabas na ng cafeteria. Naglalakad na kami pabalik ng room, 10:00 na kasi, panigurado nakatambay na siya sa pinto ng classroom nila.
Nakikiayon pa pati room sa'kin. Ahead kasi siya ng one year kaya mas una 'yong room nila bago sa amin at dahil diyan may libreng sulyap ako araw-araw.
Malapit na kami sa room at nakikita ko na siyang nakasandal sa pinto. Nakatingin siya sa'kin kaya ngumiti ako kahit asar pa rin ako sa Kate na 'yon. Tapos bigla siyang umiwas at pumasok sa room nila. Laging gan'yan ang eksena namin at ayos na ayos na ako sa ganyang set up.
Kasi feeling ko hindi niya kaya ang lakas ng kabog ng dibdib niya sa tuwing nasisilayan niya ang mga ngiti ko kaya siya ang unang umiiwas.
Sa pag-a-assume na lang talaga ako kumakapit.
•••
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro