Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Second Post

Second Post

He kissed the girl...

     He kissed the girl...

     He kissed the girl...

     "Waaaaah!" Sigaw ko habang nakabaon ang ulo sa unan. Kanina pa ako paikot-ikot sa kama ko at kanina pa nag-e-echo 'yang he kissed the girl sa kukote ko!

     Kahit sa cheeks lang 'yon, kiss pa rin 'yon! Ni hindi ko nga mahawakan ang kamay niya tapos makukuha lang ng babaeng 'yon ang matamis na halik ni bebelabbz! Ang unfair ng mundo.

     Bigtime! Ang aking bebelabbz ang humalik at hindi 'yong babae. Ibig sabihin ba noon ay gusto ni bebelabzz na halikan talaga ang babaitang 'yon?

     "Ano bang swerte mayroon ka?" naiiyak na tugon ko. Bumangon ako saka ginulo ng paulit-ulit ang aking buhok. Pakiramdam ko ay maloloka ako.

     Lumingon ako sa side table at tiningnan ang hello kitty na orasan na nakapatong doon.

     Seriously, 3:00 am na? May pasok pa ako mamaya pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Hindi na nga ako nakanuod ng practice nila kanina dahil sa nakita ko, hindi pa ako makatulog ngayon!

     At dahil sa hindi naman ako makatulog, I open again my dummy account. Agad na bumungad sa'kin ang isang notification sa kaisa-isang account na pina-follow ko.

     Ruil Fuerzas posted 8 hours ago

      Ruil Fuerzas is feeling motivated

     #Kate

     Ouch, durog. Itinapon ko ang cellphone sa aking paanan bago humiga at nagtalukbong ng kumot.

     Kung kiss lang ang makakapag-motivate sa'yo, I can give you more bebelabbz. Naman e! Ano ba ang mayroon sa Kate na 'yon na wala sa'kin?

     Sila na ba o nagde-date pa lang?

     Friendly kiss lang ba 'yon o hindi?

     Bakit niya ba kasi hinalikan? Ano bang mayroon sa kanilang dalawa?

     Dapat kasi nakinig ako sa usapan nila kanina para alam ko kung anong status nila at para alam ko kung para saan ang kiss na 'yon! Hindi na ganitong mababaliw ako kaiisip kung bakit niya hinalikan 'yon.

     "Crush naman e! Hindi pa nga nagiging tayo, lumalandi ka na sa iba." Pakiramdam ko ay nababaliw na ako. Muli kong ibinaon ang mukha ko sa unan at nagsisisigaw na parang tanga.

~*~

     "Bakla! Ang aga-aga naka ub'ub ka riyan! Rise and shine, my dear! Ibalandra ang feslalu na byutipul~" Francheska said in a chanting voice habang niyuyugyog ang balikat ko.

     Nandito ako ngayon sa loob ng room, nakaupo at nakaub'ub sa desk ko. Dahil nga sa hindi ako nakatulog kagabi, pakiramdam ko ay binuhusan ng glue ang mga talukap ng mata ko at hindi ko magawang imulat. Kung kailan makakatulog na sana ako ay biglang ngumawa ang kabayong 'to sa harap ko.

     "Will you please shut up, Francisco Bernardo, Jr.!"

     "Ew! What's that?" tanong niya sabay turo sa eyebags ko. Tinabig ko naman ang point finger niya at inirapan.

     "Hindi naman ako na inform, friend! Hindi lang pala info's about Ruil ang kinokolekta mo, pati rin pala eyebags!" Muli na namang umikot ang mata ko dahil sa sinabi niya, hindi ko na siya pinansin at bumalik na lang sa dating pwesto.

     Gusto ko nang matulog, kaya please lang, huwag niya sana muna akong guluhin!

     "Ay! Snoblalu ang peg ni ateng! Wakey, wakey, mag-share ka!"

     Kung hindi lang bawal pumatay ng endangered species napaslang ko na 'tong tukong yumuyugyog sa'kin ngayon! At dahil no choice ako at kahit labag man sa loob ko, nag-share na ako para matigil na sa kakangawa 'tong baklang 'to.

     "Baka friendly kiss lang te?" comment niya pagkatapos kong magshare.

     "Kiss pa rin 'yon!" giit ko saka ngumuso.

     "Ikaw naman kasi te! Pretty ka naman, you must stop na 'yang pagka-shungabells mo! Duh! Ang daming papalicious out there, you are free to choose wisely. Enough na ang two years, move on ka na. You deserve someone better, someone who is more worthy of your attention, someone who can inspire you every day!"

     "Sinong someone ba 'yan? Ikaw?" pabiro kong sagot sa kanya.

     "Bakit hindi?" seryosong sagot niya na ikinalaki ng mata ko. A-ano raw? "Bakit hindi ka kilabutan, bruha!" dugtong niya sabay sabunot sa'kin.

     "Kinabahan ako sa sagot mo. Gaga ka talaga! Pero ayaw ko sa iba, ayaw ko!" sagot ko sabay iling ng ulo ko.

     Siya lang talaga e!

     Kung pwede lang sanang turuan ang puso, hindi sana hindi ako nagpapaka-martyr ng ganito. Kung pwede lang sanang turuan ang puso, matagal na sanang natigil ang kahibangan kong ito, kaso hindi.

     Hay puso, malambot ka naman pero bakit nagmamatigas kang gustuhin ang taong kahit kailan hindi ka magugustuhan?

     "Fine, I'll support you na lang, wala naman akong magagawa. Pasalamat ka bakla, love kita! So, cheer up!" Ngumiti ako then I hug him tightly, kahit isa't kalahating kontrabida 'tong si Francheska, hindi pa rin niya ako matitiis.

     Nagsimula na 'yong klase samantalang ako ay nakikipaglaban sa bingit ng kaantukan.

     Partida Math pa! Sa tuwing titingin ako sa board feeling ko doodle 'yong sinusulat ni Ma'am. Kapag naman sa bintana ako titingin, nakikita ko 'yong mga punong pa sway-sway lang dahil sa hangin at pakiramdam ko dinuduyan ako.

     Pilit kong inaaliw ang sarili sa pamamagitan ng pagbibilang.

      One, two, three, four, five, six, seven, eight, nine — zzz.

     "Bakla, wake up! Two subjects ka ng sleeping beauty. Remember, mag-na-nine thirty na. Si papa Ruil is on his way to cafeteria!"

     Napaupo naman ako ng wala sa oras dahil sa sigaw ni Francheska sa bandang tainga ko.

     Agad akong napasapo sa ulo ko habang nakakunot ang noo. Ang akit ng ulo ko.

     Tumingin ako sa wrist watch ko, 9:28. No! Hindi pwede! At kahit na medyo nahihilo ako hinila ko si Francheska palabas ng room.

     "Makahigit ka naman, Bakla! Nakakaagnas ng beauty 'yan! Pwede bang dahan-dahan lang?" Reklamo niya habang patuloy pa rin ako sa paghigit sa braso niya. Ma-late na ako sa klase ko't lahat huwag lang sa pagpunta sa cafeteria. Hindi niya ako pwedeng maunahan sa pagpasok doon. Kapag nagkataon wala na akong lakas ng loob na pumasok pa sa cafeteria, e kasi naman! 'Yong pwesto nila malapit sa pinto at kapag hindi ako nakapasok ng cafeteria, hindi nanaman ako makakasulyap sa kanya. Kawawa naman ang puso kong asang-asa pa rin sa kanya.

     Patuloy pa rin sa pagreklamo si Francheska pero hindi ko na siya maintindihan. Medyo dumidilim din ang paningin ko, brownout ba? Pero nasa labas naman kami. Patuloy lang ako sa pagkaladkad sa kanya nang may mabangga ako.

     "Hey, umm. A-are you, o-okay?"

     At kahit nandidilim ang paningin ko, kilalang-kilala ko kung sino ang kaharap ko. Bago pa man ako magtitili sa kilig, everything went black.

•••

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro