First Post
First Post
“Active liker mo ako, pa-like back naman.”
Araw-araw 'yan lagi ang pino-post ko sa wall niya. Kung pwede nga lang every minute or every second kaso baka maumay kaya once a day lang.
Ipwinesto ko ang laptop sa gilid ng kama saka dumapa. Kinuha ko rin ang unan na nasa uluhan ko at gigil na niyakap ito.
Hindi ko talaga mapigilang mapabungisngis sa tuwing naaalala ko 'yong araw na inaccept niya ako as friend.
“Hi. Please, accept me as friend,” post ko sa wall niya. Paano ba naman mag-iisang buwan na hindi niya pa rin ako kino-confirm. Na-request zone pa yata ako!
I stalk his profile again while waiting his confirmation. Pakiramdam ko ay nagiging star ang mga mata ko sa tuwing nasisilayan ko ang mukha niya. Why so gwapo bebelabbz?
'Yong mata niyang singkit, ilong niyang matangos at mapupulang labi na para bang ginawa para lang sa'kin. Oo, sa akin lang! Nakakatunaw rin ang mga ngiti niyang mapang-akit. God, I can take this anymore!
Pinakiramdaman ko ang malakas na pagkabog sa bandang dibdib ko. Nagwawala na naman ang aking puso. Lumipas ang limang minuto na kagat-kagat ko pa rin ang ballpen ko habang kinikilig.
At oo, five minutes na akong nganga sa profile picture niya. At isa pang oo, five minutes na rin akong naghihintay na i-confirm niya.
Ayaw mo ha!
“Confirm mo na po, please! Hindi talaga kita tatantanan. Sige ka, mapupuno 'tong wall mo.” I tapped the post button at ngumiti ng tagumpay nang makita kong ni-like niya ang post ko sa kanyang timeline.
Marahan kong pinapadyak ang kanang paa ko sa sahig habang hinihintay na magkaroon ng pulang numero ang tapat ng notification ko. Paulit-ulit ko ring nire-refresh ito, ilang saglit pa ay— Oh my, God!
“Kyaaaaaah!” malakas akong sumigaw habang nagtatatalon. Nakataas rin ang dalawang kamay ko at kinukumpas ito na para bang nasa disco ako.
“What’s wrong with you Ms. Larde?” nakakatakot na tinig ni Ma'am. Agad akong natigilan sa ginagawang pagtalon. Halos matigil rin ang aking paghinga nang lumapit siya sa'kin bitbit ang kanyang mahabang stick.
Anla! Boploks ka talaga Keith. Nakalimutan kong nasa classroom pala ako tapos may matandang bakulaw sa harapan na nagkaklase ngayon! Inikot ko ang paningin sa paligid at nakita ang mga kaklase kong nakataas ang hintuturo habang binubulong ang mga salitang, "lagot ka."
“So, you’re using phone during my class?” umuusok ang ilong na tanong ni Ma'am sa'kin. Hinigpitan ko na lang ang pagkakahawak sa cellphone ko saka yumuko.
"Sorry po, Ma'am. May emergency lang," pagsisinungaling ko.
"Don't give me that lame excuse. Sa lahat ng may emergency ikaw lang ang masaya! Get out of my class now and meet me at the guidance office later!"
Nakasimangot kong kinuha ang aking bag sa tabi habang sinusulyapan ang nagpupuyos sa galit na matandang bakulaw sa harap ko. Nang tuluyan na akong makalabas ay muli na namang sumilay ang nakakalokong ngiti sa'king labi.
Diyos ko, nasa langit na ba ako? Tiningnan ko ulit ang notification sa cellphone ko at impit na tumili.
“Ruil Fuerzas accepted you as friend.” Wala na akong sinayang na panahon at agad ko itong ini-screen shot. Ipinasok ko na ang cellphone sa bulsa ng uniform ko at magiliw na tinungo ang guidance office.
At dahil nga hanggang ngayon seen zone pa rin ako at wala rin naman akong ginagawa dito sa bahay, I open one of his fan page na ginawa ng kung sino mang patay na patay din sa kanya.
Hobby: playing basketball
Scroll…
Favorite color: black
Scroll…
Favorite food: chicken adobo
Scroll…
“Hoy!”
“Ay! Baklang kabayo!” Dali-dali kong sinirado ang laptop nang biglang may pumasok sa kwarto ko. Agad kong tinignan kung sinong hinayupak ang nanggulat at nang-istorbo sa pamamasyal ko sa info wall ng aking bebelabbz. “Ouch! Napakamapang lait mo naman friend.” At mukha ni Francisco Bernardo, Jr. a.k.a Francheska ang nakita ko. Agad ko siyang binigyan ng matalim na titig bago umupo at itinago ang laptop sa likuran ko.
“Chaka! It’s already three in the afternoon pero nakahilata ka pa rin te!” tumabi siya sa'kin at pasimpleng inabot ang laptop sa likuran ko.
“Hey! Bring it back to me!” Pilit kong inaagaw ang laptop sa kanya at dahil nga sa may lahi 'tong kabayo, nabuksan niya na bago ko pa makuha! Naningkit na lang ang mga mata ko saka umayos ng upo.
“Yuck! Until now, stalker ka pa rin!” maarteng saad niya with matching taas ng kilay.
“Ang ganda ko naman para tawaging stalker lang. Admirer ako, admirer!” nanlalaki ang mata kong tugon sa kanya sabay hawi ng buhok ko.
“Yeah. Yeah. Whatever. Ikaw na rin nagsabi, maganda ka. Ang daming papalicious na nanliligaw sayo, pero ikaw stuck pa rin diyan kay Fafa Ruil na ni minsan hindi napalingon sa beauty mo te!” Sabi niya na tinalo pa ang ferris wheel sa kakaikot ng mata niya.
“Say whatever you want! I don’t care.” Inaantok na tugon ko bago humiga at hinayaan siyang kalikutin ang laptop ko.
By the way, I’m Keith Larde. 16 years old, studying at SV Academy. I’m admiring Ruil Fuerzas for almost two years. His name read as Real not Rowel. Hobby ko na ang mangolekta ng info’s about him. Kahit na kasing liit pa 'yan ng butil ng bigas, basta tungkol sa kanya, gora na. Gan'yan kapag inlove ka, lahat ng bagay tungkol sa kanya big deal.
Sabi nila, maganda raw ako. Singkit ang mga mata kong may mahahabang pilik-mata, matangos naman ang ilong ko, mapupula naman ang mga labi ko, makinis naman ang kutis ko. Mabait din naman ako. Nasa akin na ang lahat siya na lang talaga ang kulang.
“Hahahahahahaha!”
Napabalikwas naman ako sa pagkakahiga at tinignan si Francheska na kulang na lang tumambling sa katatawa.
“Waah! Masamang Espirito lumayas ka sa katawan ng baklang 'to! Layas!” sigaw ko saka ko siya pinaghahampas ng unan.
“Wala akong sapi! Hahaha. Loka ka— pffft.” Hirap na tugon niya habang nagpipigil ng tawa.
“Then stop laughing! You’re creeping the hell out of me!”
“Pffft! Nagmamahal Sayo? Hahahaha. Seriously? Mas creepy pa ang user name mo kaysa sa tawa ko, bruha!”
Mas lalong naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Anong masama doon? May masama ba sa username ko? Wala naman ah! Maganda kaya, para damang-dama niya kapag nagbabasa siya ng notifs, hindi ba? Ito Example,
Nagmamahal Sayo likes your photo.
Nagmamahal Sayo likes your post.
Nagmamahal Sayo tagged you in a post.
Nagmamahal Sayo wants to tag a photo of you.
See? Hindi naman corny!
“Lumayas ka sa pamamahay ko, ngayon din!” sigaw ko sa kanya. Hindi ako makapapayag na laitin niya ng gano'n ang user name ko. Hindi niya ba alam na sa dinami-rami ng accounts na ginamit ko 'yon lang ang kinonfirm niya?
“No wonder bakit seen zone ka, bakla! Ang bantot ng username, promise!” hindi pa rin siya tumigil katatawa. Nakahawak ang kanang kamay niya sa tiyan samantalang ang kaliwa naman ay nagpupunas ng luha. Tinignan ko na lang siya nang masama habang nakataas ang kilay.
"Stop glaring!" saway niya saka iwinasiwas ang kamay sa bandang mukha ko. "Fine, aalis na ako— pffft. Nagmamahal sayo? Yuck!” dagdag niya pa bago lumayas sa kwarto ko.
I logged out my account then turn off my lappy. Ipinatong ko ito sa bed side table ko bago kinuha ang phone at doon nag-log in. Kasalukuyan akong naglalaro ng candy crush habang nakahiga nang biglang may lumitaw na notification.
“Mga ka-RuiLover, may basketball practice sila later at SVA Gymnasium, 6pm. Kitakits!”
Hindi ko mapigilang magpagulong-gulong sa higaan pagkatapos basahin ang post ng isa sa mga fan niya. Halos mapunit ang labi ko sa sobrang pag-ngiti dahil makakasulyap na naman ako sa kanya mamaya.
I check the time. It's already half passed five kaya nagmadali akong nag-ayos. Wala pa akong pinalampas na game practice niya kahit isang beses! Kahit na may klase ako, minsan sinasabi kong masakit ang tiyan ko, ulo ko, kahit anong keme makanood lang.
Quarter to six nang makarating ako sa Academy. Hindi pa gaanong marami ang tao kaya dumiretso muna ako sa locker ko. Nakalimutan ko kasi 'yong notebook ko, nandoon pa naman nakasulat 'yong assignment namin. Medyo malapit na ako nang may narinig akong nag-uusap.
“Miss, sigurado ka bang Kate ang pangalan niya?” bigla akong napatigil sa paglalakad at napatakip sa bibig ko. Pakiramdam ko naiihi ako.
Oh my, God! That voice, alam kong siya 'yan!
What to do? What to do? Paano ko ngayon kukunin ang notebook ko? Magpapabebe ba ako sa harap niya habang sinasabing “Exshes me pe?”
Kunwari nadapa ako sa harap niya para pasimple akong makachansing sa kamay niya kapag tinulungan niya akong tumayo? O hindi kaya—
Teka nga, Keith! Kung ano-ano ang iniisip mo! Kilabutan ka nga! Sumandal muna ako sa pader kung saan hindi niya ako nakikita para higpitan ang turnilyo kong lumuwang kani-kanina lang.
Sumilip ako ng bahagya. May kausap siyang babae, hindi ko makilala dahil nakatalikod siya sa'kin. Itinuon kong muli ang atensyon ko sa aking bebelabbz. Bakit ba ang gwapo niya kahit palaging magulo ang buhok niya? 'Yong singkit niyang mga mata na halos hindi na makita kapag ngumingiti siya.
“Pero bakit wala? I’ve been searching her profile in FB for almost one week, but still nowhere to be seen ang account niya.” Kahit pagbuka ng bibig niya ang perfect.
“Maybe she’s using other name?”
Ang sarap halikan ng mga labi niya. Pakiramdam ko ay nanlalambot ang tuhod ko dito sa kinatatayuan ko. Bakit kasi ang hilig niyang kagatin ang labi niya habang nakahawak sa batok niya? Hindi niya ba alam na 'yon ang kahinaan ko? Uwaaaah!
“Ganoon ba? Sige, salamat.”
Hindi ko maintindihan kung anong pinag-uusapan nila kasi naka-focus lang ang buong attention ko sa baby face ng aking bebelabbz. Nakatitig lang siya sa babaeng nakatalikod sa'kin. Napansin ko naman 'yong babaeng pino-poke ang kaliwang pisngi niya. Nagpapacute ba siya sa bebelabbz ko? Aba! Sinasabi ko, makakalbo ko siya!
Ito namang bebelabbz ko bumuntong hininga at ipinatong ang kanang kamay sa balikat ng babae. Then he suddenly lean forward and—
And…
And…
And…
Kiss the girl before he leaves.
•••
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro