Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8



chapter dedicated to tria,
thank you for the lovely artwork!

Chapter 8

. ₊ ⊹ . ₊˖ . ₊

He was interested in me. Hindi ko alam kung dahil ba sa nagsusulat ako at interesado siya sa mga isusulat ko. . .o sadyang gusto n'ya ako bilang tao. Pero hindi ko alam kung bakit? I could enumerate the reasons why it was easy to like Kiran. Pero pagdating sa akin. . .I could never be compared to how he shine.

He didn't shine like the sun, searing its rays towards me. He shone like a moon, guiding me towards my way home. It was comforting to know that I have Kiran Lemuel on my side.

"Kailangan mo malaman kung character driven ba or plot driven ang isinusulat mo, Nacia," paalala sa akin ni Sir Pablo Bello. He was crossing his arms across his chest as he looked over the laptop.

"Hindi po ako marunong mag-drive."

Tumawa siya. "Seryoso ako, Nacia."

Pinahiram n'ya ako ng laptop. Sanay ako na kapag may sinusulat ay sa papel lang o di kaya sa cellphone. Sana nga ay may pambili ako ng laptop. Sa ngayon kasi ay kapos pa talaga ako. Maswerte ako na walang bayad ang matrikula ko, tanging dorm fees at allowance lang talaga ang prinoproblema ko ngayon.

"Sorry po," I sighed, medyo naninibago pa sa mga terms na ginagamit ni Sir Pablo Bello. "Ano po na ang difference nung dalawa?"

Ngumiti siya. "When you say plot driven, it means it focuses on external events so the story can progress. Whereas when you say character driven it centers on the internal feelings, struggles, and motivation of the character itself."

Napalingon ako sa blankong word file ko. I think I would like to focus on the script of the script writer. Mas gusto ko siyang buklatin na parang libro. Mas gusto ko siya makilala. Mas gusto kong makita ang paglago n'ya bilang isang karakter. Gusto ko malaman ang bawat libag sa kan'yang katawan. Kung saan ang libog n'ya. Kung paano siya um-akto kapag walang ibang taong nakakakita. Kung paano siya magalit. Kung paano n'ya hinarap ang mundo. Kung paano siya tinalikuran ng mundo. Kung paano n'ya sisirain ang kan'yang sarili upang mabuo muli.

To get to know your character. . .you must know what makes them as a whole, their good traits and bad traits combined. It was as if they were living in flesh but only in my mind.

"Kung tama po ba ang pagkakaintindi ko. . .nakatuon sa external events ang plot driven? Bale kung magbibigay ng example. . .The Hunger Games? Because instead of focusing on Katniss, the lead character, it focuses on how The Hunger Games can be played and won?"

Tumango si Sir Pablo Bello. "Tama, kadalasan din na series ang mga plot driven na mga kwento. Hindi lahat ah? Pero mas kayang pahabain ang mga storya kung saan external ang kayang palawakin. You add external conflicts for the character to face. It would look like an adventure."

My lips parted while I tilted my head to face him. Ngumiti siya nang mapansin na nasa kan'ya ang buong atensyon ko. 

"And character driven stories focus more on the internal journey of a character? Tama po ba?"

"Tama naman. Pero sa character driven kasi, kung paulit-ulit na hindi natututo o hindi nagkakaroon ng development ang karakter. . .mauumay ang mga mambabasa. Pero tulad ng plot driven, hindi naman imposible na palawakin ito dahil tayo bilang tao—hindi naman tayo natuto agad porke't nadapa na. You just need to balance it, but then, it's not advisable," he sighed, loudly. "Sana hindi tayo nagkakamali nang hindi natututo, 'yan lang talaga ang tanging masasabi ko."

I nodded to him, like a kid promising that I won't be like that. Nakahanap ako ng isang tatay sa kan'ya. He wasn't really old. Yet, his words were always comforting like how a father cradles his child to sleep so she won't get scared of the monsters under the bed.

Tinuruan n'ya ako paano magsulat ng isang script. I was embarrassed because even when I joined a few writing activities when I was in highschool, hindi naman kami tinuruan magsulat ng script.

Natawa si Sir Pablo Bello nang makita na nakatingala lang ako sa kan'ya.

"Bakit hindi ka pa nagsusulat?"

"Baka mali po yung isusulat ko," I said, frankly. "I mean ita-type."

Ngumiti siya. "Okay lang 'yan. Sa pagkakamali ka natututo, Nacia. Allow yourself to explore what you want to explore, hindi ako o kahit sino ang magtuturo sa 'yo kung paano mo hahanapin ang mga salita. . .salita mismo ang maghahanap sa 'yo upang isulat mo sila."

"I don't know how to write a script, Sir," sabi ko sa kan'ya. "Alam ko paano ang essay, haiku, o kahit ang tanaga. Pero ang isang script? It's not. . .part of the lessons I've learned before."

Umawang ang labi n'ya. His arms loosened from being folded across his chest. "Nakapag-try ka na ba magsulat para sa isang roleplay?"

Tumango ako. "Yes, no'ng nasa high school po ako. Pero hindi naman po iyon pormal na pagsusulat. Puro dialogues lang."

I remember writing scenes for my classmates to act. Ang iba sa mga kaklase ko ay ayaw sa mga activities na gano'n. Ayaw nila sa mga roleplay dahil totoo namang magawa ito. Kailangan may mga actors, actresses, props, at isang nakakawiling script para tumaas ang grado n'yo bilang grupo—dahil kung minsan ay kasama ang audience impact sa grado n'yo.

Ngumiti si Sir Pablo Bello. "Edi simulan mo muna na puro dialogues lang."

"Paano po ang format?"

Tumawa si Sir Pablo Bello. "Wala munang format, Nacia."

"P-po?!"

"Gumagawa ka pa lang ng kwento. . .huwag mo masyadong pisilin ang sarili mo sa kakaisip ng format," saad n'ya at umiling. "Huwag mong ikahon ang sarili mo habang nagiisip ka pa."

"Paaano po kung mali?" I asked, the last ounce of bravery I had failed to support me.

"Kaya mong i-tama," he said and smiled. "Isulat mo muna, Nacia."

"Paano po yung slug line? Action line?" tanong ko.

His lips curled in surprise. "Nagbasa ka pala? Ahead?"

Biglang uminit ang pisngi ko at unti-unting tumango. This wasn't my field, kaya naman minabuti kong magbasa kahit paano. Nakakahiya sumabak sa isang gyera na wala akong sandata.

Ngumiti siya at napabuntonghininga. "Sige na nga. Ituturo ko sayo ang basics sa paggawa ng isang script. Ayoko sana dahil baka ma-pressure kang magsulat sa gano'ng estilo at maputol ang mga ideya mo dahil kinakahon ka na agad. Pero tama rin naman na pag-aralan mo na para direktang script na ang magagawa mo."

Tumango ako at bahagyang napawi ang kaba. There was something about Sir Pablo Bello that can calm the storms of hesitation inside my chest. Pakiramdam ko ay kahit magkamali ako sa harap n'ya, he'll still praise me for trying.

My parents are not supportive of my writing career. For them, it isn't something that I should be proud of. So, it means a lot to be appreciated for merely trying.

"Ang slug line ay kadalasan tumutukoy kung saan ginaganap yung scene," sabi ni Sir Pablo Bello at umupo sa aking tabi. He wrote the words 'slug line' and explained the format.

He wrote the format on a piece of paper for me to visualize it. The paper contained the following words: INT./EXT. (Location)- (Time of Day).

I  took note of it inside my head as he continued scribbling on the piece of paper. I saw his example which said INT. LIVING ROOM-DAY.

"Yung int at ext ay interior po st exterior, hindi po ba?" I asked, confirming my knowledge.

He flashed a smile and carefully nodded his head. "Tama, Nacia. Ang INT ay interior bale sa loob. Ang EXT ay exterior na ibig sabihin naman ay sa labas. Dapat kasi ay malinaw kung nasaan ba ang lugar kung saan nagaganap ang isang scene."

"Sa action line naman po? Kung ano ang ginagawa nilang galaw?" tanong ko.

"Yes, hindi mo isasama sa mismong dialogue iyon dahil baka malito ang artista na magbabasa," sabi ni Sir Pablo Bello at lumingon sa akin. "Yet, even in action lines, writers avoid to put a lot of details on it. It needs to be precise, lalo na kung may oras ang kada episode o eksena na hinahabol."

Muli akong tumango. "At sa dialogue lines naman po?"

"Dialogue lines will contain what the character will say for the scene," saad ni Sir Pablo Bello. "Usually na naka-bold ang pangalan ng character at nasa ibaba naman ang mga linyang babanggitin n'ya."

Ngumuso ako. "Mahirap po pala magsulat ng script."

Pagak siyang natawa at umiling. "Ayan ang sinasabi ko kanina! Ayoko sanang i-overthink mo ang mga technicalities kasi matututunan mo naman 'yan. Ang pinakamahalaga ay yung kwento, Nacia. Your script will undergo a lot of revisions and edits, so what matters most is the story itself." 

Napangiti ako sa sinabi n'ya. It was full of encouragement and it made me feel that finally. . .someone believes in what I can write. Someone didn't judge me for not knowing everything about writing despite my claim that I was a writer. Someone knew that I could be a better writer in the future.

Sir Pablo Bello bought me some food. Nagulat ako nang makitang lechon manok ito at may softdrink pa. I thanked him to show my gratitude. Ginabi na rin kasi kami kaya duda akong makakapagluto pa ako sa dorm—may dining area kasi kami roon na p'wede paglutuan. Minsan lang ako roon dahil kadalasan sa karinderya na lang ako bumibili dahil mas nakakamura ako.

Sir Pablo Bello:
Nacia, si Sir Pablo ito
Ingat ka pauwi :)
Sa susunod ay isama mo yung nobyo mo para inspired ka naman hahaha

Nacia:
Yes po! Ako po ang nanghingi ng number nyo kaya po may pangalan na kayo rito. Hehe

Si Kiran po ba ang nobyo ko?

Sir Pablo Bello:
Ay bakit, Nacia?
Marami ka bang boyfriend at may iba pa? hahahaha

Nacia:
Sir naman! HAHAHA
Nakauwi na po ako ^^

Sir Pablo:
Sige, Anak
Pahinga ka na rin!

Malawak ang ngiti ko habang nakasakay sa jeep patungo sa kalsada kung saan malapit ang dorm ko. Kiran. . .I almost forgot to text him. Hindi na namin natuloy ang balak naming panonood. Pero nahihiya kasi akong ipaalala ito dahil baka sabihin n'ya ay sabik na sabik naman akong kasama siya. . .he's not entirely wrong. I really wanted to be with him. 

Nacia:
Hello!

I miss you. Hehe

My phone vibrated and my heart almost leaped out of its ribcage. Nanglaki ang mga mata ko nang makita ang pangalan ni Kiran sa aking screen. He was calling my number.

"Hello?" sagot ko na halos nangangatal ang boses. Dumagdag pa ang harurot ng jeep bilang tunog.

"Hi. . ." he rasped and I could faintly hear him slowly getting out of bed. "Bakit ngayon ka lang tumawag?"

Oh.

Dapat ba tumatawag ako sa kan'ya? Ilang araw na ba ang lumipas ng huling usap namin? I thought he was busy.

"Ah, busy lang saka nakakausap ko na si Sir Pablo Bello tungkol sa script writing," kwento ko sa kan'ya. "Kaya medyo ginagabi na ng uwi."

"Pauwi ka pa lang?"

Tumango ako, kahit alam ko namang hindi n'ya makikita. "Oo, eh."

"Anong oras na. . ." he sighed.

"7 p.m.?" sagot ko naman nang makita ang oras sa aking relo.

Bahagya siyang natawa sa kabilang linya. "Dapat nagpasundo ka na sa akin. It's already late."

"Baka busy ka," sagot ko at pinanood ang mga naguunahang sasakyan dahil hinahabol ang traffic light. "At saka sanay akong magbyahe sa gabi."

May balak pa nga sana akong mag-part time sa gabi bilang isang fast food staff. Pero wala pa kasi akong makitang opening o di kaya ay okay ang schedule. Sobrang hectic din ang nakuha kong mga units ngayong semester kaya naman duda akong kakayanin ng katawan ko. Nakakapag-part time tutor naman ako sa online at kung minsan ay nagkakaroon ng commissions na academic related.

"Hindi ako sanay na nag-aalala sa 'yo," he said on the other line which made me mum for a minute. Mahina kasi yung pagkakasabi n'ya at para bang nahihiya siyang isiwalat iyon.

"A-ano?" mahinang usal ko.

"Ayokong umuuwi ka nang late tapos wala ka pang kasama," sabi ni Kiran. "You can always call me to fetch you instead."

"Hindi ba abala?"

"Hindi," agad n'yang sagot. "Mas panatag ako kung ako ang maghahatid sa 'yo."

"O-okay," I smiled to myself. "Thank you, Kiran."

"Ingat ka pauwi. . ." bahagya siyang tumikhim. "When are you free, then? Yung movies. . .na papanoorin natin ay nahanap ko na ang mga DVD na copy."

"Talaga?" I asked, I couldn't hide the glee in my voice. I thought we'll only watch the online versions. Pero naghanap pa pala siya ng DVD para sa aming dalawa.

"Yep, yung Brutal na lang ang hindi pa. I'm trying to ask if there's a restored copy since the movie was made in the 1980s," ani Kiran.

"Thank you, Kiran," pagpapasalamat ko.

"Text ka kapag nakauwi ka na," he said in a low voice and stalled for a bit. "And Nacia?"

"Yes?"

"I miss you more," sabi n'ya at dali-daling binaba ang tawag dahil hindi na ako nakasagot pa.

My lips swiftly created a small smile. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng mga paru-paro sa aking tiyan. He miss me as well. . .kahit halos isang linggo lang kami di nagkita.

In these moments, no matter how small our interactions were, I found the comforting tranquility that I have someone to look forward to meeting tomorrow. There was someone that I want to be with for the remaining sunrises that I have in this life.

I arrived at his condo. Tirik na tirik ang araw kaya naman nagpasalamat ako na air-conditioned ang lobby ng condominium ni Kiran. Nakakawala ng poise ang init sa Pilipinas.

I went to his unit and rang his doorbell. Bumaling ako ng tingin kay Kiran nang pagbuksan n'ya ako ng pinto. He had a towel around his neck while his hair was still damp. Nakatingin lang siya sa akin habang ako naman ay naghuhumerentado na ang puso.

Bakit ang gwapo n'ya? Kahit bare face? Kung ako 'yan, baka pati mukha ay pinalibutan ko ng tuwalya dahil hindi ko gusto ang mukha ko kung wala man lang kahit anong tint!

"B-bagong ligo ka?" I dumbfoundedly asked.

"Yeah. . ." Tumango siya. "Init eh, hindi ka ba nainitan?"

"Nag-taxi na ako papunta rito," I said while keeping my sight away from him. Nahihiya kasi ako dahil alam ko naglalaway ako sa kan'ya.

How can he be hot and elusive at the same time? Nakakapanghina naman kasi talaga ang masusungit na tulad n'ya!

"Pasok ka," mahinang usal n'ya. "I'll play Misery in a while. Doon ka na lang muna sa sofa, magpapatuyo lang ako ng buhok."

"A-ako na," presinta ko.

"Mag-play ng Misery sa TV?" tanong ni Kiran matapos akong lingunin. Nangunot ang kan'yang noo. "Hindi siya online kaya—"

Oh, right! Nakalimutan ko na DVD nga pala at hindi sa online streaming ang gagawin naming panonood. Biglang pinamulahan ang aking mga pisngi. What now? Paano ko babawiin ang sinabi ko?

"Magpatuyo ng buhok mo," sabi ko sa mababang tono at umiwas ng tingin. "May  hair dryer ka ba? Ako na ang gagawa n'on."

His lips protrude in surprise. Kahit ako ay nanglaki rin ang mga mata sa sinabi. I was about to ask him if I could set up the movie while he dries his hair! Pero dahil natataranta ako at hindi nakikisama ang aking dibdib sa kaba, nabaliktad ko ang aking sasabihin!

Kaya naman ngayon ay nasa couch ako samantalang nasa ibaba si Kiran at pinapakiramdaman ang pagsuklay ko sa kan'yang buhok. Gamit ko ang isang hair dryer na mukhang. . .allowance ko na ng kalahating taon ang presyo. Nakita ko kanina na multi-purposed naman itong hair dryer na pero ang maharlika pa rin ng presyo.

Nakita ko na bahagya siyang napapikit habang sinusuklay ko ang buhok n'ya. His eyelashes were long and beautiful. . .ano pa kaya ang mahaba sa kan'ya?

"Nacia?" basag n'ya sa iniisip ko.

"Yes?"

"Thank you," mahinang saad n'ya. "Tuyo na yung buhok ko."

"Ah," binitawan ko na yung hawak kong hair dryer. "Buti naman. Ang ganda ng buhok mo, daig pa ang akin. Parang alaga ng aloe vera? Did your mom put it on your hair?"

Si Nanay noon, palagi akong nilalagyan ng aloe vera sa buhok pero lagkit na lagkit ako kaya iniiyakan ko. Kung alam ko lang na laking tipid ang mangyayari sa akin ay tiniis ko na lang yun noon! Edi sana ay kahit walang rebond, bagsak na bagsak ang aking buhok!

Umangat ang tingin n'ya sa akin. "My mom never touched my hair."

"H-huh?" Napapitlag ako. Hindi inaasahan ang kan'yang sagot.

"My parents. . ." Natawa si Kiran pero walang buhay iyon. "They're only with each other because of their guilt. Tapos ako? bunga lang ako ng pagkakamali nila. And so. . .they seem to feel at peace when they don't notice me. Pakiramdam nila ay nagiging malinis sila at wala silang nagawang mali."

"Kiran. . ."

"I'm sorry." Tumingin siya sa akin at bahagyang ngumiti nang matamlay. "I overshared."

"Huwag," sabi ko at nilapag ang kan'yang ulo sa aking hita. I wanted to comfort him. I wanted him to know that I am here for him. "Hindi mo dapat 'yan sinasabi. Hindi ka dapat nagso-sorry."

"Nacia. . ."

"Don't feel bad when you overshare your thoughts. Don't let it seem like the world doesn't need your words, Kiran. You need to say what hurts you. . .you need to say the words that will heal you. Don't supress your emotions," sabi ko sa kan'ya.

Nakatingin lang siya sa akin. His eyes were glistening, perhaps it was tears that he was trying to hold? Nakita ko ang bahagyang pagpikit n'ya.

"Can we watch now?" malamig n'yang sabi at in-angat ang kan'yang ulo. I could feel the tension thickening in the air.

"Okay," I sighed. I guess he still has walls around me. Hindi ko naman siya masisisi. Maybe it was a sore topic for him and he isn't ready to face it yet.

We watched Misery in silence. Hindi ko alam pero nanglalaki ang mga mata ko habang pinapalabas ang pelikula. It started with a novelist who got into a car accident and a person named Annie saved him. She was a huge fan of his works yet he killed her favorite character and the movie. . .turned into a grim's tale.

"Oh my gosh!" I yelped when she decided to harm him using a sledgehammer. Napapikit ako at nagtago sa likod ni Kiran.

"Hey," halakhak ni Kiran at inalalayan pa ako, I felt his warm hands wrapping around me slightly. "I didn't know you were a scaredy cat."

Umiling ako at lumingon sa kan'ya. "Hindi naman! But that was brutal!"

Ngumisi siya. "Well. . .life is like that. When people don't get what they want. . .you'll see the real them."

Bumalik ang mata ko sa TV at pinanood ang natitirang mga minuto sa pelikula. I tried my best to show Kiran that it didn't bother me but it was pure horror! Lalo na't writer din ako! It was as if a real horror story for writers like me to have fans that can't accept the endings we've created! At nanghahampas ng sledgehammer bigla-bigla!

Natapos ang pelikula na naghahalo ang emosyon ko. I can't pinpoint the feeling that it emitted from me. Ang alam ko lang ay pakiramdam ko mas magiging masaya na lang ako maging normal na mamamayan ng Pilipinas kaysa magsulat.

"Are you okay?" Kiran chuckled then sneaked a glance at me. "It's fiction, Nacia."

"But it's probably a writer's worst fear," I blurted out, then my forehead knotted. "I can't believe that it could happen! Nakakatakot lang yung ideya na posibleng mangyari yun."

"I like the movie," sabi ni Kiran habang pinapanood ang credits. "Paul was like Scheherazade, badly trying to prolong his life using his stories."

Tumango naman ako. It was a good comparison. Bumaling ako ng tingin kay Kiran at nakitang nakatungkod ang isang kamay n'ya sa sofa habang binabasa ang credits. Lumingon tuloy ako sa TV.

"Hindi ba si Stephen King ang writer nito?" I asked upon checking the credits. It is included that the story is based from Stephen King's novel of the same name but the screenwriter is different.

"Well, yes," Kiran confirmed as he bobbed his head. "Pero kadalasan kasi ay hindi naman ang writer ng nobela ang nagiging script writer or screenwriter ng mismong pelikula. Writing a novel is different from writing a script."

"Bakit?"

"Probably creative differences? And also yung mismong format," sabi ni Kiran at lumingon sa akin. "Kailangan na mas specific at mabilis ang nasa mga script, Nacia. You have to take note that sometimes a film or an episode from a series has time allocation."

"I want to be a writer too," I smiled at him. "I wonder if I'll have readers as well. . .yung gano'ng klaseng pagmamahal sa gawa ko, na para bang parte na sila ng buhay nila? That must be a nice feeling."

"I guess so?" Kiran shrugged. "But what I learned from the movie is that too much devotion from a craft can consume you. . .and when it no longer serves the ideas that you created, it can backfire. The readers can make it look like the author lied to them when in fact, the author only wrote something out of fiction."

"Anong ibig mong sabihin?"

Ngumisi siya. "You're the writer here. Ikaw dapat ang nagsasabi sa akin kung ano ang natutunan mo sa pelikula?"

"Well. . .I am just curious if the author of the book felt this way," sabi ko at bahagyang napayuko. "Kung nasakal ba siya sa mga readers n'ya. Kung natakot ba siya na balang araw ay may obsessed siyang reader na tatagain siya. O kung. . .sumaya rin ba siya dahil  matapos ang masalimuot na pangyayari sa kan'yang pagsusulat. . .ay natuto pa rin siyang magsulat muli."

"I heard that the author of the book felt the same way as the main character," lumapit sa akin si Kiran at ngumuso. "Pakiramdam n'ya at kinakahon siya ng mga readers n'ya sa isang genre lang. And when he no longer wanted to write in the same genre, they were disappointed. Siguro masakit yun para sa kan'ya."

Tumango ako. "Yes, that hurts because writers should have the freedom to explore their writing styles and shift their genres. Siguro nga. . .magaling siya sa horror, but maybe having a change of genre will help him improve in writing more since he's exploring."

"And also familiarity breeds contempt," ngisi ni Kiran. "Kapag paulit-ulit ang sinusulat ng isang tao, baka magsawa ang mga nagbabasa sa kan'ya dahil wala silang nakikitang galaw sa tinta nung manunulat."

I wanted to beg to differ because sometimes the market only wants to conform with familiarity. Mas gusto nila ang mga may tropes na kaysa sa mga bagong ideya.

"Wow. . ." manghang bigkas ko. "Hindi ko inakala na malalim ang magiging usapan natin dito."

"Gabi na," sabi ni Kiran at tinuro ang malaking bintana n'ya. Gosh, parang tatagos na ako sa labas sa sobrang laki nito at nakakalula!

"Dito ka na mag-dinner, Nacia," sabi ni Kiran at unti-unting napatayo. "I can order food."

Umiling ako at sinundan siya sa pagtayo. "Lutuan na lang kita. May pagkain ka ba d'yan?"

"Pancit canton lang. . .saka egg?" Nilunok n'ya ang bikig sa kan'yang lalamunan. "I'm sorry, hindi pa ako nakakapag-grocery kasi. Hindi rin ako sanay magluto."

Ngumiti ako sa kan'ya nang malapad. "Lutuan kita, Kiran."

I cooked him a simple meal. Naghanap din ako ng mga p'wedeng idagdag sa dinner namin. May nakita akong tinapay at nilagay ko na lang ito ng butter na may asukal.

Nagulat ako dahil ganado kumain si Kiran. He was like a kid eating his favorite meal. Paborito n'ya ba ang pancit canton? Parang ang babaw naman ng kaligayahan n'ya? Oh. . .I shouldn't say that, there is no such thing as shallow when it comes to happiness.

"Thank you," he bit the piece of bread and smiled cheekily.

"Mahilig ka pala sa pancit canton," sabi ko at napangiti. "P'wede ako palagi magluto rito."

"Talaga?" he whispered almost as if he couldn't believe it. Nanglaki pa ang singkit n'yang mga mata.

"Oo naman," I told him.

"Bakit?"

"Hmm?"

Umiwas siya ng tingin at kumuha ng tissue upang linisin ang kan'yang mga daliri. "Bakit ang bait mo sa akin?"

"I like you," pag-amin ko habang kinakapos ang mga salitang gustong sabihin.

Naramdaman ko ang pag-init ng aking mga pisngi. Bahala na! Ang mahalaga ay malaman n'yang mahalaga s'ya sa akin.

His eyes widened a fraction. "Bakit? I mean. . .is it really because of my looks?"

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. "Uh, no? Hindi naman dahil lang doon. . ."

"Paano kung pumangit ako, crush mo pa rin ba ako?" Ngumuso siya na parang bata.

"Oo naman?"

"Paano kung pumangit ugali ko?" He raised an eyebrow.

I blinked a few times. "Hindi ka naman mabait, Kiran."

He groaned and frustratedly raked his fingers on his hair. "Why am I asking these questions? Kulang na lang tanungin kita na paano kung maging kambing ako, ako pa rin ba ang crush mo?"

I laughed heartily. "I really like you, Kiran. There's no day that I don't want to see you. You inspired me in all. . .things that I do."

His eyes glanced at me and it sparked something. . .like longing and gratitude. Bahagya siyang nag-iwas ng tingin.

"Hindi ko paborito ang pancit canton," mahinang usal n'ya. "Pero 'yan kasi ang madalas iluto ng mga helpers namin at nakikikain ako."

My heart clenched upon hearing him talk about his childhood. Ramdam ko ang bigat ng bawat salita na nagmumula sa kan'yang bibig. Parang pinipilas ko ang mga bagong balat sa kan'yang gumagaling na sugat.

"Pakiramdam ko. . .nilulutuan nila ako at hinihintay nila ako para sabay kaming kumain. . ." he said almost languidly. Para bang nagpipigil siyang umiyak. "Ini-imagine ko na kapag nagluluto sila ng pancit canton, para yun sa akin dahil anak nila ako. Na alam nilang gutom ako kaya hahandaan nila ako ng pagkain."

"Wala ka bang k-kasabay kumain?"

Unti-unti siyang umiling at pinaglaruan ang pancit canton gamit ng kan'yang tinidor. Lalong nanaig ang awa sa aking sistema. No child should have gone through this much.

"It felt like forever to finally feel this, Nacia, to finally feel like someone wanted to be in the same dining table with me," mahinang saad n'ya at unti-unting umangat ang tingin n'ya sa akin na tila nangungusap ang mga mata. "I'm scared that you're just a good dream and you won't last in my life. Kaya kung aalis ka lang din, huwag mo na pasukin ang buhay ko."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro