Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5


Chapter 5

. ₊ ⊹ . ₊˖ . ₊

Mas humaba ang byahe dahil nahuli ako ni Kiran na nakatitig sa kan'ya. My cheeks turn crimson whenever our gazes would accidentally collide with each other. There would be a shift in the tension inside his car. Sinisilip kasi ako ni Kiran at nagpapanggap naman akong tulog sa tuwing nahuhuli n'ya akong nakatitig sa kan'ya.

Inayos n'ya ang pagkasandal ko. He moved my head near the window so my neck wouldn't feel numb. Wala kasi itong sinasandalan kanina. Iniiwas n'ya siguro ako sa stiff neck.

I feel awkward.

Naihatid na kasi sina Ruby at Mineth sa kanilang mga bahay. I know that I have to walk towards my dorm because a private vehicle can't get in. Nahihiya akong sabihin ito kay Kiran dahil kanina ay nakita n'ya akong halos kinakaladkad na ang sarili dahil ang bigat ng katawan ko.

"First time mo uminom?" basag ni Kiran sa namumuong katahimikan sa pagitan namin.

I nodded. "Y-yes."

"Nag-enjoy ka?"

"Sakto lang," I answered briefly. "Hindi ko alam kung uulit ako dahil ang sakit pala sa ulo."

"Sa una lang 'yan," sabi ni Kiran. "Baka nabigla ka lang sa pag-inom. Sa susunod, paunti-unti lang. Huwag mong biglain."

"Thank you. . ." I uttered as I found myself smiling because he gave me some advice. Pakiramdam ko tuloy ay close kaming dalawa.

"Ngayon lang ako nakakilala na umabot ng college pero ngayon lang naka-inom," sabi ni Kiran at kumaliwa upang mag-short cut. Hindi ko inakalang traffic pa rin pala rito kahit halos madaling araw na.

I appreciate that he was taking his time while driving. Ramdam ko sa pagmamaneho n'ya na sinusubukan n'yang hindi bilisan upang hindi lumala ang pagkahilo ko. I also appreciate that the scent of his car matched my nostrils. Kumalma ang sistema ko dahil dito.

Umayos ako ng pagkaka-upo. "Ikaw po ba? Anong taon ka nag-start uminom?"

"Parang ang samang tao ko naman sa kwento mo, Nacia," he chuckled then briefly gaze at me. "Thirteen? Fourteen? Around that age."

"Ang b-bata mo pa," I gasped, I even counted the years using my fingers. "Buti pinayagan ka uminom? Minor ka pa po n'on."

"Wala naman silang pakialam." bulong n'ya at tinuon ang atensyon sa kalsada. "Sila nga mismo nagturo sa akin kung paano uminom."

"Pina-inom ka nila?"

"They taught me that alcohol can mend pain." He bitterly laughed. "Made me think that I can forget all my pain in an instant. Paggising ko pala, hindi naman nabago ang realidad. What's worse than actual pain is false hope."

Tumango na lang ako. The environment can surely affect one's upbringing. Yet, I do believe it ultimately falls upon how one would react to it. We cannot always change our surroundings but we can change how we think and feel about something.

My lips were tightly pressed together. I shouldn't have pushed the discussion further. Oo nga pala, mukhang hindi sila okay ng pamilya n'ya. I remembered how they didn't go to his school activity.

"Wala akong kwentong ambag kasi ngayon pa lang ako naka-inom," I rested my head on the headrest. I tried my best to feel comfortable on the seat. "Ang tanging mayroon ako nung gano'ng edad ay first kiss."

Kiran hits the brake pedal causing the engine to screech in halt. Pareho kaming parang dinabog sa aming mga upuan. He was visibly shocked! Mabuti na lang na walang kotse sa likod namin!

"Are you okay?" He checked my condition before sighing. "Sorry. Ang gago kasi naman."

"Okay lang ako," I smiled at him and slowly massaged my head in a circular motion. "I-ikaw ba?"

"Hindi," he glanced at me. "Totoo ba yun?"

"Huh?"

His nose scrunched as his mouth fell open as soon as he heard me. "Tangina? Grade seven? May first kiss ka na?"

He sounded annoyed. Bahagya siyang pumalatak.

Nilutok ko ang bikig sa aking lalamunan. "Bakit b-bawal? Ikaw nga sa edad na 'yon ay umiinom na ng alak. Hindi naman kita j-in-udge, Kiran."

"Iba yun," Kiran raked the hair falling in front of his face. "I don't kiss randomly at that age. Hindi ba dapat ay naglalaro ka lang ng tagu-taguan sa ganong edad? Who the fuck would kiss you? At that age? Oportunista, ampota."

My cheeks blushed. "It was my first love."

His tongue glides over his lip. "At talagang kukwentuhan mo pa ako tungkol sa first love mo? Kung alam ko lang, sana ay natulog na lang ako."

"Bakit ka ba naiinis? Wala ka bang first love?"

He scoffed. "Wala."

"Kawawa ka naman."

"Naga-aral kasi ako nang mabuti nung bata ako," pabalang n'yang sagot. "Wala akong oras para sa mga first love na 'yan, nakakasira 'yan ng buhay."

"Pero hindi gano'n ang first love ko," I insisted, even pouting my lips. "Hindi siya nakakasira ng buhay. He inspired me to keep going because I want to meet him again."

He eyed me suspiciously. "Seryoso ba 'yan? At sino 'yang batang pangit na 'yan?"

"Grabe ka naman. . ." I pouted. "Pogi yung first love ko."

"Di ako naniniwala," he snickered, then continued to maneuver the engine. "Bata ka pa kasi n'on. Hindi pa pogi ang type mo."

"Wala namang nagbago sa type ko," I answered him briefly. "Pogi pa rin siya."

He shrugged, a pissed off grin plastered on his face. "Mas okay type mo ngayon. Mas. . .pogi ako roon."

Oh. He's aware that he's my exact type?

"Alam mo ba yung mga tunggalian?" I asked, out of the blue. This reminds me of that topic.

"Oo, bakit?"

"Kapag tao laban sa kalikasan, kadalasan ay tumutukoy ito sa mga kalamidad na gawa ng kalikasan o mga di gawang-tao na suliranin," I said and enumerated the following calaminities. "Lindol, baha, bagyo at iba pa."

Sumilip ako kay Kiran na taimtim na nakikinig sa akin. I spoke once again. "Kapag tao laban sa tao naman ay kadalasan laban sa isang tauhan. Mabuti at masama. Mapagkumbaba at mapagmataas. Bida at kontrabida."

"What's your point?" direktang tanong ni Kiran sa akin.

"May tao laban sa lipunan pa," I hushed him and squinted my eyes because he interrupted me. "Ito naman ay ang pagbangga ng tauhan sa mga patakaran na itinakda ng lipunan na sumusupil sa kan'yang nais."

Natawa si Kiran at pabalang na sumagot. "Mahusay, Nacia. Okay, next group."

Ngumiti ako sa kan'ya. "At itong ginagawa mo naman ay tao laban sa sarili."

"Ano?" His brows met in the middle of his forehead, like he couldn't believe me

"Kalaban mo sarili mo," I heartily giggled to myself. "Ang cute."

"Grabe ka pala malasing," puna ni Kiran. "Huwag kang uulit kapag si Diether kasama mo. Baka lalong ma-in love sa 'yo eh."

"Bakit naman?"

Umiwas ng tingin si Kiran pero may ngising lumapat sa kan'yang labi. "It's for me to know. . .and for no one to find out why. I want the reason to be solely mine."

I couldn't grasp his initial idea. Pero napangiti ako dahil natawa sa mga panglalait n'ya sa first love ko. Our kiss was my secret. . .after all, it was written by me.

Kiran, you were my first love.

if I could choose to have another encounter with you during those years—I hope I could tell you how amazing you were as a kid. Thank you for saving me back then.

. ₊ ⊹ . ₊˖ . ₊

Lahat talaga ng magsasabi na petiks-petiks lang ang BA Creative Writing na kurso ay ililista ko ang pangalan at gagawin kong kontrabida sa mga kwento ko. I was almost pulling my hair out of frustration because we were required to at least attend workshops once in a while. Ang nakakaloka lang ay mino-monitor ito ng department head namin. Tinitingnan din ang progress namin. E, wala pa akong progress!

Wala akong masyadong friends. . .wala akong masyadong network. . .ang hirap maghanap ng workshop na available pa dahil kadalasan ay limited lang ang mga slots! It was so hard to get an invite to those workshops!

"May workshop raw si Professor Pablo Bello," sabi ni Ruby nang makita ang namumuong problema sa mukha ko. "Hindi ako makaka-attend pero tanungin mo si Mineth dahil maraming oras 'yon eh, wala kasing pumapatol sa ugali n'yang masama at tatanda siyang birhen kaya wala siyang oras magka-social life."

"Tangina ka talaga, Ruby. Maaga kang mamamatayan ng kuko dahil sa ugali mo." kalmadong saad ni Mineth na sumulpot sa likod n'ya. "Pero baka hindi rin ako makasama dahil may family gathering kami n'yan. Magsagot ka na ng form, Nacia. Sayang din kasi kung di ka makakasama."

I bit my lower lip and sighed exasperatedly. "Ang alam ko ay kinuha ang lahat ng slots doon ng mga estudyante n'ya. Kilala si Sir Pablo Bello sa UAC eh. Siya ba naman ang sumulat ng isa sa mga sikat na screenplays sa Pilipinas."

Tumango ako at napahilot sa aking sintido. Isa pa 'yan sa dumagdag sa problema ko. Gustong-gusto ko talagang makadalo sa mga workshops n'ya. Pero para bang may great wall sa pagitan namin dahil palaging sagabal ang mga kailangan kong gawin at ang schedule ng kan'yang workshops. Idagdag ko pa na sobrang kakaunti ng slots at di ako makahabol.

Pablo Bello Mercado was one of the most esteemed professors at University of Arts and Culture. Kilala ko siya dahil goal ko talagang magkaroon ng class na siya ang nagtuturo. Unfortunately, baka sa susunod na semester o sa susunod na school year ko pa siya magiging professor.

Napanguso ako. "Gusto ko talaga maka-attend."

"May isa pang slot ah," puna ni Kristel na agad kumunot ang noo. I think she was eavesdropping on our conversation.

Sabay-sabay kaming napalingon sa kan'ya. She protruded her lips towards a paper in front of the classroom.

"Doon ka magsagot ng form," sabi ni Kristel. "Kasama na kami eh."

Kumislap ang mga mata ko. Finally! Makakasama na ako sa workshop ni Sir Pablo Bello! I've been dreaming of it since I was young. Agad akong nagtungo sa harap upang magsagot sa form ngunit agad itong kinuha ng isa sa mga blockmates ko.

"Hala? Magsasagot ka ba?"

"Oo, sana. . ." Napalunok ako.

She looked at me, full of discomfort. "Para kay Trisha na yung slot eh. Reserved na."

"Hoy, anong reserved-reserved? Kanina pa nand'yan yung papel ah?" reklamo ni Ruby. "Reserved mo mukha mo, kay Nacia 'yan!"

"Ruby!" saway ni Mineth.

"Hala, okay lang!" Pigil ko kay Ruby na mukhang susugudin yung kaklase namin. Nakita ko rin kasi na bahagyang nagulat si Kristel sa reaksyon ni Ruby.

"Eh, kay Trisha naman na talaga! Late lang siya pero magsasagot si Trisha mamaya," katwiran n'ya na nagtaas pa ng kilay.

Lalong nagtaray pabalik si Ruby. "Bawal dapat 'yan ah. Fair chances dapat para sa lahat. Hindi naman bayad 'yan ah."

"Tama na, Ruby," awat ko sa kaibigan ko. "It's okay, may next time pa naman."

I don't mind waiting at all. Pero nakakapanghinayang dahil sayang talaga ang opportunity na makilala si Sir Pablo Bello. He's one of the reasons why I choose UAC despite being far from my province. Siya talaga ang dinayo ko. Swerte lang talaga na nasa iisang eskwelahan kami ni Kiran.

Dinala ni Ruby ang topic na ito nang mag-lunch break kami. This time, it was Kiran and his friends who asked to be seated with us. Umusog ako nang dumating sila at agad na tumabi sa tabi ko si Diether.

"Hi, Nash," bati ni Diether sa akin. "Tapos na klase n'yo? Free cut n'yo na?"

Ngumiti ako pabalik. "Hindi pa po eh. Lunch break pa lang po namin. Ikaw ba? Tapos na klase n'yo?"

He sighed. "Oo eh. Yayain sana kita na gala tayo."

"Kasama ba kami sa plano n'yo?" mapangasar na tanong ni Ruby.

Umangat ang tingin ni Kiran. I looked at him and he immediately shrugged. Tumitig lang din siya sa akin nang mas matagal. It was as if we were having conversations using our visage of each other. We had our own language that only the both of us learned.

"Plano lang n'ya." Kiran corrected and sipped on his coffee. Spanish latte. . .pareho kami ng in-order. "Hindi kasama si Nacia."

Napangiti ako. I giggled to myself upon knowing that we have the same taste when it comes to coffee.

Namula ang mga pisngi ni Diether. "Ah, kami lang sana ni Nash."

"Pumayag ba si Nacia? Itong si Diether talaga ang tinik sa babae." Humalakhak si Jakob at inakbayan si Kiran. "Ikaw ba, Conjuanco? Kailan ka magkakababae?"

"May babae 'yan! Amoy babae ang kotse eh! Amoy lavender!" bunyag ni Ruby at ngumisi pa kay Kiran.

Kiran looked at me but also shifted his sight almost immediately. Napabuga siya. "Pakialam n'yo ba? Sa susunod sa compartment ko na kayo ilalagay para mag-amoy alikabok kayo."

"Dapat pang-lalaki ang amoy ng kotse, Kiran," Diether laughed lightly. "Mas mabenta iyon sa mga babae."

Nagkibit-balikat si Kiran. "Wala naman akong masyadong sinasakay doon. I prefer making it more comfortable to the ones that would often be with me. Wala rin akong mga babae."

My heart started to thump like crazy. Nananatiling nakatitig ako kay Kiran habang kumakain siya ng lunch n'ya. It was a simple clubhouse sandwich. Mabagal siyang kumain kumpara sa amin dahil patapos na kami pero siya ay halos kalahati pa lang.

"Mabalik nga tayo! Nakakainis talaga yung mga kaklase namin! Hindi tuloy nakasagot si Nacia ng form! Kapag di naging screenwriter si Nacia dahil sa kanila, isusumpa ko talaga sila!" Nanggigigil na usal ni Ruby, tinaas n'ya pa ang kan'yang kamao na para bang may inu-uppercut.

"Balak mo maging screenwriter?" tanong ni Kiran sa akin.

My eyes widened upon hearing him ask me. Hindi talaga ako sanay na nasa akin ang atensyon n'ya. Nakausap ko naman na siya pero parang palaging unang beses n'ya akong pansinin kapag kinakausap n'ya ako. Everything that he says or does to me is turning into a core memory.

"D-depende! Pero para sa 'yo," I bit my lower lip. "P'wede naman."

I don't know a lot about screenwriting. Pero kaya ko naman ito pag-aralan kung sakali. If this would lead me to having more time with my crush—bonus na lang talaga na dagdag kaalaman ito para sa akin!

"Edi sakto si Pablo Bello," sabi ni Kiran. "I heard he worked with Director Vitalez before. Gusto mo ba talaga maka-attend ng workshop n'ya?"

"Oo, pero wala na kasing slots," sagot ko at bahagyang namula. I really can't stand it when his attention is on me. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako! "P'wede naman na sa susunod na lang."

Nanatili ang titig sa akin ni Kiran. His eyelashes were long and it made me pout my lips. Ang ganda talaga ng pagkakahubog sa kan'ya ni Lord.

"Kung kaklase mo lang ako, hindi ko hahayaan na kunin nila ang form sa 'yo, Nash," saad ni Diether. "You should be more assertive."

Ngumiti lang ako. "I'm sorry. Naisip ko lang din kasi na baka plano talaga nilang magkakaibigan na dumalo sa workshop. Ayoko naman makasira ng plano ng iba. I can wait."

Kiran was texting while we were having our lunch. Hindi ko maiwasan na hindi siya titigan dahil kahit anong gawin n'ya, sobrang misteryoso n'ya sa akin. His eyes met mine and I almost let out a gasp. Nahuli na naman n'ya akong nakatingin sa kan'ya.

"You okay?" he mouthed. Some strands of his bangs fell on his forehead.

Ngumiti ako at tumango. Umiwas na ako ng tingin dahil baka nakakahalata na siya.

I started to write notes in my notebook. Palagi akong may dalang notebook. Maliit lang naman dahil kailangan kong isulat ang mga lumilipad na plot sa isip ko. Bigla kong naisip na parang ang saya magsulat ng tungkol sa isang director at isang script writer. Dapat ay hindi sila magkasundo. After all, a story that has dual thoughts can create more conflict and because of it—there's something that needs a resolution.

"Kapag nagsusulat, ang una kong iniisip ay yung ending," sabi ko kay Mineth habang tinitingnan n'ya ang notes ko. "Okay lang mabago ang simula at gitna pero hindi ang katapusan."

Umiling si Mineth at sumimsim sa kan'yang cold brew. "Lahat ay importante sa akin. Ayokong hindi nasusunod ang initial draft ko na plotline. If the beginning and the middle changed, mababago din ang ending ko. I hate it when events are not aligned to how I plot it. Nahihirapan ako mag-adjust. Lalo na dahil naka-plano na sa akin yung daloy ng kwento."

Tumango naman ako. "Plotter ba ang tawag sa gan'yan?"

She nodded then showed me her notes. "Oo, kaya naman kahit ang paboritong kulay ng pangunahing karakter ay sinusulat ko. I used apps that can create character charts for me. Para may susundan ako kapag naliligaw na."

Ngumuso ako. I was a pantser. Sa una ay susubukan kong gawan ito ng plot at susundan pero kadalasan ay nagugulat ako na hindi ito nasusunod. I'm just blessed that I don't get writer's block when things are not following the exact plot that I had in mind. Ang ginagawa ko na lang ay nagsusulat ako ng pagkakasunod ng ibang pangyayari pero hindi kinukulong ang mga ideya ko.

Natawa si Ruby at naki-usisa sa aming dalawa ni Mineth. "Seryoso ba 'yan? Bakit ang una kong ginagawa ay book cover? Sabagay, naniniwala kasi ako sa 'don't judge a book by it's cover' eh."

"Anong connect, Rubylyn?" Mineth hissed at her.

"Okay na hanggang chapter one lang basta maganda book cover," halakhak ni Ruby na inirapan agad ni Mineth.

Napangiti ako. I have never tried to do book covers before. Pero si Ruby ay madalas i-commission ng iba pa naming kaklase para sa book covers. She can illustrate and use Adobe Photoshop efficiently. Pero kadalasan ay sinasabihan n'ya rin na kung wala pang budget ay maganda na rin naman ang offer ng Canva para sa book covers—pero dahil maraming gumagamit nito, mahirap daw mapanatili ang branding mo sa cover.

Halos malapit na mag-time nang magkayayaan kaming umalis. Kiran waited for me to stand from my seat. Agad na umangat ang tingin ko sa kan'ya. I was 5'5 but he was too tall that I still had to look up whenever I talked to him.

"If I get you a slot from that workshop, what do I get in return?" Kiran held me on my arm, my body was teeming with electricity as soon as it felt his touch.

"Anong gusto mo?" I asked in return. "Pero p'wede bang one thousand below lang? Yun lang kasi budget ko for two weeks. . .pero kung mahal talaga, p'wede bang hulugan?"

He blinked a few more times. Bago siya bahagyang natawa.

"Watch five movies with me," usal n'ya sa mahinang tono na kaming dalawa lang ang makakarinig. "Project kasi namin. I hate to watch it alone, so. . .if you can accompany me. . .tutulungan kita kay Pablo Bello."

Nangislap ang mga mata ko. "Sure! K-kahit ako pa mamili ng mga papanoorin natin! Or we could take turns! Payag ako!"

He sighed in relief. "Sige, I'll chat with you."

"S-sige!" I beamed at him.

Unti-unti siyang ngumuso. "Last na. . .p'wede ko bang malaman?"

"Yung?"

Tumikhim siya. "Sino yung first kiss mo?"

My lips parted upon hearing that question from him. Iniiwas n'ya ang tingin n'ya sa akin pero nakasimangot siya. Parang batang nagtatanong kung sino ang pinili kong bagong kalaro ko.

"Ah. . .b-bakit?" My cheeks flushed in embarrassment. Paano ko sasabihin na siya ang first imaginary kiss ko!? Baka bawiin n'ya ang offer n'ya sa akin!

He might think. . .I'm weird.

He looked at me sharply and tsk-ed. "Wala, nakakabadtrip kamo siya. Ang bata-bata, ang landi na. Dapat sa gano'ng edad ay nagkakabisado ng square root, hindi nanghahalik ng kapwa bata. Siguro batang-ama na siya ngayon, 'no? Tama 'yon, huwag ka na n'ya sana kulitin. Past is past na."

My lips parted as soon as his words registered in my head. Ganito pala ang live action ng tunggaliang tao laban sa sarili.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro