Chapter 4
Chapter 4
. ₊ ⊹ . ₊˖ . ₊
I treat my stories as my newborn. Therefore, my maternal instincts are always triggered when my stories are being criticized. I want to protect them with everything that I can be. However, stories are not meant to be treated as sacrosanct. It is meant to be consumed and comprehended—you won't always get praise for everything that you write.
Dumidikit ang ilang hibla ng buhok ko sa aking batok. Tumatagaktak ang pawis dahil nasira ang nagi-isang electric fan kung saan ako naka-upo. Hindi ako makapag-reklamo dahil may test kami ngayon. Halos mukhang iniyakan ko ang papel ko dahil tumutulo ang pawis ko sa mismong papel.
I rummaged through my bag to get a handkerchief. Pinunasan ko ang pawis mula sa aking noo. I looked at the clock and closed my eyes in frustration. Kulang na kulang ang oras para matapos ito.
"Please submit your papers," sabi ni Professor Tyla. Wala akong nagawa kundi ibigay ang aking papel. I hate how she didn't just let us take our exams home. Mas natapos ko sana ito.
"Ang baba ko," I said as soon as our papers were returned. Sa pulang tinta na ginamit pangmarka, tumataginting na 80/100 ang nakuha ko. May mga criteria naman na nandoon kaya hindi ko magawang sabihin na bias ang naging pagbigay ng marka sa sinulat ko.
I know I should be grateful. . .but being average at what you used to do best feels like there's a hollow pit inside your stomach.
"88/100 ang nakuha ko," sabi ni Mineth sa akin habang sinisilip ang aking papel. "Malaki ang puntos mo sa sensory details. Sa diction ka yata bumaba, bakit kasi englishera ang character mo na lumaki sa bundok? Pakiramdam ko may mga kailangan ka lang balikan doon at mas tataas ang susunod mong grade."
"P'wede pa rin naman maging english speaking ang isang probinsyana?" I pointed out while my forehead slowly created a small crease. Hindi ko na iyon napansin dahil nagmamadali akong matapos ang kwento. Nagkaroon din ako ng deduction dahil minadali ko raw ang storya ko.
"Yes, p'wede naman. Pero galing na rin mismo sa kwento mo na salat siya sa kaalaman. You also wrote it in Taglish. Sana buong story na lang ang English para hindi na pinuna," wika ni Mineth at muling sinilip ang isinulat ko. "Mas magaling ka magkwento sa akin, Nacia. You write stories with vivid images, unlike mine."
"T-thank you," I blushed as soon as Mineth said that to me. Tumikhim ako at sinabihan din siya ng puri. "Ang linis mo magsulat. I think you're a better writer than me."
It was the truth. Mineth writes as if there's a hidden editor inside her mind. Para bang kahit typo ay hindi uso sa kan'ya. Halos lahat naman ng output o PETA namin ay halos softcopy na. Si Professor Tyla lang naman ang hilig magpa-exam na ang lahat ay sulat-kamay.
"Thanks," she smiled timidly.
I have read some of Mineth's written works and most of them had concrete details. Masyado siyang malinis sa mga batuhan ng mga dialogues. Her monologues are also commendable because it evokes the innermost thoughts of her characters. I think what she lacks. . .is the authenticity of how her characters feel.
May character siyang nalulungkot sa isang story n'ya pero sinabi lang iyon. Mineth didn't dig deep on why her character feels that way. Basta lang, malungkot lang siya. I tried to ask her why and Mineth only blankly asked me as well. . .kung kailangan daw ba may rason kung bakit malungkot yung character na iyon?
"I've been writing since I was young," sabi ni Mineth at umangat ang tingin sa akin. "I know writing can be a talent but most of the time, it's more of a skill. Ang talento sa pagsusulat kung hindi mo pagtutuunan ng pansin at aalagaan ay mananatiling matamlay na talento. You have to hone your skills even if it isn't a big change to how you write now."
Tumango ako at tumingin sa aking papel. "Being stagnant is one of the terrifying fears of a writer. After all, we all think that writing is a continuous process of growth. Our stories are an extension of the lessons we learn, the experiences we had, and the words we have heard. If we no longer have any of those. . .then how would we write?"
Writing is an outlet for me to let the universe hear my plea for a better world. It is as if I wrote my ideals in a paper to present on how the world should be rotating for everyone.
If I no longer have any access to how the world rotates now. . .how can I create my own world?
"But one must also accept that stagnation isn't a disease that you can avoid as an artist in the creative industry. Lahat naman tayo ay napapagod din." Ngumiti si Mineth sa akin. "Cheer up, Nacia! You can do better next time."
"Grabe, sa kan'ya may pep talk samantalang hindi mo man lang sinabi sa akin ang mga 'yan?" reklamo ni Ruby na biglang sumulpot sa gitna namin ni Mineth.
"Kahit ako, gagawin kong itlog yung score mo kung sinulatan mo ako ng alamat ng ipis," iritadong sambit ni Mineth at umirap.
"Alamat ng ipis?" Kumunot ang noo ko at napalingon kay Ruby na may malaking ngisi sa kan'yang labi.
"Bakit? Ang ganda kaya! Alam mo ba na ang alamat ng ipis ay nagmula sa isang playboy na sobrang daming babae! Kaya naman sinumpa siya ng ka-date n'yang witch na kung gaano kadami ang naging babae n'ya ay gano'n kadami ang magiging paa n'ya? She made him brown because personal preference n'ya ang mga moreno," halakhak ni Ruby habang kinukwento ang kan'yang sinulat. She even wipe her own tears, naluha siya sa sobrang tawa.
"Ikaw siguro yung witch dahil parang personal experience mo 'yan," Mineth sneered at Ruby, her lips curling into a sarcastic grin.
Ruby only shrugged, ignoring the sarcasm being thrown at her by Mineth.
Speaking of experiences. . .I've been having trouble lately. Napanguso ako dahil ang hirap magsulat ng mga bagay na hindi mo pa nararanasan. I started to fidget my fingers out of nervousness. My shoulder squared at the thought that I couldn't move forward from my current work-in-progress story because I don't have any idea on what alcohol tastes like.
Bahagyang bumagal ang mga sumunod kong hakbang. Kaya naman lumingon sila sa akin dahil napag-iwanan ako.
"Hey Nacia, okay ka lang?" tanong ni Ruby nang mapansin na naging matigas ang aking mga balikat.
"Ah, yes. . ." I answered, abruptly. "Gusto ko lang malaman kung anong lasa ng alak."
"Huh?" tawa ni Ruby. "Bakit? Is it for the novel that you're writing?"
Unti-unti akong tumango. "Yes! Gumagawa na ako ng character charts. I want the male lead to frequent bars and clubs, however, I don't have much experience from it."
I know that I could just research about it. The information is readily available on the internet and if it doesn't quench my thirst, books are available as well. Pero totoo rin naman ang experience ang pangunahing magandang kuhanan ng halimbawa. Kaya naman kung pagbibigyan ako ay gusto ko itong maranasan kahit isang beses lang.
Strikto si Tatay at Nanay sa alak at sigarilyo magmula bata ako. Maraming kwento ang ibinaon nila sa akin. Lahat yata ng namamatay sa probinsya namin na malapit sa aming bahay ay sinisisi ni Tatay sa alak ang pagkamatay. Kahit ang baboy na namatay sa amin ay naging manginginom sa mga mata n'ya. Ayaw naman ni Nanay ang mga bumibili ng sigarilyo at itatapon sa kung saan-saan ang natirang stick nito, pinupulot n'ya ang mga ito at isa-isang binabato sa mga nagsisindi nito sa harap namin.
Hindi ko iyon maintindihan dahil kapag wala sa timpla ang umaga ni Tatay, ang alak ang nagiging umagahan, tanghalian, at hapunan n'ya. Samantalang kapag si Nanay naman ang hindi maganda ang naging araw, kinakausap n'ya ang buwan gamit ng usok mula sa kan'yang sigarilyo. Akala n'ya ay hindi ko ito nakikita. . .nawawala sa kan'yang isip na ako ang nagwawalis sa bakuran namin kung saan n'ya tinatapon ang natitira n'yang mga stick.
Sa tingin ko. . .ayaw lang nila na maging katulad nila ang maging karanasan ko. Gusto nila ay mas maging maganda ang buhay ko. Gusto nila maging proud ako sa sarili ko—dahil hindi nila kaya maging proud sa mga sarili nila.
My heart clenched upon remembering that they haven't replied to any of my texts yet. Siguro at namumuo pa rin ang tampo nila dahil hindi ako naging guro o nag-aral ng mas praktikal na kurso.
I miss them terribly. Halos gabi-gabi ko silang hinihintay sumagot sa aking mga tawag pero nananatiling nakababa ang kanilang mga cellphone. Yet, instead of hearing the monotone voice of saying that the number that I'm trying to dial is busy; I'm always confronted by the oppressive silence on their end. Kaya mas masakit dahil alam kong alam nilang tumatawag ako pero hindi nila ako sinasagot.
Sa ngayon, gusto ko muna tahakin ang sa tingin ko ay tamang landas para sa akin. Kaya hindi ko p'wedeng ipagsiksikan na tama ako rito dahil mas masakit ang lumipad nang mataas na walang sasalo sa 'yo kapag lumagapak ka sa lupa.
"Edi iinom tayo!" yakag ni Ruby sa akin. "Ako na bahala. Hahanap ako ng malapit na bar para sa 'yo, Nacia."
"Resto bar lang muna," hirit ni Mineth, her gaze hovered at me. "Baka magulat si Nacia sa mga tao sa mga bar at clubs. Give her some time to adjust."
"Naku! Nandoon nga yung thrill," tawa ni Ruby at lumapit sa akin upang akbayan ako. "Gusto mo ba? East Drive tayo?"
"Makapagyaya ng East Drive parang hindi singkwenta na lang ang laman ng wallet!" atungal ni Mineth sabay ang pag-iling ng kan'yang ulo.
My face ablazed with excitement. Nai-excite ako bigla dahil ngayon lang ako susubok uminom ng alak dahil ayaw nga ni Tatay. Hindi naman ako iinom nang marami; just enough to satisfy the pit of my curiosity.
Hindi ko inakalang mapapasubok agad ako dahil matapos ang klase ay nagyaya agad si Ruby. Hawak-hawak n'ya ang aking kamay habang binabagtas namin ang isang commercial district sa Taguig. Mahimbing na ang tulog ng araw at halos mga artipisyal na ilaw mula sa mga buildings, LED billboards, at lamp posts na lang ang bumubuhay sa paligid.
Pumasok kami sa isang resto bar. We were greeted by the sight of great architectural design using woods as their main material. The walls are decorated with vintage paintings and there were wines being displayed on a shelf near the bartender's area. The whole place had a mixture of earthy and smoky aromas from the wine display. Hindi masakit sa ilong.
A waiter smiled at us as he approached us. May hawak na siyang menu agad. Napa-ayos tuloy ako ng tayo dahil pakiramdam ko ay hindi ako masyadong nakapag-ayos. Kagagaling lang namin sa school!
"Table for how many, Ma'am?" he politely asked.
"For three," si Mineth ang sumagot.
"Will there be any additional guests later, Ma'am?"
"Wala na," ani Mineth.
"This way po," the waiter guided us to a four-seater table. Ang upuan nila ay gawa sa kutson at kahoy kaya naman lalo akong sinampal na mukhang allowance ko ng isang linggo ang nakasalalay rito.
Inabutan n'ya kami ng mga menu at iniwan na kami upang pag-isipan kung tama ba talaga ang desisyon na ito. My eyes widened as soon as I saw the prices. Ang mahal pala. . .french fries ay 299 pesos? Saan gawa yung patatas nila?
"Mahal naman dito!" Ruby glared at the menu upon seeing it. "Sabi ko sa 'yo sa kanto na lang eh."
"Ikaw nagyaya, bwisit ka," Mineth hissed at her and covered her face using her palm. "Ingay! Mahahalata tuloy na hindi tayo ang target market nila."
Hindi na kami maka-alis sa pwesto namin dahil napangunahan na kami ng hiya. Ruby said that we could pretend that Mineth had diarrhea and go outside but then someone is already eating their dinner on the next table. Hindi na iyon natuloy. Baka raw kasi kinabukasan ay viral na kami sa social media bilang mga walang social etiquette.
Ruby ordered for me. Cocktail ang pinili n'ya sa akin samantalang beer ang sa kanila ni Mineth. It was served almost abruptly as soon as we placed our order. Nag-order lang si Mineth ng calamares dahil mahirap daw uminom ng gutom at lalo naman kung busog ka.
I took a sip from my cocktail and it tasted refreshing, almost like a cola. Tinuloy-tuloy ko siya hanggang sa gumuhit ang lasa nito sa aking lalamunan. It doesn't taste that bad!
Hanggang sa. . .I was already as red as the nose of a reindeer. Medyo lumalabo na rin ang tingin ko, hindi ko alam kung dahil sa antok o ano.
"Lightweight pala si Nacia," sabi ni Ruby at sumimsim sa kan'yang beer. "Dapat kapag nag-bar siya ay kasama n'ya tayo."
"O boyfriend n'ya."
"Hindi," Ruby snickered. "Bawal siya mag-boyfriend. Tapusin n'ya muna paga-aral n'ya."
"Hayaan mo na yung bata lumandi, huwag mong igaya sa 'yo," si Mineth.
"Mukhang nag-rejuv si Nacia dahil sa sobrang pula," pagi-iba ni Ruby ng topic. Her gaze hovered at me as she tilted her head. "Okay ka pa ba d'yan, baby girl?"
I nodded then quickly shook my head. "Lasing na po yata ako."
Natawa silang dalawa. Umaalog pa ang balikat ni Mineth sa sobrang tawa. Ngumisi lang si Ruby at umiling.
"Ikaw lang yung lasing na umaamin," sabi ni Ruby. "Okay na? P'wede mo na i-describe ang lasa ng alak sa mga kwento mo."
Tumango ako. "Naalala ko nga pala na sabi ni Kiran ay i-chat ko siya. Pero kagabi ko pa iniisip kung anong topic namin. Ni hindi ko nga siya ma-add sa Facebook dahil nahihiya ako."
"Oh. . ."
"Ic-chat ko na siya ngayon dahil lasing naman ako," I giggled like a kid and fetched my phone. I unlocked it and immediately went to the Facebook app. Sinilip ko ang profile ni Kiran na hindi ko magawang i-add.
Kiran was both mesmerizing and striking in his profile picture. Nakatutok ang isang digital camera sa harap habang hawak n'ya ito sa isang kamay n'ya at tinatakpan nito ang isa n'yang mata. His eyes have always been intense to look at. Naka-only me yata ang settings ng profile n'ya dahil hindi ko ma-like o malipat sa ibang pictures.
Hindi ko friend si Kiran kaya wala akong nakikita sa profile n'ya. His whole feed was empty. His cover photo was a serene landscape of what looked like an art gallery to me. So, I would like to assume that he likes art as well.
"Mga mahihinhin talaga oh," tawa ni Ruby. "Nilalabas ang wild side kapag lasing."
"Well, you can always use that you took off your inhibitions," Mineth shrugged off then sipped on her beer. "Bukas ay magpanggap ka na lang na wala kang naaalala. Huwag kang aaminin na isang cocktail lang ang ininom mo, Nacia."
Tiningnan ko ang conversation namin ni Kiran. Ang dami ko palang deleted na message sa kan'ya. Ni isa ay wala siyang reply sa akin. Pumapaipapaw ang hiya ko kaya naman dinidelete ko ito.
Athanacia Samonte:
Hello, Kiran. This is Nacia.
Sabi mo ay i-chat kita kaya heto
po ako ngayon nasa chat box mo.
Hehe
| deleted
Athanacia Samonte:
Hi, Kiran! ^^
I hope life is treating you well lately and I hope that you know that someone out there is proud of you because you continuously choose to exist. 🧸💚
That someone is me po. Hehe
| deleted
Nagsimula akong magtipa ng panibagong sasabihin sa kan'ya. I searched how to do the first move on someone but I don't know if it will work on Kiran. Ang lumabas sa sin-earch ko ay dapat nagsisimula ang pagpapapansin sa pag-heart ng maraming beses sa my day ng crush mo. Pero parang hindi uubra ito kay Kiran—wala ngang laman ang newsfeed n'ya.
Athanacia Samonte:
Hello, Kiran!
Ang sabi sa research ko po ay dapat nagh-heart ako sa mga my day mo para mapansin mo ako. However, wala ka pong mga my day. 🙁
Hindi ko alam kung paano magpapansin po sa'yo.
I gathered my remaining last flicker of nerve and shamelessly hit send. Bahagyang nanglaki ang mga mata ko at umawang ang labi nang makitang nag-seen si Kiran.
Lalong nagtahip ang dibdib ko nang makita na typing na si Kiran. Parang nawala ang kalasingan sa aking sistema. My trembling fingers anticipated his response.
He reacted 'Haha' to my message.
Kiran Lemuel Conjuanco:
good eve
HAHAHAHAHA 😹
A notification showed on the screen of my phone. Nanglaki ang mga mata ko dahil doon. A surge of bliss went inside my chest as soon as I was able to see it.
Kiran Lemuel Conjuanco Sent you a friend request
Confirm Delete
I clicked 'confirm' as soon as it showed. Umaliwalas ang mukha ko nang makita na typing ulit ang ginagawa ni Kiran.
Kiran Lemuel Conjuanco:
bat gising ka pa?
Athanacia Samonte:
lasing ako hehe 🥹
Uminom kami nila Ruby.
Kiran Lemuel Conjuanco:
lol
kasama ba si Diether?
Athanacia Samonte:
Noooo
Kiran Lemuel Conjuanco:
sinong maghahatid sayo?
Athanacia Samonte:
Wala po
Commute kami nila Ruby
Kiran Lemuel Conjuanco:
commute?
anong oras na
Athanacia Samonte:
1:43am 🥹
Kiran Lemuel Conjuanco:
lah hahaha
ay gago
oo nga 1:43am na
akala ko bumabanat ka lang
send loc
Athanacia Samonte:
Bakit po?
Kiran Lemuel Conjuanco:
sunduin kita
My heart thumped against my chest. Nakakahiya kung papatulan ko ang sinabi n'ya. Hindi rin naman kami sobrang close dahil kakakilala pa lang n'ya sa akin. Napanguso ako at agad na nagtipa ng reply sa kan'ya.
Athanacia Samonte:
Nakakahiya.
Alam naman ni Ruby yung commute pauwi. Okay na po kami.
Goodnight, Kiran. ❤️🩹
I hope you'll have a great sleep.
Kiran Lemuel Conjuanco:
si Ruby ba kasama mo?
alright.
Ruby gasped and our table slightly moved. "Sunduin daw tayo ni Kiran."
"Bakit daw?" tanong ni Mineth na agad kumunot ang noo. Pumapapak siya ng calamares at dini-dip ito sa mayonnaise.
"Malapit lang daw siya rito. Taguig area lang din pala siya," sabi ni Ruby at ngumisi. "Siya na rin daw magbayad pagdating n'ya rito."
I was too drunk to even respond. All I could feel was the throbbing pain behind my forehead. Pakiramdam ko ay kahit ilang salonpas ang ilagay ko rito ay hindi mawawala ang kirot. Para akong pinuyat ng tatlong beses sa sunod-sunod na araw.
It took only about 15 minutes until someone arrived. Nakasandal na ako kay Ruby habang may kausap siya. My head was spinning and I couldn't form them with my sight. Puro blurred na lang ang nakikita ko. Ang napansin ko lang sa pigura ng tao na kausap ni Ruby ay naka-gray siyang t-shirt at black na cargo shorts.
May nagsakay sa akin sa kotse. He placed me gently on the seat as he buckled the seatbelt to me. Ang unang amoy na nalanghap ko ay. . .lavender.
I have the tendency of vomiting after going through a ride. Kaya naman nahiya rin ako tanggapin ang in-offer ni Kiran dahil baka magsuka ako sa kan'yang kotse.
It felt comforting when the gentle breeze of lavender hit my nostrils. Hindi ko inaasahan na ganito ang amoy ng kotse ni Kiran. I thought it would align with how he usually smells. . .of musk and sandalwood.
"Ikaw na ba maghahatid kay Nacia?" tanong ni Ruby sa likod.
"Yep," mahinang sabi ni Kiran. "Hatid ko muna kayo tapos hatid ko na siya."
Sa passenger seat yata ako nilagay ni Ruby. Nakapikit ako dahil nahihilo ako sa mga tumatamang ilaw sa aking mata. I want to rest my eyes for a while. Nanatili itong pikit hanggang sa kakaunti na lang ang ilaw na sumasagi sa aking mata. Dinilat ko ito at nakitang nagd-drive si Kiran. He was only using one of his hands for maneuvering the wheel.
My phone beeped which caught Kiran's attention. My cheeks warmed as soon as he saw me fidgeting on my phone. Sandali lang n'ya akong sinulyapan bago bumalik ang tingin n'ya sa harapan. My heart raced as soon as I saw Ruby's message to me.
Ruby:
May babae yata si Kiran
Hindi amoy leather ang sasakyan eh
Amoy may inaalagaang babae haha 😆
Naku, Nacia. Hanap na lang tayo bago! Mukhang may eabab si Conjuanco!
I believe my writings are not omnipotent against criticisms; but my feelings for Kiran aren't quite the same. Kiran is the only sovereign of my feelings. He's the only one who could tell me if I can no longer adore him.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro