
Chapter 37
Chapter 37
. ₊ ⊹ . ₊˖ . ₊
I wanted to say no, because if it was easy—then why did we have to break up? Kung tutuusin ay parang dadaan ulit ako sa sinulid para lang makasama siya. I would have to confront the monsters from the forest that I've been running away from. . .but this time, for some reason, I knew I wasn't alone anymore. . .I have him.
"Di ko gets si Mela," I said while my forehead knotted. "Ang red flag kaya ni Miguel."
"I agree, but maybe because of different times and generations? Noon ay niro-romanticized nila ang mga ganitong pelikula, but once you re-watch it, marami talagang red flags na hindi napansin nung mga tao," sagot ni Kiran at pumapak ng popcorn sa bowl na hawak ko.
Bumusangot ako. "It's a cult classic, lalo na't sikat na love team din ang gumanap. Kaya siguro kahit gano'n ang plot ay marami pa rin ang nanonood nito."
Kiran's lips twitched. "It kinda amazes me that they were able to immortalize their love by playing roles in these films. . .isa siguro sa mga pribilehiyo ng mga artista 'yon."
Unti-unti akong tumango, hindi naman alintana sa aming dalawa na ang gumanap bilang Miguel ay matagal nang yumao. Yet, the roles he has played in movies made it seem like he was still alive for those who treasured him deeply.
"Pero 'yon nga, isa 'yon sa mga magagandang katangian ng libro at pelikula, as time passes, you can see the change in perspectives not only because the author is growing but also because their environment is slowly adapting to current changes," sabi ko sa kan'ya. "Isa 'yon sa dahilan bakit ngayon ay naco-considered na red flag na yung mga pelikula noon, kasi mas marami na ang aware kaysa noon sa mga bagay-bagay."
"We can also say that people are now more open to normalizing emotions, o kung paano tayo pinalaki ng environment natin, it opens our eyes to complicated feelings," sabi ni Kiran at lumingon sa akin. "I think that's the magic of Philippine Cinema, hindi man tayo kasing progressive o kasing advance ng ibang bansa. . .hindi nawawala yung puso ng mga pelikula natin."
My eyes drifted towards his direction. Doon ko napagtantuan na nakatitig na rin siya sa akin. In those split seconds, I found my answer on why I should give our relationship another try. . .
Ang pag-ibig namin ay parang pelikula ng mga Pilipino. . .hindi nawawalan ng puso. Palaging umaantig ng damdamin. Ang layunin ay mag-iwan ng bakas sa puso ng manonood. Nananatili ang kwento kahit tapos na ang pag-roll ng credit scenes.
Palaging may puso.
Kahit tapos na ang pelikula, ramdam mo pa rin ang bitaw ng mga linya at kapit ng bawat eksena.
Our days together were finishing Act Off Script, sumasama pa rin ako rito kahit halos tapos na rin ang shooting script nila. Binabalak ko kasing dito nagtatrabaho ang susunod kong bida sa susunod kong nobela. Kiran didn't mind because he was busy with directing the following sequences. Patapos na rin kasi ang pelikula kaya naman kinakayod talaga nila.
"Pagod na ako," reklamo ni Kiran at yumakap sa akin. I felt his hands slowly wrapping on my waist. His breath was soft against my skin, and he rested his chin on my shoulder. "I want to wrap this up as early as possible."
"Sus! Kung alam ko lang ay gusto mo lang araw-arawin si Nacia kaya sinasabi mo 'yan! Hindi mo lang maiwan yung production kaya atat na atat ka na matapos yung mga shooting," sabi ni Jakob at kumagat sa sandwich n'ya.
We were currently inside the tent, nagpapahinga sila dahil break na rin naman ng mga artista. Maliit lang ang tent pero may foldable table kung saan may supot ng prutas na galing sa mga production staff at binigay kay Kiran. Alam kasi nilang nakakalimutan nito minsan kumain kaya naman nagi-iwan sila rito ng mga prutas, biscuits, o kaya minsan ay lutong bahay na pagkain talaga. It made me think that they value Kiran as a director. Ang laki ng respeto nila sa kan'ya.
"Talaga!" Kiran arrogantly shrugged. "Kung di dahil sa inyo edi sana nanonood lang kami ni Nacia ngayon sa condo ko."
"Nanonood lang talaga?" Jakob probed.
Kiran's ears went red and he threw a face towel at Jakob's face. Natigilan tuloy itong pumapak ng saging na bigay kay Kiran.
"Oo. . .nanonood lang kami!" Kiran hissed at Jakob. Kita ko ang unti-unting pag-angat ng kilay ni Kiran. "Anong tingin mo sa akin? Tigang?"
"Hindi ba?" I asked Kiran.
Kiran glanced at me, his nostrils flared as if he couldn't believe my question. "Alam ko naman na alam mong ikaw lang ang minahal ko pero p'wede naman siguro kapag wala na si Jakob sa harap natin saka na ako aamin? Na taglibog ako?"
Bumunghalit ang tawanan sa buong tent. My smile immediately stretched because of Kiran's cuteness. Halos buong linggo na kami nanonood ng mga pelikula kapag magkasama. Wala pa namang. . .gumagapang sa aming dalawa.
Napapaisip nga ako kung kailangan ba may anyong tubig para dapuan ng libog si Kiran? Papalitan ko kaya yung kama n'ya ng water bed? Baka sakaling maisip n'ya ulit ang naisip n'ya nung pumunta kami ng private resort nila.
"Hay naku, Nacia, kung alam mo lang talaga ang mga ginawa ni Kiran nung nag-break kayong dalawa. . ." Umiling-iling si Jakob. "Ikaw nagturo d'yan paano mag-commute."
Nagtaas ako ng kilay sa narinig ko. Hindi ko maalala kung nag-commute ba kami ni Kiran noon, ang alam ko lang ay pinalitan n'ya ng pabango ang sasakyan n'ya dahil sa akin. Lumaki siya na halos sasakyan ang naghahatid at sundo sa kan'ya, kaya naman hindi ko rin alam kung. . .bakit siya natuto mag-commute.
Kiran once again hissed, but this time he shot a quick glare at his friend.
Jakob widened his eyes. "She doesn't know it yet?"
"Na ano?" Lumingon ako kay Kiran.
He bit his lips, as if to suppress any truth from spilling out. "Wala 'yon. . ."
Lalo akong na-curious pero hindi ko na siya muling kinulit pa. I know that he will say it gradually, I just have to wait for him to gather his courage to tell it to me.
Pero napanguso ako at kinuwento ito kay Ruby at Mineth; we were once again in our shared condo, seating across each other while holding our bottled drinks. Bumili kasi si Ruby ng tigi-isang smirnoff.
"Ano ba context ng pinaguusapan n'yo? Paano napunta sa may ayaw sabihin si Kiran sa 'yo?" tanong ni Ruby, sumimsim sa kan'yang inumin.
"Na tigang siya," sabi ko sa kanila. 'Yon naman talaga ang unang pinaguusapan namin, at 'yong natuto siyang mag-commute kasi tigang siya?
I sighed. See? It's a complicated topic that makes me wonder if I should really wait for Kiran to explain it, or should I ask about it already?
Mineth coughed. "Gago? Baka naman iba yung context ng pinaguusapan nilang dalawa."
I shrugged. "I really don't recall teaching Kiran how to commute, saka may kotse naman siya. . ."
"Unless, binenta n'ya sasakyan n'ya noon kaya natuto siyang mag-commute? Yun lang naman ang naiisip ko," si Ruby.
"Bakit naman n'ya bebenta?" mahinang usal ko at napaisip.
"Ever since I've known Kiran, ang alam ko ay spoiled talaga siya, anak ng politiko kaya naman malaki rin ang network n'ya sa iba't ibang tao. Kaya hindi ko rin alam bakit n'ya bebenta yung kotse n'ya," sabi ni Mineth at lumingon sa akin. "At ano naman ang bibilhin n'ya 'di ba? I feel like he has everything that he can own even before he graduated. Tayo nga umuupa pa rin hanggang ngayon, samantalang siya ay pina-renovate na yung condo n'ya."
"Kaya, hard work isn't everything, 'no?" Ruby placed her forehead in between her knees and tilted her head towards us. "Minsan, it's a matter of privileges. We are born not out of the same cloth, but we suffer all the same. What a weird world, indeed."
Tumango ako. Pina-renovate nga n'ya yung condo unit n'ya, pero pakiramdam ko ay dahil nagkaroon ito ng mga sira. Imbis na palakihin o kung ano pa man, pakiramdam ko ay binabalik n'ya ang ganda nito noon. Hindi ko alam kung nagdaan lang talaga ang panahon kaya n'ya ito inayos.
"Sasama ka ba sa akin? Meet up namin ni Pearl Ivy bukas," sabi ni Mineth. "The girl is fond of you."
Ngumiti ako. "Sure! Kung okay lang sa kan'ya. I really like meeting with co-writers, they feel more human when I interact with them."
Bilang isang manunulat, palagi kong naiisip na hindi ako kasama sa kahon ng mundo. I always feel like my ideas were not out of norm, but out of the will to change how the world rotates. Kadalasan, kalaban ko ang pagiging praktikal. Kadalasan, wala akong sandata laban dito. Pero kapag nakakausap ko ang mga kapwa manunulat ko, doon ko napagtatantuan na hindi naman pala ako nagi-isa. Hindi man ako kasinglakas ng karamihan, hindi naman ibig sabihin no'n ay hindi ko kaya lumaban.
The only regrets I had during the production of Act Off Script was that I didn't attend the last day of shooting—maybe because I wasn't good at the last goodbyes. Pero t-in-ext naman ako ni Jakob na gusto ako ma-meet ni Mela pagkatapos ng maipalabas ng Act Off Script, that would be at the end of this year.
When we met Pearl Ivy, she was wearing her school uniform. Puting-puti at naka-bun ang buhok. She looked up at us, and slowly a grin plastered on her face. She was sitting on a corner in this coffee shop. Ang alam ko ay nakipagkita siya sa amin bilang pagtanaw n'ya ng utang na loob kay Mineth dahil siya ang naging editor nito. Well, she's really a nice kid.
"Hi!" she greeted, iminumwestra n'ya ang kan'yang kamay sa harap n'ya. "Upo kayo! Sorry, hindi na ako nakapagpalit dahil dumeretso na ako rito."
"Hello." Ngumiti si Mineth saka lumingon sa akin. "Si Nacia nga pala, but I believe you already know her? Si deepyawns."
"Ah yes! I am a fan! Saka ni tocrescent!" she said, with enthusiasm. "Kailan ko kaya siya mame-meet? Does she visit your office often?"
Ngumiwi si Mineth, siguro dahil hindi n'ya alam paano ipapaliwanag na lalaki si tocrescent. "Ah, busy ang tao na 'yon eh. Pero kung sakali man na comfortable siyang magpakilala ay sasamahan kita sa kan'ya."
Ngumiti si Pearl Ivy. "Ah right! Tama ka d'yan. Hindi ko naman siya pipilitin magpakilala. I know she had some privacy issues way back then, kaya lalo siyang naging lowkey sa mga posts n'ya."
Ngumuso ako. Rien doesn't really share a lot about him, pero simple lang din kasi siya mamuhay. Binasag n'ya ang binubuo kong imahe sa kan'ya noon. I thought he was the typical city boy, living in a high rise condo and typically goes to clubs to party. Pero halos tiga-probinsya pala talaga siya, kinakaya ang dalawang oras ng byahe para makauwi sa kan'yang Lola.
Hindi na rin pala siya nagpaparamdam. . .magmula ng matapos namin yung script. It made me feel that he was probably just close to me because of the project. Pero nirerespeto ko ang distansya n'ya ngayon dahil ayoko rin naman isipin n'yang tumatapak ako sa mga lugar na pilit n'yang sinarado sa amin.
"Well yes. . .I heard of some rumors that tocrescent was once blackmailed," sabi ni Mineth habang ang tingin ay nasa menu. "Stalked, even. Ang lala talaga ng mga tao. . .nagpapakain sila sa curiosity nila tapos isisisi pa sa mismong author kapag masyado nitong hinihiwalay ang buhay n'ya sa kanila."
"Hindi naman namin utang na loob sabihin ang buhay namin. . .edi sana nagsulat na lang kami ng autobiography," I shrugged and decided to place an order already.
"People can be so. . .invasive and rude, as if they own you. Nakakasal ang pakiramdam na 'yon," Mineth said. "Lalo na ngayon na mas accessible ang mga authors dahil sa social media."
Nanahimik si Pearl Ivy, she looked at us like she wanted to say something but she kept her mouth shut. Ngumiti naman ako sa kan'ya. She's young and successful, she probably feels all the pressure right now.
"My mentor also says the same," sabi ni Pearl Ivy. "Na dapat bilang isang manunulat ay may kalayaan akong mamili kung bakit ako nagsusulat? Is it for fame, money, to escape from reality, or simply because I can't imagine myself not writing? Ang sagot ko palagi ay para mailabas ko ang mga salita sa ulo ko. . .I may not be as good as renowned authors but I'm trying."
"And that's good!" I smiled at her. "Wala naman nagsisimula na magaling na agad, at kahit ilang awards na ang mayroon ang iba, hindi naman ibig sabihin n'on ay magaling na sila. . .I doubt they even think that they're good; maganda na kahit marunong ka na ay gusto mo pang matuto."
"Pareho kayo ng sinabi ng mentor ko!" she squealed. "I really love how you let others resonate with your words, Ms. Nacia! At sana talaga mapanood ko na yung Act Off Script!"
I only smiled, even when my stomach was churning. Dahil kahit maganda ang sinabi ko sa kan'ya, I knew I still reflected some of Pablo Bello's advise.
I ordered pasta aglio e olio and some warmed earl grey tea. Mineth ordered matcha and a strawberry cake while Pearl Ivy had a chocolate java chip drink and a chocolate cake. Pakiramdam ko, it reflects our age. Hindi ko tuloy maiwasan isipin na ako ang pinakamatanda sa kanila dahil sa mga in-order namin.
"Ano ba title ng mga works mo ulit?" tanong ko kay Pearl Ivy.
Nabilaukan si Mineth kaya naman napalingon ako. Her eyes widened as if she was trying to tell me not to ask.
"My Alien Boyfriend Breeds Me for the 100th Time," Pearl Ivy grinned widely.
Ilang beses ako napakurap.
Parang di yata ako nakapaglinis ng tainga?
"It's a story about an alien who can't stop himself from wanting a human girl! Sobrang simple lang ng plot kaya nagulat ako na maraming nagbasa," she confessed.
Lumingon ako kay Mineth na parang binibilang ngayon kung ilang yelo ang nakalagay sa baso n'ya. Kaya ba nananakit ang ulo nito sa kaka-edit?
I nodded. Okay, baka ito ang uso ngayon? Alien boyfriend? I mean tropes and topics differ every year. Hindi palaging iisang genre ang sikat sa isang taon. No'ng nagsimula ako magsulat, ang mga sikat ay mga tungkol sa bampira dahil sa Twilight. Napunta sa erotica dahil sa Fifty Shades of Grey. Then, romance peaked during a certain period and even so, I don't think I have written a story that became the point of reference for a particular genre. Kung angst lang din, mas pambato ko pa rin si tocrescent kaysa sa mga nasulat ko na.
"Ano selling point ng story ni Pearl Ivy?" tanong ko kay Mineth nang pauwi na kami. We hailed a jeepney and now we're going on the route near our condominium.
"May 13 inch dick yung alien," Mineth answered, almost in a gruff voice.
"Oh wow. . ."
"Please. . .don't even ask me about the hours and rounds and positions," pigil ni Mineth at napapikit. "Mas malala pa sa porn ang pag-describe. We already know sex is often portrayed badly in porn."
"Huh? What do you mean?"
"Kasi. . .if you already did the deed, you'll also know if the author had already done it, dahil hindi masyadong fictitious ang mga nakasaad sa story n'ya," sabi ni Mineth. "Alam mong may halong katotohanan at ang layo maging totoo nung alien na dadayo sa Pilipinas para magpasarap!"
I laughed and shook my head. I actually feel envious of how Pearl Ivy's imagination runs wild. Ni hindi ko na naiisip ang mga gano'ng eksena. I was more inclined to reality, but maybe that's her strength! Magaling ang imahinasyon n'ya.
"Well. . .depende pa rin sa author 'yon kung gaano siya kagaling mag-research," I pointed out.
"Valid," sabi ni Mineth saka lumingon sa akin. "Pero yung sa 'yo puro make out lang din 'di ba? Ibig bang sabihin n'on di ka nagreresearch. . .at wala ka pang experience?"
Ngumuso ako. "Next topic!"
Humalakhak si Mineth. "Seryoso ba?! Natiis ka ni Kiran?"
"Tama na. . ." nahihiyang tugon ko.
Ngumisi lang siya sa akin at napailing. Pagkadating namin doon sa lobby ay may nangyayaring gulo sa harap ng mga guards. They were trying to stop two people from trying to harass the receptionist.
Kumapit ang kaba sa aking dibdib nang makita kung sino ang mga 'yon. Si Nanay at Tatay na halos kaladkarin na ng mga gwardiya palabas ng condo.
"Dito nga nakatira ang anak ko!" sigaw ni Tatay sa mga gwardiya, I could see the veins protruding on his neck.
"Wala nga pong nabilin sa amin! Wala rin po kayo sa listahan ng mga may visitor's pass!" saad nung gwardiya na mahigpit pa rin ang hawak kay Tatay.
"Nacia!" singhal ni Nanay nang makita ako.
My steps were frozen, cemented on the floor where I halted from walking. Kahit si Mineth ay nagulat sa presensya ng mga magulang ko. My eyes widened, my lips sealed. Ni hindi ko alam kung ano ang dapat unahing gawin, should I go after them? Should I. . .talk with them?
"Nacia!" sigaw ulit ni Nanay at hinaklit ako sa aking braso. "Nasaan na si Tonton?! Tama na ang pagrerebelde! Maawa ka naman sa kapatid mo!"
Humarap sa amin si Tatay, at dali-daling sinara ang distansya sa aming dalawa. He looked at me, his eyes bloodshot in anger.
"Ibalik mo na sa amin si Tonton! Kung sisirain mo ang buhay mo, huwag mo na siya idamay! Marami kaming pangarap para sa kan'ya!"
Parang pinipiraso ang puso ko nang marinig 'yon mula sa kanilang mga bibig. Hanggang kailan ba magiging maliit ang pangarap ko para sa kanila? Hanggang kailan ko ba kailangan takasan ang mga pangarap na hindi ko kaya abutin? Hanggang kailan ko lulunukin ang masakit na katotohanan na ayaw nila ang pagsusulat para sa akin?
"Tama na. . ." mahinahong banggit ko. "Magusap po tayo sa itaas. . ."
"Anong tama na?! Ikaw itong naghahanap ng gulo! Ikaw itong nilalayo si Tonton sa amin! Sana ipasok mo sa kokote mo na hindi dapat maging mababaw ang lipad ni Tonton! Na hindi siya tulad mo! Na hindi n'ya pababayaan ang mga magulang n'ya—" asik ni Tatay.
My chest heaved, I could feel the lingering stares of everyone around me. Si Mineth ay nanatiling tahimik at hindi alam kung aawat ba o itatakbo na ako papunta sa malayo. Napapikit ako.
"Tangina. . ." usal ko at unti-unting pumatak ang luha. "Hanggang kailan ko kayo titiisin? Hanggang kailan n'yo ako mamaliitin?! Palagi. . .palagi ko kayong pinagtatanggol sa sarili ko pero kailan n'yo ba ako pinaglaban?!"
Tatay and Nanay slowly retraced their words, their mouths now tightly sealed. Nanglaki ang mga mata nila dahil sa pagsigaw ko.
Patuloy ako sa pag-iyak habang dinadamdam ang hapdi sa aking puso. "Buong buhay ko. . .pakiramdam ko mali na pinili ko ang pagsusulat. Kaya kahit hindi naman talaga ako talunan sa larangan na ito, pakiramdam ko ay palagi akong talo dahil kayo mismo ang tumalikod sa akin! Kayo mismo ang hindi sumusuporta sa nagpapasaya sa akin!"
I couldn't appreciate the bestsellers. I couldn't be proud of what I've written. I couldn't even dare say that I'm deepyawns and I'm a writer of my own stories because deep inside me I wish I could have made them more proud. I wish I could have been more.
Napatingala ako upang pigilan ang paglandas ng mga luha. "Pagod na pagod na ako sa inyo. Oo, nilayo ko si Tonton dahil ang laki pa rin ng respeto ko sa inyo bilang magulang. Kahit halos ipamukha n'yo sa akin na sana iba na lang yung anak n'yo. . .at hindi si Nacia na manunulat lang. Mahal ko kayo eh. . .pero tangina pagod na pagod na ako sa inyo."
"Hindi 'yan totoo. . ." Nanay uttered slowly but each word was said with intense emotion. "Hindi 'yan ang gusto namin iparating. Hindi 'yan ang intensyon namin!"
"Pero gano'n yung pinapadama n'yo sa akin. . .dahil hindi ako si Nacia kung di ako nagsusulat. . ." hikbi ko sa kanila. "Ni hindi n'yo ako narinig na sinabing sana iba na lang ang magulang ko! Dahil baka sakaling kahit katiting ay ramdam kong proud sila sa akin. . .na kung iba man ang magulang ko, baka malaya akong nagsusulat nang hindi iniisip kung tama ba ang tahak ko ng landas."
"Nacia. . ." Tatay called, mas kalmante ang boses at parang nahimasmasan. "Hindi ko alam. . .na gan'yan ang nadadama mo."
"Paano n'yo malalaman kung di n'yo ako tinatanong?" I asked, my voice was trembling, shaken because of the hurt I felt right now.
"Nacia. . .hindi namin. . ." Nanay trailed off. Ni hindi alam kung tama pa bang ipagtanggol nila ang sarili nila ngayon.
"Alam n'yo ba bakit ako nakipag-break kay Kiran? Dahil bukod sa ang gulo na ng utak ko no'n. . .tangina, sumagi sa isip kong kunin yung pera dahil kailangan n'yo," hagulhol ko sa kanila, pinangtakip ko ang aking mga palad sa aking mukha. "Na binenta ko yung paborito kong sinulat dahil ayokong mahirapan kayo. Na baka makalimutan kong mahal ko si Kiran at pumayag na lang ako sa kagustuhan ng tatay n'ya dahil alam kong kailangan n'yo yung pera."
Diring-diri ako sa sarili ko. Kaya kong ipagpalit ang lahat para sa pera—dahil kailangan ng mga magulang ko at baka sakaling maramdaman ko na may ginawa na akong tama sa mga mata nila.
"Nacia. . ." Nanay started to walk towards me but I stepped back. Napahinto siya sa paglalakad papunta sa akin.
"Kausapin n'yo si Tonton. . .kung sasama siya, sige papayag ako na kunin n'yo siya. . .dahil ang gusto ko ay may sariling isip ang kapatid ko. Gusto kong siya ang gagawa ng mga desisyon n'ya sa buhay," I said, sumisinghot dahil kagagaling lang sa pag-iyak. "Ayokong magaya siya tulad sa akin."
. ₊ ⊹ . ₊˖ . ₊
Days passed after that commotion, I had to hear an earful from the association because of it. Buti na lang dahil nagawan ng paraan ni Mineth kung hindi ay baka naghahanap na kami ng malilipatan ngayon. Tonton also stayed with me, at lakinggulat ko nang pumayag sina Nanay at Tatay. Hindi na rin nila ako kinulit sa text at tawag. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman dahil doon.
"I heard about what happened," Kiran played with some of the strands falling on my face. "Do you want to talk about it?"
"Nakakaumay na silang pagusapan," my voice cracked. "Saka, mauungkat na naman yung nangyari noon."
"Let's talk about it. . ." Kiran's hand gently rakes my hair, I could feel his fingers on my head. "When you want to."
Umangat ang tingin ko kay Kiran, my eyes ate still puffy from crying. "The truth is. . .nahihiya ako makipagbalikan sa 'yo dahil ako naman ang unang nakipaghiwalay. I was not strong enough for you. Tapos ngayon na kakabalikan lang natin, nandito na naman sila. . .when will I be able to be free from thinking about them?"
Lumamlam ang mga mata ni Kiran. "Naiintindihan kita dahil gaya mo ay isa 'yan sa mga palagi kong iniisip. I couldn't disassociate myself with my father. I'm also not comfortable with the fact that having you back in my life means you'll inevitably have to meet Killian again. Ayoko. . .palaging nadadawit ka sa pahamak."
His huge hands gently cupped my face, he made me face him. In his eyes, I saw the need and desperation he was trying to conceal.
"But I can't lose you again," matamang sabi ni Kiran, namumungay ang mga mata. "I have to weigh my options and the one that I value most is you. I want to love you for the rest of my life. I want to marry you. I want to grow old with you. . ."
"And you want to have kids?" mahinang usal ko.
"Oo, mga lima lang," halakhak n'ya at nakitawa rin ako. Unti-unting humupa ang kan'yang tawa at hinalikan n'ya ang tuktok ng aking ilong. "But if you don't want to, it's okay. . .I just want to live long so I can take good care of you."
I leaned in and gently kissed him on his lips, he pressed our lips together further and I closed my eyes. Hinawakan ako ni Kiran sa aking batok, he guided me as we deepened our kiss.
"I love you," I said, almost in a whisper, as our lips parted.
"Hindi na Palawan?" he kidded, his eyes were glazed with love and tenderness.
I chuckled and kissed him once more, trying to conceal our fate together. This time, mahirapan man kaming dalawa. . .hindi na ako bibitaw. I am not strong when I'm alone, but with him, I could fight back against the cruel reality of this world.
Our days were filled with love and catching up. Totoo na matapos ang shooting ni Kiran ay sinulit n'ya ang mga araw naming dalawa. Kulang na nga lang ay hindi na ako mahagilap nila Mineth at Ruby. Tonton was also busy because of school but we sometimes went out with him.
Since I was writing another manuscript, I busied myself with exploring more places and filling my creativity jar. Lahat ng mga tao sa paligid ko ay ginagawan ko ng kwento, iniisip ko na mga bida sila sa kanilang mga storya, at ang buhay nila ay ang nobelang sila ang nagsusulat.
Maybe that's the reason why I felt suffocated. . .because I'm a writer yet my own life story is being written by my parents; that they want to hold my pen for me. But now, I can proudly say that I will write for myself. . .and for Kiran too.
"Nacia?"
I was busy scrolling across a public library, nang may tumawag sa akin sa pamilyar na boses. It was the same voice from the office. Nilingon ko ito at nakita si Pearl Ivy na kumakaway, may hawak na libro sa kan'yang mga kamay.
I waved back, until I saw the person behind her. Ang pamilyar n'yang tindig ang gumimbal sa aking pagkatao. He still looked the same, but I guess time has its effect on him because he aged like milk, he didn't look like the same teacher I had before.
"Sir Pablo Bello! Si Nacia po pala! Yung sinasabi ko sa 'yo na isa sa mga writer na friend ko po!" Hagikhik ni Pearl Ivy, she pointed at me.
Sir Pablo Bello's lips parted and an awkward smile stretched on his lips. "I know her. . .and I guess she remembers me too."
I swallowed the bile on my throat as they went near me. It's been years since I last saw him. Ni hindi ko nga pinapanood ang The Script of Us. Ni hindi ko nga ito sinubukan i-search nang sumikat.
"Si Sir Pablo Bello nga pala, Ate Nacia. Siya yung mentor ko ngayon," Pearl Ivy said with glee.
"Really?" I asked flatly. "You're still doing it, huh?"
"Nacia—"
I cut him off. "Wala kang kwenta. Ni hindi ka nagbago. Lahat ng mga advice mo, ikaw mismo ang di gumagawa. What now? Type mo ba talaga mga college students? Na kopyahan?"
I don't know if it's the pain talking, but my chest was bursting with hate as I spoke to him. I wanted my words to carve on his skin. When I saw him flinch, I knew my words hurt like a sudden shotgun piercing his ears.
"N-Nacia?" Pearl Ivy widened her eyes.
I didn't care if I ruined Pablo Bello in front of her. In my mind, I was trying to save her from the same fate that I had to go through. It didn't hurt that he took credit for my writing, but it burned like hell when he knew all of my weaknesses and still used it against me.
"Ivy," Sir Pablo Bello smiled at her. "Can you give us a minute? Maguusap lang kaming dalawa."
Unti-unting tumango si Pearl Ivy at lumayo. . .I looked at her and the cold gaze sharply made her shiver. Ni hindi ko sinasadya pero mukhang natakot siya sa akin.
"Kamusta ka?" Kalmanteng sabi ni Sir Pablo Bello.
"Talaga? We're going to pretend nothing happened?" mapait kong saad. "Ang gago mo naman, Sir."
"I know. . ." He smiled painfully. "I'm glad you're still writing."
I scoffed, "Updated ka po pala sa akin? Para ano? Abangan kung may bago akong ilalabas? At o-offer-an ulit?"
"No, of course not," he said. "I was always proud of you. Sa lahat ng mga tinuruan ko, ikaw ang may pinakapuso mag-sulat. . .kaya nalulungkot ako na sa mga sumunod mong libro ay hindi ko na nakita ang pagmamahal mo sa mga storya mo."
My eyes started to tear up. "You have no right, Sir. Para sabihin 'yan sa akin. Alam mo. . .tangina alam mong ikaw ang dahilan bakit hindi ko na kaya magsulat tulad ng dati! You took advantage of me! You, of all people! Alam mo dahil manunulat ka rin! Alam mo gaano kasakit 'yon!"
His eyes bore into mine, as if he was acknowledging my pain and he was showing remorse for what had happened. "I know, Nacia. I would be forever haunted by what happened to you. Isa ka sa mga paborito kong estudyante at. . .ikaw pa ang pinutulan ko ng pakpak."
Suminghot ako. "Fuck you, Sir Pablo Bello. Huwag mong gagawin ang ginawa mo sa akin kay Ivy. She's pure. . .her love for writing is commendable. Kaya sana. . .huwag mo uulitin ang ginawa."
Sir Pablo Bello sighed. "That time. . .I was desperate. Ilang taon na ako pero parang wala akong nasusulat na maganda. . .o hihigit sa mga nauna kong sinulat. Nalaos na yata ako ng panahon. . .so when I saw how well you wrote your script, I thought that I had another chance to showcase myself again as a good writer. Akala ko ay parehong magiging maganda 'yon para sa atin. Kikita ka, tapos makikilala ako. . .pero pareho pala tayong sinira nito."
My eyebrows furrowed, as my chest heaved. What? Bakit parang sinasabi n'yang nasira siya dahil sa pag-angkin sa script ko? Bakit parang kasalanan ko pa ang kasakiman n'ya?
Lumamlam ang kan'yang mga mata. "Hindi ko na kaya magsulat, Nacia."
"What?"
"When The Script of Us was released, I felt like an impostor. . .because maybe I was," mapaklang tawa n'ya. "Nakakahiya na minsan hindi ko masagot saan ko hinugot ang script na 'yon dahil alam kong hindi 'yon sa akin. I tried writing again but it failed terribly. Kadalasan ang kaharap ko ay blangkong word file. Inisip kong. . .pagsusulat na ang sumuko sa akin."
"Nakakahiya ka talaga," I pressed on his wounds more.
Ngumiti siya sa akin. "Alam ko, Nacia. Nakakahiya na isa akong manunulat na hindi na kayang magsulat. . .pero tinanggap ko na ito bilang karma ko. I lost a precious student because of my greed."
"Hanggang nagsusulat ako, ikaw palagi ang iniisip ko. . .hinding-hindi ako gagaya sa 'yo," I told him frankly. "I would never let anyone make me feel that I couldn't write anymore. . .hindi baleng pangit ang maisulat ko basta ang alam ko ay akin 'yon."
He smiled at me. "Mapatawad mo sana ako, Nacia. And I'll always root for you. . ."
"I can't forgive you," mangiyak-ngiyak kong saad. "Because I treated you like a father. I wanted to be you so badly when I was still starting. . .pero ngayon ay isa kang sugat na hindi gumagaling para sa akin, Sir Pablo Bello."
Lumapit siya sa akin at pinalis ang luhang lumandas sa aking pisngi. Umangat ang tingin ko sa kan'ya.
Sir Pablo Bello slowly wrapped me in his arms. I wanted to push him away harshly. I wanted to shout in disgust. Yet my heart can't, so I just cried in his arms like a wounded child.
"Treat me as a bad chapter, Nacia. Don't let me be your tragic ending," bulong sa akin ni Sir Pablo Bello at naramdaman ko ang pagpatak ng kan'yang luha sa aking balikat.
"I hate you. . ." I cried.
"Thank you for still writing despite what I did. You didn't deserve that. Alam kong mas malayo pa ang mararating mo dahil magaling ka. . .huwag mo pilitin na mapatawad ako pero sana alam mong masaya akong babasahin ang mga susunod mong akda," aniya.
"Well. . .I hope you get paid well using my script," mapaklang sabi ko at pinalis ang aking mga luha. "Para worth it naman ang pagiging gago mo."
Grabe, lumabas yata lahat ng sama ng loob ko sa kan'ya. I never thought I'd be able to spew a lot of curses today.
Lumayo na siya mula sa pagkakayakap sa akin. "Pangalan na lang ang nandoon sa akin. . .but if The Script of Us would get a new adaptation, hindi na ako ang kikilalanin na scriptwriter."
"W-what?"
Pablo Bello glanced at me. "Didn't you buy back your rights? Triple pa nga ang binayad mo para makuha ito, hindi ba?"
Gulong-gulo akong tumitig sa kan'ya. "Bebenta ko ba 'yon kung may gano'ng kalaking pera ako na hawak?!"
Nakakagago talaga kausap si Sir Pablo Bello! O sadyang mainit lang ang dugo ko sa kan'ya?
His lips parted as his eyes swayed with different emotions. "Hindi ba binili na ng boyfriend mo yung script mo noon? He bought it back as soon as the film was made. . .hindi n'ya lang napapalitan ang credits dahil tapos na ang pelikula nung binili n'ya pabalik."
"B-binili n'ya pabalik?"
Tumango si Sir Pablo Bello. "Oo, si Kiran na yung may-ari ng script na binenta mo sa amin. . .and I thought he bought it back for you. Hindi ko alam na hindi mo alam, Nacia."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro