
Chapter 36
TW: Violence, death
Chapter 36
. ₊ ⊹ . ₊˖ . ₊
Malamig ang buga ng aircon sa kwarto kung saan nakalagay ang desk ko. Mineth's table was in front of me, cubicle type ang opisina namin pero nasisilip naman namin ang isa't isa. I looked at her empty desk, marami itong laman na mga libro sa gilid, sa pagkakaalam ko ay mga references n'ya 'yon para sa mga ine-edit n'yang libro.
I remained seated on my swivel chair when I noticed that Mineth's late. It was unusual but maybe because I was extra bored today; hindi ako sumama sa taping nila Kiran ngayon.
May mga araw na hindi ako sumama ng taping dahil sa hiya. I stayed in the office and tried to become busy with other things. Si Mineth ay may inaasikaso na libro, samantalang minsan na lang kami magka-usap ni Rien ngayon. I felt bored as my hands tapped on my laptop. Wala akong maisip. Wala akong masulat.
Wala namang hinahabol na manuscript sa akin. But lately, I felt more obligated to write because I have free time. Hindi ko maramdaman ang pahinga ko dahil nakakaramdam ako ng guilt na baka sinasayang ko ang oras ko kung di ako nagsusulat. Sa tagal ko magsulat, ni hindi ko nga alam kung may babalikan ako na readers.
I groaned inwardly as my head tilted towards the ceiling. Halos bilangin ko ang mga ilaw na malapit na maging pundido dahil wala akong maisip na isulat. Napapikit ako, I let another sharp breath go as the frustration fizzed inside me.
It's frustrating as an artist when you know what to advise others when they hit writer's block, but when it comes to yourself? It's hard advice to apply.
Bahagyang bumukas ang pinto, mahina ang langitngit nito ngunit mabagal kaya naman agad kong sinipat ang taong pumasok. It was Mineth, her eyelids drooped as the thin layer of black tint underneath her eyes managed to make my lips pull apart.
"Okay ka lang ba?" nagaalalang tanong ko, I jolted from my seat.
"Grabe, naiiyak na ako," reklamo n'ya at pinakita ang isang bulk ng papel. "Ang hirap i-edit ng gawa ni Pearl Ivy."
My lips parted. Pearl Ivy? Si Ibong Ivy ba 'yon? I really can't recall her username, dahil siguro sa number at sa underscore.
"Bakit?"
"Technicalities, plot holes, minsan napapahilot na lang ako ng ulo ko dahil bukod sa back pain, feeling ko may head pain na rin ako," she sighed as she shifted her weight on her seat.
"Well. . .you have to give her some slack," I told Mineth. "Hindi ba't college student pa lang siya? And not everyone knows all writing technicalities. Kahit naman ako ay nagkakamali pa rin."
Tumango-tango si Mineth. "Kaya nga, at trabaho ko naman ito bilang editor n'ya. Mabait na bata rin kasi si Pearl Ivy kaya hindi ko masyado masita. Ang hirap pagalitan kasi balat sibuyas siya."
"I could help if you want to. . ."
She sharply shot me a glare. "Katatapos mo lang sa script ni Kiran. Magpahinga ka naman?"
Napanguso ako. "Wala rin ako masulat kaya wala akong magawa. Hayaan mo na ako na tumulong sa 'yo!"
Umiling-iling si Mineth. "Alam mo bakit wala kang masulat? Kasi naman, girl! Wala kang pahinga! Ang pagod na utak, mahirap paganahin!"
"I'm bored!"
"Matulog ka!" asik ni Mineth sa akin. "And besides, Pearl Ivy isn't a bad writer. . .but she clearly writes for entertainment. She doesn't write for people to ponder on her work."
I nodded, getting the gist of what she's trying to say. Maganda ang kwento ni Pearl Ivy, sa paraan lang kung paano siya magkwento ang problema ni Mineth.
"Akala ko ba ay ikaw ang bahala roon sa isang article sa sikat na artista? Para roon sa isang magazine," tanong ko sa kan'ya.
Kung titingnan ay katatapos n'ya lang din sa script dahil tumulong siya sa amin ni Rien, she polished it before we submitted the final script to Kiran. Kung may dapat na magpahinga rito, si Mineth yata 'yon.
"Oo nga. . .kaso minamadali itong manuscript ni Pearl eh," she sighed exasperatedly. "Sana nga umabot ng deadline dahil nag-set na sila ng release."
"Kailan daw?"
"Next month."
Nanglaki ang mga mata ko, ilang beses ako napakurap bago muling tumingin sa kan'ya na tila ba naguguluhan. "Sure ba 'yan?"
"Kung aabot!" Padabog na binagsak ni Mineth ang mga papel sa desk n'ya. "Sumasakit na ang mata ko kakatingin eh. Pr-in-int ko na nga para mas mabasa ko dahil humahapdi na ang mga mata ko kakababad sa screen."
My lips jutted out. Ang hirap pala talaga maging editor, parang nagtatama ka ng mga hindi mo naman pagkakamali. Kaya pala inaasar nila Ruby si Mineth na maagang tatanda dahil sa trabaho nito.
When lunch finally came, lumabas ako para bumili ng pagkain. Niyaya ko si Mineth pero tumango lang siya sa akin. Hindi bale, bibilhan ko na lang siya ng tinapay dahil pakiramdam ko wala rin siyang gana kumain. I walked my way towards the nearest food stall, mabuti na lang na mayroon ganito malapit sa office namin.
Bumili lang ako ng hotdog sandwich saka egg sandwich, hindi rin ako gaano gutom dahil wala naman akong masyadong kilos kanina. Binilang ko nga lang kung ilang butiki ang dumadaan sa kisame—for the whole duration, isa lang yata.
"Oh my god!" Someone gasped, her high-pitched voice managed to capture my attention.
Agad ko itong nilingon. A petite woman who was sporting a shock expression looked at me. Her eyes slightly widening.
"Po?"
Halos kumaripas siya ng takbo sa akin. Hinawakan n'ya ako sa balikat, siko, at unti-unting niyakap! My eyes widened, her gesture made everyone around us stop from what they were doing and started to whisper around. Siguro dahil nasa gitna kami.
"S-sorry?" nauutal kong sambit. I feel awkward.
"Dala ko ang mga libro mo!" she squealed, her eyes twinkling. "Alam mo ba? No'ng malaman ko na pumupunta ka rito para gumawa ng script ay nanghinayang talaga ako na busy ako sa school! Gustong-gusto kitang maka-collab sa isang story!"
She was giddy, almost jumping up and down as she spoke to me. Pinilit kong ngumiti pero hindi ko talaga siya maintindihan. Sino ba ito? Is she a reader? But why would a reader be here in broad daylight and during office hours? Lalo na't wala namang event?
"I really truly admire you, tocrescent!" she said.
Doon ako natigilan. My insides froze because I wasn't that person. Akala n'ya ba ako si Rien? Ilang beses akong napakurap.
"Ah, nagkakamali ka yata," I laughed awkwardly and tried to separate myself from her. "Hindi ako si tocrescent."
Umiling-iling siya. "You don't have to deny! Alam ko naman na tinatago mo ang identity mo pero sinabi na sa akin ng ilan sa mga nakausap ko kanina. Ikaw si tocrescent!"
"Hindi nga."
"Ikaw nga!"
I sighed in defeat. Ano ba itong babaeng ito? Binibinyagan pa ako nang wala sa oras. Hindi ko alam kung paano ko siya mapapaniwala na hindi naman talaga ako si tocrescent.
"You're one of my inspirations!" tili niya pa. "Kaya nga ako pumasok sa Likha dahil nandito ka. Sa dami ng mga publishers na kumausap sa akin ay hinanap ko talaga kung saan ka naka-signed!"
Ngumiti ako. "That's thoughtful of you. Pero hindi kasi talaga ako si tocrescent. K-kung comfortable naman siya, ipapakilala kita sa kan'ya–"
"Ivy!"
May isa pang babae na lumapit, she was smaller than the woman who hugged me. Nakapusod ang kan'yang buhok, she looked uptight compared to. . .Ivy.
My lips slightly parted upon hearing her name. Kung hindi ako nagkakamali ay iisang tao lang ang naalala ko sa pangalan na Ivy, ito yung pumapangalawa ngayon sa sales sa Likha.
She's a fan of tocrescent?
"Hindi 'yan si tocrescent," the girl looked at me, her eyes slightly going downwards as if being engulfed by shame. "Si Ms. Athanacia 'yan, si deepyawns."
Nanglaki ang mga mata ni Ivy. Akala ko ay guguhit ang dismaya sa kan'yang mukha. I saw it coming because who is deepyawns compared to tocrescent? I was a nobody.
Yet, Pearl Ivy's eyes started to tear up. Unti-unti n'ya akong muling niyakap nang mahigpit kaya naman naging tuod ako sa sarili kong pwesto.
"Oh my god! Finally, na-meet na po kita Ms. deepyawns!" she cried as her hug got tighter. "I'm a fan!"
May humaplos sa aking dibdib. Para akong niyakap at tumagos ito hanggang sa aking buto. I couldn't believe it. Someone like her, who's currently at the top of her game, is a genuine reader of mine?
Mahigpit ko siyang niyakap pabalik. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon. Dala na lang siguro ng galak sa puso dahil hindi ko akalain na binabasa n'ya ang mga gawa ko.
I must admit, I haven't read any of her works yet. Hindi dahil sa hindi ito maganda kung di wala lang talaga akong oras. It was ironic, really. Dahil natatandaan ko pa kung paano ko ipinangako sa sarili ko na kapag may sahod na ako ay mabibili ko na lahat ng libro na gusto ko sa loob ng bookstore. . .hindi ko sukat akalain na hindi lang pera ang magiging problema ko pagkatapos ng kolehiyo, kahit ang oras ko ay pinagkakait na sa akin.
Pearl Ivy was almost the same height as me, petite, at naka-puting t-shirt na may malaking heart na design sa gitna. She was also wearing a gray skirt; kung pagbabasehan sa mukha ay halatang bata pa siya. But maybe she's just blessed with having a baby face.
"Inaabangan ko nga ang booksigning mo eh," she sighed as we walked towards my office.
Napakamot ako sa aking noo. I'm not quite sure if Mineth would be as happy as me if she sees Pearl; lalo na't isa ito sa mga tinik n'ya ngayon kaya hindi n'ya magawang magpahinga.
"Baka wala akong booksigning. . .hindi ko alam kung may pupunta," sabi ko at napanguso. Isa 'yon sa kinakatakutan ko, hindi naman kasi biro ang pamasahe, gastos sa pagkain, at isama pa ang gastos sa libro. . .hindi pa nga nakukwenta ang pagod kaya natatakot akong baka hindi naman worth it kung magkakaroon ako ng booksigning.
Her eyes widened a fraction. "Mayroon 'yan, syempre! Isa na ako roon! Pipilahan kita!"
"Walang pila dahil hindi ko nga alam kung may pupunta," I told her.
Malalim ang titig sa akin ni Pearl Ivy, it was as if she couldn't believe the words that my mouth was saying. Paulit-ulit pa siyang umiling dahil parang hindi n'ya matanggap ang rason ko.
"When I read your stories, all of your leads were hopeful, kahit na hindi lahat ay nakakuha ng happy ending. . .hindi nawala sa kanila ang pag-asa," she said and glanced at me. "I never thought that your reality is different from theirs."
I wetted my lips and tried to smile at her. "Syempre, fiction 'yon eh. Doon kahit paano ay kaya mo naman gawing masaya kahit ang totoo ay sobrang lungkot ng realidad. Ayoko naman mamuhay na hindi alam ang totoo sa hindi. . ."
"But you can hope, right?" she smiled, wistfully.
"Hmm?" Lumingon ako sa kan'ya.
"You can hope that people will go there to see you sign your books. . .and your readers can hope that they will be able to see you and thank you for writing the stories that saved them. . .from boredom, from heartbreak. . .from life itself."
"Paano kung umasa lang ako sa wala?" I asked, in a small voice. There's always this lingering fear that the truth was. . .I would never be good enough and my stories are just. . .stories.
Pearl Ivy gently smiled at me. "Then maybe it isn't your time yet. But at least, you get to experience it. You know we don't really regret the choices we made, sometimes we end up regretting the choices that we didn't make."
. ₊ ⊹ . ₊˖ . ₊
Pearl Ivy wanted to keep in touch, lalo na't magkakaroon yata siya ng booksigning at nakapagsabi na ako na baka pumunta ako roon. I might try if I'm not busy, baka yayain ko rin si Kiran. . .kung hindi rin siya masyadong busy.
"Cut!" Kiran said while his eyes were glued on the cameras. Lumingon siya sa isa sa mga producers na nasa likod lang n'ya. I was also inside the tent because it's a bit hot, hinayaan naman ako ni Kiran na sumilong.
"Hindi ba talaga marunong umarte si Emma?" tanong ni Kiran. "Para akong nanonood ng mannequin. I know that skills can be learned but she's clearly not even giving her all."
Napakamot ng ulo si Rory, isa sa mga producers. "LQ po yata sila ni Stefan eh."
Kiran's lips twitched in annoyance. "Sinong may pake? We only have limited shooting days, pinagbigyan ko na siya nung unang araw pero pangalawang araw na ito. Para siyang uma-acting sa isang school roleplay, mas marunong pa nga yung mga nasa high school kaysa sa kan'ya."
"Pagsasabihan ko, Direk," ani Rory saka lumabas ng tent.
Kiran massaged his temples as his body reclined on his chair. Ramdam ko mula sa kinatatayuan ko ang inis n'ya at pagod n'ya. I slowly went towards him to give him bottled water and some towels.
"Pahinga ka rin," sabi ko sa kan'ya.
Umangat ang tingin n'ya sa akin, the side of his lip rose. "Thank you, Nacia."
Kiran and I were close lately. Wala kaming pinagaawayan ngayon o kaya wala kaming nauungkat na sugat. Maybe because Kiran has his hands full of work, lalo na't nagsimula na ang production.
He sighed exasperatedly as he looked at his notes, nandoon nakalagay yung mga sequence na kailangan ngayong araw. My heart felt a pang when I saw that it was almost noon but only one sequence was made. Naghahabol pa naman sila ng araw.
"Gusto mo na ba kumain? Dadalhan kita ng pagkain," sabi ko kay Kiran dahil napansin ko na wala pa siyang kinakain magmula kanina.
"Sige. . .kahit ano lang," he said, almost dismissive. Mukhang malalim din ang iniisip n'yang problema. His eyes were elsewhere, making it seem like he really doesn't have time to eat.
I sighed. Lumabas na ako sa tent at naghanap ng malapit na restaurant na p'wede kong order-an at para makapag-take out na ako para sa kan'ya. Hindi ko alam kung paano mababawasan ang stress ng isang 'yon. . .
May malapit na karinderya akong napuntahan. Pumasok ako rito at hinawi ang isang kurtina na nagsisilbing pinto nila. Ang amoy ng adobo, sinigang, at iba pang lutong ulam ang bumungad sa aking ilong. May mga plastic lamesa at monoblocks para sa mga kakain.
I ordered some pork barbecue and rice upon arriving at the counter. Nanghingi na rin ako ng atsara pangtanggal ng umay. Nakabukas ang isang maliit na TV na nakadikit sa pader, at halos umabot na sa dingding. The news was on and my eyes widened when I heard what it was about.
"Isang pitong taong gulang na bata ang nasawi sa isang sunog na naganap sa kanilang bahay sa Corazon Avenue kaninang umaga. Ayon sa mga awtoridad, hindi pa natutukoy kung ano ang pinagmulan ng sunog at patuloy pa rin ang imbestigasyon ukol dito," the newscaster reported and all our eyes were on the TV screen.
Humapdi ang puso ko. Ilang segundo akong natulala sa TV screen. Kawawa naman yung bata.
"Ay katakot naman, mag-isa lang yung bata sa bahay nila?"
"Eh mga squatters. . .saka sunog, alam mo naman gawain na 'yan," anang isang matandang lalaki na kumakain.
My eyes flinched upon hearing the words. It's not like those people wanted to live in informal housing or be known as informal settlers. Mahirap lang talaga magkaroon ng tahanang p'wedeng silungan ngayon. . .at kung may ginagawa lang sana ang gobyerno imbis na paalisin lang sila, hindi naman siguro aabot sa gano'n. Both of them should have a discussion on how it will work on both ends.
"Pero bakit yung bahay lang nung bata? Baka naman naglaro ng apoy. . ."
"Narinig ko na 'yang balita na 'yan sa kabilang radyo, tulog daw yung bata. Saka may nakita raw na pusa eh, sunog yung buntot nung pusa at halos kalahati na lang ng katawan ang natira."
"Gan'yan ginagawa nila, kukuha sila ng pusa upang silaban tapos papakawalan nila para magkalat ng apoy. Alam mo naman na gawa lang 'yang mga bahay na 'yan sa yero o di kaya ay kahoy. . ."
Salitan ang mga haka-haka ng mga tao sa loob ng karinderya. Kahit tuloy ako ay hindi maiwasan ang makinig dahil parang napagtatagpi ko ang mga kwento.
"Sus! Kung alam ko lang ay dahil 'yan sa eleksyon! Yung isang senatorial slate ay may tinatagong baho, ah? Malamang gumawa lang sila ng eksena! O di kaya ay may nagpapaka-hero na naman d'yan!" sabat ulit nung matandang lalaki.
With the mention of the elections being near, kinabahan ako para kay Kiran. I know that he's affected as well, lalo na't hindi naman tago na anak siya ni Killian sa labas. I dismissed the thought and paid for our food. One at a time, I have to focus on our movie first.
Bumalik na ako sa tent at nakitang nakahilig si Kiran sa upuan n'ya. halos lunchtime na pero pumupuslit siya ng tulog. I smiled to myself as I tiptoed my way towards him.
"Kain ka na muna," I whispered to him.
His eyes slowly opened, bahagya itong nangdilat nang makita ako. A small, almost gentle, smile plastered on his lips.
"Sabay tayo kain?"
"Oo naman," I nodded. "Barbeque ang in-order ko. Sa susunod ay sabihan mo ako kung may gusto kang ulam."
"Kahit ano naman 'yan." Umayos siya ng pagkakaupo. "Basta ikaw ang kasabay ay kakainin ko."
We ate our lunch in peace. Wala kami masyadong napagusapan dahil matapos namin kumain ay bumalik na sila sa pags-shoot ng mga sequence na kailangan sa lugar na ito. Lumabas naman ako dahil halos pababa na ang araw, hindi na mainit sa balat ang init.
I went to the shooting, the equipment was scattered, along with the people who are needed for the scene. Two cameramans were focusing on the actors. Pareho namang nagkakabisa ng linya yung dalawang artista.
"Kailangan ko ng vicks! May crying scene!" Emma yelled in frustration, dinuro-duro n'ya yung kasama n'yang babae. "Ano ba Mela?! Ang kupad!"
Mela, who was panicking, flinched. "Mahahalata na v-vicks 'yon sa camera. H-hindi mo ba talaga kaya umiyak para sa scene?"
"Bitch! Edi sana kanina pa ako umiyak kung kaya ko!" Emma shouted at her.
Mela sighed. "Emma. . .wala naman sa akin kung sinisigawan mo ako pero huwag naman sa maraming tao. . .people could gossip about it."
"Eh ano naman?! Totoo naman na ang kupad mo! Dalian mo na! Yung vicks!"
"Tama na 'yan, Emma," saway nung isang artista, si Stefan. "Mela's only helping you!"
All of the actors and actresses here are good looking. Tunay na walang binatbat ang mga nakikita sa TV. Pero nagulat ako sa ugali ni Emma, I haven't really heard of her since she's only famous towards the younger generation.
Grabe, by saying those words, parang sumakit ang likod ko.
"Edi siya ang umiyak para sa akin! Siya ang umarte!" Emma walked out and shoved the script on Mela's chest.
Mela was left there dumbfounded.
Ang mga crew ay napakamot din ng ulo dahil sa kaguluhan. Ako naman ay umikot ang paningin dahil nakita ko rin ang mga nagbubulungan na mga tao. I know that Emma's young, but she has to think twice of her actions and words. . .lalo na't public figure siya.
The day went on, naawa ako kay Mela no'n kaya naman inabangan ko siya sa labas ng artista van ni Emma. She was her assistant, I think. Dahan-dahan lang ang paglalakad ko patungo roon, ni hindi ko nga alam kung tama ba
"Dahil kung pag-ibig 'yon. . .hindi 'yon madaling isuko," someone said.
My lips parted, my steps halt, and I looked at the person who's saying the lines in Act Off Script. Si Mela na umiiyak ang nandoon, she was saying the lines with emotions.
"Kung mahal mo ako. . .sana binalikan mo ako sa lugar kung saan mo ako iniwan, dahil hindi naman ako umalis, at hinintay kita," her tears fell down one by one, as if she was the female lead in the script.
Napapalakpak ako nang wala sa oras. Umangat ang tingin sa akin ni Mela at agad na pinunasan ang mga luha.
"Sorry! Binasa ko lang yung script," she said.
Umiling ako. "Parang in-acting mo na. . .hindi ka rin ba artista? Parang marunong ka umarte eh."
Mela laughed, trying to supressed her emotion. "Hindi ako artista. . .hindi ako kasing-ganda ni Emma, kasingyaman ni Stefan, at ang tanging mayroon ako ay yung pangarap ko noon na maging aktres pero. . .wala na 'yon!"
"You can still try. . ." Ngiti ko sa kan'ya. "Sayang naman kung ibobotega mo ang talento mo. Deserve ng mundo makita. . .kung gaano ka kagaling."
Those words felt like comfort to me somehow too. Napagnilayan ko rin ang sinabi ni Pearl Ivy sa akin. . .na baka nga mas nakakapanghinayang kung hindi ko nilabas ang talentong mahal ko kaysa sa katotohanan na hindi ito mamahalin ng lahat—pero hindi ibig sabihin nito ay sayang ito. I love writing, it fueled me for as long as I can remember. . .even if it was also the reason why I got drained and tired. . .it was the reason why I wanted to get better as well.
Dumaan ang mga araw na hindi pa rin maayos ang acting ni Emma. She got worst even, dismissing Mela on set, letting the other crew be affected by her tantrums, and even shouting blatantly at Stefan.
"Kailan ba mabubuwag ang loveteam na 'yan?" Mineth asked, she visited the set once she had free time from work.
I sighed. "Hindi ko nga alam kung paano makakapagshoot nang maayos. . .she's being unreasonable."
We were currently shooting sequence 34, naguusap silang dalawa sa isang restaurant tungkol sa kanilang nakaraan. I looked past behind me because someone kept on staring at my way. Isa sa mga extra ang kanina pa lingon nang lingon sa akin. Hindi naman ako hagip sa camera kaya hindi napapansin ang paglingon-lingon n'ya sa akin.
"Cut!" Jakob said and motioned Emma to step aside first. "Emma, pakiayos daw yung tingin kay Stefan. This is a confrontation scene. . .hindi dapat mukhang natatae ka raw. . .sabi ni direk?"
Emma's cheeks burned in embarrassment. Lumingon siya kay Jakob at nangliit ang mga mata. Jakob merely shrugged at her. This is the first time that she got scolded in front of others.
Everyone's eyes whisked towards another person who came unannounced. Halos lahat ay nakadikit ang tingin sa kan'ya. Kiran walked like he was meant to be stared at. Kahit ako ay napalingon sa kan'ya.
I thought he finally snapped, Emma was clearly being unprofessional. . .but he walked past her and went towards the extra who kept staring at me.
"Blockings mo," sita ni Kiran habang tinuturo yung lapag. "Paki-ayos. Tapos 'wag kang tingin nang tingin sa kung saan-saan."
Napalunok yung extra. "Ah, sorry, direk."
"Okay lang ba 'yon?" bulong ko kay Jakob. "Normal ba talaga na lumabas ang director sa tent?"
"Hindi," tawa ni Jakob. "Kaya nga may AD eh. Pero normal na uminit ang ulo ng mga director. . .ang iba nga halos lagnatin! Pero si Kiran, halos kalmado 'yan palagi sa mga sets n'ya."
Napalingon ako sa sinabi ni Jakob. Totoo naman na mapanglait at masama ang ugali ni Kiran. . .but it's nice to know that as a director, he's very professional.
"Sa kan'ya nga lang ako hindi kinabahan maging AD sa totoo lang," Jakob said. "Siguro dahil ayaw n'yang maranasan yung naranasan n'ya kay Director Florence."
"Hm?" Napalingon ako kay Jakob.
"Kiran was fucking bullied at his first job." Umismid si Jakob habang napapailing. "Tangina ni Director Florence, porke't award winning ay trinabaho talaga si Kiran. Kapag nagutom siya tapos walang pagkain? Kasalanan ni Kiran. Kapag late yung artista? Kasalanan ni Kiran. Ultimo kapag traffic, kasalanan pa rin ni Kiran! Bugbog talaga si Kiran no'ng unang AD n'ya, ginawang punching bag ng Director sa mura, sa sigaw, at minsan ay hindi pa 'yan pinapakain si Kiran hanggang di natatapos yung mga kukuhanan na sequence."
My lips parted. I didn't know about this. I didn't know that his body was full of wounds that didn't show on his skin; I didn't know that he's in pain because of this field as well. Halos manubig ang mga mata ko. Who was there for him during the nights he failed to see his own talent? Who stayed by his side. . .when I left?
Jakob smirked, as if proud. "But you know? Kiran didn't falter. He didn't even show Director Florence that he was affected. Tinapos n'ya yung trabaho dahil alam n'yang apektado lahat ng crew kapag nagbitaw siya sa kalagitnaan ng set. Everyone also knew that no one wanted to work with Director Florence because the pay was indeed heaven but the workload was fucking hell."
"Grabe rin pala 'no?" I sighed. "He's really great at what he does."
Tumango si Jakob. "Yeah. That's why when he told me he's about to create his first film, agad kong sinabi na gusto ko siya makatrabaho. Mahahalata mo naman na alam ni Kiran ang epekto ng isang director sa set eh. He rarely goes out of the tent so people can feel free to roam around and act without pressure."
"Eh ba't siya lumabas?" si Mineth.
"Ah, ewan ko ba rito kay Kiran, ang gago. Kanina pa reklamo nang reklamo kay Emma pero di naman sinita. Pero no'ng may sumilip kay Nacia? Ay, biglang lumabas ng tent si direk," tawa ni Jakob. "Huwag daw ang baby n'ya!"
Nakitawa si Mineth at umiling. My lips jutted out. Napa-iling na lang din ako dahil kahit ako ay hindi maintidihan kung bakit gano'n ang naging akto ni Kiran.
My eyes strayed away for a bit. Nakita ko na nanginig si Emma sa gilid, maybe because her tantrums won't work on Kiran. Nakakalungkot na namimili lang siya ng tatapakan—at kadalasan ay kung sino lang ang hindi lumalaban sa kan'ya. I feel bad for Mela because she had to work under her. . .
Well, not for long. I went inside their tent after the tapings and the crew almost packed up. Pangatlong araw pa lang ng shooting pero parang wala pa sa kalahati ng mga sequences sa isang araw ang maayos na nagawa. I can feel the frustration permeating across the four corners of the tent.
"Nag-back out si Emma," anunsyo ni Jakob kay Kiran. "Magpapa-casting ka na naman ba ulit? It'll take time. . ."
Napahilot ng sentido si Kiran. "I'll figure things out. Hayaan mo na siya. It's better to rush things with a new actress than to drag the whole production with someone like her."
"Masisira yung love team nila," si Jakob.
Kiran shrugged. "Then Stefan can thank me later."
"Uh, hello?" I raised my hand and smiled at them.
Napalingon silang dalawa sa akin. Kiran shifted his weight from his seat.
"Yes?" tanong ni Kiran.
"I have a suggestion. . .sa magiging actress." Ngiti ko.
Oftentimes, people ask how to be a good writer? Some would say read a lot of good books—read a lot of bad books as well to learn how to improve it. Use online tools to utilize your technicalities, let others read it so you can have insight from them. . .but I guess the truth is you can be a good writer when you're a good person. Because when you're a good person, you care for others, you can sympathize with them, and eventually you'll do something to help them alleviate the cruelty of this world—maybe by starting to write a story that will help them get through their personal demons and their own darkness. . .by simply lending them a little light.
Mela became the new Cali as soon as I suggested it. Ilang beses tumanggi si Mela dahil natatakot siyang mag-flopped ang movie dahil hindi naman siya sikat tulad ni Emma. . .idagdag pa roon na galing sa isang loveteam si Stefan. It would be hard to market this movie.
"People have trust in you, so trust them. . .have a little faith in yourself," Kiran consoled Mela as soon as she confronted him.
Mela sighed and fidgeted her fingers. "Ayoko po mahirapan kayo. . .marami po akong alam na magaling at kilalang artista. . ."
"But you fit the role more," sabi ko sa kan'ya. "I'm the scriptwriter so. . .I know that you can embody Cali."
Her eyes widened, halos maluha ito dahil sa narinig. Her heart reeks of pureness, hindi ko tuloy maiwasan ang matuwa nang unti-unti na siyang mapatango.
Maybe. . .this is why I like writing so much, or why I love the art of it—because words can transform something so trivial into something more profound.
The shooting started from scratch, pero dahil mas mabilis umarte si Mela kumpara kay Emma, mas naging mabilis ang production. I could feel the sense of relief from Kiran when everything finally settled down.
"Direk, may problema," sumbong ni Jakob, nagkakamot ng ulo habang nakadungaw sa tent.
Lumingon si Kiran sa kan'ya. "Ano 'yon?"
"Si. . .Stefan. . .ano," halakhak ni Jakob at kabadong umubo. "Nagpagupit. . ."
Nanglaki ang mga mata ni Kiran at napamura. "Putangina. . .yung continuity!"
"Eh kasi mainit daw."
"Gaano kaikli?" Kiran sighed.
"Tabas lang naman," sagot ni Jakob. "Pero baka kailangan n'ya ng wig dahil halatang-halata sa camera."
"Paano is-shoot yung kadugtong na eksena kung magkaiba na yung gupit n'ya?" Napahilamos si Kiran sa sariling mukha.
"I-focus na lang muna siguro kay Mela, Direk," sabi ni Jakob. "Tapos tingnan mo na lang din kung anong shot ang bagay."
Sumunod ako kay Kiran at Jakob na tiningnan ang buong set. They were trying to come up with a plan because of the sudden problem with continuity.
My eyes were fixed on Kiran as he talked with Jakob. His words were like gentle commandments, a little demanding but more on precision. He was motioning his hand on where he could envision the scene. My lips opened a bit, amazement seeping through me.
Ang galing mo, Kiran. I breathed out.
To see him soaring in this field that I know he loves; I couldn't feel more proud of him seeing as he grows in it.
Nagulat ako nang bahagya n'yang itutok yung camera sa akin. My breathing was shallow, even when my heartbeat was racing. The way the lens tried to capture a random moment of my life. . .
Kiran smiled as he slightly looked at me even when the camera was locking its lens on me. Siguro ay sinusubukan nilang tingnan ang mga anggulo ng shots at dahil ako ang malapit, ako ang napili n'yang kuhanan ng video.
I smiled back and mouthed the words that I badly wanted to tell him from the start. "You make me proud, Kiran." In hopes that he can immortalize this scene for us.
Matapos ang maikling oras ng pagtingin nila sa mga susunod na is-shoot ay lumapit ako kay Kiran. My heart thudded against my chest. I pulled the hem of his shirt to make him look at me.
"Can we continue. . .the films we were supposed to watch?" I asked in a small voice. "Nahanap ko na yung mga pelikula na. . .gusto mong panoorin."
Kiran's eyes softened, his gaze lowering on me. Ramdam ko ang unti-unting pagtigil ng paligid namin, gaya ng sa mga pelikula.
"I was about to asked you that. . ." namamaos n'yang saad.
"Yung?" Umangat ang tingin ko sa kan'ya. Nagtama ang mga mata namin. Doon ko nakita ang pagsusumamo sa kan'yang mga mata. And I have never felt love this intense before. . .maybe I won't probably ever find it again if not from Kiran.
"Can we continue where we left off, Nacia?" he asked in a gentle, low voice. "Can we continue watching our love story now?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro