Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35


Chapter 35

. ₊ ⊹ . ₊˖ . ₊

I was often told that sometimes I don't really filter my thoughts; hindi nila alam ay kadalasan ko na itong sinasala bago ko man ito sabihin. Maybe it was because. . .I rarely say anything so when I do try to speak up, my words could be considered as blunt.

Agape simply laughed at my question, by reacting 'haha' to our messages. I know that she finally knows that I have stumbled upon the remnants of her old love affair and how it used to fuel her withered soul. Pero sa dulo ay wala naman siyang sinagot sa akin kaya inisip ko na mahirap pa rin para sa kan'ya ang pag-usapan si Kile.

I wonder if that is the same for Kiran, if the wounds that I inflicted on him were still freshly hurting because he never wanted to put any remedy on it—but it also meant that he didn't want to forget how it hurts because he didn't want to forget about me.

Now, I finally understand why they say to forgive is to forget and why most of those who don't want to let go of the pain refused to forgive. . .because they don't want to forget how words were once said, how every emotions were once felt, and how they loved someone once so badly that it becomes the highest benchmark for every pain that followed.

Unti-unting napanguso ang aking labi at umangat ang tingin ko kay Kiran. His steps were now beginning to get smaller because I was slowly having him beside me.

"Bakit tayo pupunta sa Kuya mo?" tanong ko sa kan'ya habang binabagtas namin ang daan patungo sa dressing room na nasa backstage.

"Papakilala kita," sabi n'ya sa akin. Hindi n'ya ako nililingon pero nakita ko ang munting ngiti sa kan'yang labi. It was as if he was happy to introduce me to his brother.

"Bakit naman? Close na ba kayo?" I asked him. It wasn't a secret that both of them weren't really close, kung close man ay hindi para magkwento ng mga ganap sa buhay.

"Hindi kita naipakilala sa kan'ya noon," mataman n'yang saad.

Unti-unting bumaba ang tingin ko at para bang naging interesado ako bigla sa sahig na dinadaanan namin. Ang totoo n'yan ay hindi ko rin nagawang pormal ipakilala si Kiran sa mga magulang ko kaya naman hindi rin ako humiling na ipakilala n'ya ako sa mga kapamilya n'ya. The only time that I was able to talk to his family members was during the Tagaytay trip and when his father tried to bribe me.

Minsan nga iniisip ko, paano kung nasa maayos kaming pamilya? Would things be easier for us? Hindi ko kailangan isipin na baka huthutan si Kiran ng pera ng mga magulang ko, hindi ko iisipin na baka gamitin ako ni Killian laban kay Kiran, o hindi ko iniisip na bawal pa ako mag-asawa dahil may Tonton pa akong aalagaan.

He licked his lower lips. "Ang totoo n'yan ay. . .ayoko ipakilala ka kay Kile noon."

My steps slowly halted, the truth from his lips finally dawning on me. Tumigil din si Kiran mula sa paglalakad at unti-unti akong nilingon. His face was full of remorse, the long regrets were shown when his eyes didn't even blink as his words managed to make me think why he didn't want to introduce me to his brother.

"Why?" mahinang sambit ko.

It's not like it was a loss for me, kahit nga hindi n'ya ako ipakilala sa mga magulang n'ya noon ay hindi ko ito didibdibin. Maybe because I know for a fact that it would also be hard for me to introduce him to my parents without making him change his mind.

My parents could be controlling, pushy, and strict all at once. Nakakatakot naman talaga silang maging biyenan kung sakali. . .pero mahal ko pa rin sila at alam ko naman na balang araw ay mas maiintindihan ko sila. Ipinagdadasal ko lang din na sana ay mas maintindihan din nila ako.

I know that they love me. . .maybe it's just how they express it. Kaya nga kahit ilang beses na akong nabigo sa sarili kong tahanan ay hindi ko magawang tuluyang talikuran ito, dahil alam kong balang araw ay kakayanin kong tagpiin ang mga nasirang dingding at bubong ng dati naming tahanan.

"Kasi natakot akong baka magbago isip mo," he chuckled dryly. "Because Kile was the better Conjuanco. Hindi ko naman itatanggi 'yon. Bata pa lang ako, tanggap ko na anino n'ya lang ako. . .but I couldn't bear with the idea of losing you to him."

I couldn't feel my tongue at all. Para akong naputulan ng dila dahil wala akong masabi sa isiniwalat n'ya sa akin. I thought he was just not that close to him, kaya nga hindi ko na ito tinanong  sa kan'ya noon. Hindi ko inakala na malalim n'ya pala itong pinagisipan.

"What changed now? Okay na sa 'yo kung sakaling. . .magustuhan ko si Kile?" halos pabulong kong sabihin ko, masama ang loob dahil ayoko kay Kile. Kahit pa gwapo 'yon kung batalyon ang kaagaw ko ay gets na gets ko ulit si Agape kung bakit gusto n'yang ilublob ang ulo n'ya sa inidoro.

Agad siyang umiling. His eyebrows furrowed, the corner of his mouth twitched, as if the mere idea baffles him.

"No," matigas n'yang sagot. "Ako lang ang gusto mo."

Sa pagkakataon ngayon, ako naman ang nagtaas ng kilay sa kan'ya. Ang awkward naman nito. Hindi ba mag-ex na kami? Pero bakit hindi tratong ex ang pinapakita n'ya sa akin?

"Sure ka ba?" hamon ko sa kan'ya, nagtaas pa ng kilay.

"Kaya nga kita papakilala. . .kasi alam kong gustong-gusto mo ako," he said with finality. "At hindi mo naman kagustuhan ang break up nating dalawa."

Saan n'ya ba nakuha itong mga pinagsasabi n'ya? Mas magaling pa siya sa akin mag-imagine eh.

My lips barely concealed the shock that I had for the way he spoke to me. Hindi ko alam kung ganito ba ang epekto ng concert sa kan'ya? Saan n'ya nakuha ang lakas ng loob na sabihin ang mga ito?

But to be quite frank, noong isang Linggo pa yata siya ganito sa akin. Masyadong malambing ang kilos, ma-ingat ang mga salita, at para bang bumalik ang Kiran na inaalagaan ako no'ng kolehiyo pa kami.

I don't know if I still deserve this side of him when I was the first one who gave up on us. Pero tama naman siya, hindi ko nga kagustuhan ang break up naming dalawa. . .pero alam ko naman na hindi ko rin siya kayang ipaglaban noon. Hindi ko nga kaya ipaglaban ang sarili ko kahit ngayon.

Kiran glanced at me, his eyes were filled with unwavering solace. "I know it wasn't easy for you to walk away. . .but I can run for both of us."

"Ano?"

"Remember the first written work you've let me read?" he asked, almost wistful.

Napaisip ako. Marami-rami na rin akong ipinabasa kay Kiran na gawa ko, kahit nga ang script na ipinasa ko kina Pablo Bello ay alam n'ya ang daloy ng kwento. Wala nga akong maitagong gawa ko sa kan'ya, kahit ang mga drafts ko noon ay siya ang pinagsasabihan ko. All of my plots were unveiled to him. Kadalasan ay puri lang ang naririnig ko mula sa kan'ya kaya naman noon . . .ang taas ng tingin ko sa mga kwentong nililikha ko. He was a driving force to me during those times.

"Alin doon?" I started to walk again. Nagsimula na rin maglakad si Kiran upang makahabol sa mga hakbang ko.

"The one where she walks in bare feet?"

"May storya akong gano'n?" Nanglaki ang mga mata ko.

Bahagyang umirap si Kiran. "Papalitan na kita bilang Athanacia Samonte."

Napanguso ako. "Hindi ko na tanda. . .at ang sama mo talaga."

"Gagawin na kitang Athanacia Conjuanco," pilyong ngisi n'ya sa akin.

I jutted my lips out more. 'Yan na naman siya! Litong-lito na naman ako kung natutuwa pa ba siya sa akin o hindi na. Pero hindi ko mapigilan ang paginit ng aking mga pisngi. I could feel my pulse racing as well. Iba talaga si Kiran kung manglandi.

"Pero 'yon nga. . .I just remembered how the girl was the only one who suffered just so she could be with the boy on the other end. . ." sabi n'ya na tila ba inaalala talaga ang sinulat ko noon. "Napagtantuan ko na kung ako nga 'yon ay sasalubungin ko yung babae. . .o kaya kung tatakbo siya palayo, ako ang maghahabol sa kan'ya."

My heart thudded against my chest. Sumakto namang nasa harap na kami nung dressing room ng kuya n'ya. Unti-unting binuksan ni Kiran ang pinto nito at napalingon sa akin.

"Because seeing her hurt doubles the pain for me," matamang sinabi ni Kiran. "Mas masakit para sa akin ang maiwan sa dulo na wala siya sa tabi ko, Nacia. I'd rather get hurt if it means that she'll be with me in the end, because living a life without her. . .is a pain that I couldn't bear at all."

That made me keep my mum. Hindi ko alam kung ano ang mga salita na dapat sabihin kapag si Kiran na ang kausap minsan. Ako ang manunulat sa aming dalawa, pero palaging talo ang mga kaya kong isulat sa mga salitang binibitawan n'ya. Siguro nga totoo minsan ang sinasabi nila na hindi sa lalim ng salita nakukuha ang tunay na kahulugan. . .kung di sa mga simpleng salita na nagbibigay linaw rito.

The space was dimly lit, only the lights from the vanity mirror cast its glow, similar to how fluorescent lights would do. The walls were ornamented with a variant of signed posters from different artists, probably from those who have already used this dressing room as well. The couch on the corner was littered with gifts such as paper bags, paintings, and even a guitar. Si Kile naman ay nagpupunas ng pawis gamit ng isang makapal na towel habang nakaupo sa isang upuan.  His eyes swiftly went towards us.

"Hello," bati n'ya sa akin at lumingon agad kay Kiran. "Nanood ka pala?"

I gasped. In return, Kiran glared at me. Agad na lumipad ang tingin ko sa kan'ya. Napanguso ako dahil nagpipigil ako ng tawa. Akala ko ba ay kampante siya na siya ang gustong-gusto ko? Bawal na ba ako mamangha ngayon? Mas gwapo ang kuya n'ya sa mas malapit, malamang ay magugulat ako. . .

Pero totoo naman na mas gustong-gusto ko si Kiran.

"Hi po," bati ko kay Kile.

Kile briefly smiled at me, it wasn't really a big smile. It felt like he just wanted me to know that he acknowledged my presence. Hindi ko naman siya masisisi dahil pagod na rin siguro siya. The concert was probably draining, to say the least.

"Huwag ka nga mag-po," Kiran tsk-ed, sumama ang tingin kay Kile.

Awtomatikong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya sa akin.  Huh? Problema nito? Kanina ay malambing lang siya ah?

Kile blinked, before releasing a quick chuckle. "Seloso."

"Mahirap na," Kiran seethed, then glared at him. "Tanga ka pa naman."

Tumango-tango si Kiran. "I know."

Ngumuso ako at nilibot ang tingin sa buong kwarto. Agad akong nag-take notes sa isip ko kung anong itsura nitong dressing room n'ya. This was a habit of mine, madalas na kapag naglilibot ako sa iba't ibang lugar ay tinitingnan ko talaga kung paano ang itsura ng isang kwarto dahil kadalasan ay kailangan mabanggit kung anong itsura ng lugar sa isang kwento. Since I mostly write about contemporary stories, I need to be grounded with reality if research is not enough to describe the place.

Namataan ko ang isang cake na nakalagay sa isang box. The box of cake was placed near Kile, its corrugated sides almost hid the cake's appearance. Tumingkayad ako upang silipin ito dahil nagtataka ako kung bakit may cake. . .at malayo ito sa mga regalo mula sa fans.

I wouldn't say the cake was made in perfection, the clumsy icing of the words 'happy bday c:' made me conclude that it was home-baked and was done by someone who's still not quite good at handling the piping bag. The icing turned out to be thick and messy, but the cake looks delicious.

"Binati mo ba siya? It's her birthday." tanong ni Kile. Agad na lumipad ang tingin ko sa kan'ya. Kausap n'ya pala si Kiran.

Kiran shrugged, barely caring. "Ayaw ka pa rin pansinin? Buti naman."

Natahimik si Kile pero unti-unti siyang ngumiti. "I wish I could have personally told her that I'm glad she existed today."

"Bakit kasi di mo pa kausapin? Hinihintay ka lang naman non. . ."

"And then what? She'll disregard how she really feels. . .and forgive me just because she has feelings for me?" Kile sighed exasperatedly. "I don't want to exploit her feelings. I want her to process how she really feels. . .ayokong isipin n'yang okay lang na siya palagi ang naga-adjust. I don't want her to feel pressure because she has always been hard on herself. Kung aalagaan n'ya ang galit n'ya. . .that would be better because I would finally be at peace knowing that she's finally putting herself first."

Natahimik si Kiran. He turned his gaze to Kile. "Paano mo kinakaya na hindi mo siya nakakausap?"

"You think I can handle it?" Kile scoffed, and looked at the cake that I was eye-ing earlier. "Kung anu-ano na ang ginawa ko para lang hindi takbuhin ang bahay nila na parang gago."

"Tulad ng?" Ngumisi si Kiran.

Kile glanced away. "Umuwi ka na nga."

"Ano nga?" asar ni Kiran.

"Umuwi ka na," ulit ni Kile at nagawa pang tumingin sa akin. "At saka, baka gabihin pa kayo ni Nacia. . ."

My eyes widened when he spoke my name. Nagpakilala na ba ako sa kan'ya? Paano n'ya nalaman ang pangalan ko? I know his name because Kiran already told me, Agape made me remember, and he's a public figure. . .pero paano n'ya nalaman ang pangalan ko?

Kile saw the confusion in my eyes. Napanguso siya at bahagyang tinuro si Kiran gamit ng kan'yang nguso. "Palagi ka n'yang nakukwento. . ."

Kiran's lips parted. . .but he didn't deny it. The mere thought made me look at him and he looked back at me, his eyes were filled with shame, he was clearly uneasy that I finally knew he told Kile about me already.

Cute.

. ₊ ⊹ . ₊˖ . ₊

We have finally finished writing the script, gustuhin man namin magkaroon na maliit na salu-salo ay agad kaming sinabak sa madugong production.   

Sa may isla sa Batangas ang naging sentro ng taping namin. Ito yung pinuntahan namin nila Kiran para sa pre-production, at ngayon ay hinahayaan n'ya na sumama kami ni Rien para kung sakaling may kailangan baguhin sa script ay on the spot namin itong maaasikaso.

I sighed as the scorching sun slowly beamed its heat on me. Tirik na tirik ang araw kaya naman napatingin ako sa suot ko ngayon, it was a simple white shirt and a beige shorts. Crocs lang din ang suot ko dahil natuto na ako no'ng nakaraan, ang hirap maglaba o linisin ang sandals kapag mabuhangin ang lugar.

My phone beeped. Agad ko itong sinilip at nakitang mula kay Rien ang nakuha kong mensahe. It was a short but concise message of not being able to come.

Rien:
may shifts pa ako eh.
malayo ang Batangas sa workplace ko.
tell me if there's something that we should revise, i'll try to still cooperate even if i'm at home.

Nacia:
This is noted.
Thank you.

Rien:
?

My forehead knotted when I saw the question mark. Work related ang pinaguusapan namin kaya naman minabuti ko ang maging pormal, kahit naman yata kay Kiran ay gano'n ang pakikitungo ko. I decided to just 'heart' his reply and leave my phone be.

My eyes shifted towards the sea as it clashed against the seashore, the tides were turbulent as it showed its rage towards the nearest form of land, foam gradually dispersing in between them. Malakas din ang ihip ng hangin kaya naman napatingin ako sa mga binubuong tent. Ang mga tauhan na kasama namin ay hindi gano'n karami, mabibilang nga lang ito sa kamay. Iniisip ko na dahil unang araw pa lang naman ito ng taping kaya hindi pa gano'n kadami ang mga talent o crew na kailangan.

"Nacia!" Someone shouted my name from afar. Agad ko naman itong nilingon at nakita ang pamilyar na mukha ni Jakob. Kumakaway-kaway siya sa akin. His hands hung up in the air as he motioned the huge waves he was giving me.

My eyes widened. Oh, he grew up! Ang tagal na no'ng huling kita namin sa isa't isa. He was currently wearing a light blue bomber jacket with a white shirt underneath it, naka-denim jeans lang din siya at hindi nawawala ang cap n'ya na kulay puti ngayon.

Katabi n'ya si Kiran na naka long-sleeves business shirt at beige na cargo shorts. Agad na bumalik ang tingin ko sa aking damit. Pareho na naman kami? I don't know if these are still coincidences, baka pareho na kami ng wardrobe ngayon?

Mestizo si Jakob kaya mamula-mula ang kan'yang balat, Kiran was still sunburned by his recent Palawan trip. Bumagay din naman ang lapat ng kulay sa kan'yang balat, mas lalo siyang gwumapo para sa akin.

Lumapit sa akin si Jakob at akmang yayakap nang hilahin ni Kiran ang kwelyo ng kan'yang jacket. Jakob grunted because he was almost choked by Kiran's swift pull. Mabilis n'ya itong binatuhan ng isang masamang tingin.  

"Ang tagal na namin di nagkita?! Bawal i-hug?!" reklamo ni Jakob kay Kiran.

Kiran shrugged, his eyes slowly tracing my direction. "Ako nga walang hug tapos iisa ka pa? Kapal mo naman."

"Edi yumakap ka rin?" Jakob groaned then tilted his head to face me. "I miss you, Nacia! Sa kwento na lang ni Kiran nabubuhay ang pagkatao mo sa akin."

"Di ka ba talaga tatahimik?" Inis na sambit ni Kiran, na bahagyang umiwas ng tingin.

Ngumiti naman ako, inignora si Kiran. "Na-miss din kita, Jakob! Kamusta ka?"

Naglakad na kami patungo sa tent kung saan mananatili si Kiran habang tinatapos ang mga sequence na nakaatas sa lugar na ito. Ang alam ko ay susulitin nila ngayong araw dahil iilang shooting days lang ang mayroon sila. Kapag tumatagal kasi ang production, mas lumalaki rin ang gastusin ng mga studio, or even the film maker himself.

"Okay naman ako, madalas akong assistant director dahil hindi naman ako kasing tapang ni Kiran na gumawa agad ng sariling pelikula," pasaring ni Jakob. "He's only what? Twenty six? Pero gumawa na agad ng pelikula!"

"Ang aga. . ."

"Ang aga talaga! Hindi lahat ay mabilis nakakagawa ng pelikula." Ngumisi si Jakob at inakbayan si Kiran na ngayon ay halos nakabusangot. "Siya ang unang alay namin sa Philippine Cinema, sa susunod puro green na ang color grading ng bawat pelikulang pilipino!"

"Gago!" Kiran elbowed Jakob. Sumilay ang ngisi sa labi n'ya at napailing.

Tumango ako. I couldn't hide the amazement that I felt upon hearing it. Ang layo na ni Kiran. . .samantalang hindi ko alam kung umaabante ba ako sa pagiging isang manunulat.

Umiwas ako ng tingin. I shouldn't feel this way, not right now. Dapat ay mag-focus na lang muna ako mag-enjoy ngayon sa taping habang wala pang script.

"Nauna pa kayo sumilip ng lugar bago ang mismong script?" tanong ni Jakob habang nililibot ang mga mata sa buong isla.

"Oo, gago ka kasi di ka makaalis sa mga shootings mo," sabi ni Kiran. "Peak ng career mo rin, ano?"

Humalakhak si Jakob. "Ako lang kasi ang nakakatiis sa mga ugali ng director dito sa Pilipinas! Iilan lang kasi ang hindi mataas ang tingin sa sarili. Akala mo naman mga hindi rin nagkumahog sa unang pelikula nila."

Umiling si Kiran. "Thank you, kasi pumayag ka."

"Malakas ka sa akin?" Ngumisi si Jakob at napalingon sa akin. "Saka parang di ko naman alam kung bakit mo ito ginagawa? Bestfriend mo kaya ako."

"Kahit hindi?" Pumalatak si Kiran.

Tumawa lang si Jakob. "Indie film 'to ano? Para ba sa Cinemalaya?"

"Di ah," sagot ni Kiran.

Natigilan si Jakob, his lips slightly parted. "You mean, fully funded mo itong film? Gago ka, sayang yung seed grant sa Cinemalaya. Magaling ka naman. . .nanalo ka na nga ng mga awards sa mga documentaries mo. . ."

Kiran barely shrugged, he licked his lower lips. "Ayoko ipasok doon. . .hindi naman sa akin yung pelikula."

"Weird mo, gago. . ." Jakob uttered then laughed. "Sayang yung seed grant!"

Napanguso ako. Lumingon sa akin si Kiran dahil sa naging reaksyon ko. He sighed then spoke to me.

"Financial support yung seed grant, Nacia," he explained coherently. "Nagbibigay ng pera yung Cinemalaya para sa mga nakapasa sa standards nila para sa film festival nila kada taon. Malaking tulong din 'yon para sa mga indie films."

Doon nanglaki ang mga mata ko. Napansin pala n'ya na hindi ko maintindihan ang usapan nila. It felt like jargons entering my ears, kaya naman napangiti ako nang pinaintindi n'ya sa akin.

"Direk! Direk!" nagtitili yung ibang mga talent. Mga mukha lang silang ordinaryong tao, pero ang alam ko ay mga bayad silang extra para sa mga kukuhanan ng shot.

"Yes po?" mahinahon na sumipat ng tingin sa kanila si Kiran.

Nahihiyang bumungisngis ang mga ginang. They were in their late thirties. Malalaki ang ngiti sa kanilang labi.

"P'wede raw po ba kami magpa-picture sa inyo?"

"Hindi po ako artista. . ." paliwanag ni Kiran.

"Sige na, Direk! Matagal ka na namin inaabangan na mag-shooting dito! No'ng huling bisita n'yo ay nahiya pa kami magtanong dahil akala namin nagbabakasyon ka."

"Pagbigyan mo na." Halakhak ni Jakob. "Pagdating ng mga artista mo rito ay hindi na ikaw ang bida."

My mind wandered off to what Jakob said. Ang pagkakaalam ko ay isang loveteam na sikat ang gaganap bilang Avo at Cali, ito ang unang beses na tumanggap sila ng proyekto galing sa isang indie film. Kiran probably already established a good name in their industry for them to trust this film despite not being backed up by big studios.

"Pumayag sila Emma Salazar at Stefan Lopez 'di ba?" tanong ko kay Jakob, nagbabaka sakaling alam n'ya na sila ang mga na-cast.

"Oo. . .ang alam ko ay dapat ia-acquire ito nung Z Entertainment kaso ayaw ni Kiran, or he backed out," sabi ni Jakob. "Pero dahil alam nilang sikat ngayon si Kiran sa takilya, they insisted to give their talents to the film; sina Emma at Stefan."

Tumango ako na para bang naiintindihan ko ang mga sinasabi n'ya. Akala ko sobrang malapit ang film industry sa industriya ng mga manunulat, there's still a thin difference that sets them both aside.

Ang daming nagpa-picture kay Kiran. Halos tipid o di kaya maliit na ngiti ang binibigay ni Kiran sa mga larawan, but his eyes never showed that he didn't appreciate it or he was tired.

Napatagal yata ang tingin ko sa kan'ya kaya sinipat n'ya ako. His lips pursed and a small smirk formed in his face.

"Halika na," yaya n'ya sa akin. "Magpa-picture ka na rin sa akin."

Kumunot ang noo ko sa kan'ya. Is he serious? Agad akong umiling, nagawa ko pang ikaway ang kamay ko para imuwestra na ayoko.

Ngumisi siya. "Tara na nga, nahihiya ka pa. Kanina ka pa nakatingin eh."

"Hindi nga. . ."

"Ay naku, neng! 'Wag ka na mahiya! Minsan lang nandito si Direk! Magpapicture ka na!" udyok ng isang ginang.

"Ako na kukuha ng larawan!" boluntaryo ni Jakob. Malaki rin ang ngisi.

Nahihiya akong napakamot bago lumapit kay Kiran. Ewan ko ba sa isang ito! Bakit naman ako magpapa-picture sa kan'ya?! Eh magkikita naman kami mamaya, at kahit bukas ay magkikita pa rin kami!

I went beside him and he slowly pulled the hem of my shirt to pull me closer. Halos tumakbo ang puso ko sa kaba nang maramdaman ang init ng katawan n'ya. This wasn't the first time that we were close to each other, but I could feel the familiar fire that burned me before. His head slightly placed its side on the top of my head, it was as if he was leaning towards me. Unti-unti n'ya ring inakbay ang kamay n'ya sa balikat ko.

"Say, I love you, Palawan!" Halakhak ni Jakob.

My cheeks burned. How the hell did he know about that?! At bakit Palawan?! Nasa Batangas kami ngayon! Unless. . .Kiran told him about it! Nakakahiya! At nakakainis!

Kiran softly chuckled near my ears. "I love you more, Palawan."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro