Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23


Chapter 23
. ₊ ⊹ . ₊˖ . ₊

Nakabunsangot ako habang nasa dalampasigan kami. Nilalaro ko ang mga buhangin sa aking kamay at pinapanood itong unti-unting dumulas mula sa aking palad.

I was a sore loser, alright. Matapos ng usap na 'yon ay tahimik na lang kaming kumain. Hindi bumaba yung girlfriend ni Kiran kaya naman naisip n'yang padalhan na lang ng pagkain gamit ng room service. Maalaga pala talaga siya kahit kanino. Gan'yan din siya sa akin noon, he has always been sensitive to my needs.

"Sobrang pino naman na ng mga buhangin sa ginagawa mo, Nacia," puna ni Mineth nang makita ang pagsasalansan ko nito.

Ngumuso ako. "Ang tagal pa kasi nilang mag-location visit."

"Subukan mo rin kayang maglibot? Malay mo ay may maitulong ka kay Rien sa pagsusulat ng mismong plot."

"Tutulungan ko lang naman siyang gawing script yung story na mabubuo n'ya," sagot ko. "Mukha rin namang hindi siya mahirap turuan at mabilis siyang maka-gets."

It's not like I don't trust Rien; hindi naman sumama ang tingin ko sa mga manunulat dahil kay Pablo Bello. But then, I became more conscious that stories can indeed be copied, lalo na kung di mo naman hawak ang copyright nito. Pero dapat din na mas maging masinop ang mga writers pagdating sa rights na mayroon sila sa mga akda nila. I had to pay the high price because I wasn't aware that I had a lot of rights for my stories; that it's a bundle of rights, not only pertaining to publishing it to a physical book.

"Maganda ba talaga yung jowa ni Kiran?" tanong ni Mineth. "Princess treatment na princess treatment eh. Sa tingin mo ba ay totoong anak din ng politiko?"

I scoffed. "Maybe? Hindi ko alam."

"Grabe ano? Daig pa ng mga politiko ang mga virus, ang bilis nilang ipakalat yung apilyedo nila sa loob ng gobyerno," si Mineth.

"Parang kuto lang, 'no? Bilis magpadami," I snickered then slowly stood.

Naglakad kami ni Mineth patungo sa dulo ng dalampasigan kung nasaan sila. They were trying to see where some of the scenes could be placed. Silang dalawa lang naman ni Kiran ang may alam ng story sa ngayon, ang tanging alam ko ay tungkol ito sa isang writer at director.

"Pero mukhang hindi naman yata susunod sina Kiran," sabi ko at inalala na may kapatid pa pala siya. "Kahit yata yung kapatid n'ya ay walang planong tumakbo."

"Kaya siguro ginagawa ng tatay nila ang lahat para mapasunod sila," sabi ni Mineth habang binabagtas namin ang daan patungo kina Cio.

Tumango ako. Killian Conjuanco is desperate to have a heir that would follow his path, wala naman kasi talagang kwenta ang ginagawa n'yang paghalik sa mga inuupuan ng mga kapwa n'yang kurap kung walang susunod sa yapak n'ya. And I'm proud that Kiran isn't swayed by his father's antics.

Lumingon sa amin si Kiran at Cio nang maramdaman ang papalapit na presensya namin ni Mineth. Cio was wearing a black button-down polo shirt with a subtle black diagonal design, underneath it was a white shirt. Si Kiran naman ay nagpalit din ng damit, he was now wearing a white linen button-up shirt and beige chino shorts. Pareho silang parang malalim ang paguusap.

"Ano? Nakabuo na ba kayo ng plot?" tanong ni Mineth nang maabutan namin sila.

Lumingon sa akin si Cio, he looked at me knowingly. Para bang may gusto siyang itanong pero ayaw n'ya rin gawing big deal kaya umiwas na lang siya ng tingin.

"Ang plot na naiisip ni Kiran, parang may similarities sa Script of Us ni Pablo Bello," Cio moistened his lips. "Both stories are for a director and a writer. Parehong love story rin. I'm just hoping that even if they have the same premise, iba ang magiging takbo ng storya."

Napalunok naman ako ng sarili kong laway. I was aware of that fact, kaya nga hindi ko alam kung bakit ito ang plot na gustong sundan ni Kiran. Unless he's doing it on purpose to piss me off. Pero imposible naman 'yon dahil hindi naman n'ya inaasahan na makakatrabaho n'ya ako.

"Eh, p'wede naman natin gawan ng panibagon story," sabi ni Mineth. "Di ba college pa yung dalawang bida sa Script of Us? Yung atin ay gawin nating mga working na, mga nasa field na."

I coughed, nasundan naman ito ng tikhim ni Kiran kaya pareho kaming napalingon sa isa't isa. Halos umirap ako dahil masyado siyang obvious. Ayoko isipin ng mga tao rito na may namamagitan sa aming dalawa. Respeto na rin sa girlfriend n'yang hanggang ngayon yata ay pagod at tulog pa.

"Oh tapos?" Cio probed, it was as if he was mentally listing Mineth's idea.

"Act Off Script ang title," sabi ni Kiran. "It's because they're acting off from their initial feelings. . .na mula sa hindi pagkakaintindihan dahil hindi sila pareho ng pananaw sa mundo, both of them finally reaches a point of mutual affection."

My heart betrayed me because it pounded upon hearing those words from his lips. Napatingin sa akin si Kiran at tumikhim.

"Basta yung writer yung naunang nahulog saka patay na patay roon sa director," dagdag ni Kiran. "Yun ang pinaka-plot."

I sneered when I heard that. Kapal ng mukha! Totoo naman 'yon noon pero alam ko na wala na akong nararamdaman sa kan'ya ngayon.

Nakita ko naman na sumilay ang isang ngisi sa kan'yang labi.

I licked my lower lips. Iba rin ang bilis ng pagiisip nito ni Kiran. Mukhang kumukuha lang siya sa real life, ah? Except for the fact that we can't have mutual feelings because real life doesn't work that way. Ang mga ganito, ang mga second changes, sa mga palabas lang uso. When you give a second chance to the person that hurt you, para kang kumuha ng kutsilyo at nagpasaksak na lang sa tambay.

"We can move forward with that," sabi ni Cio saka lumingon sa akin. "Ikaw ba, Nacia? Okay ka roon?"

"I'm fine with anything," wika ko at ngumiti. "Nandito lang naman ako para tulungan ka na bumuo ng script. I really have no involvement with the plot."

"Pero may inspirasyon ka ba rito, Kiran? Any pegs?" usisa ni Mineth sa kan'ya. Nagpipigil ng ngiti sa labi.

Kiran shifted his weight. Napa-iwas din siya ng tingin at para bang iniisip n'ya kung paano iiwasan sagutin ang tanong ng kaibigan ko. Hindi ko tuloy napigilan ang pagiging kuryuso sa sagot n'ya. I'm aware that this might be. . .about us. Pero ano bang alam ko? Writer din naman ang bago n'yang girlfriend. Baka para sa kanila ito.

"Wala," matabang na sagot ni Kiran.

"Kung gano'n, para feel na feel n'yo yung paggawa ng pelikula, p'wede kayong mag-roleplay ni Nacia bilang mga characters n'yo rito," suhestiyon ni Mineth.

"Huh?" I gasped. "Bakit ako?"

"Ah, edi p'wede naman si Cio at Kiran na lang, para naman mahanap nila yung inspirasyon sa isa't isa," Mineth shrugged her shoulders.

Nagkatitigan tuloy si Cio at Kiran sa sinabi ni Mineth. Pareho silang matigas na umiling. Hindi ko rin ma-imagine na magiging close yung dalawa, more than work related. Binabackstab nga ni Cio si Kiran minsan eh. He finds him very elusive, which I also agreed with. Pero hindi naman kasalanan ni Kiran na pinalaki siyang masama ang ugali at snob.

"Ayoko," matigas na pagtanggi ni Kiran. "Lalo na kay Nacia."

I reacted violently when I heard that from him. Ah, aba? Para namang gusto ko makipag-roleplay sa kan'ya na magjowa kaming dalawa? Nagsalubong talaga ang mga kilay ko nang marinig ko 'yon kay Kiran.

"Ayoko rin," I said. "May girlfriend naman na writer si Kiran, baka p'wedeng siya na lang."

Kiran scoffed, hindi nakatakas sa aking paningin ang unti-unting pagbusangot ng kan'yang mukha. Why is he being grumpy all of a sudden? Dapat nga ay matuwa pa siya dahil binibigyan ko siya ng dahilan para makapag-bebe time!

"Saka may boyfriend din si. . .Nacia 'di ba?" Cio drawled lazily.

Nanglaki ang mga mata ko.

"May boyfriend ako?" ulit ko.

Cio's brow shot up. "Sabi mo?"

"Sabi ko?"

Cio's lips curled into a small grin. Napamura ako nang mahina nang maalala ko na nabanggit ko nga pala kay Cio na may boyfriend ako.

Jusko, saan naman ako hahanap ng boyfriend ngayon? Dapat sinabi ko na lang na bet ko magbasa ng mga gano'ng klaseng libro dahil kailangan ko para sa research! Tama! Bakit ba pinangunahan na naman ako ng katangahan noon?

"May boyfriend ka?" malamig na tanong ni Kiran.

I bristled because of his tone. "Bakit? May girlfriend ka rin naman ah? A-ano? Ikaw lang naka-move on?"

"Move on?" Cio chimed in. "Naging kayong dalawa ba?"

"Di n'ya sinabi?" Kiran scoffed, lalong lumalim ang kunot sa noon.

"Bakit ko naman sasabihin?" I shot back. It's not as if it's relevant!

"Hindi. . ." Cio answered vaguely.

Lalong dumilim ang ekspresyon ni Kiran. I can't help but mirror his expression. Bakit? Masakit ba sa ego n'ya kung di ko sinabi na naging kami? At kung tanungin kung bakit kami nag-break? Aamin ba ako na dahil mukhang pera ang pamilya ko? Na natatakot ako na kapag nalaman ng magulang ko na boyfriend ko siya. . .hihithitan nila si Senator Conjuanco? At magkakaroon ng paraan ang Senator upang mapapayag si Kiran patungo sa pwestong pilit n'yang pinapaupo sa kan'ya?

"Right," Kiran nodded. "Mas mabuti ngang walang nakakaalam."

Naghari ang katahimikan dahil sa usapan na 'yon. Tahimik din tuloy kaming bumalik patungo sa mismong hotel. Cio kept on glancing at me and I could feel Kiran's intense gaze on my back.

Napabuntonghininga naman ako.

Anyone would think that I should have just resolved it with Kiran. Na sana ay pinaalam ko na lang kay Kiran ang ginagawa ng tatay n'ya at hindi ko naman intensyon na perahan ang relasyon naming dalawa. But I felt like a leech, hindi ko maiwasan ang hindi malagkitan sa sarili dahil alam kong kailangan namin yung pera na binibigay ng papa n'ya noon. Na malaking tulong 'yon. Kaya nga nang maputol ang ugnayan namin ay lalo akong itinakwil nila Nanay.

Bumalik kami sa hotel at saktong nandoon na rin ang iba naming kasamahan. When I saw Agape, with her black silky hair and frail body, pakiramdam ko ay binuhusan ako ng tubig mula sa yelo. She was beyond ethereal, tipong kahit sa malayo ay tatanawin mo siya dahil maganda siya.

"Hello po," she greeted us with a small smile.

"Hi," Cio greeted back, a bit dazed. See? Nagagandahan din 'to sa kan'ya! Sa akin, dinedma ako tapos kay Agape, auto-hi agad?

"Sorry ngayon lang ako nakababa," she apologized then slowly dipped her head a bit.

"It's okay," Mineth said and smiled. "Kumain ka naman na ano? Sasabay ka ba ng dinner sa amin?"

Ay wow, kahit si Mineth? Tinubuan ng pakpak at halo nang makausap si Agape?

"Kung okay lang?" Her eyes widened. She acted animated, despite her ethereal features, she acted cute. Hindi siya isnabera.

"Oo naman," Mineth laughed along. Lumalabas na naman ang mahinhin side ng isang ito!

Pumunta na kami sa restaurant dahil malapit na rin ang dinner. Katabi ko ulit si Cio, pero imbis na tumabi si Agape sa boyfriend n'ya, nagulat ako nang tumabi siya sa akin.

My eyes widened a fraction before I gulped the bile on my throat. Oo nga pala, ako lang yata ang hindi siya kinausap kanina. Baka akalain n'ya ay ayaw ko sa kan'ya.

"Hello," I greeted and smiled a bit.

Lumingon siya sa akin at ilang beses kumurap-kurap. "Hello. Ikaw yung writer sa gagawing pelikula ni Kiran?"

"Ah, hindi," sagot ko. "Baka tumulong lang ako. Si Cio yung writer."

"Hindi eh," she chuckled, makahulugan ang titig n'ya sa akin. "I'm sure, ikaw yung writer."

My lips slowly turned into a thin line. Hindi ko na tinanong kung anong ibig n'yang sabihin. Ako yung writer? Siguro. . .pero ayaw ko rin makialam dahil alam ko naman na si Cio ang gusto nilang magsulat. Siya ang kilala at siya ang bebenta, naiintindihan ko naman.

People would look forward to a Kiran Conjuanco and tocrescent collaboration, kaysa sa isusulat kong script para sa pelikula sana ni Kiran.

Tanggap ko na sana na sa likod lang ako ni Cio magtatrabaho, aagapay lang ako dahil raket lang naman 'to kung tutuusin. Pangdagdag lang ito sa mga pinapadala ko kina Tonton.

Kaya lang, sa gitna ng hamog at sa pagbilog ng buwan ay nakatanggap ako ng tawag mula kina Nanay. Nagpaalam muna ako kay Mineth na lalabas na muna dahil ayokong marinig n'ya ang paguusapan naming dalawa.

The wind along the seashore gently breezes in my direction, it feels cold and fresh but it also sends the salty scent through my nostrils. Under the night, the moon reflected beautifully on the relentless waves. Kahit malakas ang kabog ng dibdib ko ay nanatiling kalmado ang aking paligid.

"Sa Tiya mo muna titira si Tonton," direktang sabi ni Nanay ng sagutin ko ang tawag.

"Ha? Bakit?" Nangunot ang noo ko sa narinig. My knuckles clenched. "Sinong Tiya? Tiya Gina ba? Alam mo naman ang ugali no'n, Nay."

"Eh anong gagawin ko? Kailangan ko na rin magtrabaho."

Napabuntonghininga siya sa kabilang linya. "Hindi na sapat ang kita ng tatay mo sa mga gastusin sa bahay. Walang magbabantay kay Tonton. Balak ko sana na sa kabilang bayan magtrabaho dahil mas malaki ang pasahod doon."

"Tanggapin n'yo na rin kasi ang mga padala ko," sabi ko habang napahinto malapit sa may dagat. I felt the water touching my foot. I put my phone on loudspeak because the waves started to sound louder than our voices.

"Hindi siya sapat, Nacia," giit ni Nanay. "Kararampot lang naman ang padala mo. Kung nakinig ka lang sana sa akin noon at pinatulan na yung offer ng senator–"

"Tama na, Nay." Napapikit ako at umiling. "Hindi 'yon tama. Ayokong magamit sa paraan na gano'n. Kaya nga ayoko sana na kay Tiya Gina si Tonton dahil alam mo naman na grabe manglubog 'yon sa utang na loob."

Nakitira na rin ako kina Tiya Gina, she treated me like dirt. Mas gugustuhin ko pa nga na mamasukan na lang na katiwala sa kan'ya kaysa kamag-anak dahil gano'n din naman ang nangyari no'ng nakitira ako nang panandalian sa kanila. Tumatanaw naman ako ng utang na loob pero nananakit kasi si Tiya Gina kapag hindi siya sinusunod. Naalala ko na nakalimutan ko lang ibaba yung rice cooker, pinaso na n'ya ako ng sigarilyo sa kamay. Sinumbong ko ito kay Nanay pero sabi n'ya ay parte lang daw ito ng pakikisama dahil nakikitira ako sa kanila.

I fear that my brother would go through it as well. Kaya kailangan kong makagawa ng paraan para makaalis siya roon. Kung kailangan kong magtrabaho ng doble o triple ay gagawin ko. Hindi ko kakayanin na may masamang mangyari ulit kay Tonton nang dahil sa akin.

"Ewan ko ba, Nacia. . ." saad ni Nanay sa kabilang linya. "Nakapagtapos ka naman. Hindi ka naman bobo. Pero bakit parang hindi ka naman umaasenso? Akala ko ay ikaw ang magaahon sa amin sa hirap. . .edukado ka pero wala ka namang narating."

I know that my mother can be harsh, but those words felt like my whole being was being shredded into pieces. Dahil tangina, tanggap ko naman na totoo 'yon. I was in my mid-twenties but I was as lost as I was as a freshman in college. Para bang hindi naman ito ang inaral ko. . .na mas malupit pa pala ang totoong mundo.

Binaba ko na lang yung tawag at unti-unting tumulo ang luha ko. Tumingala ako upang pigilan ang mga ito sa pagdaplis sa aking pisngi. I didn't want to make Mineth worry about me. Ayoko na isipin n'yang may problema ako.

Why did I want to become a writer, anyway? Wala naman kasi talagang pera rito. Hindi rin ako mayaman para i-pursue ito pero tangina, pinilit ko pa. Ito tuloy ako ngayon. . .nangangapa kung paano makakahanap ng pera para pangtustos sa mga pangangailangan ko.

"Nacia."

Lumingon ako sa tumawag sa akin. It was a familiar built of a person and his face used to be one of the most vivid images inside my mind. Kiran Conjuanco slowly went near me, he had a canned beer in his right hand. Bukas na ito at mukhang naglalakad lang din siya sa dalampasigan para magpalipas ng oras.

"K-Kiran," I gasped upon seeing him.

"I didn't mean to eavesdrop," he said.

Ngumiti lang ako nang mapakla. "Okay lang. May hindi lang napagkasunduan sa pera."

Bahagya siyang tumango at unti-unting lumagok sa kan'yang iniinom na beer. "Should we pretend. . .that we're together?"

My lips parted. "What?"

"Para makuha mo pa rin yung sustento galing kay Senator Conjuanco?"

Nanglaki ang mga mata ko. "No!"

"I'm not stupid to fall for his tricks," he scoffed then slowly cocked his head to look at me. "Kung makakatulong naman talaga yung pera sa 'yo. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit n'yo tinanggap 'yon noon. I don't have any feelings for you either so. . .don't assume that I would get hurt by it."

Hindi ako nakapagsalita agad, nanatiling tikom ang aking bibig dahil hindi ko inakalang sasabihin 'yon ni Kiran. The thought lingered on my mind a bit and I've realized that Senator Killian was right. . .Kiran can bend his morals for love. Tama naman si Kiran na p'wedeng hindi n'ya sundin ang gusto ng tatay n'ya pero pinatunayan n'ya rin na kayang-kaya siya paikutin gamit ng pag-ibig.

If Senator Killian can't manipulate his sons, he would try to control their lovers instead. He would use their love against them, making them spiral in his fingertips.

Umiling ako kay Kiran. "Hindi ako papayag."

He scoffed, his expression turning sour. "Bakit hindi? It would solve your dilemma."

Umiling ako at napabuntonghinga.

May masasagasaan kaming tao. May girlfriend siya ngayon, and she seemed like a sweetheart. Hindi ko rin malulunok na tumanggap ng kahit anong tulong mula sa isang corrupt na tao. I'd rather just rot knowing that my hands never held dirty money.

"Kiran. . ." I smiled at him faintly. "I may have hurt you before, but I really loved you back then. I would never. . .want to use you in a cruel way. Hindi ko kaya ipagpalit sa pera ang pagmamahal ko sa 'yo. I may have sold my passion for money, but never the love that I had for you."

His eyes widened upon hearing my words. I have lost touch with the fierce passion that I had before. Nawalan ako ng boses. Nawalan ako ng tinta. Nawalan ako ng kaluluwa sa pagsusulat. Pero hindi nawala ang pagmamahal na inalay ko para kay Kiran.

He licked his lower lip. "Then what's your plan? Work yourself to death?"

"M-may alam ka bang naghahanap pa ng writer?" I asked in a small voice. "Kahit. . .ghost writer? Papayag kamo ako. P-p'wede rin ako maging copywriter o di kaya ay editor kung gusto nila–"

My eyes stings, para itong pinipindot sa gilid. Nadulas ako at nabanggit ko sa kan'ya ang matagal ko nang tinatago sa iba ko pang mga kaibigan.

"Ghost writer?" Kiran asked, almost condescendingly. "For someone who valued ownership over their works. . .that's not something I expected to hear from you."

Mapait akong ngumiti sa kan'ya, at nagkibit ng balikat. "Wala eh. . .kinailangan ko ng pera."

Yeah. . .I never thought that Kiran would be the first one to know that I became a ghost writer so I could pay my bills. My heart ached painstakingly. I used to have pride in knowing that I own my characters, my plots, and my writing. Pero ngayon. . .para may pangtawid sa gutom at sa buhay, hinayaan ko na kunin nila ito sa akin.

Mapakla akong ngumiti. "Ibang panahon na rin kasi ito, Kiran. Hindi na ito tulad noon. . .at hindi na rin gano'n ang pananaw ko. Nagsusulat pa rin naman ako. . .pero ibang tao na rin ako ngayon."

There was a deafening silence surrounding him. Lumagok siya mula sa kan'yang alak at unti-unti akong tinalikuran. Yet, he spoke to me in a calm way. Kaya naman napatingin ako sa kan'yang likod.

"I'd ask the team to include you as a full-time writer for the film, same with Cio. So you could get the same paycheck as him. You deserve to get paid over your own work without sacrificing your peace of mind, Nacia. Give yourself some credit, the world may have changed your views over time, but I hope it never changed how you used to value yourself."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro