Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22


Chapter 22
. ₊ ⊹ . ₊˖ . ₊

The pain was ringing inside my head. Parang pinasukan ng karayom ang aking tainga sa narinig. Ngumiti lang ako sa kanila at umakyat na upang makapagpahinga. Yet, as soon as I was able to reach my hotel room. My heart was already swelling in pain.

Tama lang naman 'yon. Dapat maghanap siya ng iba. I've hurt him so I have no right to get hurt if he finds another love. Maganda yung babae at mukhang mabait naman.

Gosh, I wish I could write this pain away but nowadays my words have failed to alleviate the pain inside my chest. Pakiramdam ko ay hindi na ako nagsusulat para matanggal ang sakit sa puso ko; ngayon ay kailangan ko pa yatang magpanggap na galing sa isang break up para makapagsulat. I felt like my creative juices were already squeezed to nothingness.

"Oh, kamusta? Ang dami mong pinamili?" tanong ni Mineth nang makita ako.

I plopped on the bed, my face facing the ceiling. Pero pinatong ko ang aking kamay sa aking mga mata para hindi n'ya makita ang mugto na mga mata.

"Kain ka lang," namamaos kong saad. "Marami 'yan."

"Hindi ka ba nabusog kanina? Si Kiran lang naman ang hindi kumain ah?" she asked again.

Oo, kasi mukhang babae ang kakainin mamaya.

I scoffed to myself. I don't think Kiran would risk doing it at this hotel. Pero ano bang alam ko? Muntik na nga namin gawin 'yon sa swimming pool. Kaladkarin din yung lalaking 'yon eh.

Eh paano kung gawin naman nila sa may dagat? Napapailing na lang ako. Walang mga originality sila no'n! Pero hindi naman pumayag si Kiran noon sa pool kaya. . .at baka wala na naman siyang dalang condom! Tama! Iisipin ko na lang na wala siyang dala at matutulog lang sila mamaya nang mahimbing. . .pero magkayakap? Edi sana masira yung aircon sa room nila! Para hindi malamig!

Inumpog  ko ang ulo ko sa kutson. Who am I kidding?! Ayoko na isipin!

Narinig ko ang paggalaw ng paperbag. She was probably rummaging through it, naghahanap ng kung anong magustuhan n'yang pagkain.

"May probiotic dito?" sabi ni Mineth. "Para ba sa 'yo 'to?"

Umangat ang katawan ko nang kaunti upang tingnan ito. I didn't get any drinks, kaya alam kong si Kiran ang kumuha no'n.  Tuluyan tuloy akong napabangon dahil baka nakalimutan n'ya yung probiotic kuhanin.

Should I tell him? I-chat ko ba siya ngayon? Pero p'wede ko naman dalhin na lang ito sa kan'ya bukas. May maliit naman na refrigerator dito. At baka busy rin siyang kumain kasama yung girlfriend n'ya ngayon. I nibbled my lower lip as my eyes stayed on the small probiotic drink.

Hindi ako mapakali kaya naman kinuha ko ang cellphone ko sa bedside table. Pumunta ako sa group chat namin at hinanap ang pangalan n'ya. I clicked on his profile and decided to let go of my worry.

Nacia:
Hello.
Sorry.
Naiwan mo yata yung
isang inumin dito.
Kailangan mo ba ito?
Dalhin ko ba ito sa 'yo ngayon?

As soon as I sent him the message. Agad n'ya itong s-in-een kaya naman napalunok ako. Chronically online ba siya? Bakit naman sinilip n'ya agad? Hindi ba sila busy ng girlfriend n'ya ngayon?

Kiran:
it's yours.
it's good for your gut.
hinay din sa junk intake.

Imbis na mapangiti ay lalong nanglumo ang pagkatao ko nang malaman na para talaga sa akin yung binili n'yang inumin. I know that we both got hurt by the events that we have no control over; pero bakit hanggang ngayon ay hindi n'ya magawang magtanim ng galit sa akin? Samantalang ako. . .sinisi ko siya sa bagay na alam kong hindi naman n'ya kasalanan.

Nacia:
Thank you.

He didn't reply anymore. Hawak-hawak ko lang yung probiotic drink sa kamay ko habang nagsisimula namang magbukas ng chichirya si Mineth. She peered over me before she started to chew some chips. Lumapit pa si Mineth sa akin nang mapansin ang pagkatulala ko.

"Akala ko ba gutom ka?"

"Busog na ako," I said flatly.

Tama nga si Rien, nakakabusog ang selos. Pero tanggap ko naman na wala akong karapatan magselos dahil wala naman na kaming ugnayan ni Kiran. Hindi na rin naman dapat siyang magpaliwanag kung anong ganap ng buhay n'ya ngayon. I should be happy that he already treats me this well. . .pero bawal ba talaga ako makaramdam kahit kaunting kirot?

My Kiran is finally happy. . .he deserved it.

Nang mapansin ni Mineth ang pananahimik ko ay hindi na rin siya umimik at tinapos na lang ang pagpapak ng chichirya. We watched some shows to kill time but my mind was elsewhere. Ramdam naman yata yun ni Mineth dahil siya na mismo ang nagligpit ng mga chichirya at nilagay sa refrigerator ang mga natirang pagkain.

When Mineth went to her bed. Unti-unti naman akong pumunta sa kama ko at kinuha ang dala kong laptop. The only light that was on came from the screen of my laptop; binuksan ko na lang din ang lamp na malapit sa kama ko. I started to write a few words. . .until I wasn't able to follow through with my usual word count. Sinundan ko lang ang baybay ng nararamdaman ko ngayon.

Whenever I feel pain, I exploit it. I write it as if it isn't my own feelings but someone else's, in hopes that the emotion will transfer to another being. Dahil ayoko maramdaman ito kaya minamabuti ko na lang na ipasa sa iba. I refused to acknowledge that I'm hurt by the same wound that I inflicted myself.

₊ ⊹ . ₊˖ .

"Hindi ko rin alam kung bakit siya puyat," pagtatanggol ni Mineth sa sarili n'ya nang bumaba kami para kumain ng umagahan.

My eyes were puffy and dry, halos parang umiyak ako dahil sa pagiging pugto nito. I only slept for two hours because I kept on writing until my eyes were slowly trying to close on their own. Nagulat na nga lang daw si Mineth nang makita na bukas pa rin ang laptop ko at nasa tabi lang ito habang natutulog.

Nahihiya naman akong hindi bumaba dahil may oras yata ang breakfast nila dito. Kung tutuusin din ay trabaho naman talaga ang pinunta ko rito. I shouldn't be too distracted over Kiran. Hindi ko naman p'wedeng ireklamo na bakit siya nagdala ng girlfriend sa trabaho. . .malay ko ba kung kailangan n'ya ng tiga-cheer para sa kan'ya.

"Okay lang, wala pa naman sina Kiran saka yung kasama n'ya," sabi nung isa sa mga kasama namin, si Alejandro.

"Kasama n'ya?" ulit ni Mineth at bahagyang nanglaki ang mga mata. She peered over me but I decided to look in another way.

"Oo," kumpirma ni Alejandro. "May sinundo siyang babae kagabi eh. Sinabayan pa nga yata n'ya kumain dahil nagpadala pa sila ng pagkain sa kwarto nila."

Lumingon sa akin si Mineth. "Ah kaya pala puyat eh."

I glared at her venomously. Ginantihan n'ya lang ito ng isang matunog na tawa at napailing-iling na lang sa akin.

"Kaya pala puyat sina Kiran," palusot ni Mineth. "Baka nasarapan siya sa kinain n'ya kagabi at hindi nakatulog agad. Ikaw ba, Nacia? Sarap din ba ng kinain mo? Ay oo nga pala, wala kang kinain kagabi."

I groaned inwardly and she laughed it off, si Alejandro naman ay nanatiling nakakunot ang noo dahil mukhang hindi naintindihan ang palitan namin ni Mineth. Sandali naman kaming natigilan dahil bumaba na rin si Rien mula sa kwarto n'ya.

Rien. . .looked hot even when he's just wearing a simple white shirt and khaki pants. He was rubbing his eyes as he walked towards us. Mukhang kakagising lang din n'ya. He even craned his neck from left to right as if to exercise it.

"Good morning," namamaos n'yang bati sa akin. Napatingin ako sa braso n'ya. . .oh wow, even his arms had tattoos on it. Ang ganda ng pagkakalapat ng mga tattoo n'ya. It was both intricate and detailed.

"Good morning," Mineth said to Rien. "Single ka ba?"

"Hoy," saway ko kay Mineth.

Alejandro chuckled and went to Rien. "Oh? Bakit puyat ka rin? Is the bed uncomfy?"

"Hindi naman. . ." sagot ni Rien at unti-unting inalala ang gabi n'ya. "Pero medyo maingay yung katabing kwarto ko. Puro ano. . ."

"Ano?" usisa ni Mineth.

"Just sounds from a woman and a man. . ." Rien squinted his eyes. He clapped his hands which made Mineth widen her eyes. At dahil nakikinig din ako ay sabay kaming napalingon ni Mineth sa isa't isa.

May nag-sex sa tabi ng kwarto ni Rien?

Alejandro's mouth formed a quick circle. "Eh, kwarto ni Kiran 'yon 'di ba?"

Ah.

Gano'n?

No'ng ako ang nagyaya sa kan'ya, sinabihan n'ya akong hindi proper place ang isang private resort na kaming dalawa lang naman ang tao. Pero sa isang hotel kung saan hindi naman soundproof ang mga pader ay nagawa n'yang makipag-boombayah?

Ang mga mata ni Mineth ay nakatuon sa akin nang malaman ang impormasyon na 'yon. Kaya naman pati tuloy si Rien ay unti-unting lumingon sa dako ko. Si Alejandro lang yata ang hindi nakapansin ng unti-unting pamumuo ng mga madidilim na ulap sa paligid ko.

"Tara na, gutom na ako," I said flatly then turned my heels towards the restaurant inside the hotel.

"Ayoko magbiro ngayon," Mineth said then shook her head. "Masama magbiro sa gutom na bagong gising, lalo na kapag si Nacia."

May budget naman kami para sa pagkain kaya naman in-order na ang mga breakfast sets. I had some longsilog, si Mineth at Alejandro naman ay nag-bacsilog, samantalang black coffee lang at toasted bread ang in-order ni Rien.

We didn't point it out. I find it rude as well to ask why someone is eating less or if they're eating plenty. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay may mga tao pa rin na insensitive pagdating dito.

Dumating si Kiran na halos bakas pa sa buhok na kagagaling pa lang n'ya sa kama. He was wearing a dark blue button down shirt and white shirt. Umupo siya sa harap ko at nagawa pa akong silipin.

I raise an eyebrow at him, hindi naman siya natinag at tinaasan din ako ng kilay.

"What?" he mouthed.

Hindi ko siya pinansin.

"Anong kakainin mo, Kiran?" tanong ni Alejandro habang inaabot ang menu rito. "They have Tapa, longganisa, bacon, and chicken here. Lahat ay silog, but we can ask for plain rice if you want."

"Longganisa is fine," Kiran yawned, halos maningkit ang mga mata.

Ah, wow. Puyat talaga siya. Pinagod siguro ni Agape. Mukhang mas malala pa yata ang ginawa n'ya kaysa sa ginawa kong pagsusulat kagabi. My head was swirling with envy. Ni hindi ko man lang naranasan mapuyat dahil doon!

"Mag-tapa na lang ako," I said.

They looked alarmed. Halos parehong nanglaki ang mga mata ni Mineth at Alejandro. Taimtim namang umiinom ng kape si Rien, samantalang umangat ang tingin sa akin ni Kiran.

"Ah, pareho kasi tayo ng order," I coughed. "Baka isipin nilang couple tayo."

"Wala namang nag-iisip ng gano'n," Mineth pointed out. "Ikaw lang yata."

"Pareho rin naman kami ng order ni Mineth," sabi ni Alejandro. "Hindi naman kami couple."

Kiran's lips twisted, as if he found me amusing. Para bang nagpipigil siya ng tawa.

"I m-mean. . ." I stuttered, "sorry? Hindi lang talaga gumagana ang utak ko sa umaga."

"Valid," sabi ni Mineth at natawa.

Alejandro coughed to gain our attention. Pinagsaklop n'ya ang kan'yang mga kamay. "Ano pala ang agenda n'yo ngayong araw?"

"Brainstorming sana para sa plot nung movie," sagot ni Mineth at lumingon sa akin. "Tungkol sa isang director at isang writer 'di ba?"

Tumango si Kiran. "Yup."

"Ah. . .paano yung story n'ya? Ano ang trope? At ano ang ending? Alam mo na ba?" sunod-sunod na bato ni Mineth kay Kiran.

Kiran propped his chin on his palm. "I don't want to complicate my first movie. I want it to be as realistic as possible. Kaya sa tingin ko. . .maganda na hindi sila nagkatuluyan sa dulo."

"Bakit naman hindi sila magkakatuluyan?" Tumaas ang boses ko nang itanong ko 'yon.

Napalingon sa akin lahat. I gulped, trying to ease down the tension. Sinubukan kong mas maging matatag ang boses ko para naman hindi nila maramdaman na nanginginig ito.

"I mean, hindi ba realistic kung magkakatuluyan sila? Ano ba ang naging conflict nila? Baka naman p'wede pa nilang maayos," I reasoned out.

"Both of them loved each other," sagot ni Kiran sa akin. "That's it. Wala silang complicated na reason, sadyang hindi na nila mahal ang isa't isa. Yun lang."

"Paanong yun lang? We have to put the reason and everything, we have to make the viewers sympathize with the characters," halos habulin ko ang hininga matapos magsalita.

"I have to agree with Nacia," dugtong ni Rien. "We have to show that the director and the writer had their own flaws that led to their downfall."

"Alright then," malamig na tugon ni Kiran. "Yung writer yung may kasalanan."

"Huh?!" reklamo ko agad. "Bakit yung writer lang? Siguro nga malaki yung kasalanan nung writer pero dapat isisi rin sa tatay nung director!"

"Anong meron sa tatay nung director?" nalilitong tanong ni Rien. His face contorted into confusion. "May storya na ba tayong sinusundan?"

"Ano naman kinalaman ng tatay nung director? True enough, that piece of shit is trash, pero sa dulo naman ay desisyon pa rin nung writer kung susunod siya rito 'di ba?" pabalang na sabi ni Kiran. "And yeah, she didn't have a choice, but ultimately she chose to hurt the director because it was the easiest thing to do."

Natahimik ako at lalong tumahip ang dibdib sa halu-halong emosyon. I wanted to refute him but I acknowledged my faults. Totoo naman na wala akong ginawa no'n kung di ang masaktan siya.

"Ayaw lang ng writer na masaktan pa yung director," sagot ko kay Kiran. "It's not like she had a lot of choices. She loved him."

"May gender na sila?" lalong nalito si Rien.

"And the director was fucking willing to get hurt by her a thousand times if only it meant she would stay by his side," mahinang sambit ni Kiran at tinapunan ako ng tingin. "That's their downfall, they simply didn't love each other to trust that their love is above all things."

Mineth whistled. "Ay wow, parang based on real life story lang."

I glared at her almost immediately. She acted innocent and drink some of her water. Nagpanggap pa siya na para bang hindi n'ya alam ang tungkol sa amin ni Kiran!

"I think we can work with that," Rien said and glanced at me. "Maybe we can reverse the roles. Instead of telling the story based on the director's point of view. . .maybe we can tell it based on the writer's point of view. Sa tingin mo, Nacia?"

I wetted my lips. Lumingon ako kay Kiran pero nag-iwas na siya ng tingin.

"Kung papayag si Kiran. . ." I replied. "Okay lang din sa akin."

"Kayo naman yung manunulat," sagot ni Kiran. "Mas alam n'yo kung anong mas magiging maganda."

"Still, ikaw ang may huling input," sabi ni Alejandro. "Or maybe we can do it from a dual point of view? Hindi ba mas makaka-gain tayo ng sympathy from the viewers kung gano'n?"

"P'wede rin. . ." si Rien.

Tumayo ako at kinuha ang baso ko. "Kukuha lang ako ng tubig."

The restaurant had some self-service notice on waters and cutleries. Kaya naman ako na ang kumuha ng tubig ko mula roon. Naramdaman ko rin na tumayo si Kiran at mukhang sinundan ako.

Kiran gently nudged me when we were at the water refilling station. "Anong nangyari sa 'yo?"

Hindi ko napigilan ang sumama ang tingin sa kan'ya. "Anong nangyari sa akin? Eh, ikaw? Anong nangyari sa 'yo?" I hissed back.

How dare he spill our previous relationship? Alam ko na alam ni Mineth na kaming dalawa 'yon. Mabuti na lang na walang kutob yung dalawa pa, kung di ay baka super awkward na sa table namin kanina!

He raked his hair using his elegant fingers which made me look at him. Kahit bagong gising ay ang gwapo rin talaga ng isang ito. Namumula na agad ang labi. . .halatang kinagat-kagat kagabi! Lalo akong naiinis dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko na dapat 'yon iniisip! His business inside the bedroom is none of my business! At all!

"Nireregla ka ba?" he asked, his voice laced with concern.

Oh wow, now! Natatandaan ko na may tracker siya noon ng regla ko. Lalong uminit ang ulo ko dahil alam ko naman na deleted na 'yon ngayon o kung nandoon man, ibang regla na ang sinisilip n'ya!

"Bakit? Kaya mo bang patigilin ang regla ko?" I rudely replied to spite him.

Kiran's lips curled and he squinted his eyes at me. "Do you really want me to?" He asked as if I was challenging him. I huffed. This guy would really be the death of me!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro