Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18



Chapter 18
. ₊ ⊹ . ₊˖ . ₊

Binago ako ng mundo. Binago rin nito ang puso ko. Hinayaan kong kunin nito ang pinakamahalagang bagay sa akin at hinayaan kong turuan ako nitong kalimutan ang tanging alam kong gawin. . .ang magmahal nang walang hinihinging kapalit.

Ilang beses akong sinubukan kausapin ni Kiran pero hindi ko siya hinayaan pang pumasok sa buhay ko. I blocked all our communication, kahit ang mga kaibigan namin ay hindi alam kung anong nangyari.

I looked at the window and watched as the people started to walk towards their rightful paths. Sa dami ng tao. . .ilan kaya rito ang alam talaga kung saan sila patungo?

I was so lost. Akala ko alam ko na magiging isa akong writer. . .yet, here I am now. . .I don't even have a face to show to Mineth.

Mas naiintindihan ko na si Ruby ngayon.

"Gusto kitang kampihan," sabi ni Ruby sa akin habang nasa isang cafe kami. "Pero. . .alam ko rin na mahal ka talaga ni Kiran. Hindi ko alam kung bakit nagbago ang puso mo."

I weighed my options and realized that everything was unfair to Kiran. Kung mananatili ako sa kan'ya, masasaktan ko siya dahil nasisisi siya sa mga bagay na hindi naman n'ya kontrolado. Kung hindi ko naman siya kakausapin at iiwan, hindi pa rin tama dahil hinahabol n'ya pa rin ako.

I never thought that the day where I was the one who would hurt Kiran would come. I wanted to love him slowly and gently. Pero sa ngayon, alam ko na napakalabo na nitong mangyari.

Umiling ako kay Ruby. "Hindi kami p'wede. Nasasaktan ko na siya, Ruby."

"But this pain isn't the one that he can endure," sagot sa akin ni Ruby sabay simsim sa kan'yang kape. "Lahat naman tayo ay nasasaktan. Pero kung minsan ay tayo ang nakakapili kung anong klaseng sakit ang kaya natin tiisin."

"Ayoko siyang masaktan. . ." namamaos kong saad. "At para akong bubog sa kan'ya ngayon. Isang malaking bubog na ang hirap tanggalin."

"Goodness, Nacia," Ruby groaned in response. "Maybe you should consider this one. . .you're the only one that he considers worth the pain. The more that you push him away, the more that you hurt him."

My eyes watered, I started to tremble as I looked at her. "I feel like a ticking time bomb. Pakiramdam ko ay isang paalala si Kiran sa bagay na kinuha sa akin. He was my inspiration to write that story. . .the story that is no longer mine."

The Script of Us. Ang kwento ni Nate at Kia. Both of them were subtly inspired by our love story; because I wanted to share my admiration for Kiran. Ngayon ay kwento na siya ng iba. Ni hindi ko nga alam kung Nate At Kia pa rin ang mga pangalan nila. They have become a blur inside my mind. Ni hindi ko na kilala ang sarili kong storya.

Sumidhi ang poot sa aking dibdib. I would always hate that story. It took away my passion. It took away my need to weave words to inspire. Pakiramdam ko ngayon ay nagsusulat na lang ako dahil ito lang ang alam kong gawin. . .at hindi dahil gusto ko rin magsulat.

Ruby's eyes flinched as she shook her head. "Hindi 'yon kasalanan ni Kiran. Don't you think this is hurting him more? You're making him feel like it's his fault. Hindi kayo ang magkalaban dito, Nacia. You both have a common enemy, and that's not among the both of you."

Napayuko ako habang nararamdaman ang matinding kirot sa aking dibdib. Nilapag ni Ruby ang hawak n'yang tasa at tumikhim.

"Kiran is hurting. . .and you're only adding more pain by not being there," sabi ni Ruby sa akin. "Nacia, think this through. Kung minsan, kapag lalo tayong tumatakbo sa mga bagay na nakakasakit sa atin, lalo tayong hinahabol ng sakit nito. Sometimes, when we confront the pain and acknowledge it exists. . .it's the only way we can move towards the next step."

"Next step?" Lumingon ako sa kan'ya.

She smiled at me softly. "Move on from what used to bring you pain."

My tears streamed down my cheeks. Para itong gripo na binuksan ni Ruby nang sabihin n'ya ang mga salitang 'yon. It was the hard truth that I couldn't swallow. I was hurting because I refused to acknowledge all the pain that I've been keeping inside my chest.

Kung minsan, lalo lang tayong nasasaktan kapag pilit nating iniisip na 'okay' lang tayo. Mas lumalala ang isang sugat na hindi nagagamot, ika nga nila.

"You know why it still hurts?" malungkot na ngumiti si Ruby sa akin. "Dahil ayaw mong pakawalan. Hindi mo gustong umalis sa lugar kung saan ka sinaktan. The pain lingers as long as you stay in that place, Nacia."

Wala naman akong nagawa kung di tumango at tanggapin ang mga panga-alo ni Ruby sa akin. I know that leaving Kiran wasn't my only option. . .but it was the option that I thought would hurt him less. Pero mukhang kahit anong desisyon na gagawin ko ay masasaktan ko siya.

Umuwi muna ako sa probinsya namin nang dumating ang semester break. Nanay was surprisingly accomodating to me. May benda ang kamay ni Tonton pero nagagawa na n'yang ngumiti. Kahit si Tatay ay mukhang maganda rin ang timpla ng mga araw.

Sa umaga ay may nakahandang sopas para sa amin. Sa tanghali ay paborito kong ulam ang nakahain, adobong baboy na nagmamantika. May merienda na rin kami bukod sa bananaque na tinda ni Tonton. Hindi rin nakawala sa pansin ko ang masarap naming hapunan, hindi na ito yung ulam kaninang tanghali na iniinit lamang.

Sumusubo ako ng kanin at fried chicken no'ng napagtantuan ko na masyado yatang. . .nagiging kumportable ang buhay namin ngayon. Pansin ko rin na mas dumami ang mga kagamitan sa bahay. I wanted to brush it off, gusto kong isipin matagal na rin nang huli akong bumisita rito kaya naman hindi ko naman pinupuna 'yon.

"Bago ang. . .bag mo ah?" puna ni Tatay nang makita ang bag ni Mama.

Agad na lumipad ang tingin ko sa tinutukoy nitong bag. It was a local brand but I knew the price tags of those bags, ang presyo n'on ay nasa 500-1,000php, minimum pa 'yon. Kaya naman natigilan din ako at humarap kay Nanay.

"Oo," tawa n'ya at bahagyang umayos ng upo. "Binilhan ko rin ng bag si Nacia, at si Tonton. Bago rin ang wallet mo, ah? Nilagyan ko rin ng laman."

"Salamat," Tatay smiled but I could feel the uneasiness of it. Kung gano'n, wala rin siyang alam kung bakit parang ang dami naming pera ngayon.

Habang naghuhugas ako ng mga pinggan ay napansin ko rin na nagpalit si Nanay ng mga kubyertos. Ang ilang pinggan ay may nakalagay na microwavable. Ibig sabihin ay mas mahal ang mga ito kumpara sa mga nabibili sa palengke.

Hindi na ako nagtaka nang patagong lumapit sa akin si Tatay. Bakas sa kan'yang mukha na hindi siya nakakatulog nang mahimbing sa gabi. Ang mga titig ay matamlay at ang itim sa ilalim ng mga mata ay kumakapal.

"May nakukuwento ba sa 'yo ang nanay mo, Nacia?" kuryosong tanong n'ya sa akin.

"Tungkol po saan?"

"Sa. . .negosyo? Pinagkikitaan? Nagsusugal ba siya?" sunod-sunod n'yang tanong sa akin.

Binanlawan ko ang mga pinggan at sinalansan ito sa malapit na lagayan. I looked at Tatay and slowly shook my head.

"Wala naman po siyang nababanggit," sagot ko sa kan'ya. "Pero kahit ako, Tay, nagtataka rin po kung bakit parang ang daming pera ni Nanay."

Iniisip ko kung may raket ba si Nanay. Ang hilig n'ya noon gumawa ng paraan para mapagkasya ang kinikita ni Tatay sa pagpasada ng tricycle. Hindi naman madamot si Nanay kapag may pera pero kadalasan ay pinagkakasya lang talaga n'ya sa pang-araw-araw namin kaya walang labis para ibigay sa iba.

"Tonton," malambing kong tawag sa aking kapatid.

"Po?" Lumingon siya sa akin. Isang kamay pa rin ang gamit n'ya sa pagkilos dahil naka-benda ang kanang kamay n'ya.

"Alam mo ba kung may bagong pinagkakakitaan si Nanay?" Napakagat ako sa ibabang labi ko. "May pwesto na ba siya sa palengke? Pinautang ba siya ng isang kakauwing OFW? O ano?"

Umiling si Tonton. "Parang wala naman, ate."

I sighed. Ang hirap din kasi tanungin nang direkta ni Nanay. Alam ko na hindi siya aamin agad kung saan n'ya nakukuha ang pera n'ya ngayon. Pero hindi maganda ang kutob ko rito. . .some secrets reeks badly.

Kiran:
can we talk?

Pang-ilang mensahe na 'yon magmula nang maghiwalay kami. Napabuntonghininga ako. I know that a letter wouldn't suffice and Kiran was relentlessly pursuing me even when I have already given him a lot of reasons not to.

Nasa kwarto ako nang nabasa ang message n'ya para sa akin. May tuwalya sa ulo dahil katatapos ko lang maligo. Gabi na 'yon pero mas presko kasi ang tubig sa gabi; ilang beses na akong pinapagalitan ni Nanay na mali raw ang pagligo sa gabi.

I decided to ignore Kiran's message. Napasilip ako sa labas nang marinig ko ang langitngit ng gate. I looked at the time and concluded that it wasn't a parcel or a visitor. Sobrang gabi na kasi. . .kaya hindi ko alam kung sino ang posibleng bumisita sa ganitong oras.

I decided to go towards the gate. Namataan ko si Nanay doon na may kausap. She was smiling widely which triggered an emotion inside me. Pakiramdam ko ay naghahalo-halo ngayon ang emosyon ko. I am curious, afraid, and hateful all at once. Hindi ko kasi alam kung. . .ano itong pinapasok ni Nanay.

"Naku, Senator Conjuanco!" Magiliw na wika ni Nanay. "Wala naman pong balita kay Nacia. Pero sa tingin ko ho ay pareho silang nagkikita pa rin."

My ears were filled with long and painful static noises upon hearing my mother talk about my relationship with Kiran.

"Really?" a familiar baritone voice, with a hint of malice, responded to my mother.

Agad ko na itong dinaluhan dahil hindi na kaya ng curiosity ko kung ano bang pinasok ni Nanay. My eyes widened upon seeing the familiar silhouette of a man. Agad n'ya akong sinipat at may malisyosong ngisi ang kan'yang labi.

"Senator Conjuanco. . ." nanghihinang saad ko habang unti-unting napapalingon kay Nanay.

"Nacia." She gasped. "B-bakit ka nandito? Anong oras na!"

"Well, she probably heard us," sabi ni Senator Conjuanco. "Hindi na rin naman natin maitatago sa kan'ya ang totoo, hindi ba?"

Nangliit ang mga mata ko. "Anong totoo?"

"Nacia. . ." Nanay bit her lower lip. "Kayo pa rin nung anak ni Senator, hindi ba?"

"Hindi na po," agap na sagot ko.

Nanglaki ang mga mata n'ya. "A-ano?! Teka, akala ko ay kayo pa rin?"

"Bakit parang may mali kung break na po kami?" kuryusong tanong ko.

Ngumisi si Senator Conjuanco. "Well, your mother was receiving money from me because she was telling me updates about you and Kiran. Eh, kung tapos na pala ang relasyon n'yo. . .I don't think I have to continue this deal, Ma'am."

Namutla si Nanay. "Senator! Hindi! Nagbibiro lang si Nacia! Ang totoo n'yan ay going strong sila! Alam na alam ni Nacia ang tungkol kay Kiran! Marami pa siyang p'wedeng gawin para sa anak mo."

Is she trying to imply that I was spying on Kiran? Lalo akong namanhid sa aking kinatatayuan. I don't want to believe it. My mother wasn't the nicest but I know she couldn't be this cruel! Alam ko rin na hindi kami nanghihingalo sa pera! Napapagamot na si Tonton galing sa pera ng script na binenta ko.

Senator Conjuanco shrugged. Sinipat ko siya at gustuhin ko mang sabihin napakapangit n'ya. . .it was only his attitude that reeks like a smelly fish. His stance, his face, and even his behavior has always been too elegant. Para bang palaging may camera na nakatutok sa kan'ya.

"Wala na po kami ng anak n'yo," I said, firmly. "Itigil n'yo na po ang pagpapadala ng pera sa amin."

"Nacia!" atungal ni Nanay.

Sinikap kong huwag magpadala sa pagtataas ng boses ni Nanay. I usually tremble in fear when it comes to her. I could feel the words being stuck on my throat as I try to heave a breath.

I didn't want to feel this way. I didn't want to feel indebted to dirty money. Hindi baleng magalit si Nanay sa akin pero ayoko. . .ayokong paulit-ulit binibenta ang prinsipyo ko dahil parang hinihiwa ang aking puso sa hapdi.

Senator Conjuanco looked at me, his eyes playfully challenging me to defy him. Kahit sa dilim, kitang-kita ko ang malisyosong tingin n'ya sa akin. As if he knew that it was hard for us to let go of this opportunity.

"Wala ka namang ginagawang masama," Nanay said. "Binabantayan mo lang ang anak n'ya."

"At bakit ko kailangan bantayan si Kiran?!" I asked, almost shouting. "He has his own life! Hindi na tayo dapat damay doon!"

I knew why he wanted me to be with Kiran! So he could control him! Dahil takte, alam ko sa sarili ko na ang dali-daling nilang kontrolin ang buhay ko dahil may pera sila! As much as I wanted to say I didn't need money. . .ibang usapan kapag damay ang pamilya ko. They needed money as much as everyone else does.

Hindi n'ya ma-control si Kiran kaya ako ang pinagdidiskitahan n'ya dahil alam n'yang susunod sa akin si Kiran. Tuso talaga si Killian Conjuanco; he was scary because he was too good when it comes to mind games.

He badly wanted someone to take over his place. Siguro ay mas matigas ang panganay n'ya kaysa kay Kiran. Kaya itong si Kiran ang pilit n'yang pinapaamo.

"Pasensya na sa anak ko at nagiging suwail na naman—" ani Nanay kay Senator Conjuanco.

My fist clenched as I looked at Killian Conjuanco, who was only plastering a bored expression. Mukhang sanay na sanay siyang lumuluhod ang tao sa kan'ya.

I could feel the rise and fall of my chest. Ayoko! Hindi ako papayag na isa ako sa mga gagamitin n'ya laban sa kan'yang anak. . .I don't want to hurt Kiran further. Alam ko na wala na akong mukhang maihaharap sa kan'ya kapag nalaman n'yang. . .pineperahan ko siya. Hindi man ako ang tumatanggap, pamilya ko naman ang nakikinabang. Dugo ko pa rin ang nananalaytay sa kanila.

"Why are you hell bent on making your child suffer?" tanong ko kay Senator Killian.

I saw how his lips twist into a grimace. Agad siyang nagtaas ng kilay sa akin.

"I'm doing you a favor," sabi n'ya sa mahinahon na boses. "Binabayaran kita para lang makipag-date sa anak ko. Any other woman would take this opportunity without thinking twice. Hindi ko rin alam bakit ka nagmamatigas? Is it ego? Perhaps pride?"

I swallowed the bile on my throat. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay bitag itong pagbibigay n'ya ng pera. Somehow, the gesture isn't sincere. Politiko talaga ang isang ito. . .I feel like a marionette that he can easily control because he knows that I'm indebted to him; kung hindi man ako, pamilya ko ang kinukuha n'ya ang loob.

People can use 'utang na loob' in such cruel way. Imbis tuloy na isa ito sa mga katangi-tanging katangian sa ating bansa—nagiging pabigat pa tuloy ang pagkakaroon ng utang na loob.

Kaya naman ang galing ng ibang politiko gumastos kapag eleksyon, dahil triple ang kinukuha nila kapag naluklok na sila sa mga pwesto—dahil alam nilang iboboto sila ng mga may 'utang na loob' sa kanila na mga botante. Ang limang daang tulong nila ay binabawi nila ng may tripleng interes.

Alam ko na p'wede ko naman siyang hindi sundin. I can control my own thoughts and actions yet I didn't want to be associated with him. Iniisip ko pa lang na kapag may nangyaring masama sa amin, people would think we deserve it because we were accomplices.

At. . .alam kong siya ang may pakana sa aksidente ni Tonton. I know no body, no crime but my intuition tells me that it wasn't a mere coincidence that he wanted to help as soon as my brother was hospitalized.

My veins were filled with hate. I can no longer stand the idea of being with Kiran. . .because I don't want to be associated with his father.

"Umalis ka na po rito," pagtataboy ko kay Senator Killian. "Please."

Ngumisi siya sa akin at unti-unting tumango. Tinapunan n'ya ng isang tingin ang maliit naming bahay bago tuluyang pumasok sa kan'yang kotse at pinaharurot ito ng kasama n'yang driver. He had bodyguards with him. . .and they were all towering over him. Gayunpaman, siya ang pinaka-intimidating tingnan.

Halos sumalampak ako sa sahig sa sobrang panghihina nang marinig ang mga palahaw ni Nanay. She was weeping, as if we were in a burial. Hindi ko alam. . .na ang bilis n'yang magpakain sa pera.

"Nacia! Ano na naman bang katangahan 'yon?!" galit n'yang bulyaw sa akin.

Nagising ang mga tao sa bahay, na para bang kumalampag ang mga kagamitan sa kusina. I looked around and saw how Tonton widened his eyes. Si Tatay naman ay agad na umawat sa aming gitna.

"Ano ba 'yan?!" Tatay roared in rage as he went in the middle to stop our fight.

"Ang tanga-tanga mo, Nacia! Gusto n'ya lang namang tumulong sa atin! Babantayan mo lang ang anak n'ya! Paliligayahin mo lang! Hindi ka naman magiging pokpok na cheap!" Mangiyak-ngiyak na saad ni Nanay. "Sinira mo na nga pangarap namin para sa 'yo, pati ba naman pangarap ko para sa pamilyang ito ay sisirain mo?!"

My heart was torn apart upon hearing that from my own mother. Wala akong gustong makamit para sa pamilyang ito kung di mga mabubuting bagay lang pero palagi. . .palagi ko na lang silang nadidismaya. They could never be proud of me.

"P'wede naman po nating pagsikapan ang perang binibigay n'ya!" sagot ko at unti-unting bumuhos ang mga luha. "Binabaon n'ya tayo sa utang na loob! Alam ko ang galawan n'ya! Ayoko rin magamit para sa anak n'ya! It's unfair to Kiran!"

"At uunahin mo pang alahanin ang ibang tao kaysa sa sarili mong pamilya?!" sigaw ni Nanay sa akin. "Nasaan ang utak mo, Nacia?!"

Lumingon sa akin si Tatay. "Ano ba itong nangyayari? Bakit ka nagagalit kay Nacia? Nanginginig na yung bata sa takot!"

It was true, my whole body was trembling because of my mother's voice. Takot na takot ako na baka tuluyan na n'ya akong itakwil. Pero mananatiling totoo ang prinsipyo ko. I won't take the easy path, if it means I'll lose my principles.

Hindi ko alam paano kami sinundan ni Senator Conjuanco at kung paano n'ya nahanap kung saan makikita sina Nanay. Ang alam ko lang ay gumawa siya ng hidwaan sa pagitan naming dalawa ng nanay ko.

I focused on inner healing. Inasikaso ko ang mga susunod kong isusulat. I'll find myself writing stories that didn't. . .resonate with me that much. Pakiramdam ko ay nilalayo ko na ang mga sumunod kong storya sa kwento ng buhay ko.

Bigla akong napagod magsulat. Hindi ko alam kung dahil pinagod na rin ako ng mundo kaya nahirapan na ako maghagilap ng mga salitang isusulat.

Pauwi ako mula sa isang coffee shop dahil mas tahimik pa roon kaysa sa mismong bahay. I didn't mind paying for an overpriced coffee if it means, I'll have a few time for a little bit of peace. Hindi pa kasi tapos ang semestral break kaya naman nasa probinsya pa ako.

Umangat ang tingin ko nang makitang may pamilyar na bulto ng tao sa harap ng gate. His back was rigid, as if a stick was put on his back. Sinilip ko kung sino ito at nanglaki ang mga mata ko.

Kiran. . .

Even in the dark with only the moon illuminating our surroundings, he was the fairest of them all. He really was like a fairy. A pair of lonely eyes glance at me. Kita ko sa mata ni Kiran ang pangungulila. . .ang pagkalito st pagkabigo sa naririnig.

"Nandito ka na ulit 'di ba? Ibig bang sabihin ay itutuloy na ng tatay mo ang sustento n'ya sa amin?" Nangingintab ang mga mata ni Nanay. Her hands were clasped together as if she was in a prayer.

Nanonood ang buwan sa aming tatlo ngayon. I inhaled deeply as I looked at Kiran who was materializing confusion on his face. May hawak siyang bulaklak. . .na para yata sa akin.

"Anong sustento po?" Kiran asked slowly, na tila ba nabibingi siya sa naririnig. He was like a mouse now, his voice turning small.

"Pinapabantayan ka ng tatay mo kay Nacia. . .kapalit n'on ay halos 200k kada buwan!" pagsisiwalat ni Nanay. She smiled widely. "Ang bait-bait ng tatay mo! Kung alam ko lang na ikaw pala ang anak n'ya ay hindi sana sumama ang loob ko nung unang araw kang dumayo rito!"

"K-Kiran. . ." I nervously took steps near him. Natatakot akong mabasag siya ngayon dahil alam ko. . .ramdam ko na nasasaktan siya sa mga narinig n'ya.

"Natuwa nga ang Papa mo na in love na in love ka kay Nacia! Ang sabi n'ya pa nga ay nagtagumpay si Nacia na makuha ang loob mo!"

"Nay!" pagalit kong saway. Lumingon ako kay Kiran at bahagyang umiling. "Kiran. . .hindi gano'n 'yon. . ."

"You were making me fall in love with you. . .so you could keep track of me?" his voice cracked, I could feel the ache slowly consuming him. "Pinadala ka ng tatay ko?"

"Kiran. . ."

"It was easy for you to leave me behind. . .because everything you've shown to me were all fabrication? A figment of your imagination? Gano'n ba?" malamig n'yang utas.

"No! Hindi gano'n 'yon," nanghihinang umiling ako nang paulit-ulit. "Nasasaktan na kita. I kept blaming you for things that weren't your fault! I was toxic to you! At hindi mo 'yon deserve. I didn't leave you because it wasn't real. . ."

"Hindi ka tumanggap ng pera sa taong 'yon 'di ba?" marahan n'yang tanong. His eyes were bloodshot because of the pending tears.

Hindi ako sumagot. Nanatiling tikom ang bibig ko kaya naman lalong gumuhit ang sakit sa mukha ni Kiran.

Nilustay na nila Nanay yung pera. I didn't want to lie to his face that we didn't receive any money from his father. Hindi man ako ang tumanggap ng pera. . .hindi ko kayang itanggi na nakarating sa amin ang 'tulong' ng tatay n'ya. Ayoko rin sumama ang tingin n'ya sa pamilya ko. . .because I hated to say it but they were still my family, they were still a part of who I am.

"Say no. . ." napapaos n'yang saad. "Nacia. . .please, say no."

"Oo. . ." Bumuhos ang luha ko. "Binigyan n'ya kami ng pera. . .I'm sorry, Kiran."

"Bakit?" he asked, his voice cracked in pain. "Sana nanghingi ka na lang sa akin. Sana hindi sa taong 'yon. You knew how shitty he was to me. You knew how he made me feel. Kaya bakit? Of all people. . .Nacia, sa 'yo ako buong nagtiwala magkwento tungkol sa kan'ya."

It must have hurt because Killian was the thorn of Kiran's existence. Yet. . .I managed to deepen the cuts that Killian made by betraying him like this.

I knew how neglected he was by his own father. Pero mas lalo kong pinaramdam sa kan'ya na ang tingin sa kan'ya ng tatay n'ya ay mababaw. I was putting salt on his wounds and rubbing them harshly.

"I'm sorry," I apologized. Inako ko ang kasalanan ng nanay ko. I wanted to say that my mother was the one that his father had a deal with, pero ano ang mababago n'on? In the end, I ended up hurting him.

Nanay glanced at me. Somehow, she looked like she wanted to say that it was her fault. Doon lang n'ya napagtantuan na mali. . .maling-mali ang tumanaw ng tulong mula kay Killian Conjuanco. He knew his cards well, and he played them skillfully. 

"No," humikbi siya at umiling-iling. "My Nacia wouldn't. . .do that. Mahal a-ako n'on eh."

"Kiran, I'm sorry. . ." I cried with him. "K-kailangan lang talaga ng pera kaya tinanggap namin—"

"Na kahit magsinungaling ka na lang sa akin. . .mas maniniwala ako sa 'yo," his lips quivered as the tears stained his cheeks. "Gano'n kita kamahal."

Nanatiling tahimik si Nanay nang maramdaman ang mabigat na usapan namin ni Kiran. Pugto ang mga mata ni Kiran habang sumisinghot. I wanted to wipe his tears for him. . .pero alam kong wala akong karapatan kung ako ang dahilan kung bakit siya umiiyak ngayon.

I didn't correct his misconception of what happened. I didn't want him to blame my mother. . .I didn't want Kiran to kept loving someone like me. . .na kayang ipagpalit sa pera ang prinsipyo. We were both in different worlds. . .siya ay may makakakain kahit tahakin n'ya ang pangarap n'ya. Samantalang ako, kailangan kong mamili sa dalawa—ang pangarap ko o kung makakakain pa ba ako para sa mga susunod na araw? I was always inbetween of those two.

Kiran's eyes sharpened as it glared at me. "You know what, Nacia? Maybe you're right. . .because all I can feel right now is regret."

My eyes widened in fraction as his words slowly but surely managed to stab my heart. Unti-unting naglaho ang Kiran na mahal ko. . .he became a familiar stranger in a blink of an eye. A song that I know the lyrics but I forgot the title. A story that I know the plot but forgot who the author is. He felt. . .too distant in a flash.

Kiran bitterly smirked at me. "I regret loving you too."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro