Chapter 12
Chapter 12
. ₊ ⊹ . ₊˖ . ₊
I started plotting my stories by listening to the voices of my characters. Kung sino ang mas maingay, mas nagkukwento, at mas nagpaparamdam—siya ang kadalasan kong pinakikinggan. It was as if they were my friends and the ones who retell their lives by telling me their stories are the ones that I write.
Pero kadalasan ay humihina ang kanilang boses, lalo na kapag nahihirapan na sila, at ako bilang manunulat ay kinukulit sila, nililigawan, o binubungangaan na sabihin sa akin kung ano ang sunod na nangyari para masulat ko na. Pero itong character na ito biglang magiging pipi at di iimik. I would be left speechless as well. . .and be in a writing slump for a while.
Okay lang sana iyon. . .kaso may mga ibang character na biglang dadaldal at kukulitin naman ako na sila naman ang pakinggan ko. I would be frustrated because I haven't finished my previous story yet, pero may pangalawang character na liligawan, kukulitin, at magmamakaawa sa akin na sila naman ang pakinggan ko.
'Bawal favoritism!' They would often say inside my head. Ako naman ay pagtatanggol ang sarili ko na kesyo nauna naman talaga ang isang character. . .sadyang tumahimik lang siya bigla. I hate it when it happens. Pakiramdam ko ay unfair ako sa dalawang karakter na iyon. Hindi patas sa unang karakter dahil siya ang nauna pero nasa bingit na ako ng pag-iwan sa kan'ya; hindi rin patas para sa pangalawang karakter dahil matagal siyang maghihintay para lang makwento na n'ya ang nais n'yang ikwento sa akin.
And now it's happening.
"Ayoko na po," mangiyak-ngiyak kong saad kay Sir Pablo Bello na bumubungisngis sa aking harapan ngayon.
Nakatapat sa aking ang maliit na electric fan habang nakaupo ako sa may desk ni Sir Pablo Bello. Ang ilan sa mga estudyante n'ya ay kanina pa umuwi. I have been here since the sweltering heat of the afternoon and 'till now, my laptop's screen has remained empty and wordless.
"Kaya mo 'yan, Nacia," tawa ni Sir Pablo Bello habang sinasalansan ang mga papel sa kabilang desk.
"The brain is not brain-ing na po." Napanguso ako habang nakatitig sa aking laptop. I jot down notes on how to proceed with the story, ang problema ko lang ay hindi ko alam paano ito ikakabit sa nakaraang nangyari.
It's hard to write when you don't want to write. Pero mas mahirap ang magsulat kapag kailangan mo namang magsulat. How can I create a routine if the scenes are not appearing in my mind? Kahit masugatan na yata ako kakakamot sa aking ulo ay hindi talaga nagkaka-ideya ang isip ko kung paano magpatuloy.
"Wala namang deadline," sabi ni Sir Pablo Bello at bahagyang nagkibit ng balikat. "Kung hindi mo pa masulat ngayon, baka may kulang pa."
"Po?"
"Baka kulang pa sa research, kulang pa sa experience, o kulang pa sa emosyon para maisulat mo siya," sagot ni Sir Pablo Bello at may kinuhang mga papel. Mukhang magc-check siya ng mga papel ng mga estudyante n'ya. "Huwag mong madaliin. Hanapin mo muna kung ano ang kulang, Nacia."
Pero yun nga ang mahirap—saan ka maghahanap ng kulang? Saan mo hahanapin kung alin ang wala? If there's emptiness. . .where will you fill it? Anong sagot sa tanong na wala?
In the end, I wasn't able to conclude my initial story. Umuwi akong lukot ang mukha dahil walang natapos ni isang sequence. I feel like a failure for showing up but not being able to get the work done. Ang iba sa mga nakasama ko roon sa workshop ay patapos na.
Ang hirap kasi kapag nakatanaw ka sa mga nasusulat ng iba at nakikita ang mga mahahaba nilang talata samantalang lumilitaw sa 'yo ang mga pahina mong blangko.
I needed a shift. Hindi ko lang sigurado kung saan. Maybe I needed a shift in emotions, a change in environment, or simply I needed to consume art in order to produce art. I'm sure that my creative juices are still intact. . .there's just a blockage on my creative bottle that I can't get rid off. I need to shake it off to make it fizz.
Kaya naman nang dumating ang Sabado at Linggo ay minabuti ko munang umuwi sa probinsya. Bibisita muna ako kay Mama at Papa. Baka sakaling nandoon ang sagot sa matinding writer's block ko. Maybe, my head would finally be at work if it's in a peaceful area.
"Anong ginagawa mo kapag may writer's block ka?" tanong ko kay Mineth habang pinapanood n'ya akong mag-empake. Nasa dorm ko siya ngayon at nakatambay doon sa higaan ng ka-dormmate ko na white lady.
Napalunok ako nang wala sa oras habang nakatingin sa kan'ya na nakahiga roon sa kama. Baka mamaya ay katabi na n'ya yung white lady. . .
I wouldn't tell her that, baka kahit ako ay biglang ma-friendship over n'ya.
I sighed to myself. Unfortunately, her friendship with Ruby has already run its course. Hindi ko na lang binabalatan ang kan'yang sugat sa pamamagitan ng pag-iwas sa topic na 'yon. She knew her better, she would really be hurt more because she wanted Ruby to stay with us.
"I don't know. . ." mahinang sagot ni Mineth habang nakatingala. "I usually plot ahead so I can backtrack my story's progress. Kapag pakiramdam ko ay walang galaw sa storya ko, I make problems for them to encounter. More problems, the merrier."
"Grabe, ang sama mo." Nangunot ang noo ko sa kan'yang isiniwalat.
She shrugged off. "At least! Hindi ko sila pinapatay! Binibigyan ko lang sila ng maraming problema."
My frown plummeted. "Isn't that just the same?"
"I mean. . .hindi ko naman sila bibigyan ng problema na hindi nila kaya," katwiran ni Mineth sa akin. Sumilip pa siya sa akin mula sa pagkakahiga.
"Why? I mean. . .they're your characters. . ." I pointed out. "Hindi ba dapat mas inaalagaan mo sila? At some point, they're fragments of yourself."
Nahihirapan ako saktan ang mga characters ko. Ayokong nakikitang naghihirap sila. Pero kung hindi ko sila bibigyan ng mga pagsubok. . .hindi aabante ang storya ng mga buhay nila. I was aware of that cruel fact.
Umalis si Mineth mula sa pagkakahiga. Umangat ang tingin ko sa kan'ya dahil sa biglaan n'yang pagkilos. She went near me and sat on my side.
"Ikaw ba. . .kung mayaman ka, maganda, walang problema sa buhay, at halos lahat ng haharang sa 'yo ay gigibain ni universe. . . will you be able to appreciate life?" tanong n'ya sa akin, seryoso ang titig sa akin. "The thing is, we only appreciate light when there's darkness. The existence of short happy moments, no matter how trivial it is to most, only happens because we came out from pain. Hindi natin naiisip na masarap mabuhay kung hindi tayo nanggaling sa mga pagsubok."
Natutop ang labi ko sa isiniwalat ni Mineth sa akin. It made me think momentarily that if nothing goes wrong for my character. . .what will make them want to move forward? Kaya ba hindi gumagalaw ang kwento? Dahil wala naman siyang problemang hinaharap? Hindi siya kikilos paabante dahil hindi naman n'ya kailangan gumalaw?
I focused on their love story too much that I forgot to give my character a life of her own, outside their love story.
Tumango ako kay Mineth. "Thank you. Kailangan ko yata balikan ang mismong storya para makapagpatuloy."
"O p'wede ka rin muna magpahinga," sabi ni Mineth sa akin at bahagyang ngumiti. "Baka kasi pagod ka rin. Baka pinipilit mong magsulat kahit kakagaling mo lang sa klase. Pinipiga mo na nga ang utak mo sa mga klase, tapos mas lalo mo pang pipigain para makapagsulat."
"But I have to write, it's a routine," giit ko kay Mineth. "Paano na lang ang mga characters ko? Baka isipin nila gh-in-ost ko na sila."
She shrugged. "Totoo naman. Mas okay kung makakapagsulat ka araw-araw. Pero may mga araw talaga na kahit anong piga natin, kung pagod tayo bilang tao at hindi lang bilang manunulat, mahirap talaga magsulat."
"Baka katamaran lang," I sighed then looked at my bags, punong-puno na ito ng mga damit. "Iniisip ko na wala akong maisip kasi hindi ko sinusubukan magsulat kahit kaunti lang."
"Anong katamaran?" Humalakhak si Mineth. "Nauulol ka na nga d'yan kakaisip eh. Hindi ka tamad, okay? Hindi lang talaga pumapasok sa 'yo yung mga eksena ngayon. Sumusubok ka naman magsulat."
Napanguso ako. Sumusubok ako araw-araw, minu-minuto, pero ni isang salita ay walang lumalabas. I didn't want to think that I'd already hit rock bottom; dahil ang totoo ay hindi ko rin kakayanin na hindi magsulat.
"Take a rest, Nacia," wika ni Mineth at sumilip ang isang munting ngiti sa kan'yang labi. "Your stories can wait, believe me. Kung ikaw talaga ang manunulat para sa storyang yun, kahit gaano pa katagal, matatapos mo rin siya."
Napangiti naman ako. Unti-unting tumango upang ipakita sa kan'ya na naiintindihan ko kung ano ang nais n'yang iparating. I'm being hard on myself because most of the writers that surround me have already finished their stories. Alam ko naman na hindi ito karera. . .pero ang layo kasi talaga ng hahabulin ko kung sobrang bilis nilang magsulat.
Minabuti ko na sundin ang kan'yang payo. For the weekends, I decided to go back home. Nagbabalak sana ako na sumakay ng bus upang makapunta roon. I managed to text Kiran before going to the nearby LRT station. Nagtitipa ako habang nakapila sa kuhanan ng card.
Kiran:
wdym commute ka?
Nacia:
Hindi naman ako nagt-transformers. Hindi ko kaya maging sasakyan, Kiran. 🥲
Magc-commute talaga ako.
Kiran:
ang gago
HAHAHAHAHA 😹
FUCK
WHAT I MEANT WAS
ang gago ng joke
WHAT
I MEAN
sige puta, ako na lang yung gago
Nacia:
😅 ?
Kiran:
sabi mo isasama mo ako 😿
p'wede bang hatid na lang kita?
sayang naman kung magboboyfriend ka ng may sasakyan kung di mo sasakyan di ba?
Nacia:
Po?????
Kiran:
i mean
SASAKYAN yung SASAKYAN
hindi yung boyfriend!!!
My phone rang as soon as I finished reading his message. Natataranta kong pinindot ang 'accept' sa call para kay Kiran. I swiped almost immediately just so I could acknowledge his call.
"H-hello," I said, frantically. "Bakit ka napatawag?"
"Hatid na lang kita," he simply said. "And for pete's sake, please delete those messages. I sound awkward as fuck."
"Hindi ko naman siya. . ." I bit my lower lip. "Gets ko naman siya. You don't have to explain yourself."
"But Nacia," he sounded like he was pouting. "Ayoko isipin mong binabastos kita."
"Hindi ko naman iniisip yun," sagot ko sa kan'ya. I looked around to see if I was near at the end of the line already. "Pasakay na ako sa LRT."
"Don't," anas n'ya. Narinig ko ang pagtunog ng makina ng kotse sa kan'yang background. "Sunduin na kita. Kaya kitang ihatid papunta sa pupuntahan mo."
"Nakakahiya."
"I'm courting you. . .let me do this once in a while," malambing n'yang saad. "Mas panatag ako kung ako ang maghahatid sa 'yo."
Hindi ko maikubli ang ngiting gumuhit sa aking labi. Kiran has always been constant when it comes to this. Magmula nang magkakilala kami at hanggang ngayon ay alagang-alaga n'ya ako sa paraan n'ya. Hindi ko tuloy maiwasan ang matakot na baka masanay ako sa kan'ya. . .I don't want to depend on him entirely.
Hindi na ako tuluyang nakasakay ng LRT dahil sinundo ako ni Kiran. He was persistent and drove like he was in a speed race just to fetch me. Sa byahe naman ay panay ang tanong n'ya sa akin kung gusto ko mag-drive thru. I would often decline but my stomach grumbled so we had to take out some burgers and fries.
"Ilang linggo ka na ba hindi nakakauwi roon?" patiunang tanong ni Kiran habang ang isang kamay ay nasa steering wheel. His eyes were on the road while I was feeding him some fries.
"Ah, months na yata," wala sa sariling sagot ko. I barely took notice of how many months has passed. Ang alam ko lang ay matagal na nung huling bisita ko roon.
It wasn't practical to always go back to our ancestral house. Lalo na't hindi naman ako suportado ng mga magulang ko sa daang tinahak ko. I would often wonder if things would have been different if they supported my dream. Baka siguro kada Sabado at Linggo ay nandoon ako upang makasama sila kahit malayo ito. Hindi nakakasakal o masakit sa kalamnan ang umuwi.
"Bakit ka umuwi? May kailangan ka ba roon?"
"Kailangan ko lang ng pahinga," sagot ko sa kan'ya. "Sa Maynila kasi ay hindi ko maiwasan mag-isip na marami akong tungkulin. Kailangan ko mag-aral, kailangan ko magtrabaho, at higit sa lahat ay kailangan ko makapagsulat. I needed a break from all of it."
"Sa probinsya mo lang ba 'yon nakukuha? Yung pahinga?" he asked, lumiko siya nang makita ang kanto na malapit sa aming bahay.
We're near. . .
Umiling ako at malungkot na ngumiti. "Hindi rin."
Ang bahay namin ay hindi ko p'wedeng gawing tahanan. Ang mga dingding namin ay nagtatago ng mga matitinis na sigawan sa pagitan ng aming mga magulang. Ang mga bintana ay may makakapal na kurtina upang hindi masilip kung gaano kagulo ang loob nito. Kung gaano kaliit ang espasyo ng aming bahay—gano'n namang kalawak ang agwat naming magkakapamilya sa isa't isa.
May maliit na garahe si Papa kaya naman nang makita ko na wala rito ang aming tricycle ay agad akong sumenyas kay Kiran na bababa na muna ako. He pressed the power door lock button on his side to let me out. Agad kong binuksan ang pintuan ng kotse at lumabas upang mag-doorbell sa aming tahanan. I pressed it for the third time, doon lamang ito tumunog.
"Ate Nacia?" Sumalubong sa akin si Anton, ang nakakabatang kapatid ko.
"Tonton!" Ngumisi ako nang makita ang katawan n'ya. Lumusog siya! May towel siya sa likod at nakasandong puti lang. Pawis na pawis siya habang may hawak na basket.
"Ate Nacia!" He hugged me upon confirming that it was me. "Buti naman po nakabisita ka! Kamusta ang Maynila, Ate?"
I smiled and ruffled his hair. Agad n'yang hinawi ang kamay ko na ginugulo ang kan'yang buhok.
"Ang laki mo na," I breathlessly said. "Parang dati ay nagpapatulong ka pa maghugas ng tae sa pwet."
"Ate! Kadiri naman po!" Ngumiwi siya at bahagyang ngumuso. "Ang daming p'wedeng maalala, ayan pa talaga ang binanggit mo."
"Ang bilis mo lumaki. . ." ulit ko nang mapansin na halos hanggang balikat ko na siya.
He sighed. "Matagal ka lang po nawala, Ate Nacia."
A part of my heart clenched upon hearing that from him. Pursuing my dream meant leaving him behind here. No'ng unang gabi ko sa Maynila, umiyak ako nang umiyak dahil hindi ko kayang hindi kasama si Tonton. He was the only one who believed in my capabilities. He would often read my notebooks and tell me how much of a good writer I was. Nahilig daw siyang magbasa dahil sa akin. That was the biggest compliment ever—making a reader out of a person.
"Saan ka pala galing? Nand'yan ba sina Mama at Papa?" tanong ko sa kan'ya habang sumisilip sa loob ng bahay.
"Pareho po silang pauwi pa lang. Si Mama ay nasa palengke, si Papa ay malamang nasa linya ng TODA po ngayon," sagot n'ya at ngumiti. "P'wede ako pumunta roon para sabihan sila, Ate Nacia!"
Umiling ako, "Okay lang, Tonton! Maghintay na lang kami rito."
His eyebrows furrowed. "Kami po?"
Sumilip mula sa sasakyan si Kiran. Nanglaki ang mga mata ni Tonton at halos kumawala ang panga dahil sa gulat. Bumalik ang tingin n'ya sa akin at itinuro yun.
"L-lalaki po yun, 'di ba?!" Tonton asked exaggeratedly.
"Ah, oo—"
"Mga kapitbahay! Naguwi si Ate Nacia ng lalaki!" Dumadagundong na sigaw ni Tonton.
This time, ako naman ang nanglaki ang mga mata lalo na't bigla-biglang nagsilabasan ang mga kapitbahay namin upang silipin kung ano ang nangyari. Upon seeing the high-end car on the driveway, halos magsibulungan silang lahat.
"Hala? buntis na pala si Nacia?"
"May umangat na naman sa laylayan sa atin! Saang dating site n'ya kaya nakilala 'yan?"
"Kaya siguro wala d'yan madalas dahil ibinahay na ng isang lalaki!"
Samu't-saring bulungan ang narinig ko at lahat ng yun ay ekseherada pa! I even looked at them with contempt. Grabe, ang bibilis naman nila sa tsismis!
Napailing na lang ako at nahihiyang lumingon kay Kiran. He looked perplexed, his cat-like eyes widening. Mukhang kahit siya ay nagulat sa reaksyon nila.
The rumor spreads like wildfire, nagulat na lang ako dahil rumesponde agad sila Mama sa bahay, bumaba siya ng trike at agad kaming sinipat. Ilang minuto lang ay nakarating na siya at pinagbuksan kami ng gate para makapasok si Kiran.
"Pasok kayo," malamig na utas ni Mama. She looked at me, her eyes turning into slits.
Galit yata siya.
Hindi ko tuloy alam kung tama ba na umuwi muna ako rito o dapat ay hinayaan ko na lang muna na humupa ang nararamdaman n'ya para sa akin. Pero hanggang kailan ako maghihintay na maging maayos ang trato n'ya sa akin?
"Hindi ka nagsabi na uuwi ka pala," pasaring sa akin ni Mama.
"Hindi n'yo po sinasagot ang mga tawag ko," mahinang tugon ko sa kan'ya.
"Wala akong load," she blatantly lied. Ako naman ang tumawag, kahit wala siyang load ay masasagot n'ya ito.
Pumunta kami sa sala. Binuksan ni Tonton ang electric fan at tinapat kay Kiran. Bahagyang nagulat si Kiran dahil dito, he probably couldn't see it himself but he was sweating. Kahit ang tagaktak ng pawis n'ya ay lalo lamang siyang ginawang gwapo. Hindi siya dugyot tingnan.
"Thanks," mahinang sambit n'ya kay Tonton.
"You know uhm, Filipino?" Tonton asked. "I will teach you how to be Filipino."
Kiran's tongue glided on his lips. Bahagyang nagtaas ng kilay. "What?"
"Yes, that's what!" Bungisngis ni Tonton. "I am your sensei."
"Jusko po," pahapyaw kong sambit nang marinig yun. "Marunong siyang mag-Tagalog, Tonton."
"Bakit ka umuwi, Athanacia?" tanong ni Nanay at naghain ng merienda sa aming harapan. It was a pitcher of juice and some bread from a local bakery.
"Na-miss ko lang po rito," sagot ko sa kan'ya. Her eyes turned into slits as she heard those words from me.
"Sana nag-message ka na lang," saad n'ya sa akin. "At sino itong kasama mo?"
"Si Kiran po," pakilala ko kay Kiran. "Kaibigan ko po."
Kiran slackened his jaw, bahagya akong nagulat nang maramdaman ang kamay n'ya sa aking hita.
"Mangliligaw n'ya po ako," Kiran corrected my words. My cheeks promptly reddened. Hindi man lang ba siya nasindak kay Nanay?
"Nagdala ka pa ng palamunin," wika ni Nanay at sumulyap kay Kiran.
Kiran furrowed his brows. "Paano ako naging palamunin? Eh, busog ako?"
"Kiran. . ." I hushed him, my eyes widening.
Napabuntonghininga si Nanay. "Dito ba kayo matutulog? Hindi kayo p'wedeng nasa iisang kwarto lang. Babae ka, Nacia. Kaunting delikadesa naman. Gan'yan ba talaga utak ng mga nasa Maynila?"
Kiran shot up a brow. He was obviously offended by the statement. Ang tanging pumipigil lang siguro sa kan'ya na sagutin si Nanay ay dahil sa akin.
"Hindi rin naman po ako makikitulog," sabat ni Kiran at bahagyang nagtaas ng kilay. "I'll book a hotel room na lang po. Saan po ba ang nearest dito?"
Nanglaki ang mga mata ni Nanay. "Walang ganoon dito. Umuwi ka na lang."
I could feel the hostility permeating across the corners of this house. Mali nga sigurong umuwi ako ngayon habang bumubuga pa ng apoy ang mga damdamin nila sa akin.
"Uuwi rin po kami agad," saad ko at nilunok ang bikig sa aking lalamunan. "Pasensya na po."
Pinipigilan kong lumandas ang mga luha sa aking mata. Okay lang 'yan, Nacia. The pain in your heart, the shaking of your voice, and this moment would fuel your desire to create more stories to sympathize with.
Sumulyap sa akin si Kiran. "Marami kang dalang damit. . ."
Lumingon ako sa kan'ya. Oo nga pala, halos isang maleta ang dala kong damit na nasa kotse n'ya ngayon. Balak ko sanang ibalik ang iba sa aking kwarto pero mukhang walang balak si Nanay na tanggapin akong muli.
Malungkot akong ngumiti sa kan'ya. "Pasensya na ha? Baka magpatulong ako mamaya pag-uwi sa pagbalik ng mga damit na yun sa dorm."
Hindi namin ginalaw yung tinapay at juice. Si Tonton na inosente ang kumain no'n para sa amin. Ramdam ko na hinihintay lang ako ni Kiran na yayain siyang umuwi na. Buong araw na tahimik lang ang kapaligiran namin. Ni hindi man lang ako kinamusta ni Nanay at mukhang walang balak umuwi si Tatay.
"Magpapaalam lang ako, Kiran," I squeezed his hand as I looked at him. "Uwi na tayo?"
"Sigurado ka ba?" Nagaalalang tanong n'ya sa akin. "We can just go. Bilhan lang natin sila ng food tapos alis na tayo."
"Hindi na." Umiling ako sa kan'ya.
I left Kiran for a while and went to the kitchen. Naabutan ko roon si Mama na may ka-videocall na kamag-anak namin. My heart clenched because I didn't know she already had a new phone; kaya na pala n'yang makipag-video call o tumawag kahit hindi load ang gamit.
"Kamusta kayo d'yan? Si Nacia? Nasaan na? Dalaga na ba?" tanong ng Tita ko, umaalingawngaw ang kan'yang boses.
"Nasa kolehiyo! Sa Maynila! Nagaaral nang mabuti," sagot ni Nanay habang nagsasabon ng mga plato.
"Ano ang kurso?"
"Civil Engineering," magiliw na sagot ni Nanay.
I watched how they conversed delightfully upon hearing my supposed course. Nanatili naman akong nakatayo lang at nagmamasid kay Nanay. She looked happy. . .while telling them I was studying hard to become an engineer.
Hindi ba n'ya kaya maging gan'yan kasaya kung writer ako?
Parang pinipiga naman ang puso ko dahil hindi ko alam. . .bakit kailangan n'yang magsinungaling? Bakit hindi n'ya kaya sabihin sa kanila kung ano talaga ang kinukuha ko? Na magiging manunulat ako?
Kinakahiya n'ya ba ako?
May nakakahiya ba sa akin?
Napatda ako sa aking kinatatayuan. Halos manglabo ang mga mata dahil sa mga nagbabadyang luha.
"Oh siya! Tatapusin ko pa itong mga hugasin ko," tawa ni Nanay at nanglaki ang mga mata nang lumingon sa akin. Agad n'yang pinatay ang cellphone sa akin.
Lumapit ako sa kan'ya kahit tila ba para akong isang babasaging bagay na isang tabig lang ay mababasag na. I could feel the pain pulsating through my veins. Hindi ko siya matingnan nang deretso.
"Bakit po ang pakilala n'yo sa akin ay anak n'yong Civil Engineering ang kinukuha?" tanong ko sa nanginginig na boses.
Hindi n'ya ako sinagot. Nag-iwas siya ng tingin kaya lalong sumidhi ang aking damdamin. She's ashamed of what she did. Pero wala akong nakikitang pagsisisi sa kan'yang mukha. Para bang nahuli lang siya pero ayaw n'yang aminin.
"Nay n-naman. . ." naiiyak kong sabi. "Alam mo naman pong hindi yun ang kinuha ko."
"Ang liit-liit na bagay, Nacia, pinapalaki mo masyado," malamig n'yang sabi.
"Maliit para sa 'yo kasi hindi mo po pinapahalagahan," I breathed out. "Pero bakit? Hindi ko po maintindihan kung bakit hindi mo na lang sinabi ang totoo? Marangal naman ang kinukuha ko, Nay."
"At anong sasabihin nila, Nacia?" Tumaas ang kan'yang boses. "Hindi mo ba naisip kung anong sasabihin nila kung sakaling malaman nila ang totoo?"
'Ano na lang ang sasabihin nila?' This phrase has killed a lot of dreams—and mine's been buried because of it. Maraming pangarap ang hindi natupad dahil inaalala namin kung ano ang magiging reaksyon ng iba. Pamilya. Kaibigan. Kahit ng ibang tao lang.
Bakit ba mahalaga yun?
Why do we place the opinions of others above ours? Why do we carry the weight of how others would view the life we yearn to live? We'd rather rot in our own self-imposed cage than pursue something that would make us happy because we're scared of being perceived as failures in front of others.
"Hindi ba yun ang totoo? Wala ka naman talagang mararating sa kinukuha mong kurso," mabalasik n'yang puna sa akin.
It paralyzed me, her words were like daggers being thrown at me with sudden speed. Each word was swiftly directed to my soul.
"Bakit naman kailangan mong sabihin na ibang kurso ang kinukuha ko, Nay?" I asked in disbelief. Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n kababaw ang tingin n'ya sa akin.
"Dahil yun naman ang dapat, yun ang tama." She snorted then proceeded to wash the dishes.
My eyes pooled in tears. "Hindi ka po ba proud sa akin?"
Nagkaroon ng panandaliang katahimikan at kumalansing ang ibang mga kubyertos sa lababo.
"At sino naman ang magiging proud sa 'yo?" Halakhak n'ya sa akin, tila ba nagpapatawa ako.
My heart clenched, her words easily crushed the remaining hope I had that one day she'll be happy for me. Akala ko ay oras lang ang kailangan n'ya para matanggap ang desisyon ko.
"Bakit hindi n'yo ako kaya suportahan?" I asked, trying to breathe in. My lips quivered as I maintained my posture; pakiramdam ko ay nanghihina na ang mga tuhod ko. Hindi ko na kayang manatili pa rito.
Humarap siya at nanglilisik ang mga mata habang dinuduro-duro ako. "Dahil hanggang mababaw ang pangarap mo, hanggang hindi mo kayang magsakripisyo para sa amin, hinding-hindi ako magiging suportado sa pagiging suwail mong anak!"
"Nay. . ." tuluyan na lumandas ang aking mga luha, I tried to breathe in to stop it from pouring further. "I'm sorry. . ."
She held her breathe as well, na para bang mahirap ito para sa kan'ya. She shook her head as she tried her best not to look at me.
"Umalis ka na," mahinahon na sambit ni Nanay. "Wala akong anak na makasarili."
I wasn't able to answer anymore. Napapikit na lang ako at unti-unting tumango. Dahil kahit batuhan n'ya ako ng masasakit na salita, kahit harap-harapan n'ya akong pinagtutulakan palayo, at kahit. . .hindi n'ya kayang maging proud sa akin. . .mahal ko siya bilang ina.
Umiiyak ako nang lumabas sa kusina. Namamaga na ang mga mata habang hinahabol ang hininga. Mabuti na lang na wala na si Kiran at Tonton sa sala. I waited outside and immediately saw Kiran running towards me.
He held me on my cheeks as soon as he was near me. "Anong nangyari?"
"W-wala."
"Bakit ka umiiyak?" mahinang sambit n'ya, he was caressing my cheeks. "Bumili kami ng dinner ni Tonton. Gusto mo pa bang kumain doon? O uwi na tayo?"
"Uwi na," namamaos kong saad. "Pagod na ako, Kiran."
Mas nakakapagod pala ang manatili sa bahay kaysa humarap sa ibang tao.
Unti-unting napatango si Kiran. Pinalis n'ya ang mga luhang lumandas sa aking pisngi. His warmth enveloped me. Lalong napiga ang aking mga mata para umiyak.
"Magpapaalam lang ako kay Tonton," sabi ni Kiran. "Ikaw ba?"
"B-baka hindi na. Pakisabi na lang na bibisita na lang ulit ako," malungkot kong ngiti.
I don't want Tonton to see me crying. Ayokong isipin n'yang hindi okay ang pamilya namin.
Nakatitig lang sa akin si Kiran, his eyes were flickering with pity. He wetted his lips then sighed. Nauna akong pumasok sa kotse at hinintay na lang siya magpaalam kay Tonton. Napapikit ako habang iniisip kung bakit ko ba ginustong umuwi? Alam ko naman sa sarili ko na hindi na nila ako tanggap.
Ilang minuto lang ay pumasok na si Kiran at binuhay na ang makina. Tahimik siyang nagmaneho habang ako naman ay patuloy lang sa pagtanaw sa daan namin.
"Nacia?" He called for my attention.
"Y-yes?" Lumingon ako sa kan'ya.
"Nag-abot si Tonton ng bananaque," sambit n'ya habang nagmamaneho. "Nagbebenta pala siya tuwing uwian nila."
"Ah. . ." Napangiti ako. "Masipag talaga siya."
"Pinapabigay n'ya sa 'yo kasi paborito mo raw ang bananaque na gawa n'ya," he said then smiled. "Your brother is proud of you for pursuing your dream. Sabi nga n'ya sa akin ay sana raw kainin mo ang bananaque habang nagsusulat para siya raw ang maalala mo at ganahan ka makatapos ng storya."
I smiled at him. "Thank you. Sa susunod na bisita ay sana may manuscript na akong maibibigay sa kan'ya upang mabasa n'ya."
Kiran smiled at me, a genuine one. Bumilis ang pintig ng puso ko. I would always admire moments like this one, where he was vulnerable to me.
"I'm proud of you," sambit n'ya sa malumanay na boses. "In case others have made you feel that you aren't worthy of living your own life. . .I hope you know that someone out there is proud of you for making brave choices; for turning your fears into motivation to pursue it more. Thank you for still writing, Nacia."
My lips quivered as soon as I heard his words. Ang masasakit na salita ni Nanay ay napawi ng mapangunawang pananalita ni Kiran. Words are indeed powerful, they can either make you or break you—and thus, we should only listen to the words that encourage us to hope that someday we will make it and the person who would be most proud of us is not others but ourselves.
Nakauwi kami ni Kiran at tinulungan n'ya akong magbalik ng mga damit ko. He looked around my dorm and his forehead knotted.
"Do you want to live in my condo?" tanong n'ya sa akin. "I can get you a unit there. Yung katabi ko lang kung gusto mo?"
"Mahal. . ."
Natigilan siya at lumingon sa akin.
"Ako naman magbabayad," he shrugged off.
Umiling ako. "Ayoko kasi baka malungkot si. . ." yung white lady.
"Sino?"
I decided not to tell him and only chuckled to myself.
Umuwi si Kiran na halos madaling araw na. Ako naman ay nagsimulang magsulat. All of this pain. . .will not go to waste. Totoo nga ang sabi nila, my character needs to go through failures, pain, and heartbreaks to trigger a change. Nagsimula akong magtipa sa laptop na pinahiram sa akin ni Sir Pablo Bello. Suddenly, my writer's block was gone. It was replaced by the need to write words to release my emotions. It became a catharsis for me. It healed my wounded soul. It reminded me why I write.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro