Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Acrofyce 1: Lights

Ayesha's PoV

Friends are the second family. They can be your crying shoulder, protector and savior. Nagpapasalamat ako dahil isa ako sa mga may kaibigan na gaya ng mga iyan. I'am lucky to have them indeed.

"Ayesha! Hello earth to! Earth!" napapikit ako dahil sa malakas na sigaw. Pagbukas ko ng mata nakita ko kung sino ang sumigaw.

"Hey! Nasira yata yung eardrums ko dahil sa sigaw mo!" sabi ko kay Thea pero tinawanan niya lang ako. Ewan ko talaga kung ilang megaphone yung nalunok niya sa lakas ng boses.

"So ano balak natin after graduation?" tanong sa amin ni Zike.

Nandito kami ngayon sa tambayan namin dito malapit sa park pero actually part na din siya ng park pero sa may parte na mapuno para di gaanong matao at kami lang ang makakapunta.

Isa pa, ang tahimik sa lugar na ito at kami lang ang nag-iingay.

"Tara sa beach tapos lunurin natin si Kiara!" presenta ni Theo kaya sinamaan siya ng tingin ni Thea. Napatawa na lang kami.

Oopss wrong move Theo.

"So masaya ka diyan? Kung mag hiking nalang tayo tapos iligaw natin iyang lalaking 'yan para mawala siya. Wala naman kasi 'yang sense of direction!" sigaw naman pabalik ni Thea habang dinuduro si Theo kaya napatawa na naman kami dahil doon.

Sila talaga 'yong madalas magbangayan sa barkada, sila 'yong nagpapagaan ng sitwasyon.

"Magtigil nga kayo o pag-uumpugin ko kayong dalawa!" sabat naman ni Kiara sa mala-megaphone na boses kaya napatigil sila.

Kung si Thea at Theo ang madalas magbangayan, idagdag pa sina Brent at Thyn, si Kiara naman ang moderator.

Napangiti nalang ako dahil di ko inaasahan na magiging kaibigan ko sila. Through out my high school year wala akong naging kaibigan although meron pero alam kong hindi pagkakaibigan ang habol nila. Naalala ko na naman kung paano kami naging makakaibigan ni Thea.

~Flashback~

"Ayesha ikaw na bahala sa mga papeles regarding sa upcoming events ng school at ipa-sign mo na rin," utos sa akin ni Principal at inabot and tatlong patong na papeles.

Hindi ko inaasahan na ganito pala kapag President ng school. Kung alam ko lang sana di na ako pumayag na tumakbo.

"Dinagdag ko na pala diyan 'yong about sa mga projects this school year tutal ikaw ang president ng student body," sabi ni Principal sa akin.

"And also pass this to me at exactly 4:00 in the afternoon, okay?." Tumango nalang ako. Is this my lucky day? Mukhang maswerte ako ngayong araw. Tsk!

"Okay principal gagawin ko po." Sagot ko na lang dahil wala din naman akong magagawa.

Lumabas ako sa Principal's Office at naglakad patungo sa west wing ng school dahil naroon ang office ng officers kagaya ko.

School hours ngayon kaya walang estudyante ang pakalat kalat. Nakarating ako sa Office namin at pagbukas ko mg pinto ay diretso na ako sa desk ko upang simulan ang trabaho ko.

Hinanap ko ang vice president pero diko siya makita sa loob, sakto naman bumukas ang pinto at inuluwa si Kera, siya ang auditor ng students body.

"Miss Ayesha pinapasabi po ni Vice Finn na di siya makakapasok today due to a family emergency," sabi nito na sumagot sa tanong ko sa isip.

Napahilot na lang ako sa sentido at tumango na lang bilang sagot. Gagawin ko na lang ito mag-isa tiyak akong may ginagawa rin yung mga iba.

Linapag ko ang mga papeles na binigay sa akin at sinumulan kong i-classify ang mga iyon. Nahagip ng mata ko ang wall clock at saktong alas tres na ng hapon.

"May isang oras pa ako," huminga ako ng malalim at nagsimula na akong magtrabaho para mabilis kong matapos.

Nag-unat ako ng katawan at tinignan muli ang orasan at trainta minutos na lang and natitira.

Inayos ko na isa isa ang mga papeles at lumabas ng office dumiretso ako sa office ng mga head teachers para magpa-sign.

This is tiring!

After kong magpa- sign ng papers ay maaliwalas na ang mukha ko't nakapaskil ang malapad na ngiti. Naglalakad na ako ngayon papunta may principal para ihatid ang mga papeles.

Napadaan ako sa may fountain sa ground floor. Hindi na ako naglakad pa sa hallway dahil mas madali kapag sa may fountain ako dadaan. Short cut ika nga. Napalingon na lang ako ng may marinig akong sumigaw.

"Tabi!!" isang babae ang sumigaw at naka skate board siya pero huli na dahil di ako nakaiwas pa kaya ang ending nabangga niya ako at nabitawan ko ang mga papeles diretso sa may fountain.

"Aray!"sabi ko na lang habang hinihimas yung pwetan ko dahil sakit ng pagkabagsak ko. Lumapit sa akin 'yong babae bago magsalita.

"Sorry di pa kasi ako sanay, tapos may humahabol kasi sa akin."sabi ng babae sa akin at tinulungan akong tumayo then I realize..

"Iyong mga papeles!!"tumayo ako at nakita ang palutang lutang na mga papeles sa tubig ng fountain. Nanlumo ako dahil sa nakita tiyak hindi na ako aabot sa oras.

"Oh sorry for that let me help na lang." napatingin ako. Hindi na niya ako hinintay na magsalita dahil hinila na niya ako going to somewhere. Nakatayo kami ngayon sa harap ng Principal's Office. Pinagpapawisan ako ng tado at kinakabahan. Bakit ba kasi naririto kami?

"Chill I got you!"prenteng sabi nito sa akin. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa amin si Principal.

"Oh President Ayesha are you done with the papers?" wala akong mahanap na salita para isagot sa kanya, tila napipi na ako.

"Uhmmm okay let me explain,"rinig kong sabi ni... ewan ko kung sino siya basta yung bumangga sakin.

"And why are you here Thea?"sabay baling ng tingin sa katabi ko na Thea daw ang pangalan.

"Uhmmm nabangga ko siya kaninang naka sakay ko sa skateboard ko sa may fountain kaya..."napataas naman ng kilay ni Principal. Oh please guide me hail mary!

"Kaya napunta sa fountain yung papeles?"patanong na sabi niya kay Principal.

"Theaa!! ano na naman ba ang pinaggagawa mong bata ka!!" sigaw ni Principal sa kanya napangiwi na lang ako dahil sa lakas.

"Tita there are group of ugly bitches running after me so I escape them." Tita? She called her Tita? So pamangkin siya ni Principal? Of course pamangkin siya Maya!

"Ewan ko kung anong gagawin ko sayong bata ka!"sabay hilot sa sentido niya.

"Kasalanan ko bang maganda ako at gusto ng mga boys nila?"sabi niya sabay flip ng buhok. Wala ng nagawa si Principal kaya lumabas na kami ng sabay ni Khiza, biglang nawala ang kaba ko about sa mga papeles buti na lang talaga.

"Hey uhmm sorry again about what happen."liningon ko nman siya at ngumiti.

"Okay lang tutal tinulungan mo naman ako."sagot ko pabalik sa kanya.

"Can I be your friend?"out of the blue na sabi niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Friend?

"If its okay to you?"ngumiti ito sa akin.

"Its okay with me I'm Ayesha."pagpapakilala ko sa kanya.

"I'm Thea, "sagot nito sa akin.

"You're my very first friend I don't have any back then because everyone is just materialistic kind of friend and I think you're not one."pagpapatuloy nito. I didn't expect it tho.

"You're my very first friend too and yeah I'm not materialistic." it's true,  she's my very first friend.

Because of what happen nadentention kami ni Thea although hindi ako kasali pero sinamahan ko na lang dahil mapilit. Hindi na bago sa kanya ang detention pero sa akin first time kong pumunta. Pagpasok namin ni Thea ay umupo agad kami sa kalapit na upuan at nag-usap pamatay ng oras. Napatingin kami sa pinto at pumasok ang isang lalaki magulo ang buhok at putok ang kaliwang kilay niya. Siguro nakipaglaban siya.

"Anong tinitingin tingin mo!"sigaw sa akin ng lalaki kaya napaiwas ako ng tingin.

"Hoy Brent huwag mo ng siyang sigawan!"sigaw naman pabalik ni Thea. Magkakilala sila?  I guess oo kasi nagsabihan ng pangalan e.

----

"Ayesha! Hello! Ayesha!"nabalik ako sa realidad dahil sa sigaw. Sino pa ba siyempre si Thea.

"Huh?" wala sa sariling tanong ko sa kanila kaya naman sinamaan nila ako ng tingin. Masyado ata akong nag space out.

"Kanina ka pa lutang okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Brent.

"Okay lang ako pagod lang siguro." sagot ko sa kanila sabay ngiti.

"Siguro nga."usal naman sa akin ni Brent. Hindi ko inaasahan na ang basagulero at mapanigaw na Calli ay may tinatago pa lang lambing at concern pero sa amin lang.

"Hoy! Brent sa ka na naman pupunta tumulong ka kaya dito!"sigaw ni Thyn sa kanya.

"Matutulog?"patanong na sagot nito.
Kumunot naman ng noo ni Thyn dahil doon.

"Zike nasaan na 'yong cellphone mo?"tanong ni Thyn kay Zike. 

"Bakit mo natanong?"nagtataka namang tanong sa kanya nito. Mukhang alam ko na kung anong gagawin ng babaeng to.

"Nariyan kasi 'yong mga pictures niya noong nag-overnight tayo kila Thea pati na yung video na nadulas siya sa may gilid ng pool at yung nalasing siya at natulog siya na tulo laway, ipo-post ko 'yan para mawala fans club niya bilis!"pagkasabi 'yon ni Thyn ay ang pagbalik naman ni Brent sa upuan niya at nagtanong kung ano ang gagawin. Takot ang mokong.

"So ano gagawin natin after graduation?"panimula ni Brent. Takot lang niya kay Thyn.

"Overnight?" Thea and Theo said in unison.

"Hiking na lang kaya?"suggest naman ni Kiara.

"Sine na lang kaya?"sabay na sabi naman ni Zike at Thyn. 

"Pwede rin naman sa beach?" bigla naman silang napatingin sa akin, iyong tipong may nasabi ba akong masama?

"What?"taka kong tanong sa kanila.
Dinamba ako ng yakap ni Thea at ni Thyn sabay lapit naman si Kiara at yumakap din sa akin ng mahigpit. Hindi ko sila maintindihan, ano ba nangyayari? Tinignan ko sila Theo, Zike at Brent pero ay nagkibit balikat lang sila sa akin.

"Wait anong nagyari sa inyo?" tinapik ko sila para umalis sa pagkayakap sa akin. Kumalas sila ng yakap at nakangiti parin.

"Ngingitian niyo na lang ba ako?"tila nagising naman sila dahil sa sinabi ko.

"You know Kiara may mga tao talagang minsan lang magsalita pero sulit diba?" biglang tanong ni Thea kay Kiara. Huh? Anong connect no'n sa tanong ko?

"Of course, at meron din namang tao na worth it pakinggan yung sagot kahit maikli lang diba Thyn?" nabaling ang tingin ko kay Thyn na nakangiti lang at tatango-tango. Tinignan ko ulit yung tatlong lalaki, si Theo na naka kunot ang noo habang nakatingin sa amin si Zike na nakahalukipkip lang at si Brent na humihikab. Okay wala din naman akong makukuhang sagot sa tatlong 'yan.

"Tama ka Kiara, and also meron din yung taong matalino pero slow din minsan diba Thea?" nabalik na naman 'yong tingin ko sa tatlo.

"Yes meron talaga diba Ayesha?" biglang tanong sa akin ni Thea.

"Huh? Ako? Anong alam ko sa mga sinasabi niyo."totoong sabi ko sa kanila. Kita ko naman na napairap silang tatlo sa akin.

"Kuya Theo abutan mo nga ako ng bato pukpukin ko lang itong si Ayesha kanina pa to e!"sigaw ni Thyn kay Theo na hinagisan naman ng bato.

"Wait okay? Wait pwedeng sabibin niyo na lang sa akin?"sabi ko sa kanila kaya napabuga na lang sila ng hangin.

"Okay, ang point namin is sa lahat ng nagbigay ng suggestions 'yong  suggestion mo 'yong pinaka nagustuhan namin,"sabi ni Kiara sa akin.

"Minsan ka lang magsalita but then may kabuluhan,"si Thyn naman 'yong nagsalita.

"And lastly matalino ka pero slow ka minsan, minsan lang naman."sabi ni Thea. Napakamot na lang ako mg ulo dahil sa mga sinabi nila.

"Hindi ko alam kung bakit ikaw ang naging valedictorian."natatawang saad ni Kiara sa akin na ikinatawa namin.

"Ako nga din hindi ko alam dapat nga si Zike e!"kumunot naman ang noo nitong tumingin sa akin.

"Knowledge is not all about knowing all the things, it's about knowing, applying and living with the knowledge you earned, that is what knowledge for me,"he said without even take any single break. Now I'm confused kung karapat dapat ba akong maging valedictorian.

"And you manage to have it all Ayesha that's why."he added and turn his gaze away from us.

"It's so deep like a...like a blue sea!  Hahaha!"pambasag ni Brent sa katahimikan dahilan para mapatawa kami.

"You're right Brent, it's so deep like the Bermuda Triangle. Hahaha!"segunda pa ni Theo na mas lalong nakapagpatawa sa amin, habang iiling-iling dahil sa kalokohan ng dalawa.

"So final na 'yon?"biglang sabat naman ni Brent sa usapan.

"I think it's a yes."casual na sabi ni Zike. 

"Wala naman tayong magagawa e."napatango na lang 'yong dalawang lalaki dahil sa sinabi ni Brent.

"At ano ang ibig niyong sabihin na kami lagi ang nasusunod ha!"sigaw ni Thyn sa kanila. Oh no this is war.

"Bakit di kayo mag suggest ng iba na mas maganda sa suggest ni Yesha, sige!"segunda naman ni Kiara.

"At higit sa lahat kung ayaw niyo e di huwag kayong sumama, ayaw niyo ba?"pinanlakihan ni Thea ng mata ang tatlo kaya wala na silang nagawa pa.

"May choice ba kami?"panabay nilang bigkas.

"Wala!"sagot naman ng tatlo sabay apir sa isa't isa at tumawa. Napailing na lang ako dahil sa mga kagagawan nila. They are the best barkada ever. Hindi ko nag-expect na magkakaroon ako mga kaibigan although nangarap ako and now I have them hindi lang isa kundi anim na kaibigan ang meron ako. Habang tinitignan ko silang nag-uusap at nagbabangayan ay napapangiti narin ako.

Theo and Thyn are twins nakilala namin sila dahil kay Brent, pero minsan si Thea ang napagkakamalan dahil sa pangalan nila. Simula noong nagkita kami nila Thea sa detention ay naging magkaibigan na kami. Si Kiara naman nakagrupo lang namin siya sa isang group project, tahimik lang siya dati hindi ko alan kung anong nangyari sa kanya ngayon. Hahaha! And then Zike? Si Zike naman ay ganyan na dati pa, tahimik lang din siya at di gaanong nagsaslita sa public pero kapag kami-kami lang ay maingay din naman.

Nakikilala namin siya sa...saan nga ba? Wait lang... Ah sa library, tama sa library may project kami noon at wala 'yong kailangan naming libro dahil kinuha niya lahat para basahin. Naalala ko pa noon na muntik na namang awayin ni Brent dahil kinuha niya lahat pero pinigilan namin. He offered us to sit with him kung kailangan namin 'yong libro kasi kailangan niya din,  kaya in the emd kasama namin siyang nag-aral. Mula noon ayun naging malapit na kaming lahat.

"Ayesha?"Destiny siguro ay hindi lang sa pag-ibig kundi pati narin sa pagkakaibigan.

"Yesha?"I'm very lucky and thankful to have them. I love all of them.

"Ayesha!"napalingon ako sa sumigaw. Nakita ko na naman silang masama ng tingin sa akin.

"Ano? Bakit?"nag space out na naman ba ako?

"Kanina ka pa namin tinatawag okay ka lang ba talaga?" si Zike 'yong nagtanong sa akin. Ngumiti lang ako sa kanila at tumango bago sumagot.

"Naisip ko lang na sobrang swerte ko sa inyong lahat." naging malambot naman ang mga ekspresyon nila dahil sinabi ko.

"Huwag ka ngang magpaiyak ngayon!"napailing nalang ako dahil sa sinabi ni Thyn sabay punas kuno ng luha niya.

"Oo nga reserve mo 'yan para sa valedictory address mo!"sabi naman ni Thea sabay lapit at yakap sa akin ganon din ang ginawa ng dalawa.

"Reserve your tears for graduation."sabi sa amin ni Luke.
Tumayo si Thea at tumayo sa harapan naming lahat at ibinuka ang dalawa niyang kamay.

"Anong ginagawa mo?"tanong ni Brent sa kanya.

"Yakap sa hangin gusto mo?"napatawa naman kami dahil sa sinabi ni Theo. Sinamaan niya lang ito ng tingin.

"Ikakasaya mo 'yan?"namaywang siya at nakatingin kay Theo, nagtaas naman dalawang kamay si  Theo na parang sumusuko.

"Group hug tayo dali!"napailing na lang kami dahil 'yon lang naman pala.
Tumayo na kami at pumunta sa kaniya nag-akbayan kami habang may ngiti sa aming mga labi.

"Brent 'yong camera kunin mo picture tayo bilis!"excited na sabi ni Thyn kaya wala na siyang nagawa. Inayos ni Brent ang pagkatayo nito bago tumabi sa amin. Ngumiti kami sabay kislap ng camera. Marami pa kaming litratong kinuha sa iba't ibang anggulo at post. Pagkatapos naming kumuha ng mga litrato'y kinuha na ni Thyn ang camera at umupo sa tabi ko. Tawanan ang pawang maririnig dahil sa mga nakakatawang itsura namin sa mga litrato.

Their smiles are the kind of smiles I wanted to see on their faces, forever.

"Tama na 'yang tawa niyo dahil picture ko lang naman 'yong pinagdidiskitahan niyo kaya huwag na lang."maktol ni Brent sabay kuha ng camera. Sa aming lahat siya kasi ang may pinakamaraming epic face kaya kasalanan din niya. Hahaha!

"Nakakatawa ka naman kasi. Hahaha!"sagot naman ni Thyn sa kanya sabay halagalpak sa tawa.

"Tingin mo hindi ka nakakatawa sa picture mo?"napatigil sa pagtawa si Thyn dahil sa sinabi ni Brent.

"Well maganda naman ako, kaya ayos lang."usal nito sabay flip ng buhok dahilan para napamaang kami dahil sa sinabi niya. Ang taas naman ng self confidence ng babaeng 'to.

"Saan banda? Mukha kang chimpanzee! Hahaha!"bawi naman ni Brent habang umaaktong may hinahanap. Tumayo naman si Thyn at lumapit kay Brent.

"Mukha kang Gorilla!"pagsigaw nito. Ngayon ko lang na-realize na may megaphone din pala siyang tinatago.

"Para kang chimpanzee na sasabit sabit!"sigaw naman pabalik ni Brent.

"Para kang unggoy na nakasabit ng patiwarik!"magkasalubong na kilay naman na tugon ni Thyn.

"Orangutan ka!"sabi pa ni Brent.

"Halimaw na Gorilla!"pagsagot naman ni Thyn. Nagpatuloy lamang sila sa pagtatapon ng kung ano-anong klase ng unggoy hanggang sa magsalita si Thea sa tabi ko.

"Hindi mo ba sila aawatin?"tumingin ako sa kanya at umiling.

"Hayaan mo sila, mapapagod din 'yang mga iyan."sabi ko sa kanya at ngumiti. Umupo na lang kami ulit habang pinapanood silang magbangayan. Kulang na lang ng popcorn.

"Gorilla kang lalaki ka!"

"Chimpanzee kang amazona!"

Hindi yata nakatiis ni Kiara ang kaingayan nila kaya't bumuntong hininga ito bago magsalita.

"Guys pede ba kayong--"

"Tumahimk ka!"hindi na natapos pa si Kiara ang sasabihin dahil sa dalawa. Umirap na lang siya dahil dun.

"Ang ingay nila!"ikot matang sabi ni Kiara sa amin. Nagpatuloy pa ang bangayan nila hanggang magsalita na si Thea. 

"Titigil ba kayo o titigil?"mapagbantang sabi niya. Siguro'y naingayan din siya sa dalawa kagaya ni namin.

"Sabi ko nga titigil na."taas kamay na sabi ni Brent. Hindi ko alam pero kapag si Thea na ang nagsalita'y natatakot sila. Napapailing na lang ako dahil sa naiisip.

Nagpatukoy pa kami sa pag-uusap tungkol sa gagawin namin after ng graduation. Pagkatapos naming mag-usap ay nagsi-uwian na rin kami,  hindi na ako nakisabay sa kanila dahil walking distance lang naman 'yong bahay namin mula sa tambayan.
Habang naglalakad ako sa may eskinita patungo sa kanto malapit sa bahay, biglang nagkaroon ng nakakasilaw na liwanag mula kaya napapikit na lang ako. Nagmulat ako ng mata at nagkaroon ng pigura mula sa liwanag na sa tingin ko'y lalaki ngunit hindi ko maaninag ang mukha nito.

"Sino ka?"tanong ko sa kanya habang papikit pikit pa rin dahil sa liwanag na nagmumula sa kanya.

Si Lord na ba to? Kinukuha na ba ako ng liwanag? Bakit ang aga naman yata, bata pa ako e! Huwag naman sana.

"Patay na ba ako?"tanong ko ulit sa kanya pero wala parin siyang sagot.

"Sinusundo mo na ba ako?"ulit ko na namang tanong ngunit wala talaga.

"Sino k---"hindi ko na naituloy ang aking sasabihin ng naging madilim na ang buong paligid.

'Bakit madilim?' tanong ko sa sarili kaya't until unti kong binuksan ang mga mata ko dahil madilim. Bumungad sa akin ang pinaghalong itim at puting pintura, nilibot ko ang paningin ko at nasa kwarto ako?

Huh? Paanong--?

"Ayesha! Oh! Thank God gising ka na!"yumakap sa akin si mama. Nagtataka man ako pero yumakap narin ako pabalik. Humiwalay siya ng yakap at kita ko ang pag-aalala sa mukha nito kaya napakunot ang noo ko.

"Mama what's with that face?" tanong sa kanya kaya mula sa nag-aalalang mukha ay kumunot na rin ang noo nito. 

"You don't remember anything honey?"umiling nalang ako bilang sagot but then meron talaga pero hindi ako sigurado kung nangyari nga talaga. Bumuntong hininga si mama at tumingin sa akin.

"Nakita ka ni manong Bert sa may kanto na walang malay kaya dali siyang nagsabi sa amin at tatlong araw ka ng walang malay."nagulat naman ako sa sinabi ni mama. Nawalan ng malay? Pero paano?

Hanggang sa maalala ko iyong liwanag at 'yong lalaki. Napahawak ako sa ulo ko ng sumakit iyon.

"Huwag ka munang mag-isip ng kung ano-ano magpahinga ka muna."tumango na lang ako bilang sagot kay mama. After niyang sabihin iyon ay lumabas na rin siya sa kwarto ko. Akala ko hindi totoo iyon, 'yong lalaki, 'yong liwanag. Sino iyong lalaki? Bakit siya nagpakita? Bakit ako nawalan ng malay? Bumuntong hininga na lamang ako at pumikit ng mariin dahil sa tanong ko sa aking isipan na wala man lang kasagutan. Sila kaya nangyari rin kaya sa kanila?

Kinuha ko and cellphone ko at binuksan ngunit nagulat na lang ako ng makitang tadtad ako ng mensahe mula sa kanila. Inuna kong buksan 'yong mensahe ni Thea.

From: Thea

Hoy babae! Gising ka na ba? Nahimatay ka din ba!? Hoy! Ako kasi tatlong araw!!

From: Brent

Ayesha did you passed out? I've been asleep for 3 damn days!!

From: Thyn

Ayesha! Okay lang ba nagising ka na?! Replyyy! OMG! 3 days kaming tulog ni kuya sabi ni mama!

From: Theo

Hey! Kinulit ako ni Thyn kaya kakaamustahin na din kita. Nahimatay ka?

From: Kiara

Hoy! ghorl! Tatlong araw ka din bang tulog at nakahilata? Ha!

From: Z

I hope you're awake now if they texted you then all of the things they said is the same as mine too.

Bumungad sa akin ang sumagot sa isa sa mga tanong ko. So pati rin pala sila nahimatay at nakatulog ng tatlong araw? Coincidence lang ba or what?
Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko ngayon.

I texted them that I'm okay and I already woke up kaya napagpresenta na sila na pumunta dito a bahay para pag-usapan 'yong nangyari sa amin kasi hindi ko talaga maipaliwanag baka kung narito sila ay kahit papano malinawan kami. Bumangon ako mula sa kama at naglakad papasok sa kwarto para maligo muna bago bumaba at maghanda para sa pagdating nila. Pagkatapos ko'y bumaba na ako, naabutan ko si mama sa kusina na naghahanda ng meryenda. Bakit marami naman ata?

"Honey take this to the cinema room at doon na kayo ng mga kaibigan mo."sabi sa akin ni mama sabay abot sa akin 'yong tray ng pancakes at cupcakes. Inabot ko ito at tinignan siya.

"Their parents called me na pupunta sila kasi nag-aalala sila dahil kagagaling daw nila kagaya mo sa tatlong araw na tulog and ikaw din huwag kang gagalaw galaw."huwag daw muna gagalaw galaw pero inutusan ako? Tumango na lang ako at ngumiti sabay lakad papunta sa CR para dalhin 'yong tray.

"Bumalik ka ulit honey meron pa!"sigaw sa akin ni mama pero hindi na ako nag-abala pang lumingon. Hindi naman kami mayaman average lang. Bumalik ako at kinuha 'yong junk foods at drinks namin, saktong pagbalik ko sa may kitchen ay pagtunog naman ng door bell.

"Puntahan mo na baka sila ba 'yan."naglakad ako papunta sa pinto at binuksan ito. Unang bumungad sa akin si Thea na dinamba ako ng yakap at sumunod naman si Kiara at Thyn kamuntikan pa akong matumba dahil sa gulat.

"Mamaya na iyan."sabi ni Theo sa amin kaya humiwalay na sila ng yakap. Inaya ko na sila sa CR pero bumati muna sila kay mama. Pagkapasok namin ay umupo agad kami at nagtitigan. Hindi namin alam kung saan magsisimula o paano sisimulan 'yong usapan.

*krochshh

Napatingin kami kay Brent dahil sa pagtunog ng tiyan niya. Napangisi na lang ako dahil hawak hawak nito ang tiyan niya. Gutom na ang loko.

"Okay! Okay! I'm hungry hindi pa ako nag breakfast masama ba ang magutom?"pag-amin nito sa amin kaya napailing nalang kami.

"We must eat first para mag function utak natin."napahinga na lang kami ng malalim bago tumango.

"Utak mo lang huwag mo kaming idamay!"bara naman ni Thyn sa kanya, kaya ang tahimik na atmosphere kanina ay nag-iba.

"Ikaw may utak ka ba babae ha!"bara naman pabalik ni Brent sa kanya. Nagtitigan na lang kaming lima at nagtanguan. Nagsimula na kaming kumain at hinayaan silang dalawa. Bahala na sila, wala kaming balak awatin sila dahil nagugutom na kami.

"Hoy bakit di niyo kami hinintay!"maktol sa amin ni Thyn. Napatingin naman kami sa kanya pero sumingit si Brent bago pa may sumagot.

"Dahil sa kaingayan mo kasi!"

"At ako pa talaga sa bruhildo ka!"

"Ano bruhildo? Ikaw naman bruhilda!"

"Bruhildo!"

"Bruhilda!"

Napa-irap na lang si Thea dahil sa dalawa. Hindi yata sila napapagod magbangayan kahit ilang oras pa ang abutin.

"If you will continue arguing then nothing will left for the both of you so better shut up and eat."napatigil 'yong dalawa dahil sa sinabi ni Zike with his usual emotion. Maging kami ay napatigil din sa pagkain at napatingin sa kanya. Minsan lang din kasi siya magsalita pero swak at tagos. Bumalik kami sa pagkain at naging tahimik lahat, halatang gutom ang bawat isa.

Napangiti ako ng makitang iisang cupcake na lang ang natitira kaya kukuhanin ko na dapat ito ng may makita akong kamay sa kabilang bahagi ng cupcake. Tinignan ko ito at si Zike kaya sinamaan ko ito ng tingin at kinunutan lang niya ako ng noo.

"Mine."usal ko pero hindi parin niya binitawan.

"No I got it first."tipid niyang sagot sa akin. Anong problema neto?

"Nauna ako sa iyo,"

"No."matigas niyang sabi dahilan para madagdagan ang pagkakunot ng noo ko.

"Akin na kasi!"malakas na sigaw ko kanya. Nahalata ko naman ang pagtingin nila sa amin pero hindi ko pinansin pa.

"No."namuro ka sa akin lalaki ka!

"Akin na kas---"hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng mawala sa pagkaawak namin 'yong cupcake kaya't napatinignan ako kung sino ito at si Thea pala.

"What?"tanong ko sa kanila.

"Wala!"sabay nilang tugon sabay tawa. Nanghihinayang kong tinignan si Thea habang kinakain nito iyong cupcake.

"Ang sarap nung cupcake Yesha!"sabi sa akin ni Thea na may malapad na ngiti. Inaasar na naman ako nito.

"Buti nalunok mo pa."tanging sagot ko na lang at sumandal, napasimangot naman siya dahil sa sagot ko.

"Hindi mo na ako love!"arte neto sa akin sabay kunwaring pahid ng luha. Napatawa na lang ako at umiling iling naman 'yong lima.

"So what now?"napatingin kami kay Theo at sabay bumuntong hininga.

"I don't know either."kibit balikat na sagot naman ni Brent. Biglang naging seryoso ang atmosphere ang paligid at pawang katahimikan ang bumabalot sa amin. Inisip ko ulit 'yong nangyari at mga tanong na bumabagabag sa akin simula ng magising ako.

"Uhmm..."nabaling ang tingin nila sa akin at naghihintay sa sasabihin ko.

"Did you saw a man... I mean when you're unconscious, did you saw a man?" if ever na hindi kami pare pareho ng nakita maybe normal lang na panaginip ang nangyari but then how come na nahimatay kami?

"Yes there is."unang sumagot si Brent.

"Ako din."usal naman ni Kiara. 

"Kami din."presenta nila Thyn at Theo. Nagtaas lang ng kamay si Brent at Zike bilang sagot. So pare-pareho pala kami kung ganoon. Pero bakit?

"Pero may pagkakaiba lang ng kaunti, kaunti lang naman."napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Thyn. Maging ang iba naming kasama ay naghihintay rin kung ano ang sasabihin ni Thyn.

"At ano naman iyon?"pagtatanong ni Kiara sa kanya.

"Nag-usap kasi kami ni kuya pagkagising namin and nalaman namin na magkapareho kami ng panaginip not until nabanggit niya 'yong kulay ng liwanag na bumalot sa lalaking nakita niya."tumango naman si Theo sa sinabi ni Thyn.
Kanina sa lalaki then now sa liwanag? Wait ano bang liwanag ang nakita ko noon? Puti?

"Ang totoo niyan akala ko pareho din kami ni Thyn kaso nagkamali pala ako."sabi sa amin ni Theo sabay kamot sa ulo. May kuto ba siya?

"Wait are you saying na may liwanag din kayong nakita?"sunod na tanong naman ni Thea. Tumango nalang sila Theo bilang sagot.

"Mine is Goldish like that,"pagsasabi ni Thyn ng kulay. Naghihintay naman kami ng sagot ni Theo.

"Iyong nakita ko is Red."usal naman ni Theo na mukhang di pa sigurado sa sinabi. Kumawala sa pagkakasandal si Brent at Zike sa upuan kaya napatingin kami sa kanila.

"Well mine is Blue,"sabi ni Brent. Really? Pati sila? Well di na ako magtataka if pati itong dalawa.

"Gray."ang tipid talaga niya magsalita. Marami na rin siguro itong naipon.

"So I guess lahat tayo meron kasi Berde 'yong nakita ko."pagkasabing pagkasabi ni Thea ng mga salitang iyon ay nagsitinginan lahat sila sa akin.

"I don't really think na maniniwala kayo but white, white is the color I saw."napamaang naman sila sa sagot ko. Hindi naman weird yung nakita ko ha, mas weird pa nga yung mga  kita niyo e hmmp!

"Wierd."usal na lang ni Theo.

"Really weird."segunda naman ni Thea. Problema nila?

"Anong weird doon?"porket puti lang nakita ko weird na agad? Mas weird nga iyong mga nakita nila. Tsk.

"Ikaw lang kasi 'yong natural na puti 'yong nakita sa ating pito,"panimula ni Kiara.

"And?"

"And its weird for us."si Thea ang nagtuloy pero may point nga naman sila sa aming pito naiiba ako kasi puti lang 'yong nakita ko. Well ewan ko kung may kinalaman 'yon sa lalaking nakita namin. Ang tanong na lang ngayon ay kung sino iyon at bakit may ganong kulay na liwanag.

"Baka sinusundo ka na Yesha.  Hahaha!"nakatanggap naman ng batok si Brent galing sa akin buti ng sayong mokong ka.

"Aray ko naman!"maktol nito.

"Tumahimik ka nga!"segunda pa ni Thyn.

"Pre! Tulong naman o!"sabi niya kila Theo at Zike.

"Ayaw naming madamay Brent."sagot sa kanya ni Theo kaya wala na din siyang nagawa pa kundi ang tumahimik.

"We dreamed only one scenario but not the light one, and the only question now is who is that guy?"tama si Zike gaya ng naiisip ko.

"Ughh!! My mind might explode anytime!"talak ni Thea sabay gulo sa buhok  niya. Pare-pareho kaming naguguluhan at pare-pareho ring gusto ng kasagutan marahil sa mga susunod na araw masasagot din ang mga ito.

"Huwag na muna nating  isipin yung nangyari maybe we could watch na lang para maliwaliw naman tayo!"pagpapagaan ni Brent sa atmosperang bumabalot sa amin.

"Brent is right, cheer up guys! Kalimutan muna natin iyon pwede ba? Lalo lang tayong mai-stress e papangit pa tayo."sunod naman na sabi bi Thyn sabay hawak sa mukha niya. Napangiti na lang kami dahil doon. Tama naman sila.

"Sila lang papangit ikaw pangit ka na talaga! Hahaha!"bara ni Brent habang tumatawa kaya napatawa naman kami na ikinasimangot ni Thyn.

"Bruhildo!"sigaw nito kay Brent at binato ng unan umiwas naman si Brent kaya si Zike ang natamaan. Natigil sa pagtawa ang lahat dahil doon. Pinulot ni Luke 'yong unan at binato ulit kay Thyn pero umilag siya kaya si Thea ang natamaan. Nakita ko pang ngumisi si Thea at tumayo sabay pulot ng unan saka siya sumigaw.

"Pillow fight!"pagkasigaw niya ay siya namang pagpalo nito kay Kiara ng unan kayat kanya-kanya ng kuha na ng unan panlaban. Nagkalat na ang ibang mga bulak sa sahig habang nagpapaluan kami. Bakit ang rupok naman yata ng unan? Lagot nito ako kay mama panigurado! Mamaya ko na lang iisipin kung paano ako magpapaliwanag. Nang mapagod kami ay nagsiupo ulit sabay libot ng tingin sa buong kwarto naglipana ang mga bulak at nagkalat sa loob, nagtitigan kami at sabay na nagtawanan.

"Opss sorry for this Yesha."kumamot na lang sa ulo si Theo habang sinasabi iyon.

"Okay lang naman na nasira yung mga unan para sa mga upuan at okay lang din na makalat dito sa loob matutuwa si mama."sarkastiko kong sabi sa kanila.

"Well good luck sayo mamaya."sabay pat ni Thea sa braso ko kaya umiling nalang ako kasabay ng pagtawa nila. Marami pa kaming napag-usapan bago sila nagpaalam na aalis. Hinatid ko na sila sa labas bago isara ang gate at pumasok sa loob.

Whaoever that man maybe it doesn't matter why he showed to us.

To be continued...

———
©Sage_Xrachen

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro