Simula
Sobrang saya ni sky habang nakatayo sa daungan kung saan humihinto ang mga banga at yate na nagdadala ng mga bisita sa isla.
"Hi." Agad niyang bati ng makita niya ng bumaba ang kanina pa niyang hinihintay, agad naman itong ngumiti at yumakap.
"Sky I missed you." Bulong na sabi sa'kanya ni vander hindi naman naiwasan ni sky ang kiligin. "Namiss din kita buti napadalaw ka ulit." Sabi naman ni sky saka nilingon ang mga gamit na dala ni vander.
"Woah...Ang dami mo atang..Dala." 'Yun nalang ang nasabi niya ng makita niyang dalawang maleta ang dala nito, sa ilang taon kasing pag-bisita ni vander sa isla ay laging isang malaking bag lang ang dala nito at almost one week lang ang inaabot ng gamit niya.
"Yeah magta-tagal kasi ako dito actually may kasama ako papunta palang, si Lawzon 'yung sinabi ko sa'yo kagabi nandito na ba siya?" Mahabang sabi ni vander kay sky, natuwa naman si sky ng marinig niyang magta-tagal si vander sa Isla dahil mas marami silang oras para mag-sama. "Nakadating na, hinatid na ng kaibigan ko sa kwarto niya." Sagot naman ni sky, tumungo-tungo naman si vander bago silang dalawa nag-simula mag-lakad.
"Alam mo naman siguro 'yung about sa mga artista na dadating 'di ba?" Biglang tanong ni vander kay sky habang nagla-lakad sila papunta sa resort. Tumungo naman si sky bilang sagot. "Oo, nakahanda na din 'yung kwarto nila at 'yung lugar kung saan sila mag-shot."
"Kamusta ka dito?" Tanong ni vander. "Okay naman, ikaw, kamusta ka sa manila? Kamusta kayo ng girlfriend mo?" Sunod-sunod niyang tanong napansin naman niyang na tahimik si vander kaya tumigil siya sa paglalakad at humarap sa binata.
"Bakit?" Taka niyang tanong habang ang boses ay nag-aalala.
"We broke up." Natigilan si sky at hindi nakaimik, hindi niya alam kung ano ang sasabihin, dati-dati lang ay hinihiling niya na mag-hiwalay ngayon na nangyari na ay hindi niya alam ang magiging reaction niya. Biro-biro lang naman kasi ang ginagawa niyang paghiling pero hindi niya akalain mangyayari talaga ang hinihiling niya.
"Uhm... Why?" Tanong ni sky nang makabawi siya, umiling lang naman si vander alam na ni sky ang ibig sabihin nu'n, ibig sabihin ay ayaw muna sabihin ni vander ang dahilan sa kanya, tumungo nalang siya at nag-patuloy sila sa paglalakad.
***
Tahimik lang naglalakad si sky papunta sa gubat, bigla nalang kasi siya iniwan ng kaibigan na si step, hindi niya napigilan matawa habang naglalakad, dahil sa nangyari kanina.
Napansin kasi niya na badtrip ang mga kaibigan niya, una si step na mukha badtrip 'dun sa lawzon, habang si erica naman ay badtrip 'dun sa gwapong artista. Kaya para siyang baliw na naglalakad sa gubat habang natawa.
"Step!"
"Hoy sky mabuti naman naisipan mong sundan ako."
***
Parang sabog na tupa si sky habang nakatingin sa buwan, ngiting-ngiti siya dahil kay vander, single na ito ngayon kaya nagbabaka sakali siya na maka-amin na siya kay vander.
"Aray ko gago!" Malakas niyang reklamo ng maramdaman niyang may bumatok sa likod niya.
"Problema mo ha?" Inis niyang singhal sa kambal na si max, tinawana lang naman siya ng kapatid niya habang nailing.
"Si vander na naman? Hanep ka sky 'yun pa rin?" Tukso sa kanya ni max at malakas na tumawa, inirapan naman siya ni sky.
"Eh bakit ikaw? Hindi mo nga na gawang umamin kay erica, nag-reklamo ako?" Ganti niya sa kapatid ngumuso naman si max dahil totoo naman ang sinabi ni sky sa kanya, tumawa ng malakas si sky habang inaasar pa rin ang kakambal. Kambal sila, lalaking version niya si max habang babaeng version naman siya ni max.
"Alam mo kasi, hindi porket gusto natin ang isang tao kailangan natin umamin." Pangaral niya sa kapatid bago binalik ang tingin sa langit at malaking ngumiti.
"Pero hindi naman masamang umamin sky." Ani ni max na kinalingon niya muli sa kapatid. "Alam ko," sagot ni sky
"Ang tanong kaya ba natin tanggapin ang magiging resulta? 'Di ba hindi, kasi naduduwag tayo, natatakot tayo sa magiging reaction nila kaya mas gugustohin ko nalang manahimik imbes masaktan." Seryoso na paliwanag ni sky sa kambal niya, wala naman muling umimik sa kanilang dalawa, nanatili silang tahimik hanggang sa magpasyahan na nilang dalawa ang matulog.
Nang makapasok na si sky sa kwarto niya at handa na sana matulog ng biglang tumunog ang cellphone niya.
"Hello?" Sagot niya, hindi naman talaga siya pala sagot sa tawag pero pag si vander ang tumatawag sa kanya ay mabilis pa sa alas-kwatro kung sagutin niya ang tawag.
"Inaantok ka na ba?" Tanong ni vander sa kanya.
"Hindi pa," sagot niya kahit ang totoo ay antok na antok na siya. "Bakit?" Dagdag niyang tanong.
"Pwede ka ba pumunta dito sa kwarto ko? Nalulungkot lang ako." Sabi ni vander sa kanya na ilayo niya ang cellphone saka bumuntong hininga. "Sige, hintayin mo lang ako kukunin ko lang damit ko." Sabi ni sky at binaba na ang tawag, kinuha naman niya ang maliit na bag niya saka naglakad sa cabinet at kumuha ng pantulog at damit niya para bukas.
Alam niya kasi 'dun na naman siya matutulog sa kwarto ng binata dahil 'yun ang ugali nilang dalawa, pag malungkot si vander sa kanya lagi ang takbo nito.
Hindi naiwasan ni sky ang malungkot at paulit-ulit na bumuntong hininga.
Hiwalay na ang girlfriend ni vander at si vander pero, nalulungkot pa rin ang binata dahil sa ex-girlfriend nito.
Paulit-ulit nalang tinanong ni sky ang sarili, hanggang kailan siya makikinig sa hinanakit ni vander sa ex-girlfriend nito habang siya din naman ay nasasaktan lalo na sa tuwing naririnig niya ang salitang mahal na mahal kita pero, hindi para sa kanya 'yun kundi, para sa dating girlfriend ni vander.
Mapakla siyang ngumiti at sinara na ang bag. Hindi alam ni max na umaalis siya sa bahay tuwing kailangan siya ni vander kaya kailangan niya mag-ingat sa bawat galaw.
Nasa hagdan na siya ng bahay ng biglang mag-pop ang cellphone niga, hudyat na may nag-text.
Vander:
Asan kana? Nalulungkot ako promise.
Ako:
On the way na
Ibinalik na ni sky muli sa bulsa niya ang cellphone.
"Bakit ba ako ganto? Bakit sa'min dalawa ako lang 'yung nagma-mahal, bakit... Bakit ba ako nakikinig sa mga hinanakit niya habang ako din naman nasasaktan..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro