Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1

"Tama na vander." Pigil ko sa kanya pero tuloy pa rin siya ng inom, kaya napabuntong hininga nalang ako at hinayaan siya, umupo nalang ako sa kama niya at pinanood siyang inumin 'yung beer.

"I don't know, hindi ko maintindihan what's her reason bakit nawala 'yung love sky, hindi ko alam bakit 'yung love na binibigay niya sa'kin noon ay bigla nawala, damn it!" Hindi na ako nagulat nang sumigaw siya, kanina pa kasi siya sigaw nang sigaw, buti nalang sounds proof ang kwarto.

"Chill, wala tayong magagawa, wala na 'yung love eh." Sagot ko, umiling naman siya ag muling uminom. "Matulog kana vander, may bukas para uminom." Tumayo ako sa kama at lumakad palapit sa kanya, iniligpit kona ang ibang mga bote nang beer at inilagay 'yun sa isang tabi, nang kunin ko ang iniinom niya ay hindi na siya nag-reklamo.

Nakaka-tangina naman ang ganto. Para akong nag-aalaga ng taong broken tapos kapag okay na siya, iiwan na ako? Tangina ka vander!

Lumapit ako saka walang imik-imik na itinayo siya sa pagkaka-upo at hinila hanggang sa makarating sa kama at pabagsak na hiniga siya 'dun. Mahina ang katawan ni vander sa alak kaya gano'n nalang siya kabilis malasing.

Nang maayos na ang higa niya ay akmang aalis na ako ng hilahin niya ang kamay ko. "Saan ka?" Nakapikit niyang tanong.

"Aalis lang ako."

"'Wag muna, dito ka muna tabi tayo." Bumuntong hininga nalang ako dahil sa sinabi niya at nahiga sa kama, hindi na ako bata para hindi malaman ang tama't mali pero, kung ito lang ang paraan para gumaan ang loob niya dahil sa pagiging broken niya ay gagawin ko.

Mayamaya ay napansin ko na nakatulog na siya, kaya agad ako tumayo at kinuha ang blazer sa bag ko kung nasaan ang damit na dala ko saka lumabas ng kwarto niya, lumakad ako hanggang sa makarating ako sa dalampasigan.

Katulad ng dating gawin, uupo na naman ako sa lupa at iisipin bakit hindi pa rin ako pinili.

Gano'n nalang ang gulat ko nang may babaeng din na nakaupo sa spot kung saan ako madalas. Hala si ate gurl may drama din sa buhay?

"Hi." Bati ko, mukhang nagulat naman siya pero hindi siya nag-salita kaya na-upo na ako sa tabi niya. "Bago ka lang dito?" Tanong ko, tungo naman ang sagot na binigay niya sa'kin. Hmm chismosa ka naman sky! Manang-mana ka kay step!

"What are you doing here?" Tanong niya, wow sa wakas umimik din. "Hmm... Nothing, madalas lang talaga ako dito. Lalo na kapag maraming iniisip." Sagot ko tumungo-tungo naman siya.

"Ikaw? Ba't ka narito?" Tanong ko. "Gusto ko lang ng pahinga, dami problema. Gusto ko na nga lang mag-stay siguro dito sa isla, kasi dito tahimik. Hindi katulad sa manila, puro problema lang ang iniisip ko." Mahaba niyang sagot. So may problema si ate gurl.

"Pwede ka mag-kwento sa'kin." Ngumiti ako pagkatapos sabihin 'yun, napansin ko lang ba hindi siya ngumingiti.

"Sige, since nakakapagod din magtago." Sabi niya at huminga ng malalim.

"Galing ako sa broken family, as in broken talaga," tumawa siya pagkatapos sabihin 'yun pero halatang peke lang ang tawa niya.

For me, mas masakit pa ang pagiging broken family kaysa ma-brokenhearted sa pag-ibig.

"Ang lolo ko niloko anc lola ko, habang ang mama at papa ko naghiwalay at may sariling pamilya na, habang 'yung dalawang naging boyfriend ko parehas ako niloko." Pagpapatuloy niya sa kwento at malakas na ngumisi.

"Paano ako maniniwala muli sa true love kung lahat sa pamilya ko ay walang true love na naganap. I still don't believe it na, ang isla 'to ay tinatawag na island of love. Funny. Ang daming taong nagpapaloko." Ngumisi ulit siya.

I'm on her side, I don't still believe it na, may true love sa island na 'to. Duh ilang taon na ako dito!

"Don't lose your hope, malay mo malapit na siya, para patunayan sa'yo na totoo ang sinasabi ng tao tungkol sa isla." Ani ko at ngumiti muli.

"I don't know, masyado ako nasaktan sa buhay ko, naging bato na ang puso ko."

"Time will come, by the way I'm sky, and you are?"

"Alicia, ali nalang for short." Pakilala niya at nakipag-kamay sa'kin, ngumiti ako pero walang ngiti pa rin ang lumalabas sa labi niya.

"Gabi na, tara na balik na tayo sa hotel." Yaya niya, tumungo naman ako bilang pag-sang ayon sabay naman kami tumayo, hindi pa kami tuluyan nakakalakad ng makita ko si vander na papunta sa gawi ko.

Bakit naman nagising ang lalaking 'to?

"Boyfriend mo?" Tanong ni alicia, umiling naman ako.

"Kaibigan ko lang." Sagot ko, tumungo lang siya.

"Una na ako sky, kita nalang tayo bukas." Paalam niya, ngumiti naman ako sa kanya at kumaway.

"Vander, ba't ka nandito?" Tanong ko sa kanya, 'di ba lasing siya? Ba't pa siya nagising? I mean ba't siya nagising. "Why nawala ka bigla?" Tanong niya, hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil kusa itong ngumiti, sa paraan kasi bg tono nang boses ni vander ay para itong batang iniwan.

"Nag-pahingin lang, tara na balik ba tayo sa loob." Sabi ko tumungo naman siya, mabilis naman kami nakarating sa kwarto niya, agad naman siyang nakahiga at natulog, habang ako nasa tabi niya gising na gising pa rin.

Ngayong wala na siyang girlfriend may chance na ba ako? Ngayong single na siya, pwede na ba ako gumawa ng way para malaman niyang gusto ko siya.

"Van, alam mo ginugulo mi feelings ko eh." Natatawa talaga ako sa sarili ko kumakausap ako ng tulog, siraulo ka ba sky!

"Sana naman, kung magka-chane, 'wag ka madamot, bigyan mo'ko."

Marahan ko hinaplos ang pisngi niya at ngumiti, kung ano man ang mangyari sa future, nasisigurado kong hindi ako mag-sisi.

Basta ikaw, hindi ako mag-sisi sa bawat desisyon na gagwin ko. Minsan lang ako mag-mahal at alam kong hindi na ulit ako magmamahal ng iba pa.

"I hope someday, piliin naman ako, sana piliin mo naman ako, iparamdam mo naman sa'kin ang piliin."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro