Kabanata 6
MAGANDA naman ang takbo ng klase ko. Manghang-mangha ako at hindi ako makapaniwalang nakapasok ako rito. Thanks to Ma'am Kaj.
And speaking of?
"Hello, Ma'am Kaj?" sagot ko sa tawag ni Ma'am Kaj. Rinig na rinig ko pa ang ingayan nila sa kabilang linya. Mukhang nasa canteen sila ngayon. Break time na kasi at sobrang layo ng canteen, my gosh. Nasa COED building ako while si Ma'am Kaj ay sa COE, medyo malayo ang canteen mula rito kaysa sa kanila.
"Buy me food. hurry up bruha!"
"Ano pong gusto niyo, Ma'am Kaj?" Tinungo ko ang daan papuntang canteen kahit malayo. Busog pa naman ako, mamaya na ako kakain. May malapit namang karenderya dito.
"You choose, I will eat it." Mahinang bulong niya dahilan nang hiyawan ng mga kasama niya. Ano kaya ang meron?
"Hurry up! Malilintikan ka sa aking bruha ka kapag pinatagal mo."
At anong pagkain ang bibilhin ko para sa kaniya? Mukhang sa kanya yata ako mastre-stress.
"Sige po!"
Tinakbo ko ang hallway papuntang canteen. Pansin ko ring maraming napapasipol dahil tumataas ang maiksi kong palda, nyeta! Sinawalang bahala ko na lamang 'yon dahil kailangan kong bigyan ng pagkain si Ma'am Kaj sa tamang oras, baka masampal niya na talaga ako. Hindi pa naman patient person ang baklang 'yon, ang dali niyang magalit, mainis, pinaglihi yata sa sama ng loob.
"Ang sexy pare oh!"
"Ang kinis!"
"Witwiw!"
Sarap pektusan ng mga hayop na 'to.
Hindi ko na lamang sila pinansin sa halip ay lumapit ako sa pinakamalapit na canteen. Humihingal pa ako habang namimili ng mga pagkain. Sobrang sosyal at tangina! Bente lang ang pera ko. Pambihirang buhay ito oh! Anong gagawin ko ngayon.
Nakita ko ang itlog ng pugo. Natatakam ako at mukhang ito lang yata ang murang binibenta nila. Pati ang juice ang mamahal, sigurado akong hindi iinom ng cheap juice ang baklang iyon. Baka sa Starbucks umiinom ang Kajik na 'yon. Hindi ba kape 'yon? Ayst basta.
"Kakain kaya siya ng itlog ng pugo?" ini-imagine ko ang mukha ni Ma'am Kaj, sigurado akong sasampalin na talaga ako nu'n. Baka ipahiya rin niya ako. Oh no...
Bente lang kasi talaga ang pera ko ngayon.
*ring! ring!*
Napatalon ako sa gulat nang tumunog ang phone ko. Mabilis ko 'yung nilabas mula sa bulsa ko at sinagot ang tawag ni Ma'am Kaj.
"Saan na ang pagkain ko? Ang tagal-tagal mo! Malapit na time namin bilisan mo!"
"Ma'am Kaj, kulang po ang—-"
So ayun. Pinatayan ako ni baklang Kajik. Punyeta talaga eh. Bahala siya sa buhay niya, hindi niya ako binigyan ng pera kaya't no choice ako. Ito lang naman kasi ang afford ko dahil 20 pesos lang 'to tsaka ang sarap kaya nitong itlog ng pugo.
"Isa nga po nito, Ate," literal na napalingon ako sa lalaking bumili ng itlog ng pugo.
"Suking-suki na kita rito, Hades ah!" masayang sambit ng tindera at binigyan ang lalaki.
Muli kong tiningnan ang bente pesos sa kamay. Lumunok ako at dahan-dahang nilahad sa tindera ang pera. "Isa rin po, Ate." Nakangiti kong sabi. Kinakabahan talaga ako, nyeta.
"You're shivering, are you cold?" napatingin muli ako roon sa lalaking katabi ko. He's good-looking at makalaglag panty rin pero hindi ko siya type. Mataray at suplado ang type ko, in short si Ma'am Kaj, yaks.
"Shit ang itlog pala!"
Mabilis akong lumisan ng canteen. Hindi ko man lang nasagot 'yong lalaki, lalandiin ko na lamang 'yon mamaya kapag nagkita kami. Charot walang halong harot.
Nang marating ko na ang mesa nina Ma'am Kaj, napasinghap ako. Sobrang dami nila at ke-sosyal pa ng mga pagkain nila. Napatingin ako sa hawak kong itlog ng pugo. Kakainin niya kaya ito? Paano kung itatapon niya lang? Mayaman siya, baka kamuhian siya ng mga kaibigan niya kapag—-
"Why took you so long, bruha? Akala ko nalunod ka na," nagulat ako sa agaran niyang paglapit sa akin. Tila huminto ang mundo ko nang makita siya. Parang kami lang dalawa ang andito ngayon sa loob ng canteen. Kung hindi lang gumamit ng liptint itong si Ma'am Kaj baka kanina ko pa hinalikan 'to.
"What did you buy?"
Ngumisi ako at unti-unting tinaas ang binili. "Pasensya ka na Ma'am Kaj, bente lang kasi ang pera ko at ito lang ang afford ko kaya ito ang binili ko,"
"Hindi ko sinabing gamitin mo ang pera mo, stupid bruhilda,"
"Huh?" gulong tanong ko.
"Napaka-gaga mo talaga, ano? Binanggit mo lang sana ang pangalan ko roon, hindi 'yung nagsasayang ka ng pera, tsaka ang poor mo. Tss."
"Hand me that," tinuro niya ang itlog. Tinaas ko naman. "Ito ba?"
"Exactly, tsk!"
Binigay ko naman baka singhalan niya ako jusko.
"Baka po sasakit ang tiyan niyo neto, Ma'am Ka---"
"Ang daldal mo talaga 'noh? Kung sasakit ang tiyan ko, problema iyon ng tindera hindi sa'yo kaya huwag kang mag-overthink diyan. Umalis kana."
Ang sarap talagang halikan nitong si Ma'am Kaj para mabawas-bawasan naman ang katarayan niya. Nakakaloka siya promise.
"What are you still standing there? You want me to---"
"Oo aalis na Ma'am Kaj, ito naman!" Kumaway ako habang papalayo. Ramdam ko na naman ang tingin ng mga tao sa akin, para daw akong alien na bumagsak mula sa langit, char!
"Akala ko talaga sasabunutan siya ni Miss Kaj,"
"Akala ko nga rin eh,"
"Except sa mga friends ni Miss Kaj, siya pa lang talaga ang nakakalapit sa kanya,"
"Whats with her ba?"
"Ano siya ni Miss Kaj?"
"Hindi ba't 'di kumakain ng itlog ng pugo si Miss Kaj?"
"Oum, bawal kasi 'yon sa kanya."
Parang tumayo bigla ang tainga ko nang marinig ko ang huling binulong nu'ng mga chismosa sa canteen. Napahinto ako at mabilis akong tumakbo papalit sa kinaroroonan nila Ma'am Kaj ngunit huli na ang lahat.
"KAJ!"
"Ma'am Kaj!" Nilapitan ko siya at akmang hahawakan nang bigla akong hilahin ng isang bakla.
"This is all your fault!" galit na sigaw niya sa akin na nagpabigla sa akin. Kwe-kwestyunin ko sana siya kung alin sa mga tigyawat niya ang kasalanan ko.
"Bawal 'yon sa kanya gaga ka!" Sinabunutan niya ako. Kaya ko namang pumalag pero hindi ko ginawa dahil nag-aalala ako sa nakita. Hindi ko sinasadya, hindi ko alam.
"Walang hiya!"
Tumulo ang luha ko. I'm sorry, Ma'am Kaj, hindi ko alam.
"Kapag talaga may mangyaring hindi maganda sa kaibigan namin kakalbuhin kita!" galit na sigaw niya at sinampal at hihilahin niya naman sana ang buhok ko nang pumagitna sa amin 'yong Hades kanina. May kagat pa siyang supot habang nasa harapan ko. Para siyang ewan sa mukha niya.
Uniwas naman ako at piniling yumuko dahil nararamdaman ko ang hapdi nu'ng kalmot nila kanina. Ang sakit nu'n ah.
"Stop it!" malakas na sigaw niya.
"Huwag mong dinidepensahan ang babaeng 'yan, Hades! Hindi mo ba nakita ang pinakain niya kay Kajik? Tangina mo girl! Kakalbuhin talaga kita!"
"Enough, Clover." Matigas na sabi naman ni Hades. Natahimik naman 'yong bakla at tinarayan pa ako bago sumunod sa mga bakla niyang kaibigan.
Dahan-dahan akong tumayo at tumakbo palabas ng campus. Kailangan kong puntahan si Ma'am Kaj.
***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro