Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 11

Halila's POV

"Halila, anong ginagawa mo rito?" bungad na tanong sa akin ni Manong guard. Hinihingal pa nga ako dahil nag-aalala talaga ako sa kalagayan ngayon ni Ma'am Kaj. Hindi ko alam kung anong nangyari talaga sa baklang iyon, but I'm pretty sure that he needs help from me, and I'm willing to help him naman, anytime.

"Andiyan ho ba si Ma'am Kaj?"

"Oo, Iha, kanina pa siya sa loob. Kararating lang din kasi ng mga kapatid niya. Dinig kong nagsisigawan sila sa loob. Bakit mo naitanong? Hindi kayo sabay umuwi?" Mabilis akong umiling kay Manong. Nandito ang mga kapatid niya? Sila kaya 'yung nagsalita kanina?

"Puntahan mo na si Ma'am Kaj sa loob, Halila. Nakita raw ng isang kasambahay ang kalagayan ngayon ni Ma'am Kaj, umiyak daw ito. Ayokong mangialam sa buhay nila dahil guard lang ako dito, Halila."

Kinagat ko ng mariin ang labi ko. Personal maid niya naman ako at anong pakialam ko kung may family conflict nga sila? Isa lang naman akong katulong, pero kailangan ako ngayon ni Ma'am Kaj. Anong silbi ng trabahong 'to kung hindi ko siya pagsisilbihan.

"Pupuntahan ko na po siya,"

"Mag-iingat ka, Iha, lalo na sa dalawang kapatid niya."

Tumango ako tsaka nagpasya na pumasok na sa loob ng mansyon. Maraming mga katulong nakahilera sa labas ng bahay nang matagpuan ko ang pintuan, ang iba ay halos hindi mapakali, at 'yung iba naman ay sobrang seryoso ng mga mukha. Bakit kaya ganito ang mga mukha nila?

"Ikaw hindi ba ang personal maid ni Ma'am Kaj?" Napalingon ako sa katulong.

"Opo, bakit po?"

"Naku, pasukin mo na si Ma'am Kaj. Awang-awa na kami sa kanya."

Hindi ako sumagot sa halip ay tinulak ko ang malaking pinto ng mansyon. Rinig ko ang iilang singhapan nang mabuksan ko na ito ngunit hindi ko iyon pinansin. Hinanap ng mata ko si Kajik, and there I saw him, nakayuko siya habang may lalaking naka-suit sa kanyang harapan kasabay n'un ang pagbaling ng kanilang buong atensyon sa akin.

"Who are you?" seryosong tanong ng isang lalaki na naka basketball jersey. Magulo ang kanyang buhok at mukhang playboy dahil sa awra niya kahit seryoso 'tong magsalita.

Medyo gulat rin ang expression ng mukha niya pero agad din 'yung napalitan.

"I am Halila Ella Montague. Personal maid of Ma'am Kaj, Sir." Seryoso ko ring sagot at gustong-gusto na talaga siyang irapan dahil sa ngisi nitong nakakaloko.

"Hindi ko alam na ganito ka na pala kababa, Veston. Really, Personal maid? Naghihirap ka na ba talaga?" tumawa 'yong naka jersey.

Hayop.

"Umalis kana, Miss, huwag ka nang bumalik rito. Kayang-kaya naman ni Veston ang sarili ni—"

"No, this is my job, Sir. Hindi ako aalis hanggat hindi niya sinasabi sa akin 'yon," binalingan ko nang tingin si Kajik. Nag tama ang mata namin, galit na galit ang kanyang mga mata kahit na may tumutulong luha galing roon.

Bumuntong hininga ako sabay kuyom ng aking kamao. Tila nasasaktan ako sa kalagayan niya ngayon, I don't know what's the reason behind this, but I really want to know so I can defend him and help him. I may be look weak right now, but still, I will protect him from these idiots.

"Kami ang nagpapa-sweldo sayo, Miss, may karapatan kaming mag alis ng mga walang kwentang tao," nag-igting ang panga ko sa sinabi nu'ng lalaking naka-suit. Hindi ko inaasahan iyon. Mukha ba akong walang kwenta sa paningin niya? Eh kung upakan ko kaya 'to, makikita niya talaga kung sino sa aming dalawa ang walang kwenta.

"If I were you, I'll leave this house quitely. Huwag mong hintayin na ako mismo ang hihila sayo palabas, Miss Montague,"

Hindi ako makapaniwalang humarap sa kanya, lalo na't namukhaan ko kung sino ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Napaatras ako, gulat na gulat rin ang mukha niya pero panandalian lamang iyon. Parang kilala ko siya, saan ko nga ba siya nakita...

"Vernise, is that you?" Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Nagtaka naman ako sa tinawag niyang pangalan sa akin. Hindi ako si Vernise.

"Where have you been these years, Vernise? I was so worried about you, baby." Lumapit siya sa akin habang ako naman ay tila magbabadya na ang mga luha. I don't know why, nakita ko na siya noon pero hindi ako si Vernise. He's the man who took me away from those idiots months ago, and he tried to take me with him but I didn't let him. He always called me Vernise kahit hindi naman 'yon ang pangalan ko. I'm so confused right now.

"Saan mo nahanap si Vernise, Kajik? Hindi mo man lang sinabi sa amin na nasa 'yo pala siya. Hanggang ngayon ba naman nagdadamot ka?!" galit na sigaw ng lalaking naka jersey kayat roon natuon ang atensyon ko. Pati siya, Vernise din ang tingin sa akin?

Lumapit siya kay Kajik at kinwelyuhan siya dahilan nang paggalaw ko sa sariling pwesto tsaka mabilis siyang dinaluhan. "Vernise, what the actual fvck are you doing?!" gigil na sigaw niya.

Hindi ko siya pinansin. Kahit kinakabahan ako ngayon at naguguluhan hinarap ko parin ang pagod na pagod na mukha ni Kajik.

"K-Kajik," inangat ko ang kamay ko tsaka dahan-dahang pinunasan ang mga luha niyang nagbabadya. Nasasaktan ako, ayokong umiiyak siya, mas gusto kong lagi siyang nagsusungit sa akin.

"Wanna come with me?" tanong ko. "I will take you somewhere, away from these people. I don't like them."

"Move, Vernise, that bastard was trying to steal you away from me!" galit na sigaw no'ng lalaking naka-suit.

"Huwag kang mag panggap na kawawa rito, Kajik! Alam naming gustong-gusto mo talaga si Vernise noon pa kaya cut that fvcking drama of yours! Gago ka!" ramdam na ramdam ko ang galit nila ngayon kay Kajik.

Hindi ko alam ang buong kwento nilang tatlo pero wala akong pakialam.

"Pwede ba! Tumahimik na kayo! Kapatid niyo rin naman si Kajik ah! Kung makapag-bulyaw kayo riyan para kayong mga aso! Ano? Umiiyak na nga ang kapatid ninyo may gana pa kayong mang-akusa? Sino ba 'yang Vernise na 'yan ah?! Hindi ko nga kilala ang babaeng 'yan at mas lalong hindi ako siya kaya tigilan niyo na ang kahibangang 'to,"

"And don't fvcking hurt him, or else I'll smash both of your faces, idiots. I don't care if you're both from a wealthy family if you hurt him again. I will not hesitate to put your life in danger." Seryoso kong sabi dahilan nang panlalaki ng mata ni jersey boy. Miski ako ay nagulat rin sa sinabi ko, shet, sino 'yon?

"You're indeed, her." Umigting 'yong panga ng naka-suit. Kitang-kita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya at nahihirapan. Sa totoo lang ay ang gwa-gwapo nilang lahat, hindi ko inakala na ganito pala ka mala-adonis ang mukha nila. Lalo na si Kajik, kahit punong-puno ng make up ang mukha niya, still for me he's gorgeously handsome.

"I can't believe you're taking his side! Noon halos sipain mo na palabas ang Kajk na 'yan dahil naiirita ka sa pagmumukha niya pero ngayon, you defended him? Are you fvcking on me, Vernise. I am your husband for fvck's sake!"

"Shut up! Wala akong alam sa mga sinasabi niyo, at hindi nga ako si Vernise. Bakit ang kulit kulit niyo? Wala kayong pakialam kung tutulungan ko si Kajik at lalong hindi ako si Vernise!" putangina niyo ah. Kanina pa talaga ako napipikon.

Nilingon ko muli si Kajik. "Aalis na tayo." Mahinang bulong ko sa kanya at inalayan siyang tumayo.

"And where do you think you're going, Vernise?" akmang lalapitan na sana ako nu'ng naka jersey nang pigilan siya ng isa.

"Wala kang pakialam." Mataray na sagot ko. Umarko naman ang kilay niya. Gwapo ka sana pero pakyu ka.

"You are right. You will never be like her. You are not Vernise, but a poor rat."

Nainsulto ako sa sinabi niya pero tinanguan ko lang siya. Wala rin naman akong pakialam, bahala sila sa buhay nila.

"What? Hahayaan mo lang siya na makuha ng gagong Kajik na 'yan? You've been looking for her, Kuya, and now you've already found her, but you let her go again, Kuya! What's wrong with you?!"

"She's not the Vernise I've known before, Kaizer, or maybe they're just lookalikes. I'm tired; let that bastard go away."

NANG makalabas na kami ng mansyon, tinungo ko kaagad ang sasakyan niya. Pakiramdam ko marunong na akong magmaneho ng sasakyan ngayon. Dala niya naman siguro ang susi niya.

"Where is your key?" tanong ko.

"When did your learn how to speak english?"

"Natutunan ko 'yon sa mga librong binabasa ko, at tsaka hindi naman 'yon big deal. Ang mahalaga ay magamot natin 'yang sugat mo sa mukha. Kakaloka ka ah, akala ko ba certified bully ka sa school pero bakit mo hinayaan ang dalawang iyon na basagin ang mukha mo? 'yan tuloy nasira na ang make up mo."

"I don't care about my makeup, Halila; I deserved this. They're both right in the first place; I tried to steal Vernise before from my brother Kayzen. He was so mad at me, he threw me away, and I realized things I hadn't known before. Kasalanan ko bang magkagusto sa asawa niya, Halila? I want her mine, mine alone."

Pero bakit bakla ka ngayon? I want to ask this question.

"After what I've heard... I also want to die too."

"She left me..."

Ang swerte naman niya.

"I'm still looking for her. I'm hoping that she's still alive and willing to accept my love." Hinarap niya ako. Napakurap-kurap naman ako. Mahal na mahal niya talaga ang babaeng 'yon. Kamukha ko ba talaga 'yon? Napagkamalan ako eh.

"I will be the happiest man alive if that happens."

Hinaplos ko ang likuran niya. Nasa labas parin kami ng sasakyan niya ngayon, hindi niya parin kasi binibigay ang susi. Pansin ko ring nilalamig na siya.

"Where is your key first? Sa loob tayo mag-usap." Promise usap lang talaga.

Pinasok niya sa loob ng bulsa niya ang kamay at nilabas ang susi. Kinuha ko iyon at binuksan ang sasakyan. Pinaupo ko siya sa likod habang ako naman ay sa driver seat. Driver niya kasi ako at boss ko siya.

"Do you even know how to drive a car?" Kunot noo niyang tanong. I've never been into cars before, but I think I can drive.

"Baka ikaw kamo maghahatid sa akin kay kamatayan, ah. Ayusin mo, Halila."

Lumunok ako tsaka ngumisi. At least kasama niya ako, hindi ba.

"Medyo, may natutunan rin naman ako sa previous games ko. Madali lang ito!"

"Are you serious?!"

Kumindat ako sa kanya. "Don't worry, Ma'am Kaj, ako na ang bahala rito."

Mukhang bumalik na siya sa totoo niyang ugali. "I won't let them hurt you again this time, Kajik. They messed up with the wrong person." Kunwari seryoso kong sabi. Nilingon ko naman siya at kita ko ang gulat sa mukha niya at dahan-dahan niyang pagyuko.

"You don't need to do that. I can handle myself, Halila,"

"Talaga ba, Ma'am Kaj? Kaya pala bugbog ang natamo mo sa mga gagong 'yon, kakaloka ah. Nasira tuloy ang beauty mo." Nginitian ko siya. Inirapan niya lang ako.

"Tss. Drive, I'm hungry."

"Yikes! Saan mo gustong kumain?"

"Somewhere."

"Puro ka na lang somewhere somewhere ah!" wala na talaga siyang ibang masabi. Gusto niya talagang lumayo sa dalawang damuho na iyon.

"I have a condo near here. We will go there after eating."

"Ihahatid kita roon tapos uuwi ako. Baka kasi pagalitan ako ni nanay kapag hindi ako umuwi. Tsaka nag-cutting class ako ah para sayo, kaya dapat sundin mo ako ngay—"

"Just drive, Halila. Ang daldal mo." Ngumuso ako. Tumalikod ako at pinaandar na ang sasakyan.

Napangiti ako nang malamang marunong pala ako. Hindi naman umapila pa si Kajik. Pikit ang kanyang mga mata, ininiida 'yung sakit at pasa na natamo niya sa kuya niya. 'Yon kaya ang asawa ni Vernise? Ang sama naman pala ng ugali nu'n.

***

"Ano?! Gusto mo kumain sa restaurant pero wala kang dalang pera?!"

"Fvck. Will you please lower down your voice! Its embarrassing." Galit na sambit niya. Paanong hindi ako sisinghal eh andito kami ngayon sa James Restaurant, sikat na restaurant at sobrang mahal na mahal pa. Hindi ko afford 'to ah, mas mabuting kumain na lang kami ng pastil.

"Sinabi ko na sayo na naiwala ko nga ang wallet ko. Ang bingi mo rin kasi!"

Wow. Ang tanga naman ng wallet.

"Hindi ko nga sabi narinig dahil sa lakas  ng music kanina. Kasalanan ko ba 'yon? Halos sirain mo na nga 'tong eardrums ko duon sa kpop song na pinapakinggan mo eh. Nakakarindi sa tainga!" gigil na sambit ko. Nasa labas kami ngayon, nagbabangayan.

"Wow? Nahiya naman ako sa bunganga mong putak ng putak lagi wala namang ambag!" abat!

"Ah ganu'n? Edi kumain ka riyan, total wala namang ambag 'tong bunganga ko. Kakain ako mag-isa!" dahil sa inis ko, iniwan ko siya roon. Punyetang Kajik 'yon ah. Na ha-highblood ako sa kanya.

"Hey! Halila! Come back here!"

"Huwag mo akong susundan!"

"I didn't mean that!"

"Uuwi na lang ako. Sa tingin ko kaya mo na ang sarili mo."

"Halila! Fvck! Ouch!"

Napahinto ako. "Damn it! It's so fvcking hurts! Damn this weak body of mine." 

Binalingan ko siya ng tingin. Nakaluhod siya ngayon sa harapan ko habang naniningkit ang mga mata at tila nahihirapang tumayo. Hay nako.

Lumapit ako sa kanya at inalayan siyang tumayo. "Where are we going to eat, then?" kita mo. Imbes mag-sorry iyon agad ang hinanap at tinanong niya. Ang sarap niya talagang suntukin, naiirita na ako sa kanya.

At napapansin kong hindi na siya binabae kung gumalaw ngayon pwera na lamang sa suot niyang dress at makeup. Ang kilos niya ay lalaking-lalaki na talaga. Improvement.

"Kakain tayo ng pastil,"

"Huh? What is that?"

"Basta. Huwag na maraming tanong."

NAGHANAP kami ng makakainang pastil. Mura lang kasi ang pastil, tsaka with ulam naman iyon kayat sulit na sulit talaga. Ewan ko lang talaga sa baklang ito kung kakain din siya.

"Ayun!" Turo ko sa Aling Bebeng pastilan. Hinila ko si Kajik na nagpahila naman.

"Wait, what kind of place is this? I don't like it here, Halila," umakto pang nandidiri.

"Ang arte mo ah. Ako ang may pera ngayon kaya wala kang magagawa kundi sundin ako."

Hindi ko siya hinintay na sumagot pa. Lumapit ako sa tindera at bumili ng sampung pastil.

"Kaano-ano mo 'yang kasama mo, Iha?" Nginuso niya si Kajik. Mukhang siyang tanga sa ginagawa niya. Ang arte arte mga mare.

"Boss ko po, pasensya na po. Ngayon pa lang po kasi siya nakapunta sa ganitong lugar kaya medyo may pagka-ignorante,"

"Naku, ayos lang Iha."

"Ano 'yan?" k
Kunot noo niyang tanong habang tinuturo ang bitbit ko. "Pastil ito. Kakain ka sa ayaw man o sa gusto mo."

Binuksan ko ang dahon at nilagay sa pinggan ang kanin. Gutom na gutom na talaga is me. Ginutom ako ng Kajik na 'to, wala pang dalang pera. Ang tanga naman ng wallet niya, ano?

"How to do this?"

"Buksan mo lang naman ang dahon na 'yan nahirapan ka pa," ako na mismo ang gumawa ng kanya. Mukha kasi pati pag balat nito ay hindi niya alam. Jusko naman bakla.

"Is this even a food?"

"Ang dami mong reklamo sa buhay, kumain ka na lang."

"Fine!"

NANG matapos kaming kumain, nagpasya na kami na puntahan iyong malapit na condo niya rito. Hindi naman kami natagalan at nakarating kaagad kami.

Mabilis na sumalpak si Kajik sa kama niya habang hindi pa tinatanggal ang sapatos. "I'm so tired!" aniya.

"Tanggalin mo muna ang sapatos mo! May damit ka ba rito?"

"There! Inside the cabinet!"

Lumapit ako sa cabinet niya at kumuha ng damit. Malaki ang condo ni Kajik at mukhang sobrang mahal. May VIP card pa nga siya. Pinakita niya 'yon sa security kanina, pero mukhang hindi niya na ito pinupuntahan. Bagong-bago pa siya at wala masyadong gamit sa loob. Siguro kapag rest day niya rito siya pumupunta,  ang boring naman kung siya lang.

"Medicine kit!" malakas na sigaw ko. Nasa labas kasi ako ng kwarto niya.

"Wala ako nu'n!"

"Eh, paano ko gagamutin 'yang sugat mo ah!" anong klaseng condo ba 'to.

"Ang layo nito sa bituka, and I didn't ask you to take care of me. I told you earlier... I can handle myself. This is just a piece of cake."

"Edi uuwi na lang ako! Wala rin naman akong magagawa d--"

"FVCK! DON'T YOU DARE, HALILA! I'LL FIRE YOU IF YOU LEAVE!" galit na sigaw niya sabay padarang na lumabas ng kwarto. Napangisi naman ako sa reaksyon niya. Hinihingal pa siya. Takot din palang umalis ako. Pakipot pa.

"Anong gagawin ko rito kung kaya mo naman pala ang sarili mo? Ayokong tumunganga rito,"

"Sleep with me!"

"ANO?!"

Gusto ko 'yan, Kajik. Pero no, hindi pwede.

"Halata namang gustong-gusto mo."

Nanliksik ang mga mata ko. "BAHALA KA SA BUHAY MONG MAMATAY DITO!"

Inis na inis akong lumabas. Narinig ko namang tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ako lumingon.

***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro