Kabanata 10
"What? Badtrip ka na naman? Hindi kita inaano riyan, babae kaya umayos ka kung ayaw mong masisante," ang bait talaga ni Ma'am Kaj, ano?
"Pasensya po, Ma'am Kaj, hindi naman po ikaw ang dahilan kung bakit badtrip ako ngayon, sorry ah? Sorry ah?" gusto ko talaga siyang irapan ng todong-todo, 'yung tipong wala na talaga siyang magagawa kundi hayaan muna ako ngayon. May meeting pa kasi akong pupuntahan mamaya, tsaka hindi ko pa tapos ang notes na pinagawa sa akin dahil sa kadaldalan ni Ambie. Ako naman si engot nakinig din sa chismis niya, tungkol din kasi 'yon kay Kajik kaya iigting talaga 'tong tainga ko.
"Samahan mo 'ko," sabi niya. Literal naman na tumaas ang tainga ko sa sinabi niya. "Saan po?" pilit na ngiting sagot ko.
"Somewhere, wala rin naman akong pasok dahil may meeting mamaya. Take me somewhere, I want to get away from these toxic people, kahit ngayong araw lang." Kumunot ang noo ko sa mala-mmk niyang sinabi. Sa tingin ko'y may problema 'tong baklang 'to ngayon.
"Broken-hearted ka ba, Ma'am Kaj?"
"Stupid." Malutong na sagot niya. Napasimangot ako, wala talagang kwenta kausap ang baklang 'to. Mabuti na lang medyo sanay na ako sa ugali niya, pero minsan ay natatakot ako sa kanya, lalo na sa salita niyang sesantihin niya ako. Gago talaga, pero medyo bumait na siya ngayon. Medyo lang talaga.
"Baka lang naman, hehe. Ayos lang 'yan, Ma'am Kaj, gusto mo shat na lang tayo mamaya? May pambili akong beer dito," nilabas ko sa loob ng bulsa ko ang 100 at pinakita sa kanya.
Ngunit sinamaan niya ako ng tingin. "Shut up and save that money, namumulubi ka na nga iinom ka pa. Tss."
Grabe na talaga siya sa akin. Hindi naman ako namumulubi ah, kaloka talaga ang Kajik na 'to. "Ipon ko 'to, gusto lang naman kitang damayan, ang arte mo ah,"
"Hindi ko sinabing damayan mo 'ko." Malamig na sagot niya at dahan-dahang tumayo. Actually, nasa canteen kami ngayon, nag-uusap. Ramdam na ramdam ko nga mula rito ang mala-dagger na mata ng mga kaibigan niyang bakla. Kanina pa sila sa likuran namin pero hindi man lang pinapansin ni Kajik, busy kasi siya sa akin, wheheh.
"Bahala ka. Sabay ba tayong uuwi mamaya?"
"Nah, I don't want to go home yet. Take me somewhere, Halila, I want to be alone,"
"Gusto mong mapag-isa pero isasama mo 'ko, may saltik ka ba sa utak, Ma'am Kaj?"
"What? Mukha bang may saltik ang utak ko, Halila? Just shut up and go with me, as simple as that. Ang dami mo pang sinasabi." Ayan galit na naman ang lola niyo. Gusto niya kasing mapag-isa pero kasama ako, ano meaning nu'n, aber?
"Baka hahanapin tayo."
"Don't worry, I'll explain everything to them when we get home. Don't think too much, para ka namang bata,"
Pigilan niyo 'ko, pigilan niyo 'ko. Ang sarap niya talagang sapakin kahit crush na crush ko siya, pero nyeta lang ah, ang dami niya raw manliligaw sa ibang schools. Sa tingin ko mga pogi at fresh din ang mga 'yon. Ang dami ko namang kaagaw sa kanya, kakainis.
"Sige, sama na ako! Kapag talaga may mangyari sa atin ikaw talaga ang sisisihin ko,"
"I won't let that happen to us, trust me," Nilingon niya ako. "Ang baho mo."
Walang hiya talaga eh!
***
So, ayun nga, dahil sa crush kong bakla nag cutting ako, bwesit! Ngayon ko pa lang nagawa 'to sa buong buhay ko. Shutaness, pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko. Gusto ko lang naman mag-aral pero ito kasi si bakla, idadamay ba naman ako sa kabaliwan niya. Hindi niya na lang ako deretsuhin na gusto niya akong I-date, ang dami niya pang sinasabi parang wtf.
Nasa labas ako ngayon ng campus, hinihintay ko si Kajik na lumabas. Sabi niya kasi, kapag ako ang nauna, mag hintay daw ako, kapag siya naman, mag hintay din daw siya. See? Planado.
Nilabas ko ang cellphone ko sa loob ng bag ko. Habang hinihintay ang baklang iyon. Magte-take muna ako ng selfie, ipo-post ko lang sa fb account ko. Gumawa kasi ako ng account kahapon. Bale sampu pa lang ang friends ko, tinatamad akong mag-add, ni-stalk ko rin si Ma'am Kaj kagabi at mapapa-sanaol na lang talaga ako sa mga expensive niyang mga friends, ang daming boylet mga 'te, lalo na babae, halos magaganda. Hindi ko siya ni-add baka magmumukha akong dumi sa friends list niya. Gusto kong siya mismo ang mag-a-add sa akin, gold ako eh.
Napangiti ako sa naisip. Pagkatapos kong mag-take ng ilang shots, pumili ako ng isang picture para sa profile picture ko. Ang tagal naman kasi ni Kajik. Ano kaya ang ginagawa nu'n ngayon, baka hindi siya payagang umuwi, nako mauupakan ko talaga siya. Suntok with love from Halila Ella Montague, hehehe.
*Ting!*
Ay palaka. May nag-add sa akin, sino naman kaya ito?
Binuksan ko ang friend request ko at tiningnan kung sino ang nag-add sa akin.
Shuta~~!!
Hades Kyle Xerson...
Tangina, ni-add ako ni Hades. Paano niya kaya nalaman na may fb ako? Masyado na ba talaga akong halata? May crush yata sa akin 'to eh, ma-try nga.
Ni-accept ko siya tsaka maya-maya pa ay may nag-message sa akin. Nabigla ako nang malaman na si Hades parin 'yon.
Hades Kyle Xerson: Hello, Halila, I saw you at the guard's house earlier, I thought you're going to the gymnasium? Are you heading home?
Napakagat ako ng labi ko. Baka isusumbong ako ni Hades dahil nag-cutting ako. Punyeta kasing Kajik iyon eh, hanggang ngayon wala parin siya. Nalunod na kaya 'yon?
Halila Ella Montague: 'Bat mo alam? Stalker ka, ano?
Hades Kyle Xerson: I'm not, lol, I was looking for you, honestly. Representative ako ng section natin, remember?
Napaisip ako bigla. Siya ang binuto naming representative kahapon para sa paparating na intramurals, gwapo kasi siya at mabait at matalino rin. Sigurado akong maipapanalo niya ang contest na iyon. Tangek! Bakit ko nakalimutan 'yon. President pa naman ako tapos heto ako ngayon, sa labas, cutting.
Nagtipa muli ako.
Halila Ella Montague: Shete! Oo, tama. Pwede pa naman sigurong humabol sa meeting, hindi ba? Saan ka? Pupunta ka ba?
Hades Kyle Xerson is typing...
Kinagat ko ng mariin ang pang ibabang labi. Medyo kinakabahan ako ngayon, mabuti na lang talaga kinausap ako nitong ni Hades kundi makakalimutan ko talaga. President pa naman ako at ito ang ginagawa ko, patay talaga ako nito bukas.
Si Kajik naman kasi.
Hades Kyle Xerson: Sa tingin ko hindi na sila magpapa-pasok ng students, nasa rules kasi 'yon na dapat on time. Medyo late na, bawi ka na lang bukas, I will too. Wala rin ako sa school ngayon, nasa mansyon ako ng mga Vela Rosa, dumating na kasi ang mga pinsan ko. I want to welcome them, btw, nice talking to you Miss Pres, see you tomorrow :)
Vela Rosa?
Kilala niya kaya si Kajik? And speaking of? Asan na ba ang baklang 'yon. Kanina pa ako naghihintay dito, mag-iisang ora--
*Ring! Ring!*
Bigla akong napatingin sa cellphone ko. Pangalan ni Ma'am Kaj ang lumabas. Bumuntong hininga ako at handa na sana siyang sigawan nang marinig ko ang malalim nitong hininga na tila nahihirapan.
"Matagal na naming sinasabi 'to sayo, Kajik! Magtino kana!" galit na sigaw ng nasa kabilang linya. Bigla akong ginapangan ng kaba.
"Kajik? Nasaan ka?" mahinahon kong tanong.
"Hanggang ngayon ba naman, Kajik? Ang bagal-bagal mo namang kumilos! Mauubusan na ako ng pasensya sayo ah! Ayusin mo ang sarili mo!"
"Ma'am Kaj, hello? Nasaan ka? Pupuntahan kita, sumagot ka."
"Halila, take me somewhere..."
"Nasaan ka? Pupuntahan kita, hintayin mo 'ko!"
"I'm so sick of this family, Halila. I thought they accepted me already, but not yet. Never. I'm so fvcking tired of understanding them; can't they at least understand me once?"
"Ma'am Kaj..."
"Saan na ako lulugar nito, Halila? Ginawa ko na ang lahat, but still, hindi parin sapat. Why?!"
"Manahimik ka na lang muna, okay? Saan ka ngayon? Pupuntahan kita, bilisan mo. Alam mo bang nag cutting ako dahil sa'yo? Bilisan mo, susunduin k--"
"Mansion."
***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro