Chapter 9: Misjudged?
Nathan's POV:
Naandito ako sa may library, nagbabasa, ng makita ko si Athena. Nandun siya sa may dulo, nakaupo malapit sa may bintana.
Ang ganda niya kapag nagbabasa. She's got such a charming smile while reading a book. She probably enjoys the book. Pinagmasdan kolang siya... Pero takte nayan! Wala talaga akong gusto kay Athena ha! Maganda lang talaga siya aamin ako dun!
Pagkatapos ng ilang oras na panunuod kay Athena habang nagbabasa at habang naka earphones, bigla akong nakatulog. Hindi ko na namalayang wala na pala si Athena sa library.
Pagka-gising ko ay agad kong hinanap kung nasaan si Athena. Medyo matagal ang tulog ko, ang peaceful kasi tingnan ni Athena, para lang anghel(^。^)
(Ate Ai: tapos sasabihin mo, hindi mo siya gusto(゜-゜)....may pasabi-sabi ka pang mukha siyang anghel. Landi ah!)
(Nathan: wala akong gusto kay Athena. Sadya naman talagang maganda siya ah.)
(Ate Ai: sus, napaka defensive mo naman agad! Sige na, hindi mo na siya gusto)
Ito talagang si Author, paissue! Bakit hindi ba talaga maganda si Athena? Maputi siya, makinis ang balat, tama lang ang tangkad, maganda ang facial fixtures niya, at napakaganda ng katawan niya. Don't get me wrong. Hindi ako bastos. Nagpapaka-totoo lang talaga ako.
Nagpaikot-ikot ako sa library para hanapin si Athena pero wala na siya dito.
"Huy, tara dun sa hallway. May binubully nanaman ang campus queen na si Faye" narinig kong sabi ng isang estudyante
Biglang nagtayuan silang lahat at lumabas ng library.
Ako naman ay lumabas nadin at nagtungo sa hallway na hindi kalayuan sa library. Nagulat ako sa nakita ko. Si Athena yun diba? Hindi ako pwedeng magka-mali, si Athena yun! At siya ang hawak ng mga babae habang sinasampal siya nung campus queen daw dito na si Faye. Punong-puno na siya ng pasa at medyo namamaga nadin ang pisngi niya. Bigla nalang ako nakaramdam ng galit. Galit sa mga taong gumagawa nito kay Athena. Hindi ko din alam kung bakit ako galit pero ang alam ko lang ay kailangan ko siyang iligtas at ilayo sa kanila!
Malapit na ako sa kinaroroonan ni Athena ng bigla kong makita na akmang sasampalin siya ulit ni Faye ng malakas. Hindi ko alam kung anong nangyare sa katawan ko, bigla nalang ako tumakbo ng mabilis at hinawakan ang braso ni Faye at binigwas ito ng malakas. Nagulat siya sa ginawa ko. Believe me, ako din. Hindi ko alam kung bakit ko din yun ginawa.
"Don't touch her!" Galit at cold na sabi ko kay Faye
Inalis ko din ang mga kamay ng mga kasama ni Faye na kanina pang mahigpit ang hawak sa braso ni Athena.
Lumingon ako kay Athena at para siyang nagulat nung nakita niya ang mukha ko.
"Teka! Who are you ba?" Iritang tanong sa'kin nung si Faye
Siya pa itong may ganang magalit at mairita sa'kin, e samantalang, ako dapat magalit sa kanya dahil sa ginawa niya kay Athena. Takte ka Nathan! Parang may gusto ka ata kay Athena ah!! TAKTE! Wala talaga akong gusto dun! Concern lang talaga, promise.
"Ako si Nathan" cold na sagot ko kay Faye
Inilapit kopa lalo si Athena sa tabi ko at medyo tinago siya sa likuran ko. Halatang halata sa kanya na hindi siya masyadong makatayo ng ayos.
"Saan mo dadalhin ang babaeng yan?! We're not done with that girl!" Galit na tanong sa'kin ni Faye
Takte! Daldal ng babaeng to ah! She just won't shut up, won't she? Damn her! Her voice is very annoying. I just can't stand it!
She's gonna pay for what she did to Athena. I mean it's not like I like Athena but I just don't like what she did to her. I'm just pissed, get it?
"I'm taking her with me..." Cold na sagot ko sa kanya
Bakit ba kailangan niya akong tanungin lagi. Nanay koba siya? Do I need to report everything I do to her?
"No! Hindi mo siya pwedeng dalhin!!" Iritang sabi ni Faye
Eh pakialamera pala tong babaeng to eh! Bakit naman ako makikinig sa kanya? Wala akong pake sa kanya. Kahit na magalit siya, I don't f*cking care!
Hindi kona sinagot ang mga tanong ng maingay na babaeng ito at dire-diretso na unalis kasama si Athena. Hinila kona siya paalis ng hallway.
-----------------------------------------------------
Dinala ko si Athena sa tambayan namin ng mga tropa ko kasi may clinic dito. Ako na ang maggagamot sa kanya. Kinuha ko ang first-aid kit at pinaupo siya sa sofa.
"Halika dito Athena, gagamutin kita..." Sabi ko sa kanya
Binigyan niya lang ako ng 'ANO' look at lumapit na sa akin
"Medyo magiging mahapdi to ah? Tiis ka muna ng konti. Sabihin mo nalang sakin kapag masakit para madahan-dahan kong gamutin ka" mahinahon kong sabi sa kanya
Nagulat naman siya sa sinabi ko at ngumiti nalang sakin. Grabe! Ang ganda talaga ng ngiti niya. Isa siyang anghel. Ehem! Walang malisya sa sinabi ko. Nagpapakatotoo lang(¯―¯٥)
"Thank you sa pagliligtas mo sakin Nathan..." Pasasalamat niya sakin sabay ngiti na din
"Okay lang yun...mabuti nga naabutan kita kasi kung hindi, baka mas malala pa sa mga galos at pasa ang makuha mo" sabi ko sa kanya
Nginitian niya lang ulit ako at nanahimik na ulit siya.
Kumuha ako ng ice cubes sa ref namin dito at inilagay ko ito sa isang ice bag.
"Ito, icebag, para mawala ng konti pamamaga ng pisngi mo" inabot ko sa kanya yung icebag
"Ah...thank you(^_^)" sabi niya sakin
Nanatili muna kami dito sa tambayan. Ayaw padin naman kasi ni Athena na lumabas at umattend ng klase. Baka siguro napahiya siya sa nangyare kanina, ayaw din niyang pag-usapan ang nangyare eh...
Natapos ko nang gamutin ang mga sugat niya, nalagyan ko na din ng ointment yung pasa niya at medyo okay na yung pisngi niya. Hindi ganun kapaga gaya nung kanina.
Athena's POV:
Andito ako sa tambayan ngayon nina Nathan, kasama siya. Si Nathan. Ginamot niya ang mga sugat at pasa ko, binigyan niya ako ng icebag para hindi masyadong mamaga ang pisngi ko. Grabe yung sampal sakin nung epal na Faye nayun! Pasalamat siya hindi ako pumapatol sa higad!
Pero real talk tayo.
Ang bait pala ni Nathan. Nandun siya at iniligtas niya ako kahit na ang sama ng ugali ko sa kanya kasi lagi ko siyang tinatarayan. Hindi kaya nagkamali ako? Namisunderstand koba talaga siya? Mayabang ba talaga siya? Baka siguro na misjudged kolang siya. Ang bait bait niya. Biruin mo ginamot pa ako ha, dinala ako dito sa tambayan nila na parang hindi naman nagpapapasok nang kung sino-sino lang dito pero pinapasok niya ako at inalagaan.
Tumingin ako sa kanya. Kalmado lang siyang kinakalikot yung cellphone niya, may ka text ata. Hindi naman pala siya gaanong nakakairita.
"Nathan, sorry nga pala kung lagi kitang pinagsusungitan ah...?" Paghingi ko sa kanya ng tawad
"Okay lang yun. It's all in the past now" nakangiting sabi niya
"So...? Friends?" Nakangiting tanong niya sa akin habang inaabot ang kanyang kamay
"Friends(^・^)" sabi ko sa kanya sabay abot ng kanyang kamay
Matagal kaming tumambay dito kasi ayaw ko naman muna lumabas. Medyo napahiya din kasi ako plus ayaw kong lumabas ng ganito itsura ko noh! I used to be so beautiful! Although I still am HAHAHA(^_-)
"Yo! Anong ginagawa niyo ditong dalwa?" Makulit na tono ni Grey ng pagtatanong
And yes... I remember their names and their faces, as well as their personalities
Bigla nagsi datingan ang mga kaibigan ni Nathan, kasama ang friends ko?!
"Bakit kasama niyo ang friends ko?" Nagtatakang tanong ko sa kanila
"I told them to get your friends to come here" sagot ni Nathan
Ahhh...yun pala...
"Omaygash! Anong nangyare sayo Athena?!" Gulat na tanong ni Ysabelle
Eto talagang si Ysabelle...kahit kailan, ang OA-OA(ー_ー)
"I'm fine...galos at pasa lang toh" sagot ko kay Ysabelle
"Are you sure your okay? Hindi mo kailangan dalhin sa ospital?" Alala ding tanong ni Ruby
"Yes...I'm really fine. Stop worrying" sabi ko sa kanilang dalwa
"Phew~ kala ko napasama kana. Lagut kami kay Tita niyan kapag nangyare yun!" Sabi ni Cora
Oonga pala...isa pa si mommy sa mga sobrang nagaalala. Kapag nakita ako ni mommy na ganito, baka kung anong gawin nun(・_・;)
"Sayang yung mala chicks monf mukha Athena..." Nanghihinayang na sabi ni Seth
"Shut up Seth!" Cold at medyo galit na sabi ni Nathan kay Seth
"Chill lang boss...geez" pagpapakalma ni Seth
"Tss..." Tipid na sabi ni Nathan
Wow! Ngayon kolang nakita si Nathan na ganito. Atsaka boss? Meh...wala pake. Pero dinga! Nakakagulat ang ganong reaksyon ni Nathan. Ngayon kolang siya nakita magalit, pati yung reaksyon niya kanina kay Faye. Kasi hindi naman yan usually galit kapag nakikita ko...makulit nga siya eh
"Thanks for taking care of our friend Nathan" pasasalamat ni Ruby kay Nathan
"No problem" sagot ni Nathan kay Ruby
Aba medyo nag change na ang mood ni Nathan. Bipolar ata to
"Uhhmm...alis na kami Nathan. Thanks ulit^_^" pagpapaalam ko kay Nathan
"Ahh...sige, ingat kayo" nakangiting sabi ni Nathan
"Thanks din boys sa pagiinform sa mga kaibigan ko na nandito ako(^_^)" nakangiti kong sabi sa mga kaibigan ni Nathan
"At your service ma'am" sabi ni Grey
HAHAHA kulet talaga
"Lang anuman yun! Basta ba chicks-- ARAY!!!" sabi ni Seth habang binatukan siya ni Nathan
Nagwave na kami ng goodbye sa isa't-isa at lumabas nadin kami ng mga kaibigan ko sa tambayan nila
"Athena, close na kayo ni Nathan?" Tanong sakin ni Cora habang naglalakad kami
"Oo. We're friends now" sabi ko sa kanya habang nakangiti
"Yown! Eh akala koba naiirita ka dun?" Tanong ni Ysabelle
"I misjudged him. Mabait naman pala siya...niligtas at ginamot panga niya ako ngayon eh..." Sagot ko sa kanila
"So...we're friends with them na?" Tanong naman ni Ruby
"Oo...you could say that we're friends with them" sabi ko sa kanila
To be Continued....
A/N: WAAAAAHHH!! Hi mga bbys!! Alam kong inaantay niyo ang ud na ito...sorry kung diko sinabi sa inyo na hindi muna ako mag aupdate kasi susulat ako ng ibang chaptees oa para naman madami kayong mabasa. Nagsusulat nadin ako ngayon habang may pumapasok pang idea sa utak ko. Anyways sana magustuhan niyo ang ang chapter na ito. Keep safe kayo palagi mga bbys and always pray💖 love you all <3333
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro