Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6: His Friends

Ysabelle's POV:

Andito ngayon kami sa senior party. Kasama ko ngayon dito sa dance floor sina Ruby at Cora samantalang si Athena naman ay nandun, nakaupo sa isang table at kumakain ng madaming pagkain. Nagutom daw kasi siya sa ginawa niyang pagda-diet nung mga nakaraang araw. Ewan ko ba diyan, magda-diet tapos hindi naman pala kaya i maintain, tapos madami agad kakainin. Ayaw nalang aminin na gluttony siya=_=

"Tingnan mo yung si Athena dun sa may table oh, sobrang takaw! Parang nandito lang para kumain ah...(ー_ー;)" sabi ko kayna Ruby at Cora

"Hayaan muna bes. Nagutom talaga siya sa diet niyang ginawa eh..." Mabait na sabi ni Ruby

"Ikaw talaga Ruby, kinampihan pa si Athena! Sino ba kasing nagsabi sa kanya na mag-diet siya?!" Alma ko sa kanya

"Wala naman nagsabi sa kanya. Baka trip lang talaga niya" sabi naman ni Cora

"Yun nanga eh! Wala naman nagsabi sa kanya. Okay lang naman kung mag-diet siya eh, pero yung bigla bigla siyang kakain ng madaming pagkain; aba iba yun! Hindi ba niya alam na makakasama sa kanya yun?!" Paga-alala ko

"Oonga... May point ka Ysa..." Pagsang-ayon ni Cora

"Oonga..." Pagsang-ayon din ni Ruby

"Sige na wag na nating pag-usapan yan at nakaka depressed! Lapitan nalang natin mamaya si Athena at bigyan siyq ng advice" sabi ko sa kanilang dalawa

"Oonga! Mamaya na natin katukan ang ulo ni Athena para naman matauhan" sabi naman ni Cora

"Sige! Sige!" Sang-ayon ni Ruby

Nagpatuloy na kami ulit sa pagsasayaw. Hinayaan na muna namin si Athena na magpaka-busog kasi mamaya ay babatukan namin yan para matauhan yan! Mwahahaha mamaya ka samin Athena.

------------------------------------------------------

Athena's POV:

Nagsasayaw pa din mga kaibigan ko samantala ako nandito, kumakain na ng strawberry shortcake. Ang sarap talaga ng pagkain. Hindi ko alam kung gaano na kadaming pagkain ang nakain ko. Feeling ko tuloy, yung appetite ko ay pang mukbanger. Pang madamihan ang kainan(^。^). Ang kaso nga lang, dumating ang asungot ng buhay ko. Nawala tuloy gana kong kumain. Idagdag mo pa yung mga kaibigan niya. Baka mga asungot din, pero syempre, don't judge a book by its cover. Diba?

"Parang ang dami mo naman atang kumain" pangenge-alam ni Nathan A.K.A: lalaking tuhod

"Pake moba? Di ka naman ikaw ang kumakain ah. Bakit ikaw ba? Inaano ka ng pagkain ko?" Pagmamataray ko

Feeling ko talaga sa tuwing nagkikita kami netong tao na toh, tinotoyo talaga ako eh! Pano ba naman, obvious na; itatanong pa! Para lang t*anga noh?

"Awwwttsss burn bro!" Sabi nung lalaking naka blue

"Parang nakahanap kana ng katapat mo Nathan ah" pangaasar nung lalaking naka pineapple hair kay lalaking tuhod este Nathan pala

"Nice one girl!" Sabi nung lalaki na kumakain ng cupcake

"Tumigil nga kayo!" Asar naman na sabi nung si lalaking tuhod

Sorry talaga guys pero di ko talaga kayang tawagin yan sa pangalan niya. I tried guys. I tried so hard, pero pag pasensyahan niyo na ako hindi ko talaga kaya! Baka kapag hindi na ako naiirita sa kanya. Baka lang ha! Wag muna tayong mag-assume, okay? Okay(^_-)-☆

"Uhmmm... Pede wag niyo dito gawin yang tropa drama niyo?" Iritang tanong ko sa kanila

"Kakain pa kasi ako eh... Medyo nawawalan ako ng gana..." Medyo mataray kong sabi sa kanila

"Awwttss sakit" sabi nung lalaki na naka blue

"Sorry Athena..." Pag papasensya nung lalaking kumakain ng cupcake

"Teka, sino ba kayo? Alam niyo na pangalan ko tapos di pa kayo nagpapakilala. Tapos ang dami niyo na agad chika dito" sabi ko sa kanila

"Welp, sorry for that. Let me formally introduce myself. I'm Grey Villamor, ang crush ng bayan" sabi nung lalaking naka blue

Ahhh Grey pala ang pangalan niya. Okay ._.

"Ulul! Crush daw ng bayan:-P" sabi nung lalaking naka pineapple hair na mukang hindi sangayon sa sinabi nung si Grey, daw... ._.

"Wag kang makinig diyan kay Grey, miss Athena. BTW, ako nga pala si Seth Adelard. Ang PINAKA pogi sa aming magkakaibigan" pagmamalaki nung lalaking Seth daw ang pangalan...

Pinadiin pa talaga niya yung "pinaka" ah =_=

"Hi, ako nga pala si Noah Perez. Pogi din ako pero nevermind that hmm... Nice to meet you" sabi nung kumakain ng cupcake.

Hindu muna lunukin yung kinakain eh =_= teka--- wait! Perez?

"Kaano-ano mo ang headmaster ng school? How are you related to the headmaster?" Tanong ko dun kay Noah

Wow nag english pa, pareho din naman yung sinabi. Trinanslate lang =-= b*bo ko talaga minsan eh noh?

"Ahh... He's my tito. We're pretty close" sagot ni "Noah" sa tanong ko

Guys sorry na talaga! Hindi ko kasalanan kung sarkastiko ako sa kanila, lalo na sa pagsasabi ng mga pangalan nila. Eto ang binigay sa'kin na role at sasabihin ni Author eh... Kung may sisisihin man, si Ate Ai yun. Hindi ako!

(Ate Ai: Huy! Wag mo nga isisi sa akin lahat! Ginusto mo din yan! Ikaw ang bida diba? Eh ganyan ugali ng bida eh? Nung magagawa mo?)

(Athena: sorry na author! Ano bang sinabi ko? I love my character nga eh!)

"Author & Athena Serye (commercial)"

"Oh okay... You didn't have to tell me about you being close with your tito though. I don't care about that." Mataray kong sabi kay "Noah"

"Awwttss talaga bro! Ang sakit ng mga burn ni Athena" sabi ni "Grey"

"Di daw kasi kayo attractive kaya mataray yan sa inyo HAHAHA" panga-asar naman nung si Seth

"Ulols! Bakit sa tingin mo ba pogi ka? Saang banda tol? Sa pwet?" Ganti naman ni "Grey"

"Tch... Childish" medyo mahinang sabi ko pero narinig padin naman nila

Tumayo na ako paalis sa table ko kasi nakakairita na dun. Dahil sa kanila nawalan tuloy ako ng gana sa pagkain. Gusto ko pa naman ng second round ng strawberry shotcake!

Naglalakad na ako paalis nang biglang may humawak ng braso ko

"Teka saan ka pupunta Athena?" Tanong ni lalaking tuhod

"Aalis ako, ang ingay niyo and I don't like it there anymore. I lost my appetite" cold na sabi ko

"Saan mo balak umalis?" Tanong ulit ni lalaking tuhod

"Pupunta ako sa mga kaibigan ko" sabi ko sa kanya

"No need. They're already coming here. Intayin mo nalang sila dito" utos sa'kin ng lalaking tuhod

"At sino ka naman para utusan ako? At pwede ba, bitawan monga ako!" Mataray kong sabi sa kanya

"Huy Athena! Ano na naman yan? Tinotoyo ka nanaman ghorl" sabi sa'kin ni Ysabelle na kararating lang dito kasama nina Ruby at Cora

"Eto kasi eh! Nakakabwisit! Tapos nawalan pa ako ng gana kumain!" Inis kong sabi kayna Ysabelle

"Chill lang bes..." Pagpapakalma sa'kin ni Ruby

"Tama na din na nawalan ka ng gana gurl. Masyado mo kasing binigla yung pagkain mo ng madaming pagkain eh kakatapos mo palang mag-diet. Baka mapano katawan mo niyan" sabi sa'kin ni Cora na may halong pagaa-lala

"Oonga Athena! Baka makasama sayo yan!" Payo sa'kin ni Ysabell na may halong batok

"Aray naman Ysa!" Inis na sabi ko kay Ysabelle

"Hehe...sorry na" pagsosorry ni Ysabelle habang niyayakap ako

"Woah! Ang daming pretty ladies!" Sabi nung si "Seth"

"Hi I'm Seth. May I know kung ano ang mga pangalan niyo?" Sabi niya sa mga kaibigan ko

"Hi I'm Ysabelle" sabi ni Ysa

"Yo! Ako si Cora" sabi ni Cora

"Ako naman si Ruby" sabi ni Ruby

"Nice to meet you all! Ako nga pala si Grey" sabi ni "Grey" na may sabay pang wink

"Ehem! Pakboi!" Parinig ni "Seth"

"Aba gag* toh ah! Hindi ba ikaw ang pakboi?" Sabi naman ni "Grey" kay "Seth"

"Huy, tama na yan! Nasa harap kayo ng mga babae! Pero sa tutuusin mas pogi ako sa inyo. Hi ako nga pala si Noah" awat naman ni "Noah" dun sa dalwa sabay nagpakilala nadin

May pagka playboy din pala tong isang toh! Akala ko puro pagkain lang toh eh...

"Asus! Pa goodboy ka pa Noah! Isa kadin samin noh!" Sabi ni "Grey" kay "Noah"

"Tama na nga yan!" Utos ni lalaking tuhod dun sa tatlo niyang kaibigan

"Kk... Ikaw na boss. Sorry po" makulit na sabi ni "Grey"

Sumang-ayon naman yung dalwa sa sinabi ni "Grey"

"Sorry for causing a scene infront of you guys" pagpapaumanhin ni lalaking tuhod sa amin

"Okay lang yun Nathan..." Sabi ni Ruby

"Tara na!" Inis na sabi kayna Ruby

"Teka lang! Dipa tapos yung party eh..." Paga-alma ni Ysabelle

"Tara na! Nandyan na si manong Jerry. Susunduin na niya tayo. We're done here. Come on!" Sabi ko sa kanilang tatlo na may halong awtoridad

Di talaga ako bossy guys... Promise
(~_~;)

"Sige na nga..." Malungkot na sabi ni Ysa

Alam niyo sa aming magkakaibigan, si Ysa lang ang pinaka maalma... =_=

"If you'll excuse us. Aalis na kami" sabi ko kay lalaking tuhod and company

"Okay. Take care... Ingat kayo" sabi ni lalaking tuhod na para bang napaka caring niya (;一_一)

Lumabas na kami at nakita namin si manong Jerry na nagiintay sa amin sa may gate. Sumakay na kami at umandar na ang sasakyan.

Hay... Nakaka stress na party yun ah... Kala ko pa naman mageenjoy ako dahil may mga pagkain, yun pala maiirita lang ako! Hindi naman sa nagrereklamo ako dahil alam kong senior din sila at karapatan nila na umattend nung party, pero bakit kailangan nila akong lapitan at iyamutin?

(My sarcastic mind: edi ba pagrereklamo din yum Athena? Ha?)

"Ang saya saya ng party tapos ikaw lang ang nawala sa mood Athena" sabi sa'kin ni Cora

"Ano bang nangyare Athena?" Pagaa-lalang tanong sa'kin ni Ruby

"Wala yun...wag na nating pagusapan..." Walang ganang sabi ko sa kanila

"Baka naman dahil yun kay Nathan atsaka dun sa mga kaibigan niya" sabi naman ni Ysabelle

Hindi ako sumagot sa kanila (ー_ー)

"Uhmm...sige wag na nating pagusapan. Hayaan muna natin si Athena. Mukang wala talaga siya sa mood lalo na dahil dun sa pagkain" sabi naman ni Ruby

Alam kasi nila na kapag hindi ako umimik, ibig sabihin nun, waka ako sa mood. Ang bilis kong magalit noh? Ang dali ko kasi mairita, lalo na kapag si lalaking tuhod ang dahilan...

(Ate Ai: baka naman kasi gusto mo na yung tao!)

(Athena: yuck! Hindi ha!)

(Ate Ai: sus! Eh bakit lagi kang galit sa kanya? Baka naman kasi hindi mo lang alam na gusto mo na pala si Nathan)

(Athena: sure ako! Hindi ko magugustuhan yang lalaking yan! Wala nga akong time para magka jowa diba?)

(Ate Ai: malay mo maiba pala ang takbo ng tadhana?)

(Athena: hay naku! Bahala ka nanga lang diyan author)

To be Continued....

A/N: Hi bbys! Eto na ang Chapter 6 ng aking story!! Nagupdate na ako kasi na-inspire ako dahil may nagchat sa'kin na nagustuhan daw niya story ko. Nakaka overwhelm lang kasi akala ko walang magkakagusto sa story ko. Anyways sana magustuhan niyo itong story ko... Stay safe everybody! Always pray💖





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro