Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5: New Work, New Life


     "Ate, pogi 'yong nabangga mo?" tanong ni Lala sa kanya habang abala siyang nag-eempake ng mga dadalhin niya sa bago niyang trabaho─ chimini-a-a at sekyu ni Phoenix Castro.

     Tumuwid siya ng tayo, namaywang at hinarap ang kapatid na noon ay pinakikialaman na naman ang kikay kit niya na nasa tokador.

     "Saan na naman patungo 'yang tanong mo, Lala?"

     Humarap ito sa kanya bago ngumisi. "Wala. Sabi kasi ni Aling Lolita, artista raw 'yong nabangga mo, kaya tinatanong ko kung guwapo."

     "E ano ngayon kung guwapo?" Rumolyo ang mata niya nang maalala ang pananalita ng manyak at masungit na lalaki. "Walang silbi ang gandang lalaki kung bastos naman ang bunganga at demanding!" inis na dugtong niya.

     "Ay, may warla, Ate?" lukot ang mukhang tanong ng kapatid. Nag-flip hair ang dalagita. "Tinatanong ka lang naman kung pogi 'yong nabangga mo. Baka lang kasi pwede mong dyowain."

     Napanganga siya, nagmamadaling nilapitan si Lala. "Kanino mo nalaman 'yang mga pinagsasabi mo? Ang bata-bata mo pa, Grazela ha!"

      "E narinig ko kasi 'yon sa chismisan doon sa tindahan nila Aling Lolita. Dapat daw ang mga dyino-dyowa 'yong mga guwapo at mayayaman para hayahay ang buhay kahit mapagod sa pagko- close-open ang legs sa gabi!"

     Napasinghap siya. Mabilis na tinutop ang bibig ng kapatid. "H'wag mo nang uulitin 'yang sinabi mo, Lala! Ku-u! Tatahiin ko talaga 'yang bibig mo!" kunsumidong sabi niya. "Sinabi na kasing h'wag magpupupunta doon kina Aling Lolita. Doon ang newscenter ng mga tsismosa!"

     Pilit tinanggal ni Lala ang kamay niyang nakatakip sa bibig nito. "E doon malakas ang wifi e at saka libre pa. Kaya doon ang tambayan namin nila Lovely at Ten-ten."

     Napakamot siya ng ulo. "Kahit na! Hindi dapat kayo naglalagi sa mga ganoong lugar. Lalo na ngayon, aalis ako. Hindi kita mababantayan parati."

     Natahimik ito, kapagkuwan'y lumabi, naiiyak. "Matagal ka do'n ate?"

     Nanikip ang dibdib niya sa sinabi ng kapatid. Iyon kasi ang unang pagkakataon na mawawalay siya nang matagal sa pamilya niya. Lalo na kay Lala na masyadong attached sa kanya. Dalawang taon lang ito nang bawian nang buhay ang nanay nila. Kaya siya na halos ang tumayong nanay nito.

     "H-Hindi ko sigurado e," alanganing sagot niya. Hindi pa nila napag-uusapan ng manyak ang iba pang terms ng paninilbihan niya rito.

     Nakayuko siyang niyakap ni Lala. "Mami-miss kita, Ate," anito, sinubsob ang mukha sa dibdib niya bago humagulgol.

     Tuluyan na siyang naluha. Mabilis rin niya iyong pinalis pagkatapos. Hindi siya puwedeng mag-iiyak ngayon. Dapat maging ehemplo siya ng lakas at tatag ng loob sa pamilya niya. Siya si Gabriela, hindi siya ipinangalan sa bayani kung hindi natural na malakas ang loob niya. At saka kung hindi siya magiging matapang para sa pamilya niya, sinong gagawa noon para sa kanila?

     "H'wag ka nang umiyak. Kapag binigyan ako ni Mr. Castro ng bakasyon, uuwi agad ako."

     "S-sino na katabi ko sa pagtulog?" ani Lala sa pagitan ng pagsigok.

     "Si Ate Tori. Bakit ayaw mo siyang katabi?" Pinakawalan niya ang kapatid at pinunasan ang luha nito.

     "E pa'no kapag nasa ospital siya o kaya nasa trabaho? Sino nang kasama ko?"

     "Si Tatay at saka si Kuya Manny."

     Lumabi ito. "Mas gusto pa rin kita, Ate." Yumakap ito ulit sa kanya.

     Napabuga siya ng hininga. Nang mag-angat siya nang tingin, nasa pintuan pala ang tatay niya. Tahimik na nakamasid sa kanilang dalawang magkapatid.

     "H'wag kang mag-alala, kapag natapos ko na ang trabaho ko doon kay Mr. Castro, tabi ulit tayo matulog. Tapos kapag nakaluwag-luwag ako, bibili tayo ng lightstick ng BlackPink. 'Di ba gusto mo 'yon?"

     Nabuhayan ito ng loob, kusang kumalas sa kanya. "Talaga, Ate? 'Yong orig?"

     Napangiwi siya, alanganing tumango. "Oo, basta i-promise mo sa 'kin na magpapakabait ka habang wala ako. At saka aalagaan mo dapat si Tatay."

     Nagmamadali itong nagpunas ng luha bago marahang tumango. Nang muli niyang tignan ang tatay niya, nagpupunas din ito ng luha nito. Kahit kailan talaga, sa kahit na anong panahon, mahirap magpaalam.

     Minadali na niya ang page-empake pagkatapos. Tinulungan siya ni Lala pati na rin ni Tori na kagagaling lamang mula sa duty nito sa ospital. Binilinan daw ito ni Ma'am Cheng na tinatrabaho na raw ang discharge papers ni Mr. Castro kaya kailangan niyang magmadali.

     Matapos ang ilang habilin sa mga kapatid, lumarga na siya patungo sa ospital. Kaya lang pagdating doon, ibang grupo naman ang sumalubong na nakichismis sa kanya. Sina Brandy at Jelaine, schoolmates niya ang dalawa mula highschool. Sapilitan siyang kinorner ng mga ito sa nurses station.

     "Nagbaon ka ng nightie?" ani Jelaine na marahan pang sinundot ang tagiliran niya. Panay ang ngiti nito, kilig na kilig.

     Nalukot ang mukha niya. "Bakit?"

     "Anong bakit?" Namaywang ito, ngumuso. "Sira ka ba? Alam kong malayong mangyari pero malay mo umayon sa 'yo ang tadhana. Kaya dapat, ready ka sakaling mabangenge si Phoenix at ayain kang mag-kemerlu." Nag-apir ito at si Brandy.

     Hinatak ni Brandy ang dala niyang bag. "Patingin nga ng mga dala mo."

     Naimbyerna siya nang husto, pagalit na inayos ang pagkakasukbit ng travelling bag niya sa kanyang balikat.

     "Trabaho ang ipupunta ko roon, wala nang iba. Para sa kalayaan ng pangarap ko 'to at sa pamilya ko. Kaya h'wag niyo akong hilahin na dalawang malalandutay sa karimlan ng inyong mga kinabukasan!" nakataas ang kilay na sabi niya.

     Umirap si Brandy. "Kahit kailan talaga napaka-KJ mong babae ka!"

     "Kaya nga! Lumandi ka rin naman minsa, Gabbie!" segunda ni Jelaine, mas kunsomido pa kaysa kay Brandy.

     "Hindi KJ ang tawag sa preserbasyon ng Bataan ko, Brandy. Ang tawag doon, pag-iingat yaman sa perlas ng silanganan!" Ipinasada niya ang kamay sa kanyang buhok. "Kung meron man akong mahihita sa pagchi-chimini-a-a ko kay Mr. Castro, sigurado ako, sandamakmak na kunsomisyon at wrinkles! 'Yon ay kung tatagal ako ng isang araw at hindi ko siya masasakal habang tulog."

     Nagkatinginan ang mga kaibigan niya bago sabay na inilapat ang kanilang kamay sa kanyang ulo.

     Si Brandy ang nagsalita. "Lord, maawa po kayo sa kaibigan namin. Tanggalin po ninyo ang masamang espiritong namumuhay sa kanyang katawang walang pakinabang. Mabait naman siyang talaga. H'wag po ninyong hayaang lamunin siya ng kadiliman!"

     "Siya nawa!" si Jelaine.

     Naiinis niyang tinabig ang kamay ng mga ito. "Wala akong sapi, 'no! Mga OA kayo! Ayaw lang lumandi may sapi na? Haller! Hindi pa pwedeng hindi ko lang siya type?"

     "Ang choosy, ha? Artista ka? Maputi ang siko, singit at kuyukot mo?" si Brandy, nakataas ang kilay.

     Tumuwid siya ng tayo, itinaas ang noo. "Excuses me, hindi ako Dalmatian! Pantay ang kulay ko mula ulo hanggang paa. At sinumang lalaki ang unang papayagan kong magkipag-chukchak-ganern-ganern sa 'kin ay tiyak na makaka-jackpot dahil fresh na fresh ako! Never been touched, never been kissed."

     "But you're always late? Is that it?" anang pamilyar na baritonong tinig sa malapit.

     Nang lingunin niya, naroon na si Mr. Castro. Nakaupo sa wheelchair na tulak ni Dr. Lavigne. Agad siyang pinamulahan ng mukha. Natataranta siyang bumaling sa mga kaibigan niya na noon ay nagkanya-kanyang ikot kunwari sa loob ng nurses station upang magmukhang abala. Ang mga taksil!

     Tumikhim siya at alanganing nilapitan ang bago niyang amo. Ano kaya sa mga usapan nila ng malalandutay na kaibigan niya ang narinig nito?

     Juskopo! Iaadya niyo po ako sa mas marami pang kahihiyan.

     "You're late. Kanina pa kita hinihintay," seryosong bungad nito sa kanya.

     Tumikwas ang nguso niya. Wala man lang itong pa-goodmorning kahit pakitang tao lang. Lihim siyang nagmaktol. Gusto niya itong patulan, kaya lang, hindi puwede.

     "S-sorry, may mga inasikaso pa kasi ako."

     "Gaya ng pakikipagchismisan mo sa mga kaibigan mo?" Bumaling ito kina Brandy at Jelaine na patuloy pa rin sa pagkukunwaring busy bago ibinalik sa kanya ang tingin. "If you're going to work for me, I need you to be prompt. I hate delays."

     Napakurap-kurap siya. Umatras ang dila niyang gustong magtaray.

     "Hey, Phoenix it's her first day. She'll get the hang of it in no time. Right, Gabbie?" ani Dr. Lavigne.

     Huminga siya nang malalim bago tumango-tango. "S-Sorry, hindi na po mauulit."

     "Dapat lang! You're the reason why I can't walk in the first place!"

     Pasimple siyang umirap. Hindi lang pala ito manyak at demanding, masungit din. Lihim siyang nanalangin na sana bigyan siya ng lakas loob at pagtitimpi ng Diyos na sa loob ng susunod na mga oras, h'wag niya itong masakal o mahambalos ng kung ano mang mahawakan niya.

     Dineadma niya ang patutsada ng masungit. "Ako na po dito, Doc," aniya kay Dr. Lavigne bago pumuwesto sa likuran ng wheelchair.

     "I'll walk you till the lobby," anang doktor na nagpatiuna na sa kanila sa paglalakad.

     Nilingon niya ang kaibigan na nasa nurses station. Panay ang ngisi ng mga ito habang kumakaway sa kanya, natutuwa siguro na napagalitan siya. Mga undin talaga! Inirapan niya ang mga ito bago tuluyang tinulak ang wheelchair ng nagsusungit na amo niya.

     Panay ang paalala ni Dr. Lavigne sa kanya habang nasa lift sila. Sa kanya rin nito ibinigay ang reseta ng mga gamot pati ang diet plan nito na hinanda ng ortho doctor ng basketbolista. Nang makarating sila sa lobby, inabot sa kanya Dr. Lavigne ang susi ng sasakyan ng amo niya.

     "You can't possibly let her drive, can you?" reklamo agad ng masungit. "She'll drive me to my death, I swear, Matt!"

     "Kulang ako sa tulog, Phoenix. I can't drive just yet. It's either she drives you both to your house or you leave your car here and take a cab. Your choice," mahinahong sagot ng doktor.

     "Can you call Henri again?"

     "I told you he's caught with family matters."

     Nagmura ito bago siya binalingan. "Can you really drive?"

     "O-oo naman," alanganin niyang sagot bago ngumiwi. Dapat ba niyang sabihin na wala siyang lisensya? Napilitan siya kasi iyong i-surrender sa mga parak kahapon.

     "Pinapangako mong hindi mo ibabangga ang sasakyan ko?"

     Tumikhim siya. "O-oo! Cross my heart, hope you die este hope to die!"

      Nagbuga ito ng hininga, parang naubusan ng pag-asa. "Just make sure hindi mo ibabangga ang sasakyan ko kundi aalilain kita habambuhay!"

     Hindi na siya sumagot. Baka kasi ano na naman ang masabi niya. Mula sa lobby ng ospital, hinatid sila ng tinawag ni Dr. Lavigne na hospital aide sa parking lot, sa mismong sasakyan ng lalaki.

     Muntik pa siyang mapasipol nang makita ang sasakyan ng masungit. Isang customized Hummer ang sasakyan ng lalaki. Kaya pala kung makabanta ito sa kanya wagas. Makailang ulit din siyang naghithit-buga ng hangin upang kalmahin ang sarili niya. 'Langya! Dapat talaga mag-concentrate siya sa pagmamaneho kung ayaw niyang maging alila ng manyak na masungit habambuhay!

     Pahirapan nilang isinakay ng aide sa sasakyan si Mr. Castro. Kaunting movement, napapamura ito. Hindi niya tuloy malaman kung maarte lang ito o sadyang mababa ang pain tolerance nito. Matapos ang ilang minuto, nakaakyat din ito sa sasakyan nito sa wakas. Pagkatapos niyon ay lumarga na sila. Bahagya silang naharang ng ilang miyembro ng press na nakabantay sa gate ng ospital. Salamat na lang at mabilis na tumulong ang security guards ng Angelicum Hospital kaya malabis din silang nakalusot doon.

     Habang nasa daan, maliban sa pagtitinginan nila sa rearview mirror tuwing nagbibigay ito ng direksyon, walang namagitang pag-uusap sa kanila ng bago niyang amo. Mas pabor iyon sa kanya dahil mas nakakapag-concentrate siya sa pagda-drive.

     Halos isang oras din ang naging biyahe nila. Sa isang sosyal na condo tower sa Makati sila tumuloy. Mabuti na lang mahigpit ang security doon, walang nakasunod sa kanila ni isang miyembro ng press sa parking lot. Siya ang unang bumaba ng sasakyan. Binuksan niya ang pinto sa backseat kung saan ito nakaupo. Una niyang inilabas ang crutches at iniabot iyon sa lalaki. Ilang sandali rin itong tumitig lang sa crutches, ramdam niya ang pag-aalinlangan nitong gamitin iyon. Tipikal 'yon sa mga pasyenteng nadisgrasya. Lalo na kay Mr. Castro. Napaka-active nitong tao, a sportsman, tapos bigla itong hindi makakalakad. Wala siya ngayong choice kundi magmukhang mabait at ilabas ang mga bala niya ng encouraging words na kalimitang gamit niya sa mga pasyente niya.

     "It's okay, Sir. You don't need to panic. I'm here." Ngumiti siya bago muling inabot ang crutches dito.

     Nagsalubong ang kilay nito. "That's a bit rich coming from you, don't you think? You're the reason why I'm in a lot pain and unable to walk."

     Pasimple siyang umirap siya at hindi pinatulan ang pagsusungit ng basketbolista. Pumormal siya. Binigyan niya ito ng instruction kung paano makakababa ng sasakyan nang maayos. Nakaagapay siya rito habang maingat itong naglalakad gamit ng crutches hanggang sa makasakay sila sa lift.

     "My place is a bit messy. H'wag kang magtaka. I haven't been home for almost a week. Magaling ka naman sigurong maglinis 'di ba?" anito, ang mga mata nasa floor counter ng elevator.

     Umirap siya. "I'll try my best, Mr. Castro."

     "Phoenix. Call me, Phoenix. I feel like my grandfather when you're calling me Mr. Castro."

     Nagkibit-balikat siya."O e 'di sige, Phoenix."

     Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan, narating din nila ang top floor ng condo tower, kung saan naroon ang penthouse ng lalaki.

     "I want you to clean my room first. Gusto kong magpahinga." Nag-type ito ng numero sa electronic lock ng unit bago bumaling sa kanya. "0407. It's my birthday," anito bago pinihit pabukas ang pinto. Nang pumasok ito sa unit, sumunod siya.

     Unang sampung segundo pa lang ng pag-apak niya sa bahay ni Phoenix, gusto na niyang magmaktol! Nasaan ang sinasabi nitong a little bit messy e mukhang dinaanan ng magkakasabay na giyera, bagyo at delubyo ang bahay nito! Nagkalat ang mga bote ng alak na walang laman sa sahig. Puno ng upos at abo ng sigarilyo ang ashtray. Pati mga kamiseta, boxer at shorts, kung saan-saan nakasampay! Hindi na siya magtataka kung makakakita siya ng baging sa isang sulok. Para siya tuloy pumasok sa kuweba ng kanyang kaparusahan at kamatayan!

     Juskolerd!

     Wala sa sarili niyang inilaglag sa sahig ang hawak niyang dalawang travelling bag- isa sa kanya, isa kay Phoenix.

     Nakapamaywang niyang hinarap ang lalaki. "Ilang siglo ka nang hindi naglilinis nitong kural este nitong bahay mo?"

     "Ha ha! That's funny," puno ng sarkasmong sagot nito bago tinungo ang isa sa tatlong pinto na nakikita niya sa bandang kaliwa ng salas. Binuksan nito ang pintong nasa pinaka-kanan. "This is my room. Ito muna ang linisin mo."

     Naglakad siya sa kwarto nito. Sinilip lang niya muna iyon bago alanganing umatras. Napapantastikuhan niya itong tinignan pagkatapos. "Sigurado kang walang bayawak, sawa, elepante, dugong, tarsier o kaya dinosaur sa kuwarto mo? Mas masahol pa sa kural itong buong bahay mo a!"Ipinaikot niya ang tingin sa bahay nito bago kunsomidong ipinasada ang kamay sa kanyang buhok. "Hindi ka ba marunong humawak ng walis, ha? Aba! Baka dito na nagkukuta si Zuma at ang mga terorista hindi mo pa alam! At saka─"

     Agad nalulon ni Gabbie ang karugtong pa sana ng mga litanya niya nang biglang ilapit nang husto ni Phoenix ang mukha nito sa kanya. Sa sobrang lapit ng mukha nito, halos naamoy na niya ang mabango nitong hininga. Gusto niyang magsalita o magreklamo, itayo ang bandera ng mga inaaping chimini-a-a sa buong mundo kaso, nalulon din niya 'ata pati dila niya.

     Ilang sandali rin nitong pinakatitigan ang mga mata niya bago, "Just shut up and clean, Gabbie." Umayos ito ng tayo pagkatapos bago humakbang patungo sa covered patio sa labas ng penthouse na parang walang nangyari.

     Naiwan siya sa tapat ng kwarto nito na nakatanga. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya e. Pakiramdam niya lumundag hanggang langit ang puso niya! Wala sa sarili niyang inihilamos ang kamay sa kanyang mukha. Inilapit lang nito ang mukha nito, tumaob na lahat ng pinaglalaban niya.

     'Langya! Mukhang hindi lang kunsomisyon at wrinkles ang mahihita niya roon. Baka maraming nerbyos din at sakit sa puso. ###

2609words/3:30pm/02272020

 #AccidendatllyInLoveHDG
















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro