Chapter 4: The Deal
Panay ang buntong-hinginga ni Gabbie habang nagsasalita ang hospital director ng Angelicum Hospital na si Dr. Martin Pedroza. Naroon sila sa opisina ng matandang doktor. Kasama niya roon sina Ma'am Cheng, ang boss niya, si Atty. Aaron Miguel Sandejas, ang legal counsel niya, at ang grupo ng tagapagtanggol ng manyak na nilalang na si Phoenix Castro─ ang mahilig mag-warla na coach nitong si Coach Henri at si Dr. Lavigne. Kanina naroon din si Brand. Kaya lang, pinalabas din ni Dr. Pedroza nang akuin niya ang kasalanan nang nagdaang gabi.
Patamad niyang sinilip ang wristwatch niya. Pasado alas- siyete pa lamang ng umaga pero tinutuhog na siya ng kamalasan. Kagabi matapos niyang gumawa ng eksena sa suite ni Mr. Manyakis Castro, agad siyang umuwi at kinausap si Mac. Sinabi niya rito ang mga nangyari. Inumaga na nga siya kakaulit-ulit ng kwento niya. Plano niya sanang mag-sick leave ngayon dahil nga napuyat siya. Kaya lang, kaninang alas-singko ng umaga, nakatanggap siya ng tawag mula mismo kay Dr. Pedroza. Pinagrereport siya sa ospital nang ganoon kaaga!
At dahil mukhang alam na niya ang eksenang daratnan sa ospital, she came prepared. Binitbit niya si Atty. Sandejas papasok ng trabaho, ayon na rin sa advice ni Mac. Kaya ngayon heto silang lahat, tahimik na nakikinig sa pangangaral ng matandang direktor.
"What you did Ms. Centeno is unacceptable. We are health service providers. Kasama sa sinumpaan nating tungkulin ang tulungan ang lahat ng may sakit─ kaaway man natin o kakampi. I guess, you already know the consequences of your actions, Ms. Centeno. I'm sorry, but we have to let you go."
"Serves you right!" komento ni Mr. Manyak Castro, nakangisi habang nakaupo sa wheelchair nito.
Lalong kumulo ang dugo niya. "Aba't talagang hindi ka pa nagtandang manyak ka 'no!"
"Gabbie!" saway ni Ms. Cheng.
"Ma'am, binastos ako niyan kagabi." Tinuro niya ang manyak na lalaki. "Kung anu-anong pinagsasabi sa akin na kabastusan! Sakyan ko daw siya! Biruin niyo 'yon? Anong akala niya sa akin, suma-sideline ng pagpo-prosti sa gabi?" Binalingan niya ang lalaki. "Hoy! Para sabihin ko sa 'yo, virgin pa 'ko! Virgin pa 'ko!" Napatayo siya at wala sa sariling pinukpok ng kamay ang lamesa ng direktor.
Umalingawngaw sa apat na sulok ng silid ang katotohanang nanggagalaiti niyang ipinaglalaban. Nang matahimik ang buong paligid, pasimple niyang sinulyapan si Mr. Manyak Castro. Pigil na pigil nito ang pagngiti habang nakatingin din sa kanya. Walang sounds na ipinorma ng bibig nito ang salitan virgin. Saka pa lang napagtanto ni Gabbie na hindi nga pala dapat niya in-aannounce ang kainosentihan niya sa madlang pipol na naroroon!
Namumula ang pisngi niyang naupong muli habang lihim na pinapangaralan ang sarili ng pagtitimpi.
Tumikhim si Atty. Sandejas, pasimple pang sumulyap sa kanya bago bumaling kay Dr. Pedroza. "Sir, my client is quite emotional right now. It's clear that she is still in distress because of the inappropriate words of Mr. Castro said to her last night." Sumulyap ito kay Mr. Castro. "If we cannot reach an agreement today, my client will file the necessary charges against you, Mr. Castro."
"Go ahead! Sinong tinakot niyo?" ani Coach Henri, pinasada pa kamay sa ulo nitong nangingintab. "At saka bakit siya pumasok sa room ni Phoenix kagabi e hindi naman siya naka-duty? Siguro, talagang may planong masama ang babaeng 'yan─"
"Hoy, Mr. Bokalbs, Nambibintang ka naman! Noong isang araw ka pa a!" Nanggigigil na muling napatayo si Gabbie, namaywang. "Para sabihin ko sa 'yo, pumunta ako sa kwarto ng alaga mo kagabi dahil gusto kong makiusap na iurong ang demanda laban sa akin dahil wala naman talaga akong kasalanan! Malay ko ba na may pagkamanyakis pala yang alaga mong 'yan at kung sino-sinong babae ang inaaya niyang sumakay sa kanya!"
"Kung gusto mo palang makipag-areglo, bakit hindi mo sinama itong abogado mo?" si Mr. Castro, seryoso na ang mukha.
Sinulyapan niya si Atty. Sandejas. Umiling ito, halatang disappointed. Muli itong tumikhim, bumaling sa mga kausap bago nagsalita. "We've been meaning to talk to you, Mr. Castro. Me and my client have not discussed yet when. Excuse my clients' impulsive actions. It's clear she's still in distress due to the accident. Hindi madali ang manatili sa presinto ng ilang oras lalo na sa dalagang katulad niya. She's in shock too!"
"Hindi puwedeng i-excuse ang pananakit sa isang pasyente!" giit ni Coach Henri. "Kapag hindi niyo tinanggal sa ospital na 'to ang babaeng 'yan, sasampahan namin ng kaso ang ospital mismo, Dr. Pedroza."
Napailing si Dr. Perdroza ngunit bago pa man makasagot ang doktor bumukas ang pinto ng silid. Sumungaw doon ang bulto ng tatay niya na panay ang piglas sa pagkakahawak ng mga guards. Nasa likuran nito si Tori, naka-student nurse uniform pa at umiiyak habang sinusubukang alisin ang ang kamay ng isa sa mga guards na nasa saklay ng tatay nila. Galing ito tiyak sa duty nito sa ER. Sa Angelicum Hospital din kasi ang OJT nito. Mukhang nakasagap ang kapatid niya ng chismis tungkol sa kanya at isinumbong sa tatay niya.
"Bitiwan niyo ang tatay ko!" sigaw niya sa mga guards. Agad namang tumalima ang mga guards. Kaya lang, hindi agad nakabalanse ang tatay niya. Tuluyan na itong natumba sa baldosa. Natataranta niyang dinaluhan ang ama. Umaaray ito subalit nang makita si Mr. Castro ay pilit na lumuhod.
"Sir, patawarin niyo na po ang anak ko. Hindi po niya sadya ang nagawa niya. Ako na lang po ang ikulong ninyo. Ako ang nag-utos sa kanya na i-test drive 'yong jeep. K-Kung makukulong ang anak ko, kawawa naman ang mga kapatid niya. Hindi na sila kakain at makakapag-aral. Inutil na kasi ako ngayon. W-Walang silbi sa buhay. Kaya kung gusto ninyong mayroong managot sa kasalanan ng anak ko, ako na lang. A-Ako na lang po." Yumuko ang tatay niya, yumuyugyog ang balikat.
Lalong lumakas ang hagulgol ni Tori. Namigat naman ang dibdib niya. Pilit niyang inaayos ang posisyon ng ama ngunit ayaw nito, nanatili itong nakaluhod habang tahimik na lumuluha.
"'Tay..." garalgal ang tinig na tawag niya sa ama. Napaiyak na rin siya. Hindi niya lubos akalain na makakaya ng tatay niya na gawin ang ganoong klaseng pagpapakababa.
Pumalatak ang coach maya-maya, patuya pang pumalakpak. "'Sus! Bumenta na 'yan! Anong susunod, huhuthutan niyo si Phoenix─"
"Henri, let them be," putol ng basketbolista sa coach nito. Tumitig ito sa kanya. "If it's okay with you let's talk privately. Just the two of us."
"Phoenix─"
"I know what I'm doing, Henri."
Sandaling pang nagtitigan ang dalawa bago alanganing lumabas ng silid ang coach.
"I can't leave my client here alone with you," tutol ni Atty. Sandejas.
"C'mon, Attorney! Hindi ba dapat ako ang mas lalong mag-alala na maiiwan kasama ang kliyente mo? Baka nakakalimutan mo, I am bound on this stupid chair because of your client," puno ng sarkasmong sagot ni Mr. Castro.
Bumungtong-hininga si Atty. Sandejas bago siya nilingon. "I'll be right outside," anito bago lumabas ng silid. Sumunod dito sina Ma'am Cheng at Dr. Pedroza. Si Dr. Lavigne naman ay inalalayan ang tatay niya patayo.
"Ikaw na muna ang bahala kay Tatay, Tori," bilin niya sa kapatid bago tuluyang isinara ang pinto ng silid. Pumuwesto siya malapit sa pinto. Alanganin pa rin siya kasing kasama sa iisang silid ang lalaking may bastos na bunganga.
"Gabbie, right?" anang lalaki.
Alanganin siyang tumango. "Anong gusto mo, Mr. Castro? Bakit mo pinaalis ang mga kasama natin?"
"Don't you want to speak to me? Now's your chance, Miss Gabbie. Speak."
Kusang rumolyo ang mga mata niya. Hindi lang pala kaguwapuhan sa mundo ang hinoarding ng lalaki, pati na rin pala kayabangan. Well, ganoon naman talaga ang mga may sinasabi sa buhay kung magsalita. Akala nila namimigay sila ng biyaya kapag binibigyan nila ng atensyon ang mga mahihirap na tulad niya.
Excuses me, ha! Excuses me!
"Una, hindi ka lang pala manyakis, mayabang ka pa. Pangalawa─"
"Okay, you can stop right there," putol nito sa kanya, nakataas pa ang kamay. "Get to the part where you beg."
Napamaang siya. Juskolerd talaga! Bilib na bilib na siyang talaga sa kahanginan nito.
"Beg? Hindi ako magbe-beg, 'no? Ano 'ko bale? Itsura mong manyak ka!"
"Hey, hey, namimihasa ka na sa pagtawag sa akin ng manyak a!"
"E sa totoo naman! Ride me, ride me." Nalukot ang mukha niya. "Ano ka sasakyan?"
Bahagyang natawa ang lalaki, inihagod ang kamay sa buhok nito. "Look Miss Gabbie, masakit pa ang paa kong dinale mo na naman kagabi. Sa totoo lang, ayaw na kitang kausapin dahil sa dami ng atraso mo. Pero pinagbibigyan kita ngayon dahil naaawa ako sa tatay mo."
Natigilan siya. May sumundot na kung ano sa puso niya. Naalala niya ang tatay niya na nagmamakaawa kanina. Agad siyang nakunsensiya.
"Shall we start from the beginning then?" untag nito sa kanya maya-maya. "Bakit gusto mo akong makausap kagabi?"
Umiwas siya ng tingin at nagbuga ng hangin, kinalma ang sarili bago nagsalita.
"B-Baka naman pwede nating idaan sa areglo na lang ang lahat, Mr. Castro. Narinig mo naman ang tatay ko kanina. A-Ako lang ang inaasahan ng pamilya ko." Kinagat niya ang pang-ibabang labi, naiiyak siya kasing muli.
"Paanong areglo ang gusto mo?"
Lumipad ang tingin niya sa lalaki. Titig na titig ang itim na mga mata nito sa kanya. "I-Ikaw... a-anong gusto mo," kandautal niya sagot. Lalong bumigat ang paraan ng pagtitig nito. Kapagkuwan'y mabilis na hinagod ng tingin ang kabuoan niya na ikinailang siya nang husto. Awtomatiko niyang pinagkurus sa dibdib niya ang mga kamay. "P-Puwera 'to."
Natatawang napailing ang basketbolista. "You're not even my type, Miss. I was just surveying you of you are fit for the job."
"Job? Anong trabaho?"
"Katulong ko."
Napamaang siya. "Hoy, hindi ako nag-split, tambling at kandirit ng ilang taon mairaos ko lang ang kolehiyo para lang sa huli ay maging chimini-a-a!"
"Anong trabaho mo rito sa ospital?" kalmadong tanong ng basketbolista, hindi pansin ang paghihisterya niya.
"Licensed physical therapist ako."
"Tamang-tama! You'll be my maid and therapist. You see, I live alone. At dahil sa injury ko na kagagawan mo, it would be impossible for me to do the things I used to do. Kaya, kailangan ko ng katulong. Also, I'll be needing a therapist for the rehabilitation of my foot for the next three months."
Sandali siyang nag-isip. Panandalian niyang nasilip ang logic sa sinasabi nito. Gusto na niya sanang pumayag kaya lang, "And I'm sure you don't mind doing all of that for free, right?" sabi pa nito.
"Ano? Libre? Nagbibiro ka ba?" nakaangil na tanong niya.
Umiling ito, kalmado. "Alangan namang bayaran pa kita e ikaw na nga ang namuwerwisyo sa akin."
"Nag-iisip ka ba? Paano ko bubuhayin ang pamilya ko kung hindi mo 'ko babayaran?" aburidong tanong niya.
"Hindi ko na problema 'yon. Give me your services for free, iuurong ko ang demanda. Pero kung ayaw mo sa suhestiyon ko, puwede ka namang magbayad ng danyos."
Napalunok siya. "M-Magkano naman?"
"Five-hundred thousand."
Napasinghap si Gabbie. Wala sa sariling napasandal sa pinto. Kahit na doblehin niya ang naitatabi niyang pera para sana sa placement fee niya sa paga-abroad hindi pa rin iyon sasapat sa hinihinging bayad-danyos ng magaling na lalaki.
"Discounted na nga 'yan kung tutuusin. Halos katumbas lang 'yan ng bill ko rito sa ospital. Kung isasama ko ang kita ko na mawawala dahil hindi ako makakapaglaro agad, you'd owe me at least 1.5 million. But I'm not that heartless. Give me my half a million bucks and you are free to walk away from all charges."
Nasapo ni Gabbie ang ulo na biglang nanakit. Kahit na anong piliin niya, dehado pa rin siya. Tumalikod siya, isinandal ang noo sa dahon ng pinto. Pinilit niyang mag-isip, magdesisyon kahit naguguluhan pa rin siya. Ilang minuto rin siya sa ganoong ayos. Nang harapin niya ito maya-maya, buo na ang pasya.
"Kailan ako mag-uumpisa ng trabaho sa bahay mo?"
Ngumiti ang lalaki. "Matthew said I'll be discharged tomorrow. You can start then."
Napabuga siya ng hininga. Simula pala bukas, chimini-a-a na siya.
"C'mon shake my hand to seal the deal," anito, nakalahad ang kanang kamay. Nilapitan niya ito subalit nang aabutin na niya ang kamay nito, mabilis nito iyong binawi. "Did I mention you'll live with me the entire time you'd work for me?"
Kumibot na ang labi niya sa inis. Gusto na niyang sakalin ang lalaking pinalaki yatang antipatiko at demanding. Kaya lang, hindi pwede.
"Ha? Stay in ang gusto mong yayey?" puno ng digsutong tanong niya.
Tumango ito. "There might be burglars at night. Paano ko naman maipagtatanggol ang sarili ko kung injured ako 'di ba?"
Nanikwas ang nguso niya, lihim na rumolyo ang mga mata. Hindi lang pala siya magiging chimini-a-a, magse-sekyu rin pala siya!
Muli nitong inilahad ang palad nito, tumingin sa kanya bago, "Take it or leave it."
Nanermon pa nang kaunti ang lohika niya. Ilang sandali pa, pikit-mata siyang nakipagkamay sa lalaki.
*****
Nang tawagin niyang muli ang mga kasama ay silang dalawa ni Phoenix ang naghayag ng kanilang kasunduan. Unang tumutol si Coach Henri. Pumangalawa si Atty. Sandejas. Lugi raw siya sa kasunduan. Ngunit dahil desidido na siya, hindi na lang din ito nagpumilit pa. Gagawa na lang daw ito ng terms and conditions na pirmado nilang dalawa ni Mr.Castro para na rin sa proteksiyon niya. Sumang-ayon na lang din siya nang matapos na. Inutusan ni Dr. Pedroza si Ma'am Cheng na tulungan siyang mag-file ng leave of absence. Nangako naman ang direktor na sa sandaling matapos ang serbisyo niya kay Mr. Castro ay maari siyang bumalik sa ospital.
Nagkaroon rin ng pagkakataon na kausapin ng tatay niya si Mr. Castro matapos nilang lumabas sa opisina ng direktor.
"Mabait naman itong anak ko, Sir Phoenix. Madalas lang mag-toyo─"
"Tay!"
"O e bakit totoo naman."
"Pansin ko nga po," sabad ni Phoenix, nakangisi. Inirapan niya ang basketbolista, pero tinikom niya ang bibig. Ayaw na niyang madagdagan na naman ang atraso niya.
"NBSB 'yan, Sir. Walang magtangka. Kasi madalas may saltik at subsob sa trabaho. Wala e. Ganto naman na ako," Niyuko ng tatay niya ang sarili nito bago ibinalik ang tingin kay Phoenix. "Kaya sana habang nakatira siya sa poder mo Sir, hiling ko lang na sana respetuhin mo siya ang pagiging babae niya."
Aburido siyang napakamot ng ulo. "Tay naman─"
Alanganin siyang sumulyap kay Phoenix. Nakatingin rin pala ito sa kanya. Ngumisi ito pagkatapos ay sumeryoso.
"H'wag po kayong mag-alala, Mr. Centeno. Hindi ko po type ang anak ninyo."
Nanikwas mg nguso niya. Ang antipatiko, paulit-ulit, ha? Hindi man lang magkunwari!
Hindi na siya nakatiis. "Lalo naman ako, 'no! Hindi ko type ang mga gaya mong hambog!"
Sinuway siya ng Tatay niya. "Pasensya ka na Sir Phoenix, hindi mo naman siguro ako masisisi kung mag-alala ako. Mula kasi nang mabalo ako, si Gabbie na ang siyang nag-aalaga sa aming lahat"
"Wala pong bale 'yon. Naiintindihan ko po. Hindi po biro ang magkaroon ng anak na retarted este ng anak na gaya ng anak niyo."
Pinukol na niya ng masamang tingin ang nakangising basketbolista. Pinakukulo nitong talaga ang dugo niya. Hahanap talaga siya ng paraan para gantihan ito. Hindi puwedeng hindi! Lintek lang talaga ang walang ganti.
"Till tomorrow, then," ani Mr. Castro maya-maya.
"Tomorrow," pag-uulit niya sa pormal na tinig.
Bukas. Bukas isa na siyang full-pledge chimini-a-a at security guard.###
2539words/9:40pm/02132020
#AccidentallyInLoveHDG
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro