Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29: Facing The Truth


      Kapos na sa hininga si Gabbie subalit hindi pa rin niya mapigilan ang paghikbi. Ilang beses na rin siyang pumikit at muli ring nagmulat, subalit hindi pa rin mawala-wala ang malungkot na eksena sa kanyang harapan. Gusto na lang sana niyang balewalin ang lahat─ linlangin ang kanyang isip na walang nangyari. Subalit ang lahat ng katotohanan masakit─ sumusugat. At kahit na anong gawin niyang pag-iwas, pag-iilusyon at pangangarap, hindi pa rin maitatangging wala na ang mahal niya.

      Iniwan na siya ni Phoenix.

     Patuloy siyang inalo ng doktor. Tinulungan na rin siyang tumayo ng isang nurse. At nang kumalma siya nang kaunti, lakas-loob siyang humakbang palapit sa kama kung saan nakalagak ang labi ni Phoenix.

      Sa kanyang bawat paghakbang, tila inaagaw ng lungkot ang kanyang bawat paghinga. Dinudurog ng walang hanggang lungkot at pait ang kanyang puso. Noong mawala ang nanay niya, naranasan na rin niya iyon─ ang masaktan ng labis, ang magtanong sa Diyos kung bakit, at magdalamhati nang walang katapusan. Dala-dala niya ang sakit ng pagkawala ng nanay niya hanggang ngayon─ nananakit tuwing siya'y nakakaalala subalit pinapaalalahanan din siya na kailangan niyang maging matatag para sa kanyang pamilya. Kinaya niyang dalhin ang bigat ng mawalan ng ina ng maraming taon sampu ng marami pang pagsubok na humubog sa kanyang pagkato. Pero itong pagkawala ni Phoenix, hindi niya alam kung kakayanin niyang dalhin habambuhay.

      Masyadong mabigat.

      Masyadong masakit.

      Nanginginig ang kanyang mga kamay nang haplusin niya labi ni Phoenix na balot ng kumot. Agad na napuno ng takot ang kanyang dibdib. Nagtatrabaho siya sa ospital subalit ngayon lang siya nagpadala sa takot na dulot ng isang bangkay. Hindi siya takot sa kung anong maaring gawin niyon sa kanya, kundi natatakot siya para sa kanyang sarili. Hindi pa niya naturuan ang sariling kalimutan si Phoenix. Paano niya tuturuan ang sariling mabuhay sa mundo na wala na si Phoenix?

      Noong pinakawalan niya ito upang magpakasal sa iba, akala niya 'yon na ang pinakamasakit na gagawin niya para sa pag-ibig. Subalit, hindi pa pala.

      Muli siyang nilunod ng mga katanungan. Paano ba ang bumitiw? Paano ba mabuhay na may durog na puso? Paano ba magpaalam sa taong mahal na mahal mo subalit binawi na sa 'yo?

      Muli siyang napahikbi. Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon, umiiyak niyang niyakap ang labi ni Phoenix.

      "P-Phoenix, nandito na 'ko. Bangon na. Pwede na tayo," mapait niyang sabi sa pagitan ng paghagulgol.

      Naghintay siya ng mainit na yakap, ng haplos, ng bulong ng pagmamahal, ng sagot kaya lang... wala.

      "Ang bilis naman, Phoenix. Ang bilis ka naman niyang kinuha sa akin. Gusto pa kitang mahalin nang mas matagal. Kahit sana nasa malayo ako. Kahit hindi na tayo pero..."

      Muli, mapait siyang humagulgol. Masakit. Walang kapantay ang sakit na kanyang nararamdaman. Kung paanong tumitibok pa ang puso niyang durog-durog, hindi niya alam. Kung paanong patuloy siyang humihinga kahit na ang dahilan ng buhay niya ay wala na, hindi rin niya alam ang sagot. Marami siyang hindi alam. At gaya rin ng marami pang ibang misteryo ng buhay, marami rin siyang hindi maintindihan.

      Ilang sandali rin niyang hinayaan ang sariling umiyak. Hanggang sa...

      "Gabbie?"

      Sandali siyang natigilan at napakurap. Masyado ba siyang nadadala sa lungkot at naririnig na niya ngayong tinatawag siya ni Phoenix? Humigpit ang yakap niya sa bangkay ni Phoenix.

      "Gabbie."

      Nag-angat na siya ng ulo. Hindi siya pwedeng magkamali si Phoenix ang tumatawag sa kanya. Marahas siyang nagpunas ng luha. Paanong tinatawag siya ni Phoenix kung...

      Hinampas niya ang bangkay. "G-gago ka! Tinatakot mo ba 'ko?" mangiyak-ngiyak na pahayag niya.

      "Gabbie!"

      Napaatras na siya. Sure na sure na siyang talaga, boses iyon ni Phoenix at tinatawag siya. Dininig ba ng Diyos ang pakiusap niya at pinabalik si Phoenix sa lupa? Agad-agad?

      "Babe, I'm here!" sabi pa nito.

      Napatuwid na siya ng tayo. Kumabog na rin ang dibdib niya. Taranta siyang nagpalinga-linga hanggang sa mapalingon siya sa hallway sa labas ng treatment room. Nahigit niya ang kanyang hininga nang makita roon si Phoenix─ nakaupo sa wheelchair, may gasa ang noo, naka-sling ang isang braso, at buhay na buhay! Sina Paul at Dax, naroon din sa likod nito, puno nang pagtataka ang mukha na nakatingin sa kanya.

      "B-ba't kayo nandiyan?" naguguluhan niyang tanong.

      Lalong nalukot ang mukha ni Phoenix. "E ikaw, sino 'yang niyayakap at iniiyakan mo? Are you cheating on me?"

      Nakanganga niyang nilingon ang bangkay na kanina lang ay yakap niya. Bumaling siya sa doktor at nurse na nagtataka ring nakatingin sa kanya.

      "H-hindi si Phoenix itong tegi?" tanong niya sa doktor at nurse. Mabilis na umiling ang mga ito. Napasinghap siya, "E... s-sino 'to?" Nagsimula na siyang kiligin sa diri.

      "Vehicular accident din. Nag-arrest kaninang tini-treat namin silang dalawa ni Mr. Castro dito kaya nilipat namin si Mr. Castro sa kabilang treatment room."

      Napakapit siya sa kurtina ng cubicle nang pakiramdam niya lumobo ang ulo niya. Napangiwi na siya pagkatapos. Juskolerd! Iniiyakan niya ang hindi niya kaano-ano! Hindi lang pala niya iniyakan, niyakap pa niya nang bonggang bongga at nginawaan din niya hanggang mangalay ang ngala-ngala niya! Juskopong tunay!

      Nahihintakutan siyang napa-sign of the cross.

      Nagmamadali siyang pumihit at naglakad patungo kay Phoenix. Ang masungit lukot na lukot ang mukha, parang handa siyang warlahin.

       Aba! Ito pa talaga ang magagalit e siya ang kani-kanina lang ninerbiyos nang todo, nag-umiyak to the tune of pang-FAMAS-leveling na ngalngal, at yumakap sa 'di niya kaano-anong tegi! Agad na bumangon ang paghihimagsik sa dibdib niya.

      At dahil mahilo-hilo pa siya sa samu't-saring emosyon na nagpapasirko-sriko sa sistema niya, imbes na yakap ang ibigay niya kay Phoenix, walang sabi-sabi niyang sinuntok sa pisngi ang lintek!

      Nagitla ang lahat... pati na rin siya. Napasinghap ang lahat ng witness. Ang ibang chismosa, lumigid na rin sa kanila. Dali-daling chineck ng doktor si Phoenix. Siya naman ay hinila ni Dax palayo.

       "What the hell is that for?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Phoenix, hawak ang nasaktang pisngi. "What, would you have preferred me dead?"

      Agad siyang nahimasmasan.

      Nalilito siyang nagpalinga-linga habang habol ang hininga. Nagbulungan na ang mga tao. Para siyang nasa courtroom at pinagchichikahan ng mga ito ang magiging sintensiya niya. Nang muli niyang ibaling ang tingin kay Phoenix, agad na siyang naluha.

    "G-gago ka!" aniya bago humikbi. "Akala ko na-tegi ka nang masungit ka! P-puwede na e, tapos matetegi ka lang? Pinag-alala mo 'ko sa wala! Tapos...." Natigilan siya nang may maalala. Nilingon niya si Dax na nakahawak sa kanya. "Isa ka pang lintek ka!" Pilit niyang piniksi ang braso niyang hawak nito kaso ayaw siya nitong bitiwan. "Sabi mo kritikal si Phoenix. Anong kritikal? Dati nang patay 'yong hinliliit niya sa paa!" pa-irap niyang singhal bago humagulgol.

      Napangiti si Dax. "Sasama ka ba kung 'di ko 'yon sinabi sa 'yo? Paalis ka na nga e. 'Buti nahabol pa kita." Bumaling ito kay Phoenix. "Hey, you owe me thirty five thousand pesos, you psycho. That's for the plane ticket I bought just to ran after your girl!"

      Humugong lang si Phoenix, kinumpas ang malaya nitong kamay bago tinuloy na minasahe ang nasaktan nitong pisngi. Napalabi na siya nang gumapang ang hiya sa balat niya. Hiyang-hiya siya sa kanyang ginawa. Sinong matinong babae na nang malaman na naka-survive sa aksidente ang jowa niya, imbes na matuwa ay nagwala?

       Juskolerd talaga! Ang sarap magpalamon sa lupa! Gigil na gigil siyang tunay sa sarili niya!

      Ilang sandali pa, nagtama ang mga mata nila ni Pheonix. Humaplos ang pamilyar na damdamin sa kanyang dibdib gaya ng dati.

      Gaya ng dati. Na naulit ngayon. At sigurado siya, mauulit nang mauulit pa sa matagal na panahon hanggang forever after.

      Napasinghap siya nang dahan-dahang tumayo ng wheelchair si Phoenix habang maagap itong inaalalayan ni Paul. Maya-maya pa, pilit itong ngumiti bago inilahad para sa kanya ang malaya nitong kamay.

      Napahikbi na siya. Abot langit ang ligayang nadarama niya. Tatakbuhin na sana niya ito kaya lang nakahawak pa rin si Dax sa braso niya, pinipigilan ang kanyang tangkang paglalandi.

      Sinamaan niya ng tingin si Dax. "Reunion na. Yakap na yakap na 'ko. Bitiwan mo 'ko, please lang. Kahit pogi ka kaya kitang jombagin," pasimple niyang pagbabanta. Natatawa namang tumalima si Dax.

      Tinakbo niya ang pagitan nila ni Phoenix. Hindi naglipat sandali, maingat siyang yumakap dito. Ibinuro niya ang mukha sa dibdib nito at doon tahimik na umiyak.

      At parang pelikula lang, awtomatikong napuno ng pagsinghap at palakpakan ang paligid. Tiningala niya si Phoenix. Niyuko naman siya nito.

      "Komang ka naman ngayon, hindi na pilay," napapalabing sabi niya, nang-aasar.

      Ngumiti ito. "Kailangan ko na naman 'ata ng therapist. Baka gusto mong mag-apply? This time, no more contracts."

      Natawa siya ng bahagya. "Natutuwa ako kasi buhay ka," bulong niya sa pagitan ng paghikbi.

      "Yeah, Miss Virgin. Wala ka nang kawala," nakangising sagot nito.

      Sa ibang pagkakataon, baka naeskandalo na siya. Pero masyado siyang masaya para maisip pa ang ibang bagay. Muli na lang siyang yumakap kay Phoenix.

      Hindi siya umalis ng Pilipinas subalit nakauwi na siya.

      Nakauwi na siya, sa bisig ng mahal niya.


*****


     Malakas ang tibok ng puso ni Gabbie habang nakaupo siya sa tabi ng hospital bed ni Phoenix. Kinailangan nitong ma-confine upang masiguro na rin na maliban sa bali nito sa collar bone at ilang scratches, wala nang iba pang napinsala rito. Pasalamat na lang siya talaga magaling din na driver si Phoenix at realiable ang safety features ng customized Hummer H3T nito. Kung hindi... kung hindi...

      Pasimple siyang umiling. Hindi na dapat niya inaabala ang sarili sa bagay na iyon. Ang importante buhay si Phoenix. At saka hindi naman talaga iyon ang dahilan kung bakit siya ulit natetensyon.

      "They're coming," anunsiyo ni Dax na katatapos lang ibulsa ang cellphone nito.

      Lalong lumakas ang pagdagundong ng dibdib niya. Ang tinutukoy nitong parating ay si Carlo, bitbit sa chopper nito sina Lola Candi at ang kontrabidang nanay ng mahal niya.

      Hindi pa nagkukwento si Phoenix sa kanya. Maliban sa sinabi ni Dax sa kanya kanina, wala na siyang update sa totoong nangyari kaninang umaga sa kasalan sana nina Pheonix at Penny. Pati si Paul tensyonado rin habang tahimik na nakaupo sa receiving area ng suite.

      Inabot ni Phoenix ang kamay niya at marahan iyong pinisil. Tipid itong ngumiti nang balingan niya ito. Nagpatulong pa ito sa pag-upo bago tuluyang nagsalita.

      "Are you okay?" tanong nito. Mabilis siyang tumango. Gustuhin man niyang sumagot, hindi niya magawa. Pakiramdam niya umurong na ang dila niya. Nilayasan na siya ng espiritu ng pagwawarla kanina pa.

      Maya-maya pa, napatuwid siya ng upo nang bumalandra pabukas ang pinto ng suite. Humahangos na lumitaw doon ang bulto ni Carlo, kasunod sina Lola Candi at ang Mommy ni Phoenix.

      Nagtangka siyang lumayo kay Phoenix nang magtama ang mga mata nila ng Mommy nito subalit humigpit ang hawak ni Phoenix sa kamay niya. Napilitan siya tuloy na pumirmi sa pwesto niya.

      Ilang sandali pa, umiiyak na lumapit si Lola Candi sa apo nito. Sunod na lumapit ang Mommy ni Phoenix, subalit hanggang sa paanan lang ng kama. Panay ang taas-baba ng dibdib nito habang alanganing sumusulyap sa kanya. Kuyom din ang kamao at namumula ang mukha. Tila ito balisa na naiinis na 'di niya maintindihan.

      "This is your fault, Mama!" birada nito maya-maya, mataas ang boses.

      Manghang tumitig si Lola Candi sa anak. "Paano ko ito naging kasalanan, Melissa? Sino ba sa ating dalawa ang kumuntsaba ng babae at binalak ipakasal kay Phoenix? Hindi ba't ikaw!"

      "Oo ako! Pero dahil inipit niyo 'ko, Mama! Pinabayaan niyo 'ko!"

      "Ano bang sinasabi mong pinabayaan─"

      "Si Phoenix, Mama! Ibinigay mo kay Phoenix ang lahat! Ako na anak mo, dugo't laman mo, hindi mo tinirhan! Ipinangalan mo kay Phoenix ang lahat, Mama!" histerikal na pahayag nito.

      Napasinghap si Lola Candi. Pati siya natigagal rin sa rebelasyon nito. Tumingin siya kay Phoenix, wala itong imik subalit halatang nagtatagis ang mga bagang.

      Hindi niya masyadong kilala ang nanay ni Phoenix, ayaw rin niyang maging judgemental sana, pero ibang lebel ang pagkokontrabida nito. Papunta na sa pagiging impakta!

      "M-Melissa..." bulong ng matanda.

      "Ano, akala mo hindi ko malalaman?" Natawa ito, sarkastiko. "I'm not stupid, Mama. Kinausap ko ang abogado. I wanted to know what I'd do with my future investments here when you die. But guess what, wala na palang natira sa akin dahil ipinangalan mo nang lahat sa bastardo ni Enrico!" Bumaling ito kay Phoenix. "I hated you," mapait na pahayag nito. "I hated you because you are a clear reminder of my mistakes and failures. Because whenever I look at you, I remember your bastard father Enrico!"

      Confirmed, impaktang tunay ang nanay ni Phoenix! Bakit isisisi sa anak ang kasalanan ng magulang? Isa itong sosyal na impakta na may makitid na utak. Gusto niya sanang magsalita. Supalpalin ng litanya ng paghihimagsik ang nanay ng mahal niya subalit humigpit ang hawak ni Phoenix sa kamay niya.

      Bumaling ulit ito kay Lola Candi at nagpatuloy sa panunumbat. "And you, you never understood the pain I went through. Pinabayaan mo 'ko sa Amerika and let me get me married to one of your friends!"

      "That was your choice!" depensa ni Lola Candi.

       "You left me with no other choice, Mama! You gave me no money and support while I was in Texas! That's why I chose to whore myself to one of your rich friends! But Jack is as pathetic as you are, Mama. He gave me nothing! Nothing! Not a single cent! He gave everything to the kids! Tapos ikaw, gano'n din. Inampon mo si Phoenix. Ginawa mo siyang Castro at ibinigay sa kanya ang lahat! Ang lahat-lahat na dapat ay sa akin!" Humagulgol na ito subalit wala ni isa sa kanila ang kumibo o umalo man lang dito. Maya-maya pa, marahas itong nagpunas ng luha bago nagtaas-noo. "Yes, I planned everything. I asked Penny to trick you, Phoenix. Plinano kong ipaako sa iyo ang anak niyang bastardo. At sa pagdating ng tamang panahon, hihiwalayan ka niya kasama ang kalahati ng pera ng mga Castro. And everything would've worked perfectly except for that stupid baby-daddy of hers and your nosy friend here!" Galit itong bumaling kay Paul.

      "Mrs. O'Brien, I just did what is right," kalmadong sagot ni Paul.

       "You ruined everything!" singhal nito.

       "No, Mrs. O'Brien. It was you who ruined your life. Why don't you tell your mother the reason why your husband is divorcing you?"

      Napasinghap si Lola Candi. "You're getting a divorce?"

      "Mr. O'Brien filed it himself," si Paul ulit.

      Nataranta ang nanay ni Phoenix. "H-hindi, Mama! Nagsisinungaling siya!"

      "Your daughter, Mrs. Castro is addicted to casino. She owes thousands of dollars to different loan sharks. Some are now after her head," patuloy na pahayag ni Paul.

      Namutla si Lola Candi. Napaatras ito at sinapo ang ulo. Nataranta siya. Mabilis niyang hinila ang isang stool at pinaupo doon ang matanda. Binigyan din niya ito ng tubig upang pakalmahin ito. Si Dax naman binalak tumawag ng doktor subalit mabilis na tumanggi ang matanda.

      Matapos ang ilang sandali nagsalita ito. "I can't believe you could do this, Melissa. Where did I go wrong raising you?" Mapait na humikbi ang matanda. "Paano mo naisip na linlangin kaming lahat?"

      "Mama, nagsisinungaling─"

      "Tumigil ka na, Melissa! Hindi ako makapaniwala na dahil lang sa pera, nagawa mo ang lahat ng ito. You are an habitual liar and a gambling addict! You need help!"

       Humagulgol ang nanay ni Phoenix. Nataranta ito. Nalilito. Nagpaparoo't-parito. Para itong batang napalo na nagpapalinga-linga at 'di malaman ang gagawin. Maya-maya pa, tumitig ito sa kanya, nanlisik ang mata at tinangka siyang sugurin. Subalit maagap sina Dax at Carlo. Hinawakan nila ang magkabilang kamay ng mommy ni Phoenix at inilayo sa kanya. Narinig naman niya si Paul na tumatawag ng doktor at nagre-request ng sedative.

      "I'll never approve of you! You cheap lousy poor nobody!" singhal nito, nakadirekta sa kanya.

      Tumimo sa kaibuturan niya ang insulto ng impaktang nanay ni Phoenix. Magsasalita na sana siya subalit naunahan siya ni Phoenix.

      "How can you insult the person who's the reason why I started talking to you, Mother? You hate me? Well, I grew up resenting you more! For abandoning me, for forgetting me, and for not loving me as you should. You have left me broken and scarred. But Gabbie filled all the cracks and holes you've made in my life. She fixed me, piece by piece from the broken shards you've left of me. But you came back and tried to take away from me everything worth taking and even planned to destroy what would be left of it. All my life, I have never questioned you. But maybe now is the right time. How could you? Anong klase kang nanay?" anito, kalmado subalit puno ng diin ang huling katanungan.

      Humihikbi siyang bumaling kay Phoenix. Nasasaktan siya para sa mahal niya. Paanong may mga magulang na ang tingin sa kanilang mga anak ay pagkakamali o 'di kaya ay parang isang laruan na kung pinagsawaan na ay basta na lang iiwan kung saan-saan?

      Bumigat ang dibdib niya. Noon akala niya kapag mapera ang isang pamilya, masaya na rin sila. Hindi pala. Maling-mali siya. May mga bagay talaga na sadyang hindi nabibili ng pera.

      Hagulgol lang ang isinagot ng Mommy Melissa ni Phoenix. Nang bitiwan ito nina Dax at Carlo, nanghihina na itong sumalampak sa sahig.

      Kung kanina, naiinis siya sa nanay ni Phoenix, ngayon naaawa na siya. Halatang mabigat ang mga dalahin ng isip niyo. Kung totoong gumon ito sa sugal, natitiyak niyang kailangan talaga nito ng medical intervention.

      Nang sandali itong kumalma, muling nagsalita si Phoenix.

      "Take the hacienda, Mom. And everything that you think rightfully belongs to you. Lola, give her back everything you willed to me. I don't care anymore. You can take away everything that I have, but as long as Gabbie is with me, I have everything I need."

      Napaluha siya. Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at muli itong niyakap. Pakiramdam niya sasabog ang puso niya sa sobrang kaligayahan.

      Nang bumitiw siya kay Phoenix, bumaling siya sa Mommy nito.

      "Pinapatawad ko na po kayo sa lahat ng pang-iinsulto ninyo sa akin," umpisa niya. "Tama po kayo, mahirap lang ako. Salat ako sa maraming bagay lalo na sa kamayanan ng mundo. I may never belong to your crowd but I can love Phoenix with all my heart. I can love him beyond his flaws. I can look way past his imperfections. I can embrace his thorns even of it would leave me bleeding. I can piece him back together— to make him whole again even if it takes forever. Because that's how love works─ it never gives up. You love because you love. No reasons. No questions. No standards. Gano'n ko po kamahal ang anak ninyo. At kung sa tingin po ninyo, kulang pa po ang pagmamahal ko, handa akong punan ang lahat ng pagkukulang na 'yon hanggang sa huling hininga ko."

      "Oh Gabbie," si Lola Candi na humawak pa sa braso niya, naluluha.

      "Mahal na mahal ko po ang apo ninyo, Lola," lumuluha at humihikbing pag-amin niya.

      Tumango-tango si Lola Candi. "I know, hija. I know."

      Hindi sumagot ang Mommy ni Phoenix. Umiwas lang ito ng tingin at itinuloy ang tahimik na paghikbi.

       Ilang sandali pa, dumating ang mga doktor na ni-request ni Paul. Wala nang turukan ng sedative na nangyari. Tahimik lang na sumama ang Mommy ni Phoenix sa mga doctor na agad itong ni-refer sa psychologist ng ospital. Sumama si Lola Candi sa anak nito. Sinamahan na rin ito nina Dax at Carlo.

      "Thanks, dude. May silbi talaga 'yang pagiging chismoso mo," ani Phoenix nang sila na lang tatlo nina Paul ang naiwan sa silid.

      "No biggie. I was just checking if my connections are still working. Besides, I told you I have a lot of time," nangingiting sagot nito. Ilang sandali pa itong nanatili bago tuluyang nagpaalam.

      "Hey, Miss Virgin, come and give me a kiss," anito nang sila na lang dalawa.

       Nalukot ang mukha niya, parang may pamilyar sa eksena. "Excuses me naman! Hindi dahil alam mong gustong-gusto kita, lagi ka na lang hihirit ng landian. At saka natural na malandi ka pala talaga kapag baldado ka, 'no?"

      Natawa ito. "I only get horny nowadays when it comes to you."

      Nalaglag ang panga niya. Nastress bigla ang ngala-ngala niya. "Wow! Horny! Big word!"

      Natawa ulit ito. "C'mon Gabbie, give me a kiss. I missed you."

      Lihim siyang napangiti. Gandang-ganda siyang tunay sa kanyang sarili. Sinong mag-aakala na hahabul-habulin ng isang tulad ni Phoenix Castro ang kanyang kagandahan at invisible sa karamihan na alindog?

      A basta, mangisay na ang lahat ng gustong mangisay. Magwala na ang lahat ng gustong magwala. Magwelga na ang gustong magwelga. Kumokak na ang lahat ng mga echosera at maiinggitin na froglets. Basta sa kanya lang si Phoenix!

      Lumapit siya rito at umupo sa tabi nito. Naghinang ang kanilang mata at unti-unting naglapit ang kanilang mga mukha. Subalit nang ilang pulgada na lamang ang pagitan ng kanilang mga labi, tumunog ang cellphone niya.

      Mahinang nagmura si Phoenix. Siya naman ay parang gustong magwala at magtaob ng mesa. Malapit na e. Konti na lang, nando'n na e.

      Lukot ang mukha niyang hinugot ang cellphone mula sa kanyang bag. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig at nag-evaporate ang lahat ng kanyang inis nang makitang ang tatay niya ang tumawatag!

      Juskolerd! Sa dami ng hanash na sinuungan niya sa maghapon, nakalimutan niyang i-update ang pamilya niya.

      Alanganin niya iyong sinagot.

      Nagtiyaga siyang pakinggan ang litanya ng tatay niya sa sumunod na isang oras.


*****


      Panay ang hikab ni Gabbie habang hinihintay nila ni Phoenix ang sunrise sa rooftop mismo ng Angelicum Hospital. Bilang lang sa isang kamay ang oras na itinulog niya na hindi sana dapat dahil pagod siya sa mga hanash ng nagdaang araw.

      Kahapon, napagod ang tainga niya sa kakarinig ng litanya mula sa tatay niya sa cellphone na tinuloy pa nito nang puntahan siya mismo nito at ni Mac sa private hospital sa Bulacan kung saan unang na-confine si Phoenix.

      Nagkapaliwanagan din sila. Nagkausap na rin ito at si Lola Candi. Nagkaroon ng instant pamamanhikan sa ospital. Hindi siya ready pero hindi rin siya tumutol. Tututol pa ba siya e give na give na rin naman siyang talaga.

      Mabuti na lang at hindi na sumali sa usapan ang Mommy Melissa ni Phoenix na ayon kay Lola Candi ay kailangang mag-undergo ng series of therapy para sa acute depression at addiction nito. Inako rin ng matanda ang anumang danyos na ipapataw sa kanya ng agency dahil sa hindi niya pagtupad sa kontrata niya sa ospital sa Dubai. Matapos ang mabilis na pamamanhikan, hinimok siyang umuwi ng Tatay niya at ni Mac. Kaya lang, tumanggi siya. Nag-request kasi ng hospital transfer sa Angelicum Hospital si Phoenix. Wala itong kasama kung hindi siya magpapa-iwan. Uuwi kasi ng San Gabriel sina Lola Candi at ang Mommy ni Phoenix dahil nagpasya ang matanda na ito mismo ang aayos sa gusot ng anak nito sa Amerika. Umoo nalang din ang kaibigan at tatay niya sa pagpapa-iwan niya, sa pangakong magbe-behave siya... kuno.

      Alas-dies na ng gabi nang makalipat sila sa Angelicum General Hospital and Medical Center. Instant celebrity ang ganda niya dahil nag-viral pala ang video ng mga chismosa sa ER sa ospital sa Bulacan tungkol sa reunion nila ng masungit. Na-drain nang husto ang enerhiya niya sa pakikipag-chikahan sa mga dating kasamahan. Pero okay pa rin siya, dahil sa wakas, nag-viral din siya sa tamang rason at pagkakataon.

      Halos madaling araw na rin nang matulog siya subalit heto na naman sila ni Phoenix, magkatabi sa isang bench at inaabangan ang pagsikat ng haring araw sa madilim pang langit. Kung ano ang hanash ng masungit at inaya siya roon, malay niya. Basta sinakyan na lang din niya ang trip nito.

      Maya-maya pa, nag-agaw na ang dilim at liwanag sa langit. Napuno ng iba't-ibang kulay ang mga ulap. Hanggang sa tuluyan nang sumilip ang unang sinag ng araw.

      Sabi ng nanay niya noon, ang bawat bagong umaga raw ay simbolo ng mga bagong pagkakataon. Pagkakataong magbago, pagkakataong magpatuloy, pagkakataong magmahal, at pagkakataong gawin ang tama.

       "Gabbie," pukaw sa kanya ni Phoenix.

      Nang bumaling siya rito, hindi niya napigil ang mapasinghap. Nasa palad nito ang dalawang singsing— ang heirloom at ang Astrum, nangingislap sa ilalim ng pang-umagang araw. Naluluha siyang nag-angat ng tingin.

      Tumitig ito sa kanya. Kapag kuwan'y magaang ngumiti. "Life has its own way of working things out. We may have met accidentally, but I believe our love is too beautiful to happen just by accident. We are meant to be, Gabbie. And I promise to keep it that way till our forever runs out of time."

      Tuluyan nang tumulo ang luha niya. Nag-uumapaw sa tuwa ang kanyang dibdib. Tumatak sa puso at isip niya ang lahat ng sinabi ni Phoenix. Dalang-dala siya sa linyahan ng masungit.

      Sinong mag-aakala na pagkatapos ng maraming luha, maari pa pala siyang lumigaya nang gano'n? Ang buhay talaga minsan maraming sorpresa.

      "I love you, my Gabriela. Will you wear these rings and share your every waking mornings with me for the rest of your life?"

      "Y-yes!" mabilis niyang sagot, panay ang patak ng kanyang luha.

      Nang maisuot nito sa kanya ang singsing, maingat niya itong niyakap.

      "I love you too, Phoenix. Mula noon, hanggang ngayon at sa marami pang umaga natin na darating."

      Mabilis siyang kinintalan ng halik ni Phoenix sa noo bago rin siya agad binitiwan. Nagmamadali nitong inilabas ang cellphone sa bulsa nito at nag-selfie silang dalawa. Nagtataka man ulit sa paandar ng mahal niya, pinagbigyan na rin niya. Gamit ang malaya nitong kamay, mabilis itong dumutdot sa cellphone nito. Maya-maya pa, tumunog ang cellphone niya.

      May notification galing kay Nomen Nescio. Nang tingnan niya, nakita niya ang selfie nilang dalawa ni Phoenix at may caption na, My star finally said yes!

      "I-Ikaw si Nomen Nescio?"

      "Yeah and you are my star."

      Kinikilig niyang muling niyakap si Phoenix. Sinong mag-aakalang nakadirekta pala lahat sa kanya ang posts ng anonymous na si Nomen Nescio?

      Juskopong tunay! Ang haba-haba-haba-haba talaga ng kanyang hair─ abot hanggang Mars! Natitiyak niyang maraming undin ang mangingisay!

      Maya-maya pa, niyuko siya ni Phoenix. Naghinang ang kanilang mga mata at unti-unting naglapit ang kanilang mga mukha.

      "Hoy! Bawal 'yan!" Sabay nilang nilingon ang nagsalita. Naroon si Matt, lukot na lukot ang mukha at nakapamaywang sa tapat ng elevator. Natatawa silang nagkatinginan ulit ni Phoenix. Itinuloy nila ang paglalapit ng kanilang mukha hanggang sa tuluyan nang maglapat ang kanilang mga labi.

      They shared a kiss that tasted a promise of many tomorrows together.

      Muling nanaway si Matt.

      Nagsunod-sunod din ang pagtunog ng cellphone niya.

      Ilang oras pa, viral na naman si Maria Gabriela Tereza Centeno. ###

4465words/6:25pm/07182020

#AccidentallyInLoveHDG

A/N: Next chapter will be the epilogue. Thank you for reading this far 💖

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro