Chapter 28: Gone
Malakas sa tainga ni Gabbie ang pagtiktak ng orasan sa kanyang bedside table. Naka-set sa five a.m. ang alarm niya pero heto siya, alas-kuwatro y media pa lang ng madaling araw, mulat at wala halos itinulog. Hindi na niya matukoy kung excited ba siya o talaga lang kinakabahan siya sa flight niya.
Ala una ng hapon ang flight niya. Ang bilin sa kanya ng agency, dapat alas-nuwebe ng umaga, nasa airport na siya. Pero sa kaso niya ngayong aligaga, puyat at hindi mapakali, baka mapa-aga ang pagpunta niya sa airport.
Patamad niyang kinuha ang cellphone niya at nag-log in sa kanyang Facebook account. Halos isang buwan na nagpahinga ang lahat ng social media accounts niya dahil sa pag-iwas niya sa anumang balita tungkol kay Phoenix. Pero ngayon na ilang oras na lang magbabago na ang buhay nilang dalawa, handa na siya ulit harapin ang mundo.
Noon lang niya nabasa ang mga good luck messages ng mga naging kasamahan niya sa Aneglicum Hospital. Pati ang mga pictures nila noong Farewell party na inorganisa ni Ma'am Cheng para sa kanya, noon lang din niya nakita. Wala sa sarili siyang napangiti. Sa nakalipas na halos apat na taon, naging napakabuti ng Angelicum Hospital sa kanya. Nasuportahan niya ang pamilya niya dahil sa pagta-trabaho niya roon. Nakakilala siya doon ng mga tunay na kaibigan, mga pasyenteng mababait at masusungit, at higit sa lahat, doon din sila nagkatagpo ni Phoenix.
Si Phoenix.
Kusang humapdi ang lalamunan niya nang dumaan sa isip niya ang mga alaala nila ni Phoenix. Ang mga alaala talaga, may espesyal na kapangyarihan na saktan ka nang paulit-ulit, kahit ayaw mo na... sana.
Ngayon, alam na niya. Hindi nasusukat ang sakit ng paghihiwalay sa kung gaano katagal o kaikli kang nagmahal. Basta nagmahal ka nang walang pag-aalinlangan, nang buong puso, nang totoo, malalim pa rin ang sugat na iiwan nito.
Pero tama nga ang sabi ng tatay niya, kailangan niyang dalhin ang magagandang alaala kasama ang mga hindi sa kanyang pagbabagong buhay. Dahil magkagulo man ang mundo, makalimot man ang mga tao, ang buhay, tuloy pa rin at hindi hihinto.
Maya-maya pa, nag-vibrate ang cellphone niya. Nang tignan niya, may bagong post si Nomen Nescio. Isang picture ng langit na maraming bituin ang bagong post nito. Sa caption nakasulat ang You will always be my star... that I'll watch from a far.
Lalo siyang nalungkot sa nakita niya. Marahil gaya niya, sablay din ang lovelife ni Nomen Nescio kaya nage-emote ito sa madaling araw.
Nagbuga siya ng hininga. Good vibes lang. Good vibes lang! paalala niya sa sarili.
Mabilis niyang pinalis ang malulungkot na bagay sa kanyang isip at ginugol ang sunod na isa't kalahating oras sa pagbababad sa Facebook. Pagpatak ng alas-sais, bumangon na siya at naghanda. Nadatnan niya ang tatay niya na nagkakape sa sala habang nanonood ng balita sa TV. Nakinood din siya sandali. Kaya lang, nang mapunta na naman sa showbiz balita ang usapan, nilayasan na niya ang pinapanood at naligo.
Pagpatak ng alas siete, handa na siya pero sina Tori at Mac na siyang maghahatid sa kanya sa airport, hindi pa. Gusto na niyang maghisterikal. Kahit kasi weekend, siguradong mata-traffic sila sa EDSA. Kaya lang, ayaw niyang makunsumi nang gano'n kaaga dahil nga gusto niya, good vibes lang. Kaya, matiyaga siyang naghintay.
Alas siete kinse, dumating si Mac─ maaliwalas ang mukha na parang hindi ito late. Sisipol-sipol pang nagkape habang hinihintay nilang makabihis si Tori. Naging bisita rin niya si Celestine, ka-batch ito ni Tori noong highschool, anak ng kapitbahay nilang si Aling Ester at kasalukuyang nag-aaral sa Bible School sa Antipolo. Nabalitaan daw nito sa nanay nito na ngayon ang flight niya kaya pinuntahan siya nito upang ipag-pray-over. Hindi siya tumanggi. Ngayon, higit kailanman, kakailanganin niya talaga ang maraming dasal. Matapos siyang ipagdasal ni Celestine, dinala na ni Mac ang trolley niya sa owner nito.
Ilang sandali pa, nag-umpisa na ang iyakan. Hindi nasunod ang kasunduan nilang pamilya nang nagdaang gabi na walang iiyak. Si Lala, halos magwala. Sina Manny at ang tatay niya naman nagpipigil ng luha. Ayaw niya sanang umiyak kaya lang, hindi niya kaya. Hindi biro ang dalawang taon. Maraming puwedeng mangyari habang wala siya. At aminin man niya o hindi, natatakot siya.
"Ate Gab, Deuteronomy 31:6, Be strong and of a good courage, fear not, nor be afraid of them: for the LORD your God, he it is that does go with you; he will not fail you, nor forsake you," pahabol na bilin sa kanya ni Celestine.
Napangiti siya, mahigpit na niyakap ang dalaga. "Salamat, Tine. Tatandaan ko 'yan. Baka pagbalik ko, missionary ka na." Madalas ikuwento ni Aling Ester na gustong maging missionary ni Celestine sa Morocco.
Umaliwalas ang mukha nito. "Sana nga po, Ate. Pagdarasal ko pa po," sagot nito. Muli, napangiti siya. Mabait talagang bata si Celestine, kahit noon.
Nang masigurong, wala na siyang naiwang gamit, sumakay na siya sa owner ni Mac. Lalong lumakas ang palahaw ni Lala, gusto raw nitong sumama. Subalit mahigpit itong niyakap ni Manny. Ang tatay naman niya, natataling nakatayo sa gate, pigil na pigil ang luha habang nakatitig sa kanya.
Nang buhayin ni Mac ang makina ng sasakyan, sumulyap siya sa pamilya niya sa huling pagkakataon. Kusang tumulo ang luha niya.
Para sa kanila. Ginagawa ko ito para sa kanila, aniya sa sarili.
Marahas siyang nagpunas ng luha. Ilang sandali pa, tumulak na palayo ang sasakyan.
*****
Phoenix lazily lay on his bed, staring blankly on the ceiling of his room. It was 8 in the morning. And hour from now, he'll be getting married. He'd been hearing the commotions in the mansion since he woke up but he can't get himself to get ready. Normal grooms would be excited for their wedding. But he ain't a normal groom and excited does not even come close to what he feels right now.
He heaved deep sigh and pushed himself to sit on the bed. He felt someone kicked his gut when he remembered something.
Paul said that Gabbie's leaving too today.
Waves of pain and frustration instantly filled his chest. He missed her. Terribly missed her that he felt his heart breaking every single time he thinks of her. Last night, he planned on going back to Manila to have one last look of her. Just from a far. Even just a glimpse. But he painfully withheld himself.
He knew that he can't have Gabbie and be a good father at the same time. That would be too selfish. Gabbie deserved pure love─ no complications.
He would've wallowed some more but he heard a knock from his door. He quickly stood from his bed and opened the door. It was his bestman Paul, all suit up with a grin on his face.
"You're not planning on running away, don't you?"
He huffed and opened the door wider. "Don't you think it's a little bit late for that?"
"Maybe it's not yet too late for a little action." Paul chuckled before entering his room. Kung anuman ang ibig sabihin ng kaibigan, hindi na niya gusto pang malaman. Kailangan na niyang magmadali bago pa siya mahuli sa sarili niyang kasal sa kanilang bakuran.
He chose to have a simple private garden wedding at the hacienda. He and Penny carefully chose just a hundred guests amongst their friends and family. His mother was against it, even Penny was against it. Pero nagmatigas siya. It has to be that way or no wedding at all. Napahinuhod din niya ang lahat sa huli.
"Rough night?" pukaw sa kanya ni Paul maya-maya. Ang mga mata nito nakatutok sa walang laman na bote ng brandy sa kanyang bedside table.
"Yeah," sagot niya bago bumuntong-hininga. Mabilis siyang nag-shower pagkatapos. Paglabas niya ng banyo, wala na si Paul. Mabigat ang loob niyang nagbihis. Maya-maya pa, dumating na ang mga videographers. Kailangan daw siyang kuhanan ng ilang footages para sa Same-Day Edit na gagamitin mamaya sa reception. He gruffly agreed.
He endured fifteen minutes of fully choreographed poses. After that, when everyone left his room, he stood in front of the mirror and convinced himself once again that he has to do what he needed to do for the sake of his unborn child.
He shook his head once again before leaving his room.
Napakunot pa siya nang makitang walang tao sa labas ng kuwarto na tinutuluyan ni Penny. Sabi ng mga videographers kanina, ang bride ang sunod nilang kukuhanan ng footages. And he find it odd that the hallway was eerily silent. Hindi kagaya kani-kanina lang na dinig na dinig niya ang mabibilis na pagpaparoo't parito ng events team na kinuha nila.
Naglakad siya palapit sa kwarto. He would've knocked but he heard voices arguing inside.
"...hindi po ganito."
"Nandito na tayo!"
Napakunot siya. Sigurado siya, boses iyon ng Mommy niya. Anong ginagawa ng Mommy niya sa kuwarto ni Penny? He leaned in some more towards the door.
"We've come a long way to..."
"Tita, nakita ko siya. Bakit siya nandito?"
Nagsalubong ang kilay niya. Sino ang tinutukoy ng mga ito?
"I'll have someone take care of him. Nandito na tayo. Itutuloy mo 'to!"
"What if Phoenix finds out? What should we do?"
He balled his fist as anger filled his chest.
"I told you, just act it out. Nailusot na natin ang paternity test. What would he question?"
Paternity test.
Hindi na siya nakatiis. Marahas niyang tinulak pabukas ang pinto. Gulat na mga mukha ng Mommy niya at ni Penny ang naabutan niya. Naniningkit ang mga matang pinaglipat-lipat niya ang tingin sa kanyang ina at mapapangasawa.
"What about everything?" aniya sa seryosong tinig, may diin ang huling salita sa pagitan nang nagtatagis na mga bagang.
Pilit na ngumiti ang Mommy niya, sinubukang magmaang-maangan. "W-what do you mean e-everything, Phoenix?"
"Let's start off with that damn test you were talking about. What do you mean, nailusot ang paternity test, huh?"
Muli, alanganing ngumiti ang kanyang ina. "I-It was n-nothing─"
"I heard everything, Mother!" Dumagundong ang boses niya sa apat na sulok ng kuwarto. Sarkastiko siyang ngumiti pagkatapos. "So, is this the reason why both of you came back? To make a fool out of me?"
Napasinghap ang Mommy niya, nanlalaki ang mga matang tumitig sa kanya. "A-anak─"
"Shut up!" galit na putol niya rito, bago bumaling kay Penny na noon ay kasalukuyang nakaupo sa ottoman. "You!" singhal niya sa katipan. Nagmamadali siyang pumasok sa silid. Inilang hakbang lang niya ang pagitan nila bago marahas na hinablot ang isang braso nito at pilit itong hinila patayo.
Agad itong humagulgol. "P-Phoenix... p-please let me explain─"
"Explain? Right," he said sarcastically. "Umpisahan mo kung sino ang totoong tatay niyang anak mo!"
Mabilis itong sumulyap sa Mommy niya bago alanganing ibinalik ang tingin sa kanya.
"I-ikaw─"
"Stop lying, dammit!" singhal niya.
"P-Phoenix..." nahihintakutang usal nito, panay ang tulo ng luha. Bumaling ito sa Mommy niya na lalo lamang niyang kinainis.
"Stop looking at her! Ikaw ang tinatanong ko, Penelope! Sino ang tatay ng anak mo? Ako ba?"
Matapos ang ilang paghikbi, nanginginig na yumuko si Penny bago marahang umiling. Agad niya itong binitiwan. Nanghihina siyang napaatras. Pakiramdam niya nabingi siya kahit hindi ito nagsalita.
Mabilis na dumaan sa isip niya ang lahat ng sakit na tiniis niya sa loob ng halos isang buwan. Kung paano niya pilit itinama ang isang bagay na akala niya'y kasalanan niya. Kung paano niya tiniis ang maraming bagay kahit na naghihimagsik ang kalooban niya. Kung paano siya pinakawalan ng kaisa-isang babaeng minahal niya.
Anger filled his chest instantly and he found it hard to breath. Gusto niyang saktan si Penny, pero hindi niya magawa. Bumaling siya sa salamin ng antigong vanity at iyon ang kanyang pinagdiskitahan. Walang habas niya iyong pinagsusuntok. Histerikal na nagsisigaw sina Penny pati ang Mommy niya subalit hindi siya tumigil sa ginagawa. Puno na ng dugo ang kanyang kamay, durog-durog na rin ang salamin pero bakit gano'n, wala pa rin siyang maramdaman. Tila namanhid ang buong pagkatao niya sa kanyang mga nalaman.
"Phoenix!" histerikal na tawag sa kanya ng lola niya na noon ay humahangos na sumulpot sa may pintuan. Nanlalaki ang mga mata nitong lumapit sa kanya at niyakap siya mula sa likuran. "Tama na, apo. Tama na," umiiyak na pakiusap nito.
"I got the baby-daddy," pahayag ni Paul. Nasa may pintuan din ang kaibigan, bitbit sa kuwelyo ang lalaking pamilyar sa kanya.
"Brian," salubong ang kilay na usal niya. Ito ang Filipino-American New York based model na huling nakatrabaho ni Penny bago sila naghiwalay.
"I told you to stay put, you idiot! How come you're here?" natatarantang singhal ng Mommy niya rito
"I brought him here," kaswal na pahayag ni Paul.
Galit siyang bumaling kay Penny, hikbi lang ang isinagot nito. Nagdilim ang paningin niya. Mabilis siyang kumawala sa pagkakayakap ng lola niya at inilang hakbang lang ang pintuan. Pagdating doon, agad niyang inundayan ng suntok si Brian. Mahilo-hilo itong bumagsak sa sahig. Nagtitili si Penny subalit parang wala siyang narinig. Dinaluhong niya ang modelo at binigyan pa ito ng tatlong magkakasunod na suntok sa mukha. Naghalo na ang mga dugo mula sa kamay niyang sugatan at sa putok na labi ni Brian subalit wala siyang pakialam.
Kung hindi pa dumating sina Carlo at Dax na siyang bumitbit sa kanya palayo, baka tinuluyan na niya ang tarantadong si Brian.
Panay naman ang iyak na dinaluhan ni Penny si Brian na halos wala nang malay sa sahig.
"Get out, Penny. Take your boyfriend with you!" utos niya, nagtatagis ang mga bagang.
Nag-angat ng tingin si Penny. "Please, Phoenix... this baby is just a mistake. This is just one mistake... Please," pakiusap nito bago sinubukang abutin ang kanyang kamay.
Agad niyang tinabig ang kamay nito. "Leave! You disgust me!"
Lalo pang lumakas ang paghagulgol ni Penny. Nang lapitan ito ni Matt na halatang nagulat sa nadatnang eksena, umiwas na siya ng tingin. Ayaw na niyang makita ang dating nobya. Kung maglalaho ito na parang bula, mas ikakasiya niya. But Matt, being a doctor, checked on the wounded Brian first. Impatient, siya na ang nagkusang umalis.
Nagmamadali siyang lumabas ng mansiyon at dumiretso sa garahe. Panay ang tawag sa kanya ng mga kaibigan niya at iba pang guests na takang naghihintay sa garden subalit parang wala siyang naririnig. Mabilis siyang sumakay ng kanyang sasakyan at pinaharurot iyon palayo.
Kailangan niyang maabutan si Gabbie. Kailangang malaman ng mahal niya ang totoo.
*****
Panay ang hagikgik ng kasama ni Gabbie sa flight na si Sugar. Therapist din ito mula sa ibang ospital at kasama rin niyang nag-apply sa agency. Kanina pa ito tawa nang tawa sa panonood ng Tiktok videos habang hinihintay ang first call sa flight nila. Gusto na niya sanang maimbyerna kaya lang pakiramdam niya, coping mechanism na rin iyon ng kasama sa nalalapit nilang paglayo sa kanilang pamilya. Kung si Sugar, tatawa-tawa sa Tiktok videos, siya, kanina pa siya nagmamasid sa mga taong gaya niya ay naroon din sa paliparan. May nakita na siyang mag-jowang nag-away, anak na nagpaalam sa tatay nitong OFW, at reunited na mag-jowa na sabay babalik abroad matapos ang pagbisita ng mga ito sa kani-kanilang mga pamilya. Sa madaling sabi, inaabala niya ang sarili sa chismis─ chismis ng totoong buhay. Alive na alive tuloy ang mga chismosa hormones niya.
Maya-maya pa, naalala niyang sipatin ang writswatch niya. Malapit nang mag-alas dose ng tanghali. Sigurado, tapos na rin ang kasal nina Phoenix at Penny.
Napalunok siya nang mamuo ang bikig sa kanyang lalamunan. May kung anumang lungkot na bumalot sa kanyang dibdib. Nitong nakaraang ilang araw, lagi na lang siyang gano'n kapag naalala niya si Phoenix. Gusto niya sanang palisin agad iyon kaya lang, kahit na anong gawin niya, hindi rin naman iyon aalis. Hindi pa.
Siguro kailangan niya pa ng oras para lumimot. Wala kasing amnesia ang puso. Maaalala at maaalala nito ang taong minahal nito.
Kaya dapat pagdating niya sa Dubai, i-achieve na niya ang pagmo-move on para umusad na ang love life niya. Hindi naman kasi pwedeng habambuhay lang siyang maganda pero walang dyowa.
Awtomatikong rumolyo ang mga mata niya nang pumutok ang tawa ni Sugar. Pinagtinginan tuloy sila ng mga kasama nila sa bench at iba pang mga tao na dumaraan. Hindi na siya nakatiis at marahang siniko ang katabi. Humahagikgik itong nag-sorry.
Napairap lang siya. Naiimbyerna na siyang talaga. Kung hindi lamang ba siya natatakot na walang makakasabay mamaya sa boarding, baka kanina pa niya ito nilayasan.
Maya-maya pa, malakas itong suminghap. Bumaling siya rito. Hindi na Tiktok ang pinapanood nito, breaking news na. Mabilis nitong tinanggal ang headset nito at kinausap siya.
"Alam mo 'yong basketball player na si Phoenix Castro, nadisgrasya raw. Ito o, wasak ang sasakyan." Pinakita nito sa kanya ang pinapanood nito.
Agad siyang pinangapusan ng hininga nang makita niya ang pamilyar na itim na Hummer, nakabaliktad sa isang bakanteng lote at basa-basag ang salamin. Hindi siya pwedeng magkamali, iyon nga ang sasakyan ni Phoenix!
Pakiramdam niya may dumagan sa dibdib niya at agad niyong pinigil ang kanyang paghinga. Naliliyo rin siya kahit na maayos naman siyang nakaupo.
"O kritikal daw, sabi sa balita," dagdag pa ni Sugar. Lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib niya sa narinig.
Nanginginig niyang hinalughog sa bag niya ang kanyang cellphone. Nang tignan niya iyon, mayroon iyong 20-missed calls galing kay Phoenix na hindi niya nasagot dahil naka-silent mode ang cellphone niya.
Bakit siya nito tinatawagan? Pupuntahan ba siya nito kaya ito....
Tuluyan na siyang napaluha. Nagtataka siyang inalo ni Sugar.
Mariin siyang napapikit. Gusto niyang magdasal subalit hindi niya alam kung paano mag-uumpisa.Magulo ang isip niya. Balot ng takot at kaba ang buong pagkatao niya.
Maya-maya pa, nag-blink ang screen ng cellphone niya. May unknown number na tumatawag sa kanya. Alanganin niyang sinagot ang tawag.
"H-hello─"
"Gabbie, it's Dax. Nasaan ka?"
"H-ha? N-nasa airport ako─" Maya-maya pa, naputol na ang tawag. Tulala siyang napatingin sa cellphone niya. Panay-panay ang kabog ng dibdib niya.
Ilang sandali pa, may humila sa braso niya. "D-Dax... p-paano ka nakapasok..."
"I bought a ticket. Now, you have to come with me. Fast!" anito bago binitbit ang trolley niya.
"S-sandali─"
"Magtatalo pa ba tayo, Gabbie? Phoenix is critical!"
Awtomatiko siyang nanginig sa binalita nito. Tuluyan na siyang napaluha. Totoong nag-aagaw buhay nga ang mahal niya!
Walang imik-imik na siyang sumama kay Dax. Nawala na sa isip niya si Sugar at ang flight niya. Nawala na ang lahat sa isip niya. Ang tanging alam niya ng mga oras na iyon, kailangan niyang mapuntahan si Phoenix.
"He crushed into a barrier near Bulacan. He was chasing your flight. The psycho didn't even think of using Carlo's chopper to come to Manila. Basta-basta na lang siyang umalis ng San Gabriel!" Pabulong itong nagmura habang nag-dadrive.
"B-bakit niya 'ko p-puntahan?"
"Hindi natuloy ang kasal. The baby's not his."
Napasinghap siya at natutop ang bibig. Parang may kung anumang mabigat na bagay ang naalis sa kanyang dibdib dahil sa kanyang nalaman. Kaya lang kabado pa rin siya dahil hindi niya alam kung ano ang daratnan niya sa ospital sa Bulacan kung saan itinakbo si Phoenix.
Pinili niyang magdasal. Alam niya, wala nang iba pang makapagliligtas kay Phoenix kundi ang Diyos lamang.
Pagdating nila sa ospital, nauna siyang bumaba. Tinakbo niya ang emergency room. Pasimple niyang inilusot ang sarili sa mangilan-ngilang miyembro ng media na nagse-set up na sa harapan ng ospital.
"P-Phoenix C-Castro," halos pabulong na sabi niya sa nurse na naroon.
"Treatment Room #2 po," mabilis na sagot ng nurse bago tinuro ang isang hallway.
Agad niya iyong tinakbo at aligagang hinanap ang treatment room na sinabi ng nurse na pinaglagakan kay Phoenix. Nang marating niya ang treatment room #2, tuluyan na siyang nanghina. Walang ibang laman ang silid kundi ang isang labi na balot sa duguang puting kumot.
"I'm sorry for you loss, Miss. He had incurred several fatal wounds. Ginawa na po namin ang lahat," anang doktor na lumapit sa kanya, marahan pang tinapik ang kanyang balikat.
Tuluyan nang bumigay ang mga tuhod niya. Ilang sandali pa, mapait siyang napahagulgol.
Masakit. Masakit malaman na kahit kailan, hindi na niya makikita na buhay si Phoenix. Pakiramdam niya tuluyang nagkapira-piraso ang kanyang puso.
Huli na. Huli na pala siya. Wala na ang mahal niya.###
3317words/5:01pm/07112020
#AccidentallyInLoveHDG
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro