Chapter 27: Ready To Let Go
"Anak, ginabi ka 'ata," salubong ng tatay niya kay Gabbie nang makauwi siya ng araw na iyon.
"M-may inasikaso lang po, 'Tay," alanganin niyang sagot bago nagmano sa kanyang ama. Napansin niyang nakabukas pa ang TV kahit na alas-dies na ng gabi. Sigurado, hinihintay talaga nito ang pag-uwi niya. Dumiretso siya sa ref at kumuha ng tubig.
Pagod siya─ sa isip, sa salita at sa puso.
Ginabi siya ng uwi dahil kinailangan niya nang magpalipas ng ilang oras sa bahay ni Brandy upang pakalmahin ang kanyang sarili. Matapos ang panunugod sa kanya ni Penny kanina sa ospital, nag-sorry siya kay Ma'am Cheng sa eskandalong dinala doon ng fiancee ni Phoenix. Hiyang-hiya siya. Sa tanang buhay niya, noon lang siya napahiya nang gano'n!
Gusto niyang gumanti, manakit, at manumbat. Kaya lang, wala rin namang magagawa ang mga 'yon sa sitwasyon. Magpapagod lang siya. Masasaktan. Babalik at babalik siya sa umpisa.
Nang makainom siya ng tubig, tuliro niyang inilapag sa mesa ang pitsel at baso na kanyang ginamit.
"Anak, ayos ka lang?" pukaw sa kanya ng tatay niya. Hindi niya namalayang sumunod pala ito sa kanya sa kusina at kanina pa siya pinagmamasdan.
"P-po? O-opo, 'Tay," nahihimasmasang sagot niya, pilit pang ngumiti. "Tulog na po tayo, 'Tay," dugtong pa niya bago naglakad patungo sa kanyang kuwarto. Pipihitin na lang niya sana ang seradura nang muli siya nitong tawagin.
"Gabriela." Muli niya itong hinarap. "Ayos ka lang ba talaga, anak?"
May dalang bigat sa dibdib niya ang tanong na iyon ng tatay niya. Nitong nakaraang ilang linggo, wala siyang narinig sa tatay niya. Ni magtanong tungkol sa kanila ni Phoenix, hindi nito ginawa. Nirespeto nito ang katahimikan niya. Pero ngayon na kaharap niya ang kanyang ama, pakiramdam niya tuluyan siyang nanghina. Para siyang bata na kailangan ulit ng kalinga.
Nangilid na ang kanyang luha. "H-hindi po, 'Tay," humihikbi niyang sagot.
Malungkot na ngumiti ang tatay niya. Hindi ito nagsalita, ibinukas lang nito ang mga bisig nito para sa kanya. Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon. Inilang hakbang niya ang pagitan nilang mag-ama at humahagulgol na yumakap dito. Sa hirap na tinig, ipinaliwanag niya sa tatay niya ang nangyari sa kanila ni Phoenix. Kung paano niya ito minahal, sinamahang mangarap at kusang pinakawalan.
Sa buong buhay niya, naniwala siya na matatag siya, matapang, at walang inuurungan. Kahit anong pagsubok na ibigay ng langit, kinakaya niya. Subalit may hangganan din pala ang tapang. At minsan, ang tapang nakikita rin sa pagsuko at pagtanggap ng kabiguan.
"Ang sakit po, 'Tay. Ang sakit-sakit po," sumbong niya sa pagitan ng pagsigok.
Humigpit ang pagkakayakap ng tatay niya sa kanya. "Umiyak ka lang, anak. Ayos lang. Nandito lang si Tatay para sa 'yo."
Ilang minuto rin siyang umiyak sa bisig ng kanyang ama. Nang kumalma siya nang kaunti, hinatid siya nito sa kanyang kuwarto. Para siyang batang pagod at humihikbing nahiga sa kama. Inayos ng tatay niya ang unan niya. Kinumutan rin siya nito at hinintay siyang makatulog habang hinahaplos ang kanyang ulo. At bago siya tuluyang nagpatangay sa antok, bumulong ang tatay niya.
"Anak, bitiw na. Bitiwan mo na siya."
*****
After 3 weeks
The sound of smooth jazz music blending with the laughter of their visitors from their rehearsal dinner rang loudly on Phoenix's ears. He wasn't bothered by it before, but he found it uniquely irritating tonight. Moreso, when he sees everyone who's part of their entourage happily talking about his and Penny's future together.
Annoyed, he excused himself from the long table he endured sitting in for the last two damn hours. He quickly paced the floor towards the bar, grabbed a glass, filled it with ice and his favorite brandy before finally settling at the back patio of their house in San Gabriel.
There was an endless darkness in front of him─ no stars, no moon... nothing. And he find it so peaceful compared to what he had been through for the past three torturous weeks.
In the day, he'd exhaust himself in training and therapy. He'd visit friends. Hang out with them. Like the normal stuff he used to do before the accident. News reports say that he is recuperating just fine. That's what they thought. That's what everybody thought.
But at night when he is all alone, everything is different. He'd go back to his rented suite at Gold Hotel hoping that it would be a night without any thoughts about her. But every single night is the same. Every night, he'd think of Gabbie. How she is? What she does? What she thinks? And how would he live the rest of his damned life without her by his side.
Naiiling siyang nagbuga ng hininga. This night is no other, he thought. Nagmadali niyang dinala ang baso ng alak sa kanyang bibig. Humagod ang pait niyon sa kanyang lalamunan. Pinapaalala sa kanya, na kahit na anong isip niya sa mahal niya, hindi magbabago ang sitwasyon.
Bukas, ikakasal na siya.
"Phoenix..." tawag ng pamilyar na boses sa kanyang likuran.
He quickly turned. Ilang hakbang mula sa kanya, malapit sa pinto ng backdoor, naroon si Penny. "Hinahanap ka ng ibang kaibigan mo," anito, nakahawak pa sa tiyan nito.
Tumango-tango siya. "I'll just finish this." Itinaas niya ang hawak na baso ng alak bago sumimsim doon.
Imbes na bumalik sa loob ng bahay, lumapit pa si Penny sa kanya.
"Are you still having second thoughts?" anito, titig na titig sa kanya, kalmado ang tinig.
He blinked. He's not sure if he'd answer the question. Sa huli, pinili niya ang muling magsinungaling at marahang umiling.
Penny fell silent for a moment before asking, "Then... are you still thinking about her?"
Sandali niya itong pinakatitigan bago ibinalik ang mga mata sa kadilimang nasa kanyang harapan. Again, he chose not to answer. He knows they will be just more questions if he would.
"What's wrong Phoenix?" tanong ulit ni Penny, may halong garalgal ang tinig.
Nagbuga siya ng pagod na hininga at umiling. "Nothing. I think I'm just... tired," aniya, pilit ang ngiti.
Hinawakan ni Penny ang braso niya. "I'd be a good wife and mother to our child. I promise you. I'd be better than the last two years we've spent together. I swear! Just... just give me another chance, Phoenix." Humikbi ito bago nagyuko ng ulo. Ilang sandali pa, mahina itong humagulgol.
"Penny, don't cry, please. Makakasama sa bata," aniya, sa nag-aalalang tinig.
He wanted to comfort her─ give her a consoling hug, even lie about how he truly feels. But he restrained himself. That would be so unfair not just to himself but more so to the mother of his unborn child. He knew now more than ever, that lies are poison. It kills. It destroys.
Nang kumalma ito at nag-angat ng tingin sa kanya, hinugot niya ang panyo sa kanyang bulsa at ibinigay dito. Alanganin nito iyong tinanggap at nagpunas ng luha. Nang matapos ito, agad siyang nagsalita.
"I'll be a good father, Penny. I'd give you the respect any good man should give to his wife. I'd take care of you. I'd provide and give you everything... except my heart."
Penny sobbed as fresh batch of tears flowed from her eyes. He wanted to kick himself in utter frustration. He never intend to hurt anyone. But the truth hurts, that's what they say. He thought that if this marriage needs to work, then they need to be honest with each other from now on. So he has to say what he needed to say.
No lies. No excuse. Just the truth.
Nang muli itong yumuko, dinala niya ang baso ng alak sa kanyang bibig. Mabilis na inubos ang laman niyon bago walang imik na nagpatiunang naglakad pabalik sa loob ng bahay. Subalit nasa backdoor pa lang siya nang muli siyang tinawag ni Penny. Agad niya itong hinarap, puno pa rin ng luha ang pisngi nito. She looks as devastated as he is inside.
"We were happy. We used to have everything. What happened?" anito sa garalgal na tinig.
He froze. She's right. Sa dalawang taon na pinagsamahan nila, mabibilang lamang sa daliri ang hindi nila pinagkaunawaan. Penny was the perfect companion. They both benefited from their relationship. Both of their careers flourished and the glitz of fame never left them while they were together. They were indeed perfect partners. And so, they were relatively happy or so he thought, but...
"You left," he declared softly. "And then, I fell in love... with Gabbie. You're right. We used to have everything. Everything except for love. Never love."
"But I love you!"
His jaw clenched, restraining himself for saying more than he should. "If you really did, you never should have left in the first place."
He turned and silently walked away.
*****
Aburido sa pag-eempake ng mga gamit niya si Gabbie. Bukas na ang flight niya papuntang Dubai kung saan siya mamamalagi ng dalawang taon ayon sa kanyang kontrata. Sa nakaraang tatlong linggo, ibinuhos niya ang kanyang oras sa pamilya, trabaho, at pagmo-move on. Noon lang isang linggo, nang dumating ang work visa niya, agad siyang nag-resign sa Angelicum Hospital. Mula noon, abala na siya pag-asikaso ng mga dapat niyang tapusin na requirements sa pag-alis niya. Noong isang araw lang, natapos ang Pre-Departure Orientation Seminar niya. At plano sana niyang gugulin ang buong araw ngayon sa pag-eempake para maaga siyang makatulog. Kaya lang, naubos ang kalahati ng araw niya dahil sa walang katapusang pagbabangayan nina Brandy at Jelaine na siyang kasama niya kanina sa paggo-grocery ng iba pa niyang kakailanganin.
Kaya ngayon, heto siya, aburido at natataranta.
Maya-maya pa narinig niyang bumukas ang gate nila. Nang silipin niya, si Mac iyon─ may bitbit na supot ng kung ano man.
"Ano 'yan?" nakanguso niyang tanong sa dala nitong supot nang makapasok na ito sa bahay nila.
"Manok," kaswal na sagot nito bago dumiretso sa kusina at inilapag sa mesa ang dala nitong pagkain.
"Hay, salamat hindi na 'ko magluluto ng hapunan," aniya.
"Ikaw lang?" tanong nito matapos magpalinga-linga.
"Oo," sagot niya, ang tingin nasa tinitiklop niyang jacket. "Nagsimba sina Tatay at Lala. Hinabol nila 'yong huling First Friday Mass. Si Manny naman, nagbabasketball... 'ata?" Isinuksok niya sa maleta niya ang jacket.
"Si Tori?"
"Alas-onse pa raw ang off e. Kinausap nga ni Tatay si Mg Nestor para masundo siya ng tricycle mamaya kasi delikado na naman ang uwi," aniya. Hindi sumagot si Mac. Nang tignan niya abala ito sa pagte-text, kunot pa ang noo. Nang sumunod na ilang minuto, tahimik niyang tinapos ang kanyang pag-eempake habang nanonood ng balita sa TV.
Eksaktong naisara niya ang kanyang maleta nang mag-flash ang mukha nina Phoenix at Penny sa screen ng TV. Natataranta niyang hinanap ang remote. Kaya lang hindi niya agad iyon nahanap dahil magulo ang salas sa mga kalat niya. Wala tuloy siyang choice kundi hugutin ang saksakan ng lintek na TV na parang nanadya!
Natahimik sila ni Mac pagkatapos. Ang tangi lang maririnig ay ang marahas na paghahabol niya ng hininga habang nakatutok ang mata sa screen ng TV at hawak ang hinugot niyang saksakan niyon.
Napalunok siya. Bukas na pala ang kasal nila, sa isip-sip niya. Nitong nakaraang ilang linggo, sinadya niya talagang h'wag manood ng TV o magbukas ng kanyang social media accounts dahil ayaw niyang makabalita ng anuman tungkol kay Phoenix.
Mapait siyang ngumiti. Bukas ang kasal ni Phoenix. Bukas din ang flight niya papuntang Dubai. Lihim siyang napairap. Parang tinadhana talaga na maglayo sila at hindi na magkita. Pati pagbabagong buhay nila magkasabay din.
Binitiwan niya ang hawak na plug ng TV at walang imik na lumabas sa garahe. Umupo siya sa bangko at tiningala ang langit. Maraming bituin. Masigla rin ang buhos ng ilaw ng bagong buwan.
Nanulis ang nguso niya. New moon pala ngayon. Pati mga heavenly bodies nakikisabay din sa pagbabagong-buhay nila ni Phoenix. Pinag-in sync siguro talaga ng tadhana ang lahat.
Mahusay. Talagang nananadya!
Maya-maya pa, tumabi sa kanya si Mac.
"Mahal mo pa?" anito, ang mga mata nasa langit din.
Marahan siyang tumango. "Oo, kaya lang, hindi talaga kami para sa isa't-isa.
"Pa'no mo nasabi?"
"Kasi foul kami. Kumbaga sa basketball, ako 'yong may violation ng offensive interference. Ayon, napunta sa kabilang team 'yong bola. Sabi ng tadhana, hindi pa pala sila tapos ni Penny pero pumasok ako sa eksena. Kaya ngayon, naiwan ako, mag-isa."
Hindi siya mahilig sa basketball. Lumaki siyang nakikinood lang ng PBA sa tatay niya at kay Manny. Pero hindi niya naisip na mage-gets din niya pala ang basketball terminologies na mahilig pagdiskusyonan ng tatay at kapatid niya at magagamit din niya iyong analogy sa nangyari sa kanila ni Phoenix. Pati pala sa basketball, sablay din sila ng masungit. Muli, humapdi ang dibdib niya.
"Ba't 'di mo kasi pinaglaban?" ani Mac maya-maya.
"Ano namang laban ko sa bata, Mac? Hindi naman ako gano'n kawalang konsensiya, pati bata aagawan ko ng tatay. Makaka-move on din ako... balang araw. Malaking motivation sa akin na pag-igihin ang trabaho do'n dahil may utang ako sa 'yo." Nalukot ang mukha niya kapag kuwan at bumaling sa kaibigan. "Sandali lang. Bakit natin pinag-uusapan si Phoenix? Hindi ka ba naiilang? Gusto mo 'ko pero mahal ko siya. Ganda ko 'di ba?"
Walang sabi-sabi siya nitong binatukan. "Wala ka pa do'n nagtotoyo ka naman."
Sinuntok niya ang braso nito. "Siraulo ka! Kalbuhin kita e!" singhal niya.
Natawa si Mac. Natawa na rin siya. Maya-maya pa pinaalala nito 'yong mga kalokohan nila noong mga bata pa sila. Noong mga panahong ang problema lang nila kung paano hindi mataya ng pototot sa patintero, kung paano i-warm up ang tsinelas sa pagtira ng lata sa tumbang-preso, at kung paano ang effective na lundag para sa black magic ng sipa. Para silang bumalik sa pagkabata pansamantala at sobra siyang natutuwa.
Para talaga silang may mga sapi kapag magkasama silang dalawa ni Mac. May koneksiyon sa pagitan nila ng kaibigan na hindi niya maipagkaila at maipaliwanag. Para itong long-lost brother niya na pinampon dahil hindi sila puwedeng palakihin sa iisang bahay dahil delikado. At aminado si Gabbie, pagdating niya sa Dubai, mami-miss niya talaga si Mac. Si Mac ang bestfriend at keeper niya, mula noon hanggang ngayon.
Maya-maya pa, "Shooting star o!" pukaw nito. Mabilis siyang tumingala. "Ay, uto-uto!" natatawang hirit nito pagkatapos.
"Siraulo ka talaga, Macario!" napapairap niyang sabi.
Maya-maya pa, bumalik sila sa tahimik na pagmamasid sa langit. "Kung may shooting star ba ngayon, anong hihilingin mo?"
Ngumisi siya. "World peace."
Tumaltak ito. "Hoy Kulasa, hindi ka beauty queen. Hindi ka rin papasa kahit mag-apply ka."
Tumikwas ang nguso niya. "'Yan ba ang pabaon mo sa 'kin, okray?"
"Sumagot ka kasi nang maayos!" aburido na sagot ni Mac.
Umirap siya at napilitang mag-isip. "Ang wish ko lang naman talaga, maging maayos ang buhay ng pamilya ko. Sana, matupad ang pangarap ng mga kapatid ko at mabigyan ng magandang buhay si Tatay."
"E 'yong para sa 'yo?"
Bumaling siya sa kaibigan. "Ha?"
"Ikaw. Anong pangarap mo para sa sarili mo?"
Napakurap siya. Hindi siya makasagot.
"Dapat may pangarap ka rin para sa sarili mo. Hindi lang pangarap mo para sa ibang tao. Minsan, puwede mo ring isipin ang sarili mo, Gabbie. Walang nagbabawal sa 'yo."
Tumimo sa isip niya ang sinabi ng kaibigan. Minsan, maganda rin na may nagpapaalala sa 'yo ng mga katotohanan ng buhay na kahit alam mo na, madalas mong makalimutan.
Matagal na siyang hindi nanganagarap sa sarili niya. Mas madaling sabihin na, hindi niya naturuan ang sariling mangarap para sa sarili niya. Buong buhay niya, buhos ang atensyon niya sa pagsisilbi sa ibang tao, sa pamilya, pero hindi sa sarili niyang pangarap. Kaya siguro masyado siyang nasaktan sa nangyari sa kanila ni Phoenix. Tinuruan siya ni Phoenix na magmahal, maghangad, at mangarap. Kaya lang, si Phoenix, isa lang sa mga pangarap sa buhay niya na hindi na matutupad kahit kailan.
Inakbayan siya ni Mac. "Pagdating mo do'n, magbagong buhay ka na. Hindi raw puwede ang aastig-astig doon, kinukulong nila. Malayo ang Dubai. Hindi na kita matutulungan."
Natawa siya. Kinurot niya ito sa tagiliran. Napaigtad ito at bumitiw sa kanya, panay ang reklamo.
"Salamat sa lahat ng tulong, Mac. Hayaan mo makakabawi rin ako sa 'yo," aniya, maya-maya.
Bumulong-bulong ito ng hindi niya maintindihan. "Ano?"
"Wala! Sabi ko kahit kailan, bingi ka talaga, Kulasa!"
Nanikwas na naman ang nguso niya. "Kulasa ka ng kulasa parang hindi mo 'ko binalak ligawan! Pinapaalala ko lang sa 'yo, hindi tayo talo Macario!"
Humugong ito. "H'wag ka rin mangarap! Hindi totoo 'yong panliligaw ko sa 'yo."
Kumunot ang noo niya. "E bakit..."
"Naangasan ako sa mga manliligaw mo e. Baka isipin nila, basta-basta ka na lang makukuha dahil wala silang kaagaw na iba. A basta, kalimutan mo na 'yon." Ikinumpas nito ang kamay nito. "Napilitan lang talaga ako no'n k-kasi... basta. May nililigawan ako, matagal na."
Nalaglag ang panga niya at wala sa sariling hinampas ang braso nito. Bukod sa dalawang naging girlfriend nito noong college sila, matagal nang single si Mac. Kaya naman agad na nag-red alert ang mga chismosa hormones niya. Hinablot niya ang manggas ng uniporme nito at niyugyog ang kaibigan.
"Hoy, Macario! Sino ang malas na babaeng nililigawan mo?" natatawang tanong niya, panay pa rin ang yugyog sa kaibigan.
"Wala! Akin na lang 'yon! Chismosa!" Tumayo ito at lumayo sa kanya.
Imbes na mainsulto, napahalakhak siya. "Sige na, sabihin mo. Para makuwento ko sa kanya na saka ka lang nagpatuli noong kinse ka!"
Natigilan si Mac, nalukot ang mukha kapag kuwan. "Alam niya!"
Napasinghap siya, lalong naexcite ang chismosa hormones niya. "Kung ayaw mong sabihin, huhulaan ko na lang. Tao? Bagay? Hayop? Guni-guni?"
Nagkamot ng batok si Mac, inis na. "Tumigil ka na, Kulasa. Saka ko lang sasabihin sa 'yo kapag nando'n ka na sa Dubai."
Nalukot ang mukha niya, made-delay ang chismis. Hindi siya makakapayag! Hihirit pa sana siya sa kaibigan kaya lang dumating na ang tatay niya at si Lala. Ilang minuto lang, dumating na rin si Manny.
Maya-maya pa, nag-aya na ng hapunan ang tatay niya. Isa iyon sa pinakamasasayang hapunan ng buhay niya.###
3011words/1:44pm/07082020
#AccidentallyInLoveHDG
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro