Chapter 22: Dreams and Shooting Stars 3
"'Tay naman e!" napapapadyak na reklamo ni Gabbie habang kausap ang ama sa cellphone. Napilitan siyang tawagan ang tatay niya nang sabihin ni Phoenix na pinabaunan siya ng tatay niya ng ilang gamit para sa pagtatanan nila. Pagtatanan na ang ibig sabihin pala ay pag-uwi lang ng masungit sa San Gabriel na kasama siya for the weekend.
Pero kahit na! Hindi siya ready sa mga agarang lakad na gano'n! Kinakailangan niya ng ilang araw na meditation para hindi mawindang ang huwisyo niya na lagi pa ring nangyayari kapag malapit si Phoenix sa kanya.
"Aysus! Kunwari ka pa, Gabriela! Alam kong gusto mo rin naman 'yan," natatawang sagot ng tatay niya sa kabilang linya. Umikot ang mata niya at nanulis ang nguso. "'Maayos ka namang ipinaalam ni Pheonix, anak. Alangan namang pagbawalan kita. At saka nangako siyang wala munang mangyayaring suguran ng Bataan kaya ayos lang 'yan."
"Tay!" Nasapo na niya ang ulo. Maisip pa lang niya na kinausap ng tatay niya si Phoenix tungkol sa preserbasyon ng Bataan at pag-iingat yaman ng kanyang perlas ng silanganan, gusto na niyang magpalamon sa lupa.
Nahimigan niya ang marahang halakhak ni Phoenix sa loob ng sasakyan nito. Lumabas siya kasi ng sasakyan matapos nilang tumigil sandali upang kausapin ang tatay niya.
"Aba'y bakit ba? Mabuti na 'yong malinaw ang usapan," pagrarason ng tatay niya. "O siya,sige na. Iniistorbo mo itong panood namin ni Mac ng mga oppa ni Victoria."
"E 'Tay─" Tuluyan nang naputol ang tawag. Nasa bahay na naman pala nila si Macario, nakikinood.
Sumilip si Phoenix mula sa bintana ng sasakyan nito. "Babe, anong sabi ni Tatay? I told you, nagpaalam ako. Ayaw mo lang maniwala."
Umirap siya at nagdadabog na muling sumakay ng sasakyan. "Siguro pinagana mo rin 'yang agimat mo kay Tatay kaya siya pumayag na sumama ako sa 'yo."
Nagdakit ang mga kilay nito. "What agimat?"
"'Yan, 'yang mga mata mo. May agimat kaya 'yan. Kaya madali kang mang-uto." Padabog siyang sumandal sa upuan.
Humalakhak ang guwapong masungit. "You mean like this?" Inilapit nito nang husto ang mukha nito sa kanya. Nahigit niya ang kanyang hininga sa sobrang gulat. Tumitig sa kanya ang mga mata nito. Wala sa sarili siyang napalunok. Itong mga windang moments na ito ang hindi niya matagalan minsan. Kapag wala si Phoenix, hinahanap niya. Kapag sobrang lapit naman nanginginig siya. Juskolerd talaga! Hindi na niya alam kung paano siya kikilos.
Ngumisi si Phoenix. Mabilis na humalik sa kanyang pinsgi bago pinagkiskis ang kanilang mga ilong.
"You look cute when you're terrified by my presence. Easy, babe. Get used to me. Because I've got no plans of going away. I'm staying. Forever," deklara nito bago umayos ng upo at muling pinaandar ang sasakyan.
Forever.
Lihim niyang nakagat ang pang-ibabang labi. Nangangako na ng forever sa kanya ang masungit. Muli, nag-volunteer ang puso niyang magpakaburo sa banga ng karupukan.
*****
Kinabukasan
Hindi mapigilan ni Gabbie ang mapahikab habang binabagtas nila ni Phoenix ang daan patungo kung saan. Halos alas-onse na ng gabi nang marating nila ang San Gabriel kagabi. Buti na lang nag-drive thru sila sa isang fastfood chain na nadaanan nila kaya naman diretso tulog na sila ni Phoenix nang marating nila ang mansyon. Hindi pumayag si Lola Candi na magtabi silang matulog ng apo nito. Hindi rin umubra ang pagmamaktol ng guwapong masungit sa abuela nito. Kaya naman balik siya sa dating kuwartong tinuluyan niya habang si Phoenix naman sa kuwarto nito natulog.
Inabot sila ng hanggang ala-una sa video chat. Akala mo naman ang layo ng pagitan nila. Dahil punumpuno ng kilig ang dibdib niya, halos alas dos na siya ng madaling-araw na katulog.
Mag-aalas dies naman na ng umaga siya nagising kanina. Nagmaganda siya ulit nang bonggang-bongga. Kung hindi pa siya ginising ni Phoenix, siguro borlogs pa rin siya. Weekend kasi. Nakakondisyon ang body clock niya na tuwing weekend, ang umaga niya ay tanghali na.
"Still sleepy?" ani Phoenix nang mapansin ang paghihikab niya.
"Medyo," sagot niya bago tumingin sa labas ng bintana.
"Are you hungry?"
Tumingin siya kay Phoenix at marahang tumango.
Mag-aalas-dose na kasi ng tanghali pero hindi pa siya nag-aagahan. Pinagmamadali siya kasi ni Phoenix. Baka daw magtanong si Lola Candi kung saan sila pupunta at hindi sila payagan.
At kung saan sila pupunta, malay niya. Mukhang may paandar na naman ang guwapong masungit.
"Okay let's have lunch first," deklara nito bago minaniobra ang sasakyan patungo sa parking lot ng isang seaside restaurant. Mukhang kilala na roon si Phoenix dahil agad itong binati ng mga waiters at in-escort sa isang private area. Umorder sila ng seafood platter at 'yon ang pinagsaluhan nilang dalawa. Pagkatapos ng isang oras, lumarga ulit sila.
Sa pagkakataong iyon, sa isang subdivision sila tumuloy. Naglalakihan ang mga bahay doon. Halatang tahanan ng mga sosyal at tinitingala sa lipunan. Tumigil sila sa isang bahay na kahit luma na, nakikipagsabayan pa rin sa laki at rangya ng mga modernong bahay na naroon. Nang bumaba ng sasakyan si Phoenix, bumaba rin siya. Tahimik na sinusian ni Phoenix ang gate na gawa sa wrought iron maging ang front door. Ilang sandali pa, tumambad kay Gabbie ang kabuuan ng bahay.
Mataas na ceiling, marmol na sahig, makakapal na kurtina, at mga muwebles na nababalutan ng puting kumot. Tipikal na istura ng mga abandonadong bahay ng mga mayayaman. Mabilis na dumako ang tingin niya sa estante na may lumang pictures. Pamilyar na mga mukha ang nakita niya roon. Katulad iyon ng pictures na nakapatong sa lumang bureau na nasa penthouse.
"B-bahay niyo 'to dati?" alanganin niyang tanong, maya-maya. Tumango lang si Phoenix, marahan. Humakbang ito palapit sa lumang sofa na nababalutan ng puting kumot. Sandaling tumitig roon bago marahang nagbuga ng hininga.
"My Dad and I used to play around this area. I have that big robot Lola bought from Manila and my dad used to play it with me. I said that I liked to be a robot one day─ big, strong, mighty and tough. Mom laughed at my dream. She said that I can't be a robot because I'm human. But Dad said, I can be anything who I want to be. And he'll sure be around to see it." Malungkot itong ngumiti. "After two years, he left. Then... Mom left too."
Parang may pumiga sa puso niya sa narinig. Naalala niya ang kuwento kung paano ito iniwan ng mga magulang nito na parang pinagsawaang laruan, kung paano ito naging alipin ng galit at poot sa nakalipas na maraming taon.
Sa tingin ng nakararami, nakay Phoenix na ang lahat atensyon─ kasikatan at karangyaan. Lahat ng mga 'yon kusang dumarating kay Phoenix nang hindi ito humihingi. Ngunit sa kabila ng makinang nitong career at playboy image, naroon pa rin ang isang bata na pinabayaan, sinaktan, at iniwan ng mismong mga taong una nitong pinagkatiwalaan at minahal.
Marahan siyang humakbang palapit dito at ginagap ang kamay nito. Nang bumaling ito sa kanya, mapait itong ngumiti.
"You know, I envy your relationship with your family, especially your dad. Honestly, naawa lang talaga ako kay Tay Manding kaya ako pumayag sa kontrata natin. Because I had never seen anything like that growing up. I mean, Lola can provide me everything. But deep inside, I'm still incomplete. I long for my parents. Too bad... they didn't want me. That's why they left."
Humigpit ang kapit nito sa kamay niya habang wala sa sariling nakatingin sa sofa. Hinarap niya ito at hinaplos ang pisngi nito.
"Siguro, may mga rason sila na hindi mo pa maiintindihan noon kaya sila umalis na lang nang basta. Minsan, mas mabuti na wala kang alam para hindi ka nasasaktan. Kaya sana, matutunan mo rin sa puso mo na patawarin sila dahil magulang mo pa rin sila Phoenix. Kung wala sila, sino ang mamahalin ko ngayon?"
Tumitig ito sa kanya kapag kunwa'y ngumiti. "I love you," bulong nito bago siya niyakap.
"I love you too," aniya.
Ngayon, higit-kailanman, naiintindihan na niya kung bakit mahirap magmahal si Phoenix, kung bakit ito laging masungit kapag hindi nasusunod ang gusto, at kung bakit twisted ang paniniwala nito sa pag-ibig. Wala kasi itong love reference habang lumalaki liban kay Lola Candi. At kahit na pinuno ni Lola Candi si Phoenix ng mga materyal na bagay at pag-aasikaso, hinahanap nito ang nakasanayan nitong pagmamahal sa mga magulang nito na basta na lang umalis nang walang sabi.
Humigpit ang yakap nito sa kanya. "Please, dont leave me," pakiusap nito sa nahihirapang tinig.
Nag-angat siya ng tingin at muling hinaplos ang pisngi ng mahal niya. "Hindi ako aalis, Phoenix," buong-pusong deklara niya.
Nang bitawan siya nito, hiningi niya rito ang cellphone nito.
"Why?" magkasalubong ang kilay na tanong nito.
"Basta!"
Alanganin nitong inabot ang cellphone nito sa kanya. Sandali niya iyong dinutdot bago tinanggal ang kumot na nakatakip sa sofa.
"What are you doing?"
"Manonood ng Netflix," mabilis niyang sagot bago umupo sa leather na sofa.
"What?" anito lukot na lukot ang mukha.
Pinagpag niya ang espasyo sa tabi niya. "Nood tayo," aya niya. Humugong muna ito bago umupo.
Abala siya sa pagse-search ng movies nang bigla nitong pisilin ang pisngi niya. Agad siyang nagreklamo. Imbes na tantanan ang pisngi niya, ngumiti pa ito.
"I won't stop until you tell me what are you doing."
Nanikwas ang nguso niya at pinisil rin ang pisngi nito, mas mariin. Umabot hanggang langit ang reklamo ng masungit na nagpangyari upang sabay nilang tantanan ang pisngi ng isa't-isa.
"Ano ba kasing ginagawa mo?"
"Manonood nga," sagot niya paingos, habang minamasahe ang nasaktang pisngi.
Sinapo nito magkabilang-pisngi niya at pinilit siyang makipagtitigan dito. Gumana ulit sa kanya ang agimat sa mga mata ng masungit.
"Why?" seryosong tanong nito.
"M-making new memories," bulong niya.
Sandaling tumitig si Phoenix sa kanya. Kapag kuwan'y mabilis siyang hinalikan sa labi bago, "I like that," sabi nito. Nang bitiwan siya nito, mabilis niyang itinuloy ang paghahanap ng papanoorin.
"What are we going to watch?" tanong nito maya-maya.
Nakangisi siyang bumaling dito. "50 Shades Of Grey."
Napamaang ito. "Dammit Gabbie! Are you torturing me?"
Mabilis nitong inagaw ang cellphone nito sa kanya. Imbes na mainis, napahalakhak pa siya. Achieve na achieve nito ang pagtupad sa mga kondisyones ng preserbasyon ng Bataan.
Pinanood nila ang 50 First Dates nang sumunod na dalawang oras.
*****
"Phoenix, masakit na ba paa mo?" nag-aalalang tanong niya sa lalaki habang paakyat sila sa matarik na trail sa kung saang lupalop ng kabundukan man siya nito dinala.
"No. I'm perfectly fine, babe. Don't worry too much. This orthopedic boot is doing its wonders. Plus this wood cane by Mg Nestor is helping me not to put so much pressure on my injured heel," sagot nito bago humakbang muli pataas sa trail na tinutumbok nila. Kulang-kulang tatlong hakbang ang layo nito sa kanya.
"E saan ba kasi tayo pupunta?"
Lumingon ito, ngumiti, bago, "You'll see when we get there." Kinindatan pa siya nito bago muling tinuloy ang paglalakad.
Tikwas ang nguso siyang humakbang. Kaya pala sabi pinag-outfit siya nito ng jogging pants at ruber shoes pag-alis nila ng mansyon, kahit na sana ayaw niya. May akyatan palang magaganap.
Matapos nilang manood sa dating family house nito, lumarga ulit sila sa kung saang lupalop na naman. Sa pagkakataong iyon, nakita niya ang arko ng San Ildefonso. Binaybay nila ang makipot at maalikabok na daan patungo sa panaan ng bundok. Nang makarating sila roon, iniwan nila ang sasakyan nito sa isang pamilyang kakilala ni Phoenix na nakatira mismo sa paanan ng bundok.
At doon na nga nag-umpisa ang paglalakbay nila ng masungit sa kung saang parte ng sa tingin niya ay Mt. Tralala.
"Alam mo bang bawal kang mag-aaakyat pa nang ganito? Hindi pa puwedeng mapagod nang husto yang paa mo! Ayaw mo bang gumaling, ha?" litanya niya habang hinahabol ang hininga sa pag-akyat sa trail.
"That's the fourth time you've said that in half an hour, babe. Aren't you tired?" natatawang sagot ni Phoenix.
Namaywang siya. "He!Kahit na ulit-ulitin ko nang fifty times hangga't hindi ka nagtatandang masungit ka!"
Humalakhak si Phoenix, um-echo iyon sa kabuuan ng bundok. "You love me that much, huh?"
"Ewan ko sa 'yo! Kung ano-anong paandar ang naiisip mo!" reklamo niya bago muling humakbang paakyat.
"Don't worry, malapit na tayo, babe. I promise you, it's worth it."
Nag-concentrate siya sa pag-akyat nang ilan pang minuto. Ilang sandali pa, narating din nila ang clearing sa itaas ng bundok.
Hindi mapigilan ni Gabbie ang mamangha sa nasaksihang tanawin. Papalubog na ang araw kaya nag-aagaw na ang iba't-ibang kulay sa langit. Masuyo ring dumampi sa balat niya ang malamig na panghapong hangin. Malapit nang mabalot ng fog ang ibaba ng bundok, subalit nanatiling nakasilip ang ituktok ng mga luntiang puno na naroon. Tumingala siya. Tila napakalapit ng langit at maari niyang maabot.
Nakangiti siyang bumaling kay Phoenix. "Ang ganda ng view dito," sabi niya.
Tumitig si Phoenix sa kanya kapag kuwan'y ngumiti. "Sobra," bulong nito.
Muli, napuno ng tuwa ang dibdib niya. Buong buhay niya hindi niya alam na may ganoong klaseng kaligayahan─ ang magmahal at mahalin ng taong minamahal mo. Ayos lang na naging NBSB siya nang mahabang panahon dahil si Phoenix ang naging hantungan niya─ ang nag-iisang may-ari ng puso niya.
Marahan nitong ginagap ang kamay niya maya-maya bago muling ipinaikot ng tingin sa paligid. "See that bell tower there?" Tinuro nito ang malayong bell tower na tanaw mula sa kinaroroonan nila. "That belongs to San Gabriel church. This mountain sits on the boundaries of San Ildefonso and San Gabriel. This mountain belongs to Carlo's family. We use to come here when we were still in high school. Pero wala pang trail noon. Carlo made the trail around four years ago."
Tumango-tango siya bago yumakap kay Phoenix nang dumaan ang malamig na simoy ng hangin. Ilang sandali rin silang natahimik bago siya nito niyuko. "Are you ready to spend the night here?"
Napasinghap siya. "A-as in dito?"
Ngumiti ito. "Well not necessarily here. Actually, do'n sa kubo." Tinuro nito ang maliit na kubo sa malapit na noon lang din niya napansin.
"E b-baka may ahas dito o kaya palaka o kaya tikbalang!" Natatarantang sabi niya.
Humalakhak si Phoenix. Aliw na laiw 'ata sa nerbyos niya. Hindi na siya nakatiis at hinampas ang braso nito.
"Walang gano'n dito, babe. At saka naglinis si Mg Nestor kanina. Sila ang caretaker nitong bundok. Kaya safe tayo." Lumabi siya, hindi pa rin kumbinsido. "We better set our camp fire before the sunsets," anito bago mabilis na tinungo ang kubo.
*****
Alas-nuwebe ng gabi
Hindi mapakali si Gabbie habang nakaupo sa gilid ng campfire na ginawa ni Phoenix. Katatapos lang nilang maghapunan at pumasok si Phoenix sa kubo upang ayusin ang papag na hihigaan nila.
Prepared ang masungit. Mula sa pagkain at tulugan nila, bitbit nito. Pati extrang jacket na suot na niya, bitbit din nito. Mukhang pinag-planuhan talaga nito ang pag-kidnap sa kanya. Na gustong-gusto naman niya.
Napangiti siya at tiningala ang langit. Maraming bituin ngayon na pinarisan pa ng liwanag ng panibagong buwan. Espesyal ang gabi.
"Penny for your thoughts?" pukaw ni Phoenix sa kanya maya-maya. Ngumiti siya at pinagmasdan itong naglakad palapit sa kanya. Ngayon alam na niya kung bakit espesyal ang gabi. Espesyal iyon dahil kasama niya si Phoenix. Sa lugar na sila lang dalawa. Sa lugar na tanging langit at mga bituin ang kanilang kasama. Malayo sa intriga. Malayo sa problema.
Pumuwesto si Phoenix sa tabi niya at nakitingala rin. "Alam mo bang summer solstice ngayon?"
Nagtataka niya itong binalingan. "H-ha?"
"Summer Solstice, basically it's the longest day of the year. But many western people have beliefs and rituals surrounding it."
"Gaya nang?"
Ngumisi ito bago ibinalik ang mga mata sa langit. "Gaya nang kapag sumama ka raw mag-camping sa boyfriend mo, may mangyayari."
Napasinghap siya at wala sa sariling hinampas ang braso nito. Humalakhak ang guwapong masungit.
"I was kidding, babe," natatawang sabi nito bago pinindot ang tungki ng kanyang ilong. "But seriously, meron talagang paniniwala ang western culture tungkol sa summer soltice."
Napapa-irap niyang ibinalik ang tingin sa langit. Natahimik sila pagkatapos. Nang maramdaman niyang nakatitig ito sa kanya, bumaling siya rito.
"B-bakit?"
"I'm just having a quick glance of my future with you," seryosong pahayag nito.
"Hmm?"
"Three kids. Two boys and a girl. Our little girl looks exactly like you. Fiesty yet kind. And our boys, just like me─ a little mix between naughty and nice." Marahang itong natawa. Napangiti rin siya. "We live in a house in the city, with a garden both you and our little girl would tend on weekends. Our boys and I would go basketball training on Sundays too."
"Pagkatapos nating mag-simba," mabilis niyang dugtong.
Ngumiti ito. "Yeah, we'll do that, after church. Then we gather around the table for dinner and eat your home-cooked meal just for us. Then we tuck them to bed together before going to the balcony of our room wondering what we ever did to deserve such happiness."
Wala sa sarili siyang napangiti sa huling sinabi nito. Malinaw na inilarawan ng isip niya ang pangarap na buhay na sinabi nito sa kanya. At ngayon pa lang, punum-puno na ng kaligayahan ang puso niya dahil sa pangarap nitong hinaharap para sa kanilang dalawa.
"Shooting star, o!" deklara nito maya-maya. Mabilis siyang napatingala.
"Wala naman e," aniya, tunog reklamo.
"Meron. Ayon pa, o!"
Inilibot niya ang tingin, pero wala pa rin siyang nakita. "Nasaan? Wala naman 'ata."
"Ayon ulit, o!" bulaslas nito bago tinuro ang bandang likuran niya. Tumayo na siya at umikot─ muling pinagmasdan ang kalangitan subalit wala pa rin. Nanikwas ang nguso niya. Ayaw yatang magpakita ng mga shooting stars sa kanya dahil alam niyang hihiling siya.
"Niloloko mo lang 'ata ako. Wala naman e," aniya, tunog maktol na.
"Of course, I'm not kidding! I actually catched one," deklara nito.
Mabilis siyang pumihit paharap dito upang mapasinghap lamang nang makitang nakaluhod na si Phoenix sa harap niya. Sa mga kamay nito, naroon ang isang singsing na may diyamanteng hugis bituin─ nagsasalimbayan sa pagkinang ang mga nakapalibot doong brilyantitos. Natitiyak niyang kapares niyon ang kuwintas na ibinigay rin nito sa kanya.
"P-Phoenix..."
"I know Lola gave you the heirloom. That's because I've long told her about how I feel about you. But I want to give you something I picked myself." Ngumiti ito bago marahang kinuha ang isang kamay niya . "Maria Gabriela Tereza Centeno, will you marry me and make my dream life come true?"
Kusang nalaglag ang mga luha niya. Walang pagsidlan ang kaligayahang nasa dibdib niya. Totoo na talaga, si Phoenix ang forever niya. Wala sa sarili siyang tumango at tuluyang umiyak.
Marahang isinuot ni Phoenix ang singsing sa kanyang palasingsingan. Matapos niyon, tumayo ito at inaya siyang talunin nila nang sabay ang bonfire na ginawa nito. Isa raw iyon sa mga tradisyon ng western culture tungkol sa summer solstice. Kapag ang magkasintahan daw tinalon ang bonfire nang hindi bumibitiw sa isa't-isa, selyado na raw ang kanilang forever. Siyempre, pumayag siya. Uto-uto siya e. Ngayon pa ba siya mag-iinarte ngayong may singsing na nga ang kanilang forever.
Maingat nilang tinalon ang bonfire. Si Phoenix, nakakandirit ang paang napinsala. Successful nilang natalon ang bonfire nang hindi napapaso at magkahawak-kamay.
Pakiramdam ni Gabbie, achieve na achieve na ang kanilang forever.
Nang gabing iyon, magkatabi silang natulog sa kubo... nang hindi nalulupig ang Bataan at nasusungkit ang perlas ng silanganan.
*****
"Astrum is a jewelry duo set of necklace and ring produced by high-end jewelry company Treasures. The necklace is made from high-quality silver platinum with a star-shaped pendant adorned by 30 pieces of diamonds having .5 carats each. The ring boasts the 5 carats starcut-shaped diamond center stone embellished with glitzy lower carat diamonds on the band. The set was personally designed by high-end jewelry designer and controversial heir to the Diamant Empire, Raine Devereux-Reyes. The retail price of Astrum is set around $30-$35,000." Mabagal na nag-angat ng tingin si Brandy kay Gabbie. Ito na mismo ang nagkusa na mag-search ng tungkol sa mga alahas na bigay ni Phoenix sa kanya.
Napatulala siya sa narinig. Wala sa sarili siyang napasandal sa upuan. Pati sina Jelaine at Brandy na kasama niya nang mga oras na 'yon ay napatanga rin sa kanya. Mabilis niyang inubos ang laman ng mineral water na nakasilbi sa harap niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na ganoon kamahal ang alahas na bigay sa kanya ni Phoenix!
Juskolerd! Parang gusto niyang humingi ng police escort pauwi!
"Girl, mag-ingat ka sa pag-uwi. 'Pag nakita 'yang singsing mo ng mga mahilig mag-nenok sa labas, sigurado hindi lang daliri mo ang mapuputol, buong braso mo damay!" natatarantang deklara ni Brandy nang makahuma sa pagkabigla.
"Ang tindi rin magregalo ni Phoenix, 'no? Palum-palo! 'Yong sisiguruhin niyang mababalot ka sa liwanag at kislap ng kanyang kaguwapuhan este pagmamahal," komento naman ni Jelaine bago sumipsip sa take-out cup ng inorder nitong juice.
"Agree ako sa 'yo d'yan, Ate Shawie!" bulalas ng bakla bago natatawang nakipag-apir kay Jelaine.
Napairap naman siya. Kanina pang alas-tres natapos ang shift ng mga kaibigan niya. Pero dahil gustong makibalita ng mga ito tungkol sa weekend getaway nila ni Phoenix, sinadya na naman siya ng mga ito sa therapy center at hihintayin na lamang daw hanggang sa mag-off duty siya. Kung sabagay, malapit nang mag-alas singko ng hapon.
"Jusko ha! Kapag asawa mo na 'yang si Phoenix at sikat ka na, 'wag kang makakalimot. Tandaan mo, kung hindi kita pinayagang pasukin siya noon sa VIP room, hindi talaga mabubuo 'yang love story niyo. Kaya sa kuwento ninyo, ako talaga at wala nang iba ang naging susi sa lahat," pagmamalaki ni Brandy.
"Gravity! Hiyang-hiya naman ako sa lapad ng papel mo sa lovelife nitong si Gabbie," nakaingos na komento ni Jelaine.
"Hoy babaita, kung nakinig ka sa akin at hindi pinansin 'yang heredero ng bagoong industry na si Jerikow na 'yan, e 'di sana, wala pang laman 'yang tiyan mo! Ano ka ngayon, nangey!" pangangaral ni Brandy. Buntis si Jelaine, isang buwan. At hanggang ngayon, malabo pa rin ang status nito at ng ex nitong si Jerikow.
Nanikwas lang ang nguso ni Jelaine at nag-concentrate sa pag-inom ng juice. Si Brandy naman, tinuloy-tuloy ang pangangaral tungkol sa buhay, investment, at trabaho. Siguro kung hindi ito nurse, malamang lifecoach na ang bakla. Marami itong alam e.
Pagpatak ng alas-singko, sabay-sabay silang tatlo na lumabas ng ospital. Nagsabi si Phoenix na hindi siya masusundo ng araw na iyon. May aasikasuin daw itong importante. Nang mapadaan sila sa information, tinawag siya ng receptionist. Pinauna na niya ang mga kaibigan at alanganing lumapit sa reception desk.
"Siya po si Ms. Gabbie Centeno," pagpapakilala ng receptionist sa kanya sa babaeng naroon. Bumaling sa kanya ang babae. Nakasuot ng gray tailored dress ang babae. Itim na pumps at designer handbag at shades. Sa kabuuan, kulay brown ang buhok nito, subalit may ilang hibla rin ng puting buhok na sumisilip.
Nagtanggal ng shades ang babae at awtomatiko siyang sinuyod ng tingin. Nang muling dumako sa mukha niya ang mga mata nito, nakasalamin na ang agad doon ang disgusto.
"I'm Melissa Castro, mother of Phoenix. Can I talk to you in private, Ms. Centeno?" anito.
Napakurap siya bago alanganing tumango.###
3924words/4:36pm/06232020
#AccidentallyInLoveHDG
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro