Chapter 21: Dreams and Shooting Stars 2
"Gabbie, look at me," utos ni Phoenix nang hindi niya muling sagutin ang tanong nito.
Marahas na umiling si Gabbie at ipinagpatuoy ang pagbayo sa glass door. Kung dapat niyang gibain ang salamin na 'yon makatakas lang sa presensya ni Phoneix, gagawin niya. Hinding-hindi niya haharapin ang masungit nang umiiyak. Ano ito sinuswerte?
Neknek nito!
"I'm stepping forward. You're not answering my question," deklara nito. Lalo siyang nag-panic at nagpatuloy sa pagbayo. "Gabbie, I only have one question for the entire game. And how I see it, this would be an easy win for me."
Marahas siyang nagpunas ng luha. Lintek talaga itong amo niya! Napakagaling mag-isip ng laro. Anong akala nito sa feelings niya, parang libro na bubulatlatin nito kung kailan nito gusto. Lintek talaga!
Gigil niyang binayo ang pinto upang mapaaray lamang pagkatapos nang sumigid ang sakit sa sugat niyang hindi pa gaanong naghihilom. Niyakap niya ang kamay niyang may sugat at impit na humikbi.
"Gabbie."
"Ano?" singhal niya. Napilitan na siyang harapin ito dahil kahit na anong gawin niya, korner na korner na siya ng amo niya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang paghikbi. Mabilis din niyang iniwas ang tingin. Masama ang loob niya. Masamang-masama.
"Why are you crying, Gabbie?" tanong nito na parang nakakaloko.
"E kasi gago ka!" naiinis niyang sagot bago marahas na nagpunas ulit ng luha.
"You earned a step forward for answering my question," anito, nakangisi.
Umirap siya at atubiling humakbang palapit dito. Ginagawa siyang uto-uto ng masungit. Ang malala, nagpapauto siya. Lintek na marurupok na hormones!
"Now, it's your turn to ask," sabi nito.
Umirap siya ulit. "Bakit ka po gago?" paingos niyang tanong, puno ng sarkasmo.
Humalakhak ang masungit. Tuwang-tuwa 'ata sa paghihirap niya ang lintek.
"Still a feisty babe, eh? I really like that in you," umpisa nito bago tumikhim at nagseryoso. "Can you elaborate more on your question?"
Nanikwas ang nguso niya. "Wala na! 'Yon na yon!"
Ngumiti ito, nagmamalaki. "Okay. I'll try to answer it then. Being gago is relative. What seemed gago to you, is not gago to me." Sinamaan niya ito ng tingin. "What? Touche right?"
"Lintek ka!"naiinis niyang singhal.
"Easy, babe." Ngumisi ito. "As if I'm not your favorite person during our ride home." Napabuga na siya ng inis na hininga. "Should I step forward now?"
"Bahala ka na sa buhay mo!" angil niya.
"Okay, it's my turn. Let me─"
"Hindi! Hindi! Hindi! 'Yon ang sagot ko sa tanong mo!" nagmamadali niyang sagot nang matapos na.
"Are you sure?"
"E 'di ikaw nang sumagot kung ayaw mo sa sagot ko!"
Ngumiti ito, mukhang satisfied na hinimas ang baba. "Well that's an answer I've been wanting to hear since a week ago." Napakurap siya. "My question was, did I hear you wrong when you drunk-called me and you said you love me?"
Sandali siyang napatanga. Kapag kuwan'y, namilog ang mata, nataranta. "P-paanong─"
"You called me that night when me and Nikki were having our supposed date here. You were actually talking to Mac but it was me you called." Nagbuga ito hininga, namulsa. "You were borrowing money from Mac because you said... you're already falling for me."
Napasinghap na siya at natutop ang bibig. Pakiramdam niya lahat ng dugo niya umakyat na sa kanyang ulo. Mukhang aatakihin siya ng altapresyon! Kaya pala parang walang ideya si Mac noong unang beses niya itong kinausap tungkol sa panghihiram niya ng pera. Kinailangan niyang mag-explain mula umpisa. Ang masungit pala ang tinawagan niya!
Juskolerd! Nasapo na niya ang ulo sa sobrang kahihiyan. Kung puwede lang, gusto na niyang magpalamon sa semento!
"So, if your answer is no, then does it mean that I heard you right and... you really love me?"
Napahikbi na siya at muling umiyak. "Oo na! Totoo 'yon! Totoo lahat ng narinig mo no'ng lasing ako!"
Problemado siyang namaywang. Nakukunsumi na siya sa sarili niya. Magulo ang isip niya at nasasaktan siya. Sa dinami-dami ng nangyari sa pagitan nila nang nakalipas na mga araw, hindi man lang ito nagsabi na alam na pala nito ang tunay niyang nararamdaman. Pakiramdam niya tuloy parang pinaglalaruan ni Phoenix ang damdamin niya. Napaka-unfair nito!
"Ba't mo ba 'to ginagawa sa 'kin?" naghihinanakit na sabi niya. Hindi ito sumagot, tumitig lang sa kanya. Napapadyak na siya sa sobrang inis. "Ano ba kasing gusto mo?"
"Ikaw. Ikaw ang gusto ko."
Natigilan siya sa sagot nito. Tama ba ang dinig niya? Ano daw? Gusto siya nito? Imbes na matuwa lalo lang siyang nainis sa sinabi nito.
"Neknek mo! Gago ka talaga! Gusto mo ko pero nakipaghalikan ka kay Maxine kanina? Anong akala mo sa akin, uto-uto?"
Sandali itong natigilan, nag-isip. "Did you..."
"Oo! Nakita ko kayo!" putol niya rito. Nakalabi siyang nagpunas ng luha.
Humugong ito, umiling. "Kung nakita mo talaga kami, you should've seen it correctly. She came to the mansion unannounced on the pretense that she'd take Lola to the social club they were both in. And FYI, she kissed me, I did not kiss back. I even pushed her and told her that she does not even come close to who you are for me."
Kumibot-kibot ang labi niya, gusto niyang maghimutok dahil muli, sablay na naman siya ng interpretasyon. Kaya lang, gustong-gusto ng puso niya ang explanation nito. Maganda.
Humakbang ito ng isang beses palapit sa kanya. "I like you, Gabbie."
Nahigit na niya ang hininga. Gusto niyang paniwalaan ito subalit marami pa rin talagang pinaglalaban ang puso niya. "K-kung gusto mo 'ko b-bakit sabi mo kay Tatay noon, hindi ka nagpunta sa bahay para ligawan ako."
Ngumiti ito. "Hindi naman talaga ako nagpunta sa inyo noon para ligawan ka. I was there to take care of you...sana. Besides, hindi ako marunong manligaw. I never really needed to."
Rumolyo ang mga mata niya. "Yabang," bulong niya.
Ngumisi ito. "Narinig ko 'yon." Humakbang ito palapit.
Napakurap siya at lumabi. "S-sabi ni Paul, ikaw daw ang tanungin ko kung bakit niya 'ko binalak ligawan. B-bakit?"
Umasim ang mukha nito. "He was teasing you on me since that day you picked me up at SGU. Paul made a bet with me. Sabi niya, kapag hindi tayo nagkausap that day when I visited you, he'd have my penthouse for a few days." Nagbuga ito ng hininga at umiling. "I didn't know he'd sabotage my visit. Damn that psycho! Damn that lambanog too for getting me drunk as hell!"
Nag-replay sa isip niya kung paano ito nabangenge sa lambanog ng tatay niya. Sa puntong iyon, gusto na niyang matawa kaya lang pinigil niya. Gusto pa niya kasing magmaganda.
Humakbang ulit ito palapit sa kanya. Bumalik naman sa pagkabog ang puso niya. Sa puntong iyon, masayang kabog na iyon na may halong kilig. "I'm only two steps away from you, Gabbie. Question me."
"K-kailan mo ko nagustuhan?"
"I guess it started when you slept beside me the first time. No, it was when you gave me half of your chicken joy. It has been a long time since someone shared something with me."
Kumibot ang labi niya. "E ang sungit-sungit mo pa kaya no'n."
Natawa ito. "I know, babe. And you looked cute."
Humakbang ulit ito. Nanikwas naman ang nguso niya. Pinipigil niyang magmaganda pero 'di niya kaya. Kaya tinuloy-tuloy na lang niya. "B-bakit mo 'ko gusto?"
"Well, I don't really know exactly. Let me see," Muli nitong hinawakan ang baba nito, matamang tumitig sa kanya. "Maybe because you're the only girl who's unfazed by my charm. Other girls would fall in love with me at first sight. But you... you loathed me at first sight. You intrigued me, Gabbie. You are different from all the women I've come across with. And it was like I was drawn to you without even knowing why. But most of all, no matter how difficult I am to be with... you stayed."
Napakurap siya. "Wala naman akong choice kung hindi mag-stay. May kontrata tayo, 'di ba?"
"Would you have left then if we didn't have a contract?"
Hindi siya sumagot. Aalis ba siya talaga kapag wala silang kontrata? Mukhang malabo 'yon. Ilang beses niyang sinibukan e. Kaya lang alipin siya ng karupokan kaya mahirap.
Humakbang ulit ito at tumigil sa mismong harapan niya. Sinalubong naman niya ang mga mata nitong may agimat. Sandali siya nitong pinakatitigan, bago marahang pinalis ng daliri nito ang luha niya sa pisngi.
"I had never seen a woman cry so much other than you. I promise you, this is the last time I'd make you cry." Yumuko ito at hinalikan ang kanyang pisngi. "I love you, Gabbie. I love you because even though I said my heart is not capable of loving, I've fallen deeply in love with you even though most days you're crazy."
Nalukot ang mukha niya at hinampas ang braso nito. "Hindi ako crazy!"
Marahan itong natawa. "I just told you I'm in love with you and all you heard was crazy."
Lumabi siya. "Ikaw nga d'yan, masungit e."
"And yet you still love me."
Napakurap-kurap siya. "E 'di quits lang tayo."
Natawa ito bago ipinulupot ang isang kamay sa beywang niya. Mabilis siya nitong niyakap. Gumanti rin siya ng yakap. Nag-uumapaw ang tuwa ang dibdib niya. Juskolerd, achievement unlocked! Confirmed! Mahal siya ng masungit! Parang gusto niyang magpa-presscon at ipalaganap ang balita.
"Can I get my reward now?" pukaw nito sa kanya maya-maya.
"A-anong reward?" Nataranta siya. "H-hindi pa ako handa s-sa k-kemerlu."
Ngumisi ito, pinisil pa nag tungki ng ilong niya. "That's not what I have in mind, babe. A perfect kiss from you would suffice."
At bago pa man siya makatugon, bumaba na ang labi nito sa labi niya.
*****
"Ang harot ha! Sarap sabunutan!" napapairap na komento ni Brandy bago sumipsip sa go-to cup ng kape na hawak nito.
Imbes na mainis lalong lumapad ang ngiti niya. At pigilan man niya, kusa siyang napahagikgik habang pinagmamasdan ang bouquet ng poenies na pinadala sa kanya ni Phoenix ng araw na iyon.
Dalawang linggo na siyang nililigawan ni Phoenix. Oo, nililigawan siya ni Phoenix kahit na sana ayaw niya. Pakiramdam niya kasi wala namang silbi ang panliligaw nito dahil burong-buro na siya sa banga ng pagsintang tunay para dito. Kaya lang, gusto ng masungit na magpaka-gentleman, kaya pinagbigyan niya.
Araw-araw, mula nang ligawan siya nito, may sumasalubong sa kanyang paandar mula rito. Kung hindi ito nagpupunta sa bahay nila, sa trabaho siya nito pinapakilig. Gaya ngayon, may biglang pabulaklak ang guwapong masungit sa kanya sa therapy center.
Dalawang linggo na siyang balik-trabaho sa Angelicum Hospital. Dalawang linggo na rin siyang umuuwi sa kanila. Mula kasi nang magka-aminan sila ng damdamin sa isa't-isa ni Phoenix, una nitong binawi ang pagiging yayey niya rito. Tuluyan na rin nitong inatras ang kanilang settlement─ walang anumang kondisyones. Nang gabi ring iyon, nagpaalam ito mismo sa tatay niya na liligawan siya nito. At ang unang hiniling ng tatay niya rito ay pag-uwi na niya sa kanila. Hindi raw kasi magandang tignan na nagpapaligaw pa lang siya, nakatira na siya sa bahay ni Phoenix. Hindi raw iyon maganda sa image niyang dalagang pilipina. Kailangan daw magpakipot naman siya kahit kaunti kahit na give na give na siyang talaga sa guwapong masungit.
Alanganing pumayag si Phoenix sa kondisyon ng tatay niya. Kaya naman nagkasya na lang ito sa pagdalaw-dalaw sa kanila or pagnanakaw nila ng mga wholesome na sandali sa penthouse bago siya nito ihatid pauwi. Wholesome, dahil hanggang halik lang muna sila. Hindi pa niya kasi kaya ang mga seremonyas para sa pag-aalay ng kabibe. Nawiwindang ang inosenteng huwisyo niya. Liban doon, gusto rin niyang i-achieve ang kasal muna bago kemerlu. Na siya naman talagang nararapat!
"Jusko ha! Dahan-dahan lang din sa pagngiti. Mapupunit na 'yang bunganga mo, Gabbie," komento naman ni Jelaine bago pumulot ng donut sa box na nakasilbi sa mesang nasa kanilang harapan.
"Kaya nga! Akala mo ang ganda-ganda. Flat pa rin naman ang hinaharap niyang 32 Cup B!" walang ganang komento ni Brandy, sapay sipsip ulit ng kape.
Nalukot ang mukha niya. Naiimbyerna siya sa tandem na okray ng mga ito. "Mga kaibigan ko pa ba kayo, o kayo na ang bagong kontrabida sa buhay ko?"
"Puwede bang both? I can do both. Versatile actress ako e," mabilis na sabi ng bakla bago makahulugang ngumisi.
Nanikwas na ang nguso niya bago inirapan kunwari ang kaibigan. "He! Ewan ko sa inyong dalawa! Imbes na supportive kayo sa love life ko, kinokontra niyo pa. E kung luma-layas-layas na kaya kayong dalawa dito? Alas nuwebe na o. Kanina pa tapos ang duty niyo!"
"Ay wiz! Hihintayin namin si Fafa Phoenix!" mabilis na tutol ni Brandy. "'Di ba ngayon ang check up niya?"
Lalong nanikwas ang nguso niya. "Ba't mo alam? Ikaw ba ang doktor niya?"
Umikot ang mga mata nito at hinawakan ang dibdib. "Very wrong! Haller! Chismosa, duh!"
Magsasalita pa sana siya kaya lang tinawag na siya ni Ma'am Cheng. Naroon na raw si Phoenix at hinahanap siya. Mabilis siyang nagpaalam sa mga kaibigan, kaya lang sumunod ang mga ito. Gaya ng inaasahan, umpukan na naman ang mga nurses at iba pang staff ng ospital sa Physical Theraphy at Wellness Center. Siyempre, hindi rin pinalampas nina Brandy at Jelaine ang maki-eksena. Subalit nang manita si Ma'am Cheng, parang holen na nagpulasan ang mga unnecessary visitors ng center. Matapos niyon, magkahawak-kamay nilang pinuntahan ni Phoenix ang clinic ni Dr. Laviero.
Magandang balita ang sinabi ni Dr. Laviero. Puwede na raw alisin ang walking boot ng masungit sa susunod na linggo. Sobra siyang natuwa sa balita. Ibig sabihin, puwede na itong bumalik sa mga nakasanayan nitong activities nang dahan-dahan. Sadya talagang malaki ang naitulong ng therapy nito kasama ang mga in-house therapist ng Smart Movers.
Matapos ang check-up nito, nag-aya ito ng meryenda kaya lang hindi pa siya puwedeng lumabas hanggang alas-singko. Hindi pa sana siya nito tatantanan kung hindi niya sinabing pupuntahan niya ito sa penthouse mamayang alas-singko. Buong maghapon siyang nag-concentrate sa trabaho. Pagdating ng alas-singko, nag-text si Phoenix sa kanya, sinabi nito na may kakausapin siya at ito na lang daw ang dadalaw sa kanila.
Dumiretso siya pauwi at hinintay ang tawag ni Phoenix hanggang alas-dies ng gabi. Nang Hindi na siya makatiis, siya na ang tumawag dito. Kaya lang, hindi ito sumagot. Naisip niyang baka busy ito o kaya naman ay maagang natulog.
Nang gabing iyon, nakatulog siyang yakap ang kanyang cellphone.
Kinabukasan na ulit nagparamdam ang masungit.
*****
After one week, Biyernes
"Hi, babe!" masayang bati ni Phoenix sa kanya. Gulat siyang napatingin sa may parking lot ng ospital kung saan ito nakapuwesto. Alas-singko na ng hapon at tapos na ang duty niya. Ang akala niya ay hindi siya nito masusundo gaya nang sabi nito sa kanya kaninang umaga nang ihatid siya nito. Oo, personal driver na niya ngayon ang masungit. Nag-volunteer itong ihatid-sundo siya sa ospital. Talagang kinakarir nito ang panliligaw sa kanya at naka-full blast na rin ang pagpapakitang-gilas nito. Siyempre feel na feel din niya ang pagmamaganda.
Ngumiti si Phoenix, ipinangalandakan ang dimples nito bago maliit na kumaway at umalis sa pagkakasandal sa Hummer nito. Nahigit niya ang kanyang hininga nang ubod nang kisig itong naglakad patungo sa kanya. Tatlong araw nang natanggal ang walking boot nito. At kung hindi niya alam ang nangyaring aksidente, iisipin niyang wala itong pinagbago sa lakad nito.
Gaya nang dati, napakagwapo nito sa kaswal nitong outfit na pantalon at sport shirt. Panay tuloy ang lihim na tili ng puso niyang naglulunoy sa karupukan.
"Are you done?" tanong nito nang tuluyang makalapit sa kanya. Masuyo nitong ginagap ang kamay niya at ngumiti. Awtomatiko namang lumundag ang puso niya sa kung saang parte ng kalangitan. Tumango lang siya bilang sagot. "Tara," aya nito sa kanya bago marahang iginiya patungo sa sasakyan nito.
"Gutom ka? Kain tayo," anito nang nasa sasakyan na sila.
"Pagod ako ngayon e. Marami kaming pasyente. Meron din akong bagong pasyente. Vehicular accident victim," sagot niya habang minamasahe ang batok niya. Napabuntong-hininga siya at pikit na sumandal sa upuaan ng shotgun seat.
Maya-maya pa, naramdaman niya ang mabilis na paghalik ni Phoenix sa labi niya. Agad siyang nagmulat. Napasinghap pa siya nang matantong gagahibla lang ang pagitan ng mukha nila. Pumaypay sa mukha niya ang mabangong hininga nito.
"Kawawa naman ang babe ko," anito bago lumabi. "Kiss na lang kita para mawala ang pagod mo," deklara nito bago muling bumaba ang labi nito sa kanya. Mabilis lang ulit ang halik, subalit mas malalim, mas nakakaliliyo kaysa nang una. Awtomatikong namula ang mukha niya nang tapusin nito ang halik. Kahit kailan siguro hindi na siya masasanay sa halik ni Phoenix. Lagi iyong may dalang windang sa sistema niya. At kung papayagan lang niya, mahihibang siya.
Nang umayos ito ng upo sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan doon niya hinamig ang sarili.
"So, tell me about this new patient of yours," pag-iiba nito sa usapan habang minamaniobra ang sasakyan palabas ng ospital. "Lalaki ba?" may himig intriga na dugtong nito.
"Babae po, Mr. Castro."
"Great! Ilang taon na? Sexy ba?"
Nanikwas ang nguso niya. "Sixty-seven. Dalawa ang anak. Parehong abogado. Ayos na?" sagot niya sarkastiko.
Ngumisi ito. "Are you jealous, babe?"
Umikot ang mga mata niya. "Ay hindi! Pinag-aaralan ko lang kung kailan ulit kita lulumpuhin, Mr. Castro!"
Humalakhak ito. Mukhang enjoy na enjoy sa pang-aasar sa kanya. Maya-maya pa, inabot nito ang pisngi niya at marahang hinaplos. "H'wag ka nang sumimangot. There's no need for you to worry. You've got all my attention, Gabbie. Even if a naked woman would pass by in front of me, I won't even glace. Maghahanap pa ba 'ko ng iba e ang ganda-ganda mo. Tapos mahilig ka pang magbanta ng sagasa, siyempre iyong-iyo na 'ko, 'di ba?"
Tinabig niya ang kamay nito at lalong ngumuso. "Nyenye. D'yan ka magaling, ang utuin ako."
Natawa lang ulit ito. "Effective naman, 'di ba?" Bumaba ang kamay nito sa kamay niya at marahan iyong pinisil. "I love you, my Gabbie," masuyong deklara nito ang mga mata sa nasa daan.
Pinigil niya ang mangiti. Noon niya napagtanto na ang karupokan, wala talagang pinipili.
"I love you too," bulong niya na ikinangiti nito.
Sandali pa silang nag-usap. Masaya itong nagkuwento tungkol sa patuloy na therapy nito at ang plano nitong comeback para sa next PBA conference.
Sa sobrang wili niya sa pakikinig, huli na nang mapansin niyang kanina pa sila nakalabas ng Maynila.
"S-sandali? B-bakit parang napalayo na 'ata tayo?" naguguluhan niyang sabi habang pinapaikot ang mata sa paligid.
Hindi umimik si Phoenix─ patuloy na nakabuhos ang buong atensyon sa daan.
"P-Phoenix?"
"I can't wait for another day more, babe" Sumulyap ito sa kanya, ngumiti, bago sinabing, "Itatanan na kita, Gabbie."###
3047words/8;14pm/06212020
#AccidentallyInLoveHDG
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro