Chapter 20: Dreams and Shooting Stars 1
Hindi mapakali si Gabbie habang hinihintay si Lola Candi sa loob ng study room. Malapit nang magtanghalian subalit kagigising lang niya. Kinarir niya kasi ang pangangarap hanggang umaga kaya tuloy ngayon, abot ibang planeta na naman ang puyat niya. Kung hindi pa siya tuluyang pinasok sa kuwarto ni Manang Aida at ginising, baka borlogs pa rin siya hanggang ngayon. Nakakahiya rin talaga ang pagmamaganda niya.
Kanina pa raw siya gustong makausap ng matanda kaya naman nagmadali siyang naligo at nagpalit sa casual dress na binili ni Phoenix sa kanya sa bayan. Kulay green ang sleeveless na damit, malambot din ang tela. Pinarisan niya iyon ng strappy sandals na binili rin ni Phoenix. Feeling niya para siyang yayamanin model. Feeling lang naman.
Mabuti na lang wala si Phoenix. Made-delay nang kaunti ang nerbyos niya. Ayon kasi kay Manang Aida, may kailangan daw itong kausapin sa bayan.
Huminga siya nang malalim bago ipinaikot ang tingin sa kuwartong kinaroroonan niya. Makintab ang sahig na gawa sa marmol. Sa ceiling naroon ang isang lumang chandelier na animo'y pamilyar sa kanya. Dumako ang tingin niya sa study table na gawa sa matibay na kahoy. Malinis din iyon, nangingintab at hatalang alaga sa barnis. Mahihiyang lumapag maging ang alikabok. Sa ibabaw niyon nakapatong ang isang ornate na lampshade. Sa likod niyon naroon ang lumang swivel chair na gawa sa leather. Muli niyang ipinaikot ang tingin. Lumipad ang kanyang mga mata sa mga lumang libro na maayos na naka-arrange sa mga shelves. Sigurado siya, matutuwa si Tori kapag nakita ang mga 'yon. Mahilig magbasa ng libro ang kapatid niyang 'yon e. Palibhasa may pagka-loner kaya sa mga libro, Crime Series at K-Drama lang umiikot ang mundo nito.
Napabuga siya ng hininga. Noon lang niya naalala ang pamilya niya. Bigla siyang nakonsensiya. Paanong hindi, naroon siya sa San Gabriel, nagmaganda, nagpatuka at nangarap ng gising, tapos hindi man lang niya alam nangyayari sa pamilya niya. Hindi bale, mamaya, tatawag siya sa kanila upang makibalita.
Napalingon siya sa pinto nang umingit iyon pabukas. Nakangiting pumasok ng silid si Lola Candi. Magkaternong powder blue skirt and blouse ang suot ng matanda. Bagong kulot din ang puting buhok nito. Lalo tuloy nitong naging kamukha si Queen Elizabeth.
"Gabbie, buti naman gising ka na, hija," anito bago diretsong naupo sa lumang settee na naroon. "Come and sit," aya nito, pinagpag pa ang espasyo sa tabi nito. Nahihiya siyang tumabi rito. "Mukhang napagod ka nang husto kahapon a."
Alanganin siyang ngumiti. Dapat ba niyang sabihin sa matanda na hinalik-halikan siya ng apo nito kaya siya nagmaganda at nangarap nang gising hanggang timalaok ang mga manok? Jusko! H'wag na, nakakahiya.
"M-medyo lang po," tanggi niya maya-maya.
Ngumiti lang ang matanda bago siya pinakatitigan. "I have never seen my grandson so happy, Gabbie. Ngayon hindi na ako matatakot na mamatay knowing that someone like you is going to be with him for the rest of his life. And because of that, I want to give something to you," anito, bago inilabas ang maliit na kahita sa bulsa nito. Nang buksan nito iyon, tumambad sa kanya ang isang platinum na singsing. Sa gitna niyon naroon ang square-cut emerald stone na napapalibutan ng maliliit na diyamante. "This is our family's heirloom. My mother in-law's mother gave it to her and then she gave it to me when my husband and I got engaged." Masuyong kinuha ni Lola Candi ang kamay niya at isinuot sa kanya ang singsing. "And now, I am giving it to you─ the next Castro bride."
Natigilan siya. Magkasabay na bumangon sa dibdib niya ang tuwa at kaba. Malaking bahagi rin ng pagkatao niya ang nakokonsensiya dahil sa ginawa nila ni Phoenix na pagpapanggap sa harap ng matanda. Hindi pa naman niya ugaling magsinungaling. Nanginginig niyang hinawakan ang singsing na nasa palasingsingan niya. "H-hindi k-ko po ito matatanggap Lola," alanganing sabi niya, bago nag-angat ng tingin.
Nangunot-noo ang matanda. "But why?"
"Kasi po... kasi..." Hindi niya maituloy ang gustong sabihin. Tila may bikig sa lalamunan niya na ayaw maalis. Idagdag pa na hindi niya alam kung anong emosyon ang uunahin niya. Ilang sandali pa, kusa nang nalaglag ang mga luha niya.
"Oh Gabbie, why the tears, hija?" Hinawakan na nito ang kamay niya bago marahang pinisil. "If you think I didn't know, you are wrong. Alam ko ang lahat, Gabbie. I know you both were just pretending to be in a relationship. I maybe old but I am not dumb to know your silly games. Alam ko rin na ikaw ang nakabangga kay Phoenix. I also know about your agreement."
Naguguluhan siyang patitig sa matanda. "P-paano niyo po─"
"Where do you think Phoenix would get all the connections he has?"
Napalabi siya, lalong nakonsensya. "Pero... S-sorry po talaga, Lola," aniya sa pagitan ng paghikbi.
"It's okay, hija. You don't need to say sorry. The way I see it, the accident is more of a blessing than a setback. At lalong hindi ako galit sa pagpapanggap ninyong dalawa ng apo ko."
Mabilis siyang nagpunas ng luha. "Hindi po kayo galit?"
Marahan itong umiling. "I have seen more beauty in it than chaos."
Nahihiya siyang nagyuko ng ulo. Buking na siya. Hindi pala convincing ang acting skills niya. Muling niyang pinakatitigan ang singsing na nasa kanyang daliri. Maya-maya pa, sinubukan niyang kalasin iyon subalit muling nagsalita ang matanda.
"Keep it, Gabbie."
"P-pero hindi naman po kami totoong─"
"Sometimes, the truth is already in front of you. All you need to do is to believe it. Keep the ring. I know it has always been meant for you," nakangiting sabi ng matanda.
Naguguluhan siyang muling tumingin sa singsing. Kung anong truth ang sinasabi ng matanda na dapat niyang paniwalaan, malay niya. At bago pa man makabuo ng sagot ang isip niya, kumatok na sa study room si Manang Aida. Handa na raw ang pananghalian.
*****
Truth.
Believe.
Napabuntong hininga si Gabbie bago tuluyang nahiga sa kama. Pilit niyang binibigyan ng kahulugan ang huling sinabi ni Lola Candi sa kanya kanina sa study room. Sinasabi ba nito na na parehas sila ng nararamdaman ng apo nito at dapat niya iyong paniwalaan?
Hindi ba galawan 'yon ng mga undin na wala nang ginawa kung hindi mag-expect nang bongga pagkatapos ay iiyak-iyak kapag sumablay ang expectation nila? Napanguso siya. Ilang beses na pala niyang nagawa 'yon kay Phoenix. So, kasama na pala siya sa mga populasyon ng undin na mahilig mag-expect.
At saka paano kaya siya humantong sa ganoon kahit na si Phoenix mismo ang nagsabi, hindi ito naniniwala sa pag-ibig, ever! Ibig bang sabihin masokista na siya? Para talaga kasi siyang engot na nag-volunteer masaktan!
Marahas siyang napailing at itinaas ang kamay. Makislap pa rin sa daliri niya ang singsing na bigay ng matanda.
The next Castro bride.
Kumabog ang dibdib niya sa naalala. Sure na sure ang pagkakasabi ng matanda na siya ang susunod na Castro bride. Buti pa ito sure, ang apo nitong masungit parang hindi na oo.
Tumunog ang cellphone niya. Mabilis niya iyong tinignan. Nag-iingay na naman sa si Brandy sa GC nila. Nag-forward na naman ito ng screen shot ng status ni Nomen Nescio. Picture iyon ng isang makinang na bagay na sa tingin niya ay hugis bituin at may caption na, To my beautiful star, I had always been willing to catch you.
Ibinaba niya ang cellphone sa dibdib. Mabuti pa ang babaeng mahal ni Nomen Nescio alam niyang mahal siya ni Nomen Nescio. E siya, gusto niyang umaasa, mag-interpet, kaya lang nakakadala si Phoenix.
Pero hinalikan ka kagabi, paalala ng isip niya.
Wala sa sarili siyang napahawak sa mga labi niya bago ngumiti. Nag-uumpisa na namang maglakbay sa dreamland ang isip niya. Kung hindi nga lang ba siya nakarinig ng humintong sasakyan sa harap ng mansyon, baka tuluyan na namang siyang nagpakaburo sa banga ng pangangarap at pag-eexpect.
Nagmadali siyang lumabas ng kuwarto. Inaasahan niyang si Phoenix na 'yon. Bukod kasi sa excited siyang makita ito, gusto rin niyang sabihin dito ang tungkol sa singsing na bigay ni Lola Candi. At kung susuwertehin siya, baka masungkit din niya ang explanation kung bakit siya nito hinalikan nang bonggang-bongga kagabi.
Tama si Phoenix nga iyon, kaso may kasamang asungot─ si Maxine. Imbes na tumuloy pababa ng hagdan, nanatili siya sa pinakamataas na baitang at lihim na pinagmasdan ang dalawa. Sandaling nag-usap ang mga ito, kapagkuwan'y naghalikan.
Napasinghap siya, nagmadaling tumalikod at wala sa sariling naglakad pabalik sa kanyang kuwarto. Napahawak siya sa kanyang dibdib nang muli iyong kumirot. Si Maxine ba ang sunod nitong ide-date? Lalong kumirot ang dibdib niya. Lumuluha siyang muling naupo sa kama.
Ngayon, sigurado na siya. Walang dapat i-explain dahil walang meaning ang paghalik nito sa kanya kagabi. Hinalikan lang siya siguro nito dahil kahit na hindi siya kuwalipikado sa standards nito, babae pa rin siya. Puwedeng pampalipas oras, pampainit ng kama.
Muli siyang napahikbi at wala sa sariling napahawak sa kanyang dibdib. "Tama na kasi. 'Wag mo na siyang mahalin," utos niya sa kanyang puso pagitan ng paghikbi.
Ilang sandali rin niyang hinayaan ang sarili na muling umiyak. Nangako siya sa sarili na 'yon na talaga— iyon na ang last na last na last na pag-iyak niya para kay Phoenix.
Nang mahimasmasan siya at tumigil sa pagsigok, nagpunas siya ng luha at lumabas ng kuwarto. Magpapaalam na siya. Gusto na niyang umalis sa lugar na 'yon. Kahit pa lakarin niya ang pauwi, gagawin niya. Basta hindi na siya mananatili ng kahit isang oras pa sa lugar na 'yon.
Nakasalubong niya si Phoenix sa hallway patungo sa staircase. At ang lintek na puso niya, walang kadala-dala, kumabog pa rin nang kusa.
Natigilan siya at binalak na bumalik na lang sa kuwarto niya. Kaya lang, natuod na naman siya sa kinatatayuan niya. Ito ang kusang lumapit sa kanya.
Sandali siya nitong pinakatitigan bago nangunot-noo. "Were you crying?" tanong nito, marahan pang hinaplos ang kanyang pisngi.
Umatras siya at umiwas ng tingin. "H-hindi. N-napuwing lang ako," pagdadahilan niya.
"Are you sure?"
Hindi siya umimik, bagkus ay yumuko. "G-gusto ko nang umuwi," aniya.
"Okay," mabilis na sagot nito na nag-paangat ng kanyang ulo.
Gano'n lang? Payag na agad ito? Nakaka-engot man pero dinig na dinig niya ang pag-aray ng kanyang puso. Paano, hindi man lang talaga siya nito pinigilan!
Nasasaktan man, pinilit niyang sumagot. "Ayusin ko lang mga gamit ko," atubili niyang paalam. Pipihit na sana siya pabalik sa kanyang kwarto nang muli siya nitong tawagin.
"Gabbie," tawag nito sa kanya. Nilingon niya ito— hinintay kung ano ang sasabihin nito. Kaya lang, hindi ito umimik, nanatiling nakatitig sa kanya. Kapag kuwan'y "Nothing," anito.
Tumalikod na siya. Masama ang loob niyang nag-ayos ng gamit.
*****
Matapos niyang masiguro na-empake niya lahat ng gamit niya, nagmadali siyang bumaba at hinanap si Lola Candi. Gusto sana niyang isauli ang singsing sa matanda. Kung anuman ang rason kung bakit nito iyon ibinigay sa kanya, ayaw na niyang malaman. Magulo ang isip niya at ayaw na niyang mag-isip. Ang importante aalis na siya. Kaya lang ang sabi ni Manang Aida, lumabas daw si Lola Candi kasama si Maxine at nagpunta sa bayan. Gusto niyang maimbyerna. Mukha talagang nagdo-double time si Maxine sa pagpapapansin. Siniguro ng katulong sa kanya na alam ng matanda ang pag-alis niya, dahil ipinaalam daw iyon ni Phoenix sa Lola nito.
Nanghihinayang man na hindi siya makakapag-paalam ng personal sa matanda, hindi na siya muli pang umakyat upang magpaalam kay Phoenix. Sinabi naman na niya kanina na uuwi na siya at pumayag ito. Saka na lang niya ito kakausapin, kapag nakauwi na siya. Kay Phoenix na rin niya ibabalik ang singsing.
Pinakiusapan niya si Mg Nanding na ihatid siya sa bayan. Subalit tumanggi ang matandang lalaki. Hintayin daw niya si Phoenix dahil may pupuntahan din daw ito.
Wala na siyang nagawa kundi ang maghintay. Hapon na nang bumaba ang magaling niyang amo. Nanuot sa ilong niya ang natural na panlalaking amoy nito— malinis, mabango. Napakaguwapo nito sa kaswal nitong cargo shorts at sports shirt. Lalo pang nagpadagdag sa appeal nito ang designer shades na suot nito.
Muli niyang sinaway ang sarili nang lumundag na naman sa kung saan ang puso niya. Masarap sanang tumili at magpaalipin sa kilig. Kaya lang, galawan na naman iyon ng mga marurupok. At kanina, habang mangiyak-ngiyak siyang nage-empake, pinangako niya sa sariling magbabagong-buhay na siya. Iiwasan na niyang maging interpreter sa mga pa-fall moves nito. Hindi na rin siya magpupuyat para bigyan ng meaning ang mga ginagawa nito na wala naman talagang meaning. At higit sa lahat hindi na siya magpapakaburo sa banga ng pagsintang tunay para sa masungit.
"Are you ready?" tanong nito nang makalapit sa kanya.
Tumango lang siya at tumayo sa kinauupuan niya. "M-may lakad ka rin daw?" hindi niya napigilang tanungin.
Ngumiti ito, inayos ang shades. "Yeah. I'm going home with you." Kumalma nang kaunti ang umiiyak niyang puso. Sasabay pala ito sa kanya pauwi. Inabot nito sa kanya ang isang red basketball jacket na may burdang number 4 sa likod. "Wear this. The travel could be chilly. Manipis pa naman ang suot mo," anito. Alanganin niya iyong tinanggap at sinuot. Mabango ang jacket, malambot din. Masarap isuot.
Maya-maya pa, pinaandar na ni Mg Nanding ang sasakyan. Napilitan siya tuloy na sundan si Phoenix patungo sa kotse. Binuksan ni Phoenix ang pinto sa backseat bago siya nilingon. "After you," anito.
Atubili siyang pumasok ng sasakyan. Sumunod ito. Wala silang imikan habang lulan ng sasakyan. Siniguro rin ni Gabbie na nakasiksik siya nang maigi sa kabilang dulo nang backseat upang hindi sila magdikit ng amo niyang masungit at salawahan.
"We're here," anunsiyo nito maya-maya. Nagtataka niyang ipinalibot ang tingin. Ni hindi man lang sila dumaan sa bayan. Nadaanan nila ang isang arko na may nakasulat na Rancho Reyes. Bago pa man siya makapagtanong, binagtas na nila ang maalikabok at mahabang daan bago tumigil ang sasakyan sa harap ng isang malaking bahay na gawa sa kahoy at semento. Malawak ang lawn niyon, gaya rin ng bahay nina Phoenix, kaya lang walang anumang borloloy. Gayunpaman, halatang alaga ang bahay. Mas malawak din ang solar kung saan iyon na nakapuwesto.
Unang bumaba ng sasakyan si Phoenix, nagmadali siyang sumunod. Si Carlo ang sumalubong sa kanila. "Finally, right on time," anito bago sila iginiya sa likurang bahagi ng bahay.
"Akala ko ba uuwi na tayo?" pukaw niya kay Phoenix.
"Yeah."
"E bakit─"
Nabitin sa ere ang sana'y sasabihin niya siya nang tumambad sa kanya ang isang chopper sa likod-bahay.
"There's our ride," anunsiyo ng amo niya.
Awtomatikong umalon ang kaba mula sa tiyan niya patungo sa dibdib niya. Juskolerd! Sasakay sila ng chopper pauwi!
Natigilan siya, mariing hinila ang laylayan ng damit ni Pheonix. Kunot-noo itong lumingon.
"What?"
Napalunok siya. "H-hindi pa 'ko nakakasakay sa─"
Mabilis nitong hinawakan ang kamay niya. "Relax. It's gonna be okay. I'm with you," anito sabay ngiti.
Magkahawak kamay silang lumapit sa chopper. Una siyang pinaakyat ni Phoenix, habang kinakausap nito si Carlo. At habang abala ang windang na isip niya kung paano siya makaka-survive sa siguradong nakakalokang biyaheng iyon pauwi, noon naman sumakay sa pilot's seat si Dax. Naka-aviator's shades ito at kuntodo ang ngiti sa kanya.
"Welcome aboard, Ms. Centeno. I'll be your pilot for this flight. Have you ever rode on a chopper before?" kaswal na tanong nito. Marahas siyang umiling. "It's okay. The first flight is always memorable." Wala sa sarili siyang napa-sign of the cross. Natawa ang lalaki. "Don't worry. I can drive this bird even when my eyes are closed."
Natawa siya subalit nakangiwi. Hindi niya alam kung nakatulong ba sa nerbyos niya ang sinabi ng lalaki. Maya-maya pa, nangunot-noo ito.
"Hey, you're wearing the jacket," komento nito.
Wala sa sarili siyang napahawak sa jacket na suot niya. "P-pinasuot ni Phoenix," aniya.
Ngumisi ito. "When we were in highschool and still playing for junior varsity basketball, Carlo, Trevor, Phoenix and I, use to make novelty jackets like that. We used to give it to girls we'd like to date during SGA's Grand Ball. Carlo gave Raine his last jacket. Trevor gave his to Sienna, his wife. I gave mine to..." Natigilan ito, tila nag-iisip. "Forget it, I can't even recall her name nor her face anymore. And as for Phoenix, I don't remember him giving away his jacket during our last SGA Grand Ball. He gave his date a different jacket that night." Makahulugan itong ngumiti. "Now I see why. Hindi lang pala 'yong Astrum ang binigay niya sa 'yo, pati na rin ang jacket niya."
"Astrum?" nagtataka niyang tanong.
Ngumiti ito. "Yeah the necklace he gave you. It's called Astrum. Google it. Thank me later" anito bago kinalikot ang ilang controls ng chopper. "Paul's right. You're the girl," natatawang dugtong nito.
Gusto pa sana niyang magtanong kaya lang pinaandar na ni Dax ang chopper. Mabilis namang lumulan si Phoenix sa tabi niya. Si Carlo naman, pumuwesto sa co-pilot seat. Bumalik na naman siya sa pagte-tensyon. Si Phoenix na rin ang naglagay ng headset niya dahil kahit iyon, hindi niya magawa sa sobrang panginginig.
Nang umangat ang chopper sa lupa, umabot na sa langit ang nerbyos niya. Napapikit na siya nang tuluyan at walang hiya-hiyang yumakap kay Phoenix.
"It's okay, babe. I got you," anito bago masuyong hinalikan ang ulo niya.
Sa ibang pagkakataon baka kinilig na siya sa ginawa nito. Kaya lang, natetensyon siya, natatakot, naiihi, nauutot at nasusuka nang sabay-sabay!
Juskolerd! Ayaw niyang magkalat!
Pinilit niyang kumalma. Nagtawag siya ng mga santo. Hindi pa siya nakuntento, kinanta niya ang lahat ng mga kinakanta nila noon tuwing misa sa parokya─ mula opening song hanggang sa blessing. Hinigpitan niya ang pagyakap kay Phoenix habang pinapanatiling pikit ang kanyang mga mata. Panay naman ang hagod ni Phoenix sa likod niya.
Matapos ang mahigit kalahating oras, lumapag din ang chopper. Nanatili siyang nakapikit at nakayakap kay Phoenix. Saka lamang siya nagmulat nang sinabi nitong, "We've landed, babe. Open your eyes."
Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito. Mabilis pa sa alas-kwatro siyang kumalas sa masungit at hinamig ang sarili. Mabilis niyang ipinaikot ang tingin sa paligid. Latag na pala ang dilim at nakahimpil sila sa helipad ng hindi niya malamang building.
"I feel holier," ani Dax, na nasa pilot's seat pa rin. Bumaling ito kay Carlo. "What about you?"
"Yeah, me too. I feel like confessing my sins to a clergy," sagot naman ni Carlo.
"Such SOB's. It's her first time! Stop being an ass, you two!" naiiritang sabi ni Phoenix, bago binuksan ang pinto ng chopper. "Anyway, ring me for whatever. We'll go ahead. Thanks psychos," paalam nito bago bumaba ng chopper. Naguguluhan man, mabilis siyang nagpasalamat kina Dax at Carlo bago siya sumunod sa amo niya.
Wala silang imikan ni Phoenix habang nakalulan sila ng elevator. Para tuloy silang hindi nagyakapan ilang minuto lang ang nakararaan. Sabagay mabuti na 'yon. Hindi pa bumabalik sa normal na tibok ang puso niya, pati huwisyo niya, kalat-kalat pa rin.
Pagdating sa lobby ng building, doon lang niya nakita na sa Dela Vega Development Corporation sila nag-landing. Isa ang kumpanyang iyon sa pinakamalaking property developer sa Pilipinas at South East Asia. Nang marating nila ang lobby, nagpatawag si Phoenix ng taxi sa receptionist.
"Uuwi na 'ko," alanganing paalam niya habang hinihintay nila ang taxi sa entrance ng building.
"Sumama ka muna sa akin sa penthouse. We'll talk," seryosong sabi nito.
Gusto niya pa sanang tumutol, kaya lang dumating na ang taxi. Marahan siya nitong hinila papasok doon. Atubili siyang sumakay.
Muli, wala silang imikan habang patungo sila sa penthouse. Okupado kasi ang isip niya ng kung anong pag-uusapan nila. Kinuha rin niya ang oras na iyon upang pakalmahin pa lalo ang sarili.
Pagdating nila sa penthouse, malinis na iyon. Ni walang bahid ng lampungan ng mag-asawang Paul at Nikki. Napairap siya. Naisip na naman niya ang walang silbing pagmamaganda niya ng nakalipas na ilang araw.
Inalis nito ang shades nito at ipinatong sa center table. Ang akala niya ay mauupo ito sa couch ngunit imbes na manatili sa sala, inaya siya ni Phoenix sa patio sa labas. Pumuwesto ito sa kabilang dulo ng pool. Habang siya, nanatili sa glass door papasok ng bahay.
Tumitig si Phoenix sa kanya na lalong nagpatindi ng kaba sa dibdib niya.
"We are twenty steps away from each other, Gabbie. And I want you to play a game with me," seryosong umpisa nito.
"G-game?" wala sa sarili niyang sabi.
Marahan itong tumango. "I'd have ten questions for you, and you'd have ten questions for me. We'll exchange questions one after the other. Everyime we answer the question, we'd gain a step forward until we reach halfway, in front of that plant." Tinuro nito ang potted palm tree na nakapwesto malapit sa pergola. "But in the event one of us, won't answer a question, the unanswered party would gain the step forward and another question to ask."
Napairap siya. Ang daya naman, pa'no na lang kung mahirap talaga sagutin ang tanong at hindi niya masagot. E 'di nabokya na siya. Humalukipkip na siya, nagtaas ng noo.
"Ano namang mapapala ko 'pag pinatulan ko 'yang paandar mo?"
"Your freedom," seryosong sagot nito bago naglabas ng maliit na remote control sa bulsa nito. "This is another feature of my house. I can control all doors using this remote. And right now, as we speak," Itinaas nito ang remote at pinindot iyon. "All doors are closed. Pati na rin 'yang glass door sa likod mo."
Napasinghap siya. Sinubukan niyang itulak ang glass door, subalit hindi iyon bumukas. Sinubukan niya uli, nilakasan ang pagtulak, kaya lang, ayaw talaga.
"Now you can't runaway," sabi pa ni Phoenix, nagmamalaki. "And no, you can't snatch this remote from me because before you can do that, I've already thrown it 36 floors down. Leaving us stuck here on the patio till only God knows when."
Napalunok siya. "E ikaw anong mapapala mo 'pag nanalo ka?"
Ngumisi ito. "I'll decide when I reach you."
Napakamot na siya ng ulo, kabado na. "Ano ba kasing drama mo? Bakit may pa-game game ka pang nalalaman?"
"Is that your first question?"
Napapadyak na siya. "Oo 'yon na!" singhal niya habang sinusubukan pa ring buksan ang pinto.
"I'm doing this because I want to clear things between us."
Natigilan siya. "E clear naman a!" singhal niya ulit, mangiyak-ngiyak. "Hindi pa ba malinaw, isa kang masungit na babaero at isa akong engot! Anong hindi malinaw do'n?"
Humakbang ito palapit sa kanya habang bahagyang tumatawa. "I won't answer that because it's my turn to ask. Are you ready for my question?"
"Ewan ko sa 'yo!" Hindi pa rin niya tinatantanan ang pagtulak sa lintek na pinto. Natataranta na siya!
"Gabbie," tawag nito sa kanya. Bumaling siya rito. "Do you love me?"
Tumigil sa pagtibok ang kanyang puso. Napatitig siya sa mahal niya kahit sana ay ayaw niya. Tahimik lang na nakamata sa kanya si Phoenix. Seryosong hinihintay ang sagot niya. Kaya lang hindi niya kayang sagutin ang tanong na 'yon. Kaya niya, pero ayaw niya. Ayaw niyang sagutin dahil malalantad siya─ ang pagiging engot niya, ang karupukan niya, ang mga kahinaan niya, at ang pag-ibig niya kay Phoenix na wala naman talagang patutunguhan.
Namigat na ang dibdib niya. Humapdi na rin ang lalamunan niya. Ilang sandali pa, bumangon na sa dibdib niya ang awa para sa sarili. Nangilid na rin ang kanyang mga luha. Ngunit hindi siya makakapayag na mapahiya sa harap ni Phoenix. Kaya naman mabilis siyang tumalikod at lumuluhang kinalampag ang pinto.###
3965words/5:20pm/06192020
#AccidentallyInLoveHDG
A/N: This chapter is three parts 😊 Will be posting the next part on Sunday 💖
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro